76. Ang Pinili ng Isang Estudyante sa Graduate School
Napakahirap ng pamilya ko noong bata pa ako, at minamaliit kami ng aming mga kapitbahay at kamag-anak. Mula pagkabata, tinuruan ako ng nanay ko, “Kailangan mong mag-aral nang mabuti at bigyan ng karangalan ang pamilya natin paglaki mo.” Itinatak ko sa aking isipan ang mga salita ng nanay ko at nagsikap ako nang husto sa aking pag-aaral, umaasang balang araw ay makakakuha ako ng mataas na antas ng edukasyon at magandang trabaho, at mapapabuti ang buhay ng aking pamilya. Isang beses, pagkatapos kong maoperahan dahil sa bali, pinalabas ako na may cast ang paa at hindi ako makalakad at araw-araw akong pinapasan ng nanay ko papunta sa eskuwelahan. Nagtiyaga ako sa aking pag-aaral sa kabila ng sakit at kakaibang tingin ng iba. Hindi ko kailanman isinuko ang aking pag-aaral, kahit na ilang beses akong naaksidente noong nag-aaral pa ako. Para makapasok sa isang mahusay na unibersidad, hindi ko kailanman pinabayaan ang aking pag-aaral. Araw-araw, mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-onse ng gabi, maliban sa pagkain, pag-inom, at iba pang pangangailangan, nag-aaral ako. Sa wakas, nakapasok din ako sa isang nangungunang unibersidad. Sa ikatlong taon ko sa kolehiyo, naghanda ako para sa entrance exam sa graduate school. Para makapasok sa isang prestihiyosong graduate program, halos isang taon akong nagkulong, gumugugol ng mahigit sampung oras bawat araw sa library para pag-aralan ang mga kurso sa graduate school. Hindi ko tinangkang hayaang mag-relax ang sarili ko kahit kaunti. Sa huli, nakamit ko ang aking layon at natanggap ako sa isa sa mga pinakaprestihiyosong programa sa graduate school sa bansa. Pagkatapos ng graduation, nagsimula akong magtrabaho sa isang research institute sa isang pampublikong institusyon at nagsimula akong mamuhay ng tipikal na alas-nuwebe-hanggang-ala-singko na buhay. Maayos din naman ang mga benepisyo at sahod. Ang mga kamag-anak na dati ay mababa ang tingin sa amin ay nagsimula nang magdala ng mga regalo at dumalaw. Kapag nakikipagkita ako sa mga kaklase ko, binabati at pinupuri rin nila ako. Naging karangalan ako ng aking mga magulang, at talagang naging masaya ako.
Ngunit pagkatapos kong magsimulang magtrabaho, nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kahungkagan sa loob. Matagal akong nanatili sa larangan ng siyentipikong pananaliksik, at habang mas marami akong pinag-aaralang kaalamang siyentipiko, mas lalo kong napagtatanto na napakaraming hindi maarok na walang nakaaalam sa mundong ito. Kahit na ialay ko pa ang buong buhay ko sa pananaliksik, ang magiging resulta sa huli ay isang patak lamang sa karagatan. Kaya ano pa ang saysay ng pagpapatuloy sa pananaliksik na ito? Hindi ko alam kung ano ang dapat kong hangarin o kung paano maaalis ang pakiramdam na ito ng kahungkagan at pagkalito. Sinubukan kong punan ang aking buhay ng ehersisyo at pagbabasa, ngunit walang nangyari. Sa tuwing mayroon akong libreng oras, isang malaking pakiramdam ng kahungkagan ang lumalamon at sumisira sa akin. Para mas maramdaman kong may kabuluhan ang buhay ko, nagpasya akong mag-apply sa isang prestihiyosong unibersidad sa ibang bansa para sa karagdagang pag-aaral, umaasang masisiguro ang mas magandang kinabukasan. Bagama’t alam kong magdudulot ito ng malaking pressure, inalo ko pa rin ang sarili ko, sinasabing, “Ganito lang talaga ang buhay. Nagsusumikap ang mga taong umangat tulad ng tubig na dumadaloy pababa. Ganap itong normal.” Noong naghahanda na akong abutin ang layon na ito, nagkataon lang na narinig ko ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nalaman kong ang mga tao ay nilikha ng Diyos at hindi tiwali noong simula, na ang mga tao ay maaaring mamuhay nang may pagkakasundo nang walang mga alitan, ngunit pagkatapos na gawing tiwali ni Satanas ang mga tao, nagkaroon sila ng lahat ng uri ng mga tiwaling disposisyon, at nagsimulang mag-away at manlinlang sa isa’t isa, namumuhay sa kadiliman at pagdurusa. Upang iligtas ang sangkatauhan at upang makamit ng mga tao ang katotohanan at buhay, isinagawa ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ngayon, ginagawa ng Diyos ang huling yugto ng Kanyang gawain, na ito ay ang ihayag ang lahat ng katotohanan sa sangkatauhan, upang makalaya ang mga tao mula sa mga gapos at pinsala ni Satanas, iwaksi ang kanilang mga satanikong tiwaling disposisyon, at sa huli ay maakay sa isang napakagandang hantungan. Habang mas binabasa ko ang mga salita ng Diyos, mas lalo akong naaakit, at naunawaan ko ang kahulugan at mga hiwaga ng buhay sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at nagtamasa ako ng kapayapaan at kagalakan sa aking puso na hindi ko pa naranasan kailanman.
Isang beses, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Mula nang unang magkaroon ang tao ng agham panlipunan, ang isip ng tao ay naging abala sa agham at kaalaman. Ang agham at kaalaman ay naging mga kagamitan para sa pamumuno ng sangkatauhan, at doon ay wala nang sapat na puwang para sa tao upang sambahin ang Diyos, at walang kanais-nais na mga kondisyon para sa pagsamba sa Diyos. Ang posisyon ng Diyos ay lumubog nang lalo pang mas mababa sa puso ng tao. Kung walang puwang para sa Diyos sa kanyang puso, ang panloob na mundo ng tao ay madilim, walang pag-asa, at hungkag. Dahil dito, lumitaw ang maraming panlipunang siyentipiko, mananalaysay, at mga pulitiko upang magpahayag ng mga teorya ng agham panlipunan, teorya ng ebolusyon ng tao, at iba pang mga teorya na sumasalungat sa katotohanan na nilikha ng Diyos ang tao upang punuin ang puso at isip ng tao. At sa ganitong paraan, ang mga naniniwala na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay ay lalo pang nangaunti, at ang mga naniniwala sa teorya ng ebolusyon ay lalo pang dumami ang bilang. Parami nang parami ang mga tao na itinuturing ang mga talaan ng gawain ng Diyos at Kanyang mga salita sa kapanahunan ng Lumang Tipan bilang mga alamat at mga kathang-isip. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay nagwalang-bahala sa karangalan at kadakilaan ng Diyos, sa pag-iral ng Diyos, at sa doktrina na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Ang pagpapanatili ng sangkatauhan at ang kapalaran ng mga bayan at mga bansa ay hindi na mahalaga sa kanila. Nakatira ang tao sa isang walang kabuluhang mundo na ang iniintindi lamang ay pagkain, pag-inom, at ang paghahangad ng kasiyahan. … Iilang tao lang ang umaako sa paghanap kung saan kumikilos ngayon ang Diyos, o naghahanap kung paanong Siya ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat at kung paano Niya inaayos ang hantungan ng tao. … Ang agham, kaalaman, kalayaan, demokrasya, kasiyahan, at kaginhawahan ay nagdadala lamang ng pansamantalang konsuwelo sa tao. Kahit na mayroong ganitong mga bagay, hindi pa rin maiwasan ng tao na magkasala at dumaing sa pagiging hindi patas ng lipunan. Hindi mahahadlangan ng pagkakaroon ng mga bagay na ito ang pangungulila at pagnanais ng tao na tumuklas. Sapagkat ang tao ay nilalang ng Diyos at ang kanyang walang katuturang mga sakripisyo at mga pagtuklas ay maaari lamang magdulot ng higit na pagkabagabag sa kanya, at magdulot na ang tao ay umiral sa palagiang kalagayan ng pagkabalisa, hindi nalalaman kung paano haharapin ang kinabukasan ng sangkatauhan o kung paano haharapin ang landas sa hinaharap, hanggang sa puntong ang tao ay matakot sa agham at kaalaman, at lalong matakot sa damdamin ng kahungkagan. Sa mundong ito, ikaw man ay nakatira sa isang malayang bansa o sa isang bansa na walang mga karapatang pantao, ikaw ay ganap na walang kakayahang takasan ang kapalaran ng sangkatauhan. Ikaw man ang pinuno o ang pinamumunuan, ikaw ay ganap na walang kakayahang takasan ang pagnanais na galugarin ang kapalaran, mga hiwaga, at hantungan ng sangkatauhan, lalong wala kang kakayahang takasan ang nakalilitong damdamin ng kahungkagan. Ang gayong penomeno, na karaniwan sa buong sangkatauhan, ay tinatawag ng mga sosyologo na mga panlipunang penomeno, ngunit walang dakilang taong lumilitaw upang lutasin ang mga gayong problema. Kung tutuusin, ang tao ay tao, at ang katayuan at buhay ng Diyos ay hindi mapapalitan ng sinumang tao. Ang kailangan ng sangkatauhan ay hindi lang ang isang patas na lipunan kung saan ang lahat ng tao ay kumakain nang sapat, pantay-pantay, at malaya; ang kailangan ng sangkatauhan ay ang kaligtasan ng Diyos at ang Kanyang pagtutustos ng buhay sa kanila. Kapag natatanggap ng tao ang itinutustos na buhay ng Diyos at ang Kanyang pagliligtas, saka lamang malulutas ang mga pangangailangan nito, pagnanais na tumuklas, at ang kahungkagan sa puso nito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Naantig ng mga salita ng Diyos ang puso ko. Napagtanto ko na ang agham at kaalamang hinahangad ko sa buong panahon ay hindi ang katotohanan, at na hindi kayang tustusan ng mga ito ang mga pangangailangan ng aking kaluluwa o lutasin ang pagkalito sa aking buhay. Habang mas hinahangad ko ang mga ito, mas nasasaklaw at napupuno ng agham at kaalaman ang aking puso, na lalong naglalayo sa akin sa Diyos. Kahit na nakikita ako ng iba na may mataas na pinag-aralan at magandang kinabukasan, at inaakala nilang dapat sana ay masaya ako, hindi ako masaya. Sa halip, napuno ako ng kawalang-katiyakan at pagkalito tungkol sa hinaharap. Para maalis ang pakiramdam na ito ng kahungkagan at pagkalito, sinubukan kong punan ang sarili ko ng ehersisyo at pagbabasa, ngunit wala sa mga ito ang makapagpagaan sa kahungkagan sa aking puso, kaya kinumbinsi ko ang sarili ko na hangarin ang mas matataas pang layon sa buhay, naniniwalang ang pagkakaroon ng isang bagay na pagsusumikapan ay makapagpapagaan sa pakiramdam na ito, ngunit sa halip, nauwi akong lalo pang mas nasusupil. At naging malinaw sa akin na kahit na ibuhos ko pa ang buong buhay ko sa siyentipikong pananaliksik, hindi pa rin ako magkakaroon ng gaanong pagkaunawa sa mundong ito, at sa halip, habang mas nagsasaliksik ako, mas marami akong makakaharap na walang nakaaalam, at lalo akong malilito at maguguluhan tungkol sa mundong ito. Napagtanto ko na gaano man karaming libro ang basahin ko o gaano man karaming kaalamang siyentipiko ang matamo ko, kahit na makita pa ako ng iba na may magandang kinabukasan, walang silbi ang lahat ng iyon, at hindi nito malulutas ang kahungkagan sa aking puso o ang pagkalito sa aking buhay. Napagtanto ko rin kung bakit palagi akong hindi makawala sa pagpapahirap na ito ng kahungkagan sa loob; ito ay dahil hindi ko natagpuan ang Diyos, dahil hindi ko natanggap ang Kanyang pagtutustos ng buhay katotohanan para sa tao, at dahil hindi ko naunawaan ang mga hiwaga o kahulugan ng buhay. Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, at kayang itustos ng Diyos kung ano ang kailangan ng mga tao para sa buhay. Tanging ang Diyos ang pinakamahusay na nakakaunawa kung ano ang kailangan ng sangkatauhan, at tanging ang katotohanang ipinahayag ng Diyos ang makalulutas sa kahungkagan sa puso ng tao. Para magkaroon ng mas maraming oras para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, nagpasya ako na huwag nang gumugol pa ng oras at lakas sa paghahangad ng karagdagang pag-aaral sa ibang bansa. Nakita ko na ang pagtuturo sa isang internasyonal na paaralan ay isa ring magandang opsyon, dahil nagkakaloob ito ng mga regular na bakasyon, summer at winter breaks, at mas mataas pa nga ang sahod kaysa sa pagtatrabaho sa isang research institute. Ang pagtuturo ay isa ring matatag at iginagalang na trabaho, kaya lumipat ako ng propesyon at nagsimulang magturo sa isang paaralan.
Isang araw, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos, at nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa kahulugan at halaga ng paggawa ng tungkulin ng isang tao. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating isipan at katawan para sa katuparan ng atas ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi para sa atas ng Diyos at sa makatarungang kapakanan ng sangkatauhan, ang ating mga kaluluwa ay hindi magiging karapat-dapat sa harap niyong mga naging martir para sa atas ng Diyos, at lalong mas mahihiya sa harap ng Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). “Hinahanap ng Diyos ang mga taong nag-aasam na Siya’y magpakita. Hinahanap Niya sila na may-kakayahang makinig sa Kanyang mga salita, mga hindi nakakalimot sa Kanyang atas, at naghahandog ng kanilang puso at katawan sa Kanya. Hinahanap Niya ang mga kasingmapagpasakop at kasing-di-mapanlaban ng mga bata sa Kanyang harapan. Kung ilalaan mo ang iyong sarili sa Diyos, hindi nahahadlangan ng anumang puwersa, titingnan ka ng Diyos nang may pabor at ipagkakaloob sa iyo ang Kanyang mga pagpapala. Kung ikaw ay may mataas na katayuan, dakilang reputasyon, saganang kaalaman, napakaraming ari-arian, at suporta ng maraming tao, subalit nananatili kang hindi nagugulo ng mga bagay na ito at humaharap ka pa rin sa Diyos upang tanggapin ang Kanyang pagtawag at ang Kanyang atas, at na gawin kung ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo, ang lahat ng iyong ginagawa ay magiging pinakamakabuluhan sa lupa at pinakamakatarungan na gawain ng sangkatauhan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang layunin ng Diyos. Ang gawaing ito sa mga huling araw ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan. Umaasa ang Diyos na mas maraming tao ang tatanggap sa Kanyang atas, upang madala nila ang mga namumuhay sa kahungkagan at pagdurusa sa harap Niya para tanggapin ang Kanyang pagliligtas, at makalaya mula sa pagpapahirap at katiwalian ni Satanas. Ito ang pinakamakatarungang adhikain ng sangkatauhan, at ito ang ating tungkulin at pananagutan bilang mga Kristiyano. Gaano man kataas ang katayuan, katanyagan, kaalaman, o kayamanan ng isang tao, kung kaya niyang isantabi ang mga bagay na ito para tanggapin ang atas ng Diyos at gawin ang kanyang tungkulin bilang isang nilikha, kung gayon, ito ay isang bagay na sinasang-ayunan ng Diyos. Naisip ko kung paanong namuhay ako sa kahungkagan at pagdurusa bago ako nanampalataya sa Diyos, hindi alam kung paano tatahakin ang aking landas sa buhay sa hinaharap, at kung gaano kasakit at kawalan ng magawa ang naramdaman ko kapag nahaharap sa mga kahirapan at kagipitan sa aking buhay. Ang pagliligtas ng Diyos ang nagpalaya sa akin mula sa gayong hungkag at litong buhay, at nagbigay sa akin ng sandigan at direksyon. Pinahintulutan ako ng Diyos na marinig muna ang Kanyang tinig, kaya dapat kong ipangaral ang ebanghelyo ng Diyos sa mga tao na, tulad ko, ay namumuhay sa kahungkagan at pagdurusa, upang marinig din nila ang tinig ng Diyos, maunawaan ang katotohanan, at mamuhay nang may kapayapaan at kagalakan. Nang maisip ko ang mga ito, nagnais akong magkaroon ng mas maraming oras para gawin ang aking tungkulin. Ngunit ang aking pang-araw-araw na iskedyul sa paaralan ay siksik na siksik, at minsan hindi man lang ako makahanap ng oras para magbasa pa ng mga salita ng Diyos. Sa pagkakakita ko sa mga kapatid na aktibong ginagawa ang kanilang mga tungkulin, nabalisa ako, at gusto kong isuko ang trabahong ito na kumukonsumo ng napakarami kong oras at lakas. Ngunit nag-aatubili akong bitiwan ito. Halos dalawampung taon ang ginugol ko sa matiyagang pag-aaral para lang makakuha ng mataas na antas ng edukasyon at magandang trabaho, at sa puntong ito, hindi pa ako matagal na nagtatrabaho, at hindi ko pa napararangalan nang wasto ang aking mga magulang, kaya paanong basta ko na lang bibitiwan ang lahat ng ito? Labis na nagtatalo ang kalooban ko at hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko.
Isang araw, narinig ko ang isang himno ng mga salita ng Diyos at labis akong naantig.
Dapat Ilagay Mo ang Paniniwala sa Diyos Nang Higit sa Lahat
1 Kung nais mong maniwala sa Diyos, at kung nais mong matamo ang Diyos at ang Kanyang kasiyahan, maliban kung magtiis ka ng partikular na antas ng sakit at maglaan ng partikular na pagsisikap, hindi mo makakamtan ang mga bagay na ito. Marami na kayong narinig na pangaral, ngunit ang marinig lamang ito ay hindi nangangahulugan na inyo ang sermon na ito; kailangan mong namnamin ito at gawin itong isang bagay na pag-aari mo. Kailangan mong ilangkap ito sa iyong buhay at isama ito sa iyong pag-iral, na tinutulutan ang mga salita at pangaral na ito na gabayan ang paraan ng iyong pamumuhay at maghatid ng kabuluhan at kahulugan sa iyong buhay. Kapag nangyari iyon, magiging sulit ang pakikinig mo sa mga salitang ito.
2 Kung ang mga salitang Aking sinasambit ay hindi naghahatid ng anumang pagbabago sa iyong buhay o nagdaragdag ng anumang halaga sa iyong pag-iral, walang dahilan para pakinggan mo ang mga ito. Dapat mong tratuhin ang pananampalataya sa Diyos bilang ang pinakamahalagang usapin sa buhay mo, mas mahalaga kaysa sa pagkain, pananamit, o iba pang bagay—sa ganitong paraan, aani ka ng mga resulta. Kung naniniwala ka lamang kapag may panahon ka, at hindi mo kayang ilaan ang buong pansin mo sa iyong pananampalataya, at kung palagi kang naguguluhan sa iyong pananampalataya, wala kang mapapala.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X
Sa paulit-ulit na pagninilay sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kung gusto nating makamit ang katotohanan at isang tunay na buhay sa ating pananampalataya sa Diyos, hindi ito usapin lamang ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pag-unawa sa ilang doktrina. Ang pagkakamit ng mga bagay na ito ay nangangailangan ng pagsasagawa at pagdanas sa mga salita ng Diyos sa tunay na buhay, at pagpapahintulot sa mga salita ng Diyos na baguhin ang buhay paghahangad ng isang tao. Kung nagpapahayag lang ng pananalig sa Diyos ang isang tao ngunit hindi isinasagawa at dinaranas ang katotohanan sa lahat ng aspekto, at itinuturing pa rin niya ang paghahangad ng mga makamundong kinabukasan bilang mga layon niya sa buhay, kung gayon, sa pamumuhay sa ganitong paraan, hindi niya kailanman makakamit ang katotohanan. Nagpahayag ang Diyos ng napakaraming katotohanan sa mga huling araw, ngunit hindi ko pa natatapos basahin ang marami sa mga salita ng Diyos, at hindi ko pa nga lubos na nauunawaan ang mga salita at doktrina. Gayumpaman, isinasagawa ko ang aking pananalig gaya nito sa libreng oras ako, gumugugol ng maraming oras araw-araw sa trabahong walang naidudulot na kapakinabangan sa aking buhay, at wala na akong natitirang sobrang oras para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos at maunawaan ang katotohanan. Kung patuloy akong nagsagawa ng aking pananalig sa ganitong paraan sa libreng oras ko, hindi ko kailanman maaabot ang pagkaunawa sa katotohanan sa pagtatapos ng aking pananalig, lalong hindi ang tunay na maranasan at makilala ang katotohanan. Pagkatapos maunawaan ang mga bagay na ito, naging malinaw sa akin ang mga bagay sa aking puso. Hindi ako maaaring patuloy na magsagawa ng aking pananalig sa ganitong paraan sa aking libreng oras, o sisirain ko ang aking pagkakataon para sa kaligtasan. Patuloy akong nanalangin sa Diyos sa aking puso, umaasang gagabayan Niya ako para makagawa ng tamang desisyon.
Patuloy akong nag-iisip, kung bakit, ngayong nalaman ko nang ang pananampalataya sa Diyos at paghahangad sa katotohanan ang tamang landas sa buhay, napakahirap pa rin para sa akin na isuko ang aking trabaho para gawin ang aking tungkulin. Ano ba talaga ang ikinababahala ko? Napagtanto ko na ang isang dahilan sa likod nito ay ang hirap kong isantabi ang pag-iisip tungkol sa aking mga magulang. Nag-alala ako na kung hindi ako magtatrabaho at kikita ng pera, hindi ko magagawang parangalan nang wasto ang aking mga magulang, at bibiguin ko ang aking mga magulang pagkatapos ng lahat ng taon ng kanilang mga pagsisikap at inaasahan. Hinanap ko kung ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos sa kontekstong ito. Naalala ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos at hinanap ko ang mga ito para basahin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Mula sa sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinisimulan mo nang gampanan ang iyong mga responsabilidad. Alang-alang sa plano ng Diyos at sa Kanyang ordinasyon, ginagampanan mo ang iyong papel at sinisimulan ang iyong paglalakbay sa buhay. Anuman ang iyong maaaring pinagmulan, at anumang paglalakbay ang maaaring nasa iyong harapan, walang makakatakas sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Langit, at walang sinumang makakakontrol sa sarili nilang kapalaran, dahil Siya lamang na may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay ang may kakayahan sa gayong gawain” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). “Nilikha ng Diyos ang mundong ito at dinala rito ang tao, isang buhay na nilalang na pinagkalooban Niya ng buhay. Dahil dito, nagkaroon ng mga magulang at kamag-anak ang tao, at hindi na nag-iisa. Mula nang unang makita ng tao ang materyal na mundong ito, itinadhana siyang mabuhay sa loob ng ordinasyon ng Diyos. Ang hininga ng buhay mula sa Diyos ang sumusuporta sa bawat nabubuhay na nilalang sa kanilang paglaki hanggang sa kanilang pagtanda. Sa panahon ng prosesong ito, walang nakadarama na umiiral at lumalaki ang tao sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos; sa halip, naniniwala sila na ang tao ay lumalaki sa ilalim ng biyaya ng pagpapalaki ng mga magulang, at na ang sarili niyang instinto sa buhay ang gumagabay sa kanyang paglaki. Ito ay dahil hindi alam ng tao kung sino ang nagkaloob ng buhay niya, o kung saan ito nanggaling, lalo nang hindi niya alam kung paano lumilikha ng mga himala ang likas na pag-uugali niya sa buhay. Ang alam lang niya ay na pagkain ang saligan ng pagpapatuloy ng kanyang buhay, na pagtitiyaga ang pinagmumulan ng pag-iral ng buhay niya, at na ang mga paniniwala sa kanyang isipan ang puhunan kung saan nakadepende ang kanyang pananatiling buhay. Tungkol sa biyaya at panustos ng Diyos, walang anumang nababatid ang tao, at sa ganitong paraan niya inaaksaya ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos…. Wala kahit isang tao, na pinangangalagaan ng Diyos sa araw at gabi, ang nagkukusang sumamba sa Kanya. Patuloy lang na gumagawa ang Diyos sa taong wala Siyang anumang inaasahan, ayon sa naplano na Niya. Ginagawa Niya iyon sa pag-asang balang araw, magigising ang tao mula sa panaginip nito at biglang matatanto ang halaga at kahulugan ng buhay, ang halagang ibinayad ng Diyos para sa lahat ng Kanyang ibinigay sa kanya, at ang masidhing pananabik ng Diyos na manumbalik ang tao sa Kanya” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, naging malinaw ang aking puso at labis akong naantig. Ang mga tao ay nagmula sa Diyos, at ang ating hininga ng buhay ay ibinigay ng Diyos. Wala tayong utang na loob sa ating mga magulang. Ang katunayan na pinalaki ako ng aking mga magulang at tinustusan ang aking pag-aaral ay kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Tinutupad lamang ng aking mga magulang ang kanilang mga responsabilidad at obligasyon. Anuman ang antas ng edukasyon na mayroon ako ay pauna na ring itinalaga ng Diyos, hindi itinakda ng aking mga magulang. Dapat kong tanggapin ang pagmamahal at mga sakripisyo ng aking mga magulang mula sa Diyos. Sa pagbabalik-tanaw, wala sa mga yugto ng aking buhay ang aking hawak. Halimbawa, sa mga batang kaedad ko sa aming nayon, ako lang ang hindi nakapasok sa maraming klase dahil sa maraming aksidente gayumpaman, maayos pa rin akong nakausad sa aking pag-aaral. Isa pa, maraming beses na seryoso akong naaksidente noong bata pa ako, ngunit lahat ng iyon ay muntik-muntikanan lang. Nakarating ako sa puntong ito sa ilalim ng pangangalaga at proteksyon ng Diyos, at ang pinakadapat kong pasalamatan ay ang Diyos. Bukod pa rito, bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang misyon. Mayroon akong tungkulin at responsabilidad na dapat kong tuparin, at isang landas sa buhay na itinakda ng Diyos para sa akin, at hindi ako dapat mamuhay para lamang sa mga inaasahan ng aking mga magulang. May sariling kapalaran ang aking mga magulang, at hindi naman sa kapag nagsikap ako sa pagtatrabaho at kumita ng pera, mababago ko na ang kanilang kapalaran. Kung hindi itinakda ng Diyos ang magagandang kondisyon ng pamumuhay para sa kanila, kung gayon, gaano man ako magsumikap, hindi sila makikinabang dito. Hindi ko dapat laging sinusubukang lumikha ng masayang buhay para sa aking mga magulang gamit ang sarili kong mga kamay. Ngayong sa wakas ay natagpuan ko na ang tamang landas sa buhay, at natanggap ko na ang buhay pagtutustos mula sa mga salita ng Diyos, dapat akong magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos, tumingin sa Diyos, ipagkatiwala ang lahat, kabilang ang aking mga magulang, sa Kanya, at masigasig na hangarin ang katotohanan.
Bagama’t nilayon kong isuko ang aking trabaho at gugulin nang lubos ang aking sarili para sa Diyos, nang maisip kong isuko ang kinabukasang hinangad ko nang mahigit dalawampung taon, medyo nag-aatubili pa rin ang puso ko. Sa paghahanap at pagninilay, napagtanto kong ang kawalan ko ng determinasyon ay dahil hindi ko pa nakikita nang malinaw ang katanyagan at pakinabang, dahil gusto ko pa ring mamukod-tangi at maghangad ng isang buhay na nakahihigit sa buhay ng iba, at dahil din sa hindi ko naunawaan ang kahalagahan ng paghahangad sa katotohanan. Kaya, sinadya kong hanapin ang katotohanan sa larangang ito. Binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Iyong mapapansin na sa mga walang pananampalataya, maraming mang-aawit at artista sa pelikula na handang magtiis ng paghihirap at ialay ang kanilang sarili sa trabaho nila bago sila sumikat. Ngunit nang makamit na nila ang kasikatan at magsimula na silang kumita ng malaking pera, hindi na sila tumatahak sa tamang landas. Ang ilan sa kanila ay gumagamit ng droga, ang ilan ay nagpapatiwakal, at umiikli ang kanilang buhay. Ano ang sanhi nito? Sobra-sobra ang kanilang materyal na kasiyahan, masyado silang komportable, at hindi nila alam kung paano magkamit ng higit na kasiyahan o kasabikan. Ang ilan sa kanila ay gumagamit ng droga upang makahanap ng higit na kasabikan at kasiyahan, at paglipas ng panahon, ay nalululong dito. Ang ilan ay namamatay dahil sa sobrang paggamit ng droga, at ang iba na hindi alam kung paano makaalpas dito ay nagpapatiwakal na lang sa bandang huli. Napakaraming halimbawa na ganito. Gaano man kaayos ang iyong pagkain, pananamit, pamumuhay, pagsasaya, o gaano man kaginhawa ang iyong buhay, at gaano kalubos mo mang nakakamit ang iyong mga ninanasa, sa bandang huli, mapupuno ka lang ng kalungkutan, at ang resulta ay pagkawasak. Ito bang kaligayahang hinahangad ng mga walang pananampalataya ay tunay na kaligayahan? Ang totoo, hindi ito kaligayahan. Ito ay imahinasyon ng tao, ito ay isang uri ng kasamaan, ito ay isang landas kung saan sumasama ang mga tao. Ang diumano’y kaligayahang hinahangad ng mga tao ay huwad. Ang totoo, ito ay pagdurusa. Isa itong mithiing hindi dapat hangarin ng mga tao, at hindi rin dito nasusukat ang halaga ng pamumuhay. Ang ilan sa mga pamamaraan at metodong ginagamit ni Satanas para gawing tiwali ang mga tao ay paghangarin silang mapasaya ang laman at magpalayaw sa kahalayan bilang mithiin. Sa ganitong paraan, ginagawang manhid ni Satanas ang mga tao, inaakit nito ang mga tao, at ginagawang tiwali ang mga tao, ipinaparamdam sa kanila na tila ba ito ang kaligayahan at inaakay silang habulin ang layuning iyon. Naniniwala ang mga tao na ang makamtan ang mga bagay na iyon ay ang makamtan ang kaligayahan, kaya ginagawa ng mga tao ang lahat ng kanilang makakaya para hangarin ang mithiing iyon. Ngunit pagkatapos nilang makamtan ito, hindi kaligayahan ang kanilang nararamdaman kundi kalungkutan at hinagpis. Pinatutunayan nito na hindi iyon ang tamang landas; iyon ay daan patungo sa kamatayan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Inuubos ng mga tao ang panghabambuhay na enerhiya sa paglaban sa kapalaran, at ginugugol ang buong buhay nila sa pagiging abala para tustusan ang kanilang pamilya at pabalik-balik silang nagmamadali alang-alang sa katanyagan at pakinabang. Ang mga bagay na pinahahalagahan ng mga tao ay ang pagmamahal ng pamilya, salapi, at kasikatan at pakinabang at itinuturing nila ang mga ito bilang ang pinakamahahalagang bagay sa buhay. Lahat ng tao ay nagrereklamo tungkol sa pagiging malas, subalit isinasantabi pa rin nila sa kanilang isipan ang mga usapin na pinakanararapat na unawain at siyasatin ng mga tao: bakit buhay ang tao, paano dapat mamuhay ang tao, at ano ang kahalagahan at kabuluhan ng buhay. Ilang taon man silang mabubuhay, ginugugol lamang nila ang buong buhay nila sa pagiging abala sa paghahanap ng kasikatan at pakinabang, hanggang sa lumipas na ang kabataan nila at nagkaroon na sila ng uban at kulubot, hanggang sa mapagtanto nila na hindi mapapahinto ng kasikatan at pakinabang ang pagtanda nila, na hindi maaaring punan ng salapi ang kahungkagan ng puso nila, at hanggang sa maunawaan nila na walang sinuman ang makakatakas mula sa mga batas ng pagsilang, pagtanda, pagkakasakit, at kamatayan, at na walang makakatakas sa mga pagsasaayos ng kapalaran. … Bagaman ang iba’t ibang kasanayan sa pamumuhay kung saan nagpapakadalubhasa ang mga tao sa buong buhay nila ay nagpapahintulot sa kanila na magkaroon ng kasaganaan sa mga materyal na kaginhawahan, ang mga kasanayang iyon ay di-kailanman nakapagdadala ng tunay na konsuwelo at kapanatagan sa puso nila. Sa halip ay patuloy na nagiging dahilan ang mga ito para ang mga tao ay mawalan ng direksiyon, mahirapang kontrolin ang kanilang mga sarili, at mapalampas ang sunod-sunod na pagkakataon na matutuhan ang kabuluhan ng buhay, at nagdudulot ito ng mga nakatagong problema hinggil sa kung paano tamang haharapin ang kamatayan—nasisira ang buhay ng mga tao sa ganitong paraan. Tinatrato ng Lumikha ang lahat nang patas, binibigyan ang bawat isa ng panghabambuhay na mga pagkakataon na maranasan at makilala ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, subalit tanging kapag papalapit na ang kamatayan, kapag nakaamba na sa isang tao ang kawit ni kamatayan, ay saka pa lamang makikita ng tao ang liwanag—at kapag nagkagayon ay huling-huli na ang lahat” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na gaano man kaganda ang materyal na buhay ng isang tao o gaano man kalaking katanyagan at pakinabang ang matamo niya, hindi ito katumbas ng tunay na kaligayahan. Ang paghahangad ng katanyagan at pakinabang ay isang paraan ng pagliligaw ni Satanas sa mga tao palayo sa Diyos. Kahit na gugulin ko pa ang buong buhay ko sa paghahangad ng pera, katanyagan, at pakinabang, hindi ako mapapalaya ng mga bagay na ito mula sa espirituwal na kahungkagan at pasakit, bagkus, magiging dahilan pa ang mga ito para makaligtaan ko ang pagkakataong makamit ang katotohanan at masira ang aking buhay. Nag-aatubili akong iwanan ang aking trabaho dahil gusto ko itong gamitin para makakuha ng malalaking gantimpala, para makamit ang isang nakahihigit at masayang buhay, at para hindi na maliitin ng iba ang aking pamilya. Ngunit talaga bang masaya ako matapos makamit ang mga bagay na ito? Halos dalawampung taon ang ginugol ko sa paghahangad ng mataas na antas ng edukasyon para makamit ang respeto ng iba, at ngayon ay nakamit ko na ang paghanga ng iba at ang mga papuri mula sa mga kaibigan at kamag-anak, ngunit walang naramdamang kapayapaan o katiwasayan ang puso ko, at sa kaibuturan, madalas pa rin akong nilalamon at sinisira ng mga pakiramdam ng kahungkagan at pagkalito. Bukod dito, nagdulot sa akin ng malaking pressure ang paghahangad na ito. Palagi akong nasasangkot sa mga paghahambing at kumpetisyon sa iba, hanggang sa punto na pagkatapos ng graduation, nag-alala ako na kung hindi ako maghahangad ng mas mataas na edukasyon, mahuhuli ako at mamaliitin. Kahit na hindi ko talaga gusto ang gawaing siyentipikong pananaliksik, para sa kapakanan ng pagkakamit ng pagtingin ng iba, pinilit ko pa rin ang sarili ko na mag-aral sa ibang bansa, ipagpatuloy ang aking pananaliksik, at gugulin pa nga ang aking buhay sa pagsusumikap para dito. Napagtanto ko na ang paghahangad ng katanyagan at pakinabang ay parang isang napakalalim na hukay. Hindi ito kailanman matutugunan, at nagdudulot ito ng pakiramdam ng pagsupil at pagkabalisa sa kaluluwa, hindi nag-aalok ng anumang kaligayahan. Katulad ng maraming sikat na tao at manunulat—mayroon silang katanyagan, kayamanan, at saganang materyal na kasiyahan, ngunit sa huli, nararamdaman pa rin nilang hungkag ang buhay at hindi nila alam kung ano ang hahangarin. Ang ilan pa nga ay gumagamit ng droga, habang ang iba naman ay dumaranas ng depresyon at nagpapakamatay. Pinatutunayan nitong ang katanyagan, pakinabang, pera, at materyal na kasiyahan ay hindi makapagdudulot ng tunay na masayang buhay. Binigyan ako ng Diyos ng pagkakataong hangarin ang katotohanan at makilala ang Lumikha, at kung nagpatuloy akong gumugol ng malaking bahagi ng aking oras bawat araw sa trabaho at sa paghahangad ng katanyagan at pakinabang, na walang gaanong natitirang oras para pagnilayan ang mga salita ng Diyos at hangarin ang pagkaunawa sa katotohanan, kung gayon ang aking paghahangad ay hindi magiging iba sa landas ng mga makamundong tao, at sa huli, magiging alipin ako ng pera, katanyagan at pakinabang, at mamumuhay akong hindi makakatakas sa kahungkagan at takot sa kamatayan sa loob ko. Hindi ba’t masasayang lang ang buhay ko? Ngayon, sapat akong mapalad na natanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at naunawaan ko na kung tungkol saan talaga ang buhay, kung tungkol saan ang mundong ito, at kung ano ang halaga at kahulugan ng buhay. Sa pamamagitan lamang ng paggugol ng mas maraming oras sa paggawa ng aking tungkulin, at paghahangad na makamit ang katotohanan at makilala ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, na magiging tunay na mahalaga at makabuluhan ang aking buhay. Pagkatapos maunawaan ang mga bagay na ito, nagkaroon ako ng mas malinaw na pagkaunawa sa landas na dapat kong piliin sa buhay, at nagpasya akong isuko ang trabahong ito na kumukonsumo ng napakarami kong panahon.
Kalaunan, nabasa ko pa ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos, na nagbigay sa akin ng higit pang motibasyon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ano ang dapat ninyong pagnilay-nilayan sa inyong puso matapos ninyong mapakinggan ang kantang, ‘Siya Na May Kapangyarihan sa Lahat’? Kung malalaman ng sangkatauhan kung bakit sila nabubuhay at bakit sila namamatay, at sino, sa katunayan, ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa mundong ito at sa lahat ng bagay at ang Nag-iisa na namumuno sa lahat, at kung nasaan Siya mismo, at kung ano ang hinihingi Niya sa tao—kung mauunawaan ng sangkatauhan ang mga bagay na ito, malalaman nila kung paano pakikitunguhan ang Lumikha, at paano sasamba at magpapasakop sa Kanya, magkakamit sila ng suporta sa kanilang puso, magiging payapa sila at masaya, at hindi na sila mabubuhay sa gayong pighati at pasakit. Sa huling pagsusuri, dapat maunawaan ng mga tao ang katotohanan. Ang landas na kanilang pinipili para sa kanilang buhay ay napakahalaga, at mahalaga rin kung paano sila nabubuhay. Kung paano nabubuhay ang isang tao at ang landas na tinatahak niya ang nagpapasya kung ang buhay ng isang tao ay masaya o malungkot. Ito ay isang bagay na dapat maunawaan ng mga tao. … Gaano man kaabala ang mga tao sa mundong ito, gaano man sila naging matagumpay sa kanilang propesyon, gaano man kasaya ang kanilang mga pamilya, gaano man kalaki ang kanilang pamilya, gaano man kaprestihiyoso ang kanilang katayuan—may kakayahan ba silang tahakin ang tamang landas ng buhay ng tao? Sa paghahabol sa katanyagan at pakinabang, sa mundo, o sa pagpupursigi sa kanilang mga karera, may kakayahan ba silang makita ang katotohanan na nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at Siya ang may kataas-taasang kapangyarihan sa kapalaran ng sangkatauhan? Imposible ito. Anuman ang hinahangad ng mga tao, o nasaang landas man sila, kung hindi nila kinikilala ang katunayan na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa kapalaran ng sangkatauhan, kung gayon, ang landas na kanilang tinatahak ay mali. Hindi ito ang tamang landas, kundi ang baluktot na landas, ang landas ng kasamaan. Hindi mahalaga kung nagtamo ka ng kasiyahan mula sa iyong espirituwal na suporta, o kung hindi, at hindi mahalaga kung saan mo natatagpuan ang suportang iyon: Hindi ito tunay na pananampalataya, at hindi ito ang tamang landas para sa buhay ng tao. Ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng tunay na pananampalataya? Ito ay ang pagtanggap sa pagpapakita at sa gawain ng Diyos at pagtanggap sa lahat ng katotohanang ipinahayag ng Diyos. Ang katotohanang ito ay ang tamang landas para sa buhay ng tao at ang katotohanan at buhay na dapat hangarin ng mga tao. Ang pagtahak sa tamang landas sa buhay ay pagsunod sa Diyos at pagkakaroon ng kakayahang maunawaan ang katotohanan sa pamumuno ng Kanyang mga salita, ang maunawaan ang katotohanan, malaman kung ano ang mabuti at ano ang masama, malaman kung ano ang positibo at kung ano ang negatibo, at maunawaan ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at kapangyarihang walang-hanggan. Kapag tunay na nauunawaan ng mga tao sa kanilang puso na hindi lamang nilikha ng Diyos ang langit at lupa at lahat ng bagay kundi Siya rin ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa sansinukob at sa lahat ng bagay, magagawa nilang magpasakop sa lahat ng Kanyang pamamatnugot at pagsasaayos, mamuhay ayon sa Kanyang mga salita, at matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan. Ito ang pagtahak sa tamang landas para sa buhay ng tao. Kapag tinatahak ng mga tao ang tamang landas sa buhay, mauunawaan nila kung bakit nabubuhay ang mga tao at kung paano sila dapat mamuhay upang mabuhay sa liwanag at matanggap ang pagpapala at pagsang-ayon ng Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Sa Bibliya nasusulat ang tungkol kay Job: ‘Gayon namatay si Job, na matanda at puspos ng mga kaarawan’ (Job 42:17). Ito ay nangangahulugan na nang namatay si Job, wala siyang mga panghihinayang at hindi siya nakaramdam ng sakit, bagkus ay natural siyang lumisan sa mundong ito. … Anuman ang naranasan ni Job, ang mga pinagsikapan at layunin niya sa buhay ay masasaya at hindi masasakit. Siya ay maligaya hindi dahil sa mga pagpapala o pagsang-ayon na iginawad sa kanya ng Lumikha, kundi mas mahalaga pa rito, dahil sa kanyang mga pinagsikapan at layunin sa buhay, dahil sa lumalagong kaalaman at tunay na pagkaunawa sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha na kanyang natamo sa pamamagitan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, at dagdag pa rito, dahil sa nakamamanghang mga gawa Niya na personal na naranasan ni Job sa panahon na napailalim siya sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, at sa magiliw at di-malilimutang mga karanasan at mga alaala ng pakikisalamuha, pakikipagkilala, at kapwa pagkakaunawaan sa pagitan ng tao at ng Diyos. Si Job ay masaya dahil sa kapanatagan at kagalakan na nagmula sa pagkaalam tungkol sa mga layunin ng Lumikha, at dahil sa may-takot-sa-Diyos na puso na lumitaw kay Job matapos makitang ang Lumikha ay dakila, kamangha-mangha, kaibig-ibig, at matapat. Ang dahilan kung bakit nakayang harapin ni Job ang kamatayan nang walang paghihirap ay dahil batid niya na sa kanyang pagkamatay, siya ay babalik sa tabi ng Lumikha. Ang mga pinagsikapan at natamo niya sa buhay ang nagpahintulot sa kanya na harapin ang kamatayan nang mahinahon, ang nagpahintulot sa kanya na harapin ang posibilidad na mahinahong babawiin ng Lumikha ang kanyang buhay, at dagdag pa rito, ang nagpahintulot sa kanya na makatindig nang walang dungis at walang inaalala sa harap ng Lumikha” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan kong may isang pagkakataon lang ang mga tao para mabuhay, at na napakahalaga ng kung paano pinipili ng isang tao ang kanyang landas sa buhay, dahil ito ang tumutukoy kung magiging masaya at mahalaga ba ang buhay ng isang tao. Kung gugugulin ng isang tao ang kahabaan ng kanyang buhay sa paghahangad ng makamundong katanyagan at pakinabang, o sa pagtuon sa pamilya at mga bagay ng laman, hindi sila makatatahak sa tamang landas sa buhay, ni hindi nila makikilala ang Lumikha, at tiyak na hindi nila mauunawaan kung bakit sila nabubuhay. Ang pamumuhay sa ganitong paraan ay magreresulta sa mga damdamin ng kahungkagan at pasakit. Sa pamamagitan lamang ng pagsunod sa Diyos, paggamit ng oras ng isang tao para gawin ang tungkulin ng isang nilikha, paghahangad sa katotohanan, at pagkilala sa Diyos, na magiging tunay na mahalaga ang buhay ng isang tao. Katulad ni Job, nagkamit siya ng isang tunay at kongkretong karanasan sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Lumikha, at sa pamamagitan ng kanyang tunay na karanasan at pagkaunawa sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, nagawang magpasakop ni Job sa awtoridad ng Lumikha, yamang napalaya na siya mula sa takot sa kamatayan, at, sa huli, “matanda at puspos ng mga kaarawan” (Job 42:17). Sa pamamagitan ng kanyang paghahangad, nakamit ni Job ang isang tunay na masaya at makabuluhang buhay. Ang paghahangad sa ganitong paraan ay makalulutas sa kahungkagan ng buhay at sa takot sa kamatayan. Kinailangan kong tularan ang halimbawa ni Job at hangaring isabuhay ang isang makabuluhang buhay. Pagkatapos maunawaan ito, nagbitiw ako sa aking trabaho.
Pagkatapos kong magbitiw sa trabaho, nakaramdam ako ng malaking kalayaan. Hindi ko na kailangang gumugol pa ng napakaraming oras sa walang kabuluhang kaalaman mula sa libro, at hindi ko na kailangang harapin ang mga pagpapakana at panlilinlang na naroroon sa lugar ng trabaho. Nagkaroon din ako ng mas maraming oras para makipagtipon sa mga kapatid, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at gawin ang aking tungkulin, at nagkaroon ako ng kaunting pag-usad sa aking buhay pagpasok. Sa kapaligirang isinaayos ng Diyos, naranasan ko ang ilang pagkatalo at pag-urong, at pinungusan ako, na tumulong sa akin na magkamit ng kaunting kaalaman sa aking mapagmataas at mapagmagaling na tiwaling disposisyon, at maunawaan na bilang isang nilikha, dapat akong tumayo sa aking wastong lugar, at matutong maging isang makatwirang tao na tumutupad sa tungkulin ng isang nilikha nang may pagpapakumbaba. Ang pagkakaroon ko ng kakayahang iwanan ang aking trabaho, sumunod sa Diyos, at hangarin ang isang mahalaga at makabuluhang buhay ay dahil sa patnubay at pamumuno ng mga salita ng Diyos. Labis akong nagpapasalamat sa Diyos!