13. Ang ugnayan sa pagitan ng paggampan ng tungkulin at buhay pagpasok

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Kung gusto mong kilalanin ka ng Diyos bilang isa sa Kanyang mga tagasunod, kung gayon, una sa lahat, dapat kang tumuon sa buhay pagpasok—nangangahulugan ito ng pagsisimula sa pagkilala sa iyong sarili. Habang mas nakikilala ng isang tao ang kanyang sarili, mas matatalos niya ang diwa at katunayan ng kanyang katiwalian, at mas mauuhaw siyang hangarin ang katotohanan sa kanyang kalooban; sa paggampan ng kanyang tungkulin, partikular niyang pahahalagahan ang paghahanap sa katotohanan, pagsasagawa ng katotohanan, at pagwawaksi sa kanyang mga tiwaling disposisyon, kaya magagawa niyang itaguyod ang kanyang tungkulin, at tuparin nang maayos ang kanyang tungkulin ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Iyon ang dapat na maging pangunahing priyoridad mo. Ang layunin ng pagtuon sa buhay pagpasok ay ang gampanan nang maayos ang iyong tungkulin; sa esensya, ang lahat ng ito ay tungkol sa paggampan ng iyong tungkulin. Dapat mong simulan ang paghahangad sa buhay pagpasok sa pamamagitan ng paggampan ng iyong tungkulin, at sa pamamagitan ng buhay pagpasok, dapat mong maunawaan at makamit ang katotohanan nang unti-unti, upang umabot ka sa punto na mayroon kang tayog, kung saan unti-unting lumalago ang iyong buhay at mayroon kang mga praktikal na karanasan sa katotohanan. Pagkatapos ay kailangan mong maging dalubhasa sa lahat ng uri ng prinsipyo ng pagsasagawa, upang magampanan mo ang tungkulin mo nang hindi nalilimitahan o nagugulo ng sinumang tao, pangyayari, o bagay. Sa ganitong paraan, unti-unti kang mamumuhay sa presensya ng Diyos. Hindi ka magugulo ng anumang uri ng tao, pangyayari, o bagay, at magkakaroon ka ng karanasan sa katotohanan. Habang mas dumarami ang karanasan mo, mas magagawa mong magpatotoo sa Diyos, at habang mas nakapagpapatotoo ka sa Diyos, unti-unti kang magiging isang kapaki-pakinabang na tao. Kapag naging isa kang kapaki-pakinabang na tao, magagampanan mo ang iyong tungkulin sa isang paraan na pasok sa pamantayan sa sambahayan ng Diyos, magagawa mong akuin nang wasto ang iyong posisyon bilang isang nilikha at magpasakop sa mga pagsasaayos at pamamatnugot ng Diyos, at magagawa mong manindigan. Tanging ang ganitong uri ng tao ang nilikhang pasok sa pamantayan at isang taong taglay ang pagsang-ayon ng Diyos. Kung gayon, magiging karapat-dapat ka sa lahat ng ipinagkaloob sa iyo ng Diyos.

Ano ang susi sa pagpasok sa katotohanang realidad? Dapat mong matutunan kung paano isagawa ang katotohanan para mapangasiwaan mo ang mga bagay sa maprinsipyong paraan. May anumang silbi ba sa palaging pagpapanata at pagpapahayag ng iyong kapasyahan? Kung palagi kang nagpapanata at nagpapahayag ng iyong kapasyahan, pero hindi mo pa rin naisasagawa ang katotohanan, wala talaga itong silbi. Ang pinakamahalaga at pinakatotoong bagay ay ang magkamit ng buhay pagpasok habang ginagampanan ang iyong tungkulin, sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan para malutas ang iba’t ibang problema na lumilitaw habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin, at para baguhin ang iba’t iba mong maling saloobin sa iyong tungkulin. Ano ang ibig sabihin ng magkaroon ng buhay pagpasok? Ang pagkakaroon ng buhay pagpasok ay nangangahulugang mayroon kang karanasan at kaalaman sa katotohanan, at naisasagawa mo ito nang tama. Lahat ba kayo ay mayroong buhay pagpasok ngayon? Kaya ba ninyong magpatotoo sa Diyos? Hindi ba’t kadalasan ay kaya lang ninyong magsabi ng ilang salita at doktrina, na ang inyong kaalaman sa katotohanan ay humihinto sa antas ng doktrina, walang anumang tunay na kaalaman o karanasan sa katotohanan? Kung hindi mo kayang makamit ang tunay na karanasan at kaalaman sa katotohanan, magkukulang ka sa pagpapatotoo sa Diyos. Kadalasan, mayroon ka lang kaunting kaalamang batay sa pakiramdam, pakiramdam mo kapag sinabi ito ng Diyos sa isang paraan, ito ay ang katotohanan, at kapag sinabi Niya ito sa ibang paraan, ito rin ay ang katotohanan—pakiramdam mo, lahat ng salita ng Diyos ay ang katotohanan, at nag-a-amen ka sa mga ito at sinasang-ayunan mo ang mga ito. Pero hindi mo maiugnay ang mga ito sa iyong sarili. Kapag gumagawa ka ng mga bagay-bagay, nalilito ka pa rin, at hindi mo alam kung aling mga katotohanan ang dapat mong gamitin para lutasin ang iyong mga problema, ni hindi mo alam kung anong paraan ng pagkilos ang magiging pagsasagawa ng katotohanan. Hindi ba’t ang karamihan sa inyo ay nasa ganitong uri ng kalagayan? Bagama’t nakakapagsabi kayo ng maraming salita at doktrina, hindi ninyo mailapat ang mga ito sa inyong mga aktuwal na buhay. Hindi pa rin ninyo alam kung paano isagawa ang katotohanan, ni hindi ninyo alam kung paano ilapat ang mga salita ng Diyos sa inyong mga aktuwal na buhay, at anuman ang mangyari sa inyo, hindi ninyo alam kung paano hanapin ang katotohanan para lutasin ang inyong mga problema. Ito ay dahil masyadong mababaw ang buhay pagpasok ng mga tao, at masyadong mababa ang kanilang tayog. Kapag alam ninyo kung paano dumanas, magsagawa, at maglapat ng mga salita ng Diyos sa inyong mga aktuwal na buhay, at kapag alam ninyo kung paano hanapin ang katotohanan para malutas ang mga problema kapag may nangyari sa inyo, lalago ang buhay ninyo. Ang malaman kung paano isagawa ang katotohanan ay isang palatandaan na lumalago ang buhay ninyo. Balang araw, kapag nagawa mong lutasin ang mga problema gamit ang katotohanan, kapag mayroon kang kaunting kaalaman sa Diyos, kapag sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tunay mong kaalaman sa Diyos ay nagawa mong magpatotoo sa Kanyang gawain, sa Kanyang banal at matuwid na disposisyon, at sa Kanyang pagkamakapangyarihan-sa-lahat at sa Kanyang karunungan, kung gayon ay magagawa mong tunay na magpatotoo sa Diyos, at magiging kalipikado kang gamitin ng Diyos. Kung iniisip mo na marami-rami na ang nauunawaan mo, at kaya mong magsalita nang walang katapusan tungkol sa doktrina, pero wala kang malutas na anuman na may kaugnayan sa sarili mong mga problema, at hindi mo rin alam kung paano hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga ito, pinatutunayan nito na ang nauunawaan mo ay hindi ang katotohanan, kundi mga salita at doktrina. Kahit pa nakakaugnay ang iba sa ilan sa mga doktrinang naririnig nilang sinasabi mo, nakakahanap sila ng kaunting pagpapatibay mula sa mga ito, at nakakamit ng mga doktrinang sinasabi mo ang ilang resulta, hindi mo lang talaga magawang ipaliwanag nang lubusan ang mga bagay-bagay, ni hindi mo ganap na malutas ang mga problema. Pinatutunayan nito na ang naipaparating lamang ng mga doktrinang sinasabi mo ay ang literal na kahulugan; sa pinakamataas, ang mga ito ay mga piraso lamang ng kaalamang batay sa pakiramdam, hindi pa umaabot sa antas ng makatwirang kaalaman; hindi masasabing ang mga ito ay ang katotohanang realidad, lalong hindi masasabing nakapasok ka na sa katotohanang realidad. Ngayon, paano mo lulutasin ang problemang ito ng pagsasabi ng mga salita at doktrina? Nangangailangan ito ng paglalaan ng pagsisikap sa pag-unawa sa katotohanan. Tanging kapag nauunawaan mo ang katotohanan saka mo pagninilayan ang iyong sarili, magagawang kilalanin ang mga tiwaling disposisyon na ibinunyag mo, at magagawang matuklasan ang ugat ng iyong mga problema. Pagkatapos, dapat mong hanapin ang katotohanan, at gamitin ang mga salita ng Diyos para lubusang lutasin ang mga tiwaling disposisyon na ibinunyag mo. Kung ang ibinubunyag mo man ay kayabangan at pagmamatuwid sa sarili o pagkabaliko at panlilinlang, o pagkamakasarili man ito at pagiging kasuklam-suklam man o pagiging pabasta-basta at panlilinlang sa Diyos, dapat mong pagnilayan ang mga tiwaling disposisyong ito hanggang sa malinaw mong makita ang mga ito. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung anong mga problema ang umiiral habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin, at kung gaano ka kalayo sa pagkamit ng kaligtasan. Kapag malinaw mong nakikita ang sarili mong mga tiwaling disposisyon, saka mo lang malalaman kung nasaan ang mga paghihirap at hadlang sa paggampan ng iyong tungkulin. Saka mo lang malulutas ang mga problema sa ugat ng mga ito. Halimbawa, sabihin nating hindi ka umaako ng responsabilidad sa paggampan ng iyong tungkulin, sa halip ay palagi kang kumikilos nang pabasta-basta, na nagdudulot ng mga kawalan sa gawain mo, pero inaalala mo ang pride mo, kaya ayaw mong bukas na magbahagi tungkol sa kalagayan at mga paghihirap mo, at magsagawa ng paghihimay at pagkilala sa mga ito, sa halip ay palagi kang naghahanap ng mga dahilan para harapin ang mga bagay-bagay nang pabasta-basta. Paano mo dapat lutasin ang problemang ito? Dapat kang manalangin sa Diyos at magnilay-nilay sa sarili mo, sabihin mong, “Diyos ko, nagnanais akong magsabi ng gayong mga bagay para protektahan ang pride ko. Ang tiwaling disposisyon ko ang nagsasalita. Hindi ako dapat magsalita nang ganoon. Dapat akong magbukas-loob tungkol sa aking sarili, ilantad ang aking sarili, at sabihin nang malakas ang mga tunay na saloobin ng aking puso. Mas gugustuhin ko pang mapahiya at masira ang reputasyon ko kaysa mabigyang-kasiyahan ang sarili kong banidad. Ang Diyos lamang ang gusto kong palugurin.” Sa ganitong paraan, sa pamamagitan ng paghihimagsik laban sa iyong sarili at pagsasabi ng mga tunay na saloobin ng iyong puso nang malakas, isinasagawa mo ang pagiging isang matapat na tao, at higit pa rito, hindi ka kumikilos ayon sa sarili mong kalooban o sumusubok na depensahan ang pride mo. Naisasagawa mo ang mga salita ng Diyos, naisasagawa ang katotohanan ayon sa mga pagnanais ng Diyos, taimtim na natutupad nang maayos ang iyong tungkulin, at ganap na natutupad nang maayos ang iyong mga responsabilidad. Sa gayon, hindi mo lamang isinasagawa ang katotohanan at tinutupad nang maayos ang iyong tungkulin, kundi itinataguyod mo rin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, na nagpapalugod sa puso ng Diyos. Ang pamumuhay sa ganitong paraan ay bukas at matuwid, at ang iyong mga kaisipan at ideya, pati na rin ang iyong mga kilos at gawa, ay maaaring dalhin sa harap ng mga tao at sa harap ng Diyos. Napakaganda nito! Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay medyo mahirap, at baka humarap ka sa kabiguan nang maraming beses, pero kung magsasagawa at magsusumikap ka sa direksyong ito, tiyak na magtatagumpay ka. At ano ang ibig sabihin ng pagtatagumpay para sa iyo? Nangangahulugan ito na kapag isinasagawa mo ang katotohanan, nagagawa mo ang hakbang na ito na nagpapalaya sa iyo mula sa pagkakagapos ni Satanas, isang hakbang na nagbibigay-daan upang maghimagsik ka laban sa iyong sarili. Nangangahulugan ito na maisasantabi mo ang banidad at pride, maititigil mo ang paghahanap sa sariling kapakinabangan, at maititigil mo ang paggawa ng mga makasarili at kasuklam-suklam na bagay. Kapag isinagawa mo ito, ipinakikita mo sa mga tao na ikaw ay isang taong nagmamahal sa katotohanan, na may katotohanang realidad, isang taong nananabik sa katarungan at liwanag. Ito ang resultang nakakamit mo sa pagsasagawa ng katotohanan. Kasabay nito, naghahatid ka rin ng kahihiyan kay Satanas. Ginawa kang tiwali ni Satanas, ginawa kang makasarili, at idinulot na protektahan mo ang sarili mong mga interes at isipin ang iyong pride. Ngunit ngayon, hindi ka na magagapos ng mga bagay na ito ni Satanas, nakalaya ka na sa mga ito, hindi ka na kontrolado ng banidad, pride, o ng sarili mong personal na kapakinabangan, at isinasagawa mo ang katotohanan, kaya lubusan nang napahiya si Satanas, at wala na itong magagawa pa. Kapag hindi ka kayang kontrolin ni Satanas, hindi ba’t nagtagumpay ka na kung gayon? Kung matagumpay ka na, hindi ba’t makakapanindigan ka sa iyong patotoo para sa Diyos? Hindi ka ba nakipagbaka ng mabuting pakikipagbaka? Kapag nakipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka, mayroon kang kapayapaan at kagalakan, at isang pakiramdam ng kaalwanan sa iyong puso. Kung namumuhay ka nang may madalas na pakiramdam ng pag-aakusa sa iyong puso, nakakaramdam ng pagkabalisa, walang kapayapaan o kagalakan, at kung madalas kang nag-aalala at nababagabag tungkol sa lahat ng uri ng bagay, ano ang ipinapakita nito? Ipinapakita lang nito na hindi mo isinasagawa ang katotohanan, at na hindi ka naninindigan sa iyong patotoo para sa Diyos. Kapag namumuhay ka sa gitna ng mga satanikong disposisyon, kumikilos ka ayon sa sarili mong kalooban, ayaw mong isagawa ang katotohanan, at ipinagkakanulo mo pa nga ang katotohanan, gumagawa ng anumang paraan para makamit ang iyong mga layon. Pinoprotektahan mo lang ang sarili mong banidad, pride, reputasyon, katayuan, at mga interes. Hindi ba’t ito ay pagiging makasarili at kasuklam-suklam? Kapag palagi kang namumuhay para sa iyong sarili at para sa sarili mong mga interes, nagiging puno ng pasakit ang buhay. Mayroon kang napakaraming makasariling pagnanais, gusot, gapos, pag-aalala, at pagkabagabag; walang katiting na kapayapaan o kagalakan sa iyo. Ang mamuhay para sa tiwaling laman ay walang iba kundi matinding pagdurusa. Yaong mga naghahangad ng katotohanan ay naiiba. Habang mas nauunawaan nila ang katotohanan, mas nakakahulagpos at malaya sila; habang mas isinasagawa nila ang katotohanan, mas higit ang kanilang kapayapaan at kagalakan. Kapag nakamit nila ang katotohanan, ganap silang mamumuhay sa liwanag at magtatamasa ng mga pagpapala ng Diyos, malaya sa pagdurusa.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Buhay Pagpasok ay Nagsisimula sa Paggampan ng Tungkulin

Maraming tao ang nakakaramdam na malaki ang kakulangan nila pagkatapos nilang gampanan ang kanilang tungkulin, at na hindi nila taglay ang katotohanang realidad, kaya lagi silang nanghihingi ng mas maraming sermong pakikinggan, at na ang mga lider at manggagawa ay magdaos ng mas marami pang pagtitipon, na para bang iyon lamang ang makapagbibigay sa kanila ng buhay pagpasok at paglago sa buhay. Kapag ilang panahon silang hindi nakadalo sa isang pagtitipon o nakapakinig sa isang sermon, pakiramdam nila ay ganap na hungkag ang puso nila, na parang walang anumang laman ang loob nila. Sa puso nila, para bang ang araw-araw na pakikinig sa mga sermon at pagdalo sa mga pagtitipon lamang ang magbibigay sa kanila ng buhay pagpasok o magbibigay sa kanila ng kakayahan na lumago sa espirituwal na pagkahinog. Iniisip nila na kung hindi sila makikinig sa mga sermon o dadalo sa mga pagtitipon araw-araw, at sa halip ay magpapakaabala lamang sa paggampan ng kanilang tungkulin, walang magiging paglago sa kanilang buhay. Maling-mali ang ganitong uri ng pag-iisip. Sa realidad, bilang isang mananampalataya sa Diyos, ang magawang maunawaan ang katotohanan at makapasok sa realidad ay pangunahing nakasalalay sa pagdanas at pagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Sa partikular, kung sa tungkulin ng isang tao ay hinahanap niya ang mga katotohanang prinsipyo sa lahat ng bagay at nagagawa niyang kumilos ayon sa mga prinsipyo, pinakamabilis na lalago ang kanyang buhay. Kung sinasabi mong taos-puso kang nananampalataya sa Diyos, ngunit ayaw mong gampanan ang iyong tungkulin, nasaan ang sinseridad sa pananampalataya mo sa Diyos? Yaong mga taos-pusong gumagampan ng kanilang tungkulin ay yaong mga may pananalig. Ang mga may pananalig lamang ang naglalakas-loob na ialay ang kanilang buong buhay sa Diyos, at handa silang talikuran ang lahat upang gumugol para sa Diyos. Nararanasan ng ganitong mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin; sila ay naliliwanagan, ginagabayan, at dinidisiplina ng Banal na Espiritu. Ang lahat ng ito ay nagbubunga ng karanasan sa buhay. Kaya, ang buhay pagpasok ay nagsisimula sa pormal na paggampan ng tungkulin ng isang tao.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Buhay Pagpasok ay Nagsisimula sa Paggampan ng Tungkulin

Anumang tungkuling iyong ginagampanan ay kinapapalooban ng buhay pagpasok. Kung medyo palagian man o pabago-bago ang iyong tungkulin, nakakabagot man o masigla, dapat mong maabot palagi ang buhay pagpasok. Ang mga tungkuling ginagampanan ng ilang tao ay medyo walang pagkakaiba-iba; pare-pareho lang ang ginagawa nila araw-araw. Gayumpaman, kapag ginagampanan ang mga ito, ang mga kalagayang ipinapakita ng mga taong ito ay hindi gayong magkahalintulad. Kung minsan, kapag maganda ang lagay ng loob nila, medyo mas masipag ang mga tao at mas maganda ang kinalalabasan ng ginagawa nila. Kung minsan naman, dahil sa hindi nalalamang impluwensiya, nagdudulot ng gulo sa kanilang kalooban ang kanilang mga satanikong tiwaling disposisyon, na nagiging dahilan para magkaroon sila ng di-wastong mga pananaw; nasasadlak sila sa masasamang kalagayan at masasamang lagay ng loob, at humahantong sa pabasta-bastang paggampan sa kanilang mga tungkulin. Ang mga panloob na kalagayan ng mga tao ay magbabago ayon sa kanilang kapaligiran, pero paano man magbago ang mga ito, kung nauunawaan ng isang tao ang katotohanan, makakakilos siya ayon sa mga prinsipyo. Maling gumawa ng mga bagay-bagay batay sa iyong lagay ng loob; iyon ay paggawa ng mga bagay-bagay batay sa iyong mga kagustuhan. Kapag maganda ang lagay ng loob mo, kaya mong bigyan ng kaunting pansin ang ginagawa mo, at kapag masama ang lagay ng loob mo, wala kang pakialam sa ginagawa mo, at kumikilos ka nang pabasta-basta—ito ba ay may-prinsipyong paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay? Tutulutan ka ba nito na gampanan ang iyong tungkulin sa isang paraan na pasok sa pamantayan? Anuman ang lagay ng loob nila, dapat alam ng mga tao na manalangin sa harap ng Diyos at hanapin ang katotohanan; sa ganitong paraan lamang sila makakaiwas na malimitahan at matangay nang paroo’t parito ng kanilang mga lagay ng loob. Kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, dapat mong suriin palagi ang iyong sarili upang makita kung ginagawa mo ang mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo, kung ang paggampan mo sa iyong tungkulin ay pasok sa pamantayan, kung ginagawa mo ito nang pabasta-basta o hindi, kung nagiging tuso ka man at nagpapakatamad, at kung may anumang mga problema sa iyong saloobin at sa paraan ng iyong pag-iisip. Sa sandaling nakapagnilay-nilay ka sa sarili at naging malinaw sa iyo ang mga bagay na ito, magiging mas madali ang pagtupad mo nang maayos sa iyong tungkulin. Anuman ang maranasan mo habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin—pagiging negatibo at mahina, o pagkakaroon ng masamang lagay ng loob matapos kang pungusan—dapat mo itong tratuhin nang maayos, at kailangan mo ring hanapin ang katotohanan at unawain ang mga layunin ng Diyos. Sa paggawa ng mga bagay na ito, magkakaroon ka ng isang landas ng pagsasagawa. Kung nais mong maging maganda ang iyong trabaho sa paggampan sa iyong tungkulin, hindi ka dapat magpaapekto sa lagay ng loob mo. Gaano man kanegatibo o kahina ang iyong nararamdaman, dapat mong isagawa ang katotohanan, tuparin ang iyong mga obligasyon at responsabilidad, at panghawakan mo ang mga prinsipyo sa lahat ng iyong ginagawa. Kung gagawin mo ito, hindi ka lamang sasang-ayunan ng ibang tao, kundi magugustuhan ka rin ng Diyos. Sa gayon, ikaw ay magiging isang taong responsable, na kayang umako ng responsabilidad, na tunay na mabuti, at na talagang gumagampan sa kanyang mga tungkulin nang pasok sa pamantayan, at lubos mong isasabuhay ang wangis ng isang tunay na tao. Ang gayong mga tao ay pinadadalisay at nagkakamit ng tunay na pagbabago kapag ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, at masasabing sila ay matatapat na tao sa mga mata ng Diyos. Matatapat na tao lamang ang kayang magpunyagi sa pagsasagawa ng katotohanan upang makamit ang pagkilos nang may prinsipyo at magawang gampanan ang kanilang mga tungkulin nang pasok sa pamantayan. Ang mga taong kumikilos nang may prinsipyo ay ginagampanan nang maigi ang kanilang mga tungkulin kapag maganda ang lagay ng loob nila; hindi sila nagtatrabaho nang pabasta-basta, hindi sila walang-galang at hindi nagpapasikat para tumaas ang tingin sa kanila ng iba. Kapag masama ang lagay ng loob nila, nagagawa nilang tapusin ang kanilang pang-araw-araw na mga gampanin nang gayon din kasigasig at karesponsable, at kahit dumaranas sila ng isang bagay na nakakainis na nakakapresyur sa kanila o gumugulo sa kanila habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin, nagagawa pa rin nilang patahimikin ang puso nila sa harap ng Diyos at manalangin, na sinasabing, “Gaano man kalaki ang problemang kinakaharap ko—kahit bumagsak pa ang kalangitan—basta’t ako ay buhay, dapat kong tuparin nang maayos ang aking tungkulin. Bawat araw na nabubuhay ako ay isang araw na dapat kong gampanan nang maayos ang aking tungkulin, nang sa gayon ako ay karapat-dapat sa tungkuling ito na ibinigay sa akin ng Diyos, gayundin sa hiningang ito na ipinasok Niya sa aking katawan. Gaano man ako nahihirapan, isasantabi ko ang lahat ng iyon, sapagkat ang pagtupad nang maayos sa aking tungkulin ang pinakamahalaga!” Yaong mga hindi apektado ng sinumang tao, anumang kaganapan, bagay, o kapaligiran, na hindi nalilimitahan ng anumang lagay ng loob o sitwasyon sa labas, at inuuna sa lahat ang kanilang mga tungkulin at atas na naipagkatiwala sa kanila ng Diyos—sila ang mga taong tapat sa Diyos at tunay na nagpapasakop sa Kanya. Ang ganitong mga tao ay nakamtan na ang buhay pagpasok at nakapasok na sa katotohanang realidad. Ito ay isa sa pinakatotoo at pinakapraktikal na mga pagpapamalas ng pagsasabuhay ng katotohanan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Buhay Pagpasok ay Nagsisimula sa Paggampan ng Tungkulin

Upang magampanan ang iyong tungkulin sa isang paraan na pasok sa pamantayan, kailangan mo munang magkaroon ng wastong mentalidad. Kapag nabubunyag ang iyong tiwaling disposisyon, kailangan mo ring ayusin ang sarili mong kalagayan. Kapag nagawa mong tratuhin nang tama ang iyong tungkulin, kapag naiwaksi mo na ang mga limitasyon at impluwensiya ng lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay, kapag lubusan ka nang nakakapagpasakop sa Diyos, kung gayon ay magagampanan mo na nang maayos ang iyong tungkulin. Ang sikreto sa paggawa nito ay ang laging unahin ang iyong tungkulin at responsabilidad. Sa proseso ng paggampan ng iyong tungkulin, dapat palagi mong suriin ang iyong sarili: “Mayroon ba akong pabasta-bastang ugali sa paggampan ng tungkulin ko? Anong mga bagay ang gumugulo sa akin at nagiging dahilan para pabasta-basta kong gampanan ang aking tungkulin? Ginagampanan ko ba ang tungkulin ko nang may buong puso at lakas? Magtitiwala ba sa akin ang Diyos kung kikilos ako nang ganito? Mayroon ba akong pusong nagpapasakop sa Diyos? Ang paggawa ba ng tungkulin ko sa ganitong paraan ay naaayon sa mga prinsipyo? Makakamit ba nito ang pinakamagagandang resulta?” Dapat madalas mong pagnilayan ang mga katanungang ito. Kapag nakatuklas ka ng mga problema, dapat aktibo mong hanapin ang katotohanan, at hanapin ang mga nauugnay na salita ng Diyos para malutas ang mga ito. Sa gayon, magagawa mo nang maayos ang tungkulin mo, at mapapayapa at magagalak ang puso mo. Kung madalas lumilitaw ang mga problema habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin, nasaan ang ugat ng isyung ito? Isa itong problema sa iyong puso; isa itong usapin ng pagkakaroon ng mga tiwaling disposisyon. Kapag nabubunyag ang tiwaling disposisyon ng isang tao, magkakaroon siya ng mga problema sa kanyang puso at hindi magiging normal ang kanyang kalagayan, na direktang makakaapekto sa kung paano niya ginagampanan ang kanyang tungkulin. Ang mga problemang nakakaapekto sa tungkulin ng isang tao ay malalaki at mabibigat na problema; kayang direktang maapektuhan ng mga ito ang kanyang ugnayan sa Diyos. Halimbawa, ang ilang tao ay nagkakaroon ng mga kuru-kuro at maling pagkaunawa tungkol sa Diyos kapag sumasapit ang mga sakuna sa kanilang mga pamilya. Ang ilang tao ay nagiging negatibo kapag nagpapasan sila ng kaunting paghihirap sa kanilang tungkulin at walang nakakakita rito o pumupuri sa kanila para dito. Ang ilang tao ay hindi gumagampan nang maayos sa kanilang tungkulin, palaging pabasta-basta, at nagrereklamo sila laban sa Diyos kapag pinupungusan sila. Ang ilang tao ay hindi handang gawin ang kanilang tungkulin dahil palagi silang nag-iisip ng daan palabas. Direktang nakakaapekto ang lahat ng problemang ito sa isang normal na ugnayan sa Diyos. Ang lahat ng ito ay mga problema ng mga tiwaling disposisyon. Lahat ito ay nagmumula sa katunayang hindi kilala ng mga tao ang Diyos o ang Kanyang gawain, at na palagi silang nagpapakana at nagsasaalang-alang ng sarili nilang katayuan at reputasyon, ng kanilang kinabukasan at tadhana, at ng kanilang mga makalamang interes, na pumipigil sa kanila na maging mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos at magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, na humahantong sa lahat ng uri ng negatibong emosyon. Ganito talaga ang mga tao na hindi naghahangad ng katotohanan. Kapag nahaharap sa medyo mahihirap na sitwasyon, nagiging negatibo at mahina sila; kapag nakakaranas sila ng mga bagay na hindi umaayon sa gusto nila, ibinubulalas nila ang kanilang pagkadismaya sa kanilang tungkulin. Kapag ginagampanan ang kanilang tungkulin, palagi silang nagiging negatibo, nagpapakatamad, at kumikilos nang pabasta-basta; patuloy silang naghihimagsik at lumalaban sa Diyos, at gusto pa nga nilang isuko ang kanilang gawain bilang pagkakanulo sa Diyos. Ang lahat ng ito ay ang iba’t ibang kahihinatnan na nangyayari kapag nalilimitahan ang isang tao ng kanyang mga tiwaling disposisyon. Ang isang taong nagmamahal sa katotohanan ay nagagawang isantabi ang kanyang sariling buhay, kinabukasan, at tadhana, at nais lamang niyang hangarin at kamtin ang katotohanan. Iniisip niya na wala nang sapat na oras, natatakot siya na mabibigo siyang magampanan nang maayos ang kanyang tungkulin at hindi siya magagawang perpekto, kaya nagagawa niyang talikuran ang lahat ng bagay at gugulin ang kanyang sarili para sa Diyos. Ang kanyang mentalidad ay ang tumuon lang sa Diyos at magpasakop sa Diyos. Walang paghihirap na makakapigil sa kanya, at kung nakakaramdam siya ng pagkanegatibo o panghihina, awtomatiko niya itong nilulutas sa pamamagitan ng pagbabasa ng ilang sipi mula sa mga salita ng Diyos. Ang mga taong hindi naghahangad ng katotohanan ay napakaproblematiko; paano man ibahagi ang katotohanan, hindi nito ganap na malulutas ang kanilang mga problema. Kahit na saglit silang matauhan at magawa nilang tanggapin ang katotohanan, kalaunan ay babalik pa rin sila sa dati, kaya napakahirap pangasiwaan ang ganitong uri ng tao. Hindi sa hindi nila nauunawaan ang kahit katiting na katotohanan; ito ay dahil hindi nila pinahahalagahan o tinatanggap ang katotohanan sa kanilang puso. Bilang resulta, hindi nila kailanman maisantabi ang sarili nilang kalooban, o mabitawan ang kanilang mga personal na interes, ang kanilang kinabukasan at kapalaran, at ang kanilang kalalabasan at hantungan. Ang kanilang puso ay palaging nagugulo at nalilimitahan ng mga bagay na ito, kaya hindi nila magawang gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin. Kung nagagawang tanggapin ng isang tao ang katotohanan, sa sandaling maunawaan niya ito, ang lahat ng bagay na nabibilang sa mga tiwaling disposisyon ay awtomatikong maglalaho, at magkakaroon siya ng buhay pagpasok at tayog; hindi na siya magiging isang mangmang na bata. Kapag may tayog ang isang tao, mas lalo niyang matatalos ang mga bagay-bagay, mas lalo niyang makikilatis ang lahat ng uri ng tao, at hindi siya malilimitahan ng sinumang tao, anumang pangyayari, o bagay. Hindi siya maiimpluwensiyahan ng anumang sasabihin o gagawin ng sinuman. Hindi siya sasailalim sa panghihimasok mula sa masasamang puwersa ni Satanas, o maililigaw o magugulo ng mga huwad na lider at mga anticristo. Kung mangyayari ito, hindi ba’t unti-unting lalago ang tayog ng isang tao? Kapag mas nauunawaan ng isang tao ang katotohanan, mas pagninilayan at makikilala niya ang kanyang sarili, mas matutuklasan niya ang pinsalang idinudulot ng kanyang mga tiwaling disposisyon, mas makakahanap siya ng landas ng pagsasagawa sa katotohanan, at mas magiging mabilis ang kanyang pagpasok sa katotohanang realidad; kasabay nito, magagawa rin niyang gampanan ang kanyang tungkulin sa isang paraan na pasok sa pamantayan. Kapag mayroon kang buhay pagpasok at unti-unting lumalago ang buhay mo, panormal nang panormal ang magiging kalagayan mo. Hindi ka na mamomroblema sa mga tao, pangyayari, at bagay na minsang nakagulo o nakapaglimita sa iyo. Hindi ka na mahihirapan sa paggampan ng iyong tungkulin, at panormal nang panormal ang magiging ugnayan mo sa Diyos. Kapag marunong kang umasa sa Diyos, kapag alam mo kung paano hanapin ang mga layunin ng Diyos, kapag alam mo kung saan ka lulugar, kapag alam mo kung ano ang dapat at hindi mo dapat gawin, at kung sa aling mga bagay mo kinakailangan o hindi umako ng responsabilidad, hindi ba’t panormal nang panormal ang magiging kalagayan mo? Hindi ka papagurin ng pamumuhay nang ganito, hindi ba? Hindi ka lamang hindi mapapagod, kundi makakaramdam ka rin ng lubos na ginhawa at kaligayahan. Hindi ba’t liliwanag ang puso mo bilang resulta nito? Magiging normal ang mentalidad mo, lalaya ang espiritu mo, mas madalang kang magbubunyag ng mga tiwaling disposisyon, at mas magpapasakop ka sa Diyos. Sa ganitong paraan, magagawa mong palaging mamuhay sa presensya ng Diyos, at maisasabuhay mo ang normal na pagkatao. Kapag nakita ng mga tao ang iyong asal, mararamdaman nilang nagkaroon ng malaking pagbabago sa iyo. Magiging handa silang makipagbahaginan sa iyo, makakaramdam ng kapayapaan at kagalakan sa kanilang puso kapag nakikinig sa iyong pagbabahagi, at makikinabang din mula rito. Habang lumalago ang iyong tayog, ang iyong pananalita at mga kilos ay magiging mas maingat at may prinsipyo. Kapag nakita mo na ang isang tao ay negatibo at mahina, magagawa mong bigyan siya ng tunay na tulong. Hindi mo lamang magagawang lutasin ang mga problema ng mga tao, kundi maiiwasan mo rin ang paglimita o pangangaral sa kanila, at sa halip ay gagamitin mo ang sarili mong mga praktikal na karanasan para tulungan ang iba, nagbibigay sa kanila ng kaunting pakinabang. Sa ganitong paraan, hindi ka lang gugugol ng lakas sa sambahayan ng Diyos, magiging kapaki-pakinabang ka ring tao, magagawa mong magdala ng pasanin, at makagagawa ka ng mas makabuluhang mga bagay sa sambahayan ng Diyos. Hindi ba’t ito ang uri ng tao na gusto ng Diyos? Kung isa kang taong gusto ng Diyos, hindi ba’t magugustuhan ka rin ng lahat? (Magugustuhan ka nila.) Bakit nasisiyahan ang Diyos sa ganitong tao? Dahil nakagagawa siya ng mga totoong bagay sa harapan ng Diyos, hindi siya gumagamit ng mga hungkag at mabulaklak na salita, at nagagawa niya ang mga totoong bagay. Nagagawa niyang tumulong at mamuno sa iba sa pamamagitan ng pagsasalita tungkol sa kanyang tunay na mga karanasan; nagagawa niyang tulungan ang iba na malutas ang anumang problema, at kapag may mga suliranin sa gawain ng iglesia, nagagawa niyang pangunahan ang daan pasulong, nang aktibong nilulutas ang mga problema. Ito ang ibig sabihin ng debotong paggampan sa kanyang tungkulin.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Buhay Pagpasok ay Nagsisimula sa Paggampan ng Tungkulin

Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang paggampan ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya ginagampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang paghihimagsik. Sa pamamagitan ng proseso ng paggampan ng kanyang tungkulin unti-unting nagbabago ang tao, at sa pamamagitan ng prosesong ito niya ipinamamalas ang kanyang katapatan. Sa gayon, kapag mas ginagampanan mo ang iyong tungkulin, mas maraming katotohanan ang makakamit mo, at magiging mas praktikal ang iyong pagpapahayag. Iyong mga pabasta-basta sa paggampan ng kanilang tungkulin at hindi hinahanap ang katotohanan ay ititiwalag sa bandang huli, sapagkat ang gayong mga tao ay hindi gumagampan ng kanilang tungkulin sa pagsasagawa ng katotohanan, at hindi nagsasagawa ng katotohanan sa paggampan ng kanilang tungkulin. Sila iyong mga nananatiling hindi nagbabago at mapupunta sa aba. Hindi lamang hindi dalisay ang kanilang mga pagpapahayag, kundi masama ang lahat ng kanilang ipinapahayag.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao

Hindi alam ng ilang tao kung paano danasin ang gawain ng Diyos at hindi nila alam kung paano dalhin ang Kanyang mga salita sa paggampan nila ng kanilang mga tungkulin o sa totoong buhay. Lagi nilang sinusubukang umasa sa pagdalo sa maraming pagtitipon upang matamo ang katotohanan at lumago sa buhay. Ito ay hindi makatotohanan at isang argumento na walang batayan. Natatamo ang buhay sa pamamagitan ng pagdanas sa mga salita ng Diyos at pagdanas sa paghatol at pagkastigo. Nagagawa ng mga nakakaalam kung paano maranasan ang Kanyang gawain, maging anuman ang tungkuling kanilang ginagampanan, na maunawaan at maisagawa ang katotohanan, matanggap ang pagpupungos, makapasok sa katotohanang realidad, matamo ang pagbabago sa kanilang disposisyon, at magawang perpekto ng Diyos kapag ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. Ayaw ng mga tamad at nagpapakasasa sa mga kaginhawahan na gampanan ang kanilang mga tungkulin, at hindi nila alam kung paano danasin ang gawain ng Diyos sa paggampan nila sa kanilang mga tungkulin, walang sawang humihiling na pagkalooban sila ng sambahayan ng Diyos ng mga pagtitipon, sermon, pati na rin ng pagbabahaginan tungkol sa katotohanan. Bilang resulta, pagkatapos ng sampu o dalawampung taon ng pananampalataya at pagkatapos makinig sa di-mabilang na mga sermon, hindi pa rin nila nauunawaan ang katotohanan o natatamo ang katotohanan. Hindi nila alam kung paano maranasan ang gawain ng Diyos, hindi nila nauunawaan kung ano ang pananampalataya sa Diyos, at hindi nila alam kung paano maranasan ang salita ng Diyos para makilala nila ang kanilang mga sarili at matamo ang katotohanan at ang buhay. Sila ay pawang mga tao na nagnanasa ng kaginhawahan at umiiwas sa kanilang mga tungkulin. Samakatwid, sila ay ibinubunyag at itinitiwalag sa usapin ng paggampan ng kanilang mga tungkulin. Ngayon, ang lahat ng taong iyon na gumagampan ng kanilang mga tungkulin nang may panatag na puso at nagpapahalaga sa paghahangad ng katotohanan ay may kaunting buhay pagpasok kapag ginagampanan ang kanilang mga tungkulin; kapag nagbubunyag sila ng katiwalian, nagninilay-nilay sila sa kanilang sarili at nakikilala ang kanilang sarili, at kapag nakakaranas sila ng mga paghihirap sa paggampan ng kanilang mga tungkulin, hinahanap nila ang katotohanan at nakikipagbahaginan sila tungkol sa katotohanan upang lutasin ang mga problema. Nang hindi namamalayan, pagkatapos ng ilang taon ng paggampan ng mga tungkulin, umaani sila ng malilinaw na bunga, nakakapagbahagi ng ilang patotoong batay sa karanasan, at nagtataglay ng kaunting pagkakilala sa gawain ng Diyos at sa Kanyang disposisyon. Ang mga bagay na ito ay nagdudulot ng mga pagbabago sa kanilang buhay disposisyon. Sa kasalukuyan, inaalis ng mga iglesia sa lahat ng dako ang mga anticristo, masasamang tao, at ang mga nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo. Ang mga nananatili, sa kabuuan, ay ang mga kayang magtiyaga sa paggampan ng kanilang mga tungkulin, may isang antas ng debosyon, at nagpapahalaga sa paghahanap ng katotohanan upang lutasin ang kanilang mga suliranin. Sila ang uri ng mga tao na makapaninindigan sa kanilang patotoo. Dapat ninyong matutuhang dalhin ang mga salita ng Diyos sa totoong buhay at sa mga tungkuling inyong ginagampanan, isagawa ang mga ito at gamitin ang mga ito, at kapag umuusbong ang mga suliranin at mga kahirapan, hanapin ang katotohanan upang lutasin ang mga ito. Bilang karagdagan, dapat ninyong matutuhang isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos sa pagtupad ng inyong mga tungkulin, at dapat kayong magsanay sa pagsasagawa ng katotohanan at pangangasiwa ng mga bagay ayon sa mga prinsipyo sa bawat bagay; dapat ninyong matutuhan kung paano isagawa ang pagmamahal para sa Diyos, at nang may mapagmahal-sa-Diyos na puso, isaalang-alang ninyo ang Kanyang pasanin at makarating kayo sa punto na kung saan ay mapalulugod ninyo Siya. Ang ganitong tao lamang ang tapat na umiibig sa Diyos. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, hindi mo man lubos na nauunawaan ang katotohanan, nagagawa mo pa ring gampanan ang iyong mga tungkulin sa paraang pasok sa pamantayan; hindi mo lamang nalutas ang iyong pagiging pabasta-basta, bagkus natutuhan mo ring maisagawa ang pagmamahal sa Diyos, ang magpasakop sa Kanya, at ang mapalugod Siya sa pagtupad mo sa iyong mga tungkulin. Ito ang aral ng buhay pagpasok. Kung maisasagawa mo ang katotohanan at makakakilos ka ayon sa mga prinsipyo sa ganitong paraan sa bawat bagay, ito ay pagpasok sa katotohanang realidad, at ito ay pagkakaroon ng buhay pagpasok. Gaano ka man kaabala sa pagtupad ng iyong mga tungkulin, kung taglay mo ang mga bunga ng buhay pagpasok, ang paglago sa buhay, at kaya mong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, masisiyahan ka sa pagtupad ng iyong mga tungkulin. Hindi ka makakaramdam ng pagod gaano ka man kaabala. Palagi kang magkakaroon ng kapayapaan at kagalakan sa puso mo at mararamdaman mo na partikular kang pinagyaman at panatag. Anumang mga paghihirap ang umusbong, kapag hinahanap mo ang katotohanan, bibigyan ka ng kaliwanagan at gagabayan ka ng Banal na Espiritu. Ito ay pagtanggap ng mga pagpapala ng Diyos. Bilang karagdagan, maging ikaw man ay abala o hindi kapag tumutupad ka ng iyong mga tungkulin, kailangan mo ring paminsan-minsang mag-ehersisyo nang angkop at magpalakas ng katawan nang makatwiran. Mapapabuti nito ang sirkulasyon, makakatulong ito sa pagpapanatili ng matataas na antas ng enerhiya, at maaari itong maging mabisa para makaiwas ka sa ilang sakit na dulot ng trabaho. Ito ay lubos na nakakatulong sa paggampan mo nang maayos sa iyong mga tungkulin. Samakatuwid, sa pagtupad mo ng iyong mga tungkulin, kung matututuhan mo ang maraming aral, mauunawaan ang maraming katotohanan, tunay na makikilala ang Diyos, at sa bandang huli ay matatakot sa Diyos at iiwas sa kasamaan, ganap kang magiging alinsunod sa Kanyang mga layunin. Kung kaya mong matamo ang pag-ibig para sa Diyos, magpatotoo sa Kanya, at maging kaisa Niya sa puso at isipan, tinahak mo ang landas ng pagpeperpekto Niya. Ito ay isang tao na nagtamo ng pagpapala ng Diyos, at ito ay isang lubos na pinagpalang bagay! Kung tapat mong ginugugol ang iyong sarili para sa Diyos, tiyak na tatanggap ka ng masasaganang pagpapala mula sa Kanya. Kaya bang makamit ng mga hindi gumagampan ng kanilang mga tungkulin at hindi gumugugol ng kanilang mga sarili para sa Diyos ang katotohanan? Makakamit ba nila ang kaligtasan? Hindi natin masasabi. Ang lahat ng pagpapala ay matatamo lamang sa pamamagitan ng pagtupad ng isang tao sa kanyang mga tungkulin at pagdanas sa gawain ng Diyos. Sa paggampan ng mga tungkulin ng isang tao, nalalaman niya kung paano danasin ang gawain ng Diyos, at nalalaman kung paano danasin ang paghatol at pagkastigo, ang mga pagsubok at pagpipino, at ang pagpupungos. Ang mga ito ang mga bagay na pinakapinagpapala ng Diyos. Hangga’t iniibig ng isang tao ang katotohanan at hinahangad niya ito, matatamo niya ang katotohanan sa bandang huli, mababago ang kanyang buhay disposisyon, matatamo niya ang pagsang-ayon ng Diyos, at magiging isa siyang tao na pinagpala ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Kaugnay na mga Himno

Ang Pagsasagawa ng Katotohanan sa Iyong Tungkulin ay Susi

Sinundan:  12. Paano ba magagampanan ng isang tao ang kanyang tungkulin nang pasok sa pamantayan

Sumunod:  14. Ang ugnayan sa pagitan ng paggampan ng tungkulin at pagpapatotoo sa Diyos

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 13: Lahat kayo ay naniniwala sa Diyos; Ako naman ay kina Marx at Lenin. Dalubhasa ako sa pagsasaliksik ng iba’t ibang paniniwala sa relihiyon. Sa ilang taon ng pagsasaliksik ko, may nadiskubre akong isang problema. Ayon sa relihiyosong paniniwala ay mayroon talagang Diyos. Pero sa dami ng naniniwala sa Diyos, wala pa namang nakakakita sa Kanya. Ang paniniwala nila ay base sa sarili nilang nararamdaman. Kaya nga nakabuo ako ng konklusyon tungkol sa relihiyosong paniniwala: Purong imahinasyon lang ang relihiyosong paniniwala; yun ay isang pamahiin, at walang matibay na basehan sa syensya. Ang modernong lipunan, ay isang lipunan kung saan napakaunlad na ng syensya. Kailangang, nakabase ang lahat sa syensya, para hindi na magkaro’n ng kamalian. Kaming mga miyembro ng Partidong Komunista ay naniniwala sa Marxismo-Leninismo. Hindi kami naniniwalang may Diyos. Ano bang sabi sa The Internationale? “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo, o ng diyos at emperador na kailangang asahan. Upang magkaro’n ng kaligayahan ang tao, mga sarili lamang natin ang ating asahan!” Malinaw sa The Internationale na “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo.” Ang sangkatauhan ay naniwala noon sa Diyos at naging mapamahiin dahil ang sangkatauhan nung mga panahong iyon, ay humaharap sa kababalaghan ng natural na mundo na ang araw, buwan, mga bituin; hangin, ulan, kulog at kidlat, ay hindi makapagbibigay ng siyentipikong paliwanag. Samakatuwid, sumibol sa mga utak nila ang takot at pagtataka tungkol sa di-pangkaraniwang kapangyarihan. Kung kaya nabuo ang mga pinakaunang konsepto ng relihiyon. Bukod ditto, nung hindi malutas ng mga tao ang kahirapang dulot ng mga kalamidad at sakit, umasa silang makakuha ng ginhawang pangkaluluwa sa pamamagitan ng mataimtim na pagsunod sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nabuhay ang relihiyon. Kitang-kita naman, Hindi ito makatwiran at hindi siyentipiko! Sa panahong ito, moderno na ang tao, at namamayagpag na ang siyensya. Sa mga larangang gaya ng aerospace industry, biotechnology, genetic engineering at medisina, mabilis na naging maunlad ang lahat ng tao. Noon hindi ito naintindihan ng sangkatauhan, at hindi nila kayang lutasin ang mga problema. Pero ngayon kaya ng ipaliwanag ng siyensya ang mga problemang ito, at pwede ng umasa sa siyensya para magbigay ng mga solusyon. Ngayong maunlad na ang agham at teknolohiya, kung naniniwala pa rin ang tao sa Diyos, at naging mapamahiin, hindi ba’t ito ay kabaliwan at kamangmangan? Hindi ba’t napag-iwanan na ang mga tao sa panahong ito? Ang pinakapraktikal na gawin ay ang maniwala tayo sa siyensya.

Sagot: Sabi n’yo ang relihiyosong paniniwala ay dahil sa napag-iwanan na ang tao sa siyentipikong kaalaman, at nabuo mula sa takot at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger