68. Hindi Na Ako Magrereklamo Tungkol sa Aking Kapalaran

Ni Xiaoyun, Tsina

Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya, at hindi tulad ng mga batang ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig, mas mababa ang panimulang punto ko sa buhay kaysa sa kanila. Ang mas nakalulungkot pa, naghiwalay ang mga magulang ko noong nasa elementarya ako, inilagay ako ng tatay ko sa isang boarding family malapit sa aking paaralan, at kalaunan, tumuloy ako sa tiyahin ko at sa lola ko. Nang malaman ng mga batang kaedad ko ang tungkol sa pinagmulan ng aking pamilya, lumayo sila sa akin, at palagi kong nararamdamang mababa ako kaysa sa iba. Sa gabi, ako ay madalas na umiiyak at nakararamdam na hindi patas ang mga bagay-bagay, iniisip na, “Bakit ba binigyan ako ng ganito kasamang kapalaran?” Hindi ako nakikipagpalagayang-loob sa iba at halos hindi ako nakikipag-usap kaninuman. Nakakita ako ng mga matatagumpay na babaeng CEO sa TV na napapaligiran ng mga bulaklak at karangyaan, at nainggit ako sa kanila, iniisip na napakaganda talaga ng kanilang kapalaran. Naisip ko kung paanong nakikitira lang ako sa iba at minamaliit ako ng iba, kaya nangako ako sa sarili ko, “Paglaki ko, magiging matagumpay rin ako, tulad ng mga babae sa TV, at ipakikita ko sa mga humahamak sa akin na magbabago ang tingin nila sa akin.”

Gayumpaman, nag-iwan ng matinding epekto sa aking pagkabata ang paghihiwalay ng aking mga magulang, at madalas akong nakararamdam ng pasakit at kalungkutan, at naging mababa ang tingin ko sa sarili at naging mapag-isa ako. Kalaunan, sumunod ako sa aking lola sa pananampalataya sa Panginoong Jesus, at noong 16 anyos ako, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nalaman kong ang ugat ng pagdurusa ng tao ay ang katiwalian ni Satanas, at ang gawain ng Diyos sa yugtong ito ay iligtas ang mga tao mula sa kasalanan at dalhin sila sa isang magandang hantungan. Naisip ko kung gaano kabihira ang pagkakataon ng pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw, at kung paanong malapit nang matapos ang gawain ng Diyos, kaya isinuko ko ang aking pag-aaral at nagsanay para gawin ang aking mga tungkulin sa iglesia. Sa iglesia, nakita kong sa tuwing may mga problema ang mga kapatid, nagtatanong sila sa mga lider, at pagkatapos ay magbabahagi ang mga lider ng mga solusyon. Tila mataas ang pagtingin sa kanila ng lahat ng kapatid, at nainggit ako sa kanila, iniisip na, “Kailangan kong maghangad nang mabuti, para marahil sa hinaharap ay maging lider o manggagawa ako, sa gayon hindi lang ako magiging ordinaryong tagasunod, kundi isang namumunong tao.” Pagkatapos niyon, anuman ang mga tungkuling itinalaga sa akin ng iglesia, sinubukan ko ang lahat ng aking makakaya para gawin ang mga ito, at pinuri ako ng mga kapatid sa pagiging bata at sa pagkakaroon ng mahusay na kakayahan, at hinikayat nila akong maghangad nang mabuti. Medyo natuwa ako, iniisip na, “Mukhang isa akong may pag-asang kandidato para sa paglilinang! Kailangan kong patuloy na maghangad nang mabuti!” Kaya aktibo kong ginawa ang aking mga tungkulin. Hindi ako napapagod kahit na kailangan kong maglakbay nang malayo para diligan ang mga baguhan, at umulan man o umaraw, hindi ko talaga inaantala ang aking mga tungkulin. Umaasa lang akong mapapansin ng mga kapatid ang aking mga pagsisikap at sakripisyo, at na isang araw ay mapipili ako bilang lider o manggagawa. Ngunit sa tuwing may halalan sa iglesia, hindi ako napipili, at pagkatapos ng tatlong taon, gumagawa pa rin ako ng mga tungkuling nakabatay sa teksto. Hindi ko maintindihan, at napaisip ako, “Para lang ba talaga ako sa mga tungkuling nakabatay sa teksto? Ito na ba talaga ang lugar ko sa iglesia?”

Noong Pebrero 2019, ako ang namamahala sa gawaing nakabatay sa teksto ng iglesia, at tuwang-tuwa ako, iniisip na isa itong pagbabago. Naisip ko, “Marahil ay sinasanay na ako ng Diyos nang maaga. Mukhang may kinabukasan pa rin ako sa sambahayan ng Diyos. Para maging lider, dapat ay kaya ng isang tao na makipagbahaginan ng katotohanan para lumutas ng mga problema, kaya dapat din akong magsanay na magbahagi ng mga salita ng Diyos para lutasin ang mga problema ng mga kapatid. Kasisimula ko pa lang mangasiwa sa gawaing nakabatay sa teksto, at pagkatapos ng ilang panahon ng pagsasanay, marahil ay maaari na akong maging lider.” Minsan, sa isang pagtitipon, nagkataong narinig kong isang baguhan ang napili bilang lider, at nakaramdam ako ng sama ng loob, iniisip na, “Itong baguhan na ito, na mahigit isang taon pa lang nananampalataya, ay gumagawa na ng gayong kahalagang papel. Ilang taon na akong nananampalataya sa Diyos, kaya bakit hindi dumating sa akin ang gayong kagandang pagkakataon? Bakit napako na ako sa parehong lugar? Mahalaga ang mga tungkuling nakabatay sa teksto, pero hindi ito kasing-lantad sa paningin gaya ng pagiging lider o manggagawa. Malaki ang pagkakaiba ng dalawa.” Hindi ko mapigilang umiyak habang itinutulak ko ang aking bisikleta. Pagkatapos niyon, pinanghinaan na ako ng loob na gawin ang aking mga tungkulin. Noong 2022, nagkaroon ng mga pagsasaayos sa mga tauhan para sa teksto ngunit nagpatuloy pa rin ako sa paggawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto. Sobrang nanlumo ako at naisip ko, “Paanong pagkatapos ng napakaraming taon na ito ng pananampalataya sa Diyos, gumagawa pa rin ako ng mga tungkuling nakabatay sa teksto? Para lang ba talaga ako sa mga tungkuling nakabatay sa teksto? Maaari kayang hindi ako itinadhana para maging lider? Hindi ba’t sinasabi ng mga salita ng Diyos na anumang tungkulin ang ating ginagampanan at kailanman natin ito ginagawa, lahat ito ay ayon sa paunang pagtatalaga at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos? Marahil ay itinadhana lang talaga akong gumawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto.” Naisip ko ang isang brother na ilang taon ang tanda sa akin. Naging lider siya sa iglesia hindi katagalan pagkatapos niyang matagpuan ang Diyos, at kalaunan, naging mangangaral siya. Pakiramdam ko ay ipinanganak siya para maging lider, pero gaano man ako magsumikap, hindi ako kailanman magkakaroon ng pagkakataong maging lider o manggagawa, na wala akong kinabukasan para sa pag-unlad, at na ganito na lang talaga ang magiging buhay ko. Pagkatapos nito, sa tuwing may ipinagagawa sa akin ang superbisor, ginagawa ko ito, pero hindi na ako aktibong nagsusumikap na gawin ito nang mas mabuti, at minsan kapag may napapansin akong mga problema sa aking mga tungkulin, wala akong ganang lutasin ang mga ito. Pababa nang pababa ang mga resulta ng aking gawain, at pinungusan ako ng superbisor dahil sa hindi pag-usad sa aking mga tungkulin at sa pagkakaroon ng pasibong saloobin. Alam ko sa kaibuturan ko na nagiging pasibo ako sa aking mga tungkulin, ngunit wala akong gaanong pagkaunawa sa aking mga isyu.

Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos na naglalantad sa isyu ng panlulumo, at saka ko lang nagsimulang maunawaan ang aking kalagayan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nakikita mo ang isang tao na palaging nalulumbay at pasibo sa paggawa ng mga bagay-bagay, wala siyang enerhiya, ang kanyang mga emosyon at saloobin ay hindi gaanong positibo o optimistiko, at palagi siyang nagpapakita ng isang saloobin na negatibo, mapanisi, at walang pag-asa. Binibigyan mo siya ng payo pero kailanman ay hindi niya pinakikinggan ito, at bagamat kinikilala niyang ang landas na itinuro mo sa kanya ay ang tamang landas at na mahusay ang katwiran mo, wala pa rin siyang sigla kapag gumagawa ng mga bagay-bagay, at negatibo at pasibo pa rin siya. Sa malulubhang kaso, sa mga kilos ng kanyang katawan, sa kanyang hugis ng katawan, paraan ng paglakad, tono ng pananalita, at mga salitang sinasabi, makikita mo sa mga emosyon ng taong ito na mayroon talaga siyang pagkalumbay, na wala siyang sigla sa lahat ng kanyang ginagawa, at na siya ay parang isang napiping bunga, at ang sinumang matagal na makakasama ng taong iyon ay maaapektuhan niya. Ano nga ba ito? Ang iba’t ibang pag-uugali, ekspresyon ng mukha, tono ng pananalita, at maging ang mga kaisipan at pananaw na ipinapahayag ng mga taong nabubuhay sa pagkalumbay ay may mga negatibong katangian. Kaya, ano ba ang dahilan sa likod ng mga negatibong pangyayaring ito? Nasaan ang ugat nito? Siyempre, iba-iba ang pinag-uugatan ng pag-usbong ng negatibong emosyon na pagkalumbay sa bawat tao. Ang pagkaramdam ng pagkalumbay ng isang uri ng tao ay maaaring nagmumula sa kanyang palagiang paniniwala na mayroon siyang masamang kapalaran. Hindi ba’t isa ito sa mga sanhi? (Oo.) … Sa sandaling magsimula siyang manalig sa Diyos, nagiging determinado siyang magampanan nang mabuti ang kanyang tungkulin sa sambahayan ng Diyos, nagagawa niyang magtiis ng mga paghihirap at magpakasipag, mas nakakayanan niya ang anumang usapin kaysa sa ibang tao, at nagsusumikap siyang makamit ang pagsang-ayon at paggalang ng karamihan. Iniisip niya na baka mapili pa siyang lider sa iglesia, isa sa mga tagapamahala, o lider ng grupo, at kung magkagayon, hindi ba’t bibigyang-karangalan niya ang kanyang mga ninuno at pamilya? Hindi ba’t nabago na niya ang kanyang tadhana kung magkagayon? Ngunit ang kanyang mga pangarap ay hindi natutupad sa realidad, kaya pinanghihinaan siya ng loob at iniisip niya, ‘Maraming taon na akong sumasampalataya sa Diyos at magandang-maganda ang ugnayan ko sa mga kapatid, pero bakit tuwing panahon na para pumili ng lider, ng tagapamahala, o ng lider ng grupo, hindi ako kailanman napipili? Dahil ba sobrang ordinaryo ng hitsura ko, o dahil hindi ganoon kahusay ang pagganap ko, at walang nakapansin sa akin? Tuwing may botohan, umaasa ako nang kaunti, at magiging masaya na ako kung mapipili ako bilang isang lider ng grupo man lang. Punong-puno ako ng kasiglahan na masuklian ang Diyos, pero lagi lang akong nadidismaya sa tuwing may botohan at hindi man lang ako nasasali sa mga ibinoboto. Bakit ganoon? Maaari kayang ang kaya ko lang talagang gawin sa buong buhay ko ay ang maging isang karaniwang tao, isang ordinaryong tao, isang taong hindi kahanga-hanga? Kapag nagbabalik-tanaw ako sa aking pagkabata, kabataan, at noong may edad na ako, ang landas na aking tinahak ay palaging napakaordinaryo at wala akong nagawang anumang kahanga-hanga. Hindi naman sa wala akong ambisyon, o na masyadong kulang ang aking kakayahan, at hindi rin sa kulang ako sa pagsusumikap o na hindi ko kayang magtiis ng hirap. May mga kapasyahan at mithiin ako, at masasabi pa ngang may ambisyon ako. Kaya bakit ba kailanman ay hindi ko magawang mamukod-tangi? Sa huling pagsusuri, masama lang talaga ang aking kapalaran at nakatadhana na akong magdusa, at ganito isinaayos ng Diyos ang mga bagay-bagay para sa akin.’ Habang mas pinag-iisipan niya ito, mas pumapangit ang tingin niya sa kanyang kapalaran(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (2)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko sa wakas na ang aking lumalalang pagiging pasibo at negatibo sa aking mga tungkulin ay dahil sa mga nakalilinlang na perspektiba sa mga bagay-bagay. Inakala ko na ang hindi pagkakaroon ng kakayahang maging lider o manggagawa at mamukod-tangi ay nangangahulugang masama ang aking kapalaran, at na ang pagiging lider o manggagawa lamang ang magbibigay sa akin ng kinabukasan at magpapakitang mayroon akong magandang kapalaran. Para mapili bilang lider o manggagawa, nagsikap akong sangkapan ang sarili ko ng mga salita ng Diyos, at sa tuwing may napapansin akong mga isyu sa kalagayan ng mga kapatid, maagap kong hinahanap ang mga salita ng Diyos para makipagbahaginan at tumulong. Kapag nagkakamit ng mga resulta ang aking pakikipagbahaginan, inaakala kong may kakayahan ako at kaya kong lumutas ng mga aktuwal na isyu, at inaakala kong isang araw, kung makikita ng lahat ang aking mga abilidad, baka piliin nila ako bilang lider. Ngunit gaano man ako nagsikap, nanatili akong gumagawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto. Sa partikular, nang makita ko ang mga kapatid na nanampalataya sa Diyos sa mas maikling panahon kaysa sa akin, na nagiging mga lider at manggagawa na, inakala kong maganda ang kanilang kapalaran, at na ipinanganak sila para maging mga lider at manggagawa. Ngunit pagkatapos ng ilang taon ng paggawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto, pakiramdam ko ay hindi ako umuusad, hindi napapansin sa iglesia, at ordinaryong tao lang. Kaya isinisi ko ang problemang ito sa masama kong kapalaran, iniisip na hindi ako pinapaboran ng Diyos at na ang tungkuling Kanyang itinalaga at isinaayos para sa akin ay hindi maganda, kaya lalo akong nawalan ng gana sa aking mga tungkulin. Kapag hindi maganda ang mga resulta ng aking gawain, hindi ako nagninilay sa sarili ko, at kapag may natutuklasan akong mga problema, ayaw kong magsikap na mag-isip para lutasin ang mga ito. Malinaw na alam ko na kulang ako sa praktikal na karanasan at na kailangan kong higit pang magsagawa at higit pang sangkapan ang sarili ko ng mas maraming katotohanan, ngunit ayaw kong magsikap, at sumuko na ako sa sarili ko. Para akong naipit sa isang latian, dahan-dahang nilalamon nito at walang lakas na makatakas. Napakalaki talaga ng epekto sa akin ng aking panlulumo!

Kalaunan, nakita ko ang paglalantad ng mga salita ng Diyos, at nagsimula kong maunawaan ang aking mga nakalilinlang na perspektiba. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Noon pa man ay pauna nang itinakda ng Diyos ang kapalaran ng mga tao, at hindi mababago ang mga ito. Ang ‘magandang kapalaran’ at ‘masamang kapalaran’ na ito ay magkakaiba sa kada tao, at ito ay nakadepende sa kapaligiran, sa kung ano ang nararamdaman ng mga tao at kung ano ang kanilang hinahangad. Kaya naman, ang kapalaran ng isang tao ay hindi maganda at hindi rin masama. Maaaring napakahirap ng buhay mo, ngunit maaari mong isipin na, ‘Hindi ako naghahangad ng marangyang buhay. Masaya na ako na may sapat akong makakain at maisusuot. Lahat ay dumaranas ng paghihirap sa kanilang buhay. Sinasabi ng mga makamundong tao, “Hindi mo makikita ang bahaghari maliban na lang kung umuulan,” kaya’t may halaga ang paghihirap. Hindi ito masyadong masama, at hindi masama ang kapalaran ko. Binigyan ako ng langit ng kaunting pasakit, ilang pagsubok, at pagdurusa. Iyon ay dahil mataas ang tingin Niya sa akin. Ito ay isang magandang kapalaran!’ May mga tao namang nag-iisip na ang paghihirap ay masama, na ito ay nangangahulugan na may masama silang kapalaran, at tanging ang pamumuhay na walang paghihirap, na puno ng kaginhawahan at kaalwanan, ang nangangahulugang may maganda silang kapalaran. Para sa mga walang pananampalataya, ‘kanya-kanyang opinyon ito ng mga tao sa usapin.’ Paano itinuturing ng mga nananalig sa Diyos ang usaping ito ng ‘kapalaran’? Pinag-uusapan ba natin ang pagkakaroon ng ‘magandang kapalaran’ o ‘masamang kapalaran’? (Hindi.) Hindi natin sinasabi ang ganitong mga bagay. Sabihin nang may maganda kang kapalaran dahil nananalig ka sa Diyos, kung gayon, kung hindi mo susundin ang tamang landas sa iyong pananampalataya, kung ikaw ay parurusahan, ilalantad at ititiwalag, nangangahulugan ba ito na may magandang kapalaran ka o may masamang kapalaran? Kung hindi ka nananalig sa Diyos, imposibleng ikaw ay mailalantad o matitiwalag. Ang mga walang pananampalataya at ang mga relihiyoso ay hindi nagsasalita tungkol sa paglalantad o pagkilatis sa mga tao, at hindi rin sila nagsasalita tungkol sa pagpapaalis o pagpapalayas ng mga tao. Dapat sana ay nangangahulugan ito na may magandang kapalaran ang mga tao kapag sila ay nakakapanalig sa Diyos, ngunit kung sila ay maparurusahan sa huli, ibig bang sabihin niyon na may masama silang kapalaran? Ang dati nilang magandang kapalaran ay biglang nagiging masama—kaya alin nga ba rito? Kung maganda man o hindi ang kapalaran ng isang tao ay hindi isang bagay na maaaring husgahan, hindi ito kayang husgahan ng mga tao. Lahat ng ito ay ginawa ng Diyos, at ang lahat ng isinasaayos ng Diyos ay maganda. Sadyang magkakaiba lang talaga ang takbo ng kapalaran ng bawat indibidwal, o ang kanilang kapaligiran, at ang mga tao, pangyayari, at mga bagay na kanilang kinakaharap, at ang landas sa buhay na kanilang nararanasan sa kanilang mga buhay ay magkakaiba; ang mga bagay na ito ay magkakaiba sa kada tao. Ang kapaligirang pinamumuhayan at kapaligirang kinalalakhan ng bawat indibidwal, na parehong isinaayos ng Diyos, ay lahat magkakaiba. Ang mga bagay na nararanasan ng bawat indibidwal sa kanilang mga buhay ay lahat magkakaiba. Walang tinatawag na magandang kapalaran o masamang kapalaran—lahat ng ito ay isinasaayos ng Diyos, at lahat ng ito ay ginawa ng Diyos. Kung titingnan natin ang usapin mula sa perspektiba na lahat ng ito ay ginawa ng Diyos, lahat ng ginagawa ng Diyos ay maganda at tama; sadya lamang na sa perspektiba ng mga hilig, damdamin, at mga pagpili ng tao, may ilang taong pumipili ng komportableng buhay, pinipili ang kasikatan, pakinabang at isang magandang reputasyon, na magkaroon ng kasaganaan sa mundo, at pinipiling maging masagana. Naniniwala sila na nangangahulugan ito na mayroon silang magandang kapalaran, at na ang mabuhay nang pangkaraniwan at hindi matagumpay, palaging nasa pinakababa ng lipunan, ay isang masamang kapalaran. Ganito nakikita ang mga bagay-bagay mula sa perspektiba ng mga walang pananampalataya at ng mga makamundong taong naghahangad ng mga makamundong bagay at naglalayon na mabuhay sa mundo, at ganito umuusbong ang ideya ng magandang kapalaran at masamang kapalaran. Ang ideya ng magandang kapalaran at masamang kapalaran ay umuusbong lamang mula sa makitid na pang-unawa at mababaw na pananaw ng tao sa kapalaran, at mula sa mga paghusga ng mga tao sa dami ng pisikal na paghihirap na kanilang tinitiis, kung gaano sila nagtatamasa, at gaanong kasikatan at pakinabang ang kanilang nakakamit, at iba pa. Sa totoo lang, kung titingnan natin ito mula sa perspektiba ng pagsasaayos at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao, walang gayong mga interpretasyon na magandang kapalaran o masamang kapalaran. Hindi ba’t tumpak ito? (Oo.) Kung titingnan mo ang kapalaran ng tao mula sa perspektiba ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, lahat ng ginagawa ng Diyos ay mabuti, at ito ang kailangan ng bawat indibidwal. Ito ay dahil ang sanhi at bunga ay may bahagi sa mga nakaraan at kasalukuyang buhay, ang mga ito ay paunang itinakda ng Diyos, ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa mga ito, at ang Diyos ang nagpaplano at nagsasaayos sa mga ito—walang magagawa rito ang tao. Kung titingnan natin ito mula sa ganitong pananaw, hindi dapat husgahan ng mga tao ang kanilang sariling kapalaran bilang maganda o masama, hindi ba? Kung kaswal na huhusgahan ng mga tao ang usaping ito, hindi ba’t nakagagawa sila ng malaking pagkakamali? Hindi ba’t nagagawa nila ang pagkakamali na husgahan ang mga plano, pagsasaayos, at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos? (Oo.) At hindi ba’t malubha ang pagkakamaling iyon? Hindi ba’t makakaapekto ito sa landas na tatahakin nila sa buhay? (Makakaapekto ito.) Kung gayon, ang pagkakamaling iyon ang magdadala sa kanila sa pagkawasak(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (2)). Inilalantad ng Diyos na iniisip ng ilang tao na ang kakayahang mamukod-tangi at makamit ang katanyagan at pakinabang ay nangangahulugang mayroon silang magandang kapalaran, at na ang pamumuhay nang isang habambuhay ng pagiging pangkaraniwan at hindi matagumpay ay nangangahulugang pagkakaroon ito ng masamang kapalaran, at na ang pagdurusa ay nangangahulugang masama ang kapalaran ng isang tao. Iniisip nilang ang pamumuhay nang kumportable, maayos, at payapa ay nangangahulugang pagkakaroon ito ng magandang kapalaran. Ang lahat ng ideyang ito tungkol sa mabuti o masamang kapalaran ay batay sa mga pansariling paghahangad at pagnanais ng mga tao. Dahil ang landas ng buhay ng bawat isa ay naaayon sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, isinasaayos ng Diyos ang mga bagay batay sa mga pangangailangan ng mga tao, at lahat ay kapaki-pakinabang sa kanilang buhay, at walang gayong bagay na mabuti o masamang kapalaran. Ang sabihing mayroon kang masamang kapalaran batay sa mga personal na kagustuhan, ay hindi pagpapasakop sa mga sitwasyong isinaayos ng Diyos at hindi pananampalataya sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Sa katotohanan, lahat ng isinasaayos ng Diyos ay mabuti. Katulad noong nakaranas ako ng kasawian sa pamilya at pinabayaan at tinanggihan at minaliit noong aking kabataan, kung hindi ko naranasan ang mga kabiguan at pasakit na ito, baka hindi ako lumapit sa harap ng Diyos. Ang pagkakaroon ko ng pagkakataong magbasa ng mga salita ng Diyos at magsanay sa aking mga tungkulin, ay pawang pagmamahal at pagliligtas ng Diyos. Ngunit inakala kong ang pagiging isang tanyag na tao, namumukod-tangi, at tinitingala ng iba, ay nangangahulugang pagkakaroon ito ng magandang kapalaran, at na ang pamumuhay nang ordinaryo, pangkaraniwan, at nang minamaliit, ay nangangahulugang pagkakaroon ito ng masamang kapalaran. Ang mga ito ay mga perspektiba ng isang hindi mananampalataya. Matapos kong matagpuan ang Diyos, nang makita kong iginagalang at hinahangaan ng mga kapatid ang mga lider at manggagawa dahil sa kanilang abilidad na lumutas ng mga problema, inakala kong magkakaroon lang ako ng kinabukasan para sa pag-unlad kung ako ay magiging lider o manggagawa, at na mas maganda ang kanilang kapalaran kaysa sa mga ordinaryong kapatid. Dahil gumagawa pa rin ako ng mga tungkuling nakabatay sa teksto pagkatapos manampalataya sa Diyos sa lahat ng taon na ito, naramdaman kong hindi ako pinahahalagahan, at na wala akong kinabukasan para sa pag-unlad, at nawalan ako ng motibasyon sa aking mga tungkulin. Ngunit sa pagsasaalang-alang, ang maitaas ba bilang lider o manggagawa ay talagang nangangahulugan ng magandang kapalaran? Sa katotohanan, kung hindi hinahangad ng isang tao ang katotohanan at hindi madalisay o mabago ang kanyang tiwaling disposisyon, kahit na makamit pa niya ang paghanga at pagsamba ng tao, hindi siya maliligtas o mapeperpekto. Katulad ng ilang lider at manggagawa na hindi naghahangad sa katotohanan, at ginagamit ang kanilang maraming taon ng karanasan sa gawain bilang puhunan para palaging limitahan ang iba, gumagawa ayon sa kanilang nais, hinahadlangan at ginugulo ang gawain ng iglesia, at sa huli, sila ay nabubunyag at tinatanggal. Sa kabilang banda, may ilang tao na hindi kailanman naging mga lider, ngunit ginagampanan ang kanilang mga tungkulin ayon sa kanilang kinalalagyan. Tumutuon sila sa paghahangad sa katotohanan at sa pagninilay sa kanilang mga intensyon, perspektiba, at tiwaling disposisyon, at tumatanggap pa rin sila ng kaliwanagan at patnubay ng Diyos, nagkakamit ng mga resulta sa kanilang mga tungkulin, at lumalago sa kanilang buhay. Anuman ang tungkuling ginagawa natin, ang mahalaga ay ang hangarin ang katotohanan. Walang gayong bagay na mabuti o masamang kapalaran. Nang mapagtanto ko ito, medyo mas nagliwanag ang puso ko. Nakita kong masyado akong nakatuon sa katanyagan, pakinabang, at katayuan, at na ayaw kong gawin ang aking tungkulin nang may pagpapakumbaba bilang isang nilikha, at na palagi kong gustong gamitin ang aking pagkakataong gawin ang aking tungkulin bilang paraan para maghangad ng katanyagan. Ngunit kung matutugunan ang aking mga pagnanais, lalo lamang titindi ang aking pananabik para sa katanyagan, pakinabang, at katayuan, at magiging mas mapagmataas ako at palalo at iisipin kong mas mahusay ako kaysa kaninuman. Malamang na hindi ito magiging mabuting bagay para sa akin. Talagang napagtanto ko na ang lahat ng isinasaayos ng Diyos ay mabuti, at sa likod ng lahat ng ito ay ang masisidhing layunin ng Diyos.

Pagkatapos, nag-isip akong muli, “Anong saloobin ang dapat kong taglayin sa mga sitwasyong pinaghaharian at isinaayos ng Diyos?” Nagbasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Tungkol naman sa nadarama ng mga tao tungkol sa kapalaran, maaaring mayroon silang maganda o masamang pakiramdam, may mga kapalaran kung saan ang lahat ay umaayon, mga kapalaran na puno ng mga hadlang, mahihirap na kapalaran, at malulungkot na kapalaran—walang maganda o masamang kapalaran. Ano ang dapat na maging saloobin ng mga tao tungkol sa kapalaran? Dapat kang sumunod sa mga pagsasaayos ng Lumikha, aktibo at masikap na hanapin ang layunin at kahulugan ng Lumikha sa Kanyang pagsasaayos ng lahat ng ito at maunawaan ang katotohanan, gamitin ang iyong pinakamahusay na kakayahan sa buhay na ito na isinaayos ng Diyos para sa iyo, tuparin ang mga tungkulin, responsabilidad, at obligasyon ng isang nilikha, at gawing mas makabuluhan at mas mahalaga ang iyong buhay, hanggang sa wakas ay matuwa sa iyo ang Lumikha at maalala ka Niya. Siyempre, mas mainam kung makakamit mo ang kaligtasan sa pamamagitan ng iyong paghahanap at pagsisikap nang husto—ito ang pinakamagandang resulta. Anu’t anuman, sa usapin ng kapalaran, ang pinakaangkop na saloobin na dapat taglayin ng nilikhang sangkatauhan ay hindi ang paghuhusga at paglilimita nang walang pasubali, o ang paggamit ng mga sukdulang pamamaraan para harapin ito. Siyempre, lalong hindi dapat subukang labanan, piliin, o baguhin ng mga tao ang kanilang kapalaran, bagkus dapat nilang gamitin ang kanilang puso upang pahalagahan ito, at hanapin, siyasatin, at sundin ito, bago ito harapin nang positibo. Sa huli, sa kapaligirang pinamumuhayan at sa landas sa buhay na inilaan para sa iyo ng Diyos, dapat mong hanapin ang paraan ng pag-asal na itinuturo sa iyo ng Diyos, hanapin ang landas na hinihingi ng Diyos na iyong tahakin, at danasin ang kapalaran na itinakda ng Diyos para sa iyo sa ganitong paraan, at sa huli, ikaw ay pagpapalain. Kapag iyong naranasan ang kapalaran na isinaayos ng Lumikha para sa iyo sa ganitong paraan, ang iyong mapahahalagahan ay hindi lamang paghihinagpis, kalungkutan, mga luha, kirot, pighati, at pagkabigo, sa halip, higit pa rito ay iyong mararanasan ang kasiyahan, kapayapaan, at kaginhawahan, pati na rin ang kaliwanagan at pagtanglaw ng katotohanan na ipinagkakaloob ng Lumikha sa iyo. Bukod pa rito, kapag ikaw ay naligaw sa iyong landas sa buhay, kapag ikaw ay naharap sa pighati at pagkabigo, at kinakailangan mong pumili, mararanasan mo ang paggabay ng Lumikha, at sa huli ay magkakamit ka ng pang-unawa, karanasan, at pagpapahalaga sa kung paano mamuhay nang pinakamakabuluhan. Kaya hindi ka na muling maliligaw sa buhay, hindi ka na laging mababalisa, at siyempre, hindi ka na muling magrereklamo na masama ang iyong kapalaran, at lalong hindi ka na malulugmok sa emosyon ng pagkalumbay dahil sa pakiramdam mo na masama ang iyong kapalaran. Kung mayroon ka ng ganitong saloobin at gagamitin mo ang paraang ito upang harapin ang kapalaran na isinaayos ng Lumikha para sa iyo, hindi lamang ito ang kaso ng magiging mas normal ang iyong pagkatao, magkakaroon ka ng normal na pagkatao, at magkakaroon ka ng kaisipan, mga pananaw, at mga prinsipyo sa pagtingin sa mga bagay na nabibilang sa normal na pagkatao, higit pa rito, ngunit magkakaroon ka, siyempre, ng mga pananaw at pang-unawa sa kabuluhan ng buhay na hindi kailanman tataglayin ng mga walang pananampalataya(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (2)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kung nararamdaman man ng isang tao na mabuti o masama ang kanyang kapalaran, dapat siyang magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, hanapin kung ano ang layunin ng Diyos sa isang sitwasyon, at tuparin ang kanyang mga tungkulin at responsabilidad. Ito ang umaayon sa layunin ng Diyos. Kaya nagnilay-nilay ako, “Palagi na lang akong gumagawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto; ano kaya ang layunin ng Diyos dito?” Naisip ko kung paanong kapag may mga nangyayari, hindi ko alam kung paano hanapin ang katotohanan at bihira akong magsumikap sa pagninilay ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto, nagawa kong punan ang mga kakulangan na ito, na nagbigay-daan para matutunan ko na masigasig na pagnilayan ang mga salita ng Diyos at pagnilayan ang aking tiwaling disposisyon. Nakabubuti ito sa aking buhay paglago. Kasabay nito, inilantad ng sitwasyong ito na labis kong pinahalagahan ang katayuan, at na kapag hindi natutugunan ang pagnanais ko para sa katayuan, gusto kong sumuko. Napagtanto kong ang hinahangad ko sa aking pananampalataya ay katayuan, hindi ang katotohanan. Matapos makaranas ng paulit-ulit na pagkatisod, nagsimula akong magkaroon ng kamalayan sa maling landas ng paghahangad ng katayuan, at nagawa kong bitiwan ang aking ambisyong maging lider at gawin ang aking mga tungkulin sa isang taimtim at matuwid na paraan. Nagnilay din ako kung bakit hindi ako napili bilang lider. Pangunahin dahil wala akong pagpapahalaga sa responsabilidad sa aking mga tungkulin, at dahil hindi sapat ang kapabilidad ko sa gawain, wala akong kakayahan o hindi ko natutugunan ang mga pamantayan para maging lider. Wala itong kinalaman sa kung mabuti o masama ba ang aking kapalaran. Nang mapagtanto ko ito, nagawa kong tratuhin nang tama ang aking mga pagkukulang at kakapusan, magpasakop sa mga sitwasyong isinaayos ng Diyos, at kumilos nang wasto ayon sa mga prinsipyo sa aking mga kasalukuyang tungkulin. Kalaunan, pinili ako ng mga kapatid para maging isang diyakono sa pagdidilig, at pagkatapos ng ilang linggo lang ng pagsasanay, dahil sa kakulangan ng mga tauhan para sa teksto, muli akong itinalaga ng mga lider para gawin ang mga tungkuling nakabatay sa teksto. Sa pagkakataong ito, hindi ako nagreklamo o nasiraan ng loob. Sa halip, naisip ko kung paanong nilinang ako ng iglesia para gawin ang mga tungkuling nakabatay sa teksto sa loob ng maraming taon, at kung paanong mayroon akong ilang kalakasan sa larangang ito. Kung ikukumpara sa pagiging diyakono, mas angkop para sa akin ang mga tungkuling nakabatay sa teksto, at nagpasakop ako rito mula sa kaibuturan ng aking puso, iniisip na, “Sa nakalipas, nagdulot ako ng ilang pagsisisi nang ginagawa ko ang mga tungkuling nakabatay sa teksto, ngunit sa pagkakataong ito, dapat ko itong gawin nang buong puso.” Pagkaraan ng ilang panahon, nagbunga ng ilang resulta ang aking mga tungkulin, at nakaramdam ako ng malaking kapanatagan.

Matapos maranasan ang lahat ng ito, nakita kong ang mga sitwasyong isinasaayos ng Diyos bilang bahagi ng Kanyang kataas-taasang kapangyarihan ay palaging mabuti at ang eksaktong kailangan ng aking buhay. Ang katunayang nagawa kong magkamit ng pagkaunawang ito at baguhin ang mga bagay-bagay ay bunga ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  67. Pagbitiw sa Kayamanan: Isang Personal na Paglalakbay

Sumunod:  69. Ang mga Bunga ng Pangangalaga sa Reputasyon at Katayuan

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger