69. Ang mga Bunga ng Pangangalaga sa Reputasyon at Katayuan

Ni Sylvie, Pilipinas

Responsable si Liz sa mga pangkalahatang gawain sa iglesia. Kasisimula pa lang magsanay ni Roger, at hindi pa siya pamilyar sa mga pangkalahatang gawain, kaya matiyaga siyang tinuruan ni Liz tungkol dito. Pagkaraan ng ilang panahon, alam na ni Roger kung paano gawin ang mga pangunahing gampanin, at nagsaayos si Liz ng ilang gawain para sa kanya. Lumipas ang ilang araw. Nang suriin ni Liz ang gawain ni Roger, natuklasan niyang hindi angkop ang pagkakapili sa ilan sa mga taong nangangalaga ng mga libro at ang ilang baguhan ay hindi nabigyan agad ng mga aklat ng salita ng Diyos. Walang pagkaarok si Roger sa alinman sa mga sitwasyong ito. Nang malaman niya ito, naging seryoso ang tono ni Liz, at tinanong niya si Roger kung bakit hindi nito nagawa ang mga gampaning ito. Sinabi ni Roger, “Pasensya na talaga. Nitong mga huli, abala ako sa gawain at hindi ko nasuri ang mga ito. May ilan naman akong kinumusta.” Nagbigay si Roger ng lahat ng uri ng dahilan. Naramdaman ni Liz na nag-aalab ang galit sa kanyang kalooban, at gusto niyang ipabatid ang mga problema ni Roger para makapagnilay ito sa kanyang saloobin sa paggawa ng kanyang tungkulin, ngunit nang sasabihin na niya, pinigilan niya ito. Naisip niya, “Kung pupungusan ko si Roger, iisipin kaya niyang masyado akong mahigpit? Kung mag-iiwan ako ng masamang impresyon sa kanya gayong kasisimula ko pa lang makipagtulungan sa kanya, iisipin kaya niyang mahirap akong pakisamahan?” Samakatwid, binago ni Liz ang paraan ng kanyang pagsasalita at bahagyang umubo, pilit na ngumiti, na dati ay napakaseryoso ng kanyang mukha. Sa malumanay na tono, sinabi niya kay Roger, “Brother, napakahalaga ng mga pangkalahatang gawain. Kung maaantala ito, makaaapekto ito sa gawain ng iglesia. Sana maintindihan mo. Abala ka sa trabaho, at naiintindihan ko ang iyong mga paghihirap. Sana gawin mo ang lahat ng iyong makakaya para magawa nang maayos ang mga gampaning itinalaga sa iyo. Kung abala ka, maaari mo akong sabihan at magagawa ko ito.” May pagsisising sinabi ni Roger, “Sister, pasensya na. Problema ko ito. Magbabago ako.” Pagkarinig sa mga salita ni Roger, medyo gumaan ang pakiramdam ni Liz. Naisip niya, “Mukhang ang malumanay na tono ay kaya ring lumutas ng mga problema. Ang ganitong paraan ng pagsasalita ayhindi lang nakatutulong na maiwasang mapahiya ang kapatid, kundi nararamdaman din niyang madali akong pakisamahan. Hindi ba’t maganda iyon?” Makalipas ang ilang araw, nalaman ni Liz na medyo hindi pa rin sineseryoso ni Roger ang kanyang mga tungkulin, at hindi niya talaga sinusubaybayan ang gawain. Gusto niyang pungusan si Roger, ngunit pagkatapos ay naisip niya, “Ilang araw pa lang ang nakalipas mula nang ituro ko ang mga problema niya. Kung pupunta ulit ako para makipagbahaginan sa kanya, iisipin kaya niyang nakakainis ako? Anupaman ang mangyari, kailangan namin ng panahon para mapakalma ang tensyon. Kung talagang hindi ito uubra, ako na lang ang gagawa ng mga gampaning ito.” Hindi hinanap ni Liz si Roger, kundi kusa niyang inako ang gawain.

Mabilis na lumipas ang panahon, at sa isang iglap, isang buwan na ang nakalipas. Isang araw, tinanong ni Liz si Sister Luna, “Napakabagal kumilos ni Roger sa trabaho kamakailan. Alam mo ba kung may nakaharap siyang anumang problema?” Nanlulumong sinabi ni Luna, “Nakipagbahaginan na ako kay Roger tungkol sa kanyang saloobin sa tungkulin, pero palagi niyang sinasabing abala siya sa trabaho at wala siyang oras.” Nang marinig niya ang balitang ito, may naramdaman si Liz na hindi maipaliwanag sa kanyang puso. Tahimik siyang nanalangin sa Diyos para hanapin kung anong mga aral ang dapat niyang matutunan mula sa bagay na ito. Kalaunan, binasa niya ang mga salita ng Diyos: “Ang mga walang pananampalataya ay namumuhay lahat ayon sa mga pilosopiya ni Satanas. Silang lahat ay mga mapagpalugod ng mga tao at hindi nila pinapasama ang loob ng sinuman. Narito ka na sa sambahayan ng Diyos, nabasa mo na ang salita ng Diyos, at nakinig ka na sa mga sermon ng sambahayan ng Diyos, kaya bakit hindi mo maisagawa ang katotohanan, bakit hindi ka makapagsalita mula sa puso, at maging matapat na tao? Bakit lagi kang mapagpalugod ng mga tao? Pinoprotektahan lang ng mga mapagpalugod ng mga tao ang sarili nilang mga interes, at hindi ang mga interes ng iglesia. Kapag may nakikita silang isang taong gumagawa ng masama at pumipinsala sa mga interes ng iglesia, hindi nila ito pinapansin. Mahilig silang maging mapagpalugod ng mga tao, at ayaw nilang makapagpasama ng loob ng sinuman. Iresponsable ito, at ang ganoong uri ng tao ay masyadong tuso at hindi mapagkakatiwalaan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Nang ikumpara niya ang sarili sa kalagayang inilantad ng mga salita ng Diyos, naunawaan ni Liz na ganoon din siya. Umaasa siya sa pilosopiya ni Satanas para sa mga makamundong pakikitungo sa lahat ng bagay, pinoprotektahan ang kanyang mga interpersonal na relasyon, para magmukha siyang mabuting tao sa mata ng iba. Nakita niyang inantala ni Roger ang gawain at gusto niyang ituro ang mga problema nito, ngunit natatakot siyang magkaroon ng negatibong palagay sa kanya si Roger, at mauuwi siya na may hindi magandang pagsusuri sa puso nito, kaya hindi niya itinuro ang mga ito o tinulungan siya. Bilang isang superbisor, dapat niyang protektahan sa matuwid na pamamaraan ang gawain ng iglesia, ngunit nauwi siyang pinoprotektahan ang kanyang magandang imahe sa puso nito at hindi tinupad ang mga responsabilidad na dapat sana niyang tinupad. Wala siyang kahit katiting na pagpapahalaga sa katarungan. Paulit-ulit na pinagnilayan ni Liz sa kanyang isipan ang sinabi ng Diyos, “ang ganoong uri ng tao ay masyadong tuso at hindi mapagkakatiwalaan.” Nakaramdam siya ng kirot na tumagos sa kanyang puso. Sa buong panahon pala, lahat ng kanyang ginawa at lahat ng kanyang kilos ay kinasusuklaman sa mga mata ng Diyos. Samakatwid, nagsimulang magnilay si Liz sa kanyang sarili. Bakit hindi niya mapigilang subukang protektahan ang kanyang magandang imahe sa puso ng ibang tao? Anong mga kaisipan ang kumokontrol dito?

Sa kanyang mga pagninilay, nabasa ni Liz ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kinokondisyon ng pamilya ang mga tao gamit ang hindi lamang isa o dalawang kasabihan, kundi napakaraming sikat na kasabihan at talinghaga. Halimbawa, madalas bang binabanggit ng mga nakatatanda sa iyong pamilya at ng iyong mga magulang ang kasabihang ‘Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad’? (Oo.) Sinasabi nila sa iyo: ‘Dapat mamuhay ang mga tao para sa kapakanan ng kanilang reputasyon. Walang ibang hinahangad ang mga tao sa buhay nila, maliban sa gumawa ng magandang reputasyon sa iba at magbigay ng magandang impresyon. Saan ka man magpunta, magbigay ka ng mas maraming pagbati, magiliw na komento, at papuri, at magsabi ng mas maraming mabuting salita. Huwag pasamain ang loob ng mga tao, sa halip ay gumawa ng mas maraming mabuting bagay at kilos.’ Itong partikular na epekto ng pagkokondisyon ng pamilya ay may tiyak na epekto sa pag-uugali o mga prinsipyo ng pag-asal ng mga tao, na may hindi maiiwasang kahihinatnan kung saan binibigyang-halaga nila ang kasikatan at pakinabang. Ibig sabihin, binibigyang-halaga nila ang kanilang sariling reputasyon, katanyagan, ang impresyong nililikha nila sa isipan ng mga tao, at ang pagtingin ng iba sa lahat ng kanilang ginagawa at bawat opinyon na kanilang ipinapahayag. Sa lubos na pagpapahalaga sa kasikatan at pakinabang, hindi sinasadyang nabibigyan mo ng kaunting halaga kung naaayon ba sa katotohanan at mga prinsipyo ang tungkuling ginagampanan mo, kung napapalugod mo ba ang Diyos, at kung natutupad mo ang iyong tungkulin sa paraang pasok sa pamantayan. Itinuturing mo ang mga bagay na ito bilang hindi gaanong mahalaga at mas mababang priyoridad, samantalang ang kasabihang ‘Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad,’ na ikinondisyon sa iyo ng iyong pamilya, ay nagiging napakahalaga sa iyo. … Ang kasabihang, ‘Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad,’ ay malalim nang nakaugat sa puso mo at naging salawikain mo na ito. Naimpluwensiyahan at nakondisyon ka ng kasabihang ito mula noong bata ka pa, at maging paglaki mo ay madalas mong inuulit ang kasabihang ito para maimpluwensiyahan ang susunod na henerasyon ng iyong pamilya at ang mga taong nakapaligid sa iyo. Siyempre, ang mas malala pa ay pinanghawakan mo ito bilang iyong pamamaraan at prinsipyo sa pag-asal at pagharap sa mga bagay-bagay, at bilang layon at direksiyon pa nga na hinahangad mo sa buhay. Ang layon at direksiyon mo ay mali, kaya naman tiyak na negatibo ang huling kalalabasan. Sapagkat ang diwa ng lahat ng ginagawa mo ay para lamang sa iyong reputasyon, at para lamang isagawa ang kasabihang ‘Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad.’ Hindi mo hinahangad ang katotohanan, at ikaw mismo ay hindi alam iyon. Sa tingin mo ay walang mali sa kasabihang ito, dahil hindi ba’t dapat mamuhay ang mga tao para sa kapakanan ng kanilang reputasyon? Tulad ng karaniwang kasabihan na, ‘Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad.’ Ang kasabihang ito ay tila napakapositibo at marapat, kaya hindi mo namamalayang tinatanggap mo ang epekto ng pagkokondisyon nito at itinuturing ito bilang isang positibong bagay. Sa sandaling ituring mo ang kasabihang ito bilang isang positibong bagay, hindi mo namamalayang hinahangad at isinasagawa mo ito. Kasabay nito, hindi mo namamalayan at nalilitong napagkakamalan mo ito bilang ang katotohanan at bilang isang katotohanang pamantayan. Kapag itinuring mo ito bilang isang katotohanang pamantayan, hindi ka na nakikinig sa sinasabi ng Diyos, at hindi mo na rin nauunawaan ito. Pikit-mata mong isinasagawa ang salawikaing ito, ‘Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad,’ at kumikilos ka alinsunod dito, at sa huli, ang nakukuha mo roon ay isang magandang reputasyon. Nakamit mo ang nais mong makamit, ngunit sa paggawa nito ay nalabag at natalikuran mo ang katotohanan, at nawalan ka ng pagkakataong maligtas. Ipagpalagay na ito ang huling kalalabasan, dapat mong bitiwan at talikuran ang ideya na ‘Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad,’ na ikinondisyon sa iyo ng iyong pamilya. Hindi ito isang bagay na dapat mong panghawakan, ni hindi ito isang kasabihan o ideya na dapat mong pag-ukulan ng panghabambuhay na pagsisikap at lakas sa pagsasagawa. Ang ideya at pananaw na ito na ikinikintal at ikinokondisyon sa iyo ay mali, kaya dapat lang na bitiwan mo ito. Ang dahilan kung bakit dapat mo itong bitiwan ay hindi lamang sa hindi ito ang katotohanan, kundi dahil ililigaw ka nito at sa huli ay hahantong sa iyong pagkawasak, kaya’t napakaseryoso ng mga kahihinatnan. Para sa iyo, hindi ito isang simpleng kasabihan lamang, kundi isang kanser—isang pamamalakad at pamamaraan na nagtitiwali sa mga tao. Dahil sa mga salita ng Diyos, sa lahat ng hinihingi Niya sa mga tao, hindi kailanman hiniling ng Diyos sa mga tao na maghangad ng isang magandang reputasyon, o maghangad ng katanyagan, o gumawa ng magandang impresyon sa mga tao, o magtamo ng pagsang-ayon sa mga tao, o kumuha ng pahintulot mula sa mga tao, ni hindi Siya naghikayat na mamuhay ang mga tao para sa kasikatan o para mag-iwan ng magandang reputasyon. Nais lamang ng Diyos na gampanan nang maayos ng mga tao ang kanilang tungkulin, at magpasakop sila sa Kanya at sa katotohanan. Samakatuwid, patungkol sa iyo, ang kasabihang ito ay isang uri ng pagkokondisyong mula sa iyong pamilya na dapat mong bitiwan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (12)). Pagkatapos basahin ang paglalantad ng mga salita ng Diyos, naunawaan ni Liz na ginagamit ni Satanas ang edukasyon at mga panghubog na epekto ng pamilya para itanim ang iba’t ibang satanikong kautusan sa batang puso ng mga tao, tulad ng “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad,” at “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito.” Ang mga satanikong lason na ito ay pumasok na sa dugo at buto ng mga tao, nagiging ang kalikasan mismo ng mga tao. Hindi mapigilan ng mga tao na mamuhay ayon sa mga bagay na ito, at itinuturing ang reputasyon at katayuan bilang kanilang ikinabubuhay. Nagnilay si Liz na mula pa sa murang edad, palagi na niyang inaalala ang kanyang imahe sa isipan ng iba. Para makuha ang papuri mula sa kanyang mga magulang at sa mga tao sa paligid niya, mas masunurin siya kaysa sa alinman sa ibang mga bata, at madalas siyang tumutulong sa kanyang mga magulang sa mga gawaing-bahay. Gumagawa pa nga siya ng mga gawain para sa kanyang mga kapitbahay. Kapag nakikipaglaro siya sa kanyang mga kaibigan, hindi siya kailanman nakikipag-away, at pinupuri siya ng kanyang mga magulang at ng mga tao sa nayon sa pagiging isang batang may pang-unawa. Pagkatapos ng trabaho, kung may sinumang kasamahan sa trabaho na humihingi ng tulong kay Liz, palagi siyang pumapayag. Minsan, kapag may alitan sa kanyang mga kasamahan, kahit gaano siya kalungkot, hindi siya agad nagagalit, at palaging pinangangalagaan ang maayos na relasyon niya sa kanyang mga kasamahan. Pagkatapos sumali sa iglesia, malaki pa rin ang pagtutuon ni Liz sa kanyang imahe sa isipan ng kanyang mga kapatid. Nang makita niyang may ilang taong hindi gumagawa ng kanilang tungkulin ayon sa mga prinsipyo, o nagiging pabaya, kahit na malinaw na gusto niyang ituro ito at pungusan sila, isinaalang-alang niya ang opinyong maaaring mayroon sila tungkol sa kanya at pinili niyang payuhan sila ng mga salitang magandang pakinggan para protektahan ang kanyang mga relasyon sa kanila. Kunin nating halimbawa ang relasyon niya kay Roger. Nang makita niyang namumuhay ito sa mga pagkakagapos ng laman, at tinatrato ang kanyang tungkulin nang may pabayang saloobin at inaantala ang gawain, itinuro niya dapat ang mga problema ni Roger at nakipagbahaginan dito tungkol sa kalikasan at mga kahihinatnan ng pagtrato nito sa kanyang tungkulin sa ganitong paraan. Gayumpaman, natatakot siyang magkakaroon si Roger ng masamang palagay sa kanya at sasabihing hindi siya maunawain, kaya sinubukan niyang payuhan siya nang malumanay gamit ang mga salitang magandang pakinggan. Inako pa nga niya ang trabahong dapat sana ay ginawa ni Roger at siya na mismo ang gumawa nito. Dahil si Roger ay hindi tunay na nagnilay o nakaunawa sa kanyang sarili, hindi nagbago ang kanyang saloobin sa kanyang tungkulin. Hindi lamang nito hinadlangan ang kanyang buhay pagpasok kundi naantala rin ang gawain ng iglesia. Nang maunawaan niya ito, naramdaman ni Liz na siya ay lubhang kasuklam-suklam at buktot. Bilang isang superbisor, dapat sana niyang pinrotektahan ang gawain ng iglesia, at pinasan ang isang pasanin para sa buhay pagpasok ng kanyang mga kapatid. Sa halip, ang tanging ginawa niya ay protektahan ang sarili niyang dangal at katayuan. Kung hindi niya ito babaguhin, sa huli ay kasusuklaman siya at ititiwalag ng Diyos.

Isang araw sa panahon ng mga debosyonal, nabasa niya ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, na talagang nakaantig sa kanya. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kailangang may pamantayan para sa pagkakaroon ng mabuting pagkatao. Hindi kasama rito ang pagtahak sa landas ng pagtitimpi, hindi pagkapit sa mga prinsipyo, pagsisikap na huwag makasakit ng sinuman, pagsipsip kahit saan ka magpunta, pagiging madulas at wais sa lahat ng iyong nakakasalamuha, at pagtiyak na puro maganda ang sasabihin ng lahat tungkol sa iyo. Hindi ito ang pamantayan. Ano kung gayon ang pamantayan? Ito ay ang magawang magpasakop sa Diyos at sa katotohanan. Ito ay ang pagharap sa tungkulin at sa iba’t ibang uri ng tao, pangyayari, at mga bagay nang may mga prinsipyo at pagpapahalaga sa responsabilidad. Ito ay malinaw na nakikita ng lahat; ang lahat ay maliwanag tungkol dito sa kanilang puso. Bukod doon, sinisiyasat ng Diyos ang puso ng mga tao at alam Niya ang kanilang sitwasyon, bawat isa sa kanila; kahit sino pa sila, walang makakaloko sa Diyos. Palaging ipinagyayabang ng ilang tao na nagtataglay sila ng mabuting pagkatao, na hindi sila kailanman nagsasabi nang masama tungkol sa iba, hindi kailanman pinipinsala ang mga interes ng sinuman, at sinasabi nilang hindi sila kailanman nag-iimbot ng mga pag-aari ng ibang tao. Kapag mayroong pagtatalo sa mga interes, pinipili pa nga nilang dumanas ng kawalan kaysa samantalahin ang iba, at iniisip ng lahat ng iba na mabubuti silang tao. Gayumpaman, kapag ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos, tuso at madaya sila, palaging nagbabalak para sa kanilang sarili. Hindi nila kailanman iniisip ang kapakanan ng sambahayan ng Diyos, hindi nila kailanman tinatrato na madalian ang mga bagay na tinatrato ng Diyos na madalian o nag-iisip gaya ng pag-iisip ng Diyos, at hindi nila kailanman kayang isantabi ang sarili nilang mga interes upang magampanan ang kanilang mga tungkulin. Hindi nila kailanman tinalikdan ang sarili nilang mga interes. Kahit na nakikita nilang gumagawa ng kasamaan ang masasamang tao, hindi nila inilalantad ang mga ito; wala silang mga prinsipyo o kung anuman. Anong uri ng pagkatao ito? Hindi ito mabuting pagkatao. Huwag ninyong pansinin ang sinasabi ng gayong mga tao; dapat ninyong tingnan ang kanilang ipinamumuhay, ang kanilang ibinubunyag, at ang kanilang saloobin kapag ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin, pati na ang kanilang kalagayang panloob at ang kanilang minamahal. Kung ang pagmamahal nila sa sarili nilang kasikatan at pakinabang ay nakahihigit sa kanilang katapatan sa Diyos, kung ang pagmamahal nila sa kanilang sariling kasikatan at pakinabang ay nakahihigit sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, o kung ang kanilang pagmamahal sa sarili nilang kasikatan at pakinabang ay nakahihigit sa konsiderasyong ipinapakita nila para sa Diyos, nagtataglay ba ang gayong mga tao ng pagkatao? Hindi sila mga taong may pagkatao. Nakikita ng iba at ng Diyos ang kanilang paggawi. Napakahirap para sa gayong mga tao na matamo ang katotohanan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ni Liz na ang tunay na mabuting pagkatao ay hindi lamang mabuting asal sa panlabas, o ang kilalanin at purihin bilang isang mabuting tao ng iba. Sa halip, ito ay ang pagiging kaisa ng Diyos sa isipan; pagiging mapagpasakop sa Diyos; pagiging tapat sa iyong tungkulin; nagagawang protektahan ang gawain ng iglesia; agarang paglalantad at pagpigil sa masasamang tao kapag nakikita mo silang gumagawa ng masama; at kapag nakikita mong ang mga kapatid ay gumagawa ng mga bagay na lumalabag sa mga prinsipyo, o kumikilos ayon sa mga tiwaling disposisyon at pumipinsala sa mga interes ng iglesia, kakayahang makipagbahaginan nang may pagmamahal at tulungan sila o pungusan sila kung malubha ang kalikasan ng kanilang mga kilos, nang sa gayon ay matuto silang kumilos nang may mga prinsipyo. Ito ang pagkakaroon ng tunay na mabuting pagkatao. Dati, palaging naniniwala si Liz na ang pagkakaroon ng mabuting pagkatao ay nangangahulugang hindi pagkagalit, hindi pakikipagtalo o pakikipag-away, at pagiging mabait at malumanay sa iba. Sa pamamagitan ng paglalantad ng mga salita ng Diyos, sa wakas ay naunawaan niyang sa katunayan ay may mga tiwaling disposisyong nagtatago sa likod ng ganitong uri ng “mabuting pagkatao”—ito ay mapagpaimbabaw at mapanlinlang. Naramdaman ni Liz na talagang napakahangal niya. Nagnilay si Liz kung paanong malinaw niyang nakitang inantala ni Roger ang gawain, ngunit hindi lamang niya itinuro ang kanyang mga problema at nakipagbahaginan at tinulungan siya, nagsabi pa nga siya ng ilang salita ng payo na hindi naman talaga niya taos-puso. Ginawa niya ang lahat ng ito para protektahan ang kanyang magandang imahe sa isipan ng iba. Nakita niyang talagang hindi siya isang taong may mabuting pagkatao. Nagkaroon si Liz ng kaunting pagkaunawa sa kanyang mga problema mula sa mga salita ng Diyos, at nagkaroon ng determinasyong isagawa ang katotohanan. Sa pagkakataong ito, kailangan niyang hanapin agad si Roger at ituro ang kanyang mga problema. Kung pagkatapos niyang makipagbahaginan sa kanya ay hindi niya ito tinanggap at hindi siya nagsisi, kung gayon ayon sa mga prinsipyo ay dapat ayusin ang kanyang tungkulin.

Biglang naisip ni Liz kung paanong si Roger ay namumuhay buong araw sa mga pagkakagapos ng pamilya, at sa katunayan, pagod na pagod din naman talaga siya. Kung pupungusan lang niya ito at ituturo ang kanyang mga problema, magiging negatibo kaya ito? Gayunpaman, kung hindi niya ituturo ang mga ito, hindi niya malulutas ang isyu. Nang maisip niya ito, hindi alam ni Liz kung paano magsagawa, kaya nanalangin siya sa Diyos. Pagkatapos, naghanap siya ng landas ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos. Nabasa niya ang mga salita ng Diyos: “Kailangan mong pakitunguhan ang tunay na mga kapatid nang ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Paano man sila nananampalataya sa Diyos o anumang landas ang kanilang tinatahak, dapat mo silang tulungan sa diwa ng pagmamahal. Ano ang pinakamaliit na epektong dapat makamtan ng isang tao? Una, hindi ito nakakatisod sa kanila, at hindi sila ginagawang negatibo; pangalawa, nakatutulong ito sa kanila, at napapabalik sila nito mula sa maling landas; at pangatlo, tinutulungan sila nitong maunawaan ang katotohanan at piliin ang tamang landas. Ang tatlong uri ng epektong ito ay makakamtan lamang sa pagtulong sa kanila sa diwa ng pagmamahal. Kung wala kang tunay na pagmamahal, hindi mo makakamtan ang tatlong uring ito ng epekto, at sa pinakamainam ay isa o dalawa lamang ang makakamtan mo. Ang tatlong uri ding ito ng epekto ang tatlong prinsipyo sa pagtulong sa iba. Alam mo ang tatlong prinsipyong ito at nauunawaan mo ang mga ito, ngunit paano talaga naipatutupad ang mga ito? Talaga bang nauunawaan mo ang paghihirap ng iba? Hindi ba’t isa pa itong problema? Dapat mo ring isipin, ‘Ano ang pinagmumulan ng kanyang paghihirap? May kakayahan ba akong tulungan siya? Kung masyadong maliit ang tayog ko at hindi ko malutas ang kanyang problema, at nagsalita ako nang walang-ingat, baka sa maling landas ko siya maituro. Bukod pa roon, gaano kahusay ang kakayahan ng taong ito na makaunawa, at ano ang kakayahan niya? Sarado ba siya sa kanyang paniniwala? Mayroon ba siyang espirituwal na pang-unawa? Kaya ba niyang tanggapin ang katotohanan? Hinahanap ba niya ang katotohanan? Kung makikita niyang mas mahusay ako sa kanya, at nakipagbahaginan ako sa kanya, uusbong ba sa kanya ang paninibugho o pagiging negatibo?’ Kailangang isaalang-alang ang lahat ng tanong na ito. Matapos mong maisaalang-alang ang mga tanong na ito at malinawan sa mga ito, makipagbahaginan ka sa taong iyon, basahin mo ang ilang sipi ng mga salita ng Diyos na naaangkop sa kanyang problema, at ipaunawa sa kanya ang katotohanan sa mga salita ng Diyos at maghanap ka ng landas na isasagawa. Sa gayon, malulutas ang problema, at makakaalis sila sa kanilang paghihirap. … Hindi madaling tunay na malutas ang isang problema. Dapat mong maunawaan ang katotohanan, makita ang diwa ng problema, at pagkatapos ay dapat kang magbahagi sa iba nang malinaw ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at makapagbahagi tungkol sa landas ng pagsasagawa sa paraang nauunawaan ng iba. Sa ganitong paraan, hindi lamang mauunawaan ng mga tao ang katotohanan, kundi magkakaroon pa sila ng landas para isagawa ito, doon lamang maituturing na nalutas na ang problema(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paghahanap Lamang sa Katotohanan Malulutas ng Tao ang Kanyang mga Kuru-kuro at Maling Pagkaunawa sa Diyos). Lubhang malinaw na ipinaliliwanag ng mga salita ng Diyos ang mga prinsipyo kung paano tutulungan ang mga tao. Naunawaan ni Liz na kailangan mong kumilos ayon sa tayog ng mga tao at alamin ang kanilang mga tunay na paghihirap upang hindi sila matisod, matulungan sila, at maipaunawa sa kanila ang mga layunin ng Diyos, maunawaan ang sarili nilang mga tiwaling disposisyon, at makahanap ng landas ng pagsasagawa at pagpasok mula sa mga salita ng Diyos. Bukod pa rito, sa pagbabahaginan ay kailangan mong tratuhin nang taos-puso ang mga tao, at hindi maaaring maging pabaya sa mga tao o magkaroon ng anumang ibang mga layunin. Kung nagsasabi ka lang ng mga salitang magandang pakinggan na salungat sa nasa puso mo, kahit na malumanay kang magsalita, mapagpaimbabaw pa rin ito; ito ay hindi taos-pusong pagkagiliw at mga huwad na layunin. Sa kabilang banda, kung ang iyong mga salita ay tunay at naglalayon kang tulungan ang mga tao, kahit na magsalita ka nang masakit o pagalitan mo pa sila, angkop pa rin iyon. Kung malinaw kang nagbabahagi tungkol sa katotohanan, at nauunawaan ng ibang tao ang katotohanan ngunit hindi niya ito isinasagawa, o binabalewala pa nga nang lubos ang gawain ng sambahayan ng Diyos, kung gayon maaari mo siyang pungusan o tanggalin sa malulubhang kaso Naisip ni Liz kung paanong si Roger ay isang baguhan, at may tunay na pananampalataya sa Diyos. Dahil lamang sa ilang tunay na paghihirap sa kanyang buhay kaya kinailangan niyang magtrabaho, at hindi niya alam kung paano magsagawa kapag may salungatan sa pagitan ng trabaho at tungkulin. Kinailangan ni Liz na humanap ng mga kaugnay na sipi ng mga salita ng Diyos na nakatuon sa kalagayan at mga paghihirap ni Roger para magbahagi at matulungan siya, ituro ang mga mapanganib na kahihinatnan ng pamumuhay sa ganitong kalagayan, at magbahagi tungkol sa layunin ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, tungkol sa mga espirituwal na labanan, at tungkol sa isang landas ng pagsasagawa para maghimagsik laban sa laman. Kung pagkatapos niyang magbahagi nang malinaw tungkol dito ay hindi pa rin nagbago si Roger, maaari niya itong pungusan o bigyan ng babala, at kung hindi pa rin ito magbabago, tatanggalin na siya. Matapos magkaroon ng landas ng pagsasagawa, biglang gumaan ang pakiramdam ni Liz.

Kinabukasan, nakipagkita si Liz kay Roger. Sinabi niya, “Brother Roger, hindi ko isinagawa ang katotohanan dati. Nang marinig kong palagi mong sinasabing abala ka at wala kang oras para gawin ang iyong tungkulin, pumanig ako sa iyong laman at isinaalang-alang ko ang iyong kahinaan. Sa panlabas, hindi ako kailanman naging mahigpit sa iyo at hindi ko itinuro ang iyong mga problema. Sa katunayan, ipinapahamak kita sa paggawa nito. Ngayon, gusto kong talakayin ang isang seryosong isyu sa iyo. Isa itong isyu na may kaugnayan sa ating saloobin sa ating tungkulin. …” Pagkatapos magbahagi ni Liz, nagsisi si Roger at sinabing, “Totoo iyan. Palagi akong namumuhay sa laman, at napakalayo ng aking relasyon sa Diyos. Nang masama ang kalagayan ko, naramdaman ko pa ngang ang paggawa ng tungkulin ko ay isang pagkakagapos. Ngayon, salamat sa pagbabahaginang ito, sa wakas ay naunawaan ko kung gaano nakakatakot ang aking kalagayan. Salamat sa Diyos. Ang mga sinabi mo ay tumagos sa puso ko, ngunit napakalaking tulong nito sa akin. Mula ngayon, gagawin ko nang maayos ang aking tungkulin.” Pagkatapos, bagama’t napakaabala pa rin ni Roger sa trabaho, kaya na niyang ayusin nang makatwiran ang kanyang oras para magawa niya ang kanyang tungkulin, at magkamit ng ilang resulta. Nang makita niya ang eksenang ito, labis na naantig si Liz. Naranasan niyang sa pamamagitan lamang ng pagkilos ayon sa mga salita ng Diyos siya magkakaroon ng landas na tatahakin at makapagbibigay ng pakinabang sa iba. Pagkatapos ng karanasang ito, labis na naantig si Liz, at nakitang lalo lamang siyang gagawing mapagpaimbabaw ng pamumuhay ayon sa mga satanikong kautusan; magiging tuso siya at mapanlinlang, at mauuwi lamang na pinipinsala ang sarili at ang iba. Sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos siya makapamumuhay nang may wangis ng tao.

Sinundan:  68. Hindi Na Ako Magrereklamo Tungkol sa Aking Kapalaran

Sumunod:  70. Pagkatapos Magkaroon ng Leukemia ang Aking Anak na Babae

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger