73. Bakit Ako Palaging Umaatras mula sa mga Paghihirap?

Ni Bertha, Myanmar

Noong Mayo 2022, nahalal ako bilang lider ng iglesia. Lubos akong nagpapasalamat sa pagbibiyaya at pagtataas sa akin ng Diyos, at naramdaman kong kailangan kong gawin nang maayos ang aking tungkulin. Sa simula, napakaaktibo ko sa aking tungkulin, at sa tuwing may nakakaharap akong mga bagay na hindi ko naiintindihan, hahangarin kong makipag-ugnayan sa nakatataas na lider, at pagkatapos magkamit ng pagkaunawa, makikipagbahaginan ako at lulutasin ang problema. Kalaunan, habang nagsisimulang lumuwag ang lockdown dahil sa COVID-19, maraming baguhan ang nagsimulang magtrabaho at hindi makadalo sa mga pagtitipon o normal na makagampan ng kanilang mga tungkulin. Nang maharap sa sitwasyong ito, medyo hindi ko alam ang gagawin, iniisip ko, “Bilang isang lider, dapat kong suportahan at tulungan ang aking mga kapatid, at lutasin ang kanilang mga kalagayan at kahirapan.” Pagkatapos ay isa-isa akong nakipagbahaginan sa mga kapatid, ngunit wala akong nakuhang anumang resulta mula rito, kaya ayaw ko nang pumunta pa para suportahan sila. Pakiramdam ko, dahil kailangan kong pumasok sa trabaho, at mangaral ng ebanghelyo, kung kailangan ko pa ring suportahan ang mga kapatid na hindi regular na dumadalo sa mga pagtitipon, halos wala na akong oras para magpahinga. Pagod na pagod ako at gusto ko pa ngang huminto sa pagiging lider ng iglesia. Namumuhay ako sa isang negatibong kalagayan, iniisip na hindi maganda ang aking kakayahan, hindi ko kayang lumutas ng mga problema, at wala akong kapabilidad sa gawain. Kaya gusto ko nang palitan na lang ng nakatataas na lider ang aking tungkulin.

Kalaunan, ibinahagi ko ang aking mga iniisip sa nakatataas na lider, at pagkatapos makinig, pinadalhan niya ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang pinakamahalagang pagpapamalas ay ang paghahanap at pagsasagawa ng katotohanan sa lahat ng bagay—ito ang pinakamahalaga. Sinasabi mong ikaw ay matapat, pero palagi mong iniiwasang isipin ang mga salita ng Diyos at ginagawa lang ang anumang gusto mo. Pagpapamalas ba iyon ng isang matapat na tao? Sinasabi mo, ‘Bagama’t mahina ang kakayahan ko, mayroon akong matapat na puso.’ Gayumpaman, kapag may tungkulin na itinalaga sa iyo, natatakot kang magdusa at magpasan ng responsabilidad kung hindi mo ito magagawa nang maayos, kaya nagpapalusot ka para iwasan ang tungkulin mo o nagmumungkahi ka na iba na lang ang gumawa nito. Pagpapamalas ba ito ng isang matapat na tao? Malinaw na hindi. Kung gayon, paano dapat umasal ang isang matapat na tao? Dapat siyang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, maging tapat sa tungkulin na dapat niyang gampanan, at magsikap na matugunan ang mga layunin ng Diyos. Naipapamalas ito sa iba’t ibang paraan: Ang isa ay ang pagtanggap sa iyong tungkulin nang may matapat na puso, hindi isinasaalang-alang ang mga interes ng iyong laman, hindi nagiging walang sigla sa iyong tungkulin, at hindi nagpapakana para sa sarili mong pakinabang. Iyon ang mga pagpapamalas ng katapatan. Ang isa pa ay ang paggampan nang maayos sa iyong tungkulin nang buong puso at buong lakas mo, paggawa sa mga bagay-bagay nang tama, at pagsasapuso at pagmamahal sa iyong tungkulin para bigyang-kasiyahan ang Diyos. Ito ang mga pagpapamalas na dapat mayroon ang isang matapat na tao habang ginagampanan ang kanyang tungkulin. Kung nakakaunawa ka at alam mo kung ano ang gagawin, pero hindi mo ito ginagawa, kung gayon ay hindi mo ibinibigay sa tungkulin mo ang buong puso at lakas mo. Sa halip, ikaw ay tuso at nagpapakatamad. Matatapat ba ang mga taong gumagampan sa kanilang mga tungkulin sa ganitong paraan? Hinding-hindi. Walang silbi sa Diyos ang gayong mga tuso at mapanlinlang na tao; dapat silang itiwalag. Matatapat na tao lamang ang ginagamit ng Diyos para gumampan ng mga tungkulin. Kahit ang mga tapat na trabahador ay kailangang maging matapat. Ang mga taong palaging pabasta-basta at tuso at naghahanap ng paraan para magpakatamad ay pawang mapanlinlang, at mga demonyo silang lahat. Wala sa kanila ang tunay na nananampalataya sa Diyos, at ititiwalag silang lahat(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Tinatalakay ng mga salita ng Diyos kung paanong ang matatapat na tao ay naghahanap ng katotohanan sa lahat ng bagay at nagpapasakop sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos kapag ginagawa ang kanilang tungkulin. Inilalagay nila ang lahat ng kanilang puso at lakas sa pagtupad ng kanilang tungkulin, at sila ay mga taong maaasahan ng iba sa paggawa ng mga bagay-bagay. Kapag ang isang mapanlinlang na tao ay gumagawa ng kanyang tungkulin at nakakaharap ang mga bagay na kinasasangkutan ng kanyang mga personal na interes o nangangailangan ng pagdurusa at pagsisikap, hahanap sila ng mga dahilan para iwasan ang responsabilidad. Kahit na ginagawa nila ang kanilang tungkulin, hindi nila ibinubuhos ang kanilang buong pagsisikap, at bahagi lamang ng kanilang lakas ang ginagamit. Ito ay pagiging tuso at pagpapabaya. Ikinumpara ko ito sa sarili kong asal. Nang makita kong hindi regular na dumadalo sa mga pagtitipon ang mga baguhan, at wala akong nakitang anumang resulta pagkatapos subukang tumulong at makipagbahaginan sa kanila, ayaw ko nang maglaan pa ng dagdag na pagsisikap sa pag-iisip para suportahan sila. Sinabi ko pa ngang dahil iyon sa hindi sapat ang aking kakayahan para lutasin ang kanilang mga paghihirap, at na wala akong kapabilidad sa gawain, at gusto kong italaga ako ng nakatataas na lider sa ibang tungkulin. Sa katotohanan, gumagawa ako ng mga dahilan para pagtakpan ang aking intensyong umiwas sa hirap, at para iwasan ang pag-ako ng responsabilidad upang magpakasasa sa aking laman. Bilang isang lider, dapat sana ay tinutupad ko ang aking responsabilidad na diligan at suportahan nang maayos ang mga kapatid. Ngunit ayaw kong magdusa o magbayad ng halaga. Palagi kong iniisip ang sarili kong mga interes ng laman at pagpapakasasa sa kaginhawahan. Sa ganitong paggawa ng tungkulin, nagiging pabasta-basta lang ako, tuso, at naghahanap ng mga paraan para magpabaya. Ang inilalantad ko ay isang makasarili, kasuklam-suklam, at mapanlinlang na disposisyon. Nang mapagtanto ko ang mga bagay na ito, medyo nakonsensiya ako. Hindi ko inilagay ang aking puso sa pagsuporta sa mga baguhan, at sa halip ay naging tuso ako at nagpabaya. Ito ay isang bagay na kinasusuklaman ng Diyos. Nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, kamakailan ay maraming baguhan ang hindi regular na dumadalo sa mga pagtitipon, at kaunting-kaunti ang mga manggagawa ng ebanghelyo. Bagama’t nakipagbahaginan na ako sa kanila, dahil natatakot ako sa pisikal na hirap at ayaw kong magbayad ng halaga, hindi ko ginawa ang lahat ng aking makakaya para lutasin ang kanilang mga aktuwal na paghihirap. Handa akong baguhin ang aking pabasta-bastang saloobin sa aking tungkulin. Pakiusap, gabayan Mo ako.” Pagkatapos niyon, isa-isa, sinimulan kong suportahan ang mga kapatid na hindi regular na dumadalo sa mga pagtitipon. Para sa ilan sa kanilang mga kalagayan at paghihirap na hindi ko alam kung paano lutasin, tinalakay ko ang mga ito sa aking kapareha, at naghanap ng mga kaugnay na salita ng Diyos para ibahagi sa mga baguhan. Pagkatapos gawin ito sa loob ng ilang panahon, ilang baguhan ang nagsimulang dumalo nang regular sa mga pagtitipon, at nagagawa na rin nilang gumampan ng ilang tungkulin. Isang baguhan ang napakaaktibo sa pangangaral ng ebanghelyo, kaya kinuha ko siyang kapareha para mangaral ng ebanghelyo. Unti-unti, naging mas aktibo ang lahat sa pangangaral ng ebanghelyo, at hindi ko na nararamdamang ganoon kahirap ang mga bagay-bagay. Napagtanto kong kung ibubuhos ko ang lahat ng aking pagsisikap sa aking tungkulin, gagabayan din ako ng Diyos. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, hindi na ako napapagod, at panatag na ang puso ko. Akala ko noong una, dahil naranasan ko ang bagay na ito, nagkaroon na ako ng kaunting pagkaunawa sa aking tiwaling disposisyon ng pagpapakasasa sa ginhawa ng laman, at na medyo nagbago na ako, ngunit nang dumating sa akin ang mga aktuwal na sitwasyon, muli akong nagbunyag ng tiwaling disposisyon tungkol dito.

Isang beses, gusto akong sanayin ng lider para maging mangangaral, at maging pangunahing responsable sa gawain ng ebanghelyo ng ilang iglesia. Nang marinig ko ito, halo-halo ang naramdaman ko. Naramdaman kong dahil hindi regular ang iskedyul ko sa trabaho at puwede akong tawagan anumang oras para pumasok, at dahil mas mabigat ang trabaho ng pagiging mangangaral, mas mababawasan ang libreng oras ko. Partikular na, marami akong pagkukulang pagdating sa pangangaral ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos. Kailangan ko pa ring mag-aral at magsanay nang higit pa, at uubos din ito ng maraming oras ko. Sa pag-iisip ng mga bagay na ito, gusto kong iwasan ang tungkuling ito. Ipinahayag ko ang aking mga iniisip, at pagkatapos marinig ang aking mga alalahanin, binasahan ako ng lider ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Dapat ninyong maunawaan na anumang oras o saanmang yugto ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, palagi Niyang kailangan ng ilang tao upang makatuwang Niya. Na ang mga taong ito ay nakikipagtulungan sa gawain ng Diyos o nakikipagtulungan sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ay pauna na Niyang itinakda. Kaya ang Diyos ba ay mayroong iniatas sa bawat tao na Kanyang pauna nang itinalaga? Ang bawat isa ay mayroong misyon at responsabilidad; ang bawat isa ay mayroong atas. Kapag binigyan ka ng Diyos ng isang atas, ito ay nagiging responsabilidad mo. Kailangan mong akuin ang responsabilidad na ito; ito ay tungkulin mo. Ano ang tungkulin? Ito ay ang misyon na ibinigay ng Diyos sa iyo. Ano ang isang misyon? (Ang atas ng Diyos ay ang misyon ng tao. Ang buhay ng isang tao ay dapat na gugulin para sa atas ng Diyos. Ang atas na ito ay ang tanging bagay sa puso niya, at hindi siya dapat mamuhay para sa iba pa.) Ang atas ng Diyos ay ang misyon ng tao; ito ang tamang pagkaunawa. Ang mga taong nananalig sa Diyos ay inilagay sa lupa upang kumpletuhin ang atas ng Diyos. Kung ang tanging hinahangad mo sa buhay na ito ay ang umangat sa lipunan, magkamal ng kayamanan, mamuhay nang matiwasay, matamasa ang pagiging malapit sa pamilya, at magpakasaya sa katanyagan, pakinabang, at katayuan—kung magkakamit ka ng katayuan sa lipunan, magiging tanyag ang iyong pamilya, at lahat sa iyong pamilya ay ligtas at maayos—ngunit binabalewala mo ang misyong ibinigay ng Diyos sa iyo, mayroon bang anumang halaga sa buhay na ito na ipinamumuhay mo? Paano ka sasagot sa Diyos pagkatapos mong mamatay? Hindi ka makakasagot, at ito ang pinakamalaking paghihimagsik; ito ang pinakamalaking kasalanan! Sino sa inyo ang gumagampan sa inyong tungkulin sa sambahayan ng Diyos ngayon nang aksidente lamang? Anuman ang pinagmulan ninyo upang gampanan ang tungkulin ninyo, wala sa mga ito ang nagkataon lang. Hindi magagampanan ang tungkuling ito sa pamamagitan lang ng basta-bastang pagpili ng ilang mananampalataya; ito ay isang bagay na pauna nang itinalaga ng Diyos bago pa ang mga kapanahunan. Ano ang ibig sabihin kapag ang isang bagay ay nauna nang itinalaga? Ano sa partikular? Ang ibig sabihin nito ay sa Kanyang kabuuang plano ng pamamahala, matagal nang naiplano ng Diyos kung ilang ulit kang darating sa mundo, sa aling lipi at sa aling pamilya ka isisilang sa panahon ng mga huling araw, ano ang mga magiging kalagayan ng pamilyang ito, ikaw ba ay magiging lalaki o babae, ano ang iyong magiging mga kalakasan, anong antas ng edukasyon ang maaabot mo, gaano ka magiging mahusay magsalita, ano ang iyong magiging kakayahan at ano ang magiging itsura mo. Pinlano Niya ang edad na darating ka sa sambahayan ng Diyos at magsisimulang gumanap ng iyong tungkulin, at anong tungkulin ang iyong gagampanan at anong oras. Matagal nang paunang itinalaga ng Diyos ang bawat hakbang para sa iyo. Bago ka pa isinilang, at nang namuhay ka sa lupa sa iyong nakaraang ilang buhay, naisaayos na ng Diyos para sa iyo ang tungkuling iyong gagampanan sa panahong ito ng huling yugto ng gawain. Tiyak na hindi ito biro! Na nagagawa mong makinig ng sermon dito ay pauna nang itinakda ng Diyos. Hindi ito dapat na balewalain! Dagdag pa, ang taas, hitsura, mata, pangangatawan, kalagayan ng kalusugan, at mga karanasan sa buhay mo at kung aling mga tungkulin ang kaya mong gampanan sa partikular na edad, at kung anong uri ng kakayahan at abilidad ang taglay mo—ang mga ito ay itinakda ng Diyos para sa iyo, at tiyak na hindi kasalukuyang isinasaayos ang mga ito. Matagal nang itinakda ng Diyos ang mga ito para sa iyo, ibig sabihin, kung layon Niyang gamitin ka, inihanda Ka na Niya bago ibinigay sa iyo ang atas na ito at ang misyong ito. Kaya katanggap-tanggap ba na takasan mo ito? Katanggap-tanggap ba na hindi maging buo ang puso mo tungkol dito? Parehong hindi katanggap-tanggap ang mga iyon; binibigo mo ang Diyos kung magkagayon! Pinakamasamang uri ng paghihimagsik ang talikuran ng mga tao ang kanilang tungkulin. Ito ay isang kasuklam-suklam na gawa. Masinsinang nag-isip ang Diyos, pauna nang itinakda simula pa noong unang panahon upang makarating ka sa araw na ito at mapagkalooban ng misyong ito. Kung gayon, hindi ba’t ang misyong ito ang responsabilidad mo? Hindi ba’t ito ang nagbibigay ng halaga sa pamumuhay ng buhay mong ito? Kung hindi mo kukumpletuhin ang misyong ibinigay ng Diyos sa iyo, mawawala sa iyo ang halaga at kabuluhan ng pamumuhay; ito ay para kang nabuhay nang walang saysay(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan kong anuman ang tungkuling ginagawa ng isang tao sa isang tiyak na panahon, lahat ito ay itinalaga ng Diyos, at dapat ko itong tanggapin, dahil ito ang obligasyon ng isang tao. Ngunit nang maharap ako sa aking tungkulin, sinubukan kong iwasan ito dahil natatakot ako sa pisikal na hirap. Dito, tinatanggihan ko ang aking tungkulin, at isa ko itong lubos na paghihimagsik! Hindi pinipilit ng Diyos ang mga tao na gawin ang mahirap para sa kanila, ni hindi Niya itinutulak ang mga tao nang higit sa kanilang mga kakayahan. Noong una akong nagsimulang mangaral ng ebanghelyo, normal lang na magkaroon ng mga pagkukulang at kakapusan, at kung may hindi ako naiintindihan sa takbo ng pagsasanay, puwede akong magtanong. Kung tunay kong tinupad ang aking mga responsabilidad, malulugod ang Diyos. Naisip ko kung paano ako naging pabasta-basta sa aking mga tungkulin dati at ang pagkakonsensiyang iniwan nito sa akin. At ngayon ay nagkaroon ako ng pagkakataong maging mangangaral; medyo hindi ito inaasahan. Pakiramdam ko ay talagang hindi ako karapat-dapat. Hindi ko na puwedeng iwasan pa ang aking tungkulin. Kailangan kong bitiwan ang mga interes ko ng laman at isaalang-alang ang layunin ng Diyos.

Kalaunan, isang sister ang nakipag-usap sa akin tungkol sa kung paano niya palaging gustong iwasan ang kanyang tungkulin, at na hindi pa niya ito gaanong napagnilayan o naunawaan. Naisip ko kung paanong nasa katulad na kalagayan din ako. Sa tuwing nahaharap ako sa isang mahirap na tungkulin, ang unang nabubunyag sa puso ko ay ang pagnanais na iwasan ito at hindi hayaang magdusa ang aking laman. Bakit ako nagkakaroon ng ganitong mga pagpapamalas? Sa panahon ng aking mga debosyonal, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at nauunawaan ang katotohanan, ang kalikasan ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa kalikasang iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katayuan? Bakit ka mayroong gayong katitinding damdamin? Bakit ka nasisiyahan sa mga di-matutuwid na bagay na iyon? Bakit gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang batayan ng pagkahilig mo sa mga ganoong bagay? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit ka masayang-masaya na tanggapin ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan sa likod ng lahat ng bagay na ito ay dahil nasa kalooban ng tao ang lason ni Satanas. Kaya, ano ang lason ni Satanas? Paano ito maipapahayag? Halimbawa, kung magtatanong ka ng, ‘Paano dapat mamuhay ang mga tao? Para saan ba dapat nabubuhay ang mga tao?’ sasagot ang mga tao: ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang pilosopiya at lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Anuman ang hinahangad ng mga tao, ginagawa nila ito para sa kanilang sarili—kaya’t nabubuhay lamang sila para sa kanilang sarili. ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’—ito ang pilosopiya sa buhay ng tao, at kinakatawan din nito ang kalikasan ng tao. Naging kalikasan na ng tiwaling sangkatauhan ang mga salitang ito at ang mga ito ang tunay na larawan ng satanikong kalikasan ng tiwaling sangkatauhan. Ang satanikong kalikasang ito na ang naging batayan para sa pag-iral ng tiwaling sangkatauhan. Sa loob ng ilang libong taon, namuhay ang tiwaling sangkatauhan ayon sa kamandag na ito ni Satanas, hanggang sa kasalukuyang panahon(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro). “Ang laman ng tao ay tulad ng ahas: Ang diwa nito ay ang mapinsala ang kanyang buhay—at kapag ito nga ay ganap na nagtagumpay, mawawala ang iyong buhay. Ang laman ay kay Satanas. Palaging may maluluhong pagnanais sa loob nito, palagi itong nag-iisip para sa sarili nito, at palagi itong nagnanais ng kapanatagan at gustong magpakasasa sa kaginhawahan, na walang pagkabalisa at pakiramdam ng pag-aapura, nalulugmok sa katamaran, at kung tutugunan mo ito hanggang sa isang partikular na punto, sa huli ay lalamunin ka nito. Na ang ibig sabihin, kung bibigyang-kasiyahan ninyo ito ngayon, hihilingin nito sa iyo na palugurin uli ito sa susunod. Lagi itong may maluluhong pagnanasa at mga bagong kahilingan, at sinasamantala ang iyong pagkabuyo sa laman upang gawin kang mas pahalagahan ito at mamuhay kasama ng mga ginhawa nito—at kung hindi mo ito kailanman malalampasan, sisirain mo ang iyong sarili sa huli. Kung makakapagkamit ka ng buhay sa harap ng Diyos, at kung ano ang iyong kalalabasan sa huli, ay nakasalalay sa kung paano mo isinasagawa ang iyong paghihimagsik laban sa laman. Iniligtas ka ng Diyos, at ikaw ay hinirang at itinalaga, ngunit kung ngayon ay ayaw mo Siyang bigyang-kasiyahan, ayaw mong isagawa ang katotohanan, ayaw mong maghimagsik laban sa iyong sariling laman nang may tunay na mapagmahal-sa-Diyos na puso, sa huli ay ipapahamak mo ang iyong sarili, at sa gayon ay magtitiis ka ng matinding sakit. Kung lagi mong pinagbibigyan ang laman, dahan-dahan kang lulunukin ni Satanas, at iiwan kang walang buhay, o haplos ng Espiritu, hanggang dumating ang araw na ganap nang madilim ang kalooban mo. Kapag nabubuhay ka sa kadiliman, bibihagin ka ni Satanas, hindi mo na taglay ang Diyos sa puso mo, at sa panahong iyon ay ikakaila mo ang pag-iral ng Diyos at iiwanan Siya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Inilalantad ng mga salita ng Diyos na ang pamumuhay ayon sa lason ni Satanas ay ginagawang makasarili ang mga tao, at anuman ang kanilang gawin, isinasaalang-alang muna nila ang sarili nilang mga interes, na nagiging sanhi ng pag-iwas nila sa mga tungkuling magpapahirap o magpapabigat sa kanilang laman. Namumuhay ako ayon sa mga satanikong lason na “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba” at “Magpakasaya ka na ngayon, bukas ka na mag-alala.” Kapag nahaharap sa mga bagay-bagay, una kong hinahangad na bigyang-kasiyahan ang mga interes ng aking laman, at inakala ko pa ngang tama ang mga pananaw na ito at na ang pagsunod sa mga ito ay ginawa akong mas matalino kaysa sa iba. Kaya, sa tuwing nahaharap ako sa aking mga tungkulin, una kong isinasaalang-alang kung magdurusa ba ang aking laman, at kung magdurusa o mabibigatan ang aking laman, iiwasan ko ang mga ito o iraraos lang. Noong hindi normal ang kalagayan ng mga baguhan at nangangailangan ng pakikipagbahaginan ng mga salita ng Diyos para suportahan sila, ayaw kong magbayad ng halaga para pag-isipan kung paano lulutasin ang isyung iyon, at bilang resulta, walang epekto ang aking pakikipagbahaginan, at ilang baguhan ang hindi nasuportahan sa tamang oras. Nang iayos ng lider na akuin ko ang tungkulin ng isang mangangaral, naisip ko kung gaano kabigat ang magiging trabaho bilang mangangaral, at kung paanong mangangailangan ito ng mas maraming oras at pagsisikap, at dahil dito hindi ko na mapapalayaw ang aking laman, kaya muli, naisip kong iwasan ang aking tungkulin. Nakita kong namumuhay ako ayon sa mga satanikong lason na ito, masyadong pinahahalagahan ang aking laman, kontento sa kasalukuyang kalagayan, hindi nagsusumikap umusad, at nagiging makasarili at mapanlinlang. Hindi ito ang dapat isabuhay ng isang taong may normal na pagkatao. Nagpakasasa ako sa kaginhawahan at hindi ko ginawa ang kaya ko, at bilang resulta, naantala ang gawain ng iglesia. Kinapopootan ng Diyos ang mga taong tulad ko. Kaya gusto kong baguhin ang aking saloobin sa aking mga tungkulin at ayaw ko nang magnais pa ng ginhawa ng laman. Nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, ayaw ko nang bigyang-kasiyahan pa ang aking laman. Handa akong baguhin ang aking kalagayan at tuparin ang aking mga tungkulin.”

Kalaunan, may isang iglesia ng mga nagsasalita ng Wa na nangangailangan ng superbisor, at isang sister ang nagmungkahing subaybayan ko ang gawain sa iglesiang ito. Nang una kong marinig ang mungkahi na ito, gusto ko itong iwasan, dahil ang pagkuha ng responsabilidad para sa iglesia ng mga nagsasalita ng Wa ay mangangailangan ng maraming oras at pagdurusa ng laman, at bagama’t mula ako sa grupong etniko ng Wa, hindi ako marunong magsalita ng aming katutubong wika, at nakakaintindi lang ako ng ilang panimulang pang-araw-araw na mga ekspresyon. Maraming magiging paghihirap kung ako ang magiging superbisor, at ayaw kong maglaan ng pagsisikap para matutunan ang wika, kaya muli, naisip kong iwasan ang aking tungkulin. Nang mapagtanto kong mali ang aking kalagayan, nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, pakiusap, bigyang-liwanag at gabayan Mo ako para maunawaan ang Iyong layunin at maghimagsik laban sa aking laman para tanggapin ang tungkuling ito.” Kalaunan, pinadalhan ako ng isang sister ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kapag mas mapagsaalang-alang ka sa mga layunin ng Diyos, mas malaki ang iyong pasanin, at kapag mas malaki ang iyong pasanin, mas yayaman ang iyong karanasan. Kapag mapagsaalang-alang ka sa mga layunin ng Diyos, bibigyan ka ng Diyos ng isang pasanin, at pagkatapos ay liliwanagan ka tungkol sa mga gawaing naipagkatiwala Niya sa iyo. Kapag ibinigay ng Diyos ang pasaning ito sa iyo, papansinin mo ang lahat ng nauugnay na katotohanan habang kumakain at umiinom ka ng mga salita ng Diyos. Kung mayroon kang pasanin na may kaugnayan sa kalagayan sa buhay ng iyong mga kapatid, ito ay isang pasanin na naipagkatiwala sa iyo ng Diyos, at palagi mong dadalhin ang pasaning ito sa iyong mga dalangin sa araw-araw. Ang ginagawa ng Diyos ay naipagkatiwala na sa iyo, at handa kang isakatuparan yaong nais gawin ng Diyos; ito ang ibig sabihin ng dalhin ang pasanin ng Diyos na parang iyo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maging Mapagsaalang-alang sa mga Layunin ng Diyos para Makamit ang Pagiging Perpekto). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na habang mas isinasaalang-alang natin ang mga layunin ng Diyos sa ating mga tungkulin, mas maraming pasanin ang ibinibigay Niya sa atin. At magkakaroon tayo ng pagpapahalaga sa pasanin para sa mga kalagayan ng ating mga kapatid, at sa ganitong paraan, unti-unti nating mailalaan ang ating mga puso sa ating mga tungkulin. Sa pamamagitan ng paghahanap ng katotohanan sa iba’t ibang isyung ating nakakaharap, mas mabilis tayong lalago sa ating mga buhay. Nang maisip ko ito, tinanggap ko ang mungkahi ng sister na pangasiwaan ang iglesia ng mga nagsasalita ng Wa. Noong una, nang sinimulan kong gampanan ang gawain, nahirapan ako, ngunit sa pamamagitan ng aking pakikipagtulungan sa mga lider at manggagawa ng iglesia, nagsimulang mabawasan ang hirap ng aking mga tungkulin. Labis akong nagpapasalamat sa Diyos. Ang paggawa ng aking mga tungkulin sa ganitong paraan ay nagparamdam sa akin ng higit na kapanatagan.

Matapos danasin ang mga karanasang ito, napagtanto kong ang pagpapakasasa sa ginhawa ng laman ay nagiging sanhi ng pagkawala ng pagpapahalaga ko sa pasanin sa aking mga tungkulin at sanhi ng pag-iwas sa mahihirap na tungkuling nangangailangan ng pagdurusa. Kung patuloy akong magpapakasasa sa pisikal na kaginhawahan at hindi maghihimagsik laban sa aking laman, sa huli, mawawala sa akin ang aking mga tungkulin at mapapahamak ko ang aking sarili. Nang bitiwan ko ang mga interes ng laman at tanggapin ang aking mga tungkulin, at nagawa kong hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga problema, mas napanatag ako sa pagsasagawa sa ganitong paraan, at mas mabilis akong umusad.

Sinundan:  72. Ang mga Aral na Natutunan Ko Mula sa Pagdanas ng Pag-uusig at Kapighatian

Sumunod:  74. Nagkaroon na Ako ng Kakayahang Gawin ang Tungkulin Ko Nang Tuloy-tuloy

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger