3. Paano danasin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Ang buong buhay ng tao ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, at wala ni isang tao ang kayang mag-isang palayain ang kanyang sarili mula sa impluwensiya ni Satanas. Lahat ay namumuhay sa isang maruming sanlibutan, sa katiwalian at kahungkagan, wala ni katiting mang kahulugan o kahalagahan; namumuhay sila ng gayong buhay na walang inaalala, para sa laman, para sa pagnanasa, at para kay Satanas. Walang kahit katiting mang halaga sa kanilang pag-iral. Hindi kaya ng tao na mahanap ang katotohanang magpapalaya sa kanya mula sa impluwensiya ni Satanas. Kahit na nananampalataya ang tao sa Diyos at nagbabasa ng Bibliya, hindi niya nauunawaan kung paano siya makalalaya mula sa pagkontrol ng impluwensiya ni Satanas. Sa lahat ng mga kapanahunan, iilang tao lang ang nakatuklas ng lihim na ito, iilan lang ang nakaarok dito. Sa gayon, bagaman kinamumuhian ng tao si Satanas, at kinamumuhian ang laman, hindi niya alam kung paano makaalpas sa masamang impluwensiya ni Satanas. Ngayon, hindi ba’t nasa ilalim pa rin kayo ng kapangyarihan ni Satanas? Hindi ninyo pinagsisisihan ang inyong mga ginawang paghihimagsik, at lalong hindi ninyo nararamdaman na kayo ay marumi at mapaghimagsik. Pagkatapos na salungatin ang Diyos, mayroon pa nga kayong kapayapaan ng isipan at nakadarama ng lubhang kapanatagan. Ang kapanatagan mo ba ay hindi dahil sa ikaw ay tiwali? Hindi ba’t ang pagkaramdam na ito ng kapanatagan ay nagmumula sa iyong paghihimagsik? Ang tao ay namumuhay sa impiyerno sa daigdig, nabubuhay siya sa ilalim ng madilim na impluwensiya ni Satanas; sa buong lupa, ang mga multo ay naninirahan kasama ng tao, nanghihimasok sa laman ng tao. Sa lupa, hindi ka namumuhay sa isang magandang paraiso. Ang dako na kinaroroonan mo ay ang teritoryo ng mga diyablo, isang pantaong impiyerno, isang daigdig ng mga patay. Kung ang tao ay hindi nalilinis, siya ay nabibilang sa karumihan; kung hindi siya pinoprotektahan at kinakalinga ng Diyos, nananatili pa rin siyang bihag ni Satanas; kung hindi siya hinahatulan at kinakastigo, lalo pa siyang walang kapabilidad na makalaya sa paniniil ng madilim na impluwensiya ni Satanas. Ang tiwaling disposisyon na iyong ipinakikita at ang mapaghimagsik na pag-uugali na iyong isinasabuhay ay sapat upang patunayang ikaw ay namumuhay pa rin sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Kung ang iyong isipan at mga iniisip ay hindi nalinis, at ang iyong disposisyon ay hindi pa nahahatulan at nakakastigo, kung gayon, ang iyong buong pagkatao ay hawak pa rin ng kapangyarihan ni Satanas, ang iyong isipan ay kontrolado ni Satanas, ang iyong mga iniisip ay manipulado ni Satanas, at ang buong pagkatao mo ay nasa mga kamay ni Satanas. … Kung gusto mo na magawang perpekto, kung gayon ay dapat mong maunawaan ang gawain ng Diyos. Sa partikular, dapat mong maunawaan ang kabuluhan ng Kanyang pagkastigo at paghatol, at bakit ang gawaing ito ay isinasagawa sa tao. Kaya mo bang tanggapin ang gawaing ito? Sa panahon ng ganitong uri ng pagkastigo, kaya mo bang makamit ang mga karanasan at pagkakilala na kapareho ng kay Pedro? Kung naghahangad ka ng pagkakilala sa Diyos at sa gawain ng Banal na Espiritu, at kung naghahangad ka ng mga pagbabago sa iyong disposisyon, kung gayon mayroon kang pagkakataong magawang perpekto.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Ngayon ay hinahatulan kayo ng Diyos, kinakastigo kayo, at kinokondena kayo, ngunit dapat mong malaman na ang punto ng pagkondena sa iyo ay upang makilala mo ang iyong sarili. Siya ay kumokondena, sumusumpa, humahatol, at kumakastigo para makilala mo ang iyong sarili, para magbago ang iyong disposisyon, at, higit pa rito, para malaman mo ang iyong halaga, at makita na lahat ng kilos ng Diyos ay matuwid at alinsunod sa Kanyang disposisyon at mga pangangailangan ng Kanyang gawain, na Siya ay gumagawa alinsunod sa Kanyang plano para sa kaligtasan ng tao, at na Siya ang matuwid na Diyos na nagmamahal at nagliligtas sa tao, at humahatol at kumakastigo rin sa tao. Kung alam mo lamang na mababa ang iyong katayuan, na ikaw ay tiwali at mapaghimagsik, ngunit hindi mo alam na nilalayon ng Diyos na ibunyag ang Kanyang pagliligtas sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo na Kanyang ginagawa sa iyo ngayon, wala kang paraan para makaranas ng mga bagay, lalong wala kang kakayahang patuloy na sumulong. Ang Diyos ay hindi naparito upang hampasin o lipulin ang mga tao, kundi upang hatulan, sumpain, kastiguhin, at iligtas sila. Hanggang sa matapos ang Kanyang 6,000 taong plano ng pamamahala—bago Niya ipamalas ang kalalabasan ng bawat kategorya ng tao—ang gawain ng Diyos sa lupa ay ganap na para sa pagliligtas; ang layon nito ay para lamang gawing lubusang ganap iyong mga nagmamahal sa Kanya at magpasailalim sila sa Kanyang kapamahalaan. Paano man inililigtas ng Diyos ang mga tao, ginagawang lahat iyon sa pamamagitan ng paghiwalay sa dati nilang satanikong kalikasan; ibig sabihin, inililigtas Niya sila sa pamamagitan ng pagdulot na maghangad sila ng buhay. Kung hindi nila gagawin iyon, walang paraan upang matanggap nila ang pagliligtas ng Diyos. Ang pagliligtas ay ang gawain ng Diyos Mismo, at ang paghahangad ng buhay ay isang bagay na kailangang taglay ng tao upang tumanggap ng kaligtasan. Sa mga mata ng tao, ang kaligtasan ay ang pag-ibig ng Diyos, at ang pag-ibig ng Diyos ay hindi maaaring maging pagkastigo, paghatol, at mga pagsumpa; ang pagliligtas ay kailangang naglalaman ng awa, mapagmahal na kabaitan, at, bukod pa rito, ng mga salita ng kaginhawahan, gayundin ng walang-hanggang mga pagpapalang ipinagkaloob ng Diyos. Naniniwala ang mga tao na kapag inililigtas ng Diyos ang tao, ginagawa Niya iyon sa pamamagitan ng pag-antig dito gamit ang Kanyang mga pagpapala at biyaya, at sa gayon ay ibigay ang puso nito sa Diyos. Ibig sabihin, ang Kanyang pag-antig sa tao ay pagliligtas Niya dito. Ang ganitong uri ng pagliligtas ay transaksiyonal. Kapag pinagkalooban ito ng Diyos ng isandaang beses, saka pa lamang magpapasailalim ang tao sa pangalan ng Diyos, at sa gayon ay magparamdam ng karangalan sa Diyos at magbigay ng papuri sa Kanya. Hindi ito ang layunin ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang Diyos ay naparito para gumawa sa lupa upang iligtas ang tiwaling sangkatauhan; walang kasinungalingan dito. Kung hindi ito ang kaso, tiyak na hindi sana Siya naparito upang gawin ang Kanyang gawain nang personal. Dati-rati, ang Kanyang paraan ng pagliligtas ay may kasamang pagpapakita ng sukdulang awa at mapagmahal na kabaitan, kaya ibinigay Niya ang lahat Niya kay Satanas kapalit ng buong sangkatauhan. Ang kasalukuyan ay hindi kagaya ng nakaraan: Ang pagliligtas sa inyo ngayon ay nangyayari sa panahon ng mga huling araw, kung kailan ibinubukod-bukod ang bawat isa ayon sa kanilang uri; ang paraan ng pagliligtas sa inyo ay hindi awa o mapagmahal na kabaitan, kundi pagkastigo at paghatol, upang ang sangkatauhan ay mas lubusang maligtas. Sa gayon, ang natatanggap lamang ninyo ay pagkastigo, paghatol, at walang awa na paghampas, ngunit dapat ninyong malaman ito: Sa walang awa na paghampas na ito, wala ni kakatiting na kaparusahan. Gaano man kabagsik ang Aking mga salita, ang sumasapit sa inyo ay iilang salita lamang na maaaring magmukhang lubos na walang puso sa inyo, at gaano man katindi ang Aking galit, ang sumasapit sa inyo ay mga salita pa rin ng pagsaway, at hindi Ko layon na saktan kayo o patayin kayo. Hindi ba totoo ang lahat ng ito? Dapat ninyong malaman na sa panahong ito, matuwid na paghatol man o walang awang pagpipino at pagkastigo, lahat ay para sa kapakanan ng kaligtasan. Ibubukod-bukod man ngayon ang bawat tao ayon sa kanilang uri o mabubunyag man ang lahat ng uri ng tao, ang layunin ng lahat ng salita at gawain ng Diyos ay upang iligtas iyong mga tunay na nagmamahal sa Diyos. Ang matuwid na paghatol ay pinasasapit upang dalisayin ang tao, at ang walang awa na pagpipino ay ginagawa upang linisin ito; ang masasakit na salita o pagtutuwid ay kapwa ginagawa upang magpadalisay at alang-alang sa kaligtasan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Bitiwan ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Layunin ng Diyos na Maghatid ng Kaligtasan sa Tao

Kung nais mong malinis sa katiwalian mo at dumanas ng pagbabago sa buhay disposisyon mo, kailangan mong magkaroon ng pagmamahal sa katotohanan at magawa mong tanggapin ang katotohanan. Ano ang ibig sabihin ng tanggapin ang katotohanan? Ang pagtanggap sa katotohanan ay nangangahulugan na anumang tiwaling disposisyon ang mayroon ka, o alinman sa mga lason ng malaking pulang dragon—mga lason ni Satanas—ang nasa iyong kalikasan, kapag inilantad ng mga salita ng Diyos ang mga bagay na ito, dapat mong aminin ang mga ito at magpasakop ka, hindi ka maaaring gumawa ng ibang pagpili, at dapat mong kilalanin ang iyong sarili ayon sa mga salita ng Diyos. Ang ibig sabihin nito ay magawang tanggapin ang mga salita ng Diyos at tanggapin ang katotohanan. Ipagpalagay na, anuman ang sabihin ng Diyos, gaano man kabagsik ang mga salita Niya, at anumang mga salita ang ginagamit Niya, matatanggap mo ang mga ito basta’t katotohanan ang sinasabi Niya, at kaya mong kilalanin ang mga ito basta’t umaayon ang mga ito sa realidad. Kaya mong magpasakop sa mga salita ng Diyos gaano man kalalim ang pagkaunawa mo sa mga ito, at kahit pa mga kapatid ang nagbabahagi ng liwanag ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, kaya mo pa ring tanggapin ito at magpasakop dito. Kapag umabot na sa isang partikular na punto ang paghahangad sa katotohanan ng gayong tao, kaya niyang makamit ang katotohanan at matamo ang pagbabago ng kanyang disposisyon. Kahit pa may kaunting pagkatao ang mga taong hindi nagmamahal sa katotohanan, kayang gumawa ng ilang mabubuting bagay, at kayang tumalikod at gumugol para sa Diyos, naguguluhan sila at hindi sila metikuloso tungkol sa katotohanan, kaya hindi nagbabago kailanman ang mga buhay disposisyon nila.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao

Habang dinaranas mo ang gawain ng Diyos, dapat mo munang tanggapin ang Kanyang mga salita na humahatol at naglalantad sa kalikasang diwa ng tao. Kung malinaw kang nakakakita sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao at sa katotohanan ng kanilang katiwalian, at tunay mong nakikilala ang iyong sarili, magagawa mong tanggapin at isagawa ang katotohanan—hindi ba’t sa gayon ay magbubukas ang isang landas para matamo mo ang kaligtasan? Napakahalaga ng paraan ng kung paano mo hinaharap ang mga salita ng Diyos na humahatol at naglalantad sa tao. Una sa lahat, dapat mong pag-isipan nang malalim at unawain ang mga salita ng Diyos na naglalantad sa kalikasan ng tao; kung nakikita mo nang malinaw na ang inilantad ng mga salita ng Diyos ay ganap na alinsunod sa totoo mong kalagayan, aanihin mo ang bunga. Ang ilang tao, matapos nilang basahin ang mga salita ng Diyos, ay laging inuugnay ang mga ito sa ibang mga tao; lagi nilang iniisip na ang iba ang pinatatamaan ng mga ito, at na ang mga salitang sinabi ng Diyos ay walang kinalaman sa kanila, gaano man kalupit ang mga ito. Problema ito—hindi tinatanggap ng ganitong uri ng tao ang katotohanan. Kung gayon, paano mo ba dapat harapin ang mga salita ng Diyos? Tuwing nagbabasa ka ng alinman sa mga salita ng Diyos, dapat mong ihambing ang mga ito sa iyong sarili, ikumpara mo ang mga ito sa sarili mong kalagayan, sa sarili mong mga kaisipan at pananaw, at ikumpara ang mga ito sa sarili mong pag-uugali. Kung maitutugma mo ang mga ito sa sarili mo at pagkatapos ay hinahanap mo ang katotohanan para lutasin ang sarili mong mga problema, aanihin mo ang bunga. Pagkatapos ay dapat mong gamitin ang realidad ng katotohanang nauunawaan mo para tulungan ang iba; tulungan silang maunawaan ang katotohanan at lutasin ang mga problema, at tulungan sila upang makalapit din sila sa harap ng Diyos at makatanggap sa Kanyang mga salita at sa katotohanan. Nagpapakita ito ng pagmamahal para sa iba, at maaari ka ring umani mula rito; kapaki-pakinabang ito sa iyo at sa iba, isang dobleng ani. Kapag ganito ka kumilos, magiging kapaki-pakinabang kang tao sa loob ng sambahayan ng Diyos; kung taglay mo ang gayong katotohanang realidad, magagawa mong magpatotoo sa Diyos. Hindi ba’t makukuha mo ang pagtanggap ng Diyos kung gayon? Dapat mong gamitin ang ganoon ding mga pamamaraan para tumanggap at magpasakop sa nalalabing mga salita kung saan inilantad ng Diyos ang mga tao, at pagkatapos ay himayin ang iyong sarili at kilalanin ang iyong sarili. Nagagawa ba ninyong itugma sa inyong sarili ang mga salita ng Diyos sa ganitong paraan? (Medyo.) Kung sasabihin ng Diyos na ikaw ay Satanas, na ikaw ay isang diyablo, na mayroon kang mga tiwaling disposisyon, at na nilalabanan mo Siya, baka magagawa mong itugma sa sarili mo ang malalawak na bagay na ito; pero kapag inilalarawan ka ng Kanyang mga salita batay sa mga partikular na kalagayan o pagbubunyag, hindi mo maitutugma ang mga ito sa sarili mo, at hindi mo matatanggap ang mga ito—napakalaking problema nito. Ano ang ibig sabihin nito? (Ibig sabihin nito ay hindi namin tunay na kilala ang aming sarili.) Hindi mo tunay na kilala ang iyong sarili, at hindi mo tinatanggap ang katotohanan, hindi ba’t ganoon ang kaso? (Ganoon nga.) Kailangang unti-unting maranasan ng mga tao ang mga salitang ginagamit ng Diyos para ilantad ang mga tao, gaya ng “mga uod,” “malaswang demonyo,” “walang kakuwenta-kuwenta,” “basura,” at “walang silbi.” Ang layon ba ng Diyos sa paglalantad sa mga tao ay para kondenahin sila? (Hindi.) Kung gayon, ano ito? (Para makilala ng mga tao ang kanilang sarili, at para maiwaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon.) Tama iyon. Ang layon ng Diyos sa paglalantad sa iyo ay para tulutan kang makilala ang iyong sarili, para makamit ang katotohanan habang nararanasan mo ito, at para maunawaan ang Kanyang mga layunin. Kung inilalantad ka ng Diyos bilang isang uod, bilang isang mababang-uring tao, bilang isang walang silbi, paano ka dapat magsagawa? Maaaring sasabihin mo na, “Sinasabi ng Diyos na isa akong uod, kaya magiging uod ako. Sinasabi ng Diyos na isa akong walang silbi, kaya magiging isa akong walang silbi. Sinasabi ng Diyos na wala akong kakwenta-kwenta, kaya magiging walang kakwenta-kwentang basura ako. Sinasabi ng Diyos na isa akong malaswang demonyo, na isa akong Satanas, kaya magiging malaswang demonyo ako, magiging isa akong Satanas.” Ito ba ang daan para makamit ang katotohanan? (Hindi.) Kung hinahatulan at kinakastigo man ng mga salita ng Diyos ang mga tao o inilalantad sila, ang layon Niya sa pagsasabi ng mga salitang ito—ang pinakahuling layon Niya sa paggawa ng gawaing ito—ay para tulutan ang mga tao na makilala ang tiwali nilang kalikasan, na maunawaan ang katotohanan at ang Kanyang mga layunin, at na humakbang sa landas ng pagsasagawa ng katotohanan, pagkilala sa Diyos, at pagpapasakop sa Kanya. Kung laging may maling pagkaunawa ang mga tao sa Diyos habang tinatahak nila ang landas na ito, kung madalas na hindi nila ganap na matanggap ang Kanyang paghatol at pagkastigo, at kung masyadong matindi ang kanilang paghihimagsik, ano ang maaari nilang gawin? Dapat madalas kang lumapit sa harap ng Diyos, tanggapin ang Kanyang pagsisiyasat, tulutan ang Kanyang mga salita na gabayan ka sa pagdanas ng paulit-ulit na paghatol at pagkastigo, at paulit-ulit na mga pagsubok at pagpipino, at tulutan Siyang maghanda ng mga sitwasyon para linisin ka. Napakalalim ng katiwalian ng mga tao, kailangan nila ang Diyos para linisin sila! Kung ang mga tao ay walang determinasyong hangarin ang katotohanan, kung lagi silang nagpapasasa sa kaginhawahan, kung laging magulo ang isip nila, at kung namumuhay sila sa loob ng kanilang mga tiwaling disposisyon nang hindi man lang hinahanap ang katotohanan, kung gayon, napakaliit ng pag-asa nilang makamit ang katotohanan. May maraming praktikal na pagpapamalas ng pagsisiyasat ng Diyos sa kaibuturan ng puso ng mga tao, na makikita sa maraming bagay sa loob ng mga tiwaling disposisyon ng mga tao na inilalantad ng Diyos. Tanging ang Diyos ang nakakakita ng mga bagay sa loob ng kalikasang diwa ng tao. Kaya, kung hindi ka nakikinig sa mga salita ng Diyos, hindi namumuhay sa paraang sinabi sa iyo ng Diyos, at hindi ka nananampalataya sa Kanya o hindi mo ginagawa ang iyong tungkulin sa paraang sinabi Niya sa iyo, wala kang daan para tumahak sa landas ng pagtugon sa mga layunin ng Diyos; wala kang daan para tumahak sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos, at magiging napakahirap para sa iyo na matamo ang kaligtasan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Anim na Pahiwatig ng Paglago sa Buhay

Pagdating sa pagtanggap sa paghatol ng mga salita ng Diyos, huwag kang matakot na magdusa ng pasakit sa iyong puso, huwag kang matakot na mawala ang iyong dignidad at mapahiya kapag inilalantad ka ng mga salita ng Diyos, at higit pa rito, huwag kang matakot na malantad ang iyong mga pangit na kalagayan at na makilatis ng iba ang mga ito. Tanging sa pagdanas ng mga pasakit na ito mo makikilala ang iyong mga tiwaling disposisyon, makikilatis ang totoo sa iyong malalim na katiwalian, kamumuhian ang iyong sarili at si Satanas mula sa iyong puso, at madali kang makakapaghimagsik laban sa iyong laman at kay Satanas. Kapag nagagawa mo nang isagawa ang katotohanan, maiwawaksi mo na ang iyong mga tiwaling disposisyon. Lubhang kapaki-pakinabang para sa mga tao na magdusa sa ganitong paraan habang tinatanggap ang paghatol. Bilang isang mananampalataya sa Diyos, dapat kang magbasa ng mas marami pang salita ng Diyos na humahatol at kumakastigo sa mga tao, lalo na iyong mga naglalantad sa diwa ng katiwalian ng sangkatauhan. Dapat mong mas iugnay ang mga ito sa iyong aktuwal na kalagayan, at dapat mong mas ilapat ang mga ito sa iyong sarili at hindi masyado sa iba. Ang iba’t ibang kalagayan na inilalantad ng Diyos ay lumilitaw nang marami sa bawat tao, at pawang matatagpuan sa kanila. Kung hindi ka naniniwala rito, subukan mong danasin iyon. Habang lalo kang dumaranas, lalo mong makikilala ang iyong sarili, at lalo mong madarama na tumpak na tumpak ang mga salita ng Diyos. Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, walang kakayahan ang ilang tao na iugnay ang mga iyon sa kanilang sarili; akala nila ay hindi tungkol sa kanila ang mga bahagi ng mga salitang ito, kundi sa halip ay tungkol sa ibang mga tao. Halimbawa, kapag inilalantad ng Diyos ang mga tao bilang mga babaeng jezebel at mga bayarang babae, nadarama ng ilang kapatid na babae na dahil naging tapat na tapat sila sa kanilang asawa, tiyak na hindi tumutukoy sa kanila ang gayong mga salita. Nadarama ng ilang kapatid na babae na dahil wala silang asawa at hindi pa nakipagtalik kailanman, tiyak na hindi rin tungkol sa kanila ang gayong mga salita. Nadarama ng ilang kapatid na lalaki na para lamang sa mga babae ang mga salitang ito, at walang kinalaman sa kanila. Naniniwala ang ilang tao na masyadong matindi ang mga salita ng paglalantad ng Diyos sa tao, na hindi umaayon ang mga iyon sa realidad, kaya hindi nila matanggap ang mga iyon. Mayroon pa ngang mga taong nagsasabi na sa ilang pagkakataon, hindi tumpak ang mga salita ng Diyos. Ito ba ang tamang saloobin na dapat taglayin tungo sa mga salita ng Diyos? Malinaw na mali ito. Tinitingnan ng lahat ng tao ang kanilang sarili batay sa kanilang panlabas na mga pag-uugali. Wala silang kakayahang pagnilayan ang kanilang mga sarili, at makilala ang kanilang tiwaling diwa, sa gitna ng mga salita ng Diyos. Dito, ang “mga babaeng jezebel” at “mga bayarang babae” ay tumutukoy sa diwa ng katiwalian, karumihan, at kalaswaan ng sangkatauhan. Lalaki man o babae, may-asawa o wala, lahat ay mayroong mga tiwaling kaisipan ng kalaswaan—kaya paano ito mawawalan ng kinalaman sa iyo? Inilalantad ng mga salita ng Diyos ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao; lalaki man o babae, pareho ang antas ng katiwalian ng tao. Hindi ba’t isa itong katunayan? Dapat muna nating mapagtanto na ang lahat ng sinasabi ng Diyos ay katotohanan, at nakaayon sa mga katunayan, at na kahit gaano pa katindi ang Kanyang mga salita na humahatol at naglalantad sa mga tao, o gaano man kamalumanay ang Kanyang mga salita ng pagbabahagi ng katotohanan o paghihikayat sa mga tao, paghatol man o mga pagpapala ang Kanyang mga salita, mga pagkondena man o mga pagsumpa ang mga ito, nagbibigay man ang mga ito ng mapait o matamis na pakiramdam sa mga tao, dapat tanggapin ng mga tao ang lahat ng ito. Iyon ang saloobing dapat taglayin ng mga tao sa mga salita ng Diyos. Anong uri ng saloobin ito? Ito ba ay isang saloobing makadiyos, isang saloobing mapagpasensiya, o isang saloobing nagtitiis ng pagdurusa? Medyo nalilito kayo. Sinasabi Ko sa inyo na hindi ito anuman sa mga ito. Sa kanilang pananalig, dapat matatag na panindigan ng mga tao na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at dahil ang mga ito ang katotohanan, dapat tanggapin ng mga tao ang mga ito nang may katwiran. Nagagawa man nila o hindi na makilala o maamin ito, ang una nilang saloobin ay dapat na ganap na tanggapin ang mga salita ng Diyos sa kanilang puso; ito lang ang saloobin ng pagpapasakop sa Diyos. Kung iniisip mo na hindi ka inilalantad ng mga salita ng Diyos—buweno, hindi ba’t miyembro ka rin ng tiwaling sangkatauhan? Dapat tanggapin ng lahat ng miyembro ng tiwaling sangkatauhan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos—talaga bang maaari kang maging eksepsiyon? Ang bawat miyembro ng tiwaling sangkatauhan ay may bahagi sa mga problemang inilalantad ng mga salita ng Diyos. Ang bawat pangungusap na sinasabi ng Diyos ay naglalantad sa tiwaling sangkatauhan, at ang lahat ay may bahagi rito—siyempre hindi ka eksepsiyon. Wala ni isang pangungusap ng mga salita ng Diyos ang naglalantad sa mga panlabas na anyo, o sa isang uri ng kalagayan, lalong hindi sa isang panlabas na regulasyon o isang simpleng anyo ng pag-uugali sa mga tao. Hindi ganoon ang mga iyon. Kung tingin mo na ang bawat pangungusap ng mga salita ng Diyos ay paglalantad lang ng isang simpleng uri ng pag-uugali ng tao o panlabas na anyo, wala kang espirituwal na pang-unawa at hindi mo nauunawaan kung ano ang katotohanan. Ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan. Nadarama ng mga tao na malalim ang mga salita ng Diyos. Sa anong paraan malalim ang mga ito? Inilalantad ng bawat salita ng Diyos ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, at ang mga bagay na malalim na nakaugat sa kanilang buhay. Esensiyal ang mga bagay na ito, hindi mga panlabas na anyo, at lalo nang hindi mga ugaling panlabas. Kung titingnan mo ang kanilang mga panlabas na anyo, maaaring mukhang mabubuting tao ang maraming indibidwal. Ngunit bakit sinasabi ng Diyos na ang ilang tao ay masasamang espiritu at ang ilan ay maruruming espiritu? Ito ay isang bagay na hindi mo nakikita. Kaya, kailangan ay hindi tratuhin ng isang tao ang mga salita ng Diyos ayon sa mga kuru-kuro o imahinasyon ng tao, o ayon sa sabi-sabi ng tao, at lalong hindi ayon sa mga pahayag ng naghaharing partido. Ang mga salita lamang ng Diyos ang katotohanan; lahat ng salita ng tao ay pawang maling kaisipan. Matapos mabahaginan nang gayon, nakaranas na ba kayo ng pagbabago sa inyong saloobin sa mga salita ng Diyos? Gaano man kalaki o kaliit ang pagbabago, sa susunod na mabasa ninyo ang mga salita ng Diyos na humahatol at naglalantad sa mga tao, kahit paano ay hindi ninyo dapat subukang makipagtalo sa Diyos. Dapat kayong tumigil sa pagrereklamo tungkol sa Diyos, sinasabing, “Talagang matindi ang mga salita ng paglalantad at paghahatol ng Diyos sa mga tao; hindi ko babasahin ang pahinang ito. Lalaktawan ko na lang ito. Maghahanap ako ng mababasa tungkol sa mga pagpapala at pangako, para maginhawahan ako nang kaunti.” Dapat ay hindi na ninyo basahin ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagpili nang ayon sa inyong sariling kalooban. Dapat ninyong tanggapin ang katotohanan at ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at pagnilayan at kilalanin ang inyong sarili. Sa ganitong paraan lang malilinis ang inyong mga tiwaling disposisyon, at sa ganitong paraan lang kayo magtatamo ng kaligtasan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kahalagahan at Landas ng Paghahangad sa Katotohanan

Iyong mga taos-pusong nananampalataya sa Diyos ay magpupursigi sa pagsasagawa at pagdanas ng Kanyang mga salita, magninilay-nilay at makikilala ang kanilang sarili batay sa mga tiwaling disposisyon na ibinubunyag nila, at hahanapin nila ang katotohanan ng mga salita ng Diyos upang lutasin ang mga tiwaling disposisyong ito. Iyong mga nagmamahal sa katotohanan ay nakatuon sa pagninilay-nilay sa sarili at pagtatangkang kilalanin ang kanilang sarili sa kanilang pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at nararamdaman nila na ang Kanyang mga salita ay katulad lamang sa isang salamin na nagbubunyag sa kapangitan ng kanilang katiwalian. Sa ganitong paraan, sa mga salita ng Diyos ay nagagawa nilang tanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo, at unti-unti nilang nalulutas ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Kapag nakita nilang mas madalang na ang pagbubunyag ng kanilang mga tiwaling disposisyon at na tunay na silang nagpapasakop sa Diyos, mararamdaman nila na mas madali na ang pagsasagawa sa katotohanan at na wala nang mga paghihirap. Sa pagkakataong ito, makakakita sila ng tunay na pagbabago sa kanilang mga sarili, at magkakaroon ng tunay na papuri para sa Diyos sa kanilang mga puso: “Iniligtas ako ng Makapangyarihang Diyos mula sa pagkabihag at mga paglimita ng aking mga tiwaling disposisyon at iniligtas Niya ako mula sa impluwensiya ni Satanas.” Ito ang resultang natatamo mula sa pagdanas ng paghatol at pagkastigo sa mga salita ng Diyos. Kung hindi alam ng mga tao kung paano danasin ang paghatol at pagkastigo sa mga salita ng Diyos, hindi kailanman malilinis ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at hindi sila makakawala sa impluwensiya ni Satanas. Maraming tao ang hindi nagmamahal sa katotohanan, at kahit na nagbabasa sila ng mga salita ng Diyos at nakikinig sa mga sermon, pagkatapos nito ay mga salita at doktrina lang ang kanilang sinasalita, at dahil dito, hindi nila nalulutas ang alinman sa kanilang mga tiwaling disposisyon kahit na maraming taon na silang nananampalataya sa Diyos. Ang mga taong ito ay mga Satanas at diyablo pa rin mula noon pa man. Akala nila na basta’t naipapakalat nila ang mga salita ng Diyos, malulutas ang kanilang mga tiwaling disposisyon; basta’t nakakabigkas sila ng ilang salita ng Diyos at nakakapagbahaginan nang kaunti sa iba tungkol sa Kanyang mga salita, malulutas ang kanilang mga tiwaling disposisyon; basta’t nakakapagsalita sila ng maraming salita at doktrina, malulutas ang kanilang mga tiwaling disposisyon; at basta’t nauunawaan nila ang doktrina at natututo ng pagpipigil sa sarili, malulutas ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Dahil dito, pagkatapos manampalataya sa Diyos sa loob ng napakaraming taon, wala pa ring kahit katiting na pagbabago sa kanilang mga buhay disposisyon, at hindi sila makapagsalita tungkol sa anumang patotoong batay sa karanasan, kaya natitigilan sila. Pagkatapos ng maraming taon ng pananampalataya sa Diyos, wala silang natamo at walang nakamit na anumang katotohanan, namuhay sa lahat ng nakaraang taong ito nang walang saysay at nag-aksaya lang ng kanilang panahon.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Kapag binabasa ang mga salita ng Diyos, hindi nakatuon si Pedro sa pag-unawa sa mga doktrina at siya ay lalo pang hindi nakatuon sa pagkakamit ng kaalamang pangteolohiya. Sa halip, nakatuon siya sa pag-unawa sa katotohanan at pag-arok sa mga layunin ng Diyos, gayundin sa pagtatamo ng pagkakilala sa disposisyon at pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Sinubukan din ni Pedro na kilalanin ang iba’t ibang tiwaling kalagayan ng tao, ang kalikasang diwa ng tao, at ang mga aktuwal na pagkukulang ng tao mula sa mga salita ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang niya madaling matutugunan ang mga hinihingi ng Diyos para mapalugod Siya. Mayroong napakaraming tumpak na pagsasagawa si Pedro pagdating sa mga salita ng Diyos. Ito ang pinakanaaayon sa mga layunin ng Diyos, at ito ang pinakamahusay na paraan ng pakikipagtulungan ng tao habang nararanasan ang gawain ng Diyos. Noong dumaranas ng daan-daang pagsubok na ipinadala ng Diyos, mahigpit na ikinumpara ni Pedro ang kanyang sarili sa bawat salita ng paghatol at paglalantad ng Diyos sa tao—at sa bawat salita ng Kanyang mga hinihingi sa tao—sinuri ang kanyang sarili, at sinikap na tumpak na arukin ang kahulugan ng mga salita ng Diyos. Masigasig niyang pinagbulay-bulayan ang lahat ng sinabi sa kanya ni Jesus, mahigpit na isinasaisip ang bawat salita—nagbunga ng napakagagandang resulta ang pamamaraang ito. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, nagawa niyang makilala ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at hindi lang niya nagawang kilalanin ang iba’t ibang tiwaling kalagayan at kakulangan ng tao, kundi nakilala rin niya ang diwa at kalikasan ng tao. Ito ang ibig sabihin ng tunay na makilala ang sarili. Mula sa mga salita ng Diyos, sa isang banda, nagkamit si Pedro ng tunay na pagkakilala sa sarili niya, at sa kabilang banda, nakita niya ang matuwid na disposisyong ipinahayag ng Diyos, ang mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos, ang mga layunin ng Diyos para sa Kanyang gawain, at ang mga hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan. Mula sa mga salitang ito ay tunay niyang nakilala ang Diyos. Nakarating siya sa pagkakilala sa disposisyon ng Diyos at sa Kanyang diwa; nakilala at naunawaan niya ang mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos, gayundin ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos at mga hinihingi ng Diyos para sa tao. Bagama’t ang Diyos ay hindi gaanong nagsalita noong panahong iyon kagaya ng Kanyang ginagawa sa kasalukuyan, nakamit pa rin ang mga bunga kay Pedro sa mga aspektong ito. Ito ay isang bihira at napakahalagang bagay. Dumaan si Pedro sa daan-daang pagsubok; hindi siya nagdusa nang walang-saysay. Hindi lamang niya nakilala ang kanyang sarili mula sa mga salita at sa gawain ng Diyos, kundi nakilala rin niya ang Diyos. Dagdag pa riyan, sa loob ng mga salita ng Diyos ay partikular siyang nagbigay-pansin sa mga hinihingi ng Diyos sa tao at sa mga aspekto na kung saan dapat palugurin ng tao ang Diyos para maging naaayon sa mga layunin ng Diyos, at nagawa niyang pagsikapan nang husto ang mga bagay na ito, nagkamit ng ganap na kalinawan. Lubhang kapaki-pakinabang ito pagdating sa kanyang buhay pagpasok. Alinmang aspekto ito ng mga salita ng Diyos, basta’t nagagawa ng mga salitang iyon na magsilbing buhay at katotohanan, inukit ni Pedro ang mga ito sa puso niya, kung saan niya madalas na pinagbubulayan at inaarok ang mga ito. Nang marinig ang mga salita ni Jesus, nagawa niyang isapuso ang mga ito, na nagpapakita na siya ay partikular na nakatuon sa mga salita ng Diyos, at tunay na nakamtan niya ang mga resulta sa huli. Ibig sabihin, nagawa niyang mahusay na isagawa ang mga salita ng Diyos, tumpak na isagawa ang katotohanan at kumilos ayon sa mga layunin ng Diyos, gawin ang mga bagay nang ganap na naaayon sa mga pagnanais ng Diyos, at isuko ang kanyang sariling personal na mga opinyon at imahinasyon. Sa ganitong paraan, pumasok si Pedro sa realidad ng mga salita ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro

Para maranasan ang gawain ng Diyos, dapat mong maranasan ang paghatol at pagkastigo Niya, ang pagpupungos, pagsubok, at pagpipino Niya. Lahat ng hinihingi ng Diyos ay dapat isagawa, pasukin, at abutin. Tinatawag itong pagdanas sa gawain ng Diyos. Para maranasan ito dapat kang magtatag ng isang normal na relasyon sa Kanya, laging nagdarasal sa Kanya at naghahanap mula sa Kanya nang may pusong nagpapasakop sa Diyos. Anuman ang mangyari o anumang mga hirap ang kaharapin mo, dapat kang umasa at bumaling sa Diyos, nakahahanap ng mga kasagutan at ng landas sa Kanyang mga salita, at laging nagdarasal at nakikipagbahaginan sa Kanya. Ang pagdanas sa gawain ng Diyos ay ang makipag-ugnayan sa Kanya; ito ay ang magpasakop sa Kanyang mga salita at gawain, magdasal at maghanap mula sa Kanya kapag may mga problema o paghihirap ka. Sa sandaling marami ka nang ganitong uri ng karanasan, at nauunawaan mo ang katotohanan, matututuhan mo kung paano gamitin ang mga salita ng Diyos sa mga bagay na nangyayari. Maraming paraan para magamit ang mga salita ng Diyos, halimbawa, sa pamamagitan ng pagdarasal at paghahanap kapag may mga nangyayari, at dahil dito ay makikita kung paano malinaw na inihahayag ng mga salita ng Diyos kung paano dapat kumilos ang mga tao, kung ano ang mga prinsipyo, kung ano ang mga layunin ng Diyos, at kung ano ang mga hinihingi ng Diyos sa mga tao. Kapag alam mo na ang lahat ng ito, at nauunawaan ang mga pagnanais ng Diyos, magkakaroon ka ng kaunting pagkakilala at pagkaunawa sa Diyos. Kapag nahaharap ka sa mga pagsubok dapat kang maghanap, “Ano ba ang sinasabi ng salita ng Diyos tungkol sa ganitong matinding pagsubok? Ano ang kahulugan ng pagsubok ng Diyos sa mga tao? Bakit Niya sinusubok ang mga tao?” Sinasabi ng mga salita ng Diyos na ikaw ay tiwali, laging mapaghimagsik at masuwayin, at hindi ka nagpapasakop sa Kanya, kundi ay palaging may mga imahinasyon at kuru-kuro, at na gusto kang linisin ng Diyos sa pamamagitan ng mga pagsubok. Anuman ang maranasan mo, pag-uusig man at mga pagsubok, o pagpupungos, pagdidisiplina at pagpaparusa, at kahit na anumang kapaligiran ang inihahanda ng Diyos para sa iyo o anumang kaparaanan ang ginagamit Niya, dapat ay palagi kang maghanap ng kasagutan at batayan sa mga salita ng Diyos, at hanapin ang mga layunin at hinihingi Niya sa iyo. Ibig sabihin, anupaman ang mangyari, dapat mo munang isipin kung ano ang sinabi ng Diyos, kung paano Niya gustong magsagawa ang mga tao, kung ano ang mga hinihingi Niya sa mga tao, at kung ano ang mga layunin Niya. Unawain mo ang mga bagay na ito, at malalaman mo kung paano danasin ang gawain ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kataas-taasang Kapangyarihan ng Diyos

Habang nararanasan ang gawain ng Diyos, kahit ilang beses ka pang nabigo, natisod, o napungusan o naibunyag, hindi masasamang bagay ang mga ito. Paano ka man napungusan—mga lider, manggagawa, o mga kapatid mo man ang gumawa niyon—palaging mabuting bagay ito. Dapat mong tandaan ito: Gaano ka man nagdurusa, ang totoo ay nakikinabang ka. Sinumang may karanasan ay mapatutunayan ito. Ano’t anupaman, ang mapungusan o maibunyag ay laging isang mabuting bagay. Hindi ito pagkokondena. Ito ay pagliligtas ng Diyos at ang pinakamagandang pagkakataon para makilala mo ang iyong sarili. Maaari itong maging hudyat ng pagbabago sa iyong karanasan sa buhay. Kung wala ito, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon, mga kondisyon, ni ng konteksto para maunawaan ang realidad ng iyong katiwalian. Kung talagang nauunawaan mo ang katotohanan, at nagagawa mong ungkatin ang mga tiwaling bagay na nakatago sa kaibuturan ng puso mo, kung malinaw mong makikilatis ang mga ito, mabuti ito, nalutas nito ang isang malaking problema sa buhay pagpasok, at malaking pakinabang ito sa mga pagbabago sa disposisyon. Ang tunay na makakilala sa iyong sarili ay ang pinakamagandang pagkakataon para dumaan sa isang malalim na pagbabago at maging isa kang bagong tao; ito ang pinakamagandang oportunidad para magkaroon ka ng bagong buhay. Kapag tunay mong nakilala ang iyong sarili, makikita mo na kapag ang katotohanan ay naging buhay ng isang tao, mahalagang bagay iyon talaga, at mauuhaw ka sa katotohanan, isasagawa mo ang katotohanan, at papasok sa realidad. Napakagandang bagay niyan! Kung kaya mong samantalahin ang pagkakataong ito at taimtim kang magninilay-nilay sa iyong sarili at magtatamo ng tunay na pagkakilala sa iyong sarili kapag ikaw ay nabibigo o nadadapa, kung gayon, sa gitna ng pagiging negatibo at mahina, magagawa mong tumayong muli. Kapag nalagpasan mo na ang hangganang ito, makakaya mo nang gumawa ng malaking hakbang at pumasok tungo sa katotohanang realidad.

Kung naniniwala ka sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, kung gayon ay dapat kang maniwala na ang mga bagay na nangyayari araw-araw, mabuti man o masama ang mga ito, ay hindi basta na lamang nagaganap. Hindi ito dahil may isang sinasadyang magpahirap sa iyo o pumuntirya sa iyo; lahat ng ito ay isinaayos at pinamatnugutan ng Diyos. Bakit pinamamatnugutan ng Diyos ang lahat ng mga bagay na ito? Hindi ito para ilantad kung sino ka o upang ibunyag at itiwalag ka; ang pagbubunyag sa iyo ay hindi ang panghuling layon. Ang layon ay gawin kang perpekto at iligtas ka. Paano ka ginagawang perpekto ng Diyos? At paano ka Niya inililigtas? Nagsisimula Siya sa pamamagitan ng pagpapabatid sa iyo ng iyong sariling mga tiwaling disposisyon, at sa pamamagitan ng pagpapaalam sa iyo ng iyong kalikasang diwa, ng iyong mga kakulangan, at kung ano ang wala sa iyo. Tanging sa pag-alam sa mga bagay na ito, at pagkakaroon ng pagkaunawa sa mga ito mo makakayang hangarin ang katotohanan at unti-unting maiwaksi ang iyong mga tiwaling disposisyon. Ito ang Diyos na nagkakaloob sa iyo ng pagkakataon. Ito ang awa ng Diyos. Dapat alam mong samantalahin ang pagkakataong ito. Hindi ka dapat makaramdam ng paglaban sa Diyos, maging masuwayin sa Kanya, o magkamali ng pagkaunawa sa Kanya. Lalo na kapag naharap sa mga tao, pangyayari, at bagay na isinasaayos ng Diyos sa paligid mo, huwag mong palaging isipin na hindi ayon sa nais mo ang mga ito, huwag palaging naisin na matakasan ang mga ito o palaging magreklamo tungkol sa Diyos at magkaroon ng maling pagkaunawa sa Diyos. Kung lagi mong ginagawa ang mga bagay na iyon, kung gayon ay hindi mo dinaranas ang gawain ng Diyos, at magiging napakahirap para sa iyo na pumasok sa katotohanang realidad. Anuman ang makaharap mo na hindi mo ganap na maunawaan, o na nahihirapan ka, dapat mong matutuhang magpasakop. Dapat ka munang lumapit sa harap ng Diyos at mas magdasal. Sa ganyang paraan, bago mo pa mamalayan, magkakaroon ng pagbabago sa iyong panloob na kalagayan, at magagawa mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang suliranin. Sa gayon, magagawa mong maranasan ang gawain ng Diyos. Habang nagaganap ito, ang katotohanang realidad ay mahuhubog sa loob mo, at sa ganito ka susulong at sasailalim sa isang pagbabago ng kalagayan ng iyong buhay. Sa sandaling napagdaanan mo na ang pagbabagong ito at nagtataglay ka ng katotohanang realidad na ito, magtataglay ka ng tayog, at kapag mayroon kang tayog, magkakaroon ka ng buhay. Kung ang isang tao ay laging nabubuhay batay sa mga tiwaling satanikong disposisyon, kung gayon, gaano man kalaking kasiglahan o motibasyon ang mayroon siya, hindi pa rin siya maituturing na may tayog o buhay. Kapag gumagawa ang Diyos sa bawat isang tao, anuman ang Kanyang pamamaraan, anong uri man ng mga tao, pangyayari at bagay ang ginagamit Niya para magserbisyo sa Kanya, o anumang uri ng tono mayroon ang mga salita Niya, isa lamang ang Kanyang panghuling layon: iligtas ka. At paano ka Niya inililigtas? Sa pamamagitan ng pagbabago sa iyo. Kaya paanong hindi ka magdurusa nang bahagya? Kakailanganing magdusa ka nang kaunti. Ang pagdurusang ito ay maaaring kapalooban ng maraming bagay. Una, nagdurusa ang mga tao kapag tinatanggap nila ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Kapag masyadong matindi at tahasan ang mga salita ng Diyos, nagkakamali ng pagkaunawa ang mga tao sa Diyos, nagkakaroon pa nga sila ng mga kuru-kuro, at nagdurusa rin sila nang kaunti. Kung minsan ay nagpapalitaw ng sitwasyon ang Diyos sa paligid ng mga tao para ibunyag ang kanilang katiwalian at para pagnilayan at kilalanin nila ang kanilang sarili, at magdurusa rin sila nang kaunti. Kung minsan, kapag tuwiran silang pinungusan at inilantad, nagdurusa ang mga tao. Ang paglutas sa isang tiwaling disposisyon ay parang pagsasailalim sa operasyon—hindi ka magkakaroon ng mga resulta nang walang pagdurusa. Kung sa tuwing ikaw ay pinupungusan, at tuwing ibinubunyag ka ng isang sitwasyon ay pinupukaw nito ang iyong puso at pinalalakas ka, na nag-uudyok sa iyo na hanapin ang katotohanan at pagnilayan ang iyong sarili, kilalanin ang sarili mong katiwalian at paghihimagsik, at tunay na magsisi sa Diyos—kung daranasin mo ang mga bagay sa ganitong paraan, makakapasok ka sa katotohanang realidad, at magkakaroon ng tayog. Kung, tuwing ikaw ay sumasailalim sa pagpupungos, at sa pagbubunyag ng isang sitwasyon, wala kang nararamdamang anumang sakit o hirap, at wala kang nararamdamang anuman, at hindi ka lumalapit sa harap ng Diyos para hanapin ang Kanyang mga layunin, hindi nagdarasal o naghahanap ng katotohanan, napakamanhid mo! Kung hindi mo binabasa ang mga salita ng Diyos at hindi mo sinusubukang arukin ang katotohanan, lalo na ang hanapin ang katotohanan kapag nahaharap sa anumang sitwasyon, at wala ni katiting na kamalayan o tugon sa loob ng iyong espiritu, tulad ng isang patay na tao, kung gayon ay hindi na gagawa ang Diyos sa iyo. Sasabihin Niya, “Masyadong manhid ang taong ito, at masyadong malalim ang pagiging tiwali. Gaano man siya pigilan, pungusan, o disiplinahin, kahit papaano ay hindi pa rin nito napupukaw ang kanyang puso o nagigising ang kanyang espiritu. Malabong maligtas siya.” Ipagpalagay nang naghahanda ang Diyos ng ilang kapaligiran, tao, pangyayari, at bagay para sa iyo, o na pinupungusan ka Niya, at may natututuhan kang mga aral mula rito; natututuhan mong lumapit sa harap ng Diyos, hanapin ang katotohanan, at nang hindi mo namamalayan ay binibigyang-liwanag at tinatanglawan ka at nakakamit mo ang katotohanan; nakararanas ka ng mga pagbabago sa mga kapaligirang ito, may nakakamit ka, at umuunlad ka, at nagsisimula kang magkaroon ng kaunting pagkaunawa sa layunin ng Diyos at hindi ka na nagrereklamo. Nangangahulugan ito na nanindigan ka sa gitna ng mga pagsubok ng mga kapaligirang ito, at nakayanan mo ang pagsubok. Sa ganoong kaso, nalampasan mo na ang balakid na ito. Paano ituturing ng Diyos yaong mga nakakayanan ang pagsubok? Sasabihin ng Diyos na mayroon silang totoong puso; sasabihin Niya na kaya nilang tiisin ang ganitong uri ng pagdurusa, na minamahal nila ang katotohanan sa kanilang puso, at ninanais nilang makamit ang katotohanan. Kung mayroong ganitong uri ng pagtatasa sa iyo ang Diyos, hindi ka ba isang taong may tayog? Hindi ka ba may buhay kung gayon? At paano nakakamit ang buhay na ito? Ito ba ay ipinagkakaloob ng Diyos? Tinutustusan ka ng Diyos sa iba’t ibang paraan at gumagamit Siya ng iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay upang sanayin ka. Ito ay para bang ang Diyos ay personal na nagbibigay sa iyo ng pagkain at inumin, personal na naghahatid ng iba’t ibang pagkain sa harap mo para kainin mo hanggang mabusog at masiyahan ka; saka ka lamang lalago at tatatag. Ganito mo dapat danasin at arukin ang mga bagay na ito; ito ang ibig sabihin ng magpasakop sa lahat ng bagay na nagmumula sa Diyos. Dapat kang magkaroon ng mapagpasakop na saloobin, at dapat kang matutong hanapin ang katotohanan. Hindi ka dapat naghahanap ng mga panlabas na sanhi o palaging naninisi sa iba para sa iyong mga suliranin at naghahanap ng mga kamalian sa mga tao; dapat mong maunawaan ang mga layunin ng Diyos. Sa panlabas, maaaring tila mayroong mga opinyon tungkol sa iyo o pagkiling laban sa iyo ang ilang tao, ngunit hindi mo dapat tingnan ang mga bagay-bagay sa ganoong paraan. Kung titingnan mo ang mga bagay-bagay mula sa ganitong uri ng pananaw, ang tanging gagawin mo ay susubukang makipagtalo, at hindi ka makapagkakamit ng anumang bagay. Dapat mong tingnan ang mga bagay-bagay nang walang pagkiling at tanggapin ang lahat mula sa Diyos. Kapag tiningnan mo ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan, magiging madali para sa iyo na magpasakop sa gawain ng Diyos, at magagawa mong hanapin ang katotohanan, at maaarok mo ang mga layunin ng Diyos. Sa sandaling naitama ang iyong pananaw at kalagayan ng pag-iisip, magagawa mong kamtin ang katotohanan. Kaya’t bakit hindi mo ito gawin nang malugod? Bakit ka sumusuway? Kung titigil ka sa pagsuway, makakamit mo ang katotohanan. Kung susuway ka, wala kang makakamit na anuman, at mapapalungkot mo rin ang Diyos at madidismaya mo Siya. Bakit madidismaya ang Diyos? Dahil hindi mo tinatanggap ang katotohanan, wala kang pag-asang maligtas, at hindi ka nakakamit ng Diyos. Paanong hindi Siya madidismaya? Kapag hindi mo tinatanggap ang katotohanan, katumbas ito ng pagtanggi sa pagkaing personal na ibinibigay sa iyo ng Diyos. Sinasabi mong hindi ka nagugutom at na hindi mo ito kailangan; paulit-ulit kang pinapayuhan ng Diyos na kumain, ngunit ayaw mo pa rin. Mas gugustuhin mo pang magutom. Iniisip mong busog ka, kahit na ang totoo, wala kang kahit ano. Ang mga taong katulad nito ay kulang na kulang sa katwiran, at lubhang nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba; nasa harap na nila ang isang mabuting bagay ay hindi pa rin nila ito nakikita, sila ang pinakamahirap at kaawa-awang mga tao.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Makamit ang Katotohanan, Dapat Matuto ang Isang Tao ng mga Aral Mula sa mga Tao, Pangyayari, at Bagay sa Kanyang Paligid

Ang mga tiwaling disposisyon ng tao ay nakatago sa mga intensiyong nasa likod ng kanilang pananalita at kilos, sa kanilang mga pananaw sa mga bagay-bagay, sa kanilang bawat kaisipan at ideya, at sa kanilang mga perspektiba, pag-arok, kuru-kuro, pananaw, pagnanais, at hinihingi kaugnay ng katotohanan, ng Diyos, at ng gawain ng Diyos. Ang mga ito ay nabubunyag sa mga salita at kilos ng mga tao nang hindi nila nalalaman. Kung gayon, paano tinatrato ng Diyos ang mga bagay na ito sa loob ng mga tao? Naghahanda Siya ng iba’t ibang kapaligiran para ibunyag ka. Hindi ka lamang Niya ibubunyag, kundi hahatulan ka rin Niya. Kapag ibinubunyag mo ang iyong mga tiwaling disposisyon, kapag may mga kaisipan at ideya ka na tutol sa Diyos, kapag may mga kalagayan at pananaw ka na laban sa Diyos, kapag may mga kalagayan kung saan mali ang pagkaunawa mo sa Diyos, o nilalabanan at kinokontra mo Siya, sasawayin ka ng Diyos, hahatulan at kakastiguhin ka Niya, at kung minsan ay didisiplinahin at parurusahan ka pa Niya. Ano ang layunin ng pagdidisiplina at pagsaway sa iyo? (Upang makapagsisi kami at magbago.) Oo, ito ay upang makapagsisi ka. Ang naisasakatuparan ng pagdidisiplina at pagsaway sa iyo ay tinutulutan ka nitong ituwid ang sarili mo. Ito ay para ipaunawa sa iyo na ang mga iniisip mo ay mga kuru-kuro ng tao, at na mali ang mga iyon; ang mga intensiyon mo ay nagmula kay Satanas, mula sa kalooban ng tao, hindi alinsunod ang mga ito sa katotohanan, hindi kaayon ng Diyos, hindi matutugunan ng mga iyon ang mga layunin ng Diyos, kasuklam-suklam at kamuhi-muhi sa Diyos ang mga iyon, nakakagalit ang mga iyon sa Kanya, at pinupukaw pa ang Kanyang pagsumpa. Pagkatapos mapagtanto ito, kailangan mong baguhin ang iyong mga intensiyon at saloobin. At paano mo gagawin iyon? Una sa lahat, kailangan mong magpasakop sa paraan ng pagtrato sa iyo ng Diyos, at magpasakop sa mga kapaligiran at mga tao, pangyayari, at bagay na inihahanda Niya para sa iyo. Huwag kang maghanap ng butas, huwag kang magbigay ng mga obhetibong dahilan, at huwag kang umiwas sa iyong mga responsabilidad. Pangalawa, dapat mong hanapin ang katotohanang realidad na dapat mong pasukin at ang katotohanang prinsipyo na dapat mong isagawa kaugnay ng ginawa ng Diyos. Gusto ng Diyos na maunawaan mo ang mga bagay na ito. Gusto Niyang makilala mo ang iyong mga tiwaling disposisyon at satanikong diwa, at pagkatapos ay hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga bagay na ito, magawang magpasakop sa mga kapaligirang pinamamatnugutan Niya para sa iyo, at sa huli ay magsagawa alinsunod sa Kanyang mga layunin at sa Kanyang mga hinihingi sa iyo. Sa gayon ay nakapasa ka na sa pagsubok.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Totoong Pagpapasakop Lamang Maaaring Magkaroon ng Tunay na Pagtitiwala ang Isang Tao

Sa kanyang pananampalataya sa Diyos, hinangad ni Pedro na bigyang-kasiyahan ang Diyos sa lahat ng bagay, at hinangad na magpasakop sa lahat ng nagmula sa Diyos. Nagawa niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol, gayundin ang pagpipino, kapighatian, at pagkasalat sa kanyang buhay, hindi siya bumigkas ng kahit isang reklamo. Wala sa mga ito ang makapagpapabago sa kanyang mapagmahal-sa-Diyos na puso. Hindi ba ito ang sukdulang pagmamahal sa Diyos? Hindi ba ito ang katuparan ng tungkulin ng isang nilikha? Ito man ay sa pagkastigo, paghatol, o kapighatian, may kakayahan kang magkamit ng pagpapasakop hanggang kamatayan, at ito ang dapat makamit ng isang nilikha, ito ang kadalisayan ng pagmamahal sa Diyos. Kung makakamtan ng tao ang ganito, siya ay isang nilikhang pasok sa pamantayan, at wala nang ibang mas tumutugon sa mga layunin ng Lumikha. Ipagpalagay nang nakakagawa ka para sa Diyos, subalit hindi ka nagpapasakop sa Diyos, at hindi mo kayang tunay na mahalin ang Diyos. Sa ganitong paraan, hindi mo lamang hindi tutuparin ang tungkulin ng isang nilikha, kundi ikokondena ka rin ng Diyos, dahil ikaw ay isang taong hindi nagtataglay ng katotohanan, na walang kakayahang magpasakop sa Diyos, at naghihimagsik laban sa Diyos. Pinagtutuunan mo lamang ang paggawa para sa Diyos, at hindi ang pagsasagawa ng katotohanan o pagkilala sa iyong sarili; hindi mo nauunawaan o nakikilala ang Lumikha, hindi ka nagpapasakop o nagmamahal sa Lumikha, at ikaw ay isang taong likas na mapaghimagsik laban sa Diyos. Bunsod ng mga dahilan na ito kaya ang gayong mga tao ay hindi nagugustuhan ng Lumikha.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Nakadepende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Noong siya ay kinakastigo ng Diyos, nanalangin si Pedro, “O Diyos! Ang aking laman ay mapaghimagsik, at kinakastigo Mo ako at hinahatulan ako. Ako ay nagagalak sa Iyong pagkastigo at paghatol, at kahit hindi Mo ako nais, sa Iyong paghatol ay nakikita ko ang Iyong banal at matuwid na disposisyon. Kapag hinahatulan Mo ako, kung makikita ng iba ang Iyong matuwid na disposisyon sa Iyong paghatol, ako ay masisiyahan. Sapat na ito kung ang paghatol Mo ay kayang ipahayag ang Iyong disposisyon at mapahihintulutan ang Iyong matuwid na disposisyon na makita ng lahat ng nilikha, at kung gagawin nitong mas dalisay ang aking puso na nagmamahal sa Iyo, upang makamit ko ang wangis ng isang taong matuwid. Mabuti ang paghatol Mong ito, dahil iyon mismo ang Iyong mabuting layunin. Batid ko na marami pa rin sa akin na mapaghimagsik, at na ako ay hindi pa rin nararapat na lumapit sa harap Mo. Nais kong ako ay mas hatulan Mo pa. Ilagay Mo man ako sa mga mapanlaban na kapaligiran o sa matitinding kapighatian, anuman ang gawin Mo, itinuturing ko ito bilang napakahalaga. Ang Iyong pag-ibig ay napakalalim, at handa akong magpasailalim sa Iyong pamamatnugot nang walang kahit katiting na pagdaing.” Ito ang kaalaman ni Pedro pagkatapos niyang maranasan ang gawain ng Diyos, at ito rin ay isang patotoo sa kanyang pag-ibig sa Diyos. Pagkatapos kayong malupig ngayon, sa paanong paraan ipinapahayag ang paglupig na ito sa inyo? May ilang taong nagsasabi na, “Ang paglupig sa akin ang napakalaking biyaya at pagtataas ng Diyos. Ngayon ko lamang napagtanto na ang buhay ng tao ay walang saysay at walang halaga. Sa sunod-sunod na salinlahi, ginugugol ng tao ang kanyang buhay na nagpaparoo’t parito, at nanganganak at nag-aalaga ng mga anak, at sa huli ay walang matitira sa kanya. Ngayon, matapos lupigin ng Diyos, saka ko lamang nakita na walang halaga ang pamumuhay sa ganitong pamamaraan; ito ay tunay na walang kabuluhang buhay. Mabuti pang mamatay na ako at nang matapos na ito!” Ang ganito bang mga tao na nalupig ay makakamit ng Diyos? Sila ba ay maaaring maging uliran at huwaran? Ang ganitong mga tao ay nagsisilbing negatibong halimbawa. Wala silang determinasyon, at hindi sila nagsusumikap na umunlad. Bagaman sila ay itinuturing na mga nalupig, ang ganitong mga tao na negatibo ay hindi kayang magawang perpekto. Noong malapit na siyang mamatay, matapos siyang gawing perpekto, sinabi ni Pedro, “O Diyos! Kung ako ay mabubuhay ng ilang taon pa, nais kong maabot ang mas higit na dalisay at higit na malalim na pag-ibig sa Iyo.” Noong siya ay ipapako na sa krus, nanalangin siya sa kanyang puso, “O Diyos! Ang Iyong panahon ay dumating na ngayon; ang panahong Iyong inihanda para sa akin ay dumating na. Ako ay dapat na maipako sa krus para sa Iyo, dapat akong magbigay ng patotoong ito para sa Iyo, at umaasa ako na ang aking pag-ibig ay makatutugon sa Iyong mga hinihingi, at na ito ay mas magiging dalisay. Ngayon, ang magawang mamatay para sa Iyo, at maipako sa krus para sa Iyo, ay nagpaparamdam sa akin ng kaginhawahan at kapayapaan, sapagkat maaari akong maipako sa krus para sa Iyo at makatugon sa Iyong mga ninanais. Ang maibigay sa Iyo ang aking sarili, at maialay sa Iyo ang aking buhay ay sukdulang nagbibigay-kasiyahan sa akin. O Diyos! Ikaw ay lubhang kaibig-ibig! Kung pahihintulutan Mo akong mabuhay, lalo pa akong magiging handang ibigin Ka. Habang ako ay nabubuhay, iibigin Kita. Nais kong ibigin Ka pa nang higit na malalim. Hinahatulan Mo ako, at kinakastigo at sinusubok dahil ako ay hindi matuwid, dahil ako ay nagkasala. At ang Iyong matuwid na disposisyon ay nagiging higit na maliwanag sa akin. Ito ay isang pagpapala sa akin, sapagkat nagagawa Kitang ibigin nang mas malalim. Handa akong ibigin Ka sa ganitong paraan kahit na hindi Mo ako iniibig. Handa akong makita ang Iyong matuwid na disposisyon, sapagkat dahil dito ay mas nagagawa kong isabuhay ang isang makabuluhang buhay. Palagi kong nararamdaman na ang buhay ko ngayon ay mas makabuluhan, sapagkat ipinapako ako sa krus dahil sa Iyo, at makabuluhan ang mamatay para sa Iyo. Gayon pa man hindi pa rin ako nakakaramdam ng kasiyahan, sapagkat lubhang kakaunti ang nalalaman ko tungkol sa Iyo, batid ko na hindi ko ganap na matutupad ang Iyong mga nais, at kakaunti lamang ang isinukli ko sa Iyo. Sa aking buhay, hindi ko nagawang lubusan Kang suklian; malayo pa ako roon. Habang nagbabalik-tanaw ako ngayon, nararamdaman ko ang lubhang pagkakautang ko sa Iyo, at ang sandaling ito lamang ang mayroon ako upang makabawi sa lahat ng pagkakamali ko at lahat ng pag-ibig na hindi ko naibalik sa Iyo.”

…………

Kinakastigo at hinahatulan ng Diyos ang tao dahil kinakailangan ito ng Kanyang gawain, at, higit pa rito, dahil kailangan ito ng tao. Kailangan ng tao na makastigo at mahatulan, at saka lamang niya makakamit ang pagmamahal sa Diyos. Sa ngayon, kayo ay lubos nang kumbinsido, ngunit kapag kayo ay naharap sa kahit napakaliit na dagok ay nahihirapan na kayo; ang inyong tayog ay napakababa pa rin, at kailangan pa rin ninyong makaranas ng higit pang gayong pagkastigo at paghatol para magtamo ng mas malalim na kaalaman. Ngayon, kayo ay medyo may kaunting may-takot-sa-Diyos na puso, at natatakot kayo sa Diyos, at batid ninyong Siya ang tunay na Diyos, ngunit wala kayong masyadong pag-ibig para sa Kanya, lalong hindi pa ninyo natamo ang dalisay na pag-ibig; ang inyong kaalaman ay napakababaw, at ang inyong tayog ay hindi pa rin sapat. Kapag kayo ay tunay na nahaharap sa isang kapaligiran, hindi pa kayo nakapagpatotoo, napakakaunti ng inyong positibong pagpasok, at wala kayong ideya kung paano magsagawa. Karamihan ng mga tao ay negatibo at pasibo; palihim lamang nilang iniibig sa kanilang puso ang Diyos, ngunit wala silang paraan ng pagsasagawa, at hindi rin malinaw sa kanila kung ano ang kanilang mga layon. Ang mga taong nagawang perpekto ay hindi lamang nagtataglay ng normal na pagkatao, kundi nagtataglay ng mga katotohanang nakahihigit sa mga sukat ng konsensiya, na mas mataas pa sa mga pamantayan ng konsensiya. Hindi lamang nila ginagamit ang kanilang konsensiya upang masuklian ang pag-ibig ng Diyos, ngunit, higit pa rito, nakilala na nila ang Diyos, at nakita na nila na ang Diyos ay kaibig-ibig, at na karapat-dapat Siyang ibigin ng tao, at napakaraming bagay ang kaibig-ibig tungkol sa Diyos at hindi maiiwasan ng tao na ibigin Siya. Ang pag-ibig para sa Diyos ng mga nagawang perpekto ay upang tuparin nila ang kanilang sariling personal na determinasyon. Ang pag-ibig nila ay pag-ibig na kusa, isang pag-ibig na hindi humihiling ng kapalit, at na hindi isang transaksyon. Iniibig nila ang Diyos dahil lamang sa kanilang pagkakilala sa Kanya at wala nang iba pa. Hindi iniisip ng gayong mga tao kung pinagkakalooban ba sila ng Diyos ng mga biyaya, at kontento na sila na mabigyang-kasiyahan ang Diyos. Hindi sila nakikipagtawaran sa Diyos, at hindi rin nila sinusukat ang kanilang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng konsensiya: “Nagbigay Ka sa akin, kaya minamahal Kita bilang kapalit. Kung hindi Ka nagbibigay sa akin, wala akong anumang maibibigay na kapalit sa Iyo.” Ang mga nagawang perpekto ay laging naniniwala na, “Ang Diyos ang Lumikha, at isinasakatuparan Niya ang gawaing ito sa atin. Dahil mayroon akong pagkakataon, kondisyon, at kalipikasyon na ito upang magawang perpekto, ang dapat kong hangarin ay ang magsabuhay ng isang makabuluhang buhay, at dapat ko Siyang mapalugod.” Katulad lamang ito ng naranasan ni Pedro: Noong siya ay nasa pinakamahinang punto niya, nanalangin siya sa Diyos at sinabing, “O Diyos! Alam Mo na, kahit anong panahon at saanmang dako, palagi akong nangungulila sa Iyo, at na kahit anong panahon at saanmang dako, gusto Kitang ibigin, ngunit ang aking tayog ay napakababa, ako ay masyadong mahina at walang kapangyarihan, ang aking pag-ibig ay masyadong limitado, at ang aking sinseridad sa Iyo ay masyadong kaunti. Kung ihahambing sa Iyong pagmamahal, sadyang hindi ako nararapat mabuhay. Nais ko lamang na ang aking buhay ay hindi mawalan ng kabuluhan, at na hindi ko lamang masuklian ang Iyong pag-ibig, kundi, higit pa rito, mailaan ko sa Iyo ang lahat-lahat ng mayroon ako. Kung mapapalugod Kita, bilang isang nilikha, magkakaroon ako ng payapang isipan at hindi na ako hihiling nang higit pa. Bagama’t ako ay mahina at walang lakas ngayon, hindi ko malilimutan ang Iyong mga tagubilin, at hindi ko malilimutan ang Iyong pag-ibig. Ngayon, wala akong ibang ginagawa kundi ang suklian ang Iyong pag-ibig. O Diyos, lubhang nababagabag ang damdamin ko! Paano ko maibabalik sa Iyo ang pag-ibig sa aking puso, paano ko magagawa ang lahat ng aking makakaya, at magagawang tuparin ang Iyong mga ninanais, at maiaalay ang lahat ng mayroon ako sa Iyo? Alam Mo ang kahinaan ng tao; paano ako magiging karapat-dapat sa Iyong pag-ibig? O Diyos! Alam Mong ako ay mayroong mababang tayog, na katiting lamang ang aking pag-ibig. Paano ko magagawa ang lahat ng makakaya ko sa ganitong uri ng kapaligiran? Alam kong dapat kong suklian ang Iyong pag-ibig, alam kong dapat kong ibigay sa Iyo ang lahat ng mayroon ako, ngunit ngayon ay lubhang mababa ang aking tayog. Hinihiling ko na bigyan Mo ako ng lakas at pananalig, upang higit pa akong makapaglaan sa Iyo ng isang dalisay na pag-ibig, makapaglaan sa Iyo ng lahat ng mayroon ako, at hindi lamang magawang suklian ang Iyong pag-ibig, kundi ang mas mahalaga pa ay maranasan ang Iyong pagkastigo, paghatol, at mga pagsubok, at ang mas matitindi pang sumpa. Pinahintulutan Mo akong mapagmasdan ang Iyong pag-ibig, at wala akong kakayahang hindi Ka ibigin, at kahit na ako ay mahina at walang lakas ngayon, paano ba Kita malilimutan? Ang Iyong pag-ibig, pagkastigo, at paghatol ay lahat naging dahilan upang makilala Kita, ngunit pakiramdam ko rin ay wala akong kapabilidad na matugunan ang Iyong pag-ibig, dahil Ikaw ay napakadakila. Paano ko ba mailalaan sa Lumikha ang lahat ng mayroon ako?” Iyon ang kahilingan ni Pedro, gayumpaman, ang kanyang tayog ay hindi sapat. Sa sandaling ito, naramdaman niya na para bang iniikot-ikot ang isang kutsilyo sa kanyang puso. Siya ay nasa matinding paghihirap; hindi niya batid kung ano ang dapat gawin sa ilalim ng ganoong mga kalagayan. Gayunman ay nagpatuloy siya sa pananalangin, “O Diyos! Ang tayog ng tao ay mababa, ang kanyang konsensiya ay mahina, at ang tanging kaya kong gawin ay suklian ang Iyong pagmamahal. Ngayon, hindi ko alam kung paano tugunan ang Iyong mga layunin, at ang tanging nais ko ay gawin ang lahat ng aking makakaya, ibigay ang lahat ng mayroon ako, at italaga ang lahat ng mayroon ako sa Iyo. Anuman ang Iyong maging paghatol, anuman ang Iyong pagkastigo, nagkakaloob Ka man ng mga bagay sa akin, o bumabawi ng mga bagay sa akin, pakiusap, alisan Mo ako ng kahit katiting na reklamo laban sa Iyo. Maraming pagkakataon, noong ako ay kinastigo at hinatulan Mo, palagi akong may mga reklamo sa loob ko, at hindi ko kayang makamit ang kadalisayan, o mapalugod ang Iyong mga ninanais. Ang pagsukli ko sa Iyong pag-ibig ay nagmula sa kawalan ng ibang pagpipilian, at sa sandaling ito kinamumuhian ko nang higit pa ang sarili ko.” Ang paghahanap niya ng mas dalisay na pagmamahal sa Diyos ang dahilan kung bakit nanalangin si Pedro nang ganito. Siya ay naghahanap, at nagsusumamo, at, higit pa rito, ay sinisisi niya ang kanyang sarili, at umaamin sa kanyang mga pagkakasala sa Diyos. Pakiramdam niya ay may pagkakautang siya sa Diyos, at nakaramdam siya ng pagkamuhi sa kanyang sarili, gayunman, siya ay nalungkot din nang bahagya at negatibo. Laging gayon ang pakiramdam niya, na parang hindi siya makaabot sa mga layunin ng Diyos, at hindi niya nagawa ang lahat ng kanyang makakaya. Sa ilalim ng ganoong kalagayan, ipinagpatuloy ni Pedro ang paghahangad na magkaroon ng pananalig na tulad ng kay Job. Nakita niya kung gaano kalaki ang naging pananalig ni Job, sapagkat nakita ni Job na ang lahat ng pag-aari niya ay ipinagkaloob ng Diyos, at likas para sa Diyos na bawiin ang lahat ng kanyang mga pag-aari, at ibigay ang mga ito ng Diyos sa kahit kanino man Niya naisin—gayon ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Si Job ay walang mga reklamo, at nagagawa pa ring magpuri sa Diyos. Kilala rin ni Pedro ang sarili niya, at sa kanyang puso siya ay nanalangin, “Ngayon, hindi ako dapat makontento na suklian ang Iyong pag-ibig gamit ang aking konsensiya at kahit gaano karaming pag-ibig ang ibigay ko pabalik sa Iyo, dahil ang aking mga kaisipan ay lubhang tiwali, at dahil wala akong kakayahang makita Ka bilang ang Lumikha. Dahil hindi pa rin ako karapat-dapat na umibig sa Iyo, dapat kong ilaan ang lahat ng mayroon ako sa Iyo, at gawin ito nang maluwag sa kalooban, dapat kong malaman lahat ng Iyong mga nagawa, at hindi ko dapat gawin ang mga sarili kong pagpili, at dapat kong mamasdan ang Iyong pag-ibig, at makapagsalita ako ng mga papuri sa Iyo, at purihin ang Iyong banal na pangalan, upang Ikaw ay magkamit ng dakilang kaluwalhatian sa pamamagitan ko. Handa akong manindigan sa patotoong ito para sa Iyo. O Diyos! Ang Iyong pag-ibig ay napakahalaga at napakaganda; paano ko gugustuhing mabuhay sa mga kamay ng masama? Hindi ba’t ako ay Iyong ginawa? Paano ako mabubuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas? Mas gugustuhin kong mabuhay ang aking kabuuan sa gitna ng Iyong pagkastigo kaysa mabuhay ako sa ilalim ng kapangyarihan ng masama. Handa akong ilaan ang aking katawan at puso sa Iyong paghatol at pagkastigo, hangga’t maaari akong malinis, at maiaalay ko sa Iyo ang lahat-lahat ng sa akin, sapagkat kinamumuhian ko si Satanas, at hindi ko gustong mabuhay sa ilalim ng kapangyarihan nito. Sa pamamagitan ng Iyong paghatol sa akin, ipinapahayag Mo ang Iyong matuwid na disposisyon; ganap akong handa, at wala akong kahit katiting na reklamo. Hangga’t kaya kong tuparin ang tungkulin ng isang nilikha, handa ako na gugulin ang aking buong buhay nang kasama ang Iyong paghatol, at na sa gayon ay makilala ko ang Iyong matuwid na disposisyon, at iwaksi ko ang impluwensiya ng masama.” Laging nagdarasal si Pedro sa ganitong paraan, laging naghahangad sa ganitong paraan, at naabot niya ang isang mataas-taas na antas. Hindi lamang niya nagawang suklian ang pag-ibig ng Diyos, kundi, mas mahalaga, natupad rin niya ang kanyang tungkulin bilang isang nilikha. Hindi lamang sa hindi siya sinasaway ng kanyang konsensiya, kundi nalampasan din niya ang mga pamantayan ng konsensiya. Patuloy na nakaabot sa Diyos ang kanyang mga panalangin, anupa’t ang kanyang mga kapasyahan ay lumago nang lumago, at mas lalo siyang nagtataglay ng mapagmahal-sa-Diyos na puso. Bagaman nagdurusa siya ng matinding sakit, hindi pa rin niya nilimot na ibigin ang Diyos, at patuloy pang hinanap na makamtan ang kaunawaan sa mga layunin ng Diyos. Sa kanyang mga panalangin ay binigkas niya ang sumusunod na mga salita: “Natupad ko ang hindi hihigit sa pagsukli sa Iyong pag-ibig. Hindi ako nagpatotoo para sa Iyo sa harap ni Satanas, hindi ko napalaya ang sarili ko mula sa impluwensiya ni Satanas, at nanatiling namumuhay sa gitna ng laman. Nais kong gamitin ang aking pag-ibig para madaig si Satanas, hiyain ito, at nang sa gayon ay matugunan ko ang Iyong mga layunin. Nais kong ibigay sa Iyo ang buong sarili ko, at hindi ibigay ni katiting man ng aking sarili kay Satanas, dahil si Satanas ay Iyong kaaway.” Habang lalo siyang naghahanap sa daang ito, lalo rin siyang naaantig, at lalong lumalaki ang kanyang kaalaman sa mga bagay na ito. Nang hindi namamalayan, nabatid niyang kailangan niyang kumawala sa impluwensiya ni Satanas, at dapat niyang ganap na ibigay sa Diyos ang kanyang sarili. Iyon ang antas na kanyang naabot. Nilalagpasan niya ang impluwensiya ni Satanas, at naiwawaksi sa kanyang sarili ang mga kasiyahan at mga kagustuhan ng laman, at handa siyang maranasan nang mas malalim kapwa ang pagkastigo at paghatol ng Diyos. Sinabi niya, “Kahit na ako ay nabubuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo, at sa gitna ng Iyong paghatol, gaano man ito kasakit, ayaw ko pa ring mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, ayaw ko pa ring mamuhay ng isang buhay kung saan ginagawa akong hangal ni Satanas. Itinuturing kong kaligayahan ang pamumuhay sa gitna ng Iyong mga sumpa, at itinuturing kong pasakit ang pamumuhay sa gitna ng mga pagpapala ni Satanas. Minamahal Kita habang namumuhay sa gitna ng Iyong paghatol, at napupuno nito ng labis na kagalakan ang puso ko. Ang Iyong pagkastigo at paghatol ay katuwiran at kabanalan; ito ay upang linisin ako, at higit pa rito, ito ay upang iligtas ako. Mas gugustuhin kong gugulin ang aking buong buhay sa gitna ng Iyong paghatol nang tinatanggap ang Iyong pangangalaga, kaysa mamuhay nang kahit isang saglit sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Nais kong malinis Mo ako; kahit na ako ay magdusa, ayaw kong magamit at maloko ni Satanas. Ako, ang nilikhang ito, ay dapat na magamit Mo, ariin Mo; dapat din akong mahatulan Mo, at makastigo Mo, at masumpa Mo pa nga. Masaya ang puso ko kapag handa Kang pagpalain ako, sapagkat nakita ko ang Iyong pagmamahal. Ikaw ang Lumikha, at ako ay isang nilikha: Hindi ako dapat magkanulo sa Iyo at mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, ni hindi ako dapat magamit ni Satanas. Dapat akong maging kabayo Mo, o baka Mo, sa halip na mamuhay para kay Satanas. Mas gugustuhin kong mamuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo, nang walang kasiyahan ng laman, at ito ay magbibigay-kasiyahan sa akin kahit na mawalan ako ng Iyong biyaya. Bagama’t ang Iyong biyaya ay wala sa akin, masisiyahan pa rin ako sa Iyong pagkastigo at sa Iyong paghatol. Ito ang Iyong pinakamainam na pagpapala, ang Iyong pinakadakilang biyaya. Bagaman Ikaw ay palaging maharlika at puno ng poot sa akin, hindi pa rin Kita magawang iwanan, at hindi pa rin Kita maiibig nang sapat. Pipiliin kong manirahan sa Iyong tahanan, pipiliin kong maisumpa, makastigo, at mahampas Mo, kaysa mabuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, o magparoo’t parito at magpakaabala para lamang sa laman, lalong hindi ko pipiliing mabuhay para sa laman.” Ang pag-ibig ni Pedro ay isang dalisay na pag-ibig. Ito ang karanasan ng ginagawang perpekto, at ang pinakamataas na antas ng magawang perpekto; walang buhay na mas makabuluhan. Tinanggap niya ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, pinahalagahan niya ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at ito ang pinakamahalagang katangian ni Pedro. Sinabi niya, “Binibigyan ako ni Satanas ng mga materyal na kasiyahan ngunit hindi ko pinahahalagahan ang mga iyon. Ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ay sumasapit sa akin—itinuturing ko ito bilang biyaya, bilang pinagmumulan ng kasiyahan, at bilang pagpapala. Kung hindi dahil sa paghatol ng Diyos ay hindi ko kailanman iibigin ang Diyos, mananatili akong namumuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, at kinokontrol pa rin ni Satanas at nasa kamay nito. Kung gayon ang sitwasyon, hindi ako kailanman magiging isang tunay na tao, dahil hindi ko magagawang bigyang-lugod ang Diyos, at hindi ko magagawang ilaan sa Diyos ang aking kabuuan. Kahit na hindi ako pinagpapala ng Diyos, iniiwan akong walang kaaliwan sa loob, na para bang may nag-aapoy sa loob ko, at walang kapayapaan o kagalakan, at kahit na hindi kailanman nalalayo sa akin ang pagkastigo at pagdisiplina ng Diyos, sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol ng Diyos nakikita ko ang Kanyang matuwid na disposisyon. Lubos akong nasisiyahan dito; wala nang iba pang bagay ang mas mahalaga o mas makabuluhan sa buhay. Kahit na ang Kanyang proteksyon at pag-aalaga ay naging walang-awang pagkastigo, paghatol, mga sumpa, at paghampas, ako ay nasisiyahan pa rin sa mga bagay na ito, sapagkat ako ay mas mahusay na malilinis at mababago ng mga ito, madadala nang mas malapit sa Diyos, magagawa ko na higit pang magmahal sa Diyos, at magagawang mas dalisay ang aking pagmamahal sa Diyos. Tinutulutan ako nito na makayang tuparin ang aking tungkulin bilang isang nilikha, at dinadala ako sa harap ng Diyos at malayo sa impluwensiya ni Satanas, at ginagawa nito na hindi na ako magserbisyo kay Satanas. Kapag hindi ako namumuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, at naitatalaga ko na ang lahat ng bagay na mayroon ako at lahat ng maaari kong gawin para sa Diyos, nang walang reserba—iyon ay ang sandali na ako ay ganap na nasisiyahan. Ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ang nagligtas sa akin, at ang aking buhay ay hindi mahihiwalay mula sa pagkastigo at paghatol ng Diyos. Para sa akin, ang mamuhay sa lupa ay katulad ng pamumuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, at kung hindi dahil sa pangangalaga at proteksyon ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, nabuhay sana ako palagi sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, at higit pa rito, hindi sana ako nagkaroon ng pagkakataon o paraan na isabuhay ang isang makabuluhang buhay. Tanging kapag hindi ako kailanman nililisan ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, at binibigyang-daan ako na patuloy na malinis ng Diyos, at kasama ko ang mahihigpit na salita, matuwid na disposisyon, at maharlikang paghatol ng Diyos, saka lang ako nagkakamit ng sukdulang proteksyon, nakapamumuhay sa liwanag, at nagkakamit ng mga pagpapala ng Diyos. Ang magawang malinis, at mapalaya ang aking sarili mula kay Satanas, at mamuhay sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos—ito ang pinakadakilang pagpapala sa buhay ko ngayon.” Ito ang pinakamataas na antas na naabot ni Pedro sa kanyang mga karanasan.

Ito mismo ang kalagayan na dapat marating ng tao pagkatapos na siya ay magawang perpekto. Kung hindi mo kayang marating ang ganitong antas, kung gayon hindi mo magagawang isabuhay ang isang buhay na makabuluhan. Ang tao ay nabubuhay sa gitna ng laman, na nangangahulugang nabubuhay siya sa impiyerno sa daigdig, at kung wala ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang tao ay kasingdumi ni Satanas. Paano magiging banal ang tao? Naniwala si Pedro: Ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ang pinakamabuting proteksyon at pinakadakilang biyaya sa tao. Sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol ng Diyos maaaring magising ang tao at mamuhi sa laman, mamuhi kay Satanas. Ang mahigpit na pagdisiplina ng Diyos ay nagpapalaya sa tao mula sa impluwensiya ni Satanas, nagpapalaya sa kanya mula sa kanyang sariling maliit na mundo, at nagtutulot sa kanyang mamuhay sa liwanag ng mukha ng Diyos. Wala nang higit na mabuting pagliligtas kaysa sa pagkastigo at paghatol! Nanalangin si Pedro, “O Diyos! Hangga’t kinakastigo Mo at hinahatulan ako, malalaman ko na hindi Mo ako iniwan. Kahit na hindi Mo ako binibigyan ng kagalakan o kapayapaan, at idinudulot Mong mamuhay ako sa pagdurusa, at pinapatawan Mo ako ng hindi-mabilang na mga pagtutuwid, hangga’t hindi Mo ako iniiwan, ang puso ko ay magiging panatag. Ngayon, ang Iyong pagkastigo at paghatol ay naging pinakamabuting proteksyon ko at pinakadakilang pagpapala. Ang ibinibigay Mong biyaya sa akin ay nagpoprotekta sa akin. Ngayon, pinagkakalooban Mo ako ng biyaya, at ang biyayang ito ay pagbubunyag ng Iyong matuwid na disposisyon, at ito ay pagkastigo at paghatol; higit pa riyan, ito ay isang pagsubok, at isang buhay ng pagdurusa.” Nakayang bitiwan ni Pedro ang mga kasiyahan ng laman at hanapin ang isang mas malalim na pag-ibig at higit na proteksyon, dahil marami siyang nakamtang biyaya mula sa pagkastigo at paghatol ng Diyos. Sa kanyang buhay, kung nais ng tao na malinis at makamtan ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, kung nais niya na isabuhay ang isang makabuluhang buhay, at tuparin nang maayos ang kanyang tungkulin bilang isang nilikha, kung gayon dapat niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, at hindi dapat hayaan ang pagdisiplina ng Diyos at paghampas ng Diyos na lumisan mula sa kanya, upang palayain niya ang kanyang sarili mula sa pagmamanipula at impluwensiya ni Satanas, at mamuhay sa liwanag ng Diyos. Dapat mong malaman na ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ay ang liwanag, at ang liwanag ng kaligtasan ng tao, at na walang higit na mabuting pagpapala para sa tao, at walang mas dakilang biyaya o mas mahusay na proteksyon. Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas, at umiiral sa laman; kung hindi siya nalilinis at hindi nakatatanggap ng proteksyon ng Diyos, kung gayon ang tao ay lalong magiging masama. Kung nais niyang ibigin ang Diyos, kung gayon dapat siyang malinis at maligtas. Nanalangin si Pedro, “Diyos ko, kapag pinakikitunguhan Mo ako nang may-kabaitan ay nalulugod ako, at nabibigyang-alo; kapag kinakastigo Mo ako, nakadarama ako ng higit pang pag-alo at kagalakan. Bagaman ako ay mahina, at nagtiis ng di-mailarawang pagdurusa, bagaman mayroon akong mga luha at pighati, batid Mo na ang pighating ito ay dahil sa aking paghihimagsik, at dahil sa aking kahinaan. Tumatangis ako dahil hindi ko natutugunan ang Iyong mga layunin, nakadarama ako ng pighati at pagsisisi dahil hindi ako sapat para sa Iyong mga hinihingi, ngunit handa akong abutin ang antas na ito, handa akong gawin ang lahat ng kaya ko upang Ikaw ay mapalugod. Ang Iyong pagkastigo ay nagsilbing proteksiyon sa akin, at ang pinakamainam na pagliligtas para sa akin; ang Iyong paghatol ay nangingibabaw sa Iyong pagpaparaya at pagtitiis. Kung wala ang Iyong pagkastigo at paghatol, hindi ko matatamasa ang Iyong awa at mapagmahal na kabaitan. Ngayon, lalo kong nakikita na ang Iyong pag-ibig ay nakalampas sa mga kalangitan at hinigitan ang lahat ng iba pang bagay. Ang Iyong pag-ibig ay hindi lamang awa at mapagmahal na kabaitan; higit pa riyan, ito ay pagkastigo at paghatol. Napakarami kong nakamit mula sa Iyong pagkastigo at paghatol. Kung wala ang Iyong pagkastigo at paghatol, walang isa mang taong malilinis, at walang isa mang taong makararanas ng pag-ibig ng Lumikha. Bagaman nakapagtiis ako ng daan-daang mga pagsubok at kapighatian, at muntik pa nga akong mamatay, natulutan ako ng mga ito na tunay Kang makilala at na magkamit ng napakadakilang kaligtasan. Kung ang Iyong pagkastigo, paghatol, at pagdisiplina ay lilisan mula sa akin, kung gayon ay mabubuhay ako sa kadiliman, sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Ano nga ba ang mga pakinabang ng laman ng tao? Kung ang Iyong pagkastigo at paghatol ay aalis sa akin, ito ay waring ang Iyong Espiritu ay nag-abandona sa akin, na waring Ikaw ay hindi ko na kasama. Kung magkagayon nga, paano ako magpapatuloy na mabuhay? Binigyan Mo ako ng karamdaman at kinuha Mo ang kalayaan ko, nagawa kong patuloy na mamuhay, ngunit kung sakaling lilisanin ako ng Iyong pagkastigo at paghatol, mawawalan na ako ng daan upang patuloy na mamuhay. Kung wala ang Iyong pagkastigo at paghatol sa akin, nawala na sana sa akin ang Iyong pagmamahal. Napakalalim ng pag-ibig Mo sa akin na hindi ko ito maipahayag gamit ang mga salita. Kung wala ang Iyong pagmamahal, ako ay mabubuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, at hindi na makikita ang Iyong maluwalhating mukha. Paano ko maitutuloy ang pamumuhay ko? Halos hindi ako makakapagpatuloy sa gayong kadiliman, sa gayong buhay. Ang makasama ang presensya Mo ay tulad ng pagkakita sa Iyo, kaya paano Kita magagawang iwanan? Nagmamakaawa ako sa Iyo nang may buong sinseridad, nakikiusap ako sa Iyo na huwag kunin ang aking pinakadakilang kaaliwan mula sa akin, kahit na kapiranggot lang ito ng Iyong mga salita na nagbibigay ng pag-alo. Natamasa ko ang Iyong pagmamahal, at ngayon ay hindi ako puwedeng mawalay sa Iyo; paano na hindi Kita maiibig? Marami akong itinangis na mga luha ng kalungkutan dahil sa Iyong pagmamahal, subalit lagi kong nararamdaman na ang isang buhay na gaya nito ay higit na makahulugan, higit akong napagyayaman, higit akong nababago, at higit akong tinutulutang makamit ang katotohanang taglay dapat ng mga nilikha.”

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Kaugnay na mga Eksena ng Pelikula

Ang Pagbitiw sa Kasikatan at Katayuan sa Pamamagitan ng Paghatol at Pagkastigo ng Diyos

Kaugnay na mga Patotoong Batay sa Karanasan

Ang Paghatol at Pagkastigo ay Tunay na Pagmamahal ng Diyos

Inalis ng Salita ng Diyos ang Aking Pagiging Depensibo at Mga Maling Pagkaunawa

Kaugnay na mga Himno

Ang Pagkastigo at Paghatol ng Diyos ay ang Liwanag ng Kaligtasan ng Tao

Ipinapamalas ng Paghatol at Pagkastigo ang Pagliligtas ng Diyos

Nakita Ko ang Pag-ibig ng Diyos sa Pagkastigo at Paghatol

Sinundan:  2. Bakit kailangang tanggapin ng mga mananampalataya sa Diyos ang Kanyang paghatol at pagkastigo

Sumunod:  4. Ano ang tunay na pagkilala sa sarili

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 8: Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo,...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger