74. Nagkaroon na Ako ng Kakayahang Gawin ang Tungkulin Ko Nang Tuloy-tuloy

Ni Han Jiuyi, Tsina

Mahigit dalawang taon na akong nagkukumpuni ng mga kagamitang elektroniko sa iglesia. Noong una kong inako ang tungkuling ito, naisip kong napakahirap nito dahil kinailangan kong matuto ng ilang bagong kasanayang propesyonal sa gawain at mga bagong pamamaraan. Handa akong maglaan ng oras at lakas para saliksikin ito at hindi ako natatakot magdusa o magbayad ng halaga. Sinuri ako ng mga kapatid sa paligid ko bilang isang taong may pasanin sa paggawa ng tungkulin. Sobrang saya ko nang marinig iyon. Gayumpaman, habang tumatagal ang paggawa ko sa tungkuling ito, medyo nagkaroon ako ng kaunting pagkaarok sa mga teknikal na kasanayan, at naging medyo maayos ang takbo ng trabaho. Kaya nagsimula kong maramdaman na ordinaryo at nakakabagot ang tungkuling ito. Sa pagharap sa paulit-ulit na trabaho at mga operasyon buong araw, naisip ko, “Kailangan ko bang magpatuloy nang ganito habambuhay? Sobrang nakakabagot nito! Sa teknikal na aspekto, sapat na ang lubos na pagkakaunawa ko para makaraos. Alam ko kung paano lutasin ang karamihan sa mga problemang nakakaharap ko, kaya walang malalaking kahirapan. Ang pagpapatuloy nang ganito ay masyadong nakakainip! Mas mabuti kung makakagawa ako ng ibang tungkulin at lumipat sa isang bagong kapaligiran. Makakaugnayan ko ang ilang panibagong tao, pangyayari, at bagay, at baka sa gayon ay mapuno ako ng sigla sa paggawa ng aking tungkulin. Kahit hindi ako pamilyar sa mga kasanayang propesyonal, kaya kong matutuhan ang mga ito mula sa simula—ayos lang iyon.” Gusto kong makipagkita sa superbisor para pag-usapan ang aking mga ideya. Pero naisip ko na matagal ko nang ginagawa ang tungkuling ito, at hindi agad makakahanap ng angkop na tao para pumalit sa aking tungkulin, kaya wala akong sinabi. Gayumpaman, sa hindi pagsasabi ng anuman, nakaramdam pa rin ng pagkasupil at panlulumo ang puso ko. Araw-araw, ginagawa ko lang nang pabasta-basta ang pagkukumpuni ng kagamitan. Hindi ako taimtim o maingat sa anumang ginagawa ko, at ginugol ko ang mga araw ko nang walang ginagawa.

Dahil hindi ako nag-ingat sa paggawa ng tungkulin ko, ang mga kagamitang kinumpuni ko ay paulit-ulit na nagkakaproblema, at minsan ay kailangang kumpunihin nang paulit-ulit. Ang pagkukumpuni ng kompyuter na dapat sana’y tatlong araw lang ay tumagal at umabot ng limang araw o higit pa, naantala ang paggamit dito ng aking mga kapatid. Minsan, kinuha ko ang isang kompyuter, at nang makita kong karaniwan lang ang problema, nainis ako, at walang pag-iingat kong tinapos ang pagkukumpuni para matapos na lang ito. Pagkatapos, natuklasan ng brother na kapareha ko na may sira pa rin ang kompyuter nang suriin niya ito, at kinailangang baklasin ito at kumpunihin muli. Minsan pa, hiniling sa akin ng superbisor na turuan ang dalawang bagong brother, sina Wu Ming at Zheng Yang, kung paano magkumpuni ng kagamitan. Sandali ko lang na tinalakay kung paano haharapin ang mga karaniwang sira, at pagkatapos ay pinagsanay ko ang dalawang brother na magkumpuni nang sila lang. Lumipas ang ilang araw at hindi pa rin naayos ang kagamitan, kaya pumunta ako para magtanong at alamin kung ano ang nangyayari. Sinabi ni Wu Ming na kinukumpuni pa ito. Naisip ko, “Hindi naman talaga mahirap kumpunihin ang ganitong uri ng kagamitan. Bakit hindi pa ito naaayos? Hayaan na nga. Ayos lang kung ginagawa pa nila.” Pagkalipas ng ilang araw pa, hindi pa rin nila ito naaayos, pero hinimok ko lang sila na bilisan, at hindi ko talaga inalam ang kanilang mga kahirapan o ang kalagayan ng pagkukumpuni. Lumipas pa ang dalawang araw bago ko nalamang hindi pa pala nila nakabisado ang mahalagang hakbang, kaya hindi man lang sila nagkararoon ng anumang pag-usad. Nang makita kong sunud-sunod na lumilitaw ang mga problema sa aking tungkulin, na nakakaantala sa pag-usad, at lahat ay nagdurusa dahil dito, nakaramdam ako ng paninisi sa sarili sa puso ko. Napagtanto kong ito ay sanhi ng paggawa ko ng aking tungkulin sa pabayang paraan, kaya naghanap ako ng mga salita ng Diyos para lutasin ang aking kalagayan. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ang mga taong mahilig maging pabasta-basta ay walang konsensiya o katwiran, mababa ang kanilang pagkatao, hindi sila mapagkakatiwalaan, at sila ay labis na hindi maaasahan. Gagawa ba ang Banal na Espiritu sa gayong mga tao? Hinding-hindi. Kaya, ang mga mahilig maging pabasta-basta sa kanilang mga tungkulin ay hindi gagawing perpekto ng Diyos kailanman, at hindi Niya sila gagamitin kailanman. Ang mga mahilig maging pabasta-basta ay mapanlinlang lahat, puno ng masasamang motibo, at lubos na walang konsensiya at katwiran. Kumikilos sila nang walang mga prinsipyo o walang mababang limitasyon; kumikilos sila batay lamang sa sarili nilang mga kagustuhan, at may kakayahan silang gumawa ng lahat ng uri ng masasamang bagay. Ang lahat ng kanilang kilos ay nababatay sa lagay ng kanilang kalooban: Kung maganda ang kanilang timpla, at sila ay nasisiyahan, medyo bubuti ang kanilang paggawa. Kung masama naman ang kanilang timpla, at hindi sila nasisiyahan, magiging pabasta-basta sila. Kung galit sila, maaari silang maging arbitraryo at walang ingat, at maaari nilang maantala ang mahahalagang bagay. Wala talaga ang Diyos sa kanilang puso. Hinahayaan lang nilang lumipas ang mga araw, nang walang ginagawa at naghihintay ng kamatayan. … Ang mga taong walang puso ay walang mababang limitasyon sa kanilang mga kilos; walang makapipigil sa kanila. Kaya bang pamahalaan ng mga gayong tao ang mga bagay-bagay batay sa konsensiya? (Hindi.) Bakit hindi? (Hindi sila nagtataglay ng mga pamantayan ng konsensiya, wala rin silang pagkatao, o mababang limitasyon.) Tama iyan. Wala silang mga pamantayan ng konsensiya sa kanilang mga kilos; kumikilos sila batay sa kanilang mga kagustuhan, ginagawa ang anumang kanilang naisin, batay sa kanilang timpla. Nakadepende sa kanilang timpla kung mabuti o masama ang mga resultang nakukuha nila sa kanilang mga tungkulin. Kung maganda ang kanilang timpla, maganda ang mga resulta, ngunit kung masama ito, masama ang mga resulta. Maaari bang maabot ang isang katanggap-tanggap na pamantayan sa pamamagitan ng paggawa ng tungkulin sa ganitong paraan? Ginagawa nila ang kanilang mga tungkulin batay sa kanilang timpla, hindi sa mga katotohanang prinsipyo; kaya, napakahirap para sa kanila na maisagawa ang katotohanan, at napakahirap para sa kanila na makamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang mga kumikilos batay sa pansariling mga pisikal na kagustuhan ay talagang hindi naisasagawa ang katotohanan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tao ang Pinakamalaking Nakikinabang sa Pamamahala ng Diyos). “Maraming tao ang gumaganap sa kanilang tungkulin nang pabasta-basta na lamang, hindi ito kailanman sineseryoso, na tila ba nagtatrabaho sila para sa mga walang pananampalataya. Ginagawa nila ang mga bagay sa paraang garapal, mababaw, walang pakialam at pabaya, na tila ba ang lahat ay biro. Bakit ganito? Sila ay mga walang pananampalataya na nagtatrabaho; mga hindi mananampalatayang gumaganap sa mga tungkulin. Ang mga taong ito ay labis na bastos; wala silang pakundangan at di-mapigilan, at wala silang ipinagkaiba sa mga walang pananampalataya. Kapag gumagawa sila ng mga bagay para sa sarili nila, tiyak na hindi sila pabasta-basta, kaya bakit ni katiting ay hindi sila masigasig o masipag pagdating sa pagganap ng kanilang mga tungkulin? Anuman ang kanilang gawin, anumang tungkulin ang kanilang ginagampanan, may katangian ng pagiging mapaglaro at pilyo. Ang mga taong ito ay laging pabasta-basta at may taglay na katangiang mapanlinlang. May pagkatao ba ang mga taong ganito? Tiyak na wala silang pagkatao; wala rin silang ni katiting na konsensiya at katwiran. Tulad ng mga ligaw na buriko o ligaw na kabayo, nangangailangan sila ng patuloy na pamamahala at patnubay. Nililinlang at dinadaya nila ang sambahayan ng Diyos. Nangangahulugan ba ito na nagtataglay sila ng anumang taos-pusong paniniwala sa Kanya? Ginugugol ba nila ang kanilang sarili para sa Kanya? Tiyak na kulang sila at hindi kwalipikadong magtrabaho. Kung ang mga ganoong tao ay pinagtrabaho ng sinuman, masisisante sila sa loob ng ilang araw. Sa sambahayan ng Diyos, talagang tumpak na sabihing sila ay mga trabahador at inupang manggagawa, at maaari lamang silang itiwalag(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita kong ang isang taong gumagawa ng kanyang tungkulin nang hindi isinasaalang-alang ang mga interes ng iglesia o ang sarili niyang mga responsabilidad, at palaging sumusunod sa kanyang mga pagnanais, kumikilos ayon sa kanyang mga kagustuhan, at ginagawa ang anumang gusto niya, ay isang taong walang pagkatao. Naisip ko na ganito mismo ang naging pagganap ko kamakailan sa paggawa ng tungkulin ko. Matapos gawin ang tungkuling ito sa mahabang panahon, nakabisado ko na ang ilan sa mga pamamaraan at kasanayang propesyonal, at pakiramdam ko, hindi na bago o hamon sa akin ang tungkulin ko. Kaya nagsimula akong maging pabaya sa paggawa ng aking tungkulin, at nagiging pabasta-basta ako hangga’t maaari. Hindi ako naging maingat sa pagkukumpuni ng kagamitan at may mga halatang sira na hindi ko napansin, na humantong sa pag-uulit ng trabaho, at pagkaantala ng progreso. Kasisimula pa lang magsanay nina Wu Ming at Zheng Yang sa paggawa ng tungkuling ito, at nangangailangan ng mas maraming komunikasyon at pagsubaybay para maging pamilyar sila sa mga pamamaraan ng pagkukumpuni sa lalong madaling panahon. Gayumpaman, wala akong naging pasanin at hindi ko sila ginabayan nang detalyado. Dahil dito, mabagal ang naging pag-usad nila sa kanilang mga kasanayang propesyonal, at naantala ang mga pagkukumpuni. Masyadong naging mabigat ang mga personal kong kagustuhan sa pagganap ng tungkulin ko, at hindi ko man lang naisip na protektahan ang mga interes ng iglesia. Naging pabasta-basta at pabaya ako at sinunod ko ang mga pagnanais ko sa paggawa ng aking tungkulin. Talagang masyado akong kulang sa pagkatao, at lubos na hindi mapagkakatiwalaan! Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Mahigpit na ipinagbabawal ang basta lamang iraos ang mga bagay-bagay. Kung palagi mong iniraraos lang ang iyong tungkulin, hindi mo magagampanan ang tungkulin mo nang pasok sa pamantayan. Kung gusto mong gampanan ang tungkulin mo nang may katapatan, dapat mo munang ayusin ang problema mo na iniraraos lang ang tungkulin. Dapat kang gumawa ng mga hakbang para itama ang sitwasyon sa sandaling mapansin mo ito. Kung magulo ang isip mo, hindi kailanman nakakapansin sa mga problema, palaging iniraraos lang ang gawain, at pabasta-basta lang na ginagawa ang mga bagay-bagay, imposibleng magagawa mo nang maayos ang iyong tungkulin. Kaya, dapat palagi mong isapuso ang tungkulin mo. Napakahirap dumating ng pagkakataong ito sa mga tao! Kapag binibigyan sila ng Diyos ng pagkakataon, ngunit hindi nila ito sinusunggaban, nawawala ang pagkakataong iyon—at kahit na sa kalaunan, naisin nilang makahanap ng ganoong pagkakataon, maaring hindi na iyon muling dumating. Ang gawain ng Diyos ay hindi naghihintay sa sinuman, at hindi rin naghihintay sa sinuman ang mga pagkakataon para gawin ang tungkulin ng isang tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpasok sa Buhay ay Nagsisimula sa Pagganap ng Tungkulin). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto kong nagbibigay ang Diyos sa mga tao ng limitadong bilang ng mga pagkakataon para gawin ang mga tungkulin. Naantala ko na ang gawain sa pamamagitan ng pagkilos ayon sa mga personal na kagustuhan sa paggawa ng aking tungkulin at paggawa nito sa pabayang paraan. Kung magpapatuloy akong sumunod sa mga pagnanais ko sa ganitong paraan nang hindi iniisip na magsisi, sa huli ay tiyak na mawawalan ako ng pagkakataong gumawa ng mga tungkulin! Ayaw ko nang magpatuloy nang ganito. Pagkatapos ay nanalangin ako sa Diyos sa pagsisisi at nagsimulang maging taimtim at maasikaso sa tungkulin ko. Maingat kong kinumpuni ang mga kagamitan, at kasabay nito, masusi kong ginabayan sina Wu Ming at Zheng Yang sa kanilang mga pamamaraan. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, mas bumuti ang aking kalagayan, mas kakaunti na ang mga problemang lumitaw sa mga pagkukumpuni, at ang pakiramdam na nakakainip at walang kuwenta ang paggawa ng aking tungkulin ay nabawasan din nang malaki.

Pagkatapos, nagnilay ako sa sarili ko: Bakit, pagkatapos kong gawin ang isang tungkulin sa loob ng napakatagal na panahon, nagpakita ako ng pagkainip at pagkabagot at nagsimulang maging pabasta-basta? Makalipas ang ilang araw, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kung sasabihin nating isang tiwaling disposisyon pagkatuwa sa mga kapana-panabik na bagay, anong uri ng disposisyon ito? Ito ba ay kayabangan, panlilinlang, o kalupitan? (Wala sa mga ito.) Wala itong kaugnayan sa anumang klase ng tiwaling disposisyon. Kung gayon, anong uri ng problema ito? (Ito ay isang problema sa pagkatao.) Anong uri ng problema sa pagkatao ito? Medyo wala ba ito sa lugar? (Oo.) Ito ay pag-asal nang hindi wasto at sa paraang wala sa lugar, pagkatuwa sa mga kapana-panabik na bagay, at pagiging galawgaw. Ang pagiging galawgaw ay nagpapahiwatig ng kakulangan sa normal na pagkatao. Wala itong kinalaman sa konsensiya pero ito ay pangunahing sumasalamin sa kakulangan ng pagkamakatwiran sa normal na pagkatao. Ang mga gayong tao ay hindi makapanatili sa isang gampanin o makagawa sa kanilang mga tungkulin sa isang paraan na sumusunod sa patakaran at responsable. Hindi nila magawa ang mga bagay-bagay gaya ng mga nasa hustong gulang; kulang sila sa mature na pag-iisip, mature na estilo ng pansariling asal, at mature na paraan ng paggawa sa mga bagay-bagay. Sa pinakamababa, ito ay isang depekto ng kanilang pagkatao. Siyempre, hindi pa ito umaabot sa antas ng pagiging isang problema sa kanilang karakter, kundi nauugnay ito sa isang saloobin ng kanilang pag-asal at pagkilos. Ang pagkatuwa sa mga bago at kapana-panabik na bagay, pagiging paiba-iba anumang ginagawa nila, kawalan ng kakayahang magpursige, at ang pagiging galawgaw at hindi wasto, at palaging pagkagustong maghanap ng mga kapana-panabik na bagay at sumubok ng mga magarang, bagong bagay—ang mga ganitong klase ng isyu ay kabilang sa mga depekto ng pagkatao. Ang mga taong natutuwa sa mga mga kapana-panabik na bagay ay walang pagkamakatwiran ng normal na pagkatao; hindi madali para sa kanila na pasanin ang mga responsabilidad at gawaing dapat pasanin ng mga taong nasa hustong gulang. Anuman ang trabahong ginagawa nila, basta’t ginagawa nila ito sa loob ng mahabang panahon at hindi na ito bago, nababagot sila rito, nawawalan ng interes sa paggawa nito, at gusto nilang maghanap ng may pakiramdam ng pagiging bago at kapana-panabik. Kung walang mga kapana-panabik na bagay, pakiramdam nila ay hindi kawili-wili ang mga bagay-bagay at maaari pa ngang makaranas sila ng isang pakiramdam ng espirituwal na kahungkagan. Kapag ganito ang nararamdaman nila, hindi mapakali ang puso nila, at gusto nilang maghanap ng mga kapana-panabik na bagay o mga bagay na interesante para sa kanila. Palagi nilang gustong gumawa ng isang bagay na hindi kinaugalian. Sa tuwing nararamdaman nilang nakakabagot o hindi interesante ang gawaing ginagawa nila o ang mga usaping pinangangasiwaan nila, nawawalan sila ng pagnanais na magpatuloy. Kahit pa ito ay isang gawain na dapat nilang gawin o gawain na makabuluhan at may halaga, hindi nila kayang magpursige. … Kadalasan, ang mga ganitong uri ng tao ay mukhang walang malalaking problema sa panlabas. Kung hindi mo kikilatisin ang gayong mga tao o malinaw na mauunawaan ang kanilang diwa o ang diwa sa ganitong uri ng problem, maaari mong isipin na, ‘Sadyang hindi lang matatag ang mga disposisyon ng mga taong ito; nasa trenta o kuwarenta na sila pero hindi pa rin mature na gaya ng mga bata.’ Sa totoo lang, sa kaloob-looban nila, ang mga ganitong uri ng tao ay patuloy na naghahanap ng mga kapana-panabik na bagay. Anuman ang ginagawa nila, wala silang mga kaisipan at kamalayan ng mga taong nasa hustong gulang na, pati na ng diskarte at saloobin ng kung paano pinangangasiwaan ng mga taong nasa hustong gulang ang mga usapin. Kaya, ang gayong mga tao ay napakalaking problema. Marahil hindi naman masama ang pagkatao nila, at hindi naman talaga ubod ng sama ang karakter nila, pero dahil sa depektong ito sa kanilang pagkatao, napakahirap para sa kanila na maging mahusay para sa mahalagang gawain, lalo na sa partikular na mahahalagang aytem ng gawain(Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (9)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, sa wakas ay napagtanto kong ang pangunahing dahilan kung bakit ako nagpamalas ng pagkainip at pagkabagot sa paggawa ng tungkulin ko at naging pabasta-basta at pabaya ay dahil may problema sa pagkatao ko. Gusto ko ng bago at kapana-panabik, at ayaw ko ng pangkaraniwan at ordinaryo. Hinangad kong gumawa ng isang tungkuling puno ng mga pagbabago at hamon, sa halip na manatili sa parehong gawain at gawin ito nang tuloy-tuloy mula simula hanggang wakas. Katulad noong una kong gawin ang mga tungkulin ko sa pagkukumpuni, nagkaroon ako ng karanasan sa mga bagong bagay, at wala akong gaanong mahusay na pagkaarok sa ilan sa mga kasanayang propesyonal na kasama sa tungkuling ito, kaya may ilang hamon at kahirapan. Maaari akong magkaroon ng maraming bago at kapana-panabik na mga karanasan sa paggawa ng tungkulin ko, kaya nagustuhan ko ang tungkuling ito at handa akong magbayad ng halaga. Gayumpaman, matapos kong gawin ang tungkuling ito sa mahabang panahon, nawala na ang pagiging bago nito, at nagsimula kong maramdaman na nakakabagot at nakakainip ang tungkuling ito. Bagama’t ginagawa ko ang aking tungkulin sa panlabas, sawa na ang puso ko, at araw-araw ay kinukumpuni ko ang mga kagamitan sa pabayang paraan. Sa puso ko, iniisip ko pa ngang lumipat sa ibang kapaligiran at gumawa ng ibang tungkulin. Hindi ko tinrato nang may katapatan ang aking tungkulin. Nang wala akong naramdamang anumang bago o kapana-panabik sa paggawa ng tungkulin ko, hindi ko mapukaw ang interes ko dito. Ginagawa ko pala ang tungkulin ko batay lahat sa personal na mga kagustuhan ko. Sa paraan ng pag-asal at pagkilos ko, naging wala ako sa lugar at hindi mapakali. Naging pabago-bago ako, at hindi ko pinasan ang mga responsabilidad ng isang nasa hustong gulang. Naging mahirap makagawa ng anumang bagay sa ganitong paraan, at lubos akong hindi mapagkakatiwalaan. Sa partikular, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sa tuwing nararamdaman nilang nakakabagot o hindi interesante ang gawaing ginagawa nila o ang mga usaping pinangangasiwaan nila, nawawalan sila ng pagnanais na magpatuloy. Kahit pa ito ay isang gawain na dapat nilang gawin o gawain na makabuluhan at may halaga, hindi nila kayang magpursige. … Marahil hindi naman masama ang pagkatao nila, at hindi naman talaga ubod ng sama ang karakter nila, pero dahil sa depektong ito sa kanilang pagkatao, napakahirap para sa kanila na maging mahusay para sa mahalagang gawain, lalo na sa partikular na mahahalagang aytem ng gawain.” Mula sa mga salita ng Diyos, nakita kong ang ganitong uri ng kapintasan sa pagkatao ay lubhang mapaminsala. Responsable ako sa pagkukumpuni ng mga kagamitan, at batay sa aking mga kalakasan, angkop na inayos ng iglesia na gawin ko ang tungkuling ito. Gayumpaman, tinrato ko ang aking tungkulin ayon sa mga kagustuhan ko, at nagsawa ako at naging pabasta-basta sa sandaling hindi ko na ito naramdamang bago o interesante pa. Naisip ko pa ngang magpalit ng tungkulin. Nasaan ang pagpapahalaga ko sa katapatan doon? Kung hindi ko babaguhin ang mga bagay-bagay at gagawin ko ang tungkulin ko nang walang anumang pagapapahalaga sa responsabilidad, manganganib akong mabunyag at matanggal.

Nang maunawaan ko ito, naisip ko si Noe, na nagtiyaga sa pagtatayo ng arka sa loob ng 120 taon, kaya hinanap ko ang mga salita ng Diyos para basahin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ilang taon ang binilang bago natapos ni Noe ang arka? (120 taon.) Ano ang kinakatawan ng 120 taon para sa mga tao sa kasalukuyan? Mas mahaba iyon kaysa sa haba ng buhay ng isang normal na tao. Mas mahaba pa marahil kaysa sa haba ng buhay ng dalawang tao. Subalit sa 120 taon na ito, ginawa ni Noe ang isang bagay, at ginawa niya ang bagay ring iyon araw-araw. Sa panahong iyon na wala pang mga industriya, sa kapanahunang iyon bago nagkaroon ng pagpaparating ng impormasyon, sa kapanahunang iyon kung saan lahat ay umasa sa dalawang kamay at pisikal na pagtatrabaho ng mga tao, ginawa ni Noe ang iisang bagay araw-araw. Sa loob ng 120 taon, hindi siya sumuko o tumigil. Isang daan at dalawampung taon: paano ito mabubuo sa ating isipan? May iba pa kaya sa sangkatauhan na mananatiling tapat sa paggawa ng isang bagay sa loob ng 120 taon? (Wala.) Hindi nakakagulat na walang sinumang maaaring manatiling tapat sa paggawa ng isang bagay sa loob ng 120 taon. Subalit may isang taong nagtiyaga, sa loob ng 120 taon, nang walang pagbabago, sa ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos, nang hindi kailanman nagrereklamo o sumusuko, hindi nagpapaapekto sa anumang nangyayari sa labas, at sa huli ay natapos ito ayon mismo sa sinabi ng Diyos. Anong uri ng bagay ito? Sa lipi ng tao, ito ay bihira, hindi karaniwan—kakaiba pa nga. Sa mahabang kasaysayan ng tao, sa lahat ng sumunod sa Diyos sa sangkatauhan, lubos itong walang katulad. Pagdating sa lawak at hirap ng kinailangang pag-iinhinyero, antas ng kinailangang lakas ng katawan at puwersa, at tagal ng paggawa nito, hindi ito madaling gawin, kaya nga, nang gawin ni Noe ang bagay na ito, naging natatangi ito sa sangkatauhan, at isa siyang uliran at huwaran sa lahat ng sumusunod sa Diyos. Iilang mensahe lang ang narinig ni Noe, at noong panahong iyon ay hindi nagpahayag ng maraming salita ang Diyos, kung kaya walang dudang maraming katotohanan ang hindi naunawaan ni Noe. Hindi niya naiintindihan ang makabagong siyensya o makabagong kaalaman. Isa siyang napakaordinaryong tao, isang hindi kapansin-pansing miyembro ng lipi ng tao. Subalit sa isang aspekto, hindi siya katulad ng sinupaman: Marunong siyang sumunod sa mga salita ng Diyos, marunong siyang tumalima at sumunod sa mga salita ng Diyos, alam niya kung ano ang wastong posisyon ng tao, at nagawa niyang tunay na maniwala at magpasakop sa mga salita ng Diyos—wala nang iba. Ang mga simpleng prinsipyong ito ay sapat na para tulutan si Noe na isakatuparan ang lahat ng ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos, at nagtiyaga siya rito hindi lamang sa loob ng ilang buwan, ni ilang taon, ni ilang dekada, kundi sa loob ng mahigit isang siglo. Hindi ba kagila-gilalas ang numerong ito? Sino ang ibang makagagawa nito maliban kay Noe? (Walang iba.) … Kaya nakumpleto ni Noe ang atas ng Diyos ay dahil nang marinig ni Noe ang mga salita ng Diyos, nagawa niyang mahigpit na isapuso ang mga ito; para sa kanya, ang atas ng Diyos ay isang panghabambuhay na gawain, matibay ang kanyang pananalig, hindi nagbago ang kanyang kahandaan sa loob ng isang daang taon. Iyon ay dahil mayroon siyang may-takot-sa-Diyos na puso, isa siyang tunay na tao, at siya ay may ganap na katwiran na ipinagkatiwala ng Diyos ang pagbubuo ng arka sa kanya(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalawang Ekskorsus). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, labis akong naantig at nahiya. Hindi pa naririnig ni Noe ang marami sa mga salita ng Diyos, ni hindi pa niya nauunawaan ang maraming katotohanan, pero nagawa niyang magpatuloy sa atas ng Diyos sa loob ng isang daan at dalawampung taon. Ito ay dahil mayroon siyang konsensiya at katwiran. Nang marinig ni Noe na hiniling sa kanya ng Diyos na itayo ang arka bago gunawin ng baha ang mundo, naranasan ni Noe ang agarang layunin ng Diyos, at nagsimula siyang magkaroon ng pusong nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa Diyos. Itinuring niyang ang pagtatayo ng arka bilang pinakamahalaga at pinakaapurahang bagay na dapat niyang gawin. Habang tinatapos ni Noe ang napakalaking proyekto ng pagtatayo ng arka, hinarap niya ang mga kahirapan, kabiguan, karamdaman, kapaguran, kawalan ng pagkaunawa mula sa kanyang pamilya, at ang pangungutya at paninirang-puri ng mga tao sa mundo, pero mula simula hanggang wakas, nagpatuloy siya sa ibinigay na gawain ng Diyos, at hindi kailanman naisip na abandonahin ito. Palagi rin siyang nakakaramdam ng malalim na pasasalamat na ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos ang gayon kahalagang atas, at madalas siyang nabibigyang-inspirasyon ng pagtataas sa kanya ng Diyos. Ang saloobin ni Noe sa mga salita ng Diyos at sa atas ng Diyos ay ang sumunod at tumanggap; magpasakop at magtiyaga. Ito ay isang pagpapamalas ng pagkakaroon ni Noe ng konsensiya at katwiran. Ang ganitong uri ng katangian ay talagang napakahalaga! Nang makita kong nagtanong ang Diyos “Nagawang magpatuloy ni Noe sa loob ng 120 taon. Hanggang ilang taon kayo makapagpapatuloy?(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalawang Ekskorsus). Talagang wala akong masabi bilang tugon! Sa paglipas ng mga taon, tinamasa ko ang pagdidilig at pagtutustos ng napakaraming salita ng Diyos, at ang pangangalaga at proteksyon ng Diyos, ngunit pagkatapos gawin ang tungkulin sa pagkukumpuni ng kagamitan sa loob lamang ng dalawang taon, hindi ko na kayang magpatuloy pa, at nagsimulang maging pabaya at pabasta-basta. Talagang wala akong kahit katiting na konsensiya o katwiran, at lubos na hindi mapagkakatiwalaan! Labis akong nagsisi at sinisi ang sarili, at nanalangin ako sa Diyos nang may pagsisisi, “Mahal kong Diyos, gaano man katagal pa akong hihilinging gawin ang tungkuling ito, handa akong gawin ito nang maayos, at hindi ko na ito gagawin batay pa sa aking mga sariling kagustuhan.”

Pagkatapos, nang kami ay nagbubuod, natuklasan kong marami pa ring problema sa aking tungkulin. Napakakaraniwan ng mga kasanayan ko sa pagkukumpuni, at kailangan ko pa ring patuloy na matuto ng mga kasanayan. Gayumpaman, dahil hindi ako nagsusumikap na umunlad at hindi ako nagtutuon sa paglalaan ng pagsisikap sa pag-aaral ng mga kasanayang propesyonal, hindi gaanong humusay ang mga kasanayan ko sa pagkukumpuni. Talagang napakayabang ko at mapagmagaling. Hindi ko kinilala ang sarili kong mga pagkukulang, at pakiramdam ko ay alam ko kung paano gawin ang bagay na ito, o nakabisado ko na ang bagay na iyon, at na wala nang mga kahirapan o hamon pa sa tungkuling ito. Talagang napakamangmang ko, at hindi ko talaga alam kung ano tunay kong kakayahan. Pagkatapos, kinailangan kong seryosohin ang tungkulin ko nang naaayon sa mga hinihingi ng Diyos, tuklasin ang sarili kong mga kakulangan at pagkukulang, at hanapin kung paano mapapahusay ang mga kasanayan ko para magawa ko ang aking tungkulin sa paraang pasok sa pamantayan.

Pagkatapos, hindi ko na inisip pa ang pagpapalit ng tungkulin, kundi inisip ko kung paano magagawa nang maayos ang aking tungkulin. Nang magbago ang kaisipan ko, nawala ang dati kong mga damdamin ng pagkainis at pagkabagot, at nailaan ko na ang puso ko sa mga tungkulin ko. Hindi alintana kung simple o mahirap man ang problema, kaya ko na itong tratuhin nang seryoso, at gumugol ng oras at pagsisikap para kumpunihin nang maayos ang kagamitan sa lalong madaling panahon, hindi inaantala ang paggamit dito ng mga kapatid ko. Nagpapasalamat ako sa paglalantad ng mga salita ng Diyos sa pagbibigay sa akin ng kaunting pagkaunawa, at pagtulong sa aking gumawa ng ilang pagbabago, ang kalagayan ko sa paggawa ng tungkulin ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso!

Sinundan:  73. Bakit Ako Palaging Umaatras mula sa mga Paghihirap?

Sumunod:  75. Ano ang Sinusubukan Kong Protektahan sa Aking mga Kasinungalingan

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

45. Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger