63. Handa Akong Dalhin ang Pasanin sa Aking Tungkulin

Ni Xiao Yuxin, Tsina

Noong kalagitnaan ng Hulyo 2023, gumagawa ako ng tungkuling nakabatay sa teksto sa iglesia, katuwang ang dalawa pang sister: Ang isa ay bagong miyembro, si Wang Xue, at ang isa naman ay si Lin Xi. Sa pagtatapos ng Agosto, hiniling ng mga lider kay Lin Xi na pansamantalang gumawa ng ibang gampanin, kaya kami na lang ni Wang Xue ang natira sa pangkat. Karaniwan, pagkatapos naming pag-usapan ng superbisor ang gawain, ipinapagawa niya sa akin ang pagpapatupad at pangangasiwa sa mas mahihirap na gampanin, at isinasaayos niya na si Wang Xue ang gumawa ng mas simpleng mga gampanin. Noong una, kaya ko pa itong tratuhin nang tama, pero sa paglipas ng panahon, kinailangan ko nang alalahanin ang maraming gawain sa pangkat, at palaging ipinapagawa sa akin ng superbisor ang mas mahihirap na gampanin, na nangangailangan ng maraming oras at pagsisikap para magawa nang maayos. Dahil dito, kakaunti na lang ang libreng oras ko, at nakaramdam ako ng kaunting hinanakit sa puso ko, at nagsimula na akong magreklamo, “Bakit sa akin lahat ipinapagawa ang mahihirap na gampanin? Bagama’t hindi pa matagal na nagsasanay si Wang Xue at hindi pa niya gaanong kabisado ang mga prinsipyo, nakagawa na siya dati ng tungkuling nakabatay sa teksto at may kaunti na siyang pundasyon doon. Hindi ba puwede rin siyang magsanay na gumawa ng ilang medyo mas mahihirap na gampanin? Lahat na lang sa akin ipinapagawa, buong araw tuloy parang sasabog ang ulo ko sa stress, at sobrang nakakapagod namang gawin ang tungkulin ko nang ganito!” Habang lalo ko itong iniisip, lalong sumisikip ang dibdib ko.

Isang araw, hiniling sa akin ng mga lider na sumulat ng ilang liham para ipatupad ang isang gampaning nakabatay sa teksto, na medyo apurahan. Agad akong kumilos at sumulat ng dalawang magkasunod na liham, na pinag-isipan ko nang husto. Nakahinga ako nang maluwag pagkatapos kong isulat ang mga liham, at naisip ko, “May liham pa ng pakikipagtalastasan na kailangang isulat, paano man tingnan, si Wang Xue na ang dapat sumulat nito. Sa ganitong paraan, mas magiging magaan din para sa akin ang mga bagay-bagay.” Pero hindi ko inaasahan na ako na naman ang pinili ng superbisor para isulat ang liham ng pakikipagtalastasan, at labis akong lumaban sa puso ko, “Bakit ako na naman? Bakit hindi ninyo hayaang magsanay si Wang Xue sa pagsusulat ng mga liham ng pakikipagtalastasan? Iyon lang ang paraan para maging patas at makatwiran! Bagama’t medyo kulang si Wang Xue sa kanyang mga kasanayang propesyonal, hindi ba puwedeng dagdagan ko na lang at pahusayin ang isinulat niya? Sa ganoong paraan, makakatipid ako ng kaunting lakas.” Gayunpaman, naisaayos na ng superbisor ang lahat, kaya hindi na talaga ako makatanggi. Noong mga araw na iyon, sa tuwing naiisip ko kung paanong palaging ipinapagawa sa akin ng superbisor ang kung anu-ano, at kung paanong kadalasan ay mga gawain iyon na nangangailangan ng matinding pag-iisip, nakakaramdam ako ng pagkasupil at pagkainis, at hiniling ko na sana ay bumalik na agad si Lin Xi para medyo gumaan naman para sa akin ang mga bagay-bagay. Pagkatapos niyon, hindi na ako naging kasingpositibo sa paggawa ng mga tungkulin ko gaya ng dati. Pakiramdam ko, dahil dalawa na lang kami sa pangkat, basta’t mayroon akong ginagawa at may natatapos akong kaunting trabaho bawat araw, sapat na iyon. Sa ganoong paraan, hindi na rin ako masyadong mapapagod. Dahil hindi na ako naging mahigpit sa sarili ko at hindi ko hinigpitan ang mga plano, ang mga bagay na puwede sanang matapos sa araw ring iyon ay naaantala hanggang sa sumunod na araw, at madalas pa ngang sumasagi sa isip ko ang ideya na ayaw kong gawin ang tungkuling ito. Bagama’t napagtanto kong hindi tama ang saloobin ko sa aking tungkulin, at nakabasa na rin ako ng ilang salita ng Diyos tungkol sa pagganap ng tungkulin, hindi ko kailanman seryosong pinagnilayan ang sarili kong mga problema, at hindi nalutas ang mga kalagayang ito. Kapag pinag-uusapan namin nang magkakasama ang gawain, ayaw ko pa ngang magsalita, sa takot na makita ng superbisor na may ilang ideya ako at ipagawa niya ito sa akin. Kalaunan, nagnilay ako sa aking saloobin sa aking tungkulin. Bagama’t ginawa ko naman ang ipinagawa sa akin ng superbisor, marami pa rin akong reklamo sa puso ko. Hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang palagi nating paggawa ng ating mga tungkulin nang labag sa kalooban. Ipinanalangin ko sa Diyos ang aking kalagayan, na nawa’y bigyang-liwanag Niya ako at gabayan para makapagnilay ako at maunawaan ko ang sarili ko.

Habang nagninilay sa sarili ko sa panahon ng aking mga debosyonal, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Napakalawak ng saklaw ng mga tungkulin, at kinapapalooban ng maraming aspekto, pero kahit ano pang tungkulin ang ginagampanan mo, sa madaling sabi, ito ay obligasyon mo at isang bagay na dapat ginagawa mo. Hangga’t pinagsisikapan mong gampanan ito nang mabuti at nang may puso, sasang-ayunan ka ng Diyos, at kikilalanin ka Niya bilang isang taong tunay na nananampalataya sa Diyos. Kahit sino ka pa, kung lagi mo na lang sinusubukang iwasan o pagtaguan ang iyong tungkulin, may problema nga. Sa magaan na pananalita, masyado kang tamad, masyadong tuso, batugan ka, at mahilig ka sa kalayawan at namumuhi ka sa paggawa. Sa mas seryosong pananalita, ayaw mong gampanan ang iyong tungkulin, at wala kang katapatan o pagpapasakop. Kung hindi mo man lang magugol nang pisikal ang sarili mo upang pasanin ang kaunting gawaing ito, ano ang kaya mong gawin? Ano ang kaya mong gawin nang wasto? Kung ang isang tao ay may katapatan at may pagpapahalaga sa responsabilidad sa kanyang tungkulin, kung gayon, hangga’t hinihingi ito ng Diyos, at hangga’t kailangan ito ng sambahayan ng Diyos, gagawin niya ang anumang hilingin sa kanya, nang hindi namimili ng gusto niya. Hindi ba’t isa sa mga prinsipyo ng pagganap sa isang tungkulin ay ang akuin at gawin nang mabuti ang anumang makakaya at nararapat gawin ng isang tao? (Oo.) … Lahat ay mas madaling sabihin kaysa gawin. Kapag talagang ginampanan ng mga tao ang isang gawain, sa isang banda, ang mahalaga ay ang kanilang karakter, at sa isa pang banda, kailangan mong tingnan kung minamahal ba nila ang katotohanan o hindi. Pag-usapan muna natin ang tungkol sa karakter. Kung ang isang tao ay may mabuting mga katangian, nakikita niya ang positibo sa lahat ng bagay, at nagagawa niyang tanggapin at unawain ang mga bagay mula sa positibong pananaw at batay sa katotohanan; ibig sabihin, ang kanyang puso, karakter, at espiritu ay matuwid—mula ito sa pananaw ng karakter. Sunod, pag-usapan natin ang isa pang aspekto—kung mahal ba ng isang tao ang katotohanan o hindi. Ang pagmamahal sa katotohanan ay tumutukoy sa kakayahang tanggapin ang katotohanan, na ibig sabihin, naiintindihan mo man ang mga salita ng Diyos o hindi, at kung nauunawaan mo man ang layunin ng Diyos o hindi, kung naaayon man sa katotohanan ang iyong pananaw, opinyon, at perspektiba sa trabaho, sa tungkuling dapat mong gampanan, nagagawa mo pa rin itong tanggapin mula sa Diyos; kung ikaw ay mapagpasakop at sinsero, sapat na ito, ginagawa ka nitong karapat-dapat na gampanan ang tungkulin mo, at ito ang pinakamababang hinihingi. Kung ikaw ay mapagpasakop at sinsero, kapag isinakatuparan mo ang isang gawain, hindi ka magiging pabaya, at hindi ka magiging tamad nang may paglilinlang, sa halip, ibubuhos mo ang iyong buong puso at lakas dito. Kung ang panloob na kalagayan ng isang tao ay mali, at ang negatibong damdamin ay lumitaw sa kanya, nawawala ang kanyang gana at ginugusto niyang maging pabaya; alam na alam niya sa puso niya na hindi tama ang kanyang kalagayan, ngunit hindi pa rin niya ito sinisikap na ayusin sa pamamagitan ng paghahangad sa katotohanan. Ang mga ganitong tao ay walang pagmamahal sa katotohanan at bahagya lamang na gustong gampanan ang kanilang tungkulin; hindi sila mahilig magsumikap o magdusa ng hirap at palagi nilang sinusubukang magpakatamad nang may paglilinlang. Sa katunayan, nasiyasat na ng Diyos ang lahat ng ito—kaya bakit hindi Niya pinapansin ang mga taong ito? Ang Diyos ay naghihintay lamang na ang Kanyang hinirang na mga tao ay magising, na kilatisin at ilantad ang mga taong iyon, at itiwalag ang mga iyon. Gayumpaman, iniisip pa rin ng gayong mga tao, ‘Tingnan ninyo kung gaano ako katalino. Parehas tayo ng kinakain, pero pagkatapos magtrabaho ay pagod na pagod kayo, samantalang hindi man lang ako napagod. Ako ang matalino rito. Hindi ako nagtatrabaho nang husto; ang sinumang nagtatrabaho nang husto ay isang mangmang.’ Tama ba na tingnan nila ang matatapat na tao sa ganitong paraan? Hindi. Sa katunayan, ang mga taong nagtatrabaho nang husto habang ginagampanan ang kanilang tungkulin ay isinasagawa ang katotohanan at pinalulugod ang Diyos, kaya sila ang pinakamatalino sa lahat. Ano ang nagpapatalino sa kanila? Sinasabi nila, ‘Hindi ako gumagawa ng anumang bagay na hindi hinihingi ng Diyos na gawin ko, at ginagawa ko ang lahat ng hinihingi Niyang gawin ko. Ginagawa ko ang anumang hinihingi Niya, ibinibigay ko ang buong puso at lakas ko rito, at hinding-hindi ko iniraraos lang ang mga ito. Hindi ko ito ginagawa para sa sinumang tao, ginagawa ko ito para sa Diyos. Mahal na mahal ako ng Diyos; dapat kong gawin ito upang mapalugod ang Diyos.’ Ito ang tamang pag-iisip. Bilang resulta, kapag nag-aalis ng mga tao ang iglesia, ang mga tuso sa pagganap ng kanilang tungkulin ay pawang itinitiwalag, habang ang mga matapat na tao na tumatanggap sa pagsisiyasat ng Diyos ay nananatili. Ang mga kalagayan ng mga matapat na taong ito ay patuloy na bumubuti, at sila ay pinoprotektahan ng Diyos sa lahat ng mga nangyayari sa kanila. At ano ang nagbibigay sa kanila ng proteksyong ito? Ito ay dahil, sa kanilang puso, sila ay matapat. Hindi sila natatakot sa hirap o pagod kapag ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, at hindi sila mapili sa anumang iniaatas sa kanila; hindi sila nagtatanong kung bakit, ginagawa lang nila kung ano ang sinabi sa kanila, sumusunod sila, nang walang anumang imbestigasyon o pagsusuri, o pagsasaalang-alang sa anumang bagay. Wala silang mga kalkulasyon, at kaya nilang sumunod sa lahat ng bagay. Ang kanilang panloob na kalagayan ay laging napakanormal. Kapag nahaharap sa panganib, pinoprotektahan sila ng Diyos, kapag sumasapit sa kanila ang karamdaman o salot, pinoprotektahan din sila ng Diyos, at sa hinaharap ay magtatamasa lamang sila ng mga pagpapala. May ilang tao na sadyang hindi maunawaan ang bagay na ito. Kapag nakakakita sila ng mga matapat na tao na kusang nagtitiis ng hirap at pagod sa paggampan ng kanilang tungkulin, iniisip nila na ang matatapat na taong ito ay mga mangmang. Sabihin ninyo sa Akin, ito ba ay kamangmangan? Ito ay sinseridad, ito ay tunay na pananalig. Kung walang tunay na pananalig, maraming bagay na hindi talaga maiintindihan o maipapaliwanag. Ang mga nakakaunawa lamang sa katotohanan, ang mga palaging namumuhay sa harap ng Diyos at may normal na mga ugnayan sa Kanya, at ang mga tunay na nagpapasakop at tunay na natatakot sa Diyos, ang siyang may pinakamalinaw na pagkaalam sa kanilang puso kung ano ang tunay na nangyayari(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem (Ikaapat na Bahagi)). Inilalantad ng Diyos na ang mga gumagawa ng kanilang tungkulin pero ayaw magdusa o magbayad ng halaga at palaging sinusubukang tumakas ay mga taong tamad, at mahilig sa layaw at namumuhi sa pagtatrabaho. Ang gayong mga tao ay walang pagkatao at hindi tapat sa paggawa ng kanilang mga tungkulin. Pinagnilayan ko ang sarili kong kalagayan at pag-uugali kumpara sa mga salita ng Diyos. Matapos mailipat si Lin Xi, kami na lang ni Wang Xue ang natira sa pangkat. Bagama’t noong una ay handa akong pasanin ang aking tungkulin, sa paglipas ng panahon, kinailangan ko nang alalahanin ang maraming gampanin, at palaging isinasaayos ng superbisor na ako ang gumawa ng mas mahihirap na gampanin na nangangailangan ng pagsisikap at pagbabayad ng halaga, kaya araw-araw ay parang sasabog ang ulo ko sa stress. Nagsimula akong isipin na ang paggawa ng tungkulin ko sa ganitong paraan ay may kalakip na sobrang pagdurusa, kaya nagreklamo ako at nagmaktol. Para maiwasan ng laman ko ang pagdurusa at pagkapagod, palagi kong iniisip na ipasa ang trabaho kay Wang Xue para mas makapag-relax ako, pero ipinagawa sa akin ng superbisor ang lahat ng mahihirap na gampanin. Kapag hindi natutugunan ang mga interes ng sarili kong laman, nakakaramdam ako ng paglaban at kawalan ng kasiyahan. Kahit ginagawa ko ang trabaho, ginagawa ko lang ito dahil wala akong pagpipilian, at sabik na sabik ang puso kong naghihintay sa pagbabalik ni Lin Xi para mahati namin ang trabaho at mas kaunti ang pagdurusang kailangan kong tiisin. Kapag pinag-uusapan namin ang gawain nang magkakasama, nagiging tuso ako at hindi ako nagsasabi ng mga opinyon ko, sa takot na hilingan ako ng superbisor na gumawa pa ng mas maraming trabaho, at ayaw ko na ngang gawin ang tungkuling ito. Nakita kong ako nga mismo ang uri ng tamad na tao na mahilig sa layaw at namumuhi sa pagtatrabaho na inilantad ng Diyos. Itinuturing ng mga tapat na gumagawa ng kanilang tungkulin ang kanilang tungkulin bilang bahagi ng kanilang mga pangunahing responsabilidad. Gaano man karami ang dapat nilang pagdusahan o gaano man kalaki ang halagang dapat nilang bayaran, magkukusa silang pasanin ang anumang dapat nilang gawin at ilagay ang kanilang puso at isipan sa pagtatrabaho rito. Hindi sila tamad o tuso, at masigasig sila sa pag-ako ng responsabilidad para magawa nang maayos ang kanilang tungkulin. Nakapagpapanatag ito sa tao at nakapagbibigay-kasiyahan sa Diyos. Pero ako naman, palaging isinasaalang-alang ang laman sa paggawa ng aking tungkulin. Tamad ako at tuso, at hindi ko kayang ilagay ang buong puso at isip ko sa aking tungkulin. Nakita kong isa akong taong may masamang pagkatao, na ginamit ang pagkukunwaring gumagawa ng tungkulin para magpakasasa sa kaginhawahan at maging palamunin sa sambahayan ng Diyos. Sobrang kasuklam-suklam at nakapandidiri ako! Binigyan ako ng Diyos ng pagkakataong gawin ang tungkulin ko at makamit ang katotohanan, pero isinaalang-alang ko ang laman at hindi ko ito pinahalagahan. Kapag nawala na ang pagkakataong ito, huli na ang lahat para magsisi. Hindi ko na puwedeng tratuhin nang ganito ang tungkulin ko. Kailangan kong baguhin agad ang mga bagay-bagay.

Kalaunan, nakipagtipon sa amin ang superbisor at nagbasa ng ilang salita ng Diyos. May isang sipi roon na partikular na tumutukoy sa aking kalagayan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at nauunawaan ang katotohanan, ang kalikasan ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa kalikasang iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katayuan? Bakit ka mayroong gayong katitinding damdamin? Bakit ka nasisiyahan sa mga di-matutuwid na bagay na iyon? Bakit gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang batayan ng pagkahilig mo sa mga ganoong bagay? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit ka masayang-masaya na tanggapin ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan sa likod ng lahat ng bagay na ito ay dahil nasa kalooban ng tao ang lason ni Satanas. Kaya, ano ang lason ni Satanas? Paano ito maipapahayag? Halimbawa, kung magtatanong ka ng, ‘Paano dapat mamuhay ang mga tao? Para saan ba dapat nabubuhay ang mga tao?’ sasagot ang mga tao: ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang pilosopiya at lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Anuman ang hinahangad ng mga tao, ginagawa nila ito para sa kanilang sarili—kaya’t nabubuhay lamang sila para sa kanilang sarili. ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’—ito ang pilosopiya sa buhay ng tao, at kinakatawan din nito ang kalikasan ng tao. Naging kalikasan na ng tiwaling sangkatauhan ang mga salitang ito at ang mga ito ang tunay na larawan ng satanikong kalikasan ng tiwaling sangkatauhan. Ang satanikong kalikasang ito na ang naging batayan para sa pag-iral ng tiwaling sangkatauhan. Sa loob ng ilang libong taon, namuhay ang tiwaling sangkatauhan ayon sa kamandag na ito ni Satanas, hanggang sa kasalukuyang panahon(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, may naunawaan ako tungkol sa ugat ng aking pag-aatubiling magdala ng mga pasanin. Palagi akong namumuhay ayon sa mga satanikong tuntunin ng pananatiling buhay tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba” at “Makakuha ng benepisyo nang walang pagdurusa o pagkalugi.” Ang mga bagay na ito ay malalim na nakatanim sa aking puso, at naging kalikasan ko na. Sa pamumuhay ayon sa mga satanikong lason na ito, lalo akong naging makasarili at kasuklam-suklam, at isinasaalang-alang ko ang mga interes ng aking laman sa aking asal at sa lahat ng ginagawa ko. Sa simula, tatlo kaming nagtutulungan, at nahahati ng lahat ang bigat ng trabaho. Hindi gaanong nakakapagod para sa laman, at kaya kong magtrabaho nang normal. Gayunpaman, matapos mailipat si Lin Xi sa ibang mga tungkulin, nabunyag ang makasarili at kasuklam-suklam kong kalikasan. Nang ipagawa sa akin ng superbisor ang mas mahihirap na gawain, nakaramdam ako ng paglaban at nagreklamo ako, at pakiramdam ko ay dehado ako. Talagang hindi ko itinuring ang aking tungkulin bilang aking responsabilidad. Sa katunayan, matagal na akong gumagawa ng tungkuling nakabatay sa teksto at may ilang prinsipyo na akong naarok. Tama lang na pasanin ko ang mas maraming gawain: Ito ang tungkuling dapat kong gampanan. Gayunpaman, makasarili ako at kasuklam-suklam at ayaw kong magdusa. Ayaw kong ilaan ang buo kong pagsisikap at hindi ko isinaalang-alang ang mga resulta ng gawain. Talagang hindi ako nakaramdam ng anumang responsabilidad. Tinamasa ko ang pagdidilig at pagtutustos ng mga salita ng Diyos, ngunit hindi ako taimtim na gumugol ng sarili para sa Diyos para suklian ang Kanyang pagmamahal. Kapag sumasalungat ang tungkulin sa aking mga makalamang interes, hindi ko isinasaalang-alang ang gawain ng iglesia, at ayaw ko pa ngang tuparin ang aking tungkulin at mga responsabilidad. Sobrang makasarili at kasuklam-suklam ako! Naisip ko kung paanong ang tungkulin ay nagmumula sa Diyos, kaya ang saloobin mo sa iyong tungkulin ay ang saloobin mo sa Diyos. Ang pagnanais na tanggihan ang aking tungkulin at iwasan ang aking mga responsabilidad ay pagkakanulo sa Diyos! Nang maisip ko ito, labis akong sumama ang loob at napuno ng paninisi sa sarili. Handa akong magsisi sa Diyos at tuparin ang tungkuling dapat kong tuparin, at maging isang taong may konsensiya at katwiran.

Pagkatapos, nagtapat at nakipagbahaginan sa akin ang superbisor tungkol sa kung paanong ang pagsasaayos ng gawain sa ganitong paraan ay pangunahing ginawa bilang pagsasaalang-alang sa katotohanang kasisimula pa lang magsanay ni Wang Xue, at nangangailangan ng oras para maging pamilyar siya sa gawain, samantalang matagal ko nang ginagawa ang tungkuling ito at mas pamilyar ako sa lahat ng aspekto nito, kabilang na ang mga kasanayang propesyonal. Kaya niya isinaayos na ako ang gumawa ng mas marami. Binasa rin sa akin ng superbisor ang mga salita ng Diyos: “Kung hinahangad ninyo ang katotohanan, dapat ninyong baguhin ang paraan ninyo ng paggawa sa mga bagay-bagay. Dapat ninyong talikuran ang inyong mga pansariling interes at ang inyong mga personal na intensiyon at ninanasa. Dapat muna kayong sama-samang magbahaginan tungkol sa katotohanan kapag gumagawa kayo ng mga bagay-bagay, at dapat maunawaan ninyo ang mga layunin at mga hinihingi ng Diyos bago ninyo paghatian ang gawain, nang binibigyang-pansin kung sino ang magaling at hindi sa kung ano. Dapat ninyong tanggapin ang kaya ninyong gawin at pangatawanan ang inyong tungkulin. Huwag kayong maglaban o mag-agawan sa mga bagay-bagay. Dapat kayong matutong makipagkompromiso at maging mapagparaya. Kung nagsisimula pa lamang ang isang tao na gumanap ng isang tungkulin o katututo pa lamang niya ng mga kasanayan para sa isang larangan, ngunit hindi pa niya kayang gumawa ng ilang gawain, hindi mo siya dapat pilitin. Dapat mo siyang takdaan ng mga gawain na medyo mas madali. Dahil dito, magiging mas madali para sa kanya na magtamo ng mga resulta sa pagganap ng kanyang tungkulin. Ganito ang pagiging mapagparaya, matiyaga at may prinsipyo. Isang bahagi ito ng kung ano ang dapat taglayin ng normal na pagkatao; ito ang hinihingi ng Diyos sa mga tao at ang dapat isagawa ng mga tao. Kung medyo mahusay ka sa isang larangan at mas matagal ka nang nagtatrabaho sa larangang iyon kaysa sa karamihan, dapat sa iyo italaga ang mas mahihirap na trabaho. Dapat mong tanggapin ito mula sa Diyos at magpasakop ka rito. Huwag kang maging mapili at magreklamo, at sabihing, ‘Bakit ako ang pinag-iinitan? Ibinibigay nila ang madadaling trabaho sa ibang tao at ibinibigay sa akin ang mahihirap. Sinusubukan ba nilang pahirapin ang buhay ko?’ ‘Sinusubukang pahirapin ang buhay mo’? Ano ang ibig mong sabihin diyan? Ang mga pagsasaayos ng trabaho ay iniaakma sa bawat tao; ang mga may higit na kakayahan ay gumagawa ng mas maraming trabaho. Kung marami ka nang natutuhan at nabigyan ka na ng Diyos ng marami, dapat kang bigyan ng mas mabigat na pasanin—hindi para pahirapin ang buhay mo, kundi dahil ito ang mismong nababagay sa iyo. Tungkulin mo ito, kaya huwag mong subukang mamili, o na tanggihan, o takasan ito. Bakit mo iniisip na mahirap ito? Ang totoo, kung medyo isasapuso mo ito, ganap na makakaya mo ito. Ang pag-iisip mo na mahirap ito, na hindi ito patas na pagtrato, na sadya kang pinag-iinitan—iyan ay pagbubunyag ng isang tiwaling disposisyon. Ito ay pagtangging gampanan ang iyong tungkulin, hindi pagtanggap mula sa Diyos. Hindi ito pagsasagawa ng katotohanan. Kapag namimili ka sa pagganap ng iyong tungkulin, ginagawa kung ano ang magaan at madali, ginagawa kung ano lang ang pinagmumukha kang magaling, ito ay isang tiwali at satanikong disposisyon. Ang hindi mo magawang tanggapin ang iyong tungkulin o makapagpasakop ay nagpapatunay na suwail ka pa rin sa Diyos, na ikaw ay sumasalungat, umaayaw, at umiiwas sa Kanya. Ito ay isang tiwaling disposisyon. Ano ang dapat mong gawin kapag nalaman mong ito ay isang tiwaling disposisyon? Kung nadarama mo na ang mga gawaing ibinibigay sa iba ay madaling tapusin samantalang ang mga gawaing ibinibigay sa iyo ay ginagawa kang abala sa mahabang panahon at kinakailangan dito na magsikap ka sa pagsasaliksik, at dahil dito ay hindi ka masaya, tama ba na hindi ka maging masaya? Talagang hindi. Kaya, ano ang dapat mong gawin kapag nadama mong mali ito? Kung ikaw ay mapanlaban at sinasabi mong, ‘Tuwing nagbibigay sila ng mga trabaho, ibinibigay nila sa akin ang mahihirap, marurumi, at higit na nangangailang gawain, at ibinibigay nila sa iba ang magagaan, simple, at kapansin-pansin na gawain. Iniisip ba nilang tao akong madali nilang ipagtulakan? Hindi ito patas na paraan ng pamamahagi ng mga trabaho!’—kung ganyan ka mag-isip, iyan ay mali. Mayroon man o walang mga paglihis sa pamamahagi ng mga trabaho, o makatwiran man o hindi ang pamamahagi ng mga ito, ano ang masusing sinisiyasat ng Diyos? Ang puso ng tao ang masusi Niyang sinisiyasat. Tinitingnan Niya kung ang isang tao ay may pagpapasakop sa kanyang puso, kung nakapagdadala siya ng ilang pasanin para sa Diyos, at kung minamahal niya ang Diyos. Batay sa pagsukat ng mga hinihingi ng Diyos, hindi katanggap-tanggap ang iyong mga palusot, hindi umaabot sa pamantayan ang pagtupad mo sa iyong tungkulin, at hindi mo taglay ang katotohanang realidad. Walang-wala kang pagpapasakop, at nagrereklamo ka kapag gumagawa ka ng ilang gawaing maraming hinihingi o marumi. Ano ang problema rito? Unang-una, mali ang iyong mentalidad. Ano ang ibig sabihin niyan? Nangangahulugan iyan na mali ang iyong saloobin sa iyong tungkulin. Kung lagi mong iniisip ang iyong pagpapahalaga sa sarili at ang mga sarili mong interes, at wala kang pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, at walang-wala kang pagpapasakop, hindi iyan ang wastong saloobin na dapat mayroon ka sa iyong tungkulin. Kung matapat kang gumugugol para sa Diyos at may-takot-sa-Diyos na puso, paano mo tatratuhin ang mga gawaing marurumi, mabibigat, o mahihirap? Magiging iba ang iyong mentalidad: Pipiliin mong gawin ang anumang mahirap at hahanapin mo ang mabibigat na pasanin. Tatanggapin mo ang mga gawaing ayaw tanggapin ng ibang tao, at gagawin mo ito dahil lamang sa pagmamahal sa Diyos at para mapalugod Siya. Mapupuno ka ng galak sa paggawa nito, nang walang anumang bahid ng reklamo. Ang mga gawaing marurumi, mabibigat at mahihirap ang nagpapakita kung ano ang mga tao. Paano ka naiiba sa mga taong tinatanggap ang magagaan at mga kapansin-pansin na gawain lamang? Wala kang masyadong ipinagkaiba sa kanila. Ganyan nga ba? Ganito mo dapat tingnan ang mga bagay na ito. Kung gayon, ang pinakanagbubunyag sa mga tao kung ano sila ay ang kanilang pagtupad sa kanilang tungkulin. Madalas, nagsasabi ng matatayog na bagay ang ilang tao, nagpapahayag na handa silang mahalin ang Diyos at magpasakop sa Kanya, ngunit kapag nakaharap sila ng hirap sa paggampan ng kanilang tungkulin, pinawawalan nila ang lahat ng uri ng reklamo at mga negatibong salita. Halatang-halata na sila ay mga ipokrito. Kung ang isang tao ay nagmamahal sa katotohanan, kapag siya ay nahaharap sa hirap sa pagtupad sa kanyang tungkulin, magdarasal siya sa Diyos at hahanapin ang katotohanan habang masigasig na ginagampanan ang kanyang tungkulin kahit pa hindi ito angkop na naisasaayos. Hindi siya magrereklamo, kahit pa nahaharap sa mabibigat, marurumi o mahihirap na gawain, at magagawa niya nang maayos ang kanyang mga gawain at magagampanan nang maayos ang kanyang tungkulin nang may pusong nagpapasakop sa Diyos. Nakadarama siya ng malaking kasiyahan sa paggawa nito, at ikinaaaliw ng Diyos na makita ito. Ito ang uri ng tao na nakukuha ang pagsang-ayon ng Diyos. Kung ang isang tao ay nagiging masungit at bugnutin sa sandaling nakaharap siya ng marurumi, mahihirap o mabibigat na gawain, at hindi siya pumapayag na punahin siya ninuman, ang ganoong tao ay hindi isang taong matapat na ginugugol ang sarili niya para sa Diyos. Maaari lamang siyang ibunyag at itiwalag(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Ipinahiya ako ng mga salita ng Diyos. Naisip ko kung paanong nilinang ako ng iglesia para gawin ang tungkuling nakabatay sa teksto sa loob ng maraming taon, at kung paanong mas marami akong nauunawaang prinsipyo kaysa kay Wang Xue. Responsabilidad kong pasanin na sa akin maitalaga ang mas mahihirap na gampanin, at hindi ko dapat sinubukang mangatwiran at iwasan ito. Isinaayos ng superbisor ang mga bagay sa ganitong paraan dahil sa pagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng gawain ng iglesia, at makatwiran ang mga pagsasaayos. Kasisimula pa lang magsanay ni Wang Xue at nasa proseso pa lang siya ng pagiging pamilyar sa mga prinsipyo. Kung ipinagawa sa kanya ang mahirap at kumplikadong gawain, maaantala nito ang pag-usad ng gawain at magdudulot ito ng stress sa kanya. Kaya dapat muna siyang atasan ng ilang mas madaling gampanin para makapagsanay siya, at kapag naarok na niya ang higit pang iba’t ibang prinsipyo, kakayanin na niyang gampanan ang mas mahihirap na gampanin kapag ipinagawa sa kanya. Gayunpaman, hindi ko ito isinaalang-alang kahit kaunti, at nagmaktol pa nga ako. Talagang masyadong kulang ako sa pagkatao at katwiran! Ngayon, naunawaan ko na na dapat nating protektahan ang mga interes ng iglesia sa paggawa ng ating tungkulin, dapat tayong matutong maging mapagparaya at maunawain sa isa’t isa, at dapat gawin ng bawat isa ang kanyang bahagi sa ating mga tungkulin. Sa pagtutulungan sa ganitong paraan, magagawa nang maayos ang gawain. Dati, akala ko ay hindi patas na palaging ipinapagawa sa akin ng superbisor ang mahihirap na gampanin. Ngayon, napagtanto kong mali ang ganitong paraan ng pagtingin sa mga bagay-bagay. Sa paggawa ng tungkulin, walang paggawa ng mas marami o mas kaunti, o pagiging patas o hindi. Alam ng Diyos ang tayog at kakayahan ng bawat isa sa atin, at alam Niya kung gaano karami ang kaya nating gawin. Ang isang pasanin ay isang pagpapala mula sa Diyos at isa ring pagkakataong ibinibigay ng Diyos sa mga tao para makapagsanay sila. Bagama’t ang paggawa ng mas marami sa mas mahihirap na gampanin ay nangangailangan ng maingat na pag-iisip at pagsasaalang-alang, maaari ka rin nitong itulak na mag-isip nang higit pa tungkol sa mga prinsipyo, at mapahusay ang antas ng iyong mga kasanayang propesyonal. Bukod pa rito, kung papasan ka ng dagdag na pressure sa iyong tungkulin, masasanay mo rin ang iyong sarili na magkaroon ng pusong handang umako ng responsabilidad. Lahat ito ay mabubuting bagay. Gayunpaman, namuhay ako ayon sa aking makasarili at kasuklam-suklam na satanikong disposisyon, hindi ko nakita ang masisidhing layunin ng Diyos, at palagi ko pa ngang gustong takasan ang aking tungkulin. Talagang hindi ko alam kung ano ang mabuti para sa akin, at binigo ko ang mga layunin ng Diyos. Sa patnubay ng mga salita ng Diyos, medyo nabago ko ang aking kalagayan, at naisip ko na ang kailangan kong gawin ngayon ay magpasakop at manatili sa aking tungkulin.

Kalaunan, pansamantalang itinalaga si Wang Xue sa ibang gampanin at kinailangan kong asikasuhin ang maraming bagay. Kinailangan kong planuhin ang aking mga pang-araw-araw na gampanin at mas mabuti kung matatapos ko ang lahat ng iyon sa araw ring iyon. Araw-araw ay parang sasabog ang ulo ko sa stress, at sabik na sabik kong hinihintay ang mabilis na pagbabalik ni Lin Xi para medyo gumaan naman para sa akin ang mga bagay-bagay. Nang maisip ko ito, naalala ko ang ilang salita ng Diyos na nabasa ko dati: “Ang bawat taong nasa hustong gulang ay kailangang magpasan ng mga responsabilidad ng isang taong nasa hustong gulang, gaano mang kagipitan ang harapin niya, gaya ng mga paghihirap, karamdaman, at maging ng iba’t ibang suliranin—ito ay mga bagay na dapat danasin at pasanin ng lahat ng tao. Ang mga ito ay bahagi ng buhay ng isang normal na tao. Kung hindi mo kayang magdala ng bigat ng pagkagipit o magtiis ng pagdurusa, nangangahulungan iyon na masyado kang marupok at walang silbi. Ang sinumang nabubuhay ay kailangang pasanin ang pagdurusang ito, at walang sinuman ang makaiiwas dito. Sa lipunan man o sa sambahayan ng Diyos, pare-pareho lang para sa lahat. Ito ang responsabilidad na dapat mong pasanin, ang mabigat na dalahing dapat ay buhat-buhat ng isang taong nasa hustong gulang, ang bagay na dapat niyang isabalikat, at hindi mo ito dapat iwasan. Kung palagi mong sinusubukang takasan o iwaksi ang lahat ng ito, lalabas ang iyong mga emosyon ng pagkapigil, at palagi kang magagapos ng mga iyon. Subalit, kung kaya mong maunawaan nang wasto at matanggap ang lahat ng ito, at makita ito bilang isang kinakailangang bahagi ng iyong buhay at pag-iral, hindi dapat maging dahilan ang mga isyung ito upang magkaroon ka ng mga negatibong emosyon. Sa isang aspekto, kailangan mong matutunang pasanin ang mga responsabilidad at obligasyon na dapat taglayin at isagawa ng mga taong nasa hustong gulang. Sa isa pang aspekto, dapat mong matutunang mamuhay nang nakakasundo ang iba sa iyong kapaligirang pinamumuhayan at pinagtatrabahuhan nang may normal na pagkatao. Huwag mong basta na lang gawin ang gusto mo. Ano ang layunin ng mamuhay nang nakakasundo ang iba? Ito ay para mas mabuting matapos ang gawain at mas mabuting matupad ang mga obligasyon at responsabilidad na dapat mong tapusin at tuparin bilang isang taong nasa hustong gulang, ang mabawasan ang mga kawalang idinudulot ng mga problemang kinakaharap mo sa iyong gawain, at ang labis na mapabuti ang mga resulta at mapabilis ang iyong gawain. Ito ang dapat mong matamo. Kung nagtataglay ka ng normal na pagkatao, dapat mo itong makamit kapag gumagawa ka sa gitna ng iba pang mga tao. Pagdating naman sa kagipitan sa trabaho, nanggagaling man ito sa Itaas o sa sambahayan ng Diyos, o kung kagipitan ito na iniaatang sa iyo ng iyong mga kapatid, isa itong bagay na dapat mong pasanin. Hindi mo maaaring sabihin na, ‘Sobra-sobra itong kagipitang ito, kaya hindi ko ito gagawin. Naghahanap lang ako ng kalibangan, kadalian, kaligayahan, at kaginhawahan sa paggawa ng aking tungkulin at paggawa sa sambahayan ng Diyos.’ Hindi ito uubra; hindi ito isang kaisipan na dapat taglayin ng isang normal na taong nasa hustong gulang, at ang sambahayan ng Diyos ay hindi isang lugar para magpakasasa ka sa kaginhawahan. Ang bawat tao ay nagpapasan ng kaunting kagipitan at pakikipagsapalaran sa kanyang buhay at gawain. Sa anumang trabaho, lalo na sa paggampan ng iyong tungkulin sa sambahayan ng Diyos, dapat mong pagsikapang makakuha ng pinakamagagandang resulta. Sa mas mataas na antas, ito ang itinuturo at hinihingi ng Diyos. Sa mas mababang antas, ito ang saloobin, pananaw, pamantayan, at prinsipyo na dapat taglayin ng bawat tao sa kanyang asal at mga kilos. Kapag gumagampan ka ng isang tungkulin sa sambahayan ng Diyos, kailangan mong matutunang sumunod sa mga patakaran at sistema ng sambahayan ng Diyos, kailangan mong matutunang sumunod, matutunan ang mga panuntunan, at umasal nang maayos. Isa itong mahalagang bahagi ng pag-asal ng isang tao(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (5)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na umaasa ang Diyos na aasal tayo ayon sa Kanyang mga hinihingi, at bilang mga nasa hustong gulang, dapat nating pasanin ang mga responsabilidad na dapat pasanin ng mga nasa hustong gulang, punuin ang ating mga puso ng mga naaangkop na bagay, at gawin ang ating naaangkop na gawain. Dapat tayong makaramdam ng responsabilidad kapag umaako tayo ng isang gampanin, at anuman ang mga problema o paghihirap na makaharap natin, dapat tayong manalangin at umasa sa Diyos at dapat nating hanapin ang katotohanan para malutas ang mga ito, tinatapos nang maayos ang lahat ng bagay na kaya nating gawin. Ito ang dapat gawin ng mga taong may konsensiya at katwiran. Naisip ko kung paanong isinaayos ng Diyos ang kapaligirang ito para sa akin sa nakalipas na dalawang buwan. Sa isang banda, ibinunyag nito ang aking makasarili at kasuklam-suklam na tiwaling disposisyon, at tinuruan din ako nito kung paano magdala ng pasanin, umako ng responsabilidad at maging isang taong nagtataglay ng konsensiya at katwiran. Hindi ko puwedeng biguin ang layunin ng Diyos. Kailangan kong umasa sa Diyos at maghimagsik laban sa laman para magawa ko nang maayos ang aking tungkulin. Pagkatapos, itinuwid ko ang aking kaisipan at pinlano kung ano ang gagawin ko bawat araw. Bagama’t marami akong trabaho at kapos sa oras, napapanatag ang aking puso sa paggawa ng aking tungkulin. Minsan, nangangailangan ng matinding pag-iisip at pagninilay para magawa ang ilang mahihirap na gampanin, ngunit itinuturing ko ang mga ito bilang mga pagkakataon upang makamit ang katotohanan at makapasok sa mga prinsipyo, kaya sa pagtatapos ng bawat araw, pakiramdam ko ay may natamo ako. Naranasan ko na kapag nagsasagawa ka ayon sa mga salita ng Diyos, payapa at panatag ang iyong puso. Ang kapaligirang dumating sa akin sa loob ng dalawang buwang iyon ay isang pagbubunyag sa akin, at pagliligtas din ng Diyos. Sa puso ko, tahimik akong nagpapasalamat at nagpupuri sa Diyos.

Sinundan:  62. Responsabilidad Kong Protektahan ang Gawain ng Iglesia

Sumunod:  64. Paano Itaguyod ang Tungkulin sa Gitna ng Panganib

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger