94. Binitiwan Ko Na ang Aking Pagnanais para sa Katayuan

Ni Li Ning, Tsina

Noong Disyembre 2023, nahalal ako bilang isang mangangaral. Nang marinig ko ang balita, medyo nag-alala ako, “Bilang isang mangangaral, kailangan kong maging responsable sa ilang iglesia. Kailangan kong madalas na makipagtipon sa mga lider at diyakono ng iglesia at makipagbahaginan sa kanila para gabayan ang gawain. Kailangan dito ang pagkaunawa sa katotohanan at kakayahang makipagbahaginan tungkol sa katotohanan para lumutas ng mga problema. Maikling panahon pa lang akong nananampalataya sa Diyos, at mababaw pa ang pagkaunawa ko sa katotohanan. Kasisimula ko pa lang magsanay bilang lider ng iglesia, at talagang kapos pa ako sa pakikipagbahaginan ng katotohanan para lumutas ng mga problema. Kung hindi ko malulutas ang mga problema kapag nakikipagtipon ako sa mga kapatid, ano na lang ang iisipin nila sa akin? Iisipin kaya nila na hindi ko kaya ang tungkuling ito at mamaliitin ako?” Pero naisip ko rin, “Tinatawag ako ng tungkuling ito nang may pahintulot ng Diyos, at higit pa riyan, biyaya Niya ito. Hindi ko puwedeng biguin ang Diyos at dapat akong umasa sa Kanya sa paggawa ng gawain.” Kaya naman, tinanggap ko ang tungkuling ito.

Noong una, sa pamamagitan lang ng sulat ako nakikipag-ugnayan sa mga lider at diyakono ng iglesia tungkol sa gawain, pero hindi ito gaanong epektibo. May ilang gawain na nangangailangan ng mga pagtitipon para personal na maunawaan ang sitwasyon at makapagbigay ng praktikal na gabay. Naisip ko na karamihan sa mga lider ng iglesia ay mas matagal nang nananampalataya kaysa sa akin, at tiyak na mas marami silang nauunawaang katotohanan kaysa sa akin. Kung hindi ako makakapagbahagi nang maayos at hindi ko makakayang lutasin ang kanilang mga problema at paghihirap, hindi ba’t nakakahiya talaga iyon? Kung sa pamamagitan ng sulat kami mag-uusap, mauunawaan ko muna nang malinaw ang problema, pagkatapos ay magkakaroon ako ng oras para mag-isip nang mabuti, at lumapit sa mga nakatataas sa akin tungkol sa anumang hindi ko nauunawaan. Kahit papaano, hindi ako mapapahiya sa harap nilang lahat. Gayumpaman, kung walang mga pagtitipon, walang paraan para maunawaan nang detalyado ang kanilang mga problema at paghihirap, kaya wala akong nagawa kundi anyayahan sila sa isang pagtitipon. Kabadong-kabado ako noong araw na iyon. Sa pagtitipon, sinabi ng isang sister na marami siyang nakaharap na problema habang ginagawa ang gawain ng pag-aalis at hindi niya alam kung paano lutasin ang mga ito, at masama rin ang kalagayan niya. Noong una, nablangko ang isip ko, at hindi ko agad matukoy kung ano ang problema, kaya lalo pa akong kinabahan. Naisip ko na naghihintay pa rin ang aking sister na makipagbahaginan ako sa kanya, at nag-alala ako kung ano ang iisipin ng aking mga kapatid kung hindi ko malutas ang mga problema sa una kong pagtitipon. Iisipin kaya nila na hindi ko kayang maging isang mangangaral kung hindi ko malulutas ang problemang ito? Para hindi ako mabisto ng mga kapatid, wala akong nagawa kundi pilitin ang sarili kong maghanap sa mga salita ng Diyos. Matagal akong naghanap, pero wala pa rin akong makitang mga salitang babagay sa kalagayan ng aking sister. Sa wakas, halos kahahanap ko lang ng isang sipi, pero pagkatapos ko itong basahin, walang sinuman ang nakipagbahaginan tungkol dito. Tahimik na tahimik ang silid at hiyang-hiya ako. Naisip ko, “Napakalaking kahihiyan nito. Paniguradong dahil ito sa hindi angkop ang sipi ng mga salita ng Diyos na nahanap ko at hindi nito kayang lutasin ang problema. Siguradong alam na ng mga kapatid ang tunay kong kakayahan ngayon. Paano ko pa sila haharapin sa hinaharap?” Habang lalo ko itong iniisip, lalo kong nararamdaman na hindi ko kayang gawin ang tungkuling ito. Sa huli, sandali na lang akong nagbahagi ng ilang salita sa paraang pabasta-basta, at iniba ko ang usapan sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa gawain. Pero dahil kinabahan ako, at nag-alala rin ako kung ano ang magiging tingin sa akin ng mga kapatid kung hindi ko malulutas ang mga problema, nagkaroon lang ako ng kaunting ideya sa gawain at pinilit kong kumapit hanggang matapos ang pagtitipon. Naging napakanegatibo ko pagkauwi ko, at naisip ko, “Talagang bigo ang pagtitipon ngayong araw. Hindi ko lang nabigong lutasin ang mga problema ng mga kapatid, nailantad ko pa nang husto ang tunay kong kakayahan. Paano ko pa haharapin ang mga kapatid sa hinaharap?” Noong panahong iyon, namumuhay ako sa isang negatibong kalagayan at wala akong siglang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Hindi na rin ako gaanong masigasig sa pagsubaybay sa gawain, at sinadya kong iwasan ang mga pagtitipon. Halos isang buwan pa nga akong hindi nangahas na makipagtipon sa mga lider at diyakono. Noong panahong iyon, may ilang lider ng iglesia na hindi naaarok ang mga prinsipyo, at napakabagal ng pag-usad ng pag-oorganisa ng mga materyales sa pag-aalis. Matapos ang ilang palitan ng sulat, wala pa ring pagbuti, kaya kinailangan naming magkita nang personal para sa praktikal na gabay. Gayumpaman, hindi ako pumunta, para maiwasang mapahiya. Naantala nito ang pag-usad ng gawain ng pag-aalis.

Kalaunan, nang makipagtipon ako sa aking mga katrabaho, sinabi ko sa kanila ang tungkol sa kalagayan ko. Ipinakita sa akin ng sister na katuwang ko ang isang video ng pagbasa ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag ang isang tao ay nahalal ng mga kapatid na maging lider, o iniangat ng sambahayan ng Diyos para gawin ang isang tiyak na gawain o gampanan ang isang tiyak na tungkulin, hindi ito nangangahulugan na mayroon siyang espesyal na katayuan o posisyon, o na ang mga katotohanang nauunawaan niya ay mas malalim at mas marami kaysa sa ibang mga tao—lalo nang hindi ito nangangahulugan na ang taong ito ay kayang magpasakop sa Diyos, at hindi Siya ipagkakanulo. Tiyak na hindi rin ito nangangahulugan na kilala niya ang Diyos, at isa siyang taong may takot sa Diyos. Sa katunayan, hindi niya natamo ang anuman dito. Ang pag-aangat at paglilinang ay pag-aangat at paglilinang lamang sa prangkang salita, at hindi katumbas nito na pauna na siyang itinalaga at sinang-ayunan ng Diyos. Ang pag-aangat at paglilinang sa kanya ay nangangahulugan lamang na iniangat na siya, at naghihintay na malinang. At ang huling kalalabasan ng paglilinang na ito ay depende sa kung hinahangad ng taong ito ang katotohanan, at kung kaya niyang piliin ang landas ng paghahangad ng katotohanan. Samakatwid, kapag iniaangat at nilinang ang isang tao sa iglesia para maging lider, iniaangat at nililinang lamang siya sa literal na paraan; hindi ito nangangahulugan na pasok na siya sa pamantayan at mahusay bilang isang lider, na kaya na niyang gampanan ang gawain ng pamumuno, at kayang gawin ang tunay na gawain—hindi ganoon. Hindi malinaw na nakikilatis ng karamihan sa mga tao ang mga bagay na ito, at batay sa sarili nilang mga imahinasyon ay tinitingala nila ang mga iniangat. Isa itong pagkakamali. Kahit ilang taon na silang nananampalataya sa Diyos, taglay nga ba talaga ng mga iniangat ang katotohanang realidad? Maaaring hindi. Nagagawa ba nilang ipatupad ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos? Maaaring hindi. Mayroon ba silang pagpapahalaga sa responsabilidad? Tapat ba sila? Kaya ba nilang magpasakop? Kapag may nakakaharap silang isang isyu, nagagawa ba nilang hanapin ang katotohanan? Walang nakakaalam sa lahat ng ito. Mayroon bang may-takot-sa-Diyos na puso ang mga taong ito? At gaano kalaki ang may-takot-sa-Diyos na puso nila? Nagagawa ba nilang iwasang sundin ang sarili nilang kalooban kapag gumagawa sila ng mga bagay-bagay? Magagawa ba nilang hanapin ang Diyos? Sa panahon na ginagampanan nila ang gawain ng pamumuno, nagagawa ba nilang madalas na humarap sa Diyos para hanapin ang mga layunin ng Diyos? Naaakay ba nila ang mga tao sa katotohanang realidad? Tiyak na wala silang kakayanan sa gayong mga bagay. Hindi pa sila nakakatanggap ng pagsasanay at wala pa silang sapat na mga karanasan, kaya wala silang kakayanan sa mga bagay na ito. Ito ang dahilan kung bakit ang pag-aangat at paglilinang sa isang tao ay hindi nangangahulugang nauunawaan na niya ang katotohanan, ni hindi nito sinasabi na kaya na niyang gawin ang kanyang tungkulin sa paraang pasok sa pamantayan. Kaya, ano ang pakay at kabuluhan ng pag-aangat at paglilinang sa isang tao? Ito ay na ang taong ito ay iniaangat bilang isang indibidwal, para makapagsagawa siya, at para siya ay espesyal na madiligan at magsanay, na nagbibigay-daan sa kanya na maunawaan ang mga katotohanang prinsipyo, at ang mga prinsipyo, kaparaanan, at sistema ng paggawa ng iba’t ibang bagay at ng paglutas sa iba’t ibang problema, gayundin kung paano pangasiwaan at harapin ang iba’t ibang uri ng kapaligiran at mga taong nakakaharap niya alinsunod sa mga layunin ng Diyos, at sa paraan na pumoprotekta sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Batay sa mga puntong ito, ang mga taong may talento na iniaangat at nililinang ng sambahayan ng Diyos ay mayroon bang sapat na kakayanang isagawa ang kanilang gawain at gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin sa panahon ng pag-aangat at paglilinang o bago ang pag-aangat at paglilinang? Siyempre wala. Samakatwid, hindi maiiwasan na, sa panahon ng paglilinang, mararanasan ng mga taong ito ang pagpupungos, paghatol at pagkastigo, paglalantad at maging ang pagtatanggal; ito ay normal, ito ay pagsasanay at paglilinang(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (5)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang pagtaas ng posisyon at ang paglinang sa isang tao ay hindi nangangahulugang mas magaling na siya kaysa sa iba, na nagtataglay siya ng katotohanang realidad, o na kaya niyang makita nang malinaw at malutas ang anumang problema. Kapag ang iglesia ay itinataas ang posisyon at nililinang ang isang tao, ito ay nagbibigay sa taong iyon ng responsabilidad at pasanin, nagbibigay-daan sa kanya na magkaroon ng mas maraming pagkakataong magsagawa, at matutong maghanap ng mga problema at maghangad ng katotohanan upang lutasin ang mga ito. Normal na normal lang na may ilang bagay na hindi niya mauunawaan o hindi niya kayang gawin. Katulad na lang noong nakipagtipon at nakipagbahaginan ako sa mga kapatid. Dahil maikling panahon pa lang akong nananampalataya sa Diyos at kasisimula ko pa lang gawin ang tungkuling ito, normal lang naman na hindi ko alam kung paano lutasin ang ilang problema. Gayumpaman, palagi akong naniniwala na bilang isang mangangaral, kailangan kong kayaning lumutas ng mga problema, at hindi ko puwedeng sabihing wala akong ideya kung paano gawin ang mga bagay-bagay. Kaya sa pagtitipong iyon, ginusto kong makita nang malinaw at malutas ang anumang problema, at pinagtakpan ko ang sarili kong mga kakulangan nang hindi ko malutas ang mga bagay-bagay. Naging negatibo rin ako at hinusgahan ko ang sarili ko na walang kakayahan sa tungkuling ito, at halos isang buwan pa nga akong hindi nangahas na makipagtipon sa mga lider at diyakono, na nakaantala sa gawain ng iglesia. Sa katunayan, bagama’t isa akong mangangaral, ako pa rin ito. Marami pa rin akong kakulangan, at mababaw ang pagkaunawa ko sa katotohanan, at kailangan kong maghanap at magtanong pa tungkol sa mga bagay na hindi ko nauunawaan o hindi ko kayang gawin, at magtapat sa pakikipagbahaginan sa mga kapatid, nakikinabang sa kanilang mga kalakasan upang mapunan ang aking mga kahinaan at magawa nang maayos ang aking tungkulin. Pagkatapos maunawaan ito, handa na akong makipagkita sa mga lider ng iglesia para sa isang pagtitipon.

Pero nang sumulat ako para ipaalam sa kanila ang tungkol sa pagtitipon, hindi ko namalayang lumitaw na naman ang dati kong mga alalahanin. Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Lahat ng natiwaling tao ay nagdurusa mula sa isang magkakatulad na suliranin: Kapag wala silang katayuan, hindi sila nagmamalaki kapag nakikipag-ugnay o nakikipag-usap sa sinuman, o hindi sila gumagamit ng partikular na estilo o tono sa kanilang pananalita; sila ay karaniwan lamang at normal, at hindi na kailangang balutan ang kanilang mga sarili. Hindi sila nakararamdam ng anumang sikolohikal na presyon, at nakapagbabahagi nang bukas at mula sa puso. Madali silang lapitan at madaling makahalubilo; nararamdaman ng iba na napakabuti nilang mga tao. Sa sandaling magkamit sila ng katayuan, sila ay nagiging mapagmataas, hindi nila pinapansin ang mga karaniwang tao, walang sinumang nakakalapit sa kanila; pakiramdam nila ay mas mataas sila, at na sila ay iba sa mga karaniwang tao. Mababa ang tingin nila sa karaniwang tao, nagmamalaki sila kapag nagsasalita, at tumitigil sila sa hayagang pagbabahagi sa iba. Bakit hindi na sila nagbabahagi nang hayagan? Nararamdaman nilang may katayuan na sila ngayon, at sila ay mga pinuno. Iniisip nilang dapat magkaroon ng partikular na imahe ang mga pinuno, maging mataas nang bahagya kaysa sa ordinaryong tao, magkaroon ng higit na tayog at maging mas mahusay na tumupad ng responsabilidad; naniniwala sila na kung ihahambing sa mga karaniwang tao, dapat magtaglay ang mga pinuno ng higit na pasensya, magawang magdusa at gumugol nang higit, at mapaglabanan ang anumang tukso mula kay Satanas. Kahit na mamatay ang kanilang mga magulang o ibang kapamilya, pakiramdam nila ay dapat mayroon silang pagpipigil sa sarili na huwag maiyak, o na dapat man lang ay umiyak sila nang lihim, nang hindi nakikita ng iba, upang walang makakita ng anuman sa kanilang mga pagkukulang, kapintasan, o kahinaan. Nararamdaman pa nga nila na hindi maaaring ipaalam ng mga pinuno sa sinuman kung sila ay naging negatibo; sa halip, dapat nilang itago ang lahat ng ganoong mga bagay. Naniniwala silang ganito dapat kumilos ang isang may katayuan. Kapag pinipigilan nila ang kanilang sarili nang ganito, hindi ba ang katayuan ay nagiging kanilang diyos, kanilang panginoon? At dahil dito, nagtataglay pa rin ba sila ng normal na pagkatao? Kapag mayroon silang ganitong mga ideya—kapag ikinulong nila ang kanilang sarili rito, at ginawa nila ito—hindi ba sila nahumaling sa katayuan?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Lutasin ang mga Tukso at Gapos ng Katayuan). Nang mabasa ko ang paglalantad ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang dahilan kung bakit hindi ko kailanman natrato nang tama ang sarili kong mga pagkukulang at depekto mula nang maging mangangaral ako ay dahil inilagay ko ang sarili ko sa isang pedestal bilang isang mangangaral. Bago pa ang pagtitipon, sa sandaling maisip ko na ang mga lider na haharapin ko ay maraming taon nang nananampalataya sa Diyos, kakabahan na ako, natatakot na hindi ko malulutas ang kanilang mga problema, at na maniniwala silang isa akong walang kakayahang mangangaral, iiwan akong nahihiya at naaasiwa. Sa pagtitipon, kahit na malinaw na hindi ko nakilatis ang problema ng sister o nalutas ito, naniniwala pa rin ako na bilang isang mangangaral, hindi ko talaga puwedeng sabihin na hindi ko ito nakilatis. Kaya, basta na lang ako nakahanap ng isang sipi ng mga salita ng Diyos at pabasta-bastang nakipagbahaginan ng ilang salita, hindi pinapansin kung nalutas ba o hindi ang kalagayan ng sister, bago ibahin ang usapan para alamin ang tungkol sa ibang gawain. Kahit noon, dahil nag-aalala akong hindi ko magagawang lutasin ang mga problema, tinanong ko na lang nang pahapyaw ang tungkol sa gawain. Bilang resulta, hindi talaga nakalutas ng kahit anong problema ang pagtitipon. Sa totoo lang, kung nagawa kong maging bukas at tapat na hindi ko nalalaman kung paano lutasin ang kalagayan ng sister, at pagkatapos ay nakipagbahaginan at naghanap ako kasama ng lahat, kahit paano ay malulutas sana ang problema. Gayumpaman, pinrotektahan ko ang aking katayuan at imahe bilang isang mangangaral sa lahat ng pagkakataon. Hindi ako nagdala ng pasanin sa aking tungkulin, at tanging katayuan lang ang nasa isip ko; nagkukunwari lang ako at nagbabalatkayo. Naisip ko noong nakipagtipon sa akin ang mga nakatataas na lider. Nagbahagi ako sa abot ng aking naunawaan, at binuksan ang aking puso at nagtanong tungkol sa anumang hindi ko nauunawaan. Pakiramdam ko ay gumaan at lumaya ako sa kabuuan ng mga pagtitipong iyon. Gayumpaman, sa tuwing nakikipagtipon ako sa mga kapatid, ganap na nawawala ang magaan at malayang pakiramdam na ito. Naniwala ako na bilang isang mangangaral, naroon ako para lutasin ang kanilang mga problema, kaya natural kong itinaas ang sarili ko sa isang pedestal bilang isang mangangaral. Palagi kong sinusubukang ikubli at itago ang aking mga kakulangan, at bilang resulta, hindi ko nagawang maramdaman ang pamumuno ng Diyos. Nangangahulugan ito na ang mga pagtitipon ay nawalan ng sigla at bunga mula simula hanggang katapusan, at masyado ring nakakapagod.

Kalaunan, nagbasa ako ng higit pang mga salita ng Diyos: “Kumpara sa mga normal na tao, mas matindi ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang reputasyon at katayuan, at isa itong bagay na nasa loob ng kanilang disposisyong diwa; hindi ito isang pansamantalang interes, o lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang diwa. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng mga anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, wala nang iba pa. Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ang kanilang buhay, at ang kanilang panghabambuhay na layon. Sa lahat ng kanilang ginagawa, ang una nilang isinasaalang-alang ay: ‘Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng magandang reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?’ Iyon ang unang bagay na kanilang iniisip, na sapat na patunay na mayroon silang disposisyon at diwa ng mga anticristo; iyon ang dahilan kaya kinokonsidera nila ang mga bagay sa ganitong paraan. Maaaring sabihin na para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ay hindi kung anong karagdagang hinihingi lamang, lalong hindi mga bagay na panlabas sa kanila na makakaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Hindi masasabing ang mga anticristo ay walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng reputasyon at katayuan; hindi ganito ang kanilang saloobin. Kung gayon, ano ang kanilang saloobin? Ang reputasyon at katayuan ay malapit na nauugnay sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang hinahangad sa araw-araw. At kaya para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, ano man ang kapaligiran na tinitirhan nila, ano man ang gawain na kanilang ginagawa, ano man ang kanilang hinahangad, ano man ang kanilang mga layon, ano man ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila kayang isantabi ang gayong mga bagay. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo, at ang kanilang diwa(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Inilalantad ng mga salita ng Diyos na itinuturing ng isang anticristo ang reputasyon at katayuan bilang kanyang buhay. Anuman ang gawin niya, palagi niyang isinasaalang-alang muna ang sarili niyang reputasyon at katayuan, at kung wala ang reputasyon at katayuan, wala siyang motibasyon na gumawa ng kahit ano. Ito ay tinutukoy ng kanyang likas na diwa. Naisip ko kung paanong pinoprotektahan ko rin ang aking reputasyon at katayuan sa lahat ng pagkakataon: Nang mahalal ako bilang isang mangangaral, nagsimula na akong mag-alala na hindi ko kayang lutasin ang mga problema kahit bago pa man ako dumalo sa anumang pagtitipon. Ayaw kong pumunta sa mga pagtitipon dahil natatakot akong makita ng mga kapatid ang tunay kong kakayahan. Kahit na alam na alam ko na hindi nauunawaan ng mga kapatid ang mga prinsipyo ng pag-oorganisa ng mga materyales ng pag-aalis at kailangan nila ng harapang gabay, natakot akong magmukhang hangal sa harap nila at mapahiya, kaya hindi ako pumupunta sa pagtitipon. Nangangahulugan ito na nagkaroon ng mahabang pagkaantala sa paglutas ng mga problema sa gawain ng pag-aalis, na nakahadlang sa gawain ng iglesia. Masyado kong pinahalagahan ang reputasyon at katayuan! Naisip ko ang nakaraan: Noong nasa mundo pa ako, mayroon akong matinding pagnanais para sa reputasyon at katayuan. Noong nagtatrabaho ako, madalas akong purihin ng lider ng aming turno sa mga pulong dahil maganda ang etika ko sa gawain at may kaunti akong kasanayan. Mataas din ang tingin sa akin ng boss at hiniling niya sa akin na maging responsable sa ilang gampanin. Dahil dito, tuwang-tuwa ako. Pero nang kailangang ulitin ang trabahong ginawa ko at pinuna ako ng lider ng aming turno, dahil pakiramdam ko ay napahiya ako sa harap ng napakaraming tao, gusto ko na lang magbitiw. Pagdating sa sambahayan ng Diyos para gawin ang aking tungkulin, inuna ko pa rin ang sarili kong dangal at katayuan; at hindi ako nangahas na aminin na wala akong alam gawin. Hindi pa ako matagal na nananampalataya sa Diyos, pero biniyayaan ako ng Diyos na magawa ang aking tungkulin bilang isang mangangaral. Ang layunin ng Diyos ay na, habang ginagawa ko ang aking tungkulin, masanay ko ang sarili kong maghanap ng katotohanan para lutasin ang mga problema sa aking tungkulin. Magandang pagkakataon ito para magkamit ng katotohanan. Gayumpaman, hindi ko inisip kung paano gagawin nang maayos ang aking tungkulin at palulugurin ang Diyos, kundi puspusan kong sinubukang protektahan ang sarili kong dangal at katayuan. Nang makita ko ang mga problema sa gawain ng iglesia at ang kalagayan ng sister ko na nangangailangan ng solusyon, umurong ako at umiwas na lutasin ang mga problema para protektahan ang titulo ko bilang isang mangangaral. Hindi ko man lang pinansin ang gawain ng iglesia o ang mga kalagayan ng mga kapatid, at tanging ang sarili kong dangal at katayuan lang ang isinaalang-alang ko. Talagang makasarili at kasuklam-suklam ako. Ang landas na tinatahak ko ay landas ng isang anticristo na lumalaban sa Diyos. Nang maunawaan ko ito, naramdaman kong napakadelikado ng kalagayan ko, at handa akong magmadaling magsisi at baguhin ang mga bagay-bagay.

Kalaunan, matapos malaman ng mga nakatataas na lider ang tungkol sa kalagayan ko, nagbahagi sila sa akin ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos, na nagbigay sa akin ng landas ng pagsasagawa sa pagbitiw sa katayuan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Paano kayo magiging ordinaryo at normal na mga tao? … Una, huwag mong bigyan ng titulo ang sarili mo at huwag kang magpagapos dito, na sinasabing, ‘Ako ang lider, ako ang pinuno ng grupo, ako ang tagapangasiwa, walang nakaaalam sa gawaing ito nang higit sa akin, walang nakauunawa sa mga kasanayan nang higit sa akin.’ Huwag kang mahumaling sa titulong ibinigay mo sa sarili. Sa sandaling gawin mo ito, itatali nito ang iyong mga kamay at paa, at maaapektuhan ang iyong sinasabi at ginagawa. Maaapektuhan din ang normal mong pag-iisip at paghusga. Dapat mong palayain ang iyong sarili sa mga limitasyon ng katayuang ito. Una, ibaba mo ang iyong sarili mula sa opisyal na titulo at posisyon na ito at tumayo ka sa lugar ng isang pangkaraniwang tao. Kung gagawin mo ito, magiging medyo normal ang mentalidad mo. Dapat mo ring aminin at sabihin na, ‘Hindi ko alam kung paano ito gawin, at hindi ko rin iyon nauunawaan—kakailanganin kong magsaliksik at mag-aral,’ o ‘Hindi ko pa ito nararanasan, kaya hindi ko alam ang gagawin.’ Kapag kaya mong magsabi ng tunay mong iniisip at magsalita nang tapat, magtataglay ka ng normal na katwiran. Makikilala ng iba ang tunay na ikaw, at sa gayon ay magkakaroon ng normal na pagtingin sa iyo, at hindi mo kakailanganing magpanggap, ni hindi ka magkakaroon ng anumang matinding presyur, kung kaya’t magagawa mong makipag-usap nang normal sa mga tao. Ang pamumuhay nang ganito ay malaya at magaan; ang sinumang napapagod mabuhay ay idinulot ito sa kanilang mga sarili. Huwag kang magkunwari o magpanggap. Una, magtapat ka tungkol sa iniisip mo sa iyong puso, tungkol sa tunay mong mga saloobin, upang malaman ng lahat ang mga iyon at maunawaan ang mga iyon. Bilang resulta, ang iyong mga alalahanin at ang mga hadlang at mga hinala sa pagitan mo at ng iba ay mawawalang lahat. May iba pang nakahahadlang sa iyo. Palagi mong itinuturing ang sarili mo na pinuno ng grupo, isang lider, isang manggagawa, o isang taong may titulo, katayuan, at posisyon: Kung sasabihin mong mayroon kang hindi nauunawaan, o hindi kayang gawin, hindi ba’t nililibak mo ang iyong sarili? Kapag isinantabi mo ang mga gapos na ito sa iyong puso, kapag tumigil ka na sa pag-iisip na isa kang lider o isang manggagawa, at kapag tumigil ka na sa pag-iisip na mas magaling ka sa ibang tao at naramdaman mo na isa kang pangkaraniwang tao, na katulad ng lahat, at na mayroong ilang aspekto kung saan mas mababa ka sa iba—kapag nagbahagi ka ng katotohanan at mga bagay na may kinalaman sa gawain nang may ganitong saloobin, iba ang epekto, gayundin ang atmospera. Kung sa iyong puso, palagi kang may mga pag-aalinlangan, kung palagi kang namomroblema at nahahadlangan, at kung gusto mong alisin sa iyo ang mga bagay na ito pero hindi mo magawa, dapat ay seryoso kang magdasal sa Diyos, pagnilay-nilayan ang iyong sarili, tingnan ang iyong mga pagkukulang, at pagsumikapan ang katotohanan. Kung maisasagawa mo ang katotohanan, magkakamit ka ng mga resulta. Anuman ang gawin mo, huwag kang magsalita at kumilos mula sa isang partikular na posisyon o gamit ang isang partikular na titulo. Una, isantabi mo ang lahat ng ito, at ilagay mo ang sarili mo sa lugar ng isang pangkaraniwang tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapahalaga sa mga Salita ng Diyos ang Pundasyon ng Pananampalataya sa Diyos). “Ang kahulugan ng katayuan sa iyo? Sa katunayan, ang katayuan ay isa lamang pasobra, isang karagdagang bagay, tulad ng isang piraso ng damit o sumbrero. Isang palamuti lamang ito. Wala itong totoong silbi, at hindi naaapektuhan ng presensya nito ang anumang bagay. Mayroon ka mang katayuan o wala, ikaw pa rin ang taong iyan. Nauunawaan man ng mga tao ang katotohanan at nakakamit ang katotohanan at buhay ay walang kinalaman sa katayuan. Basta’t hindi mo ginagawang napakalaking bagay ang katayuan, hindi ka nito mapipigilan. Kung mahal mo ang katayuan at binibigyan ito ng natatanging pagpapahalaga, lagi itong itinuturing bilang mahalagang bagay, mapapasailalim ka ng kontrol nito; hindi ka na magiging handang magtapat, maglantad ng iyong sarili, kilalanin ang iyong sarili, o isantabi ang iyong tungkulin sa pamumuno upang kumilos, magsalita at makipag-ugnayan sa iba at gampanan ang iyong tungkulin. Anong uri ng suliranin ito? Hindi ba’t isa itong usapin ng pagiging napipigilan ng katayuan? Nangyayari ito dahil nagsasalita at kumikilos ka mula sa isang mataas na katayuan at hindi maitigil ang pagmamataas. Hindi ba’t pinahihirapan mo lamang ang sarili mo sa paggawa nito? Kung talagang nauunawaan mo ang katotohanan, at kung maaari kang magkaroon ng katayuan nang hindi umaasta na gaya ng ginagawa mo, kundi sa halip ay matututukan mo kung paano gampanan nang maayos ang iyong mga tungkulin, gawin ang lahat ng dapat mong gawin at tuparin ang nararapat mong tungkulin, at kung nakikita mo ang sarili bilang karaniwang kapatid, hindi ka ba mapipigilan ng katayuan?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Lutasin ang mga Tukso at Gapos ng Katayuan). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang salitang “mangangaral” ay isang titulo lamang, at walang anumang kinakatawan. Hindi naman dahil sa isa akong mangangaral ay nauunawaan ko na ang katotohanan; ang totoo niyan, gawin ko man o hindi ang tungkuling ito, pareho lang ang magiging tayog ko at hindi ko pa rin magagawa ang mga bagay na hindi ko kayang gawin. Umaasa ang Diyos na taimtim kong magagawang maging isang ordinaryong tao; na hindi nagagapusan o napipigilan ng mga titulo; magtapat tungkol sa aking katiwalian at mga depekto sa tuwing may mga pagtitipon, nakikipagbahaginan sa abot ng aking nauunawaan; maging isang matapat na tao, na nagsasabing “Hindi ko alam” kapag nahaharap sa mga problema o paghihirap na hindi ko malutas; at makipagbahaginan at maghanap kasama ng mga kapatid para magawa nang maayos ang aking tungkulin. Pagkatapos maunawaan ang layunin ng Diyos, handa akong umasa sa Diyos na pumasok sa aspektong ito. Kalaunan, sa mga pagtitipon, hindi ko na inilalagay ang sarili ko sa pedestal ng isang mangangaral, at kapag nahaharap ako sa mga problemang hindi ko nauunawaan, tinatalakay at nilulutas namin itong lahat nang magkakasama.

Minsan, pumunta ako sa isang iglesia para alamin ang tungkol sa gawain nito. Pagdating ko sa lugar ng pagtitipon, nakita ko ang isang brother na nakaugnayan ko na dati. Medyo nakatuon ang brother na ito sa sarili niyang pagpasok sa buhay at kayang makipagbahaginan tungkol sa katotohanan para lumutas ng ilang problema. Nagsimula akong mag-isip, “Kung hindi ako kasinggaling niya sa paglutas ng mga problema, ano na lang ang iisipin ng mga kapatid sa akin? Iisipin kaya nila na ako, isang mangangaral, ay hindi man lang kayang gamitin ang katotohanan para lumutas ng mga problema? Kahiya-hiya iyon!” Napagtanto kong naiimpluwensiyahan na naman ako ng aking katayuan at titulo, at naisip ko ang mga pagtitipon noon, kung saan nagtago ako ng mga bagay-bagay at nagkunwari para sa reputasyon at katayuan, at hindi ako nangahas na magtapat at maglantad ng mga bagay na hindi ko nauunawaan o hindi ko kayang gawin. Talagang miserable at napakasakit na magmataas sa mga pagtitipon! Ayoko nang gawin ito. Naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Kung ayaw mong masalang sa apoy at maihaw, dapat mong isuko ang lahat ng titulo at limbo na ito at sabihin sa iyong mga kapatid ang tunay na mga kalagayan at mga kaisipan sa iyong puso. Sa ganitong paraan, matatrato ka nang tama ng mga kapatid at hindi mo na kailangang magbalatkayo. Ngayong nasabi mo na ang iyong saloobin at nabigyang linaw mo na ang tunay mong kalagayan, hindi ba’t lalong nakakaramdam ang puso mo ng kapanatagan, at kapahingahan? Bakit ka maglalakad nang may ganoong kabigat na pasan sa iyong likod? Kung ipagtatapat mo ang tunay mong kalagayan, magiging mababa nga ba ang pagtingin sa iyo ng mga kapatid? Talaga bang aabandonahin ka nila? Hinding-hindi. Sa kabaligtaran, sasang-ayunan at hahangaan ka ng mga kapatid dahil sa lakas ng loob mong sabihin kung ano ang laman ng iyong puso. Sasabihin nilang isa kang tapat na tao. Hindi nito hahadlangan ang gawain mo sa iglesia, ni hindi magkakaroon ng bahagya mang negatibong epekto rito. Kung talagang nakikita ng mga kapatid na may mga paghihirap ka, kusa ka nilang tutulungan at sasamahan sa paggawa. Ano ang masasabi ninyo? Hindi ba’t ganito ang mangyayari?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapahalaga sa mga Salita ng Diyos ang Pundasyon ng Pananampalataya sa Diyos). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kung gusto kong bitawan ang katayuan at mga titulo, dapat maging matapat akong tao, magtapat sa pakikipagbahaginan tungkol sa aking mga tunay na iniisip sa mga kapatid nang hindi nagtatago o nagkukunwari, tanggapin ang mga bagay kung ano ang mga ito, maghanap kasama ng mga kapatid at makipagbahaginan sa lahat tungkol sa mga bagay na hindi ko nauunawaan, natututo mula sa kalakasan ng isa’t isa para punan ang aming mga kahinaan. Kapaki-pakinabang ito kapwa sa akin at sa gawain ng iglesia. Kaya, tahimik akong nanalangin sa Diyos, na nawa’y akayin Niya ako na bitawan ang dangal at katayuan, iwaksi ang mga pagpigil ng mga titulo, at magtapat sa pakikipagbahaginan, bilang isang matapat na tao. Sa pagtitipon, nagtapat ako at sinabi kong marami akong depekto, at na kung sinuman ang may mga problema o kalagayan, maaari kaming maghanap, makipagbahaginan, at lutasin ang mga ito nang sama-sama, natututo sa mga kalakasan ng isa’t isa. Hindi ko na inilagay ang sarili ko sa pedestal ng isang mangangaral, at hindi na ako gaanong tensiyonado o napipigilan sa pagtitipon. Sa halip, naramdaman kong talagang napalaya at malaya ako sa buong pagtitipong iyon. Nagkamit din ako ng kaunting liwanag mula sa pagbabahagi ng mga kapatid at mas malinaw kong nakita ang mga problema. Mula sa kaibuturan ng aking puso, naramdaman kong napakaginhawa na bitawan ang mga titulo kapag nakikipagtipon.

Sa pamamagitan ng aking karanasan sa panahong ito, naunawaan ko na ang tanging mga bagay na idinulot sa akin ng paghahangad ng reputasyon at katayuan sa paggawa ng aking tungkulin ay pagdurusa at pagpapahirap, at na ang landas na tinatahak ko ay ang landas ng mga anticristo, na lumalaban sa Diyos. Maititiwalag lang ako ng Diyos sa huli. Sa pamamagitan lamang ng taimtim na pagtayo sa wastong posisyon ng isang nilikha, at simple’t tapat na pagiging bukas at pagiging isang matapat na tao magagawa ko nang maayos ang aking tungkulin.

Sinundan:  91. Hindi na Ako Nalulugmok sa Maling Pagkaunawa Dahil sa Aking Pagsalangsang

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger