81. Walang Pagkakaiba sa Katayuan o Ranggo sa mga Tungkulin

Ni Lei Bing, Tsina

Noong 2023, isinaayos ng mga lider na mangaral ako ng ebanghelyo dahil mahina ang kakayahan ko at hindi ko kinaya ang mga tungkuling nakabatay sa teksto. Noong panahong iyon, pakiramdam ko ay napahiya ako. Naisip ko, “Alam ng lahat ng kapatid na natanggal ako dahil sa mahina kong kakayahan. Ano na lang kaya ang iisipin nila sa akin?” Sobrang sama ng loob ko. Isang araw, pag-uwi ko galing sa pangangaral ng ebanghelyo, nakatanggap ako ng sulat mula sa mga lider. Sabi nila, kulang sila sa tao at gusto nilang bumalik ako sa lugar kung saan ko dating ginagawa ang tungkulin ko. Napakasaya ko nang makita ko ito, at naisip ko, “Ngayon ay makakagawa na ulit ako ng mga tungkuling nakabatay sa teksto!” Pero nang nagpatuloy ako sa pagbabasa, agad akong nanlumo. Iyon pala, gusto ng mga lider na pumunta ako roon para gawin ang tungkulin ng pagpapatuloy. Lubos akong nadismaya. Sa isip-isip ko, “Wala na. Ang tungkuling ito ay laging ginagawa ng mga mas nakatatandang kapatid. Paano naman ako nauwi sa pagluluto para sa mga tao? Sobrang nakakababa naman nito! Masyadong nakakahiya! Saka, dati, mga tungkuling nakabatay sa teksto ang ginagawa ko, pero ngayon, sa isang iglap, pagpapatuloy na ang ginagawa ko. Paano pa ako makakatingin sa mata ng mga brother na dati kong katuwang? Naging lider ako at gumawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto, at itinuturing akong isang taong may talento ng mga kapatid sa bayan ko. Ano na lang kaya ang iisipin nila sa akin kung malaman nilang nagluluto at nagpapatuloy na ako ngayon sa malayo? Wala na akong mukhang ihaharap!” Nang maisip ko ito, nakaramdam ako ng labis na paglaban, at ayaw kong tanggapin ang tungkuling ito. Gayumpaman, atubili akong sumang-ayon dahil nag-alala ako na baka sabihin ng mga lider na hindi ako masunurin.

Pagdating ko sa tahanang matutuluyan, medyo nahirapan akong tumingin sa mata ng mga brother na kilala ko noon pa; pakiramdam ko ay mas mababa ako. Para maiwasan ang kahihiyan, sinikap kong manatili sa kuwarto ko nang mag-isa hangga’t maaari at iwasan silang makasalamuha. Kapag nakikita ko silang umaalis para gawin ang mga tungkulin nila pagkatapos kumain, habang ako naman ay abala sa paghuhugas ng pinggan, pagpupunas ng mesa, at pagwawalis, habang ginagawa ko iyon, nagsimula nang sumama ang loob ko. Pakiramdam ko ay para akong isang katulong. Minsan, inihahagis ko na lang sa isang tabi ang walis at umiiwas akong maglinis nang ilang araw, at kung minsan, tinutulungan ako ng mga brother sa paglilinis. May isang brother na may problema sa kalusugan at hindi puwedeng kumain ng sobrang anghang, at maraming beses niya akong pinaalalahanan na huwag masyadong anghangan ang luto. Pero, hindi ko ito matanggap nang tama at inakala kong tinatrato nila ako na parang alila, kaya nagdamdam ako. Kapag nagluluto ako, hindi ako naglalagay ni isang sili, at hinahayaan kong mabulok ang mga sili kaysa kainin para lang mailabas ang sama ng loob ko. Nang makita ang saloobin ko, hindi na ito binanggit pa ng mga kapatid. Pagkatapos, sinisi ko ang sarili ko at alam kong hindi ko dapat ginawa iyon, pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Naging lalo akong iresponsable sa tungkulin ko, at kung hindi sobra, kulang naman ang niluluto kong pagkain. Hindi ko na tinatanong kung nabubusog ba ang mga kapatid, at palagi kong gustong takasan ang tungkuling ito. Pero, natatakot ako na baka sabihin ng mga kapatid na hindi ako nagpapasakop sa kapaligirang isinaayos ng Diyos, kaya hindi ako nangahas na banggitin ito. Gayumpaman, sumasama ang loob ko sa tuwing kaharap ko na ang mga kaldero’t kawali, at ang paghuhugas. Naisip ko, “Ang tungkuling ito ay laging ginagawa ng mga mas nakatatandang kapatid. Kung malaman ng mga kapatid na kilala ako na isa akong tagapagluto, sino pa kaya ang titingala sa akin?” Ang mga naiisip kong ito ay gumising sa matagal ko nang kinikimkim na pagkadismaya, kaya di ako mapalagay. Napagtanto kong mali ang kalagayan ko, at nanalangin ako sa Diyos sa puso ko, “Diyos ko, alam kong nasa pagdating ng kapaligirang ito sa akin ang Iyong layunin. Nagmamakaawa ako sa Iyo, akayin Mo akong magpasakop!”

Pagkatapos, nagnilay-nilay ako, “Bakit ayaw na ayaw kong gawin ang tungkulin ng pagpapatuloy?” Isang araw sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na talagang tumama sa kalagayan ko. Sabi ng Diyos: “Kumpara sa mga normal na tao, mas matindi ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang reputasyon at katayuan, at isa itong bagay na nakapaloob sa kanilang disposisyong diwa; hindi ito isang pansamantalang interes, o ang lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang diwa. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng mga anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, wala nang iba pa. Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ang kanilang buhay at ang kanilang panghabambuhay na layon. Sa lahat ng kanilang ginagawa, ang una nilang isinasaalang-alang ay: ‘Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng magandang reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?’ Iyon ang unang bagay na kanilang iniisip, na sapat na patunay na mayroon silang disposisyon at diwa ng mga anticristo; iyon ang dahilan kaya kinokonsidera nila ang mga bagay sa ganitong paraan. Maaaring sabihin na para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ay hindi kung anong karagdagang hinihingi lamang, lalong hindi mga bagay na panlabas sa kanila na makakaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Hindi masasabing ang mga anticristo ay walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng reputasyon at katayuan; hindi ganito ang kanilang saloobin. Kung gayon, ano ang kanilang saloobin? Ang reputasyon at katayuan ay malapit na nauugnay sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang hinahangad sa araw-araw. … Masasabi na sa puso ng mga anticristo, ang paghahangad sa katotohanan sa kanilang pananalig sa Diyos ay ang paghahangad sa reputasyon at katayuan, at ang paghahangad sa reputasyon at katayuan ay ang paghahangad din sa katotohanan; ang magkamit ng reputasyon at katayuan ay ang makamit ang katotohanan at buhay. Kung nararamdaman nila na wala silang kasikatan, pakinabang, o katayuan, na walang tumitingala sa kanila, nagpapahalaga sa kanila, o sumusunod sa kanila, bigong-bigo sila, naniniwala silang wala nang saysay pang maniwala sa Diyos, wala na itong kabuluhan, at sinasabi nila sa kanilang sarili na, ‘Bigo ba ang gayong pananalig sa diyos? Hindi ba’t wala na akong pag-asa?’ Madalas na kinakalkula nila ang gayong mga bagay sa kanilang puso. Kinakalkula nila kung paano sila makalilikha ng sariling puwang sa sambahayan ng Diyos, kung paano sila maaaring magkaroon ng matayog na reputasyon sa iglesia, kung paano nila mapapakinig ang mga tao kapag nagsasalita sila, at mapapasuporta sa kanila kapag kumikilos sila, kung paano nila mapapasunod sa kanila ang mga tao nasaan man sila, at kung paano sila magkakaroon ng maimpluwensiyang tinig sa iglesia, at ng kasikatan, pakinabang, at katayuan—talagang pinagtutuunan nila ang gayong mga bagay sa puso nila. Ang mga ito ang hinahangad ng gayong mga tao(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Inilalantad ng Diyos na itinuturing ng mga anticristo ang katayuan at reputasyon bilang pinakabuhay nila. Anuman ang tungkuling ginagawa ng mga anticristo, hindi nila kailanman isinasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Sa halip, ang iniisip lang nila ay kung magkakaroon ba sila ng katanyagan at paghanga ng iba, at sa sandaling hindi nila makamit ang reputasyon at katayuan, para na ring kinuha ang buhay nila. Ito ay itinatakda ng diwa ng mga anticristo. Ang pag-uugali ko ay katulad ng sa mga anticristong inilantad ng Diyos. Naniniwala ako na ang pagiging isang lider o paggawa ng mga tungkuling may teknikal na aspekto, o iyong mga kagalang-galang at kapansin-pansin, ay magdudulot ng paghanga ng mga tao sa akin, at saka lang magiging mahalaga o makabuluhan ang buhay. Sa kabaligtaran, naniniwala akong mas mababa ang paggawa ng tungkulin ng pagpapatuloy at walang sinumang titingala sa akin. Nang tanggalin ako sa paggawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto, pakiramdam ko ay parang kinuha na ang buhay ko. Natatakot akong maliitin ako ng mga kapatid kung malalaman nilang inilipat ako dahil sa mahina kong kakayahan. Lalo na noong hilingin sa aking gawin ang tungkulin ng pagpapatuloy, pakiramdam ko ay ganap akong naparalisa. Naisip ko kung paanong, noong lider pa ako ng iglesia, madalas akong nakikipagtipon at nakikipagbahaginan sa mga kapatid at nagpapatupad ng gawain, at sa kanilang paningin, itinuturing akong isang taong may talento. Pero ngayon, naging tagapagluto na ako, at pakiramdam ko ay lubos akong napahiya. Sa tuwing naiisip ko ito, nakakaramdam ako ng pagkakasakal, paghihinanakit, at pagiging miserable, at hindi ako makapagpasakop. May isang brother na hindi makakain ng sobrang anghang dahil sa problema sa kalusugan, at maraming beses niya akong pinaalalahanan na bawasan ang sili. Makatwiran naman ang hiling na iyon at isang bagay na dapat kong isinaalang-alang bilang isang gumagawa ng tungkulin ng pagpapatuloy, at dapat ko sanang tinanggap ito. Pero hindi ko siya isinaalang-alang at inakala ko pang minamaliit niya ako, kaya nakipagtalo ako sa kanya, at sa tungkulin ko pa ibinunton ang galit ko. Sobra akong nilamon ng katayuan at reputasyon kaya nawalan na ako ng normal na pagkatao. Hindi ko inisip kung paano gagawin nang maayos ang tungkulin ko ng pagppaatuloy sa mga kapatid. Puno ang isip ko ng mga iniisip tungkol sa aking reputasyon at katayuan, at palagi kong gustong takasan ang tungkulin ko. Talagang wala akong konsensiya at pagkatao. Nanalangin ako sa Diyos sa puso ko, handang magsisi at tratuhin nang tama ang aking mga tungkulin.

Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa mga usapin kung saan ang mga tao ay nabigong manatili sa wastong lugar nila, at nabigong tuparin ang dapat nilang gawin—sa madaling salita, kapag nabibigo sila sa kanilang tungkulin—magiging buhol iyon sa kanilang kalooban. Ito ay sobrang praktikal na problema, at problemang kailangang lutasin. Kung gayon paano ito lulutasin? Anong klaseng saloobin ang dapat taglayin ng mga tao? Una sa lahat, dapat maging handa silang magbago. At paano dapat isagawa ang kahandaang ito na magbago? Halimbawa, dalawang taon nang lider ang isang tao, pero dahil mahina ang kakayahan niya ay hindi niya nagagawa nang maayos ang gawain niya, hindi niya makita nang malinaw ang anumang sitwasyon, hindi niya alam kung paano gamitin ang katotohanan para lutasin ang mga problema, at hindi siya makagawa ng anumang tunay na gawain; kaya, tinanggal siya. Kung, pagkatapos siyang tanggalin, ay nagagawa niyang magpasakop, patuloy niyang ginagampanan ang tungkulin niya, at handa siyang magbago, ano ang dapat niyang gawin? Una sa lahat, dapat niyang maunawaan ito, ‘Tama ang Diyos na gawin ang ginawa Niya. Napakahina ng kakayahan ko, at napakatagal na akong walang ginawang tunay na gawain at sa halip ay naantala ko lamang ang gawain ng iglesia at ang buhay pagpasok ng mga kapatid. Masuwerte ako na hindi ako agad pinatalsik ng sambahayan ng Diyos. Talagang wala akong kahihiyan, kumapit ako sa posisyon ko sa buong panahong ito at naniwala pa nga na nakagawa ako ng napakadakilang gawain. Talagang hindi ako makatwiran!’ Ang makaramdam ng pagkamuhi sa sarili at ng pagsisisi: ito ba ay pagpapahayag ng kahandaang magbago o hindi? Kung nasasabi niya ito, ibig sabihin ay handa siya. Kung sinasabi niya sa puso niya, ‘Sa tagal ko nang nasa posisyon bilang lider, palagi akong nagpunyagi para sa mga pakinabang ng katayuan; palagi kong ipinangangaral ang doktrina at sinasangkapan ang aking sarili ng doktrina; hindi ako nagsikap para sa buhay pagpasok. Ngayong pinalitan na ako ay saka ko lamang nakita kung gaano ako hindi sapat at may kakulangan. Tama ang ginawa ng Diyos, at dapat akong magpasakop. Dati, may katayuan ako, at maayos akong tinrato ng mga kapatid; pinalilibutan nila ako saanman ako pumunta. Ngayon ay wala nang pumapansin sa akin, at tinatalikuran na ako; ito ang dapat kong sapitin, ito ang ganting parusang nararapat sa akin. Bukod pa rito, paanong ang isang nilikha ay magkakaroon ng anumang katayuan sa harap ng Diyos? Gaano man kataas ang katayuan ng isang tao, hindi ito ang kalalabasan ni ang destinasyon; binibigyan ako ng atas ng Diyos hindi para makapagyabang ako o makapagsaya sa katayuan ko, kundi para magampanan ko ang aking tungkulin, at dapat ay gawin ko ang anumang makakaya ko. Dapat akong magkaroon ng saloobin ng pagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at sa mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos. Bagama’t maaaring mahirap ang pagpapasakop, dapat akong magpasakop; tama ang Diyos na gawin ang ginagawa Niya, at kahit pa ipagpalagay na mayroon akong libo-libong palusot, wala sa mga iyon ang magiging ang katotohanan. Ang pagpapasakop sa Diyos ang katotohanan!’ ito ang mga mismong pagpapahayag ng kahandaang magbago. At kung may isang taong magtataglay ng lahat ng ito, ano kaya ang magiging tingin ng Diyos sa gayong tao? Sasabihin ng Diyos na isa itong taong may konsensiya at katwiran. Mataas ba ang pagtatasang ito? Hindi ito sobrang mataas; ang pagkakaroon lamang ng konsensiya at katwiran ay hindi pasok sa mga pamantayan ng pagpeperpekto ng Diyos—pero pagdating sa uri ng taong ito, malaking tagumpay na ito. Ang makapagpasakop ay mahalaga. Pagkatapos nito, kung paano hahangarin ng taong ito na mabago ng Diyos ang pananaw Niya sa taong ito ay nakadepende sa daang pinipili nito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paglutas Lamang sa mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makakapagsimula sa Tamang Landas ng Pananampalataya sa Diyos (3)). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, nakaramdam ako ng hiya at pagkakonsensiya. Kapag inililipat sa ibang tungkulin o tinatanggal ang isang taong may konsensiya at katwiran, nagagawa niyang pagnilayan at unawain ang kanyang mga kakulangan at magkaroon ng saloobin ng pagpapasakop sa Diyos. Tumatanggap sila nang hindi nangangatwiran o nakikipagtawaran sa mga tuntunin, at gusto nilang magbago. Naisip ko kung paanong mahina ang kakayahan ko at hindi ko kaya ang paggawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto. Pagkatapos ng ilang buwang paggawa ng tungkulin ko, wala akong nakamit na anumang resulta, at ganap na naaayon sa katotohanang prinsipyo na binago ng mga lider ang mga tungkulin ko. Bukod pa roon, kung ipinagpatuloy ko ang tungkuling iyon, maaantala ko lang ang gawain, at maaapektuhan din ang kalagayan ko dahil sa hindi sapat na kakayahan ko, na magiging dahilan para maging negatibo ako. Ang pagsasaayos na ito ay kapaki-pakinabang kapwa sa gawain ng iglesia at sa akin. Pero, hindi ako marunong magpasalamat sa Diyos, at naging negatibo pa ako at nagreklamo, sa paniniwalang ang paggawa ng tungkulin ng pagpapatuloy ay lubhang nakakababa para sa akin, na para bang labis akong ipinahiya. Araw-araw, ginagawa ko ang tungkulin ko nang labag sa loob. Mahina ang kakayahan ko, pero hindi ako itiniwalag ng sambahayan ng Diyos, at sa halip ay binigyan pa ako ng isa pang pagkakataong gawin ang tungkulin ko. Biyaya ito ng Diyos, at dapat sana ay nagpasalamat ako sa Diyos at tinanggap ito at nagpasakop nang walang kondisyon. Pero dahil hindi ko alam kung ano ang makabubuti sa akin, naging negatibo ako, nagpabaya, at nakaramdam ng galit at hindi pagtanggap. Talagang wala akong konsensiya at katwiran!

Pagkatapos, nagnilay-nilay ako sa sarili ko: Bakit palagi akong napipigilan ng katayuan at pagpapahalaga sa sarili sa tungkulin ko? Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at nahanap ko ang pinakaugat ng problema ko. Sabi ng Diyos: “Gusto ba ninyo palaging ibuka ang inyong mga pakpak at lumipad, nais ba ninyong lumipad nang mag-isa, na maging isang agila sa halip na isang munting ibon? Anong disposisyon ito? Ito ba ang prinsipyo ng sariling asal? Ang inyong sariling asal ay dapat nakabatay sa mga salita ng Diyos; ang mga salita ng Diyos lamang ang katotohanan. Lubha na kayong nagawang tiwali ni Satanas, at lagi ninyong itinuturing ang tradisyonal na kultura—ang mga salita ni Satanas—bilang katotohanan, bilang layon ng inyong paghahangad, na ginagawang madali para sa inyo na tumahak sa maling landas, na tumahak sa landas ng paglaban sa Diyos. Ang mga kaisipan at pananaw ng tiwaling sangkatauhan, at ang mga bagay na pinagsusumikapan nila ay salungat sa mga pagnanais ng Diyos, sa katotohanan, at sa mga batas ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, sa Kanyang pamamatnugot sa lahat ng bagay, at sa Kanyang kontrol sa kapalaran ng sangkatauhan. Kaya gaano man kawasto at kamakatwiran ang ganitong klase ng paghahangad ayon sa mga kaisipan at kuru-kuro ng tao, hindi positibong bagay ang mga ito sa perspektiba ng Diyos, at hindi naaayon sa Kanyang mga layunin ang mga ito. Dahil nilalabanan mo ang katunayan ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng sangkatauhan, at dahil nais mong mag-isa, na inilalagay ang iyong kapalaran sa sarili mong mga kamay, lagi kang nauumpog sa pader, na sa lakas ay nagdurugo ang ulo mo, at walang magandang nangyayari sa iyo. Bakit walang nangyayaring maganda sa iyo? Dahil ang mga batas na itinakda ng Diyos ay hindi mababago ng sinumang nilikha. Ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay nangingibabaw sa lahat ng iba pa, hindi malalabag ng sinumang nilikha. Masyadong mataas ang tingin ng mga tao sa kanilang mga abilidad. Ano ba ang palaging nagpapanais sa mga tao na maging malaya sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at palaging nagpapanais sa kanilang kontrolin ang sarili nilang kapalaran at planuhin ang sarili nilang hinaharap, at nagpapanais na kontrolin ang kanilang mga kinabukasan, direksiyon, at layon sa buhay? Saan nanggagaling ang panimulang puntong ito? (Sa isang tiwaling satanikong disposisyon.) Ano kung gayon ang idinudulot ng tiwaling satanikong disposisyon sa mga tao? (Pagsalungat sa Diyos.) Ano ang dumarating sa mga taong sumasalungat sa Diyos? (Pasakit.) Pasakit? Ito ay pagkawasak! Ang pasakit ay wala pa sa kalahati nito. Ang nakikita mismo ng iyong mga mata ay pasakit, pagiging negatibo, at kahinaan, at paglaban at mga reklamo—ano ang kalalabasan nito? Pagkalipol! Hindi ito maliit na usapin, at hindi ito biro(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Malulutas Lamang ang Isang Tiwaling Disposisyon sa Pagtanggap ng Katotohanan). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na pangunahin akong nagapos ng mga satanikong lason tulad ng “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad” at “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa,” at na palagi akong nabubuhay para sa kasikatan at pakinabang. Noong bata pa ako, matindi na ang pagnanais ko para sa reputasyon at katayuan. Huminto ako sa pag-aaral noong tin-edyer ako. Noong panahong iyon, nakita ko ang maraming taong nagtatrabaho bilang kantero, at sinabi ko sa sarili ko, “Kahit mamatay pa ako sa kahirapan, hindi ako kailanman magiging kantero!” Ganoon ang inisip ko dahil naniniwala akong trabaho iyon ng mga taong walang kasanayan at walang kinabukasan. Talagang naiinggit ako sa mga may malaking negosyo, kagalang-galang ang pananamit, at hinahangaan at kinaiinggitan saanman sila magpunta. Kalaunan, nagsimula akong matutong magnegosyo, at pinuri ako ng lahat ng taga-nayon, sinasabing, “Ang lakas ng loob ng batang ito. Tiyak na may maganda siyang kinabukasan.” Tuwang-tuwa ako nang marinig ko ito. Mula noon, sa lahat ng ginagawa ko, kailangan kong isaalang-alang kung kagalang-galang ba ito o hindi at kung magiging dahilan ba ito para tingalain ako ng mga tao. Matapos kong matagpuan ang Diyos, patuloy akong namuhay ayon sa mga satanikong lason na ito. Inakala ko na kung ang isang tao ay nananampalataya sa Diyos at isang ordinaryong mananampalataya na gumagawa ng tungkuling nangangailangan ng pagpapakapagod, walang halaga ito, kaya hinangad kong maging isang lider, o gumawa ng isang tungkuling may aspektong teknikal, kapansin-pansin, at na magiging dahilan para kainggitan at hangaan ako ng mga tao. Inakala kong tanging ang mga bagay na ito ang mahalaga at makabuluhan. Kaya, sa paggawa ng aking tungkulin, naging napakaaktibo ko, at nagawa kong isuko at iwanan ang mga bagay-bagay. Naisip ko noong lider pa ako, at kung paanong hinahangaan ako ng mga kapatid saanman ako magpunta. Lalo na kapag hinihiling nila sa akin na mas madalas akong makipagtipon at makipagbahaginan sa kanila, sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na alam ang sasabihin ko. Ganoon din noong ginagawa ko ang tungkulin ko bilang isang mangangaral. Sa tuwing pumupunta ako sa isang iglesia, natutuwa ang mga kapatid na makita ako, at pakiramdam ko rin ay tinitingala ako, at ganadong-ganado ako sa paggawa ng aking tungkulin. Kahit na pabalik-balik ako sa ilang iglesia, hindi ako napapagod. Pero, nang hilingin sa aking gawin ang tungkulin ng pagpapatuloy, para akong nalantang dahon. Pakiramdam ko ay mas mababa ang paggawa sa tungkuling ito, kaya lumaban ako at nagreklamo sa puso ko, at naging negatibo ako at nagpabaya sa paggawa ng aking tungkulin. Kapag nagluluto ako, kung hindi sobra at may natitira, masyadong kaunti at hindi sapat ang pagkain. Minsan, kapag may nakikita akong tirang pagkain, basta na lang ako naghahanda ng pagkain mula roon nang pabasta-basta, walang pakialam kung sapat ba ito para sa mga kapatid o hindi. Kapag nagluluto, hindi ko isinasaalang-alang ang kalusugan ng brother ko, at kapag pinaaalalahanan niya ako, sumasama pa ang loob ko. Kapag masama ang timpla ko, ni hindi man lang ako naglilinis. Habang namumuhay ako ayon sa mga satanikong lason na ito, lalo akong nawawalan ng katwiran at normal na pagkatao. Kung hindi ako magsisisi, hindi lang magkakaroon ng pagtutol sa akin ang mga kapatid, kundi hindi rin malulugod ang Diyos at, sa paglipas ng panahon, aabandonahin ako ng Banal na Espiritu. Nang maunawaan ko ito, medyo natakot ako, kaya nanalangin ako sa Diyos na akayin Niya akong magpasakop sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos at gawin nang maayos ang tungkulin ko.

Kalaunan, nabasa ko ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos. Saka ko lang naunawaan kung paano tatratuhin ang mga tungkulin ko. Sabi ng Diyos: “Sa sambahayan ng Diyos, sa tuwing may isinasaayos na gawin mo, mahirap man ito o nakapapagod na gawain, at gusto mo man ito o hindi, tungkulin mo ito. Kung maituturing mo itong isang atas at responsabilidad na ibinigay sa iyo ng Diyos, sa gayon ay may kaugnayan ka sa Kanyang gawain ng pagliligtas sa tao. At kung ang ginagawa mo at ang tungkuling ginagampanan mo ay may kaugnayan sa gawain ng Diyos ng pagliligtas ng tao, at kaya mong taimtim at taos-pusong tanggapin ang atas na ibinigay ng Diyos sa iyo, paano ka Niya ituturing? Ituturing ka Niya bilang isang miyembro ng Kanyang pamilya. Isa ba iyong pagpapala o isang sumpa? (Isang pagpapala.) Isa itong malaking pagpapala(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Sapat na Paggampan sa Tungkulin?). “Ano ang gampanin ninyo bilang mga nilikha? May kaugnayan ito sa pagsasagawa at sa tungkulin ng isang tao. Isa kang nilikha, at kung binigyan ka ng Diyos ng kaloob sa pag-awit, at isinasaayos ng sambahayan ng Diyos na umawit ka, kailangan mong umawit nang maayos. Kung may kaloob ka ng pangangaral ng ebanghelyo, at isinasaayos ng sambahayan ng Diyos na ipangaral mo ang ebanghelyo, kung gayon, dapat mo itong gawin nang mahusay. Kapag inihahalal ka ng mga hinirang ng Diyos bilang isang lider, dapat mong akuin ang atas ng pamumuno, at pangunahan ang mga hinirang ng Diyos sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, sa pagbabahagi tungkol sa katotohanan, at sa pagpasok sa realidad. Kapag ginawa mo ito, magagampanan mo nang mabuti ang iyong tungkulin. Lubhang mahalaga at makahulugan ang atas na ibinibigay ng Diyos sa tao! Kaya, paano mo ba dapat tanggapin ang atas na ito at tuparin ang iyong gampanin? Ito ang isa sa pinakamalalaking isyu na kinakaharap mo, at dapat kang magpasya. Maaaring sabihin na isa itong napakahalagang sandali na magpapasya kung makakamit mo ba ang katotohanan at mapeperpekto ka ba ng Diyos o hindi(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pag-unawa Lamang sa Katotohanan Malalaman ng Isang Tao ang mga Gawa ng Diyos). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na walang pagkakaiba sa pagitan ng malaki at maliit, mataas at mababa, o marangal at hamak sa mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos. Lahat ng uri ng tungkulin ay nagmumula sa gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Anuman ang tungkuling ginagawa mo o kung mapapansin ka man o hindi, kung taos-puso mong matatanggap ang iyong tungkulin, seryosohin ito, gampanan ang iyong papel ayon sa mga hinihingi ng Diyos, at gawin nang maayos ang iyong tungkulin sa praktikal na paraan, kung gayon, malulugod ang Diyos. Pero, itinuring kong mataas na uri ng mga tungkulin ang pagiging lider o paggawa ng tungkuling nakabatay sa teksto o may teknikal na bahagi. Naniniwala akong ang mga taong gumagawa ng ganitong uri ng tungkulin ang mga ililigtas ng Diyos, habang ang mga nagpapatuloy at nag-aasikaso ng mga gawain ay nagpapakapagod at nagseserbisyo lang. Hinati ko ang mga tungkulin ng sambahayan ng Diyos sa mataas at mababa, marangal at hamak, at iba’t ibang antas. Talagang katawa-tawa ang pananaw na ito at ganap na lumalabag sa katotohanan. Naisip ko kung paanong wala akong mga kasanayan o kakayahan para gawin ang tungkuling nakabatay sa teksto. Kung pipilitin ko ang sarili kong gawin ang tungkuling iyon para lang hindi mapahiya, hindi lang ako mabibigong makakamit ng anumang resulta, madali rin akong magiging negatibo, na walang maidudulot na pakinabang sa buhay ko at makahahadlang pa sa gawain ng iglesia. Isinaayos ng iglesia na gawin ko ang tungkulin ng pagpapatuloy. Ito ay isang tungkuling kaya kong gawin. Ito ang tungkulin na dapat kong gawin at ang responsabilidad na dapat kong tuparin, at dapat ko itong tanggapin at magpasakop. Saka lang ako magkakaroon ng konsensiya at katwirang dapat mayroon ako.

Kalaunan, napagtanto ko rin na mayroon akong pananaw na walang katotohanan, naniniwalang kung mahalaga ang tungkuling ginagawa mo, magiging mataas ang katayuan mo, at kung hindi kapansin-pansin ang tungkuling ginagawa mo, magiging mababa ang katayuan mo. Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagpabago sa pananaw kong walang katotohanan. Sabi ng Diyos: “Kung napakababa ng katayuang panlipunan ng isang tao, napakahirap ng kanyang pamilya, at mababa ang antas ng edukasyon niya, pero nananampalataya siya sa Diyos sa isang praktikal na paraan, at minamahal niya ang katotohanan at mga positibong bagay, kung gayon, sa mga mata ng Diyos, mataas o mababa ba ang halaga niya, marangal o aba ba ito? May halaga ito. Kung titingnan ito sa ganitong perspektiba, saan ba nakadepende ang halaga ng isang tao—kung mataas man o mababa, marangal man o hamak? Nakadepende ito sa kung paano ka nakikita ng Diyos. Kung nakikita ka ng Diyos na isang taong naghahangad ng katotohanan, kung gayon ikaw ay may kabuluhan at mahalaga—ikaw ay isang mahalagang sisidlan. Kung nakikita ng Diyos na hindi mo hinahangad ang katotohanan at na hindi mo tapat na ginugugol ang sarili mo para sa Kanya, kung gayon ikaw ay walang kabuluhan at walang halaga—ikaw ay isang hamak na sisidlan. Gaano man kataas ang pinag-aralan mo o gaano man kataas ang katayuan mo sa lipunan, kung hindi mo hinahangad o inuunawa ang katotohanan, kung gayon kailanman hindi magiging mataas ang halaga mo; kahit na maraming taong sumusuporta sa iyo, nagtataas sa iyo, at sumasamba sa iyo, isa ka pa ring hamak na kasuklam-suklam. … Kung titingnan ito ngayon, ano ang batayan sa pagtukoy ng halaga ng isang tao bilang marangal o hamak? (Ito ay ang kanilang saloobin sa Diyos, katotohanan, at mga positibong bagay.) Tama iyon. Una sa lahat, dapat maunawaan ng isang tao kung ano ang saloobin ng Diyos. Ang maunawaan ang saloobin ng Diyos at maunawaan ang mga prinsipyo at mga pamantayan kung paano tinutukoy ng Diyos ang mga tao, at pagkatapos ay sukatin ang mga tao batay sa mga prinsipyo at mga pamantayan ng pagtrato ng Diyos sa mga tao—ito lamang ang pinakatumpak, pinakaangkop, at pinakapatas(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Lihim na Mapanira, at Mapanlinlang (Unang Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang pagiging marangal ng isang tao sa sambahayan ng Diyos ay hindi nakadepende sa kung may katayuan siya o wala, at hindi nakadepende sa kung may humahanga o sumasamba sa kanya. Sa halip, nakadepende ito sa kung minamahal ba ng mga tao ang katotohanan at kung hinahangad ba nila ang katotohanan. Kung hindi hinahangad o minamahal ng isang tao ang katotohanan, gaano man kataas ang kanyang katayuan at gaano man karaming tao ang pumapalibot at sumasamba sa kanya, hindi lang ito walang halaga, kundi mabubunyag at matitiwalag din sila dahil sa pagtatamasa sa mga pakinabang ng katayuan. Kahit na walang katayuan ang isang tao at walang tumitingala sa kanya, kung minamahal niya ang katotohanan, mayroong may-takot-sa-Diyos na puso, at kayang manampalataya sa Diyos at gawin ang kanyang tungkulin sa praktikal na paraan, mahalaga sila sa paningin ng Diyos. Dati, palagi kong iniisip na ang mga tungkulin sa pagpapatuloy at pangkalahatang gawain ay trabahong nangangailangan ng pagpapakapagod, na may mababang katayuan, at walang sinumang tumitingala rito, at gaano mo man kahusay gawin ang mga tungkuling ito, wala itong silbi. Kaya, takot akong gawin ang ganitong uri ng tungkulin, at ang tanging hinangad ko ay maging lider o gumawa ng tungkuling may aspektong teknikal. Ngayon, napagtanto ko kung gaano talaga kakatwa ang pananaw ko! Naisip ko kung paanong walang ibang hinangad si Pablo kundi ang maging mas mataas sa lahat ng iba pang apostol. Naglakbay siya sa halos buong Europa para ipangaral ang ebanghelyo, at nagsulat din ng maraming liham, nakuha ang paghanga at pagsamba ng lahat. Pero, hindi niya nakamit ang katotohanan at buhay, at mayroon siyang malalim na nakaugat na tiwaling disposisyon. Sa huli, sinabi pa niya ang isang mapangahas at mapagkanulong bagay na “Sa ganang akin, ang mabuhay ay si Cristo,” naging isang anticristo at pinarusahan ng Diyos. Hindi ba’t tinatahak ko ang landas ni Pablo? Kung hindi ako magbabago, sa huli ay magiging katulad ng kay Pablo ang kalalabasan ko. Kailangan kong magsisi at magbago agad. Pagkatapos niyon, nagawa ko nang tratuhin nang may pag-iingat ang tungkulin ng pagpapatuloy, at araw-araw kong pinag-iisipan kung paano gagawin nang maayos ang tungkuling ito at maayos na maging host ng mga kapatid. Hindi na ako nakaramdam na mas mababa ako.

Sa pag-iisip ko, sa panahong ginagawa ko ang tungkulin ng pagpapatuloy, natutuhan ko kung paano isabuhay ang normal na pagkatao at kung paano magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, at naunawaan ko ang sarili kong tiwaling disposisyon. Lahat ng ito ay mga aral na hindi ko kailanman matututuhan kung hindi ko ginawa ang tungkulin ng pagpapatuloy. Nagpapasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso!

Sinundan:  80. Matapos Magkasakit ang Asawa Ko

Sumunod:  82. Ano ang Idinulot sa Akin ng Paghahangad ng Isang Perpektong Pag-aasawa?

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger