66. Nakawala Ako Mula sa mga Gapos ng Inggit
Noong taglagas ng 2021, gumagawa ako ng mga tungkuling nakabatay sa teksto. Noong panahong iyon, may isang sister na nagngangalang Cheng Xin na sumali sa aming pangkat. Si Cheng Xin ay may mahusay na kakayahan, at dalisay ang kanyang pag-arok. Bagama’t hindi niya lubos na nauunawaan ang mga prinsipyo, kaya niyang aktibong maghanap at tumanggap ng mga mungkahi mula sa iba. Minsan, sa harapan ko ay pinupuri ng mga sister na katrabaho ko si Cheng Xin, sinasabing kapag nabigyan na siya ng kaunting gabay sa ilang problema, mas kakaunti na ang mga paglihis at problema sa kanyang gawain pagkatapos. Pagkaraan ng ilang panahon, dahil hindi maganda ang mga resulta ng isang pangkat na nasa responsabilidad namin, nakipag-usap sa amin ang superbisor tungkol sa pagsasaayos kay Cheng Xin upang makipagtipon at makipagbahaginan sa kanila. Naisip ko, “Wala pang isang buwan dito si Cheng Xin, at hindi pa niya gaanong nauunawaan ang mga prinsipyo. Isinaayos ninyo na siya ang pumunta, nang hindi man lang ako tinatanong kung gusto kong pumunta. Sa tingin ba ninyo ay mas mahusay ang kakayahan ni Cheng Xin kaysa sa akin, at ang mga resultang makakamit niya sa pamamagitan ng kanyang pakikipagbahaginan ay mas magiging mahusay kaysa sa makakamit ko? Hindi ko akalaing pagkatapos ng maraming taon ng pagsasanay, hindi pa rin ako magiging kasinghusay ng isang baguhan.” Gayumpaman, naisip ko kung paanong noong huli akong nakipagbahaginan, hindi talaga naging ganoon kaganda ang mga resulta, kaya wala akong sinabi. Pagkatapos, nang makita kong personal na ginagabayan ng superbisor si Cheng Xin sa gawain nito, hindi talaga ako natuwa, iniisip na, “Kadarating lang ni Cheng Xin at pinahalagahan at nilinang na agad siya ng superbisor. Mukhang hindi ako kasinghusay niya. Pinakamainam kung pupunta si Cheng Xin sa pagtitipon sa pagkakataong ito pero hindi magkakamit ng magagandang resulta. Sa gayon, hindi na siya masyadong pahahalagahan ng superbisor.” Kalaunan, bumalik si Cheng Xin mula sa pagtitipon at sinabi sa superbisor kung paano niya nalutas ang problema. Sobrang hindi ako komportable pagkatapos itong marinig, iniisip na, “Noong una akong nagsimulang magsanay, marami akong naging problema. Mas mahusay ka na kaysa sa akin ngayon. Hindi ba’t nagmumukha kang mas magaling kaysa sa akin? Hindi puwede iyan. Kailangan kong humanap ng mga kapintasan mo!” Pero wala akong makitang anumang problema sa kanya, at labis akong nadismaya.
Kalaunan, nakita kong may ilang problemang lumitaw sa tungkulin ni Cheng Xin, na nangangahulugang kailangang ulitin ang gawain. Medyo natuwa pa nga ako rito, iniisip na, “Mas marami kang magiging problema, mas mabuti. Baka sa mata ng iba, mas mahusay pa rin ako kaysa sa iyo, at hindi magkakaroon ng kasindami ng problemang tulad ng sa iyo.” Minsan, may ideyang sumagi sa isip ko: “Naiinggit ba ako kay Cheng Xin?” Gayumpaman, ayaw kong aminin na ganoon ako kasama, kaya hindi ko ito pinagnilayan. Kalaunan, nakita kong hindi naunawaan ni Cheng Xin ang mga prinsipyo sa paggawa ng kanyang tungkulin, at medyo may pinapanigan siya sa pagtingin ng mga isyu, kaya tinukoy ko ito sa kanya. Gusto kong humanap ng kapintasan niya para mabawasan ang pagkapositibo niya, pero hindi ko inasahan na kaya niya itong itrato nang tama at patuloy na gawin nang normal ang kanyang tungkulin. Labis akong nadismaya, iniisip na, “Bakit hindi ka nagiging negatibo?” Pagkaraan ng ilang panahon, Nakabisado na ni Cheng Xin ang ilang prinsipyo at kaya na niyang lutasin nang mag-isa ang mga problema sa gawain, at mas kakaunti na ang mga problemang lumitaw. Masayang sinabi ng superbisor, “Nagkaroon ng kaunting pag-usad si Cheng Xin sa panahong ito.” Gayumpaman, hindi ako masaya kahit kaunti, iniisip na, “Kasisimula pa lang magsanay ni Cheng Xin pero napakalaki na ng kanyang pag-usad. Naungusan na niya ang mga nauna. Hindi ba’t nagmumukha lang na mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya?” Habang lalo ko itong iniisip, lalo kong nararamdaman na hindi ito patas, “Dapat sana ay nalaman kong hindi ko dapat na sinabi sa iyo ang lahat ng kailangang malaman. Nang sa gayon, hindi ka sana ganyan kabilis umusad!” Namuhay ako sa inggit, puno ang isip ko ng labis na pagpapahalaga sa sarili at sa katayuan, palaging nag-iisip na makahanap ng mga paglihis at kapintasan sa tungkulin ni Cheng Xin, desperadong makagawa siya ng maraming pagkakamali. Dahil namumuhay ako sa maling kalagayan, madilim at magulo ang puso ko, at hindi ko mapansin ang marami sa mga problema sa aking tungkulin.
Isang gabi, naghahanda na akong matulog nang gunitain ko ang aking kalagayan sa paggawa ng tungkulin sa panahong iyon. Kailangan ng maraming pagsisikap para makita ang mga problema, at malabo at mabigat ang isipan ko. Hindi ko na nakikita ang mga problema nang kasinlinaw gaya dati, at hindi ko maramdaman ang pamumuno at patnubay ng Diyos. Medyo hindi ako mapakali, kaya nanalangin ako sa Diyos, “Mahal na Diyos, nitong mga nakaraan, hindi ko talaga kayang makita na mahusay na gumagawa si Cheng Xin, at hindi ko rin mapatahimik ang puso ko kapag ginagawa ko ang aking tungkulin. Hindi ko alam kung paano uunawain ang sarili ko. Nawa’y bigyang-liwanag Mo ako at gabayan.” Pagkatapos manalangin, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Bilang isang lider ng iglesia, hindi mo lamang kailangang pag-aralan na gamitin ang katotohanan upang lumutas ng mga problema, kailangan mo ring matutunang tumuklas at luminang ng mga taong may talento, na talagang hindi ninyo dapat kainggitan o pigilan. Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia. Kung makakapaglinang ka ng ilang naghahangad ng katotohanan upang makipagtulungan sa iyo at gawin nang maayos ang lahat ng gawain, at sa huli, lahat kayo ay may patotoong batay sa karanasan, kuwalipikado kang lider o manggagawa. Kung nagagawa mong asikasuhin ang lahat nang ayon sa mga prinsipyo, kung gayon ay iniaalay mo ang iyong katapatan. Ang ilang tao ay palaging natatakot na ang iba ay mas mahusay o mas mataas kaysa sa kanila, na ang iba ay kikilalanin habang sila ay hindi napapansin, at dahil dito ay inaatake at ibinubukod nila ang iba. Hindi ba ito isang kaso ng pagkainggit sa mga taong may talento? Hindi ba’t makasarili at kasuklam-suklam ito? Anong klaseng disposisyon ito? Ito ay pagiging mapaminsala! Iyong mga iniisip lamang ang sarili nilang mga interes, binibigyang-kasiyahan lamang ang sarili nilang mga pagnanais, nang hindi iniisip ang iba o isinasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ay may masamang disposisyon, at walang pagmamahal ang Diyos sa kanila. Kung talagang kaya mong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, magagawa mong tratuhin nang patas ang ibang mga tao” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, inamin kong talagang namumuhay ako sa isang kalagayan ng inggit. Nang makita kong mahusay ang kakayahan ni Cheng Xin, at pinahahalagahan at nililinang siya ng superbisor, nakaramdam ako ng inggit at hindi ko ito matanggap, nag-aalala na mas magiging maganda ang mga resulta ng kanyang gawain kaysa sa akin, at na mahihigitan niya ako, at magmumukha akong mas mababa kaysa sa kanya. Lagi akong desperadong magkaroon ng maraming paglihis at problema sa kanyang tungkulin, at palagi kong sinusubukan na maghanap ng kapintasan niya at maliitin siya, para maging negatibo siya at hindi magawa ang kanyang gawain, nang sa gayon ay magmukha akong mas magaling kaysa sa kanya. Hindi ba’t sinusupil ko siya at ibinubukod? Ang naibunyag ko ay isang makasarili at malisyosong disposisyon! Walang nakakaalam kung ano ang iniisip ko, pero malinaw na malinaw ang lahat sa ilalim ng pagsisiyasat ng Diyos. Dati, palagi kong inaakala na hindi ako maiinggit sa iba, lalo na ang subukang supilin sila. Hindi ko akalaing napakamalisyoso ko pala at walang pagkatao! Alam na alam kong karaniwan lang ang kakayahan ko, at hindi masyadong maganda ang mga resultang nakuha ko sa pagtupad ko sa aking tungkulin, pero gusto ko pa ring makipagkumpitensya kay Cheng Xin para sa reputasyon at katayuan. Lubos akong walang katwiran at kamalayan sa sarili! Hiyang-hiya ako.
Pagkatapos ay nagbasa ako ng higit pang mga salita ng Diyos: “Kahit na kumakain ang mga anticristo mula sa sambahayan ng Diyos, tinatamasa ang mga salita ng Diyos, at tinatamasa ang lahat ng mga benepisyo ng Kanyang sambahayan, madalas silang nagnanais na magkaroon ng pagkakataong pagtawanan ang sambahayan ng Diyos. Sabik silang naghihintay na magkawatak-watak ang lahat ng mananampalataya sa Diyos, at hindi na makausad pa ang gawain ng Diyos. Kaya, kapag may nangyayari sa sambahayan ng Diyos, sa halip na ipagtanggol ito, o mag-isip ng mga paraan para lutasin ang isyu, o protektahan ang mga kapatid nang buong lakas nila, o makiisa sa kanila para ayusin ang isyu nang magkakasama, sama-samang humarap sa Diyos at magpasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, tatayo lang sa gilid ang mga anticristo, nang tumatawa, nagbibigay ng maling payo, nangwawasak at nanggugulo. Sa isang kritikal na sandali, mag-aalok pa sila ng tulong sa mga tagalabas sa kapinsalaan ng sambahayan ng Diyos, kaya’t umaakto sila bilang alipores ni Satanas, sadyang ginugulo at winawasak ang mga bagay. Hindi ba’t kaaway ng Diyos ang gayong tao? Kapag mas kritikal ang sandali, mas malinaw na nalalantad ang kanilang maladiyablong wangis; kapag mas kritikal ang sandali, mas maraming nangyayari, mas detalyado at ganap ang pagkakalantad ng kanilang maladiyablong wangis; kapag mas kritikal ang sandali, mas maraming tulong ang ibinibigay nila sa mga tagalabas sa kapinsalaan ng sambahayan ng Diyos. Anong klase sila? Mga kapatid ba ang mga gayong tao? Sila ang mga taong gumagawa ng mapanira, kasuklam-suklam na mga bagay; mga kaaway sila ng Diyos; mga diyablo sila, mga Satanas sila; masasamang tao sila, mga anticristo. Hindi sila mga kapatid, at hindi sila maliligtas. Kung talagang mga kapatid sila, mga tao ng sambahayan ng Diyos, kung gayon, sa anumang problema na lumitaw sa Kanyang sambahayan, makikipagkaisa sila sa puso at isipan ng kanilang mga kapatid para harapin at ayusin ito nang magkakasama. Hindi sila tatayo lang sa gilid, lalong hindi sila manonood lamang at tatawa. Tanging ang mga taong katulad ng mga anticristo ang tatayo sa gilid, tatawa, at sabik na maghihintay na mangyari ang masasamang bagay sa sambahayan ng Diyos” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem (Unang Bahagi)). Inilalantad ng Diyos na iyong mga palaging gustong pagtawanan ang sambahayan ng Diyos at umaasang magkakamali ang gawain ng sambahayan ng Diyos ay mga diyablo. Naramdaman kong matindi ang poot ng Diyos sa gayong mga tao, at labis akong natakot. Palagi kong gustong humanap ng kapintasan kay Cheng Xin para atakehin siya, at desperado akong magkaroon siya ng mga problema sa kanyang tungkulin: mas marami, mas mabuti. Kapag mas marami siyang nagawang pagkakamali, magmumukha siyang mas mababa kaysa sa akin, at desperado pa nga akong maging napakanegatibo niya na hindi na niya magagawa ang kanyang tungkulin. Ang ginagawa ni Cheng Xin ay gawain ng iglesia, kaya kung palagi kong ninanais na magkamali siya sa kanyang tungkulin, hindi ba’t umaasa akong magkakaproblema ang gawain ng iglesia? Ano ang pagkakaiba nito at ng kung paanong ang mga anticristo, kapag hindi natugunan ang kanilang pagnanais para sa reputasyon at katayuan, ay isinusumpa ang gawain ng sambahayan ng Diyos upang mabigo, at ikinatutuwa ang anumang pagkakamali sa sambahayan ng Diyos? Talagang napakamalisyoso ng puso ko! Ang isang taong nagtataglay ng konsensiya at katwiran ay matutuwa na makitang normal na umuusad ang gawain ng sambahayan ng Diyos, at malulungkot na makakita ng maraming problema. Gayumpaman, nang makita kong lumitaw ang mga problema sa tungkulin ni Cheng Xin, hindi ko inisip kung paano makikipagbahaginan sa kanya at matutulungan siya, o kung paano makikipagtulungan sa kanya nang may iisang puso para magawa nang maayos ang gawain. Sa halip, puno ang isip ko kung paano makakatuklas ng mas maraming problema sa kanyang gawain para maatake ko siya at mapabango ang sarili ko. Desperado pa nga akong makagawa siya ng mas maraming pagkakamali sa kanyang gawain: mas marami, mas mabuti. Tinamasa ko ang pagtutustos ng mga salita ng Diyos, pero pinagtawanan ko pa rin ang sambahayan ng Diyos na parang isang anticristo. Talagang wala akong kahit katiting na may-takot-sa-Diyos na puso— paano ako naging miyembro ng sambahayan ng Diyos? Sa panlabas, hindi ko direktang ginambala at ginulo ang gawain ng iglesia tulad ng ginagawa ng mga diyablo at Satanas, pero ang mga layuning inihayag ko at ang kalikasan ng aking mga kilos ay kapareho ng sa mga diyablo at Satanas— nilalabanan ko ang Diyos! Kung hindi dahil sa paghahayag ng Diyos at sa paglalantad ng mga salita ng Diyos, hindi ko sana matutuklasan ang sarili kong mga layunin o makikita nang malinaw ang diwa ng problema, at malilinlang sana ako ng sarili kong panlabas na anyo. Takot na takot ako, at nalungkot at nakonsensiya. Malinaw kong alam na si Cheng Xin ay may mahusay na kakayahan at mabilis umarok, at na mas mahusay siya kaysa sa akin sa mga aspektong ito, pero nainggit ako sa kanya at sinupil siya nang hindi isinasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos kahit kaunti. Paano ko nagawa ito? Talagang wala akong pagkatao! Nanalangin ako sa Diyos, “Mahal na Diyos, napakasama ko talaga. Nawa’y akayin Mo ako para makawala sa mga gapos ng inggit. Ayaw ko nang mamuhay pa sa aking tiwaling disposisyon.”
Kalaunan, pinagnilayan ko ang sarili ko. Ano ba talaga ang kumokontrol sa akin para mainggit ako sa iba? Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Gustong-gusto ng mga anticristo ng reputasyon at katayuan. Ang reputasyon at katayuan ang dugong nagbibigay-buhay sa kanila; pakiramdam nila ay walang kabuluhan ang buhay kung walang reputasyon at katayuan, at wala silang lakas na gumawa ng anumang bagay kung walang reputasyon at katayuan. Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ay mahigpit na nakatali sa kanilang mga pansariling interes; ang mga ito ang kanilang matinding kahinaan. Kaya naman lahat ng ginagawa ng mga anticristo ay umiikot sa katayuan at reputasyon. Kung hindi dahil sa mga bagay na ito, baka hindi man lang sila gumawa ng anumang gawain. May katayuan man ang mga anticristo o wala, ang layong ipinaglalaban nila, ang direksiyon na kanilang pinagsusumikapan ay patungo sa dalawang bagay na ito—reputasyon at katayuan. … Hindi sila kailanman gumagawa ng anumang aktuwal na gawain para sa buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos, at hindi sila kailanman gumagawa ng anumang aktuwal na gawain sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Kapag nagbabayad sila ng halaga, tingnan ninyo kung bakit sila nagbabayad ng halaga. Kapag masigasig silang nagdedebate tungkol sa isang isyu, tingnan kung bakit sila nagdedebate tungkol dito. Kapag pinag-uusapan o kinokondena nila ang isang tao, tingnan kung ano ang intensiyon at layon nila. Kapag masama ang loob nila o nagagalit sila tungkol sa isang bagay, tingnan kung anong disposisyon ang ibinubunyag nila. Hindi nakikita ng mga tao ang nasa loob ng puso ng tao, pero nakikita ito ng Diyos. Kapag tinitingnan ng Diyos ang nasa loob ng puso ng mga tao, ano ang ginagamit Niya para sukatin ang diwa ng mga sinasabi at ginagawa ng mga tao? Ginagamit Niya ang katotohanan para sukatin ito. Sa mga mata ng tao, ang pagpoprotekta sa sariling reputasyon at katayuan ay nararapat. Kung gayon, bakit ito binabansagan sa mga mata ng Diyos bilang ang pagbubunyag at pagpapahayag ng mga anticristo, at bilang ang diwa ng mga anticristo? Nakabatay ito sa kasigasigan at motibasyon ng mga anticristo sa lahat ng kanilang ginagawa. Sinisiyasat ng Diyos ang kanilang kasigasigan at motibasyon sa kanilang mga ginagawa, at sa huli, natutukoy ng Diyos na ang lahat ng kanilang ginagawa ay para sa kanilang sariling reputasyon at katayuan, sa halip na para sa paggawa ng kanilang tungkulin, at lalong hindi para sa pagsasagawa ng katotohanan at pagpapasakop sa Diyos” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikalawang Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang pangunahing dahilan kung bakit ako naiinggit sa mga tao ay dahil masyadong matindi ang pagnanais ko para sa reputasyon at katayuan. Namuhay ako ayon sa mga satanikong lason tulad ng “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito,” “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad,” at “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa.” Naniwala akong nagbibigay sa akin ng dignidad at kumpiyansa sa buhay kapag pinahahalagahan at pinupuri ng iba, at nahihiya ako at bumababa ang tingin ko sa sarili kapag mas mahusay ang iba kaysa sa akin. Kaya naman, isinaalang-alang ko ang sarili kong reputasyon at katayuan sa bawat pagkakataon sa paggawa ng aking tungkulin. Nang makita kong isinaayos ng superbisor na pumunta si Cheng Xin sa pagtitipon, at nakipagbahaginan pa sa kanya nang bukod, nainggit ako na si Cheng Xin ang pinahahalagahan at nililinang ng superbisor. Piniga ko ang utak ko para makahanap ng mga paglihis at problema sa tungkulin ni Cheng Xin para maliitin siya, takot na takot na mas mahusay siya kaysa sa akin. Nang matuklasan kong may mga problema sa kanyang tungkulin, natuwa ako, at pakiramdam ko ay nakahanap ako ng balanse. Punumpuno ang isipan ng kung sino sa grupong ito ang may mas mataas na katayuan at kung sino ang mas mababa, kung sino ang mas mahusay at kung sino ang mas mahina, at kung paano ako magpapabango sa iba. Nagdulot sa akin ng ligaya at pag-aalala ang reputasyon at katayuan. Lahat ng inisip ko, inisip ko para sa kapakanan ng reputasyon at katayuan, at hindi man lang para sa kapakanan ng maayos na paggawa ng tungkulin ng isang nilikha at pagpapalugod sa Diyos. Namuhay ako ayon sa mga satanikong lason, at ang kalikasan ko ay partikular na mapagmataas. Palagi kong gustong maging pinakatampok sa lahat ng tao sa paligid ko, at hindi ko hinahayaan ang iba na maging mas mahusay kaysa sa akin. Ang gusto ko lang ay makapagpabango at pigilang makuha ng iba ang atensiyon. Sinupil ko pa nga ang mga tao at pinahirapan sila para sa kapakanan ng reputasyon at katayuan. Nakita kong ang landas na tinatahak ko ay ang landas ng mga anticristo. Sa oras na ito, labis akong nagsisi at napoot ako sa sarili ko dahil napakatindi ng pagnanais ko para sa reputasyon at katayuan. Kung hindi ako nagsisi, itataboy at ititiwalag lang ako ng Diyos sa huli! Naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Lahat ng tao ay may ilang maling kalagayan sa loob nila, gaya ng pagiging negatibo, kahinaan, kawalan ng pag-asa, at karupukan; o mayroon silang masasamang intensyon; o palagi silang nababagabag ng kanilang pride, mga makasariling pagnanais, at pansariling interes; o iniisip nila na may mahina silang kakayahan, at dumaranas sila ng ilang negatibong kalagayan. Magiging napakahirap para sa iyo na matamo ang gawain ng Banal na Espiritu kung palagi kang namumuhay sa ganitong mga kalagayan. Kung mahirap para sa iyo na matamo ang gawain ng Banal na Espiritu, magiging kaunti ang mga aktibong elemento sa loob mo, at lilitaw ang mga negatibong elemento at guguluhin ka. Palaging umaasa ang mga tao sa kanilang sariling kalooban para supilin ang mga negatibo at masamang kalagayang iyon, ngunit gaano man nila ito supilin, hindi nila ito maiwawaksi. Ang pangunahing dahilan nito ay dahil hindi lubusang makilatis ng mga tao ang mga negatibo at masamang bagay na ito; hindi nila makita nang malinaw ang diwa ng mga iyon. Kaya nagiging napakahirap para sa kanila na maghimagsik laban sa laman at kay Satanas. Dagdag pa roon, palaging naiipit ang mga tao sa mga negatibo, malungkot, at malubhang kalagayang ito, at hindi sila nananalangin o tumitingala sa Diyos, sa halip ay iniraraos lang nila ang mga ito. Bilang resulta, hindi gumagawa sa kanila ang Banal na Espiritu, at dahil dito ay hindi nila nauunawaan ang katotohanan, wala silang landas sa lahat ng kanilang ginagawa, at hindi nila nakikita nang malinaw ang anumang bagay. Napakaraming negatibo at masamang bagay sa loob mo, at pinuno na nito ang puso mo, kaya madalas kang negatibo, malungkot ang espiritu, at palayo ka nang palayo sa Diyos, at nanghihina nang nanghihina. Kung hindi mo makakamit ang kaliwanagan at gawain ng Banal na Espiritu, hindi mo matatakasan ang mga kalagayang ito, at hindi magbabago ang negatibo mong kalagayan, dahil kung hindi gumagawa sa iyo ang Banal na Espiritu, hindi ka makakahanap ng landas. Dahil sa dalawang kadahilanang ito, napakahirap para sa iyo na iwaksi ang iyong negatibong kalagayan at pumasok sa isang normal na kalagayan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Naramdaman ko ang hindi kapani-paniwalang katuwiran ng disposisyon ng Diyos. Kinapopootan ng Diyos ang mga buktot at masamang bagay. Noong palagi kong isinasaalang-alang ang labis kong pagpapahalaga sa sarili at sa katayuan sa pagtupad ng aking tungkulin, patuloy na naiinggit kay Cheng Xin, at namumuhay sa isang kalagayan ng pakikipagkumpitensya para sa reputasyon at katayuan, puno ang puso ko ng mga negatibo at masamang bagay, at itinago ng Diyos ang Kanyang mukha mula sa akin bilang resulta. Noong wala ang gawain at pamumuno ng Banal na Espiritu, namuhay ako sa kadiliman, at napakahirap gawin ng aking tungkulin. Ang tanging iniisip ko lang ay ang labis kong pagpapahalaga sa sarili at aking katayuan, at talagang wala sa puso kong pagnilayan kung anong mga problema ang mayroon sa aking tungkulin o kung paano magsagawa upang umayon sa mga layunin ng Diyos. Paano ko magagawa nang maayos ang aking tungkulin nang ganito? Para maprotektahan ang walang kabuluhan kong labis na pagpapahalaga sa sarili at katayuan, isinantabi ko ang aking tungkulin at mga responsabilidad at natamo ang pagkasuklam ng Diyos. Talagang napakahangal ko!
Pagkatapos, nagbasa pa ako ng higit pang mga salita ng Diyos: “Kung talagang kaya mong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, magagawa mong tratuhin nang patas ang ibang mga tao. Kung nagrerekomenda ka ng isang mabuting tao at hinahayaan mo siyang sumailalim sa pagsasanay at gumampan ng tungkulin, at sa gayon ay nagdaragdag ka ng isang taong may talento sa sambahayan ng Diyos, hindi ba’t padadaliin niyon ang iyong gawain? Kung gayon, hindi ba’t magpapakita ka ng katapatan sa iyong tungkulin? Isa iyong mabuting gawa sa harap ng Diyos; ito ang pinakamababang antas ng konsensiya at katwiran na dapat taglayin ng mga naglilingkod bilang lider. Yaong mga may kakayahang isagawa ang katotohanan ay kayang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos sa mga bagay na kanilang ginagawa. Kapag tinatanggap mo ang pagsisiyasat ng Diyos, maitutuwid ang puso mo. Kung gumagawa ka lamang ng mga bagay para makita ng iba, at lagi mong nais na makuha ang papuri at paghanga ng iba, at hindi mo tinatanggap ang pagsisiyasat ng Diyos, nasa puso mo pa ba ang Diyos? Ang gayong mga tao ay walang may-takot-sa-Diyos na puso. Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pride, reputasyon, at katayuan. Kailangan mo munang isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos at magsimula sa pagbubulay-bulay kung mayroon ba o walang karumihan sa paggampan mo sa iyong tungkulin, kung ikaw ba ay naging tapat, kung natupad mo ang iyong mga responsabilidad, at kung naibigay mo ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo bang iniisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng iglesia. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Kung madalas mong isipin ang mga ito at unawain ang mga ito, magiging mas madali para sa iyo na gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kung mahina ang iyong kakayahan, kung mababaw ang iyong karanasan, o kung hindi ka bihasa sa iyong mga propesyonal na gawain, kung gayon ay maaaring may ilang pagkakamali o kakulangan sa iyong gawain, at maaaring hindi ka makakuha ng magagandang resulta—ngunit nagawa mo ang lahat ng iyong makakaya. Hindi mo binibigyang-kasiyahan ang iyong mga makasariling pagnanais o kagustuhan. Sa halip, palagi mong isinasaalang-alang ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Bagama’t maaaring hindi ka makapagkamit ng magagandang resulta sa iyong tungkulin, naituwid naman ang puso mo; kung, dagdag pa rito, kaya mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang mga problema sa iyong tungkulin, maaabot mo ang pamantayan sa paggampan mo sa iyong tungkulin, at, kasabay nito, magagawa mong pumasok sa katotohanang realidad. Ito ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng patotoo” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Matapos pagnilayan ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang mga taong mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos ay magrerekomenda at maglilinang ng mga taong may mahusay na kakayahan kapag nakita nila ang mga ito. Bagama’t maikling panahon pa lang nagsasanay si Cheng Xin at hindi pa niya nauunawaan ang maraming prinsipyo, mayroon siyang mahusay na kakayahan, at kung malilinang siya, magkakaroon ng isa pang tao para mangasiwa ng gawain at magkakaroon kami ng dagdag na katuwang. Magiging kapaki-pakinabang ito sa gawain ng iglesia. Napagnilayan ko na ayaw kong aminin na mas mahusay si Cheng Xin kaysa sa akin dahil may maling opinyon sa kalooban ko. Inakala kong dahil maraming taon na akong gumagawa ng tungkuling nakabatay sa teksto, dapat na mas mahusay ako kaysa sa iba sa lahat ng paraan, at dapat akong pahalagahan at linangin. Pero, sa pag-iisip tungkol dito, bagama’t maraming taon na akong gumagawa ng tungkuling nakabatay sa teksto, karaniwan lang ang kakayahan ko, at kinailangan kong makaranas ng maraming pagkabigo at pagbubunyag para maunawaan at makabisado ang ilang prinsipyo. Gayumpaman, ang katotohanang nagawa ni Cheng Xin na maunawaan ang diwa ng mga prinsipyo sa maikling panahon ay nagpatunay na mas mahusay ang kakayahan niya kaysa sa akin. Kailangan kong tanggapin ang katotohanang ito, makita nang malinaw ang sarili kong kakayahan at tayog, at tumayo nang wasto sa sarili kong lugar. Hindi na ako puwedeng mainggit kay Cheng Xin at ibukod siya tulad ng dati; dapat kong iwasto ang aking mga layunin at makipagtulungan nang maayos sa kanya para magampanan nang mabuti ang aming mga tungkulin. Pagkatapos, sadya akong nanalangin sa Diyos, nagmamakaawa sa Kanya na akayin ako para mapakawalan ang aking inggit, maisaalang-alang ang mga interes ng iglesia, at maiwasto ang aking kaisipan para magampanan ang aking tungkulin. Pagkatapos niyon, huminto na ako sa paghahanap ng kapintasan kay Cheng Xin, at inisip ko na lang kung paano makikipagtulungan sa kanya, nagbubuod ng mga problema sa aming mga tungkulin at naghahanap ng mga kaugnay na prinsipyo para talakayin sa kanya. Nang binago ko ang aking maling kalagayan, pinakawalan ang aking inggit, at iwinasto ang aking kaisipan para gawin ang aking tungkulin, naramdaman ko ang gawain at pamumuno ng Banal na Espiritu, at nagawa kong makita nang mas malinaw ang mga problema. Kalaunan, nang pumili kami ng superbisor para sa aming pangkat, ibinoto ko si Cheng Xin. Nang lumabas ang mga resulta, si Cheng Xin ang nahalal na superbisor, at nagawa ko itong maitrato nang tama at makipagtulungan sa kanya nang maayos. Ang pamumuno ng mga salita ng Diyos ang nagbigay-daan sa akin upang magkaroon ng kaunting pagkaunawa sa aking tiwaling disposisyon ng pagkainggit sa iba at mabago ito nang bahagya. Salamat sa Diyos!