77. Alam Ko Na Ngayon Kung Paano Tratuhin Nang Tama ang mga Tao

Ni Zhou Xusheng, Tsina

Noong Marso 2022, nahalal ako bilang lider sa iglesia. Sa patnubay at tulong ng mga kapatid na katrabaho ko, pagkaraan ng ilang panahon, nagawa kong matuklasan at malutas ang ilang paglihis at problema sa gawain, at unti-unting bumuti ang mga resulta ng gawain. Sinabi ng mga kapatid ko na may kapabilidad ako sa gawain. Napakasaya ko, at naramdaman kong bagama’t maikling panahon pa lang akong nagsasanay, may mahusay akong kakayahan at nagagawa kong matuklasan ang mga problema at magawa nang maayos ang gawain. Inakala ko na isa talaga akong pambihirang talento! Kalaunan, nahalal si Sister Lu Yao bilang lider sa iglesia at ipinareha sa akin. Tinulungan ko siyang matutunan at maunawaan ang gawain. Pagkaraan ng ilang panahon, natuklasan kong si Lu Yao ay nakakalahok lang nang kaunti sa kanyang gawain, ngunit hindi niya talaga kayang pasanin ang gawaing responsabilidad niya. Nakaramdam ako ng kaunting paghamak “Naglaan ako ng maraming oras at pagsisikap para turuan ka kung paano gumawa—bakit napakabagal ng pag-usad mo! Noong panahong itinuturo sa akin ng mga kapatid ko ang gawain, sa sandaling may sabihin sa akin ang isang tao, nauunawaan ko ito at kaya kong magpaliwanag mula rito pagkatapos. Bakit napakahirap nito para sa iyo? Hindi ito maaari. Kailangan kitang pagsabihan nang matindi!” Samakatwid, mahigpit kong sinabi sa kanya, “Naipaliwanag ko na nang napakalinaw kung paano gawin ang mga gampaning ito. Bakit hindi mo pa rin magawa ang mga ito? Nag-iingat ka ba o hindi?” Namula nang husto ang mukha ni Lu Yao, at tahimik siyang yumuko. Nang makita ko kung gaano siya kalungkot, naisip ko, “Sumobra yata ako sa sinabi ko? Kung tutuusin, kasisimula pa lang magsanay ni Lu Yao, at kailangan niyang matutunan ang maraming gampanin. Bukod pa rito, medyo may edad na siya at hindi na rin ganoon kahusay ang memorya niya.” Gayumpaman, naisip ko ulit, “Bagama’t medyo mabagsik ang tono ko, gusto ko lang siyang tulungang matutunan ang gawain sa lalong madaling panahon,” at hindi ako nagnilay sa sarili ko.

Kalaunan, nahalal ako para maging isang mangangaral, at tinutulungan ko ang bagong halal na lider, si Sister Han Lu, na matutunan ang gawain. Minsan, tinitimbang namin kung nakaayon sa mga prinsipyo ang pagpapaalis sa ilang tao. Nakita kong malinaw na nagpamalas ang ilang tao bilang masasamang tao, ngunit hindi ito nakilatis ni Han Lu. Medyo nakaramdam ako ng kaunting paghamak sa puso ko, “Nakagawa ka na dati ng gawain ng pag-aalis. Hindi ba’t nagbahaginan na tayo dati tungkol sa mga prinsipyo sa larangang ito? Paanong umurong ka pa sa halip na umusad?” Pagkatapos ay naisip ko na nang nakipagbahaginan sa akin ang mga nakatataas na lider at ginabayan ako tungkol sa pagkilatis, bagama’t may mga kakulangan din ako, hindi naman ako katulad niya sa pagiging walang kakayahan. Samakatwid, mahigpit kong sinabi kay Han Lu, “Dapat mong tingnan ang mga problema ayon sa diwa ng mga tao! Hindi maaaring mga hindi mahalagang bagay lang ang tinitingnan mo!” Natigilan si Han Lu nang sabihin ko ito, at mahinang sumagot, “Nauunawaan ko ang mga prinsipyo pagdating sa doktrina, pero kapag nahaharap na ako sa iba’t ibang tao, hindi ko talaga sila makilatis.” Nang marinig ko ito, lalo pa akong nabalisa at nagalit, “Dati, hindi pa ako kailanman nakagawa ng gawain ng pag-aalis, pero naunawaan ko ito sa sandaling ipinaliwanag ito sa akin. Kung tutuusin, nakagawa ka na dati ng gawain ng pag-aalis, paanong wala ka pa ring pagkilatis?” Pagkatapos ay mahigpit ko siyang pinagsabihan, “Hindi ba’t gumagawa ka lang ng mga dahilan para sa sarili mo kapag sinasabi mo ito? Nakagawa ka na dati ng gawain ng pag-aalis, at nagbahaginan na rin tayo dati tungkol sa mga prinsipyo. Kung hindi ka pa rin makakilatis kahit ngayon, hindi ba’t ginagawa mo ang iyong tungkulin nang walang pag-iingat?” Pagkatapos niyang marinig ang sinabi ko, nahihiyang yumuko si Han Lu at hindi na nagsalita. Nang makita ko ang ayos ni Han Lu, naisip ko, “Napigilan ko kaya siya sa paraan ng aking pagsasalita?” Gayumpaman, kapag napapansin ko ang mga problemang ito, hindi ko mapigilan ang sarili kong magbunyag ng pagkamainitin ng ulo. Kalaunan, nagnilay ako: Bakit palagi akong nagbubunyag ng pagkamainitin ng ulo kapag naglilinang ako ng mga tao? Sa panahong iyon, nanalangin ako sa Diyos para maghanap, at sinubukan ko ang lahat ng aking makakaya para pigilan ang sarili ko sa paraan ng aking pagsasalita at pagkilos. Gayumpaman, minsan hindi ko mapigilang sumabog ang galit ko, at pagkatapos ay masasaktan din ang puso ko. Makalipas ang ilang araw, nagbigay si Han Lu sa akin ng isang mungkahi, sinasabing masyadong mataas ang mga hinihingi ko sa iba at ang mabagsik na tono ng aking boses ay nagpapahirap sa iba na tanggapin ang sinasabi ko. Nang marinig ko ang sinabi ni Han Lu, sa simula, hindi ko ito matanggap. Naisip ko, “Sinusubukan ko na nang husto na pigilan ang sarili ko para hindi ako magbunyag ng pagkamainitin ng ulo. Bakit hindi ka magnilay sa sarili mong mga problema? Paano ako magiging mabait sa iyo kung hindi mo magawa nang maayos ang iyong gawain?” Gayumpaman, naalala ko na dati, sinabi ni Lu Yao na humihingi ako sa iba batay sa sarili kong tayog at ngayon ay sinasabi rin iyon ni Han Lu. May pahintulot ng Diyos dito, at hindi ko na patuloy na maipaglalaban ang aking pangangatwiran; dapat akong magpasakop.

Kalaunan, matapos malaman ng isang sister ang tungkol sa aking kalagayan, nakatagpo siya ng ilang sipi ng mga salita ng Diyos para sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung, bilang isang lider o manggagawa ng iglesia, ay aakayin mo ang mga hinirang ng Diyos sa pagpasok sa katotohanang realidad at sa mabuting pagpapatotoo sa Diyos, ang pinakamahalaga rito ay ang gabayan ang mga tao sa paglalaan nang mas maraming oras sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagbabahaginan ng katotohanan. Sa ganitong paraan, ang mga hinirang ng Diyos ay magkakaroon ng mas malalim na kaalaman ukol sa mga pakay ng Diyos sa pagliligtas sa tao at sa layon ng gawain ng Diyos, at mauunawaan ang mga layunin ng Diyos at ang iba’t ibang hinihingi Niya sa tao, kaya’t nagagawa nilang gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin at bigyang-kasiyahan ang Diyos. … Magagawa mo bang ipaunawa sa mga tao ang katotohanan at mapapasok sa realidad kung nangangaral ka lang ng mga salita at doktrina para sermunan at pungusan sila? Kung hindi praktikal ang ibinabahagi mo, kung pawang mga salita at doktrina lamang ang mga ito, kahit gaano mo pa sila pungusan at sermunan, mauuwi lang ito sa wala. Sa tingin mo ba na kapag natatakot ang mga tao sa iyo, at sinusunod nila kung anong sabihin mo sa kanila, at hindi sila naglalakas-loob na tumutol, ay nangangahulugan na nauunawaan nila ang katotohanan at nagiging mapagpasakop? Isa itong malaking pagkakamali; hindi ganoon kadali ang buhay pagpasok. Ang ilang lider ay parang isang bagong tagapamahala na sumusubok na magkaroon ng malakas na impresyon, sinusubukan nilang ipatupad ang bago nilang taglay na awtoridad sa mga hinirang ng Diyos upang magpasakop ang lahat sa kanila, iniisip na mas mapapadali nito ang kanilang trabaho. Kung wala kang katotohanang realidad, hindi magtatagal ay mabubunyag ang iyong totoong tayog, malalantad ang mga tunay mong kulay, at maaaring itiwalag ka. Sa ilang administratibong gawain, katanggap-tanggap ang kaunting pagpupungos at pagdidisiplina. Ngunit kung wala kang kakayahang magbahagi ng katotohanan, sa huli, hindi mo pa rin magagawang lutasin ang mga problema, at maaapektuhan nito ang mga resulta ng gawain. Kung, kahit ano pang mga isyu ang lumitaw sa iglesia, patuloy kang nanenermon sa mga tao at naninisi—kung ang ginagawa mo lang ay umasta nang pagalit—ito ang tiwali mong disposisyon kung gayon na ibinubunyag ang sarili nito, at naipakita mo ang pangit na hitsura ng iyong katiwalian. Kung palagi mong iniaangat ang iyong sarili at sinesermunan ang mga tao nang ganito, sa paglipas ng panahon, hindi makakatanggap ang mga tao ng panustos ng buhay mula sa iyo, wala silang anumang makakamit na praktikal, at sa halip ay mamumuhi at masusuklam sila sa iyo. Dagdag pa rito, magkakaroon ng ilang tao na matapos mong maimpluwensiyahan dahil sa kawalan ng pagkakilala, ay manenermon din sa iba at pupungusan sila. Magagalit din sila at iinit ang kanilang mga ulo. Hindi lang sa hindi mo magagawang lutasin ang mga problema ng mga tao—mauudyukan mo rin ang kanilang mga tiwaling disposisyon. At hindi ba’t iyon ay pag-akay sa kanila sa landas tungo sa perdisyon? Hindi ba’t isa itong masamang gawain? Ang isang lider ay pangunahing dapat manguna sa pamamagitan ng pagbabahagi tungkol sa katotohanan at pagtutustos ng buhay. Kung palagi mong iniaangat ang iyong sarili at sinesermunan ang iba, magagawa ba nilang maunawaan ang katotohanan? Kung gagawa ka sa ganitong paraan sa loob ng ilang panahon, kapag malinaw nang nakikita ng mga tao kung ano ka talaga, lilisanin ka nila. Madadala mo ba ang mga tao sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa sa ganitong paraan? Tiyak na hindi; ang magagawa mo lang ay sirain ang gawain ng iglesia at maging sanhi para kamuhian at lisanin ka ng lahat ng taong hinirang ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Huwag mong isipin na nauunawaan mo ang lahat. Sinasabi Ko sa iyo na hindi sapat ang lahat ng nakita at naranasan mo para maunawaan mo kahit ang ika-sanlibo ng Aking plano ng pamamahala. Kung gayon ay bakit napakayabang mong kumilos? Ang katiting na talento at kaunting kaalaman mo ay hindi sapat para gamitin ni Jesus kahit sa isang segundo lamang ng Kanyang gawain! Gaano ba talaga karami ang karanasang taglay mo? Ang nakita mo at lahat ng narinig mo sa buong buhay mo at ang naisip mo ay mas kaunti kaysa sa gawaing ginagawa Ko sa isang saglit! Ang pinakamabuti ay huwag kang mamintas at maghanap ng mali. Maaari kang magmayabang hangga’t gusto mo, ngunit isa ka lamang nilikha na ni hindi man lang kapantay ng isang langgam! Lahat ng laman ng iyong tiyan ay mas kakaunti kaysa sa laman ng tiyan ng isang langgam! Huwag mong isipin na, dahil nagkaroon ka na ng kaunting karanasan at may senyoridad ka, may karapatan ka nang magkukumpas nang walang kontrol at magmayabang. Hindi ba ang iyong karanasan at senyoridad ay bunga ng mga salitang nabigkas Ko? Naniniwala ka ba na kapalit ang mga iyon ng sarili mong pagtatrabaho at pagpapagod?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao). Nang matapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, nakaramdam talaga ako ng hiya. Mula nang naging lider ako at nagbunga ng ilang resulta ang aking gawain, naging kampante ako at nasisiyahan sa sarili. Inisip kong mahusay ang kakayahan ko, napakatalino ko, at nauunawaan ko ang mga bagay sa sandaling ipaliwanag sa akin ito ng iba, kaya sinimulan kong maliitin ang aking mga kapatid. Nang tinutulungan ko si Lu Yao sa kanyang gawain, nakita kong hindi pa rin siya makapagtrabaho nang mag-isa kahit matagal na siyang nagsasanay, at nakaramdam ako ng paghamak sa aking puso. Kinuwestiyon ko kung bakit kaya ko itong gawin pero hindi niya kaya, at pinagsabihan ko pa nga siya at pinagalitan mula sa itaas. Pagkatapos kong mahalal para maging isang mangangaral, ginamit ko na namang pamantayan ang sarili ko para sukatin ang iba nang may mga hiningi ako kay Han Lu. Nang makita kong walang pagkaarok si Han Lu sa mga prinsipyo, lihim akong gumawa ng kongklusyon na wala siyang pag-iingat, at pinagsabihan ko rin siya nang matindi. Nangangahulugan itong lalo pang nasupil at nalimitahan si Han Lu sa kanyang relasyon sa akin. Napagtanto kong tinatrato ko ang mga tao nang walang mga prinsipyo. Sa halip na tratuhin sila nang magkakaiba ayon sa kanilang tayog at kakayahan, ginamit ko ang sarili ko bilang pamantayan para sukatin ang mga tao. Kapag hindi natutugunan ng aking mga kapatid ang aking mga hinihingi, hinahamak at minamaliit ko sila, at pinagsasabihan mula sa itaas. Sa katunayan, kung walang kaliwanagan ng mga salita ng Diyos at patnubay at tulong ng aking mga kapatid, hindi ko rin malalaman kung paano gawin ang gawain. Gayumpaman, walang kahihiyan kong ginamit ito bilang puhunan at palagi kong hinahamak at minamaliit ang aking mga kapatid. Talagang lubos akong walang katwiran! Ang mga hinihingi ng Diyos sa mga lider at manggagawa ay na dapat silang makapagbahaginan tungkol sa katotohanan para lutasin ang mga problema, maituro ang anumang mga paglihis at problema sa gawain ng kanilang mga kapatid, at gabayan sila kung paano papasok sa mga prinsipyo. Gayumpaman, hindi ko lang nabigong tuparin ang sarili kong mga responsabilidad, kundi pinagsabihan ko pa ang iba mula sa itaas, at pininsala ko ang aking mga kapatid. Paano ito naging paggawa ng aking tungkulin? Labis akong nagsisi nang maisip ko ang aking mga nagawa. Paanong naging labis akong walang pagkatao, at hindi man lang nagbigay sa aking mga kapatid ng kahit katiting na tunay na tulong at pagmamahal?

Isang araw, binasa ko ang mga salita ng Diyos at sa wakas ay naunawaan ko kung bakit hindi ko maitrato nang tama ang mga tao. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Maraming uri ng mga tiwaling disposisyon na kabilang sa mga disposisyon ni Satanas, pero ang isa na pinakahalatang-halata at pinakanamumukod-tangi ay ang mapagmataas na disposisyon. Pagmamataas ang ugat ng tiwaling disposisyon ng tao. Kapag mas mapagmataas ang mga tao, mas hindi sila makatwiran, at kapag mas hindi sila makatwiran, mas malamang na lumaban sila sa Diyos. Gaano kaseryoso ang problemang ito? Hindi lang itinuturing ng mga taong may mapagmataas na disposisyon ang lahat ng iba pa bilang mas mababa kaysa sa kanila, kundi, ang pinakamasama, wala silang pagsasaalang-alang sa Diyos, at wala silang pusong may takot sa Diyos. Bagama’t maaaring mukhang nananampalataya sa Diyos ang mga tao at sinusunod Siya, ni hindi nila Siya itinuturing na Diyos. Pakiramdam nila palagi ay taglay nila ang katotohanan at napakataas ng tingin nila sa kanilang sarili. Ito ang diwa at ugat ng mapagmataas na disposisyon, at nagmumula ito kay Satanas. Kaya, kailangang malutas ang problema ng pagmamataas. Ang pakiramdam na mas magaling ang isang tao kaysa sa iba—maliit na bagay iyan. Ang kritikal na isyu ay na nakakapigil sa isang tao ang kanyang mapagmataas na disposisyon na magpasakop sa Diyos, sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, at sa Kanyang mga pagsasaayos; laging hilig ng ganitong tao na makipagpaligsahan sa Diyos para sa kapangyarihan at kontrol sa iba. Ang ganitong tao ay walang may-takot-sa-Diyos na puso ni katiting, ni hindi niya mahal ang Diyos o nagpapasakop sa Kanya(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Kung tunay mong nauunawaan ang katotohanan sa iyong puso, malalaman mo kung paano isagawa ang katotohanan at magpasakop sa Diyos, at natural na matatahak ang landas ng paghahangad ng katotohanan. Kung tama ang landas na tinatahak mo, at nakaayon ito sa mga layunin ng Diyos, hindi ka iiwanan ng gawain ng Banal na Espiritu—kung magkagayon ay mababawasan nang mababawasan ang posibilidad na ipagkakanulo mo ang Diyos. Kung wala ang katotohanan, madaling gumawa ng masama, at gagawin mo iyon kahit ayaw mo. Halimbawa, kung mayroon kang mapagmataas at palalo na disposisyon, walang kaibahan kung sabihan kang huwag kalabanin ang Diyos, hindi mo mapipigilan ang sarili mo, hindi ito sakop ng kontrol mo. Hindi mo gagawin ito nang sadya; gagawin mo ito dahil nangingibabaw ang iyong kalikasan na pagmamataas at kapalaluan. Dahil sa iyong pagmamataas at kapalaluan, hahamakin mo ang Diyos at hindi mo Siya bibigyan ng halaga; magiging dahilan ang mga ito para itaas mo ang iyong sarili, palaging ibandera ang iyong sarili; magiging dahilan ang mga ito para hamakin mo ang iba, para wala nang matira sa puso mo kundi ang sarili mo; nanakawin ng mga ito ang puwang ng Diyos sa puso mo, at sa huli ay magiging sanhi ang mga ito na umupo ka sa puwesto ng Diyos at hingin sa mga tao na magpasakop sila sa iyo, at magiging dahilan para ipagpitagan mo ang sarili mong mga kaisipan, ideya at kuru-kuro bilang katotohanan. Napakaraming kasamaan ang ginagawa ng mga tao dahil nangingibabaw ang kanilang mapagmataas at palalong kalikasan! Upang malutas ang problema ng paggawa ng masama, kailangan muna nilang lutasin ang kanilang kalikasan. Kung walang pagbabago sa disposisyon, hindi posibleng maghatid ng pangunahing resolusyon sa problemang ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Matatamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Kanyang Disposisyon). Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, naunawaan kong ang isang mapagmataas na kalikasan ang ugat na dahilan ng paglaban ng mga tao sa Diyos. Naisip ko kung paanong nagkaroon ako ng ilang karanasan sa gawain at nagkamit ng ilang resulta sa aking gawain, at kaya naniwala akong mahusay ang kakayahan ko at napakatalino ko. Nang ginagabayan ko ang aking sisters sa paggawa ng kanilang gawain, hindi ko sila tinrato nang ayon sa mga prinsipyo, at hindi ako humingi sa kanila ayon sa kanilang tayog at kakayahan. Sa halip, ginamit ko ang sarili ko bilang pamantayan para sukatin sila at palagi kong ikinukumpara ang sarili ko sa aking sisters. Kapag hindi natutugunan ng aking sisters ang aking mga hinihingi, hinahamak ko sila, pinagsasabihan, at pinagagalitan. Sa paggawa ng aking tungkulin, hindi ko tinatrato ang mga tao ayon sa mga katotohanang prinsipyo, kundi ginamit ko ang sarili kong mga karanasan at perspektiba bilang batayan ko sa pagtingin sa mga tao at bagay. Hindi ba’t itinuturing ko na ang sarili kong mga kaisipan at pananaw bilang mga katotohanang prinsipyo? Naisip ko kung paanong kapwa nagsimula pa lang magsanay sina Lu Yao at Han Lu para gawin ang gawain ng iglesia. Bagama’t may mga kakulangan sila, gusto rin nilang gawin nang maayos ang gawain at umaasang makakakuha ng kaunting tulong mula sa akin. Gayumpaman, namumuhay ako sa isang mapagmataas na disposisyon at talagang hindi ko naunawaan ang kanilang mga paghihirap. Sa halip, hiningi ko na sila ay maging katulad ko, at pinagsasabihan at pinagagalitan ko sila kung hindi nila natutugunan ang aking mga hinihingi, na nagresulta para malimitahan ko sila. Nang maunawaan ko ito, nakaramdam ako ng takot sa aking puso. Hindi ko kailanman naisip na ang isang mapagmataas na disposisyon ay magdudulot sa akin na gawin ang mga bagay tulad nito at maging manhid pa nga rito na hindi ko talaga ito napagtanto. Pakiramdam ko ay talagang nasa panganib ako, at nanalangin ako sa Diyos sa pagsisisi, ayaw nang magpatuloy na mamuhay ayon sa aking mapagmataas na disposisyon.

Kalaunan, binasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos, at nalaman ko kung paano tratuhin ang mga tao ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Malinaw na ipinapakita at ipinahihiwatig sa mga salita ng Diyos kung paano mo dapat tratuhin ang iba; ang saloobin ng Diyos sa pagtrato sa sangkatauhan ang saloobing dapat taglayin ng mga tao sa pagtrato nila sa isa’t isa. Paano tinatrato ng Diyos ang bawat isang tao? Ang ilang tao ay mababa ang tayog; o bata pa; o maikling panahon pa lamang nananampalataya sa Diyos; o hindi masama ang kalikasang diwa, hindi mapaminsala, kundi ay medyo mangmang lang sila o kulang sa kakayahan. O nasa ilalim sila ng napakaraming pagpipigil, at hindi pa nauunawaan ang katotohanan, hindi pa nagkakaroon ng buhay pagpasok, kaya hindi nila maiwasang gumawa ng mga kahangalan o mangmang na mga pagkilos. Ngunit hindi tumutuon ang Diyos sa lumilipas na kahangalan ng mga tao; tumitingin lamang Siya sa puso nila. Kung may determinasyon silang hangarin ang katotohanan, tama sila kung gayon, at kapag ito ang kanilang layon, nagmamasid sa kanila ang Diyos, naghihintay, at nagbibigay ng panahon at mga pagkakataon para makapasok sila. Hindi ibig sabihin na susukuan sila ng Diyos dahil lamang sa iisang pagsalangsang. Iyan ay isang bagay na madalas ginagawa ng mga tao; hindi kailanman tinatrato ng Diyos ang mga tao nang ganoon. Kung ang Diyos ay hindi tinatrato ang mga tao sa ganoong paraan, bakit tinatrato ng mga tao ang iba nang ganoon? Hindi ba ipinapakita nito ang kanilang tiwaling disposisyon? Iyan mismo ang kanilang tiwaling disposisyon. Kailangan mong tingnan kung paano tinatrato ng Diyos ang mga taong mangmang at hangal, kung paano Niya tinatrato ang mga mababa ang tayog, kung paano Niya tinatrato ang normal na mga pagpapakita ng tiwaling disposisyon ng sangkatauhan, at kung paano Niya tinatrato yaong mga mapaminsala. Pinakikitunguhan ng Diyos ang iba’t ibang tao ayon sa iba-ibang paraan, at mayroon din Siyang sari-saring pamamaraan ng pamamahala sa iba’t ibang kalagayan ng iba’t ibang tao. Dapat mong maunawaan ang mga katotohanang ito. Kapag naunawaan mo na ang mga katotohanang ito, malalaman mo na sa gayon kung paano danasin ang mga bagay-bagay at tratuhin ang mga tao ayon sa mga prinsipyo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto ang Isang Tao mula sa mga Tao, Pangyayari, at Bagay sa Malapit). Mula sa mga salita ng Diyos nakita ko na tinatrato ng Diyos ang mga tao sa isang may prinsipyong paraan. Ang mga hinihingi ng Diyos ay magkakaiba depende sa kakayahan at tayog ng mga tao. Hindi Siya gumagamit ng isang paraan na angkop sa lahat, kundi tinatrato Niya ang mga tao nang patas batay sa kanilang mga aktuwal na kalagayan. Bagama’t medyo mahina ang kakayahan ni Lu Yao, hindi totoo na ganap na wala siyang kakayahan sa gampanin. Bukod pa rito, tuloy-tuloy niyang ginawa ang kanyang tungkulin, at nang maunawaan na niya, nagawa niyang maglaan ng oras at pagsisikap, ginagawa ang lahat ng kanyang makakaya para magawa ito nang maayos. Tungkol naman sa mga bagay na hindi niya nauunawaan, kinailangan kong matiyagang makipagbahaginan sa kanya at gabayan siya. Minsan kapag hindi ko maipaliwanag nang malinaw ang mga bagay, kinakailangan ko talagang gabayan siya sa paggawa ng gampanin. Kung tutuusin, kapag kasisimula mo pa lang magsanay sa paggawa ng isang tungkulin, palaging may proseso ng pagkatuto. Bagama’t nakagawa na dati ng gawain ng pag-aalis si Han Lu, hindi ibig sabihin nito na naunawaan na niya ang lahat at nakilatis na niya ang lahat. Dapat ay nakipagbahaginan ako sa kanya at tinulungan siya sa halip na pinagsabihan at pinagalitan siya. Pagkatapos maunawaan ito, nanalangin ako sa Diyos, handang tratuhin ang aking mga kapatid nang patas at ayon sa mga katotohanang prinsipyo, tinutupad ang aking responsabilidad.

Naisip ko kung paanong ang dahilan kung bakit napakamapagmataas ko ay dahil palagi kong ginagamit bilang puhunan ang aking mahusay na kakayahan at ang bilis kong matuto ng mga bagay. Kalaunan, pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, sa wakas ay nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa problemang ito. Sabi ng Diyos: “Masasabi ba ninyo na mahirap gampanan ang tungkulin nang pasok sa pamantayan? Sa totoo lang, hindi; kailangan lamang magawa ng mga tao na magpakumbaba, magtaglay ng kaunting katinuan, at magkaroon ng angkop na posisyon. Gaano ka man kaedukado, anumang mga gantimpala ang natamo mo, o anuman ang nakamtan mo, at gaano man kataas ang iyong katayuan at ranggo, dapat mong talikdan ang lahat ng bagay na ito, dapat kang bumaba sa mataas na kinalalagyan mo—lahat ng ito ay walang halaga. Sa sambahayan ng Diyos, gaano man kalaki ang mga karangalang ito, hindi maaaring maging mas mataas ang mga ito kaysa sa katotohanan, sapagkat ang mga paimbabaw na bagay na ito ay hindi ang katotohanan, at hindi makakapalit sa lugar nito. Dapat maging malinaw sa iyo ang isyung ito. Kung sinasabi mong, ‘Napakarami ng aking kaloob, may napakatalas akong pag-iisip, mabilis ang reaksiyon ko, mabilis akong matuto, at napakagaling ng memorya ko, kaya karapat-dapat akong gumawa ng huling desisyon,’ kung palagi mong gagamiting kapital ang mga bagay na ito, at ituturing na mahalaga ang mga ito, at positibo, problema ito. Kung puno ng mga bagay na ito ang puso mo, kung nag-ugat na ang mga ito sa puso mo, mahihirapan kang tanggapin ang katotohanan—at nakakatakot isipin ang mga kahihinatnan niyan. Sa gayon, dapat mo munang iwanan at tanggihan ang mga bagay na iyon na minamahal mo, na tila maganda, na mahalaga sa iyo. Ang mga bagay na iyon ay hindi ang katotohanan; bagkus, maaaring makahadlang ang mga ito sa pagpasok mo sa katotohanan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Sapat na Paggampan sa Tungkulin?). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan kong ang kakayahan at mga kaloob ng isang tao ay mga likas na katangian—nagmumula ang mga ito sa Diyos. Ang pagtataglay ng mga ito ay hindi nangangahulugang ang isang tao ay may mga katotohanang realidad. Dati, palagi akong naniniwalang mahusay ang aking kakayahan, na mabilis akong umarok, at na kaya kong tumuklas at lumutas ng mga problema. Ginamit ko ito bilang puhunan at naging kampante ako tungkol dito. Gayumpaman, nakita ko ngayon na sa pamumuhay batay sa puhunang ito, lalo akong naging mapagmataas at palalo. Walang halaga ang ibang tao sa aking paningin, at wala ang Diyos sa aking puso. Bagama’t ang mga likas na katangiang ito ay kapaki-pakinabang sa paggawa ng gawain at sa paggawa ng aking tungkulin, kung hindi ko matatanggap ang katotohanan, gaano man kahusay ang aking kakayahan o gaano man kapambihira ang aking mga kaloob, magagawa ko pa rin lang na labanan ang Diyos.

Kalaunan, dahil sa mga pangangailangan ng gawain, ginabayan ko ang mga bagong halal na lider at manggagawa mula sa ibang iglesia kung paano gawin ang gawain. Ang ilan sa kanila ay kasisimula pa lang magsanay at ang ilan ay mga baguhan, at maraming gampanin ang hindi nila alam kung paano gawin. Dahil napakaseryoso ng pag-uusig ng CCP, hindi kami makapag-usap nang personal, kaya naghanda ako ng mga detalyadong pamamaraan ng gawain para sa kanila. Gayumpaman, pagkatapos ay nakita kong wala pa rin silang direksyon sa kanilang gawain, at malapit na naman akong magbunyag ng pagkamainitin ng ulo, “Dati, ganito rin ako ginabayan ng mga kapatid ko, at agad kong naunawaan at nagawa ko pa ngang magpaliwanag sa ibang mga bagay. Bakit napakahirap nito sa inyo?” Nang malapit na akong magalit sa kanila at pagsabihan sila, bigla kong naalala ang mga salita ng Diyos: “Ang saloobin ng Diyos sa pagtrato sa sangkatauhan ang saloobing dapat taglayin ng mga tao sa pagtrato nila sa isa’t isa(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto ang Isang Tao mula sa mga Tao, Pangyayari, at Bagay sa Malapit). Naisip ko kung paanong mga baguhan sila at ang ilan sa kanila ay kasisimula pa lang magsanay. Lubos na normal na hindi nila agad naarok ang mga prinsipyo. Bukod pa rito, kapag nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng liham, hindi maiiwasang may ilang bagay na hindi maipapahayag nang malinaw at may ilang bagay na mahirap maunawaan. Nanalangin ako sa Diyos para hanapin kung paano sila matutulungang matutunan kung paano gawin ang gawain. Noong panahong iyon, nagkataon lang na nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kailangan mong tuparin ang mga responsabilidad na dapat mong tuparin; kailangan mong isaalang-alang ang mga iglesia kung saan ang mga namamahala ay medyo mahina at may medyo mababang kapabilidad sa gawain. Kailangang magbigay ng espesyal na atensiyon at patnubay ang mga lider at manggagawa sa ganitong mga usapin. Ano ang tinutukoy ng espesyal na patnubay? Bukod sa pagbabahaginan sa katotohanan, kailangan mo ring magbigay ng mas partikular at detalyadong direksiyon at tulong, na nangangailangan ng mas higit na pagsisikap pagdating sa komunikasyon. Kung ipapaliwanag mo sa kanila ang gawain at hindi pa rin sila nakauunawa, at hindi nila alam kung paano ito ipatupad, o kahit pa nauunawaan nila ito batay sa doktrina at tila alam nila kung paano ito ipatupad, pero hindi ka pa rin sigurado at medyo nag-aalala ka kung ano ang magiging takbo ng aktuwal na pagpapatupad—ano ang dapat mong gawin? Kailangan mong personal na makipag-ugnayan sa lokal na iglesia para patnubayan sila at ipatupad ang gampanin kasama nila. Sabihin sa kanila ang mga prinsipyo habang gumagawa ng mga partikular na pagsasaayos tungkol sa mga gampaning kailangang gawin ayon sa mga hinihingi ng mga pagsasaayos ng gawain, tulad ng kung ano ang unang gagawin at ano ang susunod na gagawin, at kung paano maayos na magtalaga ng mga tao—maayos na i-organisa ang lahat ng bagay na ito. Ito ay praktikal na pagpatnubay sa kanila sa kanilang gawain, salungat sa basta lang na pagsigaw ng mga islogan o pagbibigay ng kung ano-anong utos, at pangangaral sa kanila ng ilang doktrina, at pagkatapos ay itinuturing mong tapos na ang iyong gawain—hindi iyon pagpapamalas ng paggawa ng partikular na gawain, at ang pagsigaw ng mga islogan at pag-uutos-utos sa mga tao ay hindi mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Kapag kaya nang pasanin ng mga lider o superbisor ng lokal na iglesia ang gawain, at nakapasok na sa tamang landas ang gawain, at wala nang malalaking isyu, saka pa lang maaaring umalis ang lider o manggagawa(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (10)). Naisip ko kung paanong mga baguhan sila kung tutuusin. Mababaw ang kanilang pagkaunawa sa katotohanan at wala silang pagkaarok sa mga prinsipyo, kaya talagang hindi madali para sa kanilang maunawaan dahil ang sinabi ko lamang sa kanila ay isang pamamaraan sa gawain. Kalaunan, praktikal naming sinuri ng aking katuwang ang mga problema sa bawat aytem ng gawain para sa kanila. Nagbahaginan kami tungkol sa mga prinsipyo hinggil sa iba’t ibang problema at itinuro ang mga landas para malutas ang mga ito. Pagkatapos makipagtulungan sa ganitong paraan sa loob ng ilang panahon, natagpuan nilang lahat ang isang direksyon at landas sa kanilang mga tungkulin. Nang makita ko ang resultang ito, labis akong nasabik. Napagtanto ko na kung tatratuhin mo ang mga tao ayon sa mga prinsipyo, at tunay na gagabayan ang iyong mga kapatid kung paano gawin ang kanilang trabaho, mapapanatag ang iyong puso.

Sa pamamagitan ng aking mga karanasan sa panahong ito, nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa sarili kong mapagmataas na disposisyon, at mas naunawaan ko rin ang mga prinsipyo kung paano tratuhin ang mga tao. Bagama’t minsan ay nararamdaman ko pa rin na parang gusto kong magbunyag ng pagkamainitin ng ulo kapag nakikita ko ang mga kapatid na may mahinang kakayahan o mabagal na gumagawa ng mga bagay, kaya kong agad na manalangin sa Diyos at tratuhin sila ayon sa prinsipyo. Sa paggawa ng aking tungkulin sa ganitong paraan, mas panatag ang aking puso.

Sinundan:  76. Ang Pinili ng Isang Estudyante sa Graduate School

Sumunod:  78. Ang Gaan ng Pakiramdam Nang Maalis ang Aking Pagbabalatkayo

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger