61. Hindi Na Ako Nalilimitahan ng Aking Mahinang Kakayahan

Ni Yicao, Tsina

Noong 2021, ginagawa ko ang mga tungkuling nakabatay sa teksto sa iglesia, pero sa simula ng 2022, itinalaga ako sa ibang tungkulin. Kalaunan, nagnilay ako sa sarili ko at napagtanto kong dahil iyon sa malubha kong tiwaling disposisyon at palagiang pagkapit sa sarili kong mga pananaw kaya hindi naging pasok sa pamantayan ang tungkulin ko. Makalipas ang ilang buwan, hiniling sa akin ng mga lider na ipagpatuloy ko ang paggawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto. Isang araw, Nagkataong nalaman ko na itinalaga pala ako sa ibang tungkulin dati dahil sa mahina kong kakayahan, at dahil lang sa dumaming gawaing nakabatay sa teksto at kakulangan ng mga manggagawa sa teksto kaya isinaayos ng iglesia na pabalikin ako. Nang marinig ko ito, labis akong nabagabag, at naisip ko, “Akala ko noong una, pinabalik ako ulit ngayon dahil may kaunti akong kakayahan at kaya kong gampanan ang tungkuling ito, pero hindi ko inaasahan na ganito pala ako sinuri ng mga kapatid. Mukhang gaano man ako magsumikap sa tungkuling ito, masasayang lang ang lahat. Ang mga kapatid na kasisimula pa lang gumawa ng gawaing nakabatay sa teksto ay may mahuhusay na kakayahan, at pagkatapos ng kaunting paglilinang, mahihigitan nila ako. Pansamantala lang akong nagtatrabaho sa tungkuling ito. Ang mga kapatid na may mahusay na kakayahan ay malaki ang nagagampanang papel sa kanilang gawain, at mas malaki ang pag-asa nilang maligtas. Pero dahil mahina ang kakayahan ko, hindi ko kayang gampanan ang mahahalagang gawain, at maaari akong maitalaga sa ibang tungkulin anumang oras, kaya paano pa ako magkakaroon ng anumang pag-asang maligtas? Sa halip na gawin ito, mas mabuti pang mangaral na lang ako ng ebanghelyo at diligan ang mga baguhan. Kahit papaano sa gawain ng ebanghelyo, makakapaghanda ako ng ilang mabubuting gawa, at magkaroon ng kaunting pag-asang makaligtas.” Sa pag-iisip ng mga bagay na ito, labis akong nasiraan ng loob, at pinagsisihan ko pa nga na bumalik ako para gawin ang gawaing nakabatay sa teksto.

Kalaunan, napagtanto kong mali ang kalagayan ko, kaya lumapit ako sa harap ng Diyos para manalangin, “O Diyos ko, narinig ko sa mga sister na itinalaga ako sa ibang tungkulin dahil sa mahina kong kakayahan. Nalulungkot po ako nang husto, pero alam ko pong hindi ako dapat maging negatibo o magkaroon ng maling pagkaunawa. Hinihiling ko po sa Iyo na bigyang-liwanag ako para maunawaan ang Iyong layunin, para magkaroon ako ng pananalig na magsumikap na umangat.” Noong sandaling iyon, naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang nais ng Diyos ay magawang perpekto ang bawat tao, sa kahuli-hulihan ay makamit Niya, ganap na malinis Niya, at maging mga tao na Kanyang minamahal. Sinasabi Ko man na kayo ay paurong o may mahinang kakayahan, pawang totoo ang mga ito. Ang pagsasabi Ko nito ay hindi nagpapatunay na binabalak Kong talikuran kayo, na nawalan na Ako ng pag-asa sa inyo, lalong hindi na ayaw Kong iligtas kayo. Naparito Ako ngayon upang gawin ang gawain ng pagliligtas sa inyo, na ang ibig sabihin ay ang gawain na Aking ginagawa ay isang pagpapatuloy ng gawain ng pagliligtas. Ang bawat tao ay may pagkakataon upang magawang perpekto: Basta’t ikaw ay handa, basta’t patuloy kang naghahangad, sa huli ay magagawa mong makamit ang resultang ito, at walang sinuman sa inyo ang matatalikuran. Kung mahina ang iyong kakayahan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong mahinang kakayahan; kung magaling ang iyong kakayahan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong magaling na kakayahan; kung ikaw ay ignorante at mangmang, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong kamangmangan; kung ikaw ay may pinag-aralan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa katunayan na ikaw ay may pinag-aralan; kung ikaw ay nakatatanda, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong katandaan; kung ikaw ay may kakayahang magbigay ng kagandahang-loob, ang Aking mga hihingin sa iyo ay magiging alinsunod sa kakayahang ito; kung sinasabi mong hindi ka makapagbibigay ng kagandahang-loob, at magagampanan mo lamang ang isang partikular na tungkulin, maging ito man ay pagpapalaganap ng ebanghelyo, o pag-aalaga sa iglesia, o pag-aasikaso sa iba’t ibang mga pangkalahatang usapin, ang Aking pagpeperpekto sa iyo ay magiging alinsunod sa tungkulin na iyong ginagampanan. Ang pagiging tapat, ang pagpapasakop hanggang sa pinakahuli, at ang paghahangad na magkaroon ng pinakadakilang pag-ibig sa Diyos—ito ang kailangan mong tuparin, at wala nang iba pang mas magandang mga pagsasagawa kaysa sa tatlong bagay na ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). Talagang naantig ako ng mga salita ng Diyos. Inihanda ng Diyos ang pagkakataon para sa kaligtasan para sa lahat, hindi alintana kung mahina o mahusay ang kakayahan ng isang tao, o kung matanda man siya o bata, nagtatakda ang Diyos ng mga kinakailangan sa bawat tao ayon sa kanilang aktuwal na tayog at kakayahan, at nagsasaayos ng angkop na mga tungkulin para sa bawat tao. Anuman ang tungkuling ginagawa ng isang tao, basta’t hinahangad nila ang katotohanan at tapat sila sa Diyos, ibibigay ng Diyos ang Kanyang kaligtasan nang pantay-pantay, hindi Siya nagpapakita ng paboritismo. Naisip ko ang brother sa video ng patotoong batay sa karanasan na pinamagatang “Ang Matatanda ay Pwede Pa Ring Magpatotoo sa Diyos.” Bagama’t napakatanda na niya at may karamdaman, ginawa niya ang lahat ng makakaya niya sa kanyang tungkulin, lalo na sa pagpapatuloy, at nagsanay siyang magsulat ng mga artikulong batay sa karanasan para magpatotoo sa Diyos. Nagawa niyang makaunawa ng ilang katotohanan, at nagpakita ng pag-usad ang kanyang buhay. Ipinapakita nito ang pagiging patas at matuwid ng Diyos. Nagtatakda ang Diyos ng mga hinihingi sa bawat tao ayon sa kanilang pinagmulan, tayog, at kakayahan, at hindi Niya sinusubukang pahirapan ang sinuman. Pero hindi ko naunawaan ang layunin ng Diyos, at mali ang akala ko na tanging ang mga may mahusay na kakayahan ang maliligtas, at na ang mga may mahinang kakayahan ay hindi maliligtas. Kaya nang malaman kong sinuri ako ng mga kapatid bilang isang taong may mahina akong kakayahan, at na hindi ako karapat-dapat sa gawaing nakabatay sa teksto, naramdaman kong hindi ako makagaganap ng malaking papel sa iglesia, na hindi ako gusto ng Diyos, at na wala akong pag-asang maligtas. Nagsisi pa nga akong bumalik para gawin ang gawaing nakabatay sa teksto. Namumuhay ako sa aking mga kuru-kuro at imahinasyon, nagkakamali ng pagkaunawa sa Diyos, at talagang hangal ako at walang katwiran! Sa katunayan, alam ng Diyos kung ano ang kakayahan ko, at alam din iyon ng mga kapatid. Dahil isinaayos ng iglesia na gumawa ako ng gawaing nakabatay sa teksto, dapat akong magpasakop, gawin ang lahat ng makakaya ko para makagawa gamit ang nauunawaan ko at kaya kong gawin, at kumilos nang may malinis na konsensiya. Ito ang dapat kong gawin. Hindi na ako puwedeng patuloy na masiraan ng loob dahil sa mahina kong kakayahan.

Pagkatapos, nagsimula akong maghanap, tinatanong ang sarili ko, “Bakit, noong malaman ko ang tungkol sa mahina kong kakayahan, labis akong nasiraan ng loob at nadismaya?” Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kapag narinig ng ilang tao na sinabi ng isang may mataas na antas na lider na wala silang espirituwal na pang-unawa, pakiramdam nila ay wala silang kakayahang unawain ang katotohanan, na siguradong ayaw sa kanila ng Diyos, na wala silang pag-asang pagpalain; pero sa kabila ng katunayan na sila ay nalulungkot, normal pa rin nilang nagagawa ang kanilang tungkulin—may kaunting katwiran ang gayong mga tao. Kapag naririnig ng ilang tao na may nagsasabing wala silang espirituwal na pang-unawa, nagiging negatibo sila at ayaw na nilang gawin ang kanilang tungkulin. Iniisip nila, ‘Sinasabi mong wala akong espirituwal na pang-unawa—hindi ba’t ibig sabihin niyon ay wala na akong pag-asang pagpalain? Yamang hindi na ako makakakuha ng anumang pagpapala sa hinaharap, para saan at nananampalataya pa ako? Hindi ko tatanggapin na papagserbisyuhin ako. Sino ang magpapagal para sa iyo kung wala naman silang makukuhang kapalit? Hindi ako ganoon kahangal!’ May taglay bang konsensiya at katwiran ang gayong mga tao? Napakaraming biyaya ang tinatamasa nila mula sa Diyos subalit hindi sila marunong tumanaw ng utang na loob, at ayaw pa nga nilang magserbisyo. Katapusan na ng mga taong tulad nito. Ni hindi nga nila kayang magserbisyo hanggang sa huli at wala silang tunay na pananalig sa Diyos; sila ay mga hindi mananampalataya. Kung mayroon silang sinserong puso para sa Diyos at tunay na pananalig sa Diyos, kahit gaano pa sila tayahin, magbibigay-daan lang ito para mas tunay at mas tumpak nilang makikilala ang kanilang sarili—dapat nilang harapin ang bagay na ito nang tama at huwag hayaang makaapekto ito sa kanilang pagsunod sa Diyos o pagganap ng kanilang tungkulin. Kahit pa hindi sila makakatanggap ng mga pagpapala, dapat handa pa rin silang magserbisyo sa Diyos hanggang sa huli, at maging masaya na gawin iyon, nang walang mga reklamo, at dapat payagan nila ang Diyos na patnugutan sila sa lahat ng bagay—kapag nangyari iyon saka lang sila magiging isang taong may konsensiya at katwiran. Nasa mga kamay na ng Diyos kung tatanggap man ng mga pagpapala o magdurusa ng matinding sakuna ang isang tao, may kataas-taasang kapangyarihan ang Diyos sa bagay na ito at Siya ang nagsasaayos nito, at hindi ito isang bagay na mahihiling o mapagtatrabahuhan ng mga tao. Sa halip, nakadepende ito sa kung kaya ba ng taong iyon na sundin ang mga salita ng Diyos, tanggapin ang katotohanan, at gampanan nang maayos ang kanyang tungkulin ayon sa mga hinihingi ng Diyos—susuklian ng Diyos ang bawat tao ayon sa kanyang mga gawa. Kung may kaunting sinseridad gaya nito ang isang tao, at ibinubuhos niya ang buong lakas na makakaya niya sa tungkuling dapat niyang gawin, kung gayon ay sapat na iyon, at makukuha niya ang pagsang-ayon at pagpapala ng Diyos(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem). “Nananampalataya ang mga anticristo sa Diyos para lamang sa layon na makapagtamo ng pakinabang at mga pagpapala. Kahit na magtiis sila ng kaunting pagdurusa o magbayad ng kaunting halaga, ito ay pawang para makipagtawaran sa Diyos. Napakalaki ng kanilang layunin at pagnanais na magtamo ng mga pagpapala at gantimpala, at mahigpit nila itong pinanghahawakan. Wala silang tinatanggap na kahit ano sa maraming katotohanang ipinahayag ng Diyos, sa puso nila ay palagi nilang iniisip na ang pananampalataya sa Diyos ay pawang tungkol sa pagtatamo ng mga pagpapala at pagtitiyak ng isang magandang hantungan, na ito ang pinakamataas na prinsipyo, at na walang makakalampas dito. Iniisip nila na hindi dapat manampalataya ang mga tao sa Diyos maliban na lang para sa kapakanan ng pagkamit ng mga pagpapala, at na kung hindi dahil sa mga pagpapala, ang pananampalataya sa Diyos ay magiging walang kahulugan o halaga, na mawawalan ito ng kahulugan at halaga. Ikinintal ba ng ibang tao ang mga ideyang ito sa mga anticristo? Nagmumula ba ang mga ito sa edukasyon o impluwensiya ng iba? Hindi, itinatakda ang mga ito ng likas na kalikasang diwa ng mga anticristo, na isang bagay na walang sinuman ang makakabago. Sa kabila ng pagsasalita ngayon ng napakaraming salita ng Diyos na nagkatawang-tao, walang tinatanggap na kahit na ano sa mga ito ang mga anticristo, sa halip ay nilalabanan at kinokondena nila ang mga ito. Hindi kailanman magbabago ang kalikasan nila na tutol sa katotohanan at namumuhi sa katotohanan. Kung hindi sila makakapagbago, ano ang ipinahihiwatig nito? Ipinahihiwatig nito na buktot ang kanilang kalikasan. Hindi ito isyu ng paghahangad o hindi paghahangad sa katotohanan; isa itong buktot na disposisyon, walang pakundangan itong maingay na pagtutol sa Diyos at paglaban sa Diyos. Ito ang kalikasang diwa ng mga anticristo; ito ang totoong mukha nila(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Mapaminsala, at Mapanlinlang (Ikalawang Bahagi)). Salamat sa paglalantad ng mga salita ng Diyos, natagpuan ko ang ugat ng problema. Lumalabas na sa likod ng aking pagiging negatibo at mga maling pagkaunawa ay may mga maling pananaw pala sa kung ano ang dapat hangarin. Itinuring ko ang paghahangad ng mga pagpapala sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos bilang isang lehitimong layon ng paghahangad, at nang hindi natupad ang pagnanais ko para sa mga pagpapala, nawalan ako ng pag-asa, nadismaya, naging negatibo, at nasaktan. Nang masuri ako na may mahinang kakayahan at hindi angkop para sa gawaing nakabatay sa teksto, naisip kong tapos na ako, at gaano man ako magsumikap, wala itong silbi, at malao’t madali, matitiwalag din ako. Dahil dito, namuhay ako sa negatibong kalagayan, at nawalan na ako ng ganang gawin ang mga tungkulin ko. Nakita kong ginagawa ko lang pala ang mga tungkulin ko para magkamit ng mga pagpapala, at namumuhay pala ako ayon sa mga satanikong pilosopiya na “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba” at “Huwag tumulong kung walang gantimpala.” Lahat ng ginawa ko ay udyok ng salitang “pakinabang.” Kung may isang bagay na kapaki-pakinabang para sa kinabukasan ko o makapagdudulot ng mga pagpapala, handa akong gawin iyon, at natutuklasan kong kaya kong magdusa at magbayad ng halaga. Pero kung may isang bagay na hindi kapaki-pakinabang para sa akin, ayaw ko iyong gawin, at gusto ko pa ngang iwasan o tanggihan ito. Nakita kong talagang makasarili ako at gahaman sa pakinabang! Sa pagbabalik-tanaw noong una akong nanampalataya sa Diyos, nakita kong tinalikuran ko ang lahat para sumunod sa Diyos upang magkamit ng mabuting kalalabasan at hantungan, at anuman ang mga tungkuling itinalaga ng iglesia para sa akin, nagawa kong tanggapin at magpasakop sa mga ito, at nagawa kong magdusa at magbayad ng halaga. Akala ko ay maliligtas ako at makakaligtas, kaya hindi nauubos ang lakas ko. Pero nang masuri ako ng mga kapatid na may mahinang kakayahan, pakiramdam ko ay wala akong mga pagkakataong maiangat at malinang, hindi kayang gumawa ng mahahalagang gawain, at sa huli ay matitiwalag din ako. Kaya naging negatibo ako, nagkimkim ng maling pagkaunawa, at ayaw ko nang ipagpatuloy ang paggawa ng gawaing nakabatay sa teksto. Bagama’t tila nananampalataya ako at sumusunod sa Diyos, ang pokus ko pa rin ay nasa aking kinabukasan at kapalaran. Gusto kong ipagpalit ang pagganap ko ng aking mga tungkulin para sa isang mabuting kalalabasan at hantungan, at dito, sinusubukan kong makipagtawaran at linlangin ang Diyos. Tinatahak ko pala ang landas ng isang anticristo! Nang mapagtanto ko ang mga bagay na ito, labis akong nakonsensiya. Naisip ko kung paanong isinaayos ng iglesia na gumawa ako ng gawaing nakabatay sa teksto at binigyan ako ng pagkakataong magsanay sa mga tungkulin ko, at nakita kong biyaya ito ng Diyos! Pero hindi ko naisip na magpasalamat, o suklian ang pagmamahal ng Diyos. Sa halip, palagi ko lang gustong subukang makipagtawaran sa Diyos. Wala man lang akong konsensiya at katwirang dapat taglayin ng isang tao. Talagang wala akong pagkatao! Pakiramdam ko ay napakalaki ng utang ko sa Diyos, Kinamuhian ko ang sarili ko sa pagiging labis-labis na tiwali, at ayaw ko nang manatili pa sa pagiging negatibong ganito.

Kalaunan, nagpatuloy akong magnilay, iniisip, “Nang sabihin ng mga kapatid na mahina ang kakayahan ko, nasiraan ako ng loob at nalungkot. May isa pang dahilan para rito, iyon ay na hindi ko pa nasusukat kung ano ang mahusay at mahinang kakayahan, at hindi ko pa natatrato nang tama ang sarili ko.” Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Paano dapat sukatin ang kakayahan ng mga tao? Dapat itong sukatin batay sa antas ng pagkaarok nila sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Ito ang pinakawastong paraan ng paggawa nito. Ang ilang tao ay magaling magsalita, mabilis mag-isip, at bihasang-bihasa mangasiwa ng ibang tao—ngunit kapag nakikinig sila sa mga sermon, hindi nila kailanman nagagawang maintindihan ang kahit na ano, at kapag nagbabasa sila ng mga salita ng Diyos, hindi nila nauunawaan ang mga ito. Kapag nagsasalita sila tungkol sa kanilang patotoong batay sa karanasan, palagi silang bumibigkas ng mga salita at doktrina, inihahayag ang mga sarili nila bilang mga baguhan lamang, at ipinapadama sa iba na wala silang espirituwal na pang-unawa. Ang mga ito ay mga taong may mahinang kakayahan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Upang Matupad Nang Maayos ang Tungkulin ng Isang Tao, Pag-unawa sa Katotohanan ang Pinakamahalaga). “Pag-unawa man ito sa katotohanan o pag-aaral ng isang propesyon o natatanging kasanayan, nagagawa ng mga taong may mabuting kakayahan na maunawaan ang mga nakapaloob na prinsipyo upang malaman ang ugat ng mga bagay-bagay, at matukoy ang realidad at diwa ng mga ito. Sa ganitong paraan, sa lahat ng kanilang ginagawa, sa bawat trabahong pinagkakaabalahan nila, nagagawa nila ang mga tamang pagpapasya, at natutukoy ang mga wastong pamantayan at prinsipyo. Ganito ang mabuting kakayahan. Nagagawa ng mga taong may mabuting kakayahan na pangasiwaan ang superbisyon sa iba’t ibang gawain sa sambahayan ng Diyos. Hindi magagawa ng mga may katamtaman o mahinang kakayahan ang gayong trabaho. Hindi ito sa anumang paraan na isang kaso ng pagkiling ng sambahayan ng Diyos sa ilang tao o panghahamak sa ilang tao, o ibang pagtrato sa mga tao—ito ay dahil lamang sa hindi kayang pangasiwaan ng maraming tao ang suberbisyon dahil sa kanilang kakayahan. Bakit hindi nila kayang pangasiwaan ang superbisyon? Ano ang ugat na sanhi? Ito ay dahil hindi nila nauunawaan ang katotohanan. At bakit hindi nila nauunawaan ang katotohanan? Ito ay dahil ang kakayahan nila ay katamtaman, o baka napakahina pa nga. Ito ang dahilan kung bakit hindi nila maabot ang katotohanan, at hindi nila nagagawang maunawaan ang katotohanan kapag naririnig nila ito. Maaaring hindi nauunawaan ng ilang tao ang katotohanan dahil hindi sila nakikinig nang mabuti, o maaaring dahil sa sila ay bata pa at wala pang konsepto ng pananalig sa Diyos, at hindi sila masyadong interesado rito. Gayunman, hindi ang mga ito ang pangunahing dahilan. Ang pangunahing dahilan ay hindi sapat ang kakayahan nila. Para sa mga taong mahina ang kakayahan, kahit ano pa ang kanilang tungkulin, o gaano katagal na nilang ginagawa ang gawain, o gaano karaming sermon ang marinig nila o paano ka man nagbabahagi sa kanila sa katotohanan, hindi pa rin nila maintindihan ito. Pinatatagal nila ang kanilang gawain, ginugulo lamang ang mga bagay-bagay, at walang nakakamit na kahit ano. Para sa ilang tao na naglilingkod bilang mga lider ng pangkat at nangangasiwa sa superbisyon ng ilan sa mga gawain, nang una nilang ginampanan ang responsabilidad para sa gawain, hindi nila naaarok ang mga prinsipyo. Pagkatapos ng ilang kabiguan, naunawaan nila ang katotohanan at naarok ang mga prinsipyo sa pamamagitan ng paghahanap at mga pagtatanong. Batay sa mga prinsipyong ito, nagagawa nilang pangasiwaan ang superbisyon at nagagawa ang gawain nang sila lang. Ito ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng kakayahan. Para sa ibang tao, masasabi mo sa kanila ang lahat ng prinsipyo at mailalarawan pa nga ng detalyado kung paano isasagawa ang mga iyon, at tila mauunawaan nila ang sinasabi mo sa kanila, ngunit hindi pa rin nila naaarok ang mga prinsipyo kapag ginagawa nila ang mga bagay-bagay. Sa halip, nakadepende sila sa mga sarili nilang ideya at imahinasyon, naniniwala pa nga na ito ay tama. Gayumpaman, hindi nila masabi nang malinaw at hindi talaga nila alam kung ginagawa nila ang mga bagay-bagay alinsunod sa mga prinsipyo. Kung magtatanong sa kanila ang Itaas, matataranta sila at hindi alam ang sasabihin. Nakakaramdam lang sila ng katiyakan kapag pinapangasiwaan ng Itaas ang superbisyon at nagbibigay ng gabay. Nagpapakita ito na napakahina ng kakayahan nila. Nang may ganoon kahinang kakayahan, hindi nila natutugunan ang mga hinihingi ng Diyos o nagagawa ang ayon sa mga katotohanang prinsipyo, lalong hindi ang gampanan ang mga tungkulin nila sa kasiya-siyang paraan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Upang Matupad Nang Maayos ang Tungkulin ng Isang Tao, Pag-unawa sa Katotohanan ang Pinakamahalaga). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang mga taong may mahusay na kakayahan ay kayang maarok ang mahahalagang punto pagkatapos marinig ang mga salita ng Diyos, at mula sa mga salitang ito, mauunawaan nila ang katotohanan, mapagninilayan at makilala ang kanilang sarili, at mahahanap ng landas ang pagsasagawa at pagpasok. Bukod pa rito, ang mga taong may mahusay na kakayahan ay may espirituwal na pang-unawa at mapagkilatis. Kapag nahaharap sa mga sitwasyon, kaya nilang gumawa ng mga hinuha, at tumpak na magsagawa ayon sa mga hinihinging prinsipyo ng Diyos. Sa kabilang banda, ang mga taong may mahinang kakayahan ay mas mahina sa pag-aarok sa katotohanan at hindi gaanong mapagkilatis, at gaano man karaming sermon ang mapakinggan nila, mabagal ang kanilang paglago sa buhay. Nahihirapan silang maarok ang mga prinsipyo sa kanilang mga tungkulin, madalas ay nakasunod lang sila sa mga regulasyon, at medyo mas mahina ang pagiging epektibo ng kanilang mga tungkulin. Habang pinagninilayan ang mga salita ng Diyos, nagnilay ako sa sarili ko, “Ilang taon na akong gumagawa ng gawaing nakabatay sa teksto, at marami na akong narinig na mga prinsipyo, pero wala akong gaanong naging pag-usad. Lalo na kapag nahaharap sa medyo kumplikadong mga isyu, nalilito ako at may kadalasang sumusunod na lang sa mga regulasyon. Sa tuwing natatapos ko ang isang gampanin, kailangan pa rin itong suriin at gabayan ng mga lider, at medyo hindi ako ganoon kahusay sa trabaho.” Noon ko lang napagtanto na talagang mahina ang kakayahan ko. Dati, akala ko ay may mahusay akong kakayahan, pero hindi ito nasukat batay sa mga katotohanang prinsipyo, kundi sa sariling mga kuru-kuro at imahinasyon ko lang. Bagama’t kaya kong gumawa ng ilang trabaho, hindi ibig sabihin nito na may mahusay akong kakayahan, kundi dahil lang sa matagal ko nang ginagawa ang trabahong ito, medyo nagkaroon na ako ng ilang karanasan sa gawain. Pero kumpara sa mga kapatid na may tunay na mahusay na kakayahan, talagang marami pa rin akong kakulangan. Sa puntong ito, nagkaroon ako ng tamang pagsusuri sa aking aktuwal na kakayahan, at sa puso ko, nagawa ko nang tanggapin at kilalanin ang pagsusuri sa akin ng mga kapatid. Bagama’t hindi masyadong mahusay ang kakayahan ko, binigyan pa rin ako ng iglesia ng pagkakataong gumawa ng gawaing nakabatay sa teksto. Biyaya ito ng Diyos. Hindi ako puwedeng mawalan ng konsensiya, at kailangan kong aktibong kumilos at gawin ang tungkulin ko para suklian ang pagmamahal ng Diyos.

Pagkatapos, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos at medyo naiwasto ang maling pananaw ko sa paghahangad ng mga pagpapala. Sabi ng Diyos: “Sa anong paraan mali ang pagturing sa paghahangad ng mga pagpapala bilang layunin? Ganap itong sumasalungat sa katotohanan, at hindi ito naaayon sa layunin ng Diyos na magligtas ng mga tao. Dahil ang mapagpala ay hindi isang naaangkop na layuning dapat hangarin ng mga tao, ano ang isang naaangkop na layunin? Ang paghahangad ng katotohanan, ang paghahangad ng mga pagbabago sa disposisyon, at ang magawang magpasakop sa lahat ng pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos: ito ang mga layuning dapat hangarin ng mga tao. Sabihin natin, halimbawa, na ang mapungusan ay nagdudulot sa iyong magkaroon ng mga kuru-kuro at maling pagkaunawa, at hindi mo na magawang magpasakop. Bakit hindi mo magawang magpasakop? Dahil pakiramdam mo ay nakuwestiyon ang iyong hantungan o ang iyong pangarap na mapagpala. Nagiging negatibo ka at sumasama ang loob mo, at gusto mong sukuan ang iyong tungkulin. Ano ang dahilan nito? May problema sa iyong hangarin. Kaya paano ito dapat lutasin? Kinakailangan na agad mong talikuran ang mga maling ideyang ito, at na agad mong hanapin ang katotohanan para lutasin ang problema ng iyong tiwaling disposisyon. Dapat mong sabihin sa iyong sarili, ‘Hindi ako dapat sumuko, dapat ko pa ring magawa nang mabuti ang tungkuling dapat gawin ng isang nilikha, at isantabi ang aking pagnanais na mapagpala.’ Kapag binitiwan mo ang pagnanais na mapagpala at tinahak mo ang landas ng paghahangad sa katotohanan, mawawala ang bigat na pasan mo sa iyong mga balikat. At magagawa mo pa rin bang maging negatibo? Kahit na may mga pagkakataon pa rin na negatibo ka, hindi mo ito hinahayaang limitahan ka, at sa puso mo, patuloy kang nagdarasal at nakikibaka, binabago ang layunin ng iyong paghahangad mula sa paghahangad na mapagpala at magkaroon ng hantungan, ay nagiging paghahangad sa katotohanan, at iniisip mo, ‘Ang paghahangad sa katotohanan ay ang tungkulin ng isang nilikha. Para maunawaan ang ilang partikular na katotohanan ngayon—wala nang mas dakilang pag-aani, ito ang pinakadakilang pagpapala sa lahat. Kahit na ayaw sa akin ng Diyos, at wala akong magandang hantungan, at gumuho ang aking mga pag-asa na mapagpala, gagawin ko pa rin ang aking tungkulin nang maayos, obligado akong gawin iyon. Anuman ang dahilan, hindi ko ito hahayaang makaapekto sa wasto kong paggampan sa aking tungkulin, hindi ko ito hahayaang maapektuhan ang pagsasakatuparan ko sa atas ng Diyos; ito ang prinsipyong sinusunod ko sa aking pagkilos.’ At sa pamamagitan nito, hindi ba’t nadaig mo ang mga paglilimita ng laman? Maaaring sabihin ng ilan, ‘Paano kung negatibo pa rin ako?’ Kung gayon ay hanapin ninyong muli ang katotohanan para lutasin ito. Ilang beses ka mang malugmok sa pagiging negatibo, kung patuloy mo lang hahanapin ang katotohanan para lutasin ito, at patuloy na magpupunyagi para sa katotohanan, unti-unti kang makaaahon mula sa iyong pagiging negatibo. At balang araw, madarama mo na wala ka nang pagnanais na magtamo ng mga pagpapala at hindi ka na nalilimitahan ng hantungan at kalalabasan mo, at na mas madali at mas malaya kang mabubuhay nang wala ang mga bagay na ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Mayroong Buhay Pagpasok). Mula sa mga salita ng Diyos, natagpuan ko ang tamang layon ng paghahangad. Ang pananampalataya ay hindi dapat para sa kapakanan ng mga pagpapala, kundi para hangarin ang katotohanan, hangarin ang pagbabago sa disposisyon, at makamit ang pagpapasakop sa Diyos. Hindi alintana kung magkakaroon man ako ng mabuting kalalabasan o hantungan, isa akong nilikha, at dahil dito, dapat akong magpasakop at sumamba sa Diyos at tuparin ang aking tungkulin. Ito ang pagpapahalaga sa katwiran na dapat taglayin ng isang nilikha. Naisip ko ang labing-isang pamantayan na hinihingi ng Diyos na matugunan natin para sa ating kaligtasan, isa na rito ay nagsasabing: “Kung tunay kang isang taga-serbisyo, makakapaglingkod ka ba sa Akin nang matapat, nang walang anumang bahid ng pagpapabaya o pagiging negatibo?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Napakaseryosong Problema: Pagtataksil (2)). Sa pagninilay-nilay, ang paggawa ko ng tungkulin ay talagang hindi dapat kasama ang sarili kong mga pagnanais at hinihingi, at paano man isinasaayos ng Diyos ang mga bagay-bagay, dapat akong magpasakop nang hindi sinusubukang magpasya para sa sarili ko. Kahit sabihin pa ng Diyos na isa akong tagapagserbisyo, dapat pa rin akong tapat na magserbisyo sa Diyos at manatili sa aking lugar bilang isang nilikha. Ang marinig na sinuri ako ng mga kapatid bilang may mahinang kakayahan sa pagkakataong ito ay pinahintulutan ng Diyos, at may aral akong dapat matutuhan. Sa pamamagitan ng sitwasyong ito, nabunyag ang kasuklam-suklam kong mga intensyon na manampalataya sa Diyos para sa mga pagpapala at subukang makipagtawaran sa Diyos, na nagbigay-daan sa aking agad na makilala, magsisi, at iwasto ang dati kong mga maling pananaw sa kung ano ang dapat hangarin. Pagmamahal ito ng Diyos! Kung wala ito, hindi ko sana kailanman nakilala ang sarili ko at mahihirapan sana akong tahakin ang landas ng paghahangad sa katotohanan at pagiging ligtas. Sa pagkakatantong ito, hindi na ako nakaramdam ng paglaban sa sitwasyong ito, at ayaw ko nang mag-alala o mabahala pa tungkol sa aking kinabukasan o hantungan.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, na nagbigay sa akin ng landas ng pagsasagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “‘Kahit mahina ang kakayahan ko, mayroon akong tapat na puso.’ Ang mga salitang ito ay napakatotoo pakinggan, at sinasabi ng mga ito ang isang hinihingi ng Diyos sa mga tao. Anong hinihingi? Na kung kulang sa kakayahan ang mga tao, hindi pa naman ito ang katapusan ng mundo, sa halip dapat silang magtaglay ng tapat na puso, at kung mayroon sila noon, makatatanggap sila ng pagsang-ayon ng Diyos. Anuman ang iyong sitwasyon o pinagmulan, dapat kang maging matapat na tao, nagsasabi nang tapat, kumikilos nang tapat, nagagampanan ang iyong tungkulin nang buong puso at isipan, maging tapat sa pagganap ng iyong tungkulin, hindi magpabaya, hindi maging tuso o mapanlinlang na tao, hindi magsinungaling o manlinlang, at hindi magpaligoy-ligoy sa pagsasalita. Kailangan mong kumilos ayon sa katotohanan at maging isang taong naghahangad sa katotohanan. Maraming tao ang nag-iisip na mababa ang kanilang kakayahan, at hindi nila kailanman maayos na nagagampanan ang kanilang tungkulin o naaabot ang pamantayan. Ibinubuhos nila ang lahat-lahat nila sa kanilang ginagawa, ngunit hindi nila kailanman maunawaan ang mga prinsipyo, at hindi pa rin sila makapagtamo ng napakagagandang resulta. Sa huli, ang nagagawa na lamang nila ay dumaing na sadyang napakababa ng kanilang kakayahan, at sila ay nagiging negatibo. Kaya, hindi na ba makasusulong kung mababa ang kakayahan ng isang tao? Ang pagkakaroon ng mababang kakayahan ay hindi isang nakamamatay na sakit, at hindi kailanman sinabi ng Diyos na hindi Niya ililigtas ang mga taong may mababang kakayahan. Tulad ng sinabi noon ng Diyos, nagdadalamhati Siya sa mga taong matatapat ngunit mangmang. Anong ibig sabihin ng pagiging mangmang? Sa maraming kaso, ang kamangmangan ay nagmumula sa pagiging mababa ang kakayahan. Kapag mababa ang kakayahan ng mga tao, may mababaw silang pagkaunawa sa katotohanan. Hindi ito sapat na partikular o praktikal, at kadalasang limitado ito sa isang paimbabaw o literal na pagkaunawa—limitado ito sa doktrina at mga regulasyon. Iyon ang dahilan kung kaya’t hindi nila makita nang malinaw ang maraming problema, at hindi kailanman maunawaan ang mga prinsipyo habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, o mahusay na magawa ang kanilang tungkulin. Ayaw ba ng Diyos, kung gayon, sa mga taong may mababang kakayahan? (Gusto Niya.) Anong landas at direksiyon ang itinuturo ng Diyos na tuntunin ng mga tao? (Na maging isang matapat na tao.) Maaari ka bang maging matapat na tao kung sasabihin mo lamang ito? (Hindi, kailangang mayroon kang mga pagpapamalas ng isang matapat na tao.) Ano ang mga pagpapamalas ng isang matapat na tao? Una, ang hindi pagkakaroon ng pagdududa sa mga salita ng Diyos. Isa iyon sa mga pagpapamalas ng isang matapat na tao. Bukod dito, ang pinakamahalagang pagpapamalas ay ang paghahanap at pagsasagawa ng katotohanan sa lahat ng bagay—ito ang pinakamahalaga. Sinasabi mong ikaw ay matapat, pero palagi mong iniiwasang isipin ang mga salita ng Diyos at ginagawa lang ang anumang gusto mo. Pagpapamalas ba iyon ng isang matapat na tao? Sinasabi mo, ‘Bagama’t mahina ang kakayahan ko, mayroon akong matapat na puso.’ Gayumpaman, kapag may tungkulin na itinalaga sa iyo, natatakot kang magdusa at magpasan ng responsabilidad kung hindi mo ito magagawa nang maayos, kaya nagpapalusot ka para iwasan ang tungkulin mo o nagmumungkahi ka na iba na lang ang gumawa nito. Pagpapamalas ba ito ng isang matapat na tao? Malinaw na hindi. Kung gayon, paano dapat umasal ang isang matapat na tao? Dapat siyang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, maging tapat sa tungkulin na dapat niyang gampanan, at magsikap na matugunan ang mga layunin ng Diyos. Naipapamalas ito sa iba’t ibang paraan: Ang isa ay ang pagtanggap sa iyong tungkulin nang may matapat na puso, hindi isinasaalang-alang ang mga interes ng iyong laman, hindi nagiging walang sigla sa iyong tungkulin, at hindi nagpapakana para sa sarili mong pakinabang. Iyon ang mga pagpapamalas ng katapatan. Ang isa pa ay ang paggampan nang maayos sa iyong tungkulin nang buong puso at buong lakas mo, paggawa sa mga bagay-bagay nang tama, at pagsasapuso at pagmamahal sa iyong tungkulin para bigyang-kasiyahan ang Diyos. Ito ang mga pagpapamalas na dapat mayroon ang isang matapat na tao habang ginagampanan ang kanyang tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang kakayahan ng isang tao ay hindi ang pamantayan kung saan natin sinusukat kung maliligtas sila, at ang mahahalagang bagay ay kung kaya bang maunawaan at isagawa ng isang tao ang katotohanan, at kung magbabago ba ang kanilang buhay disposisyon sa huli. Para sa ilang tao, bagama’t mahina ang kanilang kakayahan at mabagal silang umunawa sa katotohanan, hinahangad nila ang katotohanan, isinasagawa ang pagiging matatapat na tao, at inilalagay ang kanilang puso at buong pagsisikap sa kanilang mga tungkulin. Ang gayong mga tao ay maaaring maligtas sa huli. Sa pag-iisip tungkol sa sarili ko, mahina ang kakayahan ko, at kadalasang sumusunod lang sa mga regulasyon, kaya hindi ako nakakamit ng magagandang resulta. Ito ang realidad ko. Pero sinasabi ng Diyos na ang pagkakaroon ng mahinang kakayahan ay hindi isang nakamamatay na sakit. Dahil mahina ang kakayahan ko at mabagal akong umunawa sa katotohanan, dapat akong maglaan ng higit na pagsisikap sa mga salita ng Diyos. Dapat akong makinig nang higit sa mga sermon at pagbabahaginan mula sa Itaas, at dapat akong maghanap, makipagbahaginan, at makipagtalakayan nang higit sa mga kapatid tungkol sa anumang mga problema o paghihirap. Sa ganitong paraan, makagagawa ako ng pag-usad at makakagawa ng ilang aktuwal na gawain. Naisip ko ang mga huwad na lider at anticristo na nabunyag sa iglesia. Ang ilan ay may mahusay na kakayahan at mga kaloob, pero dahil hindi nila hinangad ang katotohanan kahit kaunti, at ginawa lang nila ang kanilang mga tungkulin para sa kapakanan ng sarili nilang reputasyon at katayuan, sa huli, ginambala at ginulo nila ang gawain ng iglesia, at sila ay pinatalsik at itiniwalag. Bagama’t ang ilang kapatid ay maaaring walang mahusay na kakayahan, isinasagawa nila kung ano ang nauunawaan nila mula sa mga salita ng Diyos, ginagawa nila ang kanilang mga tungkulin nang buong puso at masisipag sila, at nagpapasakop sila sa anumang tungkuling isinasaayos ng iglesia para sa kanila. Dahil sila ang tamang mga tao, nagtataglay ng tamang mga puso, at may matapat na saloobin sa Diyos at sa kanilang mga tungkulin, nagagawa nilang magkamit ng ilang resulta sa kanilang mga tungkulin. Siyempre, kung talagang napakahina ng kakayahan ng isang tao, hanggang sa punto na halos hindi na nila maunawaan ang mga salita ng Diyos o ang katotohanan, nagiging mahirap para sa kanila na magkamit ng katotohanan, makamit ang pagbabago sa buhay disposisyon, at maligtas ng Diyos. Isa rin itong realidad. Kaya, kung maliligtas ba ang isang tao ay nakasalalay sa kung kaya ba niyang maunawaan ang mga salita ng Diyos, kung kaya ba niyang maunawaan at isagawa ang katotohanan, at kung magbabago ba ang kanyang buhay disposisyon. Ito ang pinakamahahalagang bagay.

Pagkatapos niyon, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos at lubos na luminaw sa akin ang tungkol sa landas ng pagsasagawa. Sabi ng Diyos: “Ang ibig sabihin ng taasan ang antas ng kakayahan ng mga tao ay kinakailangan ninyong paghusayin ang inyong kakayahang umarok, upang maunawaan ninyo ang mga salita ng Diyos, at malaman ninyo kung paano isagawa ang mga ito. Ito ang pinakapangunahing pangangailangan sa lahat. Kung susundin ninyo Ako nang hindi nauunawaan ang Aking sinasabi, hindi ba magulo ang inyong pananampalataya? Gaano man karaming salita ang Aking binibigkas, kung hindi ninyo iyon magagawa, kung medyo hindi ninyo maunawaan ang mga ito anuman ang sabihin Ko, nangangahulugan ito na kulang ang inyong kakayahan. Kung wala kayong kakayahang umarok, wala kayong mauunawaan sa sinasabi Ko, kaya napakahirap matamo ang hinahangad na epekto; marami akong hindi masabi sa inyo nang diretsahan, at hindi makakamtan ang epektong nilayon nito, kaya kinakailangang dagdagan ang gawain. Dahil kulang na kulang ang inyong kakayahang makaunawa, ang inyong kakayahang makita ang mga bagay-bagay, at ang mga pamantayang sinusunod ninyo sa buhay, kailangang maisagawa ang ‘pagpapataas ng antas ng kakayahan’ sa inyo. Hindi ito maiiwasan, at walang alternatibo. Sa gayon lamang maaaring magkaroon ng kaunting epekto; kung hindi, lahat ng salitang Aking sinasabi ay mawawalan ng saysay. At hindi ba kayo maaalalang lahat sa kasaysayan bilang mga makasalanan? Hindi ba kayo magiging mga hamak na tao sa lupa? Hindi ba ninyo alam kung anong gawain ang isinasagawa sa inyo, at kung ano ang kinakailangan sa inyo? Kailangan ninyong malaman ang inyong sariling kakayahan: Ni hindi man lang ito tumutugon sa Aking mga kinakailangan. At hindi ba nito inaantala ang Aking gawain? Batay sa inyong kasalukuyang kakayahan at pag-uugali, walang sinuman sa inyo ang angkop na magpatotoo sa Akin, ni walang sinuman sa inyo ang handang balikatin ang mabibigat na responsibilidad ng Aking gawain sa hinaharap. Hindi ba kayo labis na nahihiya? Kung magpapatuloy kayo nang ganito, paano ninyo matutugunan ang Aking mga layunin? Dapat mong gawing makabuluhan ang iyong buhay. Huwag mong hayaang lumipas ang panahon nang walang kapararakan—walang halaga ang paggawa niyon. Dapat mong malaman kung ano ang dapat mong taglayin. Huwag mong isiping alam mong gawin ang lahat—marami ka pang dapat malaman! Ano pa ang maaaring sabihin kung wala ka kahit ng pinakamaliit na sentido komun ng sangkatauhan? Hindi ba walang kabuluhang lahat iyan?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagpapataas ng Antas ng Kakayahan ay Alang-alang sa Pagtanggap ng Pagliligtas ng Diyos). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na bagama’t mahina ang kakayahan ko, at mabagal ang naging pagpasok ko sa katotohanan, at hindi ako kasinghusay ng iba sa trabaho, hindi ako puwedeng sumuko sa sarili ko, maging negatibo, o umurong. Kailangan ko pa ring aktibong magsumikap na abutin ang katotohanan, matutuhan ang mga kaugnay na prinsipyo, pahusayin ang aking kakayahan, at gawin ang lahat ng makakaya ko para matupad ang aking mga tungkulin. Kung hindi dahil sa pagsusuring ito mula sa mga kapatid, hindi ko sana nakilala ang sarili ko. Palagi kong inaakala na may mahusay akong kakayahan at kaya kong gumawa ng ilang gampanin, at namuhay ako sa isang kalagayan ng paghanga at kasiyahan sa sarili. Kung nagpatuloy ako nang ganito, hindi sana ako nagkaroon kailanman ng anumang pag-usad. Sa pag-unawa sa layunin ng Diyos, hindi na ako nalilimitahan ng aking mahinang kakayahan, at gaano man katagal pa akong makapagpapatuloy sa tungkuling ito, handa akong ialay ang aking lakas at magtiyaga sa aking tungkulin. Kahit na dumating ang araw na hindi sapat ang aking kakayahan, at maitalaga na naman ako sa ibang tungkulin, handa akong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Kalaunan, nagsimula akong magtuon sa pagpapahusay ng aking kakayahan. Aktibo akong nag-aral at nagsaliksik sa aking tungkulin, nagnilay at nagbuod sa mga nakaraang pagkakamali at paglihis sa aking mga tungkulin, at nagtuon sa paggawa ng mga bagay ayon sa mga prinsipyo. Nang hindi ko namamalayan, nagsimula akong magkaroon ng kaunting pag-usad sa aking mga tungkulin, at habang nagsusumikap akong umangat, bumuti rin ang kahusayan ko sa aking mga tungkulin.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, naramdaman ko ang pagmamahal at pagliligtas ng Diyos para sa akin, at nakita kong may iba’t ibang hinihingi ang Diyos para sa mga taong may iba’t ibang kakayahan. Anuman ang kakayahan ng isang tao, basta’t taos-puso niyang hinahangad ang katotohanan, at tapat siya at mapagpasakop sa kanyang mga tungkulin, hindi mahalaga kung sino man siya, ang bawat isa ay may pagkakataong maligtas. Ito ang katuwiran ng Diyos.

Sinundan:  60. Kung Bakit Mapili Ako sa Tungkulin Ko

Sumunod:  62. Responsabilidad Kong Protektahan ang Gawain ng Iglesia

Kaugnay na Nilalaman

45. Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger