75. Ano ang Sinusubukan Kong Protektahan sa Aking mga Kasinungalingan

Ni Marcella, Pilipinas

Isa akong lider ng pangkat ng mga tagadilig sa iglesia. Dahil araw-araw ay may mga bagong miyembrong sumasali sa iglesia, hiniling sa amin ng superbisor na iulat agad kung paano nagtitipon ang mga baguhan. Isang araw, habang nagsusulat ako ng ulat, natuklasan kong ilang baguhan pala ang hindi naiskedyul para sa mga pagtitipon. Nagulat ako at naisip ko, “Paano ko ito nakaligtaan?” Hindi ako makapaniwalang nakagawa ako ng ganito kasimpleng pagkakamali. Napakaingat ko sa paggawa ng aking mga tungkulin araw-araw, kaya paanong nagkaroon ng ganitong isyu? Dati, sinuri ako ng superbisor na ako ay responsable, na may pagpapahalaga ako sa pasanin sa mga tungkulin ko, at na masusi ako sa paggawa ng gawain ko. Gayumpaman sa pagkakataong ito, nakagawa ako ng ganito kasimpleng pagkakamali. Napaisip ako, “Kung isusulat ko ito nang totoo, bababa kaya ang tingin sa akin ng superbisor? Isa pa, ako ang lider ng pangkat, at araw-araw kong pinapaalalahanan ang aking mga kapatid na maging maingat sa kanilang mga tungkulin, ngunit ngayon, ako ang naging pabaya. Iisipin kaya nilang puro lang ako sigaw ng mga islogan at paulit-ulit lang sa mga salita at doktrina?” Para akong pusang nasa mainit na bubong na hindi mapakali, at paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang tungkol sa kung ano ang dapat kong gawin. Matapos mag-isip nang ilang sandali, nagpasya akong talagang hindi ko puwedeng ipaalam sa kanila ang tungkol dito. Kaya, sa aking ulat sa superbisor, sinabi kong naabisuhan ko na ang mga baguhang ito, ngunit sinabi nilang mahina ang kanilang koneksyon sa internet at hindi sila makakadalo sa pagtitipon nang araw na iyon. Pagkatapos itong isulat, naisip ko, “Nakalusot ako sa superbisor, pero paano kung tanungin ang mga baguhan ng sister na nagdidilig sa kanila kung ano talaga ang dahilan kung bakit hindi sila nakadalo sa pagtitipon, at pagkatapos ay iulat niya ang katotohanan sa superbisor? Hindi ba’t mabubuko ang kasinungalingan ko? Kung malaman ng superbisor na nagsinungaling ako at sinubukan ko siyang linlangin, ano na lang kaya ang iisipin niya sa akin? Ano na lang kaya ang iisipin ng mga kapatid ko sa akin? Iisipin kaya nilang lubos akong mapanlinlang dahil sa paggawa ng ganito kasuklam-suklam at kahiya-hiyang bagay? Kung mangyari iyon, lubusang masisira ang reputasyon ko. Paano ko aasikasuhin ang bagay na ito nang walang nakakalimutang detalye? Hangga’t hindi kinakausap ng sister na nagdidilig sa mga baguhang ito ang superbisor, hindi malalantad ang isyung ito.” Kaya nagmadali akong hanapin ang sister at ipinaliwanag nang totoo ang sitwasyon, at sinabi niyang ayos lang na sa susunod na araw na gawin ang mga pagsasaayos. Nang marinig ko ito, sa wakas ay nakahinga ako nang maluwag pagkatapos ng isang gabing abala sa gawain. Pero kalaunan, talagang hindi ako mapalagay, iniisip na, “Malinaw na hindi ko ginawa ang mga pagsasaayos at sa halip ay sinabi kong hindi dumalo sa pagtitipon ang mga baguhan. Hindi ba’t malinaw na sinusubukan kong linlangin ang iba sa paggawa nito? Ngunit kung aaminin ko ang aking pagkakamali sa superbisor, mawawala ang magandang impresyon niya sa akin.” Saglit akong nakaramdam ng halo-halong emosyon at hindi ko alam ang gagawin ko. Mabilis akong nanalangin sa Diyos, “Diyos ko, sobrang sama ng pakiramdam ko ngayon. Alam kong ang ginawa ko ay isang pagsisikap na linlangin Ka at ang superbisor, pero wala talaga akong lakas ng loob na aminin ang pagkakamali ko sa superbisor, dahil natatakot akong kung gagawin ko iyon, masisira nito ang magandang imahe nila sa akin. Diyos ko, pakiusap gabayan Mo ako, para matuto ako ng aral mula rito at maisagawa ang katotohanan.”

Pagkatapos manalangin, naghanap ako ng mga kaugnay na sipi ng mga salita ng Diyos ayon sa aking kalagayan. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sa kanilang pang-araw-araw na buhay, ang mga tao ay madalas na nagsasalita ng walang kabuluhan, mga kasinungalingan, at mga bagay na kamangmangan, kahangalan, at depensibo. Sinasabi nila ang karamihan sa mga bagay na ito dahil sa banidad at pride, upang bigyang kasiyahan ang mga sarili nilang ego. Inihahayag ng pagsasalita nila ng gayong mga kasinungalingan ang mga tiwaling disposisyon nila. Kung lulutasin mo ang mga tiwaling elementong ito, madadalisay ang puso mo, at unti-unti kang magiging mas malinis at matapat. Ang totoo, alam ng lahat ng tao kung bakit sila nagsisinungaling. Alang-alang sa pansariling pakinabang at pride, o para sa banidad at katayuan, sinusubukan nilang makipagkompetensiya sa iba at magpanggap. Gayunman, sa huli, ang kasinungalingan nila ay ibinubunyag at inilalantad ng iba, at napapahiya sila, at nasisira ang dignidad at karakter nila. Ang lahat ng ito ay dulot ng sobra-sobrang kasinungalingan. Masyado nang dumami ang mga kasinungalingan mo. Ang bawat salitang sinasabi mo ay may halo na at hindi sinsero, at ni isa ay hindi maituturing na totoo o matapat. Kahit na hindi mo nararamdamang napahiya ka kapag nagsisinungaling ka, sa kaibuturan, nakakaramdam ka ng kahihiyan. Inuusig ka ng konsensiya mo, at mababa ang pagtingin mo sa sarili mo, iniisip na, ‘Bakit nabubuhay ako nang kahabag-habag? Ganoon ba kahirap ang magsalita ng katotohanan? Kailangan bang magsinungaling ako para sa pride ko? Bakit sobrang nakakapagod ang buhay ko?’ Hindi mo kailangang mamuhay nang nakakapagod. Kung makakapagsagawa ka bilang isang matapat na tao, magagawa mong mamuhay nang magaan, malaya, at maalwan. Gayunman, pinili mong itaguyod ang pride at banidad mo sa pamamagitan ng pagsisinungaling. Bunga nito, nakakapagod at miserable ang pag-iral mo, na ikaw mismo ang may gawa. Maaaring magkaroon ng pakiramdam ng pride ang isang tao sa pamamagitan ng pagsisinungaling, ngunit ano ba ang pakiramdam ng pride? Ito ay isang bagay lang na walang kabuluhan, at ganap na walang halaga. Ang pagsisinungaling ay nangangahulugan ng pagkakanulo ng sariling karakter at dignidad. Tinatanggalan nito ng dignidad at karakter ang isang tao; hindi ito nakalulugod sa Diyos, at kinasusuklaman Niya ito. Ito ba ay kapaki-pakinabang? Hindi. Ito ba ang tamang landas? Hindi. Ang mga taong madalas na nagsisinungaling ay namumuhay alinsunod sa mga satanikong disposisyon nila; namumuhay sila sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Hindi sila namumuhay sa liwanag, ni hindi rin sila namumuhay sa presensya ng Diyos. Palagi mong iniisip kung paano magsisinungaling at pagkatapos mong magsinungaling, kailangan mong mag-isip kung paano pagtatakpan ang kasinungalingang iyon. At kapag hindi mo napagtakpan nang maayos ang kasinungalingang iyon at ito ay nabunyag, kailangan mong pigain ang iyong utak upang subukang ituwid ang mga kontradiksyon at gawin itong kapani-paniwala. Hindi ba’t nakakapagod ang mabuhay nang ganito? Nakakapagod. Sulit ba ito? Hindi, hindi ito sulit. Ang pagpiga sa utak upang magsabi ng mga kasinungalingan at pagkatapos ay pagtakpan ang mga ito, lahat para sa kapakanan ng pride, banidad, at katayuan—anong kabuluhan nito? Sa wakas, nagninilay-nilay ka at iniisip mo, ‘Ano ang punto? Masyadong nakakapagod ang pagsisinungaling at ang pangangailangang pagtakpan ang mga ito. Hindi uubra na kumikilos ako sa ganitong paraan; mas magiging madali kung magiging matapat tao na lang ako.’ Ninanais mong maging isang matapat na tao, ngunit hindi mo mabitiwan ang pride, banidad, at mga personal na interes mo. Kaya, ang nagagawa mo lang ay magsinungaling para panindigan ang mga bagay na ito. Kung ikaw ay isang taong nagmamahal sa katotohanan, titiisin mo ang iba’t ibang paghihirap upang maisagawa ang katotohanan. Kahit pa ang ibig sabihin nito ay pagsasakripisyo ng iyong reputasyon, katayuan, at pagtitiis ng pangungutya at pamamahiya ng iba, hindi mo ito iindahin—basta’t nagagawa mong isagawa ang katotohanan at palugurin ang Diyos, sapat na ito. Pinipili ng mga nagmamahal sa katotohanan na isagawa ang katotohanan at maging matapat. Ito ang tamang landas at ito ay pinagpapala ng Diyos. Kung hindi minamahal ng isang tao ang katotohanan, ano ang pinipili niya? Pinipili niyang gumamit ng mga kasinungalingan upang panindigan ang kanyang reputasyon, katayuan, dignidad, at karakter. Mas pipiliin niyang maging mapanlinlang, at kasuklaman at itakwil ng Diyos. Itinatakwil ng gayong tao ang katotohanan at ang Diyos. Pinipili niya ang sarili niyang reputasyon at katayuan; nais niyang maging mapanlinlang. Wala siyang pakialam kung nalulugod ang Diyos o hindi o kung ililigtas siya ng Diyos. Maliligtas pa rin ba ng Diyos ang gayong tao? Tiyak na hindi, dahil pinili niya ang maling landas. Makapamumuhay lang siya sa pamamagitan ng pagsisinungaling at pandaraya; makapamumuhay lamang siya ng buhay na puno ng pasakit dahil sa pagsisinungaling at pagtatakip sa mga ito at pagpipiga sa kanyang utak upang ipagtanggol ang sarili niya araw-araw. Kung iniisip mong maitataguyod ng kasinungalingan ang reputasyon, katayuan, banidad, at pride na ninanais mo, lubos kang nagkakamali. Ang totoo, sa pamamagitan ng pagsisinungaling, hindi ka lang bigong mapanatili ang banidad at pride mo, at ang dignidad at karakter mo, kundi mas matindi pa, napapalagpas mo ang pagkakataong isagawa ang katotohanan at maging isang tapat na tao. Kahit na nagawa mong protektahan sa sandaling iyon ang iyong reputasyon, katayuan, banidad, at pride, isinakripisyo mo ang katotohanan at ipinagkanulo ang Diyos. Ibig sabihin nito ay ganap nang nawala sa iyo ang pagkakataon na mailigtas at maperpekto Niya, na siyang pinakamalaking kawalan at panghabang-buhay mong pagsisisihan. Hindi ito mauunawaan kailanman ng mga mapanlinlang(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Isang Matapat na Tao Lamang ang Makapagsasabuhay ng Tunay na Wangis ng Tao). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan kong ang mga mapanlinlang na tao ay nagsasalita at kumikilos para protektahan ang sarili nilang banidad, pagpapahalaga sa sarili at mga interes. Alam na alam nilang hindi ito gusto ng Diyos, ngunit pinipiga pa rin nila ang kanilang utak para magsinungaling, pagtakpan ang sarili, at manlinlang. Maaaring tila pinoprotektahan nila ang kanilang pagpapahalaga sa sarili at banidad, ngunit nawawala sa kanila ang pagkakataong isagawa ang katotohanan, at kung hindi sila magsisisi, sa huli ay ititiwalag sila ng Diyos, at tuluyan silang mawawalan ng pagkakataong maligtas ng Diyos. Nang mapagtanto ko ito, natigilan ako. Ang pag-uugali ko ay katulad lang ng mga kalagayang inilalantad ng Diyos! Sa sandaling natuklasan kong ilang baguhan ang hindi naiskedyul para sa mga pagtitipon, nag-alala ako kung ano ang iisipin sa akin ng superbisor kung malalaman niya, at kung bababa ba ang tingin niya sa akin. Nag-alala rin akong pagkatapos malaman ng mga kapatid, babanggitin nila ang katotohanang palagi ko silang pinapaalalahanan na maging mas masigasig sa kanilang mga tungkulin, ngunit nakagawa ako ng ganito kasimpleng pagkakamali sa sarili kong mga tungkulin. Natakot akong isipin nilang isa akong taong walang mga realidad na puro lang ulit sa mga salita at doktrina. Para maprotektahan ang magandang imaheng mayroon ang mga tao sa akin, nagsinungaling ako at sinabing hindi nakadalo sa pagtitipon ang mga baguhan dahil sa mahinang internet. Pero nag-alala rin akong malalaman ng sister na nagdidilig sa mga baguhan ang aktuwal na sitwasyon at pagkatapos ay iuulat ito sa superbisor, dahil doon ay malalantad ang kasinungalingan ko. Dahil dito, nagmadali ako sa sister na nagdidilig para aktibong ipaliwanag ang sitwasyon. Para protektahan ang banidad at pagpapahalaga ko sa sarili, piniga ko ang utak ko habang nagsisinungaling ako at nagtangka akong pagtakpan ang kasinungalingan ko. Alam na alam kong labag ito sa layunin ng Diyos, at nakonsensiya ako, ngunit hindi ko pa rin isinagawa ang katotohanan. Iginapos ako ng tiwaling disposisyon ko, at nakaramdam ako ng pasakit at pagkapagod. Nawala sa akin kapwa ang aking dignidad bilang tao at ang aking integridad. Akala ko, sa paggawa ng ginawa ko, wala akong anumang detalyeng nalilimutan, pero ang totoo, sinisiyasat ng Diyos ang lahat. Umaarte akong parang isang payaso. Habang mas nagninilay ako, lalo kong nararamdaman na ang ginawa ko ay kamuhi-muhi, kasuklam-suklam, at karima-rimarim, at ang mga kilos ko ay naging dahilan para kapootan ako ng Diyos. Kasabay nito, nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na pagkabalisa at pagkatakot, na para bang talagang nasa panganib ako. Tulad ng sinasabi ng Diyos: “Kung iniisip mong maitataguyod ng kasinungalingan ang reputasyon, katayuan, banidad, at pride na ninanais mo, lubos kang nagkakamali. Ang totoo, sa pamamagitan ng pagsisinungaling, hindi ka lang bigong mapanatili ang banidad at pride mo, at ang dignidad at karakter mo, kundi mas matindi pa, napapalagpas mo ang pagkakataong isagawa ang katotohanan at maging isang tapat na tao. Kahit na nagawa mong protektahan sa sandaling iyon ang iyong reputasyon, katayuan, banidad, at pride, isinakripisyo mo ang katotohanan at ipinagkanulo ang Diyos. Ibig sabihin nito ay ganap nang nawala sa iyo ang pagkakataon na mailigtas at maperpekto Niya, na siyang pinakamalaking kawalan at panghabang-buhay mong pagsisisihan.” Bagama’t pinahintulutan ako ng pagsisinungaling na protektahan ang banidad ko at pagpapahalaga ko sa sarili sa harap ng iba, at panatilihin ang magandang impresyon ng mga tao sa akin, nawala sa akin ang pagkakataong isagawa ang katotohanan at maging isang matapat na tao, at nakagawa ako ng isang walang hanggang hindi mabuburang pagsalangsang sa harap ng Diyos. Kalaunan, napaisip ako, “Bakit hindi ko mapigilang palaging magsinungaling? Ano ang ugat na dahilan nito?”

Isang araw sa oras ng mga debosyonal ko, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa lipunang ito, ang mga prinsipyo ng mga tao sa pakikitungo sa mundo, ang kanilang mga pamamaraan sa pamumuhay at pag-iral, at maging ang kanilang mga saloobin at kuru-kuro sa relihiyon at pananampalataya, pati na rin ang kanilang iba’t ibang kuru-kuro at pananaw sa mga tao at bagay—ang lahat ng ito ay hindi maiiwasang kinokondisyon ng pamilya. … kapag madalas sabihin sa iyo ng mga nakatatanda sa pamilya na ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito,’ ito ay para bigyan mo ng halaga ang pagkakaroon ng magandang reputasyon, pagkakaroon ng maipagmamalaking buhay, at hindi paggawa ng mga bagay na magdudulot sa iyo ng kahihiyan. Kung gayon, ginagabayan ba ng kasabihang ito ang mga tao sa positibo o negatibong paraan? Maaakay ka ba nito tungo sa katotohanan? Maaakay ka ba nito na maunawaan ang katotohanan? (Hindi.) May buong katiyakan mong masasabi na, ‘Hindi, hindi nito magagawa!’ Isipin mo, sinasabi ng Diyos na dapat maging matatapat na tao ang mga tao. Kapag sumalangsang ka, o may nagawa kang mali, o may nagawa kang isang bagay na naghihimagsik laban sa Diyos at sumasalungat sa katotohanan, kailangan mong aminin ang iyong pagkakamali, maunawaan ang iyong sarili, at patuloy na himayin ang iyong sarili para tunay na makapagsisi, at pagkatapos ay kumilos nang naaayon sa mga salita ng Diyos. Kaya, kung ang mga tao ay magiging matatapat na tao, sumasalungat ba iyon sa kasabihang ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito’? (Oo.) Paanong sumasalungat ito? Ang layon ng kasabihang ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito’ ay para bigyang-halaga ng mga tao ang pagsasabuhay ng kanilang maliwanag at makulay na parte ng pagkatao at ang paggawa ng maraming bagay na magpapamukha sa kanilang kanais-nais sila—sa halip na gumawa ng mga bagay na masama o kahiya-hiya, o magpakita ng kanilang pangit na pagkatao—at upang maiwasan na mamuhay sila nang walang pagpapahalaga sa sarili o dignidad. Para sa kapakanan ng reputasyon ng isang tao, para sa pagpapahalaga sa sarili at karangalan, hindi puwedeng siraan ng isang tao ang lahat ng tungkol sa kanya, lalo na ang sabihin sa iba ang tungkol sa madilim na parte at mga kahiya-hiyang aspekto ng isang tao, dahil ang isang tao ay dapat mamuhay nang may pagpapahalaga sa sarili at dignidad. Upang magkaroon ng dignidad, kailangan ng isang tao ng magandang reputasyon, at para magkaroon ng magandang reputasyon, kailangang magkunwari ng isang tao at pagmukhaing kanais-nais ang sarili. Hindi ba’t sumasalungat ito sa pagiging isang matapat na tao? (Oo.) Kapag ikaw ay nagiging isang matapat na tao, ikaw ay ganap na salungat sa kasabihang ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito.’ Kung nais mong maging isang matapat na tao, huwag mong bigyang-importansiya ang pagpapahalaga sa sarili; ang pagpapahalaga sa sarili ng isang tao ay walang kabuluhan. Sa harap ng katotohanan, dapat ilantad ng isang tao ang sarili, hindi magkunwari o gumawa ng huwad na imahe. Dapat ihayag ng isang tao sa Diyos ang tunay niyang mga kaisipan, ang mga pagkakamaling nagawa niya, ang mga aspektong lumalabag sa mga katotohanang prinsipyo, at iba pa, at ilantad din ang mga bagay na ito sa mga kapatid. Hindi ito isang usapin ng pamumuhay para sa sariling reputasyon, sa halip, ito ay isang usapin ng pamumuhay para sa pagiging isang matapat na tao, pamumuhay para sa paghahangad sa katotohanan, pamumuhay para maging isang tunay na nilikha, at pamumuhay para bigyang-kasiyahan ang Diyos, at para maligtas. Ngunit kapag hindi mo nauunawaan ang katotohanang ito, at hindi mo nauunawaan ang layunin ng Diyos, ang mga bagay na ikinokondisyon sa iyo ng iyong pamilya ay may tendensiyang mangibabaw. Kaya, kapag may nagagawa kang mali, pinagtatakpan mo ito at nagpapanggap ka, iniisip na, ‘Hindi ako puwedeng magsalita ng anumang tungkol dito, at hindi ko rin papayagan na may sabihing kahit ano ang sinumang nakakaalam ng tungkol dito. Kung magsasalita ang sinuman sa inyo, hindi ko kayo basta-bastang palalampasin. Ang reputasyon ko ang pangunahing priyoridad. Walang kabuluhan ang mabuhay kung hindi ito para sa sariling reputasyon, dahil mas mahalaga ito kaysa anupaman. Kung mawawalan ng reputasyon ang isang tao, mawawala ang lahat ng kanyang dignidad. Kaya’t hindi ka maaaring maging prangka, kailangan mong magpanggap, kailangan mong pagtakpan ang mga bagay-bagay, kung hindi, mawawalan ka ng reputasyon at dignidad, at mawawalan ng saysay ang buhay mo. Kung walang rumerespeto sa iyo, wala kang kuwenta at walang silbi kung gayon.’ Posible bang maabot ang pagiging isang matapat na tao sa pamamagitan ng pagsasagawa sa ganitong paraan? Posible bang maging ganap na bukas at himayin ang iyong sarili? (Hindi.) Malinaw na sa paggawa nito, sumusunod ka sa kasabihang ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito’ na ikinondisyon ng iyong pamilya sa iyo(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (12)). Sa pamamagitan ng paglalantad ng mga salita ng Diyos, sa wakas ay napagtanto kong namumuhay pala ako ayon sa satanikong lason na “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito.” Naging gabay ko na ito sa paraan ng aking pagkilos at pag-asal. Mula pagkabata, palaging itinuturo sa akin ng aking pamilya, “Sa buhay na ito, kailangan mong pagtuunan ang iyong reputasyon para maging mataas ang tingin sa iyo ng iba at magkaroon sila ng magandang impresyon sa iyo. Kung makikilala ka sa pagkakaroon ng masamang pangalan, pati ang mga magulang mo ay mapapahiya.” Pagpasok sa paaralan, madalas kaming turuan ng mga guro, “Para magkaroon ng makabuluhang buhay, kailangan mong makuha ang papuri ng iba.” Sa ilalim ng impluwensya ng mga nakalilinlang na ideyang ito, Partikular kong binigyang-pansin kung paano ako tinitingnan ng iba sa lahat ng ginagawa ko. Matapos matagpuan ang Diyos at tanggapin ang tungkulin ko sa iglesia, labis ko pa ring pinagtuunan ang imaheng mayroon ang iba sa akin, at maingat kong ginagawa ang aking tungkulin araw-araw, nag-aalala na kung magkakamali ako saglit, magdudulot ako ng mga problema at masisira ang magandang impresyong nagawa ko sa puso ng aking mga kapatid. Kahit ang pinakamaliit na isyu ay nagparamdam sa akin na para bang nasa bingit ako ng kamatayan at pinuno ang puso ko ng matinding pagkabalisa. Para mapanatili ang aking magandang imahe, hindi ako nangahas na aminin ang aking mga pagkakamali sa superbisor, kaya gumamit ako ng mga panlilinlang at pandaraya, at nagsinungaling ako sa pag-uulat ng sitwasyon sa mga pagtitipon ng mga baguhan. Sa pamumuhay ayon sa mga satanikong lason na ito, talagang naging baluktot at mapanlinlang ako, at para mapanatili ang pagpapahalaga ko sa sarili at ang katayuan ko, nawala sa akin ang mga pangunahing prinsipyo ng pagiging tao. Namuhay ako ng napakababa at walang kabuluhang buhay! Sa pagsisikap na maging isang matapat na tao, nang sumalungat ito sa satanikong batas na “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito,” natuklasan kong hindi ko kayang isagawa ang katotohanan o pumanig sa katotohanan. Paano ako maliligtas kung magpapatuloy ako nang ganito? Nang mapagtanto ko ang malulubhang kahihinatnan ng pamumuhay ayon sa mga satanikong lason, labis kong pinagsisihan ang hindi pagsasagawa ng katotohanan, kaya naghanap ako ng landas ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos.

Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Upang maging isang tapat na tao, dapat mo munang ilantad ang iyong puso upang matingnan ito ng lahat, makita ang lahat ng iniisip mo, at masilayan ang iyong tunay na mukha. Kailangan ay hindi mo subukang magpanggap, o pagtakpan ang iyong sarili. Saka lamang magtitiwala ang iba sa iyo at ituturing kang isang matapat na tao. Ito ay ang pinakasaligang pagsasagawa, at isang pang-unang kailangan sa pagiging isang matapat na tao. Kung palagi kang nagpapanggap, palaging nagkukunwaring banal, marangal, dakila, at mataas ang pagkatao; kung hindi mo hinahayaang makita ng mga tao ang iyong katiwalian at iyong mga kapintasan; kung inihaharap mo ang isang huwad na imahe sa mga tao upang maniwala sila na ikaw ay may integridad, na ikaw ay dakila, mapagsakripisyo sa sarili, makatarungan, at di-makasarili, hindi ba’t panlilinlang at kabulaanan ito? Hindi ba makikita ng mga tao ang tunay mong pagkatao, pagtagal-tagal? Kaya, huwag kang magpanggap o magtakip sa iyong sarili. Sa halip, ilantad ang sarili mo at ang puso mo para makita ng iba(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Matapat). “Dapat mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang anumang problemang lumilitaw, anuman iyon, at huwag magbalatkayo o magkunwari para sa iba sa anumang paraan. Ang iyong mga pagkukulang, iyong mga kapintasan, iyong mga pagkakamali, iyong mga tiwaling disposisyon—maging ganap na bukas tungkol sa lahat ng ito, at makipagbahaginan tungkol sa lahat ng ito. Huwag mong itago ang mga ito sa loob mo. Ang pagkatutong buksan ang iyong sarili ang unang hakbang tungo sa buhay pagpasok, at ito ang unang balakid, na siyang pinakamahirap malampasan. Kapag nalampasan mo na ito, madali nang pumasok sa katotohanan. Ano ang ipinahihiwatig ng paggawa sa hakbang na ito? Nangangahulugan ito na binubuksan mo ang puso mo at ipinapakita ang lahat ng nasa loob mo, mabuti o masama, positibo o negatibo; inilalantad ang iyong sarili para makita ng iba at ng Diyos; walang itinatago sa Diyos, walang pinagtatakpan, walang ikinukubling anuman, walang panlilinlang at panloloko, at bukas at matapat din maging sa ibang mga tao. Sa ganitong paraan, nabubuhay ka sa liwanag, at hindi ka lamang sisiyasating mabuti ng Diyos, kundi makikita rin ng ibang mga tao na kumikilos ka nang may prinsipyo at may antas ng kalinawan. Hindi mo kailangang gumamit ng anumang mga pamamaraan para protektahan ang iyong reputasyon, imahe, at katayuan, ni hindi mo kailangang pagtakpan o ikubli ang iyong mga pagkakamali. Hindi mo kailangang makisangkot sa mga walang saysay na pagsisikap na ito. Kung mabibitiwan mo ang mga bagay na ito, labis kang mapapahinga, mamumuhay ka nang hindi napipigilan o walang pasakit, at mamumuhay ka nang lubusan sa liwanag(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan kong para maiwasang maging mapanlinlang o mandaya, kailangan kong isagawa ang pagiging matapat na tao ayon sa mga salita ng Diyos, at kailangan kong magsanay na buksan ang puso ko at makipagbahaginan sa mga kapatid ko, para sabihin kung ano talaga ang nasa isip ko. Hindi alintana ang mga tiwaling disposisyong taglay ko, ang mga pagkakamaling nagagawa ko sa aking tungkulin, o ang mga pagkukulang o kakapusang mayroon ako, dapat akong matutong magbukas at ilantad ang aking sarili, na nagbibigay-daan sa aking mga kapatid na makitang, tulad nila, marami rin akong mga tiwaling disposisyon at hindi ako mas mahusay kaysa sa kanila. Sa pamamagitan lamang ng pagiging bukas at prangka maaaring maging payapa at panatag ang aking puso. Nang maisip ko ito, gusto kong magtapat sa aking mga kapatid tungkol sa aking kalagayan. Ngunit nang maisip kong magsabi ng totoo, labis akong kinabahan. Natakot akong mapungusan ng superbisor, at na mamaliitin ako ng aking mga kapatid. Kaya, nanalangin ako sa Diyos sa puso ko, hinihiling sa Diyos na gabayan ako para magsagawa ayon sa Kanyang mga salita at maging isang matapat na tao. Pagkatapos manalangin, nagkaroon ako ng motibasyon, at nag-ipon ako ng lakas ng loob para magpadala ng mensahe sa superbisor, sinasabi sa kanya na hindi ako nagsabi ng totoo nang iulat ko ang tungkol sa mga pagtitipon ng mga baguhan. Pagkatapos basahin ang aking mensahe, tinanong lang ako ng superbisor kung bakit ko ito ginawa at wala na siyang gaanong sinabi pa. Kalaunan, sa isang pagtitipon, nagtapat din ako at nakipagbahaginan sa aking mga kapatid, gamit ang mga salita ng Diyos tungkol sa pagiging isang matapat na tao. Nagkuwento ako kung paano ako nagsinungaling at nanlinlang para pagtakpan ang mga pagkakamali ko, at ibinahagi ko ang aking mga pagninilay at pagkaunawa sa bagay na ito, para magsilbi ang karanasan ko bilang babala sa kanila. Pagkatapos magbahagi, sa wakas ay parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib, at agad na napanatag ang aking puso.

Pagkatapos ng karanasang ito, nagsimula akong magnilay-nilay, “Bakit kapag ang iba ay nahaharap sa mga problema o paglihis sa kanilang mga tungkulin, kaya nila itong tratuhin nang wasto, ngunit kapag ako ang nahaharap sa mga problema, palagi ko itong dinidibdib? Bakit nananatiling hindi mapalagay ang puso ko? Bukod sa pag-aalala tungkol sa pagkakaroon ng magandang imahe sa mata ng iba, ano pa kaya ang maaaring problema?” Isang araw sa pagdedebosyonal ko, nagkataong nakakita ako ng isang transcript para sa isang video ng patotoong batay sa karanasan na pinamagatang Bakit Napakahirap Umamin sa mga Pagkakamali? Sumipi ito ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na napakalaking tulong sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Paano ka dapat magsagawa upang maging isang ordinaryo at normal na tao? Paano ito magagawa? … Una, huwag mong bigyan ng titulo ang sarili mo at huwag kang magpagapos dito, na sinasabing, ‘Ako ang lider, ako ang pinuno ng grupo, ako ang tagapangasiwa, walang nakaaalam sa gawaing ito nang higit sa akin, walang nakauunawa sa mga kasanayan nang higit sa akin.’ Huwag kang mahumaling sa titulong ibinigay mo sa sarili. Sa sandaling gawin mo ito, itatali nito ang iyong mga kamay at paa, at maaapektuhan ang iyong sinasabi at ginagawa. Maaapektuhan din ang normal mong pag-iisip at paghusga. Dapat mong palayain ang iyong sarili sa mga limitasyon ng katayuang ito. Una, ibaba mo ang iyong sarili mula sa opisyal na titulo at posisyon na ito at tumayo ka sa lugar ng isang pangkaraniwang tao. Kung gagawin mo ito, magiging medyo normal ang mentalidad mo. Dapat mo ring aminin at sabihin na, ‘Hindi ko alam kung paano ito gawin, at hindi ko rin iyon nauunawaan—kakailanganin kong magsaliksik at mag-aral,’ o ‘Hindi ko pa ito nararanasan, kaya hindi ko alam ang gagawin.’ Kapag kaya mong magsabi ng tunay mong iniisip at magsalita nang tapat, magtataglay ka ng normal na katwiran. Makikilala ng iba ang tunay na ikaw, at sa gayon ay magkakaroon ng normal na pagtingin sa iyo, at hindi mo kakailanganing magpanggap, ni hindi ka magkakaroon ng anumang matinding presyur, kung kaya’t magagawa mong makipag-usap nang normal sa mga tao. Ang pamumuhay nang ganito ay malaya at magaan; ang sinumang napapagod mabuhay ay idinulot ito sa kanilang mga sarili(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapahalaga sa mga Salita ng Diyos ang Pundasyon ng Pananampalataya sa Diyos). Sa pamamagitan ng paglalantad ng mga salita ng Diyos, malinaw kong nakita ang sarili kong mga problema. Sa simula, nang bigyan ako ng tungkulin bilang lider ng pangkat, hindi ko ipinosisyon nang tama ang sarili ko, at ikinulong ko ang aking sarili sa titulo ng lider ng pangkat. Natuklasan kong lahat ng sinasabi ko o ginagawa ay nababalot ng titulong ito. Inakala kong dahil naging lider ako ng pangkat, dapat na mas malakas ang mga propesyonal na kasanayan ko at kapabilidad ko sa gawain kaysa sa ibang mga kapatid, at ang karaniwang ugali ko ay dapat na mas mabuti kaysa sa kanila. Nang taglayin ko ang mga nakalilinlang na pananaw na ito, hindi ko pinahintulutan ang sarili kong magkamali o magkaroon ng mga paglihis sa tungkulin ko dahil natakot akong magkaroon ng hindi magandang tingin sa akin ang iba. Dala ko ang napakabigat na pasanin sa tungkulin ko, at labis na nakakapagod at napakasakit mamuhay sa ganitong paraan. Lahat ito ay dahil hindi ko naunawaan ang katotohanan at hindi ko tiningnan ang mga bagay ayon sa mga salita ng Diyos. Sa katotohanan, ang pagsasaayos ng iglesia para gawin ko ang tungkulin ng lider ng pangkat ay isang biyaya mula sa Diyos, at isang pagkakataon para sa akin na magsanay para punan ang aking mga pagkukulang. Bagama’t ako ang lider ng pangkat, minsan mas maganda pa kaysa sa akin ang mga resulta ng pagdidilig ng aking mga kapatid. Ngunit palagi ko pa ring iniisip na, bilang lider ng pangkat, kailangan kong maging mas mahusay kaysa sa iba at hindi ako puwedeng magkamali. Talagang napakayabang nito at walang katwiran! Isa lang akong tiwaling tao, kaya normal lang para sa akin na magkaroon ng mga paglihis o magbunyag ng mga tiwaling disposisyon sa aking tungkulin. Dapat ko itong tratuhin nang tama at magtapat sa mga kapatid at ilantad ang sarili ko, at dapat kong ibuod ang mga problema mula sa mga paglihis at pagkakamali ko, at pagnilayan ang sarili ko. Saka ko lamang magagawa nang mas mahusay ang aking tungkulin.

Makalipas ang ilang araw, pinadalhan ako ng superbisor ng mensahe. Sabi sa mensahe na may isang baguhan na dumalo sa pagtitipon, ngunit iniulat kong hindi siya dumalo, at hiniling niya sa aking maging mas maingat kapag sinusubaybayan ang mga pagtitipon ng mga baguhan at maingat na suriin ang aking mga ulat. Pagkatapos basahin ang mensahe, biglang kumabog ang dibdib ko, at naisip ko, “Sinuri ko na ang ulat, paano pa ako nagkamali ng ganito?” Mabilis kong binuksan ang dokumento. Noong sandaling iyon, naalala kong dahil may iba pa akong mga apurahang bagay na dapat asikasuhin, pahapyaw ko lang itong tiningnan at talagang hindi ko maingat na sinuri ang impormasyon, at dahil dito, nagkamali ako sa pag-uulat ng kalagayan ng pagtitipon ng baguhan. Sa panahon ng panggabing pagtitipon, gusto kong ibahagi ang pagkakamali ko sa mga kapatid para matuto sila mula rito. Ngunit nagtatalo ang kalooban ko, iniisip na, “Kung malalaman ng mga kapatid na nagkamali na naman ako, iisipin kaya nilang nagiging pabasta-basta lang ako sa aking tungkulin? Magtataka kaya sila kung ano ang nangyayari sa akin kamakailan, at malilito kung bakit palagi akong nagkakamali? Ano na lang kaya ang iisipin nila sa akin? Iisipin kaya nilang may problema sa akin?” Sandaling naguluhan ang puso ko. Noong sandaling iyon, napagtanto kong may mali sa aking kalagayan, kaya nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanyang gabayan ako para isagawa ang katotohanan at maging isang matapat na tao. Pagkatapos ay nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kung nais mong maging isang matapat na tao, huwag mong bigyang-importansiya ang pagpapahalaga sa sarili; ang pagpapahalaga sa sarili ng isang tao ay walang kabuluhan. Sa harap ng katotohanan, dapat ilantad ng isang tao ang sarili, hindi magkunwari o gumawa ng huwad na imahe. Dapat ihayag ng isang tao sa Diyos ang tunay niyang mga kaisipan, ang mga pagkakamaling nagawa niya, ang mga aspektong lumalabag sa mga katotohanang prinsipyo, at iba pa, at ilantad din ang mga bagay na ito sa mga kapatid. Hindi ito isang usapin ng pamumuhay para sa sariling reputasyon, sa halip, ito ay isang usapin ng pamumuhay para sa pagiging isang matapat na tao, pamumuhay para sa paghahangad sa katotohanan, pamumuhay para maging isang tunay na nilikha, at pamumuhay para bigyang-kasiyahan ang Diyos, at para maligtas(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (12)). Biglang pinalinaw ng mga salita ng Diyos ang mga iniisip ko at binigyan ako nito ng motibasyon para isagawa ang katotohanan at maging isang matapat na tao. Gusto kong aminin ang aking mga pagkakamali sa aking mga kapatid, at bagama’t medyo nakakahiya kung gagawin ko ito, isasagawa ko ang pagiging matapat na tao ayon sa mga hinihingi ng Diyos, at isasabuhay ang wangis ng tao, at sa espirituwal, makakaramdam ako ng paglaya at kalayaan. Nang mapagtanto ko ito, nanalangin ako sa Diyos sa puso ko, hinihiling sa Kanyang gabayan ako para magsagawa ayon sa Kanyang mga salita, at nagpasyang anuman ang maging tingin sa akin ng iba, gusto ko lang bigyang-kasiyahan ang Diyos. Sa panahon ng panggabing pagtitipon, sinabi ko sa mga kapatid ang tungkol sa mga pagkakamaling nagawa ko sa aking tungkulin dahil sa kapabayaan ko, at hinimok ko silang huwag nang gawin ang parehong mga simpleng pagkakamali na nagawa ko. Pagkatapos sabihin ang mga bagay na ito, napanatag ako at napalaya.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, habang nagpapatuloy ako sa paggawa ng aking tungkulin, hindi ko na inalala kung ano ang iniisip ng iba sa akin tulad ng dati, at mas kalmado ko nang nahaharap ang aking mga pagkakamali. Araw-araw, sinusubukan ko ang lahat ng aking makakaya para gawin ang dapat kong gawin at seryosohin ang mga bagay-bagay, at kapag may anumang problemang lumilitaw sa tungkulin ko, kung ang mga ito ay sanhi ng aking tiwaling disposisyon, lumalapit ako sa harap ng Diyos para magnilay, at hanapin ang katotohanan para lutasin ang aking tiwaling disposisyon. Kung ang pagkakamaling ito ay sanhi ng ilang partikular na dahilan, ginagamit ko ang mga pagkakamaling nagawa sa aking tungkulin para ibuod ang paglihis at iwasto ito sa susunod na pagkakataon. Salamat sa Diyos sa Kanyang paggabay! Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, natikman ko ang kagalakan ng pagsasagawa ng katotohanan at pagiging isang matapat na tao.

Sinundan:  74. Nagkaroon na Ako ng Kakayahang Gawin ang Tungkulin Ko Nang Tuloy-tuloy

Sumunod:  78. Ang Gaan ng Pakiramdam Nang Maalis ang Aking Pagbabalatkayo

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger