52. Ano ang Dapat Hangarin ng mga Tao sa Buhay?

Ni Wang Yin, Tsina

Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilyang taga-probinsya noong dekada ‘70. Marami kaming magkakapatid, at namuhay kami sa kahirapan. Sa kabilang banda, may ilang pamilya sa nayon namin ang nagtatrabaho sa bayan. May sahod sila, masarap ang kinakain, at disente ang pananamit. Talagang magalang at marespeto rin sa kanila ang mga tao sa nayon. Nang makita ko ang lahat ng ito, napaisip ako, “Mas mabuti pa rin talagang may pera. Sagana ang buhay mo at mataas ang tingin sa iyo ng mga tao.” Madalas din akong inuudyukan ng nanay ko, “Wala tayong mayayamang kamag-anak, at wala rin tayong paraan para makakuha ng trabaho. Kailangan mong mag-aral nang mabuti, makapasok sa kolehiyo at makahanap ng trabaho sa hinaharap. Kapag nagtagumpay ka, mapapanatag na ako.” Kaya naman, itinuring kong tanging pag-asa para mabago ang kapalaran ko ang makapasok sa kolehiyo. Pero, noong malapit na ang entrance examination sa kolehiyo, may nangyaring hindi inaasahan. Nagkaroon ng esophageal cancer ang nanay ko at kinailangang maospital para operahan, na nangailangan ng malaking pera. Wala na talagang pera ang pamilya namin para pag-aralin ako. Noong sandaling iyon, pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko. Sa mga sumunod na araw, sinamahan ko ang nanay ko sa ospital para magpagamot at magpa-chemotherapy, pero pumanaw pa rin siya. Gumuho na ang pangarap kong makapasok sa kolehiyo. May isang tao pa ngang harap-harapan akong tinuya, sinasabing, “Nakatadhana kang maging katulad ni Qingwen sa A Dream of Red Mansions. Mas mataas pa sa langit ang mga ambisyon mo, pero mas manipis pa sa papel ang kapalaran mo. Tanggapin mo na ang kapalaran mo!” Sa harap ng panunuyang ito, naramdaman ko ang pabago-bago at pagkamakasariling pamamaraan ng mundo. Kapag wala kang pera, mababa ang tingin sa iyo ng lahat. Noong panahong iyon, nagpasya akong kailangan kong manindigan para ipaglaban ang dignidad ko. Kailangang-kailangan kong humanap ng paraan para kumita ng pera para isang araw, magbago ang tingin sa akin ng mga taong nanuya sa akin!

Pagkatapos kong ikasal, nakita kong magandang opsyon ang pagiging doktor, dahil malaki ang kikitain mo at igagalang ka ng mga tao. Kaya naman, hiniling ko sa asawa ko na gamitin ang mga koneksyon niya para tulungan akong makapag-enroll sa paaralan ng medisina. Pagkatapos ng tatlong-taon kong pag-aaral ng medisina, nagtayo ako ng sarili kong klinika. Mabait ako sa mga tao, at unti-unti, parami nang parami ang mga taong nagpapagamot sa klinika ko. Nagpatuloy rin ako sa pag-aaral ng medisina, at kumuha ng iba’t ibang kredensiyal. Lalo pang humusay ang kasanayan ko sa panggagamot, at hindi nagtagal, naging kilala akong doktor sa aming lugar. Mas malaki pa ang kinikita ko sa pagpapatakbo ng klinika ko kaysa sa kinikita ng asawa ko sa trabaho niya, iginagalang ako ng mga pasyente ko, at hinahangaan ako ng mga kamag-anak at kaibigan ko. Pinuri pa nga ako nang personal ng asawa ng kaibigan ko, sabi niya, “Napaka-elegante mong manamit ngayon. Kumpara sa ilang taong nakalipas, para ka nang isang ganap na ibang tao!” Halos hindi ko namamalayan, parami na nang parami ang mga kaibigan ko, at mas marami na ring mga taong humihingi ng pabor sa akin. Kahit iyong taong nanuya sa akin noon ay puro ngiti at pambobola na kapag nakikita ako. Totoo nga na “Pera ang nagpapaikot sa mundo,” at “Kapag mahirap ka sa lungsod, wala ni isa ang may pakialam sa iyo, pero kapag mayaman ka sa bundok, bigla kang nagkakaroon ng mga kamag-anak na hindi mo alam na mayroon ka pala.” Nagdulot sa akin ng kasikatan at pakinabang ang pagbubukas ng klinika, at lubos nitong nabigyang-kasiyahan ang banidad ko. Sa paglipas ng mga taon, patuloy na humusay ang aking mga kasanayan sa panggagamot, at dumarami nang dumarami ang mga taong nagpapagamot sa klinika. Inanyayahan ako ng ilang guro mula sa isang kalapit na paaralan na magbukas ng klinika sa kanilang eskuwelahan. Siyempre, hindi ko pinalampas ang ganoong kagandang pagkakataon para kumita ng pera. Pinagsabay kong patakbuhin ang dalawang klinika, at lalo akong naging abala. Ipinangaral sa akin ng hipag ko ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, pero wala akong panahong siyasatin dahil inilaan ko ang lahat ng oras at lakas ko sa aking negosyo. Minsan, natapos na ang trabaho ko pagkatapos kong turukan ang isang batang babae na dalawang taong gulang. Habang kumakain ako, tinawagan ako ng pamilya niya, sinasabing bumubula ang bibig ng bata at kinukumbulsyon, at nilalapatan ng emergency treatment sa Central Hospital. Pinapupunta nila ako doon sa lalong madaling panahon. Sobra akong natakot kaya namutla ako at nagmamadaling pumunta sa ospital. Sabi ng doktor na naka-duty, “Okay na siya ngayon. Maaaring allergic lang sa gamot ang bata.” Minsan naman, isang pasyente ang nagpa-skin allergy test, at wala namang naging reaksyon. Pero, habang sinusuweruhan siya, bigla siyang nagsimulang manginig. Nanginginig ang buong kama, at halos lumundag ang puso ko sa kaba. Pagkatapos lang ng emergency treatment saka siya dahan-dahang nakabawi. Pagkatapos ng dalawang insidenteng ito, araw-araw na akong ninenerbiyos, at palagi akong kinakabahan buong araw, takot na takot na baka may mangyaring aksidenteng medikal. Bagama’t kumikita ako ng pera sa pagpapatakbo ng mga klinika, at nasiyahan ang aking pagka-banidosa sa paghanga at respeto ng iba, pagkatapos umalis ng lahat sa pagtatapos ng mahaba at abalang araw, ang nararamdaman ko lang ay kahungkagan at pagkalito. Nananampalataya na ako sa Panginoong Jesus mula pagkabata, at bago ako nagbukas ng klinika, madalas akong magdasal at magbasa ng Bibliya. Pero ngayon, ang iniisip ko na lang buong araw ay kung paano mag-ingat sa panggagamot, kung paano pagbutihin ang mga kasanayan ko sa medisina, at mapagtagumpayan ang kompetisyon sa mga kasamahan ko sa propesyon. Hindi na ako nagdarasal o nagbabasa ng Bibliya; para na akong isang hindi mananampalataya. Palayo nang palayo ang puso ko sa Diyos, at namumuhay na akong tulad ng isang walang pananampalataya. Gusto kong magbago, pero sa sobrang abala ko buong araw, wala akong lakas para kumawala.

Ang malaking pagbabago sa buhay ko bilang mananampalataya sa Diyos ay noong 2008. 36 taong gulang ako noon, at buntis sa pangalawa kong anak. Sa ikaapat na buwan ng pagbubuntis, na-diagnose ako na may altapresyon, at pagsapit ng ikaanim o ikapitong buwan, nagsimulang mamaga ang buong katawan ko, nagsimulang lumuwag ang mga ngipin ko, at sa isang punto, pumuti na rin ang buhok ko. Naospital ako dahil patuloy na tumataas ang presyon ng dugo ko. Isang gabi, nagsimulang magdugo ang marami sa aking mga ngipin, at nagsimula ring sumakit ang tiyan ko. Lumitaw ang mga senyales ng matinding pagdurugo, at pagkatapos ng emergency na konsultasyon sa maraming doktor, agad na nagpasya ang doktor kong magsagawa ng cesarean section. Sinabi rin niya na may posibilidad na pareho kaming hindi makaligtas ng anak ko sa operasyon. Nakahiga ako sa operating table, pinakikinggan ang kalansing ng mga instrumentong pang-opera, at napuno ang isip ko ng buhol-buhol na mga iniisip: “36 taong gulang pa lang ako at palagi kong hinahangad ang pera, kasikatan, at pakinabang. Kung mamamatay ako, ano pang silbi ng lahat ng pera sa mundo? Walang anumang halaga ng pera ang makapagliligtas sa buhay ko! Hindi ba’t ang pera, kasikatan, pakinabang, at paghanga ay pawang lumilipas lang?” Habang inooperahan ako, gulat na sinabi ng doktor, “Tatlong-kapat na ang natanggal sa inunan, at walang matinding pagdurugo. Ligtas kayo ng anak mo. Isang malaking biyaya ito!” Pagkalabas sa ospital, napakahina ko at kinailangan kong magpagaling sa bahay. Muling nagpatotoo sa akin ang hipag ko tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Habang nakikinig sa kanyang pagbabahaginan, naunawaan ko na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa mga huling araw upang ipahayag ang katotohanan at iligtas ang mga tao. Sa pagtanggap lamang sa katotohanan malilinis at mababago ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao; saka lamang sila mapoprotektahan ng Diyos sa mga kalamidad at makaliligtas para makarating sa isang napakagandang hantungan. Binalikan ko ang mga taon kung kailan inilaan ko ang lahat ng oras at lakas ko sa aking negosyo. Hindi ko kailanman hinangad na siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Kung isasara ko ang sarili ko sa tunay na Diyos, lalabanan ko ang Diyos! Medyo natakot ako sa naisip kong ito, kaya nagpasya akong siyasatin ang tunay na daan. Sa mga sumunod na araw, nagbasa ako ng maraming salita ng Makapangyarihang Diyos, at natiyak ko na ang Panginoong Jesus ay nagbalik bilang Makapangyarihang Diyos. Tinanggap ko noon ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nagsimulang mamuhay ng buhay iglesia.

Matapos makipagtipon sa loob ng ilang panahon, gumaling ang katawan ko, at hindi nagtagal, napili ako bilang diyakono para sa pagdidilig. Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos sa pagtataas sa akin para makagawa ako ng tungkulin. Madalas akong wala sa mga klinika dahil marami akong dinadaluhang pagtitipon, at paunti na nang paunti ang mga pasyenteng dumarating. Labis akong nabalisa, at naisip ko, “Ano na lang ang mangyayari kung magpapatuloy ito?! Kung lahat ng dati kong pasyente ay magpapagamot sa iba, paano na ako kikita ng pera sa hinaharap? Kung magpapatuloy ito, hindi ba’t mapipilitan akong isara ang mga klinika? Hindi puwede iyon! Kailangan kong kausapin ang mga lider ng iglesia at hilingin sa kanilang bawasan ang mga grupo ng pagtitipon na ako ang namumuno.” Pero naisip ko: Isa akong nilikha at dapat kong gawin ang tungkulin ko sa abot ng aking makakaya; ito ang konsensiya at katwirang dapat kong taglayin. Kaya, wala akong sinabi sa mga lider. Gayumpaman, sa mga pagtitipon, labis akong nabagabag at hindi mapalagay, at palihim kong tinutuos kung gaano kalaking pera ang nawala sa akin sa pagdalo sa pagtitipon. Hindi ko pinatahimik ang puso ko sa harap ng Diyos para pagnilayan ang Kanyang mga salita. Alam kong hindi tama ang kalagayan ko, kaya lumapit ako sa harap ng Diyos para manalangin at humingi ng patnubay. Isang araw, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kung hindi ka naghahanap ng mga pagkakataong maperpekto ng Diyos, at kung hindi ka nagpupunyaging makaungos sa grupo sa paghahangad mong maperpekto, sa bandang huli ay mapupuspos ka ng pagsisisi. Ngayon ang pinakamainam na pagkakataong maperpekto; ngayon ay napakagandang panahon. Kung hindi mo marubdob na hinahangad na maperpekto ng Diyos, kapag nagwakas na ang Kanyang gawain, magiging huli na ang lahat—nalagpasan ka na ng pagkakataon. Gaano man kadakila ang iyong mga hangarin, kung hindi na gumaganap ng gawain ang Diyos, anuman ang gawin mo, hindi ka na kailanman mapeperpekto. Kailangan mong samantalahin ang pagkakataong ito at makipagtulungan habang ginagawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang dakilang gawain. Kung makalagpas sa iyo ang pagkakataong ito, hindi ka na mabibigyan ng isa pa, anuman ang gawin mo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maging Mapagsaalang-alang sa mga Layunin ng Diyos para Makamit ang Pagiging Perpekto). “Kung maglalatag Ako ng kaunting pera sa harap ninyo ngayon mismo at bibigyan kayo ng kalayaang pumili—at hindi Ko kayo kokondenahin nang dahil sa pinili ninyo—pipiliin ng karamihan sa inyo ang pera at tatalikuran ang katotohanan. Ang mas mababait sa inyo ay tatalikuran ang pera at atubiling pipiliin ang katotohanan, habang yaong mga nag-aalangan ay susunggaban ang pera sa isang kamay at ang katotohanan sa kabilang kamay. Hindi ba kusang lalabas ang tunay ninyong kulay sa ganoon? Sa pagpili sa pagitan ng katotohanan at ng anumang bagay na matapat kayo, lahat kayo ay pipili sa ganitong paraan, at magiging pareho pa rin ang ugali ninyo. Hindi ba’t ganoon? Hindi ba marami sa inyo ang nag-alinlangan sa pagitan ng tama at mali? Sa lahat ng pakikibaka sa pagitan ng positibo at negatibo, ng itim at puti—sa pagitan ng pamilya at ng Diyos, ng mga anak at ng Diyos, ng pagkakasundo at pagkakawatak, ng kayamanan at kahirapan, ng katayuan at pagiging ordinaryo, ng masuportahan at ng maitakwil, at iba pa—tiyak na hindi kayo mangmang sa mga ginawa ninyong desisyon! Sa pagitan ng nagkakasundong pamilya at ng watak-watak na pamilya, pinili ninyo ang una, at ginawa ninyo iyon nang walang pag-aatubili; sa pagitan ng kayamanan at ng tungkulin, muli ninyong pinili ang una, at ayaw pa nga ninyong magbago ng isip; sa pagitan ng luho at ng kahirapan, pinili ninyo ang una; sa pagpili sa pagitan ng inyong mga anak at asawa, at sa Akin, pinili ninyo ang una; at sa pagitan ng kuru-kuro at ng katotohanan, pinili pa rin ninyo ang una. Nahaharap sa lahat ng klase ng inyong masasamang gawa, talagang nawalan na Ako ng tiwala sa inyo, talagang namangha Ako. Hindi inaasahan na ang inyong puso ay walang kakayahan na maging malambot. Ang dugo ng puso na ginugol ko sa loob ng maraming taon ay kagulat-gulat na walang idinulot sa akin kundi ang inyong pang-aabandona at kawalan ng gana, ngunit lumalago ang pag-asa Ko para sa inyo sa bawat araw na lumilipas, dahil ang araw Ko ay ganap nang nailantad sa harapan ng lahat. Ngunit ngayon ay hinahangad pa rin ninyo ang madidilim at masasamang bagay, at ayaw ninyong pakawalan ang mga ito. Ano, kung gayon, ang inyong kalalabasan? Naisaalang-alang na ba ninyo itong mabuti? Kung papipiliin kayong muli, ano kaya ang magiging saloobin ninyo?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka Matapat?). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko ang apurahang layunin ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Ngayon, ang gawain ng Diyos ay umabot na sa kritikal na sandali ng pagtatakda ng mga kahihinatnan ng mga tao. Iba’t ibang kalamidad ang nangyayari sa lahat ng dako, kabilang ang madalas na mga lindol, taggutom, at salot. Malapit nang matapos ang gawain ng Diyos, at ang pagsunod sa Diyos at pagtanggap sa Kanyang pagliligtas ang tanging pagkakataon nating maligtas. Kung palalampasin natin ang pagkakataong ito, pagsisisihan natin ito habambuhay. Biniyayaan ako ng Diyos ng pagkakataong gawin ang tungkulin ng pagdidilig, at ang Kanyang layunin ay hayaan akong magkamit ng mas maraming katotohanan sa pamamagitan ng paggawa ng aking tungkulin. Gayumpaman, natakot ako na kung dadalo ako sa napakaraming pagtitipon, mawawalan ako ng pagkakataong kumita ng pera at mawawala ang katanyagan ko bilang isang mayaman. Sa mga pagtitipon, hindi ko mapanatag ang puso ko para pagnilayan ang mga salita ng Diyos, at gusto ko pa ngang hilingin sa mga lider ko na bawasan ang mga grupo ng pagtitipon na ako ang namumuno. Sa pagitan ng pera at tungkulin, kumapit pa rin ako sa mga panlabas na bagay tulad ng pera, kasikatan, at pakinabang, na hindi ko kayang bitawan. Kapag natapos na ang gawain ng Diyos at dumating na ang malalaking kalamidad, kung hindi ko nakamit ang katotohanan, mamamatay ako sa mga kalamidad. Sa puntong iyon, gaano man ako tumangis at magngalit ng mga ngipin, o gaano man kapait ang aking pagsisisi, huli na ang lahat. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko rin na bagama’t ang paghahangad ng pera, kasikatan, at pakinabang ay maaaring magdulot ng kasiyahan sa laman at magbigay sa iyo ng respeto at paghanga mula sa iba, pansamantalang kasiyahan lang ito. Kapag dumating ang kalamidad, hindi talaga maililigtas ng pera ang buhay mo. Naisip ko kung paanong kahit na kumita ako ng kaunting pera sa pagpapatakbo ng mga klinika ko, halos mamatay ako sa matinding pagdurugo noong nanganganak ako. Kung hindi dahil sa pangangalaga at proteksyon ng Diyos, walang anumang halaga ng pera ang makapagliligtas sa buhay ko. Isang guro ang asawa ng kaibigan ko, at na-diagnose siya na may breast cancer noong nasa 30s niya. Kahit ang mamahaling imported na gamot ay hindi nakapagligtas sa buhay niya, at pumanaw siya sa edad na 36. Isa pa, isang kaklase ko ang nagpatakbo ng isang orthopedic hospital at medyo kilala sa aming bayan. Bigla na lang, na-diagnose siya na may liver cancer at nakalulungkot na pumanaw pagkalipas lang ng anim na buwan. Naalala ko ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Sapagkat ano ang pakikinabangan ng tao, kung makakamtan niya ang buong sanlibutan at maiwawala niya ang kanyang sariling buhay? O ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kanyang buhay?(Mateo 16:26). Totoo ito. Palala nang palala ang mga kalamidad nitong mga nakaraang taon, kung saan madalas na ang mga lindol, taggutom, at salot na nangyayari sa buong mundo. Napakaraming tao ang bigla na lang namamatay sa mga kalamidad na ito. Gaano man karami ang pera mo, lagi kang walang magawa sa harap ng kamatayan. Hindi kayang iligtas ng pera ang buhay ng sinuman. Sa pamamagitan lamang ng pagsunod sa Diyos, paghahangad sa katotohanan, at paggawa nang maayos sa tungkulin ng isang nilikha, maliligtas ka ng Diyos at makaliligtas; saka ka lamang magkakaroon ng magandang kapalaran at hantungan. Ngayon, hindi pa natatapos ang gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan. Dapat kong taimtim na hangarin ang katotohanan at pahalagahan ang kasalukuyan kong pagkakataon na gawin ang aking tungkulin. Pagkatapos niyon, mas madalas na akong nagbabasa ng mga salita ng Diyos kapag may oras ako, at nagagawa ko nang patahimikin ang puso ko sa mga pagtitipon.

Kalaunan, hiniling ng Health Bureau na pagsamahin ang lahat ng community clinic, isailalim sa iisang pamamahala, at ipatupad ang cooperative medical reimbursement system; hindi na mare-reimburse ang mga gastusing medikal ng mga pasyente para sa pagpapagamot sa mga pribadong klinika. Nilapitan ako ng ilang doktor na may klinika malapit sa aming komunidad para pag-usapan ang pagsasanib ng aming mga klinika. Naisip ko kung paano lalaki ang sukat ng mga klinika pagkatapos ng pagsasanib, at tiyak na mas malaki ang kikitain ko. Malaki ang naging tukso sa akin ng pagsasanib ng mga klinika. Gayunpaman, naisip ko kung paano ako gumagawa ngayon ng tungkulin ng pagdidilig, at halos araw-araw akong may mga pagtitipon. Noong nagpapatakbo ako ng sarili kong mga klinika, medyo maluwag ang iskedyul ko, pero kung magsasama ang mga klinika, tiyak na hahadlangan ako ng mga kasosyo ko na regular na dumalo sa mga pagtitipon para sa sarili nilang kapakanan, at hindi na ako magiging ganoon kalaya na dumalo sa mga pagtitipon at gawin ang mga tungkulin ko. Tiyak na magdurusa rin ang buhay espirituwal ko. Talagang hindi ko maaaring ipagsanib ang mga klinika nang hindi ito makakasagabal sa pagdalo ko sa mga pagtitipon at paggawa ng tungkulin ko. Gayumpaman, kung hindi ko isasanib ang mga klinika ko, tiyak na magiging paunti na nang paunti ang mga pasyente ko dahil makikita nilang hindi mare-reimburse ang kanilang mga gastusing medikal sa mga klinika ko. Sa paglipas ng panahon, tiyak na malulugi ang mga klinika, at pagkatapos ay tuluyan na akong mawawalan ng paraan para kumita ng pera. Sa harap ng pagpiling ito, nag-alinlangan ako at sinabi sa kanila, hayaan muna ninyong pag-isipan ko pa ito nang mabuti. Sa mga sumunod na araw, parang dinadaganan ng malaking bato ang puso ko sa sobrang bigat. Lumapit ako sa harap ng Diyos para manalangin, “Mahal kong Makapangyarihang Diyos, nahaharap po ngayon ang mga klinika ko sa planong ito ng pagsasanib. Naguguluhan po ako sa bagay na ito at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nawa’y akayin Mo po ako.”

Pagkatapos, nagbasa ako ng mga salita ng Diyos: “‘Pera ang nagpapaikot sa mundo’; ito ba ay isang kalakaran? Hindi ba ito mas masahol pa kumpara sa mga kalakaran sa moda at masasarap na pagkain na inyong binanggit? Pilosopiya ni Satanas ang ‘Pera ang nagpapaikot sa mundo.’ Nangingibabaw ito sa buong sangkatauhan, sa bawat lipunan ng mga tao; maaari ninyong sabihin na ito ay isang kalakaran. Ito ay dahil ikinintal ito sa puso ng bawat isang tao, na sa una ay hindi tinanggap ang kasabihang ito, ngunit pagkatapos ay binigyan ito ng tahimik na pagtanggap noong maranasan na nila ang tunay na buhay, at nagsimula nilang maramdaman na totoo nga ang mga salitang ito. Hindi ba ito proseso ni Satanas na ginagawang tiwali ang mga tao? Marahil, ang mga tao ay walang katulad na antas ng kaalamang batay sa karanasan sa kasabihang ito, ngunit ang lahat ay mayroong magkakaibang mga antas ng interpretasyon at pagkilala sa kasabihang ito batay sa mga bagay na nangyari sa kanilang paligid at sa kanilang mga sariling karanasan. Hindi ba’t ganito ang sitwasyon? Gaano man karami ang karanasan ng isang tao sa kasabihang ito, ano ang negatibong epekto na maaaring maidulot nito sa puso ng isang tao? Nabubunyag ang isang bagay sa pamamagitan ng disposisyon ng mga tao sa mundong ito, kasama na ang bawat isa sa inyo. Ano ito? Ito ay pagsamba sa pera. Mahirap bang alisin ito mula sa puso ng isang tao? Napakahirap nito! Tila sadyang napakalalim ng pagtitiwali ni Satanas sa mga tao! Ginagamit ni Satanas ang pera upang tuksuhin ang mga tao, at tiwaliin silang sumamba sa pera at sambahin ang mga materyal na bagay. At paano naipapamalas sa mga tao ang pagsambang ito sa pera? Inaakala ba ninyo na hindi niyo kayang manatiling buhay sa mundong ito nang walang pera, na ang kahit isang araw na walang pera ay imposible? Ang katayuan ng mga tao ay base sa kung gaano karaming pera ang mayroon sila, gayundin ang paggalang na karapat-dapat sa kanila. Ang mga likod ng mahihirap ay nakayuko sa hiya, habang nagpapakasasa ang mayayaman sa kanilang mataas na katayuan. Nakatayo sila nang tuwid at nagmamalaki, nagsasalita nang malakas at namumuhay nang may pagmamataas. Ano ba ang dinadala ng kasabihan at kalakarang ito sa mga tao? Hindi ba totoo na gagawin ng marami ang anumang sakripisyo para makakuha ng pera? Hindi ba’t ang maraming tao ay nawawalan ng kanilang dignidad at integridad sa paghahanap ng mas maraming pera? Hindi ba marami ang mga taong nawawalan ng pagkakataon na gampanan ang kanilang tungkulin at sumusunod sa Diyos para lamang sa pera? Hindi ba ang pagkawala ng pagkakataong matamo ang katotohanan at maligtas ang pinakamalaki sa lahat ng nawala sa mga tao? Hindi ba’t masama si Satanas sa paggamit sa pamamaraang ito at sa kasabihang ito upang gawing tiwali ang tao hanggang sa ganitong antas? Hindi ba ito malisyosong pandaraya?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V). Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na sa tuwing kailangan kong pumili sa pagitan ng tungkulin at pera, palagi kong pinipili ang pera at mga pakinabang. Ang ugat nito ay ang pinsalang dulot ng mga satanikong kaisipan at ideya. Mula pagkabata, ang mga satanikong kaisipan at ideya tulad ng “Pera ang nagpapaikot sa mundo,” at “Kapag mahirap ka sa lungsod, wala ni isa ang may pakialam sa iyo, pero kapag mayaman ka sa bundok, bigla kang nagkakaroon ng mga kamag-anak na hindi mo alam na mayroon ka pala” ay nakatatak na sa puso ko. Naniwala ako na ang pera ay nagbibigay sa iyo ng katayuan sa mata ng iba, at sa pamamagitan lang ng pera ka makakaasal nang taas noo, makakapamuhay nang marangya, at makapapamuhay nang maningning at kaakit-akit; kung wala kang pera, mababa ang tingin sa iyo ng iba. Noong bata ako, dahil mahirap ang pamilya namin, determinado akong makapasok sa kolehiyo at iwanan ang buhay ng kahirapan. Gayumpaman, gumuho ang pangarap kong makapasok sa kolehiyo nang ma-diagnose ang nanay ko na may sakit na walang lunas bago ang entrance examination sa kolehiyo. Ang panunuya ng mga makamundong tao ay lalo pang nagpatindi sa determinasyon kong maging mayaman. Nang makita kong maaaring magdulot ng kasikatan at pakinabang ang pagiging doktor, pumasok ako sa paaralang pang-medisina, kumuha ng mga pagsusulit para maging kalipikado at nagbukas ng klinika. Makalipas ang ilang taon, nagkamit ako ng ilang tagumpay, at nabigyang-kasiyahan ang banidad ko sa paghanga at papuri ng mga tao. Lalo pa akong naging kumbinsido na ang pagkakaroon ng pera ay nagpaparangal sa buhay ng isang tao. Itinuring ko ang pera, kasikatan, at pakinabang bilang layon ng paghahangad ko sa buhay. Sa mga taong iyon, inilaan ko ang lahat ng oras at lakas ko sa aking negosyo sa paghahangad ng yaman. Dahil sa matinding stress buong araw, nagkaroon ako ng altapresyon, at nagkaroon ng komplikasyon ng pregnancy-induced hypertension noong nanganganak ako. Kung hindi dahil sa proteksyon ng Diyos, matagal na sana akong namatay. Sa loob ng walong taon, paulit-ulit na masigasig na ipinangaral sa akin ng hipag ko ang ebanghelyo, pero buong araw akong abala para kumita ng pera. Parang nabalot ng ulap ang kaluluwa ko, at wala akong interes na siyasatin ang tunay na daan; paulit-ulit kong tinanggihan ang pagliligtas ng Diyos. Muntik ko nang pinalampas ang dakilang pagkakataon ng pagliligtas ng Diyos. Kahit matapos akong magsimulang manampalataya sa Diyos, hindi pa rin nagbago ang pananaw ko sa mga bagay-bagay. Natakot ako na kung masyado akong maraming gagawing tungkulin o dadaluhang pagtitipon, mawawalan ako ng pagkakataong kumita, kaya ayaw kong maging responsable sa napakaraming grupo ng pagtitipon. Sa mga pagtitipon, hindi ko mapanatag ang puso ko para pagnilayan ang mga salita ng Diyos, at naapektuhan ang buhay pagpasok ko. Tulad ng isiniwalat ng Diyos: “Hindi ba marami ang mga taong nawawalan ng pagkakataon na gampanan ang kanilang tungkulin at sumusunod sa Diyos para lamang sa pera? Hindi ba ang pagkawala ng pagkakataong matamo ang katotohanan at maligtas ang pinakamalaki sa lahat ng nawala sa mga tao?” Namuhay ako ayon sa mga satanikong tuntunin ng pag-iral, at tinahak ang maling landas ng paghahangad ng pera, kasikatan, at pakinabang. Nagdulot ito ng pagdurusa sa aking laman at, higit pa, ng kawalan sa aking buhay. Ipinapakita ng mga katunayan na ang “Pera ang nagpapaikot sa mundo,” at “Hindi kalahatan ang pera, ngunit kapag wala ito, wala kang magagawa” ay mga satanikong maling kaisipan na inililihis, ginagawang tiwali, at nilalamon ang mga tao. Kung mananatili akong hindi nakikilatis ang mga paraan ng pamiminsala ni Satanas sa mga tao, at patuloy na magsusumikap para sa pera, kasikatan, at pakinabang, sa huli, tiyak na bibihagin ako ni Satanas at masisira ang pagkakataon kong maligtas. Nang maunawaan ko ito, nagpasya akong hindi na isanib ang mga klinika, at kapag natapos na ang upa, isasara ko ang mga klinika at magtutuon sa paggawa ng aking tungkulin. Nang tawagan akong muli ng mga kapwa ko doktor, nilinaw ko na hindi ko isasanib ang mga klinika. Bagama’t mas kaunti ang kinikita kong pera, malaya akong makipagtipon at gawin ang aking tungkulin. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, naging payapa at panatag ang puso ko.

Hindi nagtagal, natapos na ang upa, at nagsimula na naman akong mag-alinlangan. Naisip ko kung paanong inabot ako ng isang buong dekada mula sa pag-aaral ng medisina hanggang sa pagbubukas ng mga klinika, at ang lahat ng hirap na pinagdaanan ko at lahat ng masisidhing pagsisikap na ginugol ko para buksan ang mga klinika ko. Talagang nag-aatubili akong bitawan ang mga iyon. Naisip ko rin na kung isasara ko ang mga klinika, hindi lang sasama ang materyal na buhay ko kaysa dati, mawawala rin sa akin ang papuri at paghanga ng iba. May nangyayaring labanan sa puso ko, at hindi ko alam kung ano ang gagawin, kaya lumuhod ako at taimtim na nanalangin sa Diyos, “Mahal na Makapangyarihang Diyos, sinabi ko po minsan na isasara ko ang mga klinika para gawin nang maayos ang aking tungkulin kapag natapos na ang upa. Pero hindi ko pa rin po lubusang kayang bitawan ang mga iyon. Nawa’y bigyang-liwanag at gabayan Mo po ako, at bigyan ng pananalig at lakas.” Pumasok ako sa klinika noong araw na iyon. Habang papunta roon, bigla akong nakakita ng isang kabaong na napakaitim sa harap ng isang pribadong ospital, na may mga korona ng bulaklak sa tabi nito. Bahagya kong naririnig ang tunog ng pag-iyak, at nabigla ako. May nangyaring aksidenteng medikal! Pagkatapos magtanong, nalaman kong isang babae at ang kanyang sanggol ang namatay sa panganganak sa ospital na ito. Hindi ko maiwasang isipin kung paanong bagama’t may ilang maliliit na aksidente sa mga klinika ko sa mga nakaraang taon, lumipas ang lahat ng iyon nang walang malubhang pinsala. Hindi ito dahil sa napakahusay kong kasanayan sa panggagamot, ni hindi rin dahil sa maingat kong panggagamot. Lahat ng iyon ay dahil sa pangangalaga at proteksyon ng Diyos! Kung walang pangangalaga at proteksyon ng Diyos, isang aksidenteng medikal lang ay sapat na para maubos ang lahat ng ari-arian ko. Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos sa puso ko, at alam kong kailangan kong suklian ang pagmamahal ng Diyos. Naisip ko kung paanong malapit nang matapos ang gawain ng Diyos, at nagmamadali na ang lahat ng mga kapatid na gawin ang kanilang mga tungkulin para makapaghanda ng sapat na mabubuting gawa para sa kani-kanilang mga hantungan. Gayumpaman, nagapos ako sa mga klinika, at hindi ako makapaglaan ng mas maraming oras at lakas sa aking mga tungkulin. Ang maligamgam kong pananalig sa Diyos ay hindi lamang nakakaapekto sa mga resulta ng tungkulin ko, kundi napipinsala rin nito ang sarili kong buhay. Pagkatapos, nabasa ko ang “Ang Pinakamakabuluhang Buhay,” isang himno ng mga salita ng Diyos: “Isa kang nilikha—mangyari pa ay dapat mong sambahin ang Diyos at hangaring mamuhay nang makahulugan. Dahil isa kang tao, dapat mong gugulin ang sarili mo para sa Diyos at tiisin ang lahat ng pagdurusa! Dapat mong tanggapin nang masaya at may katiyakan ang kaunting pagdurusang pinagdaraanan mo ngayon at mamuhay ka nang makahulugan, kagaya nina Job at Pedro. Kayo ay mga taong patuloy na naghahangad sa tamang landas, yaong mga naghahanap ng paglago. Kayo ay mga taong naninindigan sa bansa ng malaking pulang dragon, yaong mga tinatawag na matuwid ng Diyos. Hindi ba iyon ang pinakamakahulugang buhay?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa (2)). Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na bilang isang nilikha, kung mapipili kong sundin ang Diyos sa buong buhay ko at gawin nang maayos ang tungkulin ko bilang isang nilikha, ito ang pinakamahalaga at pinaka-makabuluhang uri ng buhay. Naisip ko si Pedro. Nang tawagin siya ni Jesus, iniwan niya ang kanyang mga lambat at binitiwan ang mga kagamitang ginagamit niya sa paghahanapbuhay. Iniwan niya ang lahat para sundan ang Panginoong Jesus, at sa huli ay nakamit niya ang katotohanan at ginawang perpekto ng Diyos. Sa kabaligtaran, nang tingnan ko ang aking sarili, nakita kong namuhay ako ayon sa mga satanikong kaisipan at ideya, na hinahangad ang pera, kasikatan, at pakinabang. Unti-unti, nawalan ng lugar ang Diyos sa puso ko at nalugmok ako sa pagiging isang hindi mananampalataya. Awa ng Diyos ang nagbalik sa akin sa Kanyang sambahayan, at dapat kong lubos na pahalagahan ang pagkakataong gawin ang aking tungkulin ngayon. Naisip ko ang sinabi ng Diyos: “Pumaparito sa lupa ang mga tao at bihirang Ako ay matagpuan, at bihira ding magkaroon ng oportunidad na hanapin at matamo ang katotohanan. Bakit hindi ninyo pahalagahan ang magandang panahong ito bilang tamang landas na hahangarin sa buhay na ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita Para sa mga Kabataan at Matatanda). Totoo ito. Ito ang tanging pagkakataon kong maligtas. Kung hindi ako agad magseseryoso sa pagsunod sa Diyos at paghahangad sa katotohanan para maligtas, kapag dumating ang mga kalamidad, mawawala ang buhay ko. Kung gayon, kahit kitain ko pa ang lahat ng pera sa mundo, ano pa ang halaga o kabuluhan niyon? Nagpapatakbo ako ng mga klinika habang ginagawa ang aking mga tungkulin, at wala akong masyadong oras para magbasa ng mga salita ng Diyos at hangarin ang katotohanan para malutas ang sarili kong tiwaling disposisyon. Bilang isang taong nananampalataya lang sa Diyos sa aking libreng oras, kailan ko mauunawaan ang katotohanan? Sa pamamagitan lamang ng paghahangad sa katotohanan at paggawa nang maayos sa tungkulin ng isang nilikha tayo maliligtas at magkakaroon ng isang napakagandang hantungan. Ito ang tamang landas sa buhay. Kinailangan kong bitiwan ang mga klinika at ilaan ang lahat ng oras ko sa paggugol ng sarili ko para sa Diyos. Pagkatapos, isinara ko ang mga klinika.

Ang pamumuno at gaubay ng mga salita ng Diyos ang nagbigay sa akin ng pagkilatis sa masamang intensiyon ni Satanas na iligaw at gawing tiwali ang mga tao gamit ang pera, kasikatan, at pakinabang, at tinulungan akong maunawaan ang halaga at kabuluhan ng paghahangad sa katotohanan sa buhay. Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa pamumuno at gabay ng Kanyang mga salita, na nagbigay-daan sa akin na gumawa ng isang matalinong pagpili sa pagitan ng negosyo at tungkulin. Patuloy kong ginagawa ang tungkulin ko sa iglesia sa nakalipas na ilang taon. Habang ginagawa ang aking mga tungkulin, maraming tiwali kong disposisyon ang nabunyag, at sa pamamagitan ng pananalangin at paghahanap sa katotohanan, nagkaroon ng ilang pagbabago ang mga tiwali kong disposisyon at unti-unti na akong nagsimulang mamuhay nang may wangis ng tao. Ang mga pagbabagong pinagdaanan ko ay bunga ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos para sa Kanyang pagliligtas!

Sinundan:  49. Ang Pagtukoy sa mga Problema ay Hindi Katulad ng Pagpuna sa mga Pagkukulang

Sumunod:  57. Ang Aking Natamo sa Pagkakatalaga sa Ibang Tungkulin

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger