79. Sa Wakas ay Kalmado Ko Nang Natanggap ang Aking Tungkulin

Ni Su Hang, Tsina

Noong Nobyembre 2023, nahalal ako bilang isang mangangaral na responsable sa gawain ng dalawang iglesia. Nang malaman ko ang resulta, medyo nagulat ako at kinabahan nang kaunti. Naisip ko, “Malawak ang sakop ng mga mangangaral at mabigat din ang kanilang responsabilidad. Naging mangangaral na ako dati, pero dahil hindi ako gumawa ng tunay na gawain at nagpasasa ako sa mga pakinabang ng katayuan, at walang ibinunga ang iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia, tinanggal ako. Ngayon, lahat ng dako ay nahaharap sa malawakang mga pag-aresto ng CCP at napakasama ng kapaligiran. Kung hindi ko maisaayos nang wasto ang gawain at mapinsala ko ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, tiyak na pananagutin ako. Baka tanggalin pa nga ako. Kung masyadong marami ang magawa kong kasamaan at mabunyag ako at matiwalag, mawawala na ang pagkakataon kong maligtas. Kung ganoon, hindi ba’t mauuwi lang sa wala ang lahat ng mga taon kong ito ng pananampalataya sa Diyos—para bang nagsahod ng tubig sa butas na batya. Mas mabuti pang maging responsable na lang sa isang iglesia bilang lider. Sa ganoong paraan, mas kaunti ang aking iintindihin.” Binalak kong sumulat sa nakatataas na pamunuan para ipaliwanag na mabagal akong umarok ng mga bagay-bagay at dapat silang humanap ng ibang kandidato para hindi mahadlangan ang gawain ng iglesia at ang buhay pagpasok ng aking mga kapatid. Gayumpaman, naisip ko, “Ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan at Siya ang nagsasaayos ng mga tao, pangyayari, at bagay na nakakaharap ko araw-araw. Dati, nabigo ako sa paggawa ng tungkuling ito. Hindi kaya binibigyan ako ng Diyos ng pagkakataong magsisi sa pamamagitan ng muling paggawa ng tungkuling ito? Bukod dito, maraming kapatid ang naaresto, at kailangan ng mga tao para sa gawain ng iglesia. Hindi ko maaaring labagin ang aking konsensiya at tanggihan ang tungkuling ito sa panahong ito. Masyadong masasaktan ang Diyos.” Gusto kong bigyang-kasiyahan ang Diyos, pero natatakot din akong hindi magawa nang maayos ang aking tungkulin at managot. Labis na nagtatalo ang kalooban ko, at nang gabing iyon, biling-baligtad ako sa kama, hindi makatulog, parang dinadaganan ng malaking bato ang puso ko.

Kinaumagahan, nagtapat ako sa sister na kapareha ko, si Wang Nan, at humingi ako ng tulong sa kanya tungkol sa aking kalagayan. Naghanap siya ng isang sipi ng mga salita ng Diyos para sa akin. Sabi ng Diyos: “Kinikimkim ng mga anticristo ang mga bagay na ito sa kanilang puso, na pawang maling pagkaunawa, pagtutol, paghusga, at paglaban sa Diyos. Wala silang anumang kaalaman sa gawain ng Diyos. Habang tinitiktikan ang mga salita ng Diyos, tinitiktikan ang disposisyon, pagkakakilanlan, at diwa ng Diyos, nakakabuo sila ng mga gayong kongklusyon. Ibinabaon ng mga anticristo ang mga bagay na ito sa kailaliman ng kanilang puso, pinapaalalahanan ang kanilang sarili: ‘Sa pag-iingat nagmumula ang kaligtasan; mas mabuting lumipad nang walang nakakapansin; ang ibong nag-uunat ng kanyang leeg ang unang nababaril; at malungkot sa itaas! Kailanman, huwag na huwag kang maging ang ibon na nag-uunat ng kanyang leeg, huwag umakyat nang masyadong mataas; mas mataas ang inakyat mo, mas masakit ang pagbagsak.’ Hindi sila naniniwala na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at hindi sila naniniwala na matuwid at banal ang Kanyang disposisyon. Tinitingnan nila ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao, at hinaharap nila ang gawain ng Diyos gamit ang mga perspektiba, kaisipan, at tusong pag-iisip ng tao, gumagamit ng lohika at pag-iisip ni Satanas para tukuyin ang disposisyon, pagkakakilanlan, at diwa ng Diyos. Maliwanag na hindi lang hindi tinatanggap o kinikilala ng mga anticristo ang disposisyon, pagkakakilanlan, at diwa ng Diyos; sa kabaligtaran, puno sila ng mga kuru-kuro, pagtutol, at paghihimagsik laban sa Diyos at wala silang kahit katiting na tunay na pagkakilala sa Kanya. Isang tandang pananong ang depinisyon ng mga anticristo sa gawain ng Diyos, sa disposisyon ng Diyos, at sa pagmamahal ng Diyos—puno ng pagdududa, at puno sila ng pag-aalinlangan at puno ng pagtatatwa at paninirang-puri dito; kung gayon, ano naman ang tungkol sa Kanyang pagkakakilanlan? Kumakatawan sa Kanyang pagkakakilanlan ang disposisyon ng Diyos; sa gayong pagtrato nila sa disposisyon ng Diyos, maliwanag ang kanilang pagtrato sa pagkakakilanlan ng Diyos—direktang pagtatatwa. Ito ang diwa ng mga anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem (Ikaanim na Bahagi)). Inilantad ng Diyos na hindi inaamin ng mga anticristo na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan. Hindi sila naniniwala sa katuwiran ng Diyos, at lalong hindi sila naniniwala na ang katotohanan ang naghahari sa sambahayan ng Diyos. Umaasa sila sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon para timbangin at limitahan ang pagkakakilanlan at diwa ng Diyos, at puno sila ng mga pagdududa tungkol sa katuwiran ng Diyos. Itinatanggi nila ang pagiging mapagkakatiwalaan at matuwid ng Diyos at naniniwala silang hindi patas at matuwid ang Diyos. Ito ay paglapastangan sa Diyos. Sa paghahambing ng aking sarili sa paglalantad ng mga salita ng Diyos, nakita kong ang disposisyong ibinunyag ko ay katulad ng sa isang anticristo. Nahalal ako bilang isang mangangaral sa halalang ito, ngunit puno ang puso ko ng pagbabantay laban sa Diyos at mga pagdududa sa Kanya. Nag-alala ako na dahil masyadong malawak ang aking sakop at masyadong mabigat ang responsabilidad, kung hindi ko magagawa nang maayos ang aking tungkulin at magagambala ko ang gawain ng iglesia, hindi lang ako tatanggalin, manganganib pa akong matiwalag. Ginamit ko ang sarili kong utak, mga kuru-kuro, at imahinasyon para tingnan ang gawain ng Diyos, maling naniniwala na kung malaki ang responsabilidad na papasanin mo sa paggawa ng iyong tungkulin ay mabilis kang mabubunyag, kaya humanap ako ng mga dahilan para tanggihan ang aking tungkulin. Hindi ko naunawaan ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at inakala kong ang sambahayan ng Diyos ay katulad ng mundo, kulang sa pagiging patas at matuwid. Ito ay paglapastangan sa Diyos. Naisip ko kung paanong tinatanggal at itinitiwalag ng sambahayan ng Diyos ang mga tao ayon sa mga prinsipyo. Hindi naman sa matitiwalag ka na agad dahil lang hindi mo nagawa nang maayos ang gawain—depende ito sa mga sitwasyon. Ang ilang tao ay tinatanggal dahil lumilitaw ang mga problema at paglihis sa kanilang tungkulin at hindi sila nagbabago matapos bigyan ng pagbabahagi at tulong sa maraming pagkakataon. Katulad na lang noong isa akong mangangaral dati at hindi ako gumawa ng tunay na gawain. Sa panahong iyon, nakipagbahaginan sa akin at tinulungan ako ng mga lider at manggagawa, pero hindi ako kailanman nagbago at nagdulot ako ng pagkagambala sa gawain, kaya tinanggal ako. Gayumpaman, ang pagtatanggal ay hindi katulad ng pagkakatiwalag. Nang magnilay ako sa sarili ko at sumailalim sa kaunting pagsisisi at pagbabago, muling nagsaayos ang iglesia ng angkop na tungkulin para sa akin. Nakita kong ang pagtanggal ay isang paraan para iligtas ako ng Diyos. Ang kakayahan ng ilang tao ay medyo mahina at hindi sila karapat-dapat na gumawa ng ilang partikular na gawain. Sa sitwasyong ito, maaari silang italaga sa ibang angkop na tungkulin, na kapaki-pakinabang sa kanilang buhay pagpasok at sa gawain ng iglesia. Gayumpaman, ang masasamang tao at mga anticristo ay palaging nagdudulot ng mga pagkagambala at panggugulo sa kanilang tungkulin. Paano man sila bahaginan, hindi sila kailanman nagbabago; matigas silang tumatangging magsisi, at gumagawa sila ng napakaraming masasamang gawa. Kung gayon, dapat silang paalisin o itiwalag sa iglesia. Ang sambahayan ng Diyos ay nakikitungo sa mga tao ayon sa mga prinsipyo. Sa sambahayan ng Diyos, ang katotohanan ang naghahari at ang katuwiran ang naghahari. Kinailangan kong tingnan ang mga tao at bagay-bagay alinsunod sa mga salita ng Diyos. Kung biniyayaan man ako ng Diyos sa pagkakataong ito na muling gawin ang tungkulin ng isang mangangaral, ito ay pagbibigay Niya sa akin ng pagkakataong magsisi at magbago. Pagmamahal ito ng Diyos, at hindi ako dapat maging mapagbantay laban sa Diyos at magkamali ng pagkaunawa sa Kanya. Nanalangin ako sa Diyos, handang ituwid ang mga bagay-bagay, at hinanap ko ang katotohanan para malutas ang sarili kong mga problema.

Noong naghahanda akong pamahalaan ang tungkulin ng mangangaral, medyo hindi pa rin mapalagay ang aking kalooban. Nagkataon lang na si Sister Liu Xin ay nasa ganitong kalagayan din dati, kaya naghanap siya ng ilang artikulo ng patotoong batay sa karanasan para basahin ko, at isang sipi ng mga salita ng Diyos doon ang lubhang nakatulong sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Natatakot ang ilang tao na umako ng responsabilidad habang ginagampanan ang kanilang tungkulin. Kung binibigyan sila ng iglesia ng isang trabahong gagawin, iisipin muna nila kung hinihingi ng trabaho na umako sila ng responsabilidad, at kung oo, hindi nila tatanggapin ang trabaho. Ang mga kondisyon nila sa paggampan ng isang tungkulin ay, una, na ito ay dapat na isang maluwag na trabaho; pangalawa, na hindi ito matrabaho o nakawkapagod; at pangatlo, na kahit anong gawin nila, wala silang aakuing anumang responsabilidad. Ito lang ang uri ng tungkuling tinatanggap nila. Anong uri ng tao ito? Hindi ba’t isa itong tuso at mapanlinlang na tao? Ayaw niyang pasanin kahit ang pinakamaliit na responsabilidad. Kinatatakutan pa nga niya na mababasag ng mga dahon ang kanyang bungo kapag nahulog ang mga ito mula sa mga puno. Anong tungkulin ang magagampanan ng taong tulad nito? Ano ang pakinabang niya sa sambahayan ng Diyos? Ang gawain ng sambahayan ng Diyos ay may kinalaman sa gawain ng pakikipaglaban kay Satanas, gayundin sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Anong tungkulin ang walang mga kaakibat na responsabilidad? Masasabi ba ninyong may kaakibat na responsabilidad ang pagiging lider? Hindi ba’t mas mabigat ang kanilang mga responsabilidad, at hindi ba’t mas lalo silang dapat na umako ng responsabilidad? Nangangaral ka man ng ebanghelyo, nagpapatotoo, gumagawa ng mga video, at iba pa—anuman ang iyong gawain—hangga’t nauukol ang mga ito sa mga katotohanang prinsipyo, may mga kaakibat itong responsabilidad. Kung walang prinsipyo ang paggampan mo ng iyong tungkulin, makakaapekto ito sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at kung natatakot kang umako ng responsabilidad, hindi mo magagampanan ang anumang tungkulin. Duwag ba ang isang taong natatakot na umako ng responsabilidad sa paggampan ng kanyang tungkulin, o may problema sa kanyang disposisyon? Dapat ay masabi mo ang pagkakaiba. Ang katunayan ay hindi ito isyu ng karuwagan. Kung kayamanan ang habol ng taong iyon, o gumagawa siya ng isang bagay para sa kanyang sariling interes, paanong siya ay napakatapang? Aakuin niya ang anumang panganib. Subalit kapag gumagawa siya ng mga bagay-bagay para sa iglesia, para sa sambahayan ng Diyos, wala siyang inaako na anumang panganib. Ang gayong mga tao ay makasarili at ubod ng sama, ang pinakataksil sa lahat. Ang sinumang hindi umaako ng responsabilidad sa paggampan ng isang tungkulin ay walang ni katiting na sinseridad sa Diyos, lalong wala siyang katapatan. Anong uri ng tao ang nangangahas na umako ng responsabilidad? Anong uri ng tao ang may tapang na magbuhat ng mabigat na pasanin? Ang sinumang nangunguna at buong tapang na humaharap sa pinakamahalagang sandali sa gawain ng sambahayan ng Diyos, na hindi natatakot na magpasan ng isang mabigat na responsabilidad at magtiis ng matinding paghihirap kapag nakita niya ang gawain na pinakaimportante at pinakamahalaga. Iyon ay isang taong tapat sa Diyos, isang mabuting sundalo ni Cristo. Ito ba ay ang kaso kung saan ang lahat ng natatakot na umako ng responsabilidad sa kanilang tungkulin ay ginagawa iyon dahil hindi sila nakakaunawa sa katotohanan? Hindi; isa itong problema sa kanilang pagkatao. Wala silang pagpapahalaga sa katarungan o responsabilidad, sila ay mga taong makasarili at ubod ng sama, hindi tunay na mananampalataya ng Diyos, at hindi nila tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti. Dahil dito, hindi sila maliligtas. Ang mga nananampalataya sa Diyos ay dapat magbayad ng malaking halaga para makamit ang katotohanan, at makakaharap sila ng maraming balakid sa pagsasagawa nito. Dapat nilang talikuran ang mga bagay-bagay, talikuran ang kanilang mga interes ng laman, at tiisin ang ilang pagdurusa. Saka lang nila maisasagawa ang katotohanan. Kaya, maisasagawa ba ang katotohanan ng isang taong natatakot na umako sa responsabilidad? Tiyak na hindi niya maisasagawa ang katotohanan, lalong hindi niya ito makakamit. Natatakot siyang magsagawa ng katotohanan, na makaranas ng kalugihan sa kanyang mga interes; natatakot siyang mapahiya, sa panghahamak, at sa panghuhusga, at hindi siya nangangahas na magsagawa ng katotohanan. Dahil dito, hindi niya ito makakamit, at gaano karaming taon man siyang nananampalataya sa Diyos, hindi niya makakamit ang Kanyang kaligtasan(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Sinasabi ng Diyos na ang mga natatakot umako ng responsabilidad sa paggawa ng kanilang tungkulin ay makasarili, kasuklam-suklam, mapanlinlang, at tuso. Ang ganitong uri ng tao ay walang pagkatao; hindi sila tunay na mga mananampalataya sa Diyos. Maaari lamang silang itaboy at itiwalag ng Diyos. Naisip ko ang aking mga ikinilos kamakailan. Nakita kong ako ang uri ng taong inilantad ng Diyos, na kahit pagbagsak ng dahon ay kinatatakutan kong baka tumama sa aking ulo. Nang mahalal ako bilang isang mangangaral, bagama’t alam kong masama ang kapaligiran at kulang sa tao ang iba’t ibang aytem ng gawain, naging makasarili ako at kasuklam-suklam at pinrotektahan ko ang aking sarili. Ginamit kong dahilan ang pagprotekta sa gawain ng iglesia at sa buhay pagpasok ng aking mga kapatid para palihim na tanggihan ang aking tungkulin at inakala ko pa ngang matalino akong gawin iyon. Sa katunayan, lahat ng iniisip ko ay para sa sarili ko lang. Nakita kong talagang mapanlinlang at tuso ang disposisyon ko! Namuhay ako ayon sa mga satanikong lason na “Huwag tumulong kung walang gantimpala” at “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.” Anuman ang ginawa ko, ginawa ko para sa sarili ko. Nananampalataya ako sa Diyos, ngunit wala ang Diyos sa puso ko—para akong tulad ng mga hindi nananampalataya. Kung hindi ako magbabago, masisira ko ang sarili ko. Ang mga kapatid na iyon na tunay na nananampalataya sa Diyos at tapat sa Kanya ay kayang magpakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos; gaano man kasama ang panlabas na kapaligiran, handa silang pumasan ng mabigat na responsabilidad para ipalaganap ang ebanghelyo ng kaharian, positibo at aktibong ginagawa ang kanilang tungkulin nang hindi isinasaalang-alang ang mga personal na pakinabang o kawalan. May ilang kapatid pa nga na gumagawa ng maraming trabaho: Isang tao ang umaako ng ilang tungkulin, nagdurusa at nagbabayad ng halaga, at sa huli ay nagkakamit ng magagandang resulta. Gayumpaman, nang tingnan ko ang sarili ko sa paghahambing, gusto kong tanggihan ang aking tungkulin sa isang mahalagang panahon kung kailan kailangan ng mga tao para sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Lubos akong walang konsensiya! Naisip ko kung paanong tinanggal ako dati sa aking tungkulin dahil sa pagpapasasa sa mga pakinabang ng katayuan at hindi paggawa ng tunay na gawain. Hindi ako tinrato ng Diyos ayon sa aking mga pagsalangsang, bagkus binigyan pa Niya ako ng pagkakataong magsisi. Dapat ko itong mas pahalagahan pa, at dapat kong tanggapin ang tungkuling ito at pasanin ang responsabilidad na ito. Nang maunawaan ko ang layunin ng Diyos, handa kong tanggapin ang tungkuling ito mula sa kaibuturan ng aking puso.

Kalaunan, muli akong lumapit sa harap ng Diyos at nanalangin sa Kanya para hanapin kung ano ang nagiging sanhi ng palagi kong pag-iisip at pagpaplano ng sarili kong pagtakas sa paggawa ng aking tungkulin. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Hindi aksidente na nakakayang gawin ng mga anticristo ang tungkulin nila—tiyak na ginagawa nila ang tungkulin nila nang may sarili nilang mga intensyon at pakay, at pagnanais na magkamit ng mga pagpapala. Anuman ang tungkuling ginagawa nila, ang pakay at saloobin nila ay tiyak na hindi maihihiwalay sa pagkamit ng mga pagpapala, sa magandang hantungan at kinabukasan at tadhana na iniisip at inaalala nila araw at gabi. Katulad sila ng mga negosyanteng walang ibang pinag-uusapan kundi ang trabaho nila. Ang anumang ginagawa ng mga anticristo ay pawang nauugnay sa kasikatan, pakinabang, at katayuan—lahat ng ito ay nauugnay sa pagkamit ng mga pagpapala at kinabukasan at tadhana. Sa kaibuturan, ang puso nila ay punung-puno ng mga gayong bagay; ito ang kalikasang diwa ng mga anticristo. Dahil mismo sa ganitong uri ng kalikasang diwa kaya malinaw na nakikita ng iba na ang magiging pinakawakas nila ay ang maitiwalag(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikapitong Bahagi)). Inilalantad ng Diyos na ang mga anticristo ay nagdadala ng intensyong magkamit ng mga pagpapala sa kanilang pananampalataya sa Diyos, at sinusubukang makipagtawaran sa Diyos. Sadyang hindi sila nananampalataya sa Diyos para maghangad ng pagbabago sa kanilang mga disposisyon o magkamit man lang ng katotohanan. Lumalakad sila sa maling landas, at ang kanilang huling hantungan ay ang pagkakatiwalag. Nang ikumpara ko ang aking sarili sa mga salita ng Diyos, nakita kong ang perspektiba sa likod ng aking paghahangad ay katulad ng sa isang anticristo. Mula nang magsimula akong manampalataya sa Diyos hanggang ngayon, iisa lang ang lagi kong naging layon: ang magkamit ng mga pagpapala. Naisip ko kung paanong dati, para magkaroon ng mabuting kalalabasan at hantungan at maligtas at makaligtas sa hinaharap, handa akong manampalataya sa Diyos at gawin ang aking tungkulin gaano man ako usigin ng aking pamilya, at kahit na kailangan ko pang iwan ang aking pamilya. Minsan, muntik na akong mahuli ng mga pulis, pero hindi ako umurong pagkatapos noon at nagpatuloy akong aktibong gawin ang aking tungkulin, tulad ng dati. Ngayong tinatawag akong muli ng tungkulin ng isang mangangaral, natakot akong hindi ko ito magawa nang maayos, managot, at hindi magkaroon ng mabuting kalalabasan, kaya gusto kong tanggihan ang tungkuling ito para ingatan ang sarili ko. Hindi alintana kung handa man akong gawin ang aking tungkulin o hindi, ang una kong isinaalang-alang ay ang sarili kong mga interes, at lahat ng iyon ay para magkamit ng mga pagpapala. Nakita kong makasarili at mapanlinlang ang aking kalikasan, at na ang pananampalataya ko sa Diyos, sa katunayan ay pakikipagtawaran sa Diyos at panlilinlang sa Diyos. Bitbit ko ang layuning magkamit ng mga pagpapala sa aking pananampalataya sa Diyos, at hindi ko kayang basta na lang gawin ang aking tungkulin para bigyang-kasiyahan ang Diyos. Medyo gumugugol lang ako ng sarili kapag may mga pakinabang na makukuha. Ang paggawa ng aking tungkulin sa ganitong paraan ay pulos transaksyonal, at wala talagang anumang sinseridad dito. Sa aking pananampalataya sa Diyos, mali ang perspektiba sa likod ng aking hinahangad, at ang landas na aking tinatahak ay kasalungat ng mga kahingian ng Diyos. Paano ako maliligtas kung magpapatuloy ako nang ganito? Kung hindi ako magbabago, matitiwalag lang ako ng Diyos sa huli.

Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kung gayon, paano dapat umasal ang isang matapat na tao? Dapat siyang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, maging tapat sa tungkulin na dapat niyang gampanan, at magsikap na matugunan ang mga layunin ng Diyos. Naipapamalas ito sa iba’t ibang paraan: Ang isa ay ang pagtanggap sa iyong tungkulin nang may matapat na puso, hindi isinasaalang-alang ang mga interes ng iyong laman, hindi nagiging walang sigla sa iyong tungkulin, at hindi nagpapakana para sa sarili mong pakinabang. Iyon ang mga pagpapamalas ng katapatan. Ang isa pa ay ang paggampan nang maayos sa iyong tungkulin nang buong puso at buong lakas mo, paggawa sa mga bagay-bagay nang tama, at pagsasapuso at pagmamahal sa iyong tungkulin para bigyang-kasiyahan ang Diyos. Ito ang mga pagpapamalas na dapat mayroon ang isang matapat na tao habang ginagampanan ang kanyang tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Naunawaan ko na para maging isang matapat na tao, dapat ka munang magkaroon ng matapat na puso at gawin nang maayos ang iyong tungkulin para lamang bigyang-kasiyahan ang Diyos, nang hindi isinasaalang-alang ang iyong sarili o nagpaplano para sa sarili. Gayumpaman, habang ginagawa ko ang aking tungkulin, nagpapakana ako para sa sarili ko sa bawat pagkakataon. Masyadong mapanlinlang ang puso ko! Naisip ko si Noe. Mayroon siyang simple at matapat na puso. Nang utusan siya ng Diyos na gumawa ng arka, nagawa niyang magpakita ng pagsasaalang-alang sa puso ng Diyos at tanggapin ang atas ng Diyos. Siya ay masunurin at mapagpasakop, at hindi inisip ang mga pagpapala o kapahamakan; sa huli, tinapos niya ang arka alinsunod sa mga kahingian ng Diyos. Bagama’t hindi ako karapat-dapat na ikumpara kay Noe, dapat ko siyang tularan at maging isang taong masunurin at mapagpasakop, tanggapin ang aking tungkulin nang may simple at matapat na puso, gawin ang lahat ng makakaya ko sa mga bagay na kaya kong gawin, at magsumikap na maabot ang mga kahingian ng pagiging isang matapat na tao. Makalipas ang dalawang araw, sumagot ako sa mga lider, sinasabing handa akong gawin ang tungkulin ng isang mangangaral.

Pagkatapos, dumating ang isang liham mula sa mga nakatataas na lider, na nagsasabing naparalisa ang gawain ng isang iglesia matapos ang malawakang mga pag-aresto at kailangang asikasuhin ang kinahinatnan. Tinanong nila kung kaya ko itong gawin. Nang mabasa ko ang liham, biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko, “Kung hindi ko magagawa nang maayos ang gawain, ako ang may pinakamabigat na responsabilidad.” Napagtanto kong hindi tama ang kaisipang ito, at na natatakot pa rin akong umako ng responsabilidad. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Dapat ay positibo at maagap kang makipagtulungan, gawin mo ang lahat para magawa mo nang mabuti ang tungkuling dapat mong gampanan, at matupad ang iyong mga responsabilidad at obligasyon. Ito ang dapat gawin ng isang nilikha(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paghahanap Lamang sa Katotohanan Malulutas ng Tao ang Kanyang mga Kuru-kuro at Maling Pagkaunawa sa Diyos). “Kung tunay kang may nadaramang pasanin, at pakiramdam mo ay personal na responsabilidad mo ang pagganap sa iyong tungkulin, at na kung hindi, hindi ka nararapat na mabuhay, at isa kang hayop, na magiging marapat ka lamang na matawag na isang tao kung gagampanan mo nang maayos ang iyong tungkulin, at kaya mong harapin ang sarili mong konsensiya—kung mayroon kang nadaramang ganitong pasanin kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin—magagawa mo ang lahat nang masigasig, at magagawa mong hanapin ang katotohanan at gawin ang mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo, at sa gayon ay magagawa mong gawin ang tungkulin mo nang maayos at mapalulugod ang Diyos. Kung karapat-dapat ka sa misyong ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, at sa lahat ng isinakripisyo ng Diyos para sa iyo at sa Kanyang mga ekspektasyon mula sa iyo, kung gayon, ito ay tunay na pagsusumikap(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Magampanan nang Maayos ng Isang Tao ang Kanyang Tungkulin, Dapat Magtaglay man Lang Siya ng Konsensiya at Katwiran). Itinuro sa akin ng mga salita ng Diyos ang isang landas ng pagsasagawa. Kailangan kong positibo at aktibong tuparin ang aking tungkulin. Naparalisa ang gawain ng iglesiang ito, at nangangailangan ito ng detalyadong pagpaplano at mga pagsasaayos; kailangan ding asikasuhin sa lalong madaling panahon ang kinahinatnan. Responsabilidad kong protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at pangalagaan ang kaligtasan ng aking mga kapatid. Kung patuloy kong isasaalang-alang ang sarili kong kaligtasan at hindi gagawin ang aking tungkulin dahil sa takot na umako ng responsabilidad, kung gayon ay hindi ako karapat-dapat na maging isang tao.

Pagkatapos, nagpunta ako sa iglesiang iyon para asikasuhin ang kinahinatnan. Sa panahong iyon, nakaharap ko ang maraming paghihirap, at umasa ako sa Diyos para sa mga bagay na hindi ko nauunawaan, humingi ng tulong mula sa nakatataas na pamunuan, at gumawa nang may pagkakasundo kasama ang aking mga kapatid. Kalaunan, sa pamumuno ng Diyos, ligtas na nailipat ang mga aklat ng mga salita ng Diyos, at ginawa ng aking mga kapatid ang kanilang mga tungkulin sa abot ng kanilang makakaya. Bagama’t wala pa ring anumang pag-usad ang gawain ng ebanghelyo, inilalaan ko ang lahat ng aking lakas sa paggawa para dito, at hindi na ako natatakot umako ng responsabilidad. Alam kong ito ang aking tungkulin at responsabilidad, at alam ko kung ano ang nararapat kong gawin. Nang maisip ko ito, kumalma ako at napanatag. Nagbasa ako ng higit pang mga salita ng Diyos: “Sa ngayon, huwag tumuon sa kung ano ang kahahantungan at kalalabasan mo, o kung ano ang mangyayari at ano ang magaganap sa hinaharap, o kung maiiwasan mo ba ang sakuna at hindi ka mamamatay—huwag mong isipin o hilingin ang mga bagay na ito. Tumuon ka lang sa mga salita at mga hinihingi ng Diyos, at hangarin mo ang katotohanan, gawin nang maayos ang iyong tungkulin, at tugunan ang mga layunin ng Diyos, at iwasang biguin ang anim na libong taong paghihintay ng Diyos, at ang Kanyang anim na libong taon ng pananabik. Bigyan ng kaunting kapanatagan ang Diyos; hayaan Siyang makakita ng pag-asa sa iyo, at hayaang matupad ang Kanyang mga kahilingan sa iyo. Sabihin mo sa Akin, tatratuhin ka ba ng Diyos nang hindi makatarungan kung gagawin mo ito? Siyempre hindi! At kahit na ang mga resulta sa huli ay hindi ang inaasam mo, paano mo dapat harapin ang katunayang iyon, bilang isang nilikha? Dapat kang magpasakop sa lahat ng bagay sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, nang walang anumang mga personal na plano. Hindi ba’t ito ang perspektiba na dapat taglayin ng mga nilikha? (Ito nga.) Tama na magkaroon ng ganitong mentalidad(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Bakit Dapat Hangarin ng Tao ang Katotohanan). Pagkatapos makinig sa taos-pusong mga salita ng Diyos, naramdaman ko ang taimtim na mga layunin ng Diyos sa pagliligtas sa mga tao, at labis na naantig ang puso ko. Ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos ay pawang para sa kapakanan ng pagliligtas sa sangkatauhan. Umaasa ang Diyos na taimtim nating hahangarin ang katotohanan at hahangarin ang mga pagbabago sa ating mga disposisyon, isasabuhay ang isang tunay na wangis ng tao, at magagawang sundin ang mga salita ng Diyos, magpapasakop sa Diyos, at sasamba sa Diyos. Sa ganitong paraan, maaaliw ang puso ng Diyos. Anuman ang aking kalabasan sa hinaharap, ang pinakamahalagang bagay na kailangan kong gawin ngayon ay ang hangarin ang katotohanan at gawin nang maayos ang aking tungkulin para bigyang-kasiyahan ang Diyos. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  78. Ang Gaan ng Pakiramdam Nang Maalis ang Aking Pagbabalatkayo

Sumunod:  80. Napapaligiran at Inaatake ng Aking Pamilya, Nagdesisyon Ako

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger