81. Mga Aral na Natutuhan Mula sa Pagbalik ng Sakit sa Bato

Ni Ye Fan, Tsina

Noong 2000, 24 anyos ako, at noong panahong iyon, na-diagnose ako na may chronic glomerulonephritis, malubha ang pag-ihi ko ng dugo, at mapanganib ang dami ng protina sa ihi ko. Napakahina ko, at palala nang palala ang panghihina ko sa bawat araw. Hindi ko man lang kayang humawak ng walis para magwalis ng sahig, at kung minsan, kailangan pa akong buhatin ng asawa ko paakyat ng bahay. Sinabihan ako ng doktor na uminom ng hormones bilang gamot, at pagkalipas ng mga pitong araw na pag-inom ng gamot, nalagas ang buhok ko hanggang halos maubos na ito, at namaga ang buong katawan ko, pero hindi pa rin bumuti ang kondisyon ko. Sabi ng doktor, ang tanging solusyon na lang daw sa kalagayan ko ay kidney transplant. Nang marinig ko iyon, naisip ko, “Hindi ba parang tinaningan na akong mamatay? Daan-daang libong yuan ang gastos sa kidney transplant, at hindi kakayanin ng pamilya namin ang gayong gastos!” Sobrang sakit isipin na maaaring mamatay ako nang ganito kabata, at hindi mailarawan sa salita ang pagnanais kong mabuhay. Kalaunan, hinikayat ako ng nanay ko na manampalataya sa Panginoon, at naisip ko, dahil sobrang lala na ng sakit ko, mabuti pang subukan ko na lang, kaya nagsimula akong manalangin sa Panginoon. Sa gulat ko, pagkalipas lang ng pitong araw, nagpa-test ako, at normal na ang mga resulta ng blood serum protein at urine protein ko. Hindi ako makapaniwala, at inakala kong baka nagkamali lang sa resulta ng test. Pati ang mga doktor na gumamot sa akin ay namangha, at tinawag nila itong isang himala. Noong panahong iyon, naisip ko, “Ang Diyos ang nagpagaling sa sakit ko at nagbigay sa akin ng biyaya at mga pagpapala, kaya mula ngayon, kailangan kong manampalataya sa Diyos nang buong puso, at naniniwala akong mas lalo pa akong pagpapalain ng Diyos.” May espesyal na bilin din sa akin ang doktor, “Huwag mong hahayaang tumaas ang blood pressure mo, dahil ang mataas na blood pressure ay puwedeng magpabalik ng sakit mo sa bato.” Mula noon, patuloy akong uminom ng gamot sa high blood bilang suporta sa paggagamot, at nanatiling normal ang blood pressure ko. Hindi nagtagal, nawala na rin ang pag-ihi ko ng dugo, at naramdaman kong lumalakas na ang katawan ko.

Noong 2004, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at lalo pa akong sumaya. Naisip ko na napakasuwerte ko, at na binigyan ako ng Diyos ng pangalawang buhay at hinayaan akong mabuhay. Pakiramdam ko, biniyayaan Niya akong marinig ang Kanyang tinig at makabalik sa harap ng Kanyang trono, at na labis-labis ang pagpapala Niya sa akin. Para masuklian ang pagmamahal ng Diyos, anuman ang tungkuling itinalaga sa akin ng iglesia, aktibo ko itong ginagawa, at kahit na tinututulan ng asawa ko ang pananampalataya ko sa Diyos, hindi ako napigilan, at nagpatuloy pa rin ako sa aking mga tungkulin. Noong 2012, inaresto ako ng mga pulis habang nangangaral ng ebanghelyo, at pagkatapos kong makalaya, lalo pang tinutulan ng asawa ko ang pananampalataya ko, hanggang sa huli, hiniwalayan niya ako. Pagkatapos niyon, inilaan ko nang full-time ang aking sarili sa aking mga tungkulin.

Noong 2017, nagsimulang tumaas ang blood pressure ko sa 180 mmHg, at parang hindi na tumatalab ang gamot. Pagsapit ng 2020, pakiramdam ko ay ubos na ubos na ang aking lakas, hinihingal ako kahit sa pag-akyat lang ng hagdan, at ni hindi ko na kayang labhan ang sarili kong mga damit. Nag-alala ako, “Bumalik kaya ang sakit ko sa bato? Ano’ng gagawin ko kung bumalik na ito?” Pero naisip ko rin, “Pinagaling ako ng Diyos sa ganoon kalalang sakit noon, at nitong mga nakaraang taon, tinalikuran ko ang trabaho at pamilya ko, at nagpasakop ako sa lahat ng tungkuling itinalaga sa akin ng iglesia. Siguradong hindi hahayaan ng Diyos na may mangyaring masama sa akin dahil sa lahat ng sakripisyo at paggugol ko.” Kalaunan, lumala ang kondisyon ko, kaya umuwi ako para magpatingin sa doktor. Nagpa-check-up ako sa ospital at nalaman kong mataas ang blood pressure ko, may malubha akong anemia, at tumaas din ang blood sugar ko. Muling nagkaroon ng plus sign ang resulta ng urine test ko. Sinabi sa akin ng doktor na bumalik ang sakit ko sa bato, at kung lumala pa, maaari itong humantong sa kidney failure at kamatayan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang makita ko ang mga resultang ito. Sa mga taon ng pananampalataya ko, tinalikuran ko ang pamilya, trabaho, at mga pisikal na kalayawan para gawin ang tungkulin ko, at inakala kong sa paggawa ng mga sakripisyong ito, poprotektahan ako ng Diyos. Hindi ko inaasahan na sa huli, babalik ang dati kong sakit at mas lalala pa. Sa sasandali, nagsimula akong pagsisihan ang mga sakripisyo at pagsisikap na ginawa ko sa mga nakaraang taon. Kung hindi sana ako umalis ng bahay para gawin ang tungkulin ko, hindi sana ako hahantong sa nag-iisa at walang magawang sitwasyong kinalalagyan ko ngayon. Lalo na nang marinig kong sinabi ni Dr. Zhang, na siyang gumagamot sa akin, na tatlong taon ang kakailanganin para sa pagpapagamot ko, lalo pa akong nabalisa at nag-alala, at naisip ko, “Ang pagpapagamot sa loob ng tatlong taon ay aabot ng mahigit isandaang libong yuan. Saan ako kukuha ng ganoon kalaking pera?” Nagsimula akong mag-isip na magtrabaho para kumita ng pera para sa pagpapagamot ko. Pero isang buwan pa lang akong nagtatrabaho, tumawag ang mga pulis at tinanong kung nasaan ako, sinabihan akong bumalik at pirmahan ang “Tatlong mga Pahayag” para ipagkanulo ang Diyos. Natakot akong baka arestuhin ulit ako ng mga pulis, kaya napilitan akong umalis sa lugar na iyon. Naisip ko, “Kailangan pa ring ipagpatuloy ang pagpapagamot sa sakit ko, at kung aalis ako sa lugar na ito, hindi ko na mabibili ang gamot na ginagawa ni Dr. Zhang gamit ang sekretong resipe ng pamilya niya. Dati, tanging gamot lang ni Dr. Zhang ang tumalab sa sakit ko. Pagkatapos ng isang buwang pag-inom ng gamot niya, sumigla ako, samantalang parang hindi tumatalab sa akin ang ibang tradisyonal na gamot-Tsino. Isa pa, dahil tinutugis ako ng mga pulis, hindi ako makapagtrabaho at kumita ng pera, at kung walang perang pampagamot, hindi ko masabi kung gaano ako katagal mabubuhay.” Pagkatapos niyon, nanatili akong nasisiraan ng loob, at sa tuwing naiisip ko kung paanong wala nang natira sa akin, napupuno ng sakit ang puso ko, at hindi ko na magawang ganahan sa tungkulin ko gaya ng dati.

Isang araw, naisip ko ang mga salita ng Diyos:

5. Kung palagi ka nang naging napakatapat, nang may malaking pagmamahal sa Akin, ngunit nagdurusa ka ng pagpapahirap ng sakit, ng kasalatan sa pinansiyal, at ng pang-iiwan ng iyong mga kaibigan at kamag-anak, o kung nagtitiis ka ng anumang iba pang mga kasawian sa buhay, magpapatuloy pa rin ba ang iyong katapatan at pagmamahal sa Akin?

6. Kung wala sa anumang naguni-guni mo sa puso mo ang tumutugma sa kung ano ang nagawa Ko, paano mo dapat tahakin ang landas mo sa hinaharap?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Napakaseryosong Problema: Pagtataksil (2)

Sa Kanyang mga salita, para bang kinukuwestiyon ako ng Diyos nang harapan, pinagninilay ako sa aking sarili. Sa mga nakaraang taon, nagsakripisyo ako at ginugol ko ang sarili ko sa aking tungkulin, kaya inakala kong isa akong tapat na mananampalataya sa Diyos, at naniwala akong tapat at mapagpasakop ako sa Diyos. Ngayon na bumalik ang sakit ko sa bato, isang karamdamang hindi magamot at maaaring humantong sa kamatayan, hindi ko hinanap ang layunin ng Diyos dito at sa halip ay nagkamali ako ng pagkaunawa at nagreklamo tungkol sa Kanya. Pinagsisihan ko pa nga ang mga ginugol ko para sa Diyos at nagsimula na akong gawin na lang nang basta-basta ang aking tungkulin. Hindi ba’t ipinagkakanulo ko ang Diyos sa ganito? Nakita ko na pagkatapos ng napakaraming taon ng pananampalataya, wala pala akong kahit katiting na katapatan sa Diyos. Labis akong nakonsensiya. Isinaayos ng Diyos ang mga sitwasyong ito na hindi naaayon sa mga kuru-kuro ko para iligtas ako, pero hindi ko naunawaan ang masusing layunin ng Diyos at sa halip ay naging negatibo ako at nagpabaya sa aking gawain. Talagang kulang ako sa pagkatao at katwiran! Pagkatapos nito, hindi na gaanong sumama ang loob ko, at medyo nanumbalik ang gana ko sa aking tungkulin.

Makalipas ang ilang buwan, nanghihina pa rin ang katawan ko, mabilis ang pitik ng puso ko, at kinakapos ako ng hininga. Kung minsan, kailangan ko pa ng hihila sa akin habang umaakyat ng hagdan. Lalo na kapag napapagod ako, tumataas ang blood pressure ko. Naisip ko ang sinabi ng doktor na maaaring humantong sa kidney failure ang kondisyong ito, at nagsimula akong mag-alala, “Paano kung mamatay ako?” Sa mga taon ng pananampalataya ko, tinalikuran ko ang aking pamilya at trabaho. Kaya kung mamatay ako, hindi ba’t masasayang lang ang lahat ng paghihirap ko sa mga taon na iyon? Noong panahong iyon, naghanap ako ng dalawang mahusay na lokal na tradisyonal na doktor na Tsino, uminom ng herbal na gamot, at nagpa-acupuncture pa, pero wala sa mga iyon ang tumalab. Isang beses, pagkatapos umakyat ng hagdan, sa sobrang pagod ay bumagsak ako sa kama, habol ang aking hininga. Naisip ko na sa patuloy na paglala ng kondisyon ko, hindi ko masabi kung kailan ako maaaring mamatay, at napuno ng sakit ang puso ko. Hindi ko mapigilang isipin: “Diyos ko! Sa lahat ng taon ng pagsunod ko sa Iyo, tinalikuran ko ang aking pamilya at trabaho, at nagdusa ako at ginugol ko ang aking sarili. Dahil sa lahat ng ito, puwede Mo bang pagalingin ang sakit ko at hayaan akong mabuhay pa nang ilang taon?” Kalaunan, nang huminahon ako para pag-isipan at pagnilayan ang kalagayan ko, saka ko lang napagtanto na hindi makatwiran ang ganitong paghingi sa Diyos. Naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at hinanap ko ito para basahin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang kayabangan ay maraming pagpapamalas. Halimbawa, sabihin nating ang isang taong nananalig sa Diyos ay pilit na humihingi ng Kanyang biyaya—sa anong batayan mo ito puwedeng hingin? Isa kang taong ginawang tiwali ni Satanas, isang nilikha; ang katunayang nabubuhay ka at humihinga ay ang pinakadakila na sa mga biyaya ng Diyos. Maaari mong matamasa ang lahat ng nilikha ng Diyos sa lupa. Sapat na ang ibinigay sa iyo ng Diyos, kaya bakit ka pilit na hihingi ng higit pa sa Kanya? Ito ay dahil hindi kailanman nakokontento ang mga tao sa kanilang parte. Palagi nilang iniisip na mas magaling sila kaysa sa iba, na dapat silang magkaroon ng higit pa, kaya lagi nilang pilit na hinihingi ito sa Diyos. Inilalarawan nito ang kanilang mayabang na disposisyon. Hindi man sabihin ng kanilang bibig, sa panahong unang magsimulang maniwala ang mga tao sa Diyos, maaaring iniisip nila sa kanilang puso na, ‘Gusto kong mapunta sa langit, hindi sa impiyerno. Gusto ko hindi lamang ako ang mapagpala, kundi ang buong pamilya ko. Gusto kong kumain ng masasarap na pagkain, magsuot ng magagandang damit, magtamasa ng magagandang bagay. Gusto ko ng isang mabuting pamilya, isang mabuting asawa at mabubuting anak. Sa huli, gusto kong mamuno bilang hari.’ Lahat ito ay tungkol sa kanilang mga kinakailangan at pilit na hinihingi. Ang disposisyon nilang ito, ang mga bagay na iniisip nila sa kanilang puso, ang labis-labis na mga hangaring ito—lahat ng ito ay kumakatawan sa mayabang na kalikasan ng tao. Paano Ko ito nasasabi? Lahat ay nakasalalay sa katayuan ng mga tao. Ang tao ay isang nilalang na nagmula sa alabok; binuo ng Diyos ang tao mula sa luwad, at hiningahan siya ng hininga ng buhay. Gayon ang abang katayuan ng tao, subalit humaharap pa rin ang mga tao sa Diyos at humihingi ng ganito at ganoon. Napakawalang-dangal ng katayuan ng tao, hindi siya dapat magbuka ng bibig at humingi ng anuman sa Diyos. Kaya ano ang dapat gawin ng mga tao? Dapat silang magsumikap kahit pa punahin sila, dapat silang magpunyagi, at masayang magpasakop. Hindi ito tungkol sa kung masaya ba silang nagpapakumbaba—huwag bastang magalak sa pagiging mapagpakumbaba; ito ang katayuan ng mga tao na likas sa kanila; dapat silang maging likas na mapagpasakop at mapagpakumbaba, sapagkat ang kanilang katayuan ay aba, kaya nga hindi sila dapat humingi ng mga bagay mula sa Diyos, ni hindi sila dapat magkaroon ng labis-labis na mga hangarin sa Diyos. Dapat walang mga ganitong bagay na matatagpuan sa kanila. Narito ang isang simpleng halimbawa. Ang isang mayamang pamamahay ay umupa ng isang utusan. Ang posisyon ng utusan na ito sa mayamang pamamahay ay napakababa, ngunit gayunpaman ay sinabi niya sa amo: ‘Gusto kong isuot ang sombrero ng anak mo, gusto kong kainin ang kanin mo, gusto kong isuot ang mga damit mo, at gusto kong matulog sa kama mo. Anuman ang ginagamit mo, ginto man o pilak, gusto ko ang mga ito! Malaki ang kontribusyon ko sa aking trabaho, at nakatira ako sa bahay mo, kaya gusto ko ang mga ito!’ Paano siya dapat tratuhin ng amo? Sasabihin ng amo: ‘Dapat mong malaman ang uri mo, kung ano ang iyong papel: Isa kang utusan. Ibinibigay ko sa anak ko ang gusto niya, dahil iyon ang katayuan niya. Ano ang katayuan mo, ang iyong identidad? Hindi ka kwalipikadong hilingin ang mga bagay na ito. Dapat kang kumilos at gawin kung ano ang dapat mong gawin, isakatuparan mo ang mga obligasyon mo, ayon sa iyong katayuan at identidad.’ May anumang katwiran ba ang gayong tao? Maraming taong nananalig sa Diyos ang walang gaanong katwiran. Mula sa simula ng pananampalataya sa Diyos, mayroon silang mga lihim na motibo, at habang nagpapatuloy, walang tigil silang pilit na humihingi sa Diyos: ‘Kailangan akong sundan ng gawain ng Banal na Espiritu habang ipinapalaganap ko ang ebanghelyo! Kailangan Mo rin akong patawarin at tiisin kapag nakagagawa ako ng masama! Kung marami akong gagawin, kailangan Mo akong gantimpalaan!’ Sa madaling salita, ang mga tao ay palaging naghahangad ng mga bagay-bagay mula sa Diyos, palagi silang sakim(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Mayabang na Kalikasan ang Nasa Ugat ng Paglaban ng Tao sa Diyos). Nang mabasa ko ang mga salita ng Diyos, talagang nabalisa ako. Parang ako ang alipin na inilarawan sa mga salita ng Diyos, ganap na walang katwiran. Binigyan siya ng amo ng pagkain, tirahan, at maging ng gantimpala, pero hindi marunong magpasalamat ang alipin sa kanyang amo. Inakala niyang sa paggawa ng kaunting trabaho para sa kanyang amo, nagkaroon na siya ng merito, kaya humingi siya sa kanyang amo, gustong tamasahin ang lahat ng mayroon ito. Nakita ko na ang alipin na ito ay talagang mayabang, walang katwiran, at walang kahihiyan. Naisip ko noong hindi na magamot ang sakit ko, at nasa bingit na ako ng kamatayan. Lalo na nang makita kong namamatay ang mga taong may kaparehong sakit ng sa akin, lalo akong nawalan ng pag-asa. Matapos manampalataya sa Panginoon, inalis Niya ang sakit ko at hinayaan akong mabuhay, at kalaunan, pinalad akong tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at nagkaroon ng pagkakataong makamit ang katotohanan at maligtas ng Diyos. Ang lahat ng ito ay pambihirang pagtataas at biyaya ng Diyos. Sobra-sobra na ang natanggap ko mula sa Diyos, pero hindi ako marunong magpasalamat. Akala ko, sa paggawa lang ng kaunting tungkulin, nagkaroon na ako ng merito, kaya humingi ako nang humingi sa Diyos, hinihiling na huwag Niya akong hayaang magkasakit uli. Nang bumalik ang sakit ko at naharap ako sa kamatayan, hindi ako nagpasakop. Sa halip, nangatwiran ako at nagreklamo. Walang kahihiyan ko pang hiningi sa Diyos na pahabain ang buhay ko at hayaan akong mabuhay pa nang ilang taon. Ano’ng mga kuwalipikasyon ko, bilang isang hamak na nilikha, para humingi sa Diyos? Ang Diyos ang Panginoon ng lahat ng nilikha, at Diyos ang nagpapasya kung sino ang pagpapalain at kung sino ang hindi. Pero nagawa ko pang mangatwiran at makipagtawaran sa Diyos. Talagang napakayabang ko at wala akong katwiran! Nakita ko rin na ako ay lubos na kasuklam-suklam, sakim, at walang konsensiya. Nang mapagtanto ko ang lahat ng ito, labis akong nakonsensiya.

Isang araw, may nakita akong sipi ng mga salita ng Diyos sa pelikulang Kaligtasan, at nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang pagalingin Ko sila. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gamitin Ko ang Aking kapangyarihan upang itaboy ang maruruming espiritu mula sa kanilang mga katawan, at napakaraming naniniwala sa Akin para lamang makatanggap sila ng kapayapaan at kagalakan mula sa Akin. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang hingan Ako ng mas maraming materyal na kayamanan. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gugulin ang buhay na ito sa kapayapaan at maging ligtas at matiwasay sa mundong darating. Napakaraming nananampalataya sa Akin para maiwasan ang pagdurusa ng impiyerno at para matanggap ang mga pagpapala ng langit. Napakaraming nananampalataya sa Akin para lang sa pansamantalang kaginhawahan, ngunit hindi naghahangad magkamit ng anuman sa mundong darating. Kapag ibinuhos Ko ang Aking matinding galit sa mga tao at binabawi Ko ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati nilang taglay, napupuno sila ng pagdududa. Kapag ibinigay Ko sa mga tao ang pagdurusa ng impiyerno at binabawi Ko ang mga pagpapala ng langit, nagagalit sila nang husto. Kapag hinihiling sa Akin ng mga tao na pagalingin Ko sila, at hindi Ko sila pinapakinggan at namuhi Ako sa kanila; nililisan nila Ako upang sa halip ay hanapin ang paraan ng panggagaway at pangkukulam. Kapag inaalis Ko ang lahat ng hiningi ng mga tao sa Akin, naglalaho silang lahat nang walang bakas. Samakatwid, sinasabi Ko na ang mga tao ay may pananalig sa Akin sapagkat masyadong masagana ang biyaya Ko, at dahil masyadong maraming pakinabang na makakamit(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?). Ang isiniwalat ng Diyos ay ang mismong kalagayan ko. Noong una, nakita kong kayang pagalingin ng Diyos ang sakit ko. Natamasa ko ang biyaya ng Diyos, kaya handa akong sundin Siya nang lubusan, at nagawa kong gawin ang tungkulin ko at talikuran ang aking pamilya at trabaho. Ginawa ko rin ang anumang tungkuling isinaayos ng iglesia para sa akin. Kahit noong inaresto ako habang nangangaral ng ebanghelyo, itinakwil ng pamilya, o masama ang pakiramdam, nagawa ko pa ring magpatuloy sa aking tungkulin, dahil inakala kong sa paggugol ko ng sarili para sa Diyos, hindi Niya hahayaang magkasakit ako. Pero nang bumalik ang sakit ko sa bato at lalong lumala, at wala akong perang pampagamot, at maaaring maharap pa sa kamatayan, ayaw ko nang magdusa at gugulin ang sarili ko. Nagreklamo ako na hindi ako pinoprotektahan ng Diyos, pinagsisihan kong ginugol ko ang sarili ko para sa Kanya, at hindi ko na isinapuso ang paggawa ng tungkulin ko, at sinubukan kong gamitin ang lahat ng taon ng pagsisikap at paggugol ko bilang puhunan, iginigiit sa Diyos na hayaan akong mabuhay pa nang ilang taon. Napagtanto kong nananampalataya lang pala ako sa Diyos para tumanggap ng mga pagpapala, at kapag hindi ako nakatanggap ng mga pagpapala, pakiramdam ko ay nalugi ako sa pananampalataya sa Diyos, at huminto na ako sa tapat na pananampalataya sa Diyos at paggawa ng aking mga tungkulin. Hayagan at walang pakundangan pa akong humingi ng mga pagpapala sa Diyos. Sa anong paraan naiiba ang pananampalataya ko sa Diyos sa paraan ng mga hindi mananampalataya na naghahangad na makinabang hangga’t nais? Hindi ko hinanap ang katotohanan sa aking pananalig, sa halip, sinubukan kong makipagtawaran sa Diyos para sa mga pagpapala. Sinusubukan kong gamitin at dayain ang Diyos sa paggawa nito! Naisip ko kung paanong noong una ay naniwala si Pablo sa Panginoon para sa kapakanan ng pagtatamo ng mga pagpapala, at nang makita niyang medyo nagdusa siya at nakagawa ng ilang sakripisyo, inakala niyang may karapatan na siyang pagpalain at hayagang humingi sa Diyos ng isang korona. Sinabi niya, “Nakipagbaka na ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, napanatili ko ang pananalig: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Ang ibig niyang sabihin, kung hindi siya bibigyan ng Diyos ng korona at mga gantimpala, hindi matuwid ang Diyos. Sa huli, sinalungat niya ang disposisyon ng Diyos at pinarusahan siya ng Diyos. Kung magpapatuloy ako nang ganito nang hindi nagbabago, sa huli ay matutulad ako kay Pablo, parurusahan at itatapon sa impiyerno.

Isang araw, narinig ko ang isang himno ng mga salita ng Diyos, “Ang Haba ng Buhay ng Tao ay Itinakda na ng Diyos Noon pa Man”:

1  Maraming tao na madalas magkasakit, at gaano man sila manalangin sa Diyos, hindi pa rin sila gumagaling. Gaano man nila kagustong mawala ang karamdaman nila, hindi nila kaya. Minsan, maaari pa nga silang maharap sa mga agaw-buhay na sitwasyon at napipilitan sila na diretsong harapin ang mga ito. Sa katunayan, kung ang isang tao ay talagang may pananalig sa Diyos sa kanyang puso, una sa lahat, dapat ay alam niyang nasa mga kamay ng Diyos ang haba ng buhay ng isang tao. Ang panahon ng kapanganakan at kamatayan ng isang tao ay itinakda ng Diyos. Kapag nagbibigay ng karamdaman ang Diyos sa mga tao, may dahilan sa likod nito—may kabuluhan ito. Ang nararamdaman nila ay karamdaman, ngunit, ang totoo, ang naipagkaloob sa kanila ay biyaya, hindi karamdaman. Una sa lahat, kailangang kilalanin at tiyakin ng mga tao ang katunayang ito, at seryosohin ito.

2  Kapag nagkakasakit ang mga tao, maaari silang lumapit nang madalas sa Diyos, at tiyakin na gawin nila ang nararapat, nang may pagsisinop at pag-iingat, at tratuhin ang kanilang tungkulin nang may higit na pag-iingat at kasipagan kaysa sa iba. Pagdating sa mga tao, ito ay isang proteksyon, hindi mga kadena. Ito ay isang pamamaraan sa pasibong aspekto. Dagdag pa riyan, ang haba ng buhay ng bawat tao ay naitakda na ng Diyos noon pa man. Maaaring nakamamatay ang isang karamdaman mula sa pananaw ng medisina, ngunit sa pananaw ng Diyos, kung kailangan mo pang mabuhay at hindi pa ito ang iyong oras, hindi ka mamamatay kahit gusto mo.

3  Kung mayroon kang atas mula sa Diyos, at hindi pa tapos ang iyong misyon, hindi ka mamamatay, kahit na magkaroon ka ng isang karamdaman na nakamamatay—hindi ka pa kukunin ng Diyos. Kahit hindi ka magdasal at maghanap ng katotohanan, at hindi mo ipagamot ang iyong karamdaman, o kahit maantala ang iyong pagpapagamot, hindi ka mamamatay. Totoo ito lalo na sa mga taong may mahalagang atas mula sa Diyos: Kapag hindi pa tapos ang kanilang misyon, anumang karamdaman ang dumapo sa kanila, hindi sila agad mamamatay; mabubuhay sila hanggang sa huling sandali ng pagtatapos ng misyon.

…………

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Matapos pakinggan ang himnong ito, naunawaan kong ang buhay at kamatayan ng isang tao ay nasa mga kamay ng Diyos. Bawat isa ay may sariling misyon pagdating sa mundong ito, at ang araw na magwawakas ang buhay ng isang tao ay may kaugnayan sa kanyang misyon. Kapag tapos na ang buhay ng isang tao, at kumpleto na ang kanyang misyon, kailangan niyang mamatay, kahit pa wala siyang sakit. Kung hindi pa natatapos ng isang tao ang kanyang misyon, kahit may nakamamatay siyang sakit, hindi siya mamamatay. Sa pagbabalik-tanaw, nasa mga bente anyos ako nang magkaroon ako ng sakit na mahirap gamutin. Wala akong perang pampagamot, pero hindi ako hinayaan ng Diyos na mamatay. Sa halip, hinayaan Niya akong mamuhay nang maayos hanggang ngayon, at nakita kong ang buhay at kamatayan ay nasa mga kamay ng Diyos at pauna na Niyang itinakda. Walang kinalaman ang mga bagay na ito sa kalubhaan ng sakit ng isang tao. Nang hilingin sa akin ng mga pulis na pirmahan ang “Tatlong mga Pahayag,” para maiwasang maaresto, napilitan akong umalis ng bahay. Hindi na ako makakapunta pa kay Dr. Zhang para kumuha ng gamot, at wala akong perang pampagamot, kaya nag-alala ako na kung walang gamot, lalala ang kondisyon ko, at baka mamatay ako. Ang totoo, kahit na napakahusay ni Dr. Zhang, hindi niya kayang iligtas ang buhay ng isang tao. Naaalala ko ang isa sa mga kapwa ko pasyente na namaga ang buong katawan at hindi makaihi, at sa gitna ng kanyang paghihirap, lumuhod siya sa harap ni Dr. Zhang, nagmamakaawang pagalingin ang kanyang sakit, pero walang nagawa si Dr. Zhang. Pareho kami ng sakit ng pasyenteng iyon, at wala nang magawa si Dr. Zhang. Ang Diyos ang mahimalang nag-alis ng sakit ko, at tumanggap ako ng napakalaking biyaya at nakita ko ang pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos, pero wala pa rin akong pananalig sa Diyos. Inakala ko pa ring nasa mga kamay ng doktor ang buhay at kamatayan ko. Talagang napakagulo ng isip ko, at napakabulag at napakamangmang ko! Hindi na ako puwedeng maghimagsik pa, at kailangan kong ipagkatiwala ang sakit ko sa mga kamay ng Diyos. Mula noon, mabuhay man ako o mamatay, handa akong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, at hangga’t may isang araw pa ako para mabuhay, tutuparin ko ang aking tungkulin.

Pagkatapos, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Bilang isang nilikha, kapag humarap ang isang tao sa Lumikha, kailangan niyang gampanan ang kanyang tungkulin. Ito ay isang bagay na talagang nararapat gawin, at dapat niyang tuparin ang responsabilidad na ito. Sa kondisyon na ginagampanan ng mga nilikha ang kanilang mga tungkulin, nakagawa ang Lumikha ng mas higit na dakilang gawain sa sangkatauhan, isinakatuparan Niya ang isang karagdagang hakbang ng gawain sa mga tao. At anong gawain iyon? Tinutustusan Niya ang sangkatauhan ng katotohanan, na tinutulutan silang makamit ang katotohanan mula sa Diyos habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin at sa ganoong paraan ay naiwawaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon at nadadalisay sila, natutugunan nila ang mga layunin ng Diyos at tumatahak na sila sa tamang landas sa buhay, at, sa huli, nagagawa nilang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan, magtamo ng ganap na kaligtasan, at hindi na mapasailalim sa mga pagpapahirap ni Satanas. Ito ang epektong layong makamit sa huli ng pagpapagampan ng Diyos sa mga tao sa mga tungkulin. Samakatwid, sa proseso ng pagganap sa iyong tungkulin, hindi lamang ipinapakita ng Diyos sa iyo nang malinaw ang isang bagay at ipinapaunawa ang kaunting katotohanan, ni hindi ka lamang Niya hinahayaang matamasa ang biyaya at mga pagpapala na natatanggap mo sa pamamagitan ng paggampan sa iyong tungkulin bilang isang nilikha. Bagkus, pinahihintulutan ka Niyang madalisay at maligtas, at, sa huli, ay makapamuhay sa liwanag ng mukha ng Lumikha(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikapitong Bahagi)). Matapos basahin ang siping ito ng mga salita ng Diyos, sumigla ang puso ko. Binibigyan ng Diyos ang mga tao ng pagkakataong gawin ang kanilang tungkulin para bigyang-daan silang hangarin at kamtin ang katotohanan, maiwaksi ang kanilang tiwaling disposisyon at maging dalisay, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon at tahakin ang landas ng kaligtasan. Pero sa lahat ng taon ng pananampalataya ko, ginagawa ko ang aking tungkulin sa pag-asang poprotektahan at pagpapalain ako ng Diyos, at itinuring ko ang aking tungkulin bilang isang paraan upang makipagtawaran para sa mga pagpapala. Naunawaan ko na mali ang mga pananaw ko sa pananalig. Ang paggawa ng tungkulin ay ganap na likas at may katwiran, at wala itong kinalaman sa pagtatamo ng mga pagpapala o pagdanas ng kasawian. Dapat akong tumuon sa paghahangad ng katotohanan at pagwawaksi sa aking tiwaling disposisyon sa aking tungkulin. Ito ang tunay na halaga at kahulugan ng aking buhay. Kung mga pagpapala lang ang hahangarin ko at hindi ako maghahangad ng pagbabago sa disposisyon, kahit pa manampalataya ako habambuhay, hindi ko kailanman makakamit ang katotohanan, at sa huli, hindi ako maliligtas.

Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Anuman ang hinihingi sa iyo ng Diyos, kailangan mo lamang pagsikapan ito nang buo mong lakas, at umaasa Ako na magagawa mong tuparin ang katapatan mo sa Diyos sa harap Niya sa mga huling araw na ito. Hangga’t kaya mong makita ang nasisiyahang ngiti ng Diyos habang Siya ay nakaupo sa Kanyang trono, kahit ito man ay ang oras ng iyong kamatayan, dapat mong makayang tumawa at ngumiti habang ipinipikit ang iyong mga mata. Dapat mong gawin ang iyong huling tungkulin para sa Diyos habang buhay ka pa. Noon, si Pedro ay ipinako sa krus nang pabaligtad para sa Diyos; subalit dapat mong bigyang-kasiyahan ang Diyos sa mga huling araw na ito, at ubusin ang lahat ng iyong lakas para sa Kanya. Ano ang maaaring gawin ng isang nilikha para sa Diyos? Dapat mong ibigay samakatwid ang iyong sarili sa Diyos nang maaga, para mapamatnugutan ka Niya sa paraang nais Niya. Hangga’t napapasaya at nabibigyang-kaluguran nito ang Diyos, kung gayon ay hayaan Siyang gawin kung ano ang kalooban Niyang gawin sa iyo. Ano ang karapatan ng tao na bumigkas ng mga salita ng pagdaing?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob,” Kabanata 41). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na anuman ang karamdaman o pasakit na haharapin ko, kahit mamatay pa ako, hangga’t nagpapasakop ako sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos at tinutupad ang tungkuling dapat kong tuparin, ito ang makakatugon sa pagsang-ayon ng Diyos. Naisip ko kung paano sinubok ng Diyos si Job. Nawala kay Job ang kanyang napakalaking kayamanan at kanyang mga anak, at napuno siya ng masasakit na pigsa, pero nagawa niyang magpasakop sa Diyos nang hindi nagrereklamo, at nanindigan siya sa kanyang patotoo para sa Diyos. Ginugol ni Pedro ang kanyang buhay sa paghahangad na magpasakop at mahalin ang Diyos, hindi kailanman humingi ng anuman para sa kanyang sarili, at sa huli, ipinako siya nang patiwarik sa krus para sa Diyos. Nakarating siya sa punto ng pagpapasakop hanggang kamatayan, lubusang ipinahiya si Satanas, at nagbigay ng maluwalhating patotoo para sa Diyos. Talagang nagbigay-inspirasyon sa akin ang mga patotoo nina Job at Pedro. Bumalik ang sakit ko, at anumang sandali, maaari akong makaranas ng kidney failure o kahit kamatayan, pero hangga’t nabubuhay ako at humihinga, dapat kong gawin ang aking tungkulin. Mula noon, nagpasya akong ialay ang natitira kong buhay sa Diyos, hangarin ang pagbabago sa disposisyon, at tuparin ang aking tungkulin, at kung isang araw ay dumating sa akin ang kamatayan, magpapasakop pa rin ako sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos.

Pagkatapos niyon, inilaan ko ang puso ko sa aking tungkulin, at nag-eehersisyo rin ako nang maayos paminsan-minsan, at napansin kong unti-unting bumuti ang kalusugan ko. Naging stable na ang blood sugar at blood pressure ko, at nakita kong may lakas na ako para sa lahat ng ginagawa ko. Sa huling bahagi ng Mayo 2024, nahalal ako bilang isang lider ng distrito, at kahit mas marami ang trabaho, kinaya ko ito. Kung minsan, kapag napapagod ako sa trabaho, sandali akong magpapahinga nang sapat, at pagkatapos, hindi na ako magsasayang ng oras para tuparin ang aking tungkulin. Nang magsagawa ako nang ganito, naramdaman kong mas napalapit ako sa Diyos, at napanatag ang loob ko sa pagtupad sa tungkulin ko nang may sigasig.

Sinundan:  80. Napapaligiran at Inaatake ng Aking Pamilya, Nagdesisyon Ako

Sumunod:  82. Tama bang Manampalataya sa Diyos Para Lang sa Biyaya at mga Pagpapala?

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger