27. Paano lutasin ang disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Ang pagiging tutol sa katotohanan ay pangunahing tumutukoy sa kawalan ng interes at pagkasuklam sa katotohanan at sa mga positibong bagay. Ang pagiging tutol sa katotohanan ay kapag kaya ng mga taong maunawaan ang katotohanan at malaman kung ano ang mga positibong bagay, pero tinatrato pa rin nila ang katotohanan at ang mga positibong bagay nang may saloobin at kalagayan na lumalaban, pabasta-basta, nasusuklam, umiiwas, at walang pakialam. Ito ang disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan. Umiiral ba ang ganitong uri ng disposisyon sa lahat ng tao? Sinasabi ng ilang tao, “Bagama’t alam kong ang salita ng Diyos ang katotohanan, hindi ko pa rin ito gusto. Hindi ko nararamdamang interesado ako sa katotohanan. Ang hilingin sa akin na tanggapin ang katotohanan ay talagang maglalagay sa akin sa mahirap na posisyon.” Anong disposisyon ito? Ito ay isang disposisyon na tutol sa katotohanan. Mayroong satanikong disposisyon sa loob nila na hindi nagtutulot sa kanila na tanggapin ang katotohanan. Ano-anong partikular na pagpapamalas ang nasa hindi pagtanggap sa katotohanan? Sinasabi ng ilan, “Nauunawaan ko ang lahat ng katotohanan, pero hindi ko lang talaga maisagawa ang mga ito.” Ibinubunyag sila nito bilang mga taong tutol sa katotohanan. Hindi nila minamahal ang katotohanan, kaya hindi nila maisagawa ang anumang mga katotohanan. Sinasabi ng ilang tao, “Dahil sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos kung kaya’t nagawa kong kumita ng napakaraming pera. Ito ay pagpapala Niya. Naging napakabuti sa akin ng Diyos, binigyan ako ng Diyos ng malaking kayamanan. Nakapagbibihis at nakakakain nang sapat ang aking buong pamilya, at hindi kami kinakapos sa mga damit o pagkain.” Nang makitang pinagpala sila ng Diyos, pinasasalamatan ng mga taong ito ang Diyos sa puso nila, alam nila na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng ito, at na kung hindi sila pinagpala ng Diyos—kung umasa sila sa sarili nilang kasanayan—hinding-hindi nila kikitain ang lahat ng perang ito. Ito ang talagang iniisip nila sa puso nila, ang talagang nalalaman nila, at talagang nagpapasalamat sila sa Diyos. Pero darating ang araw na babagsak ang negosyo nila, mahihirapan sila, at daranasin nila ang kahirapan. Bakit ganito? Dahil nagpapasasa sila sa kaginhawahan, hindi nila iniisip kung paano gawin nang maayos ang kanilang tungkulin, at iginugugol nila ang lahat ng kanilang oras sa pag-iisip tungkol sa paghahabol ng mga kayamanan, pagiging alipin ng pera, na nakaaapekto sa paggampan nila ng kanilang tungkulin, kung kaya’t inaalis ito sa kanila ng Diyos. Sa puso nila, alam nilang labis silang pinagpala ng Diyos, at marami nang ibinigay sa kanila ang Diyos, pero wala silang pagnanais na suklian ang pagmamahal ng Diyos, ayaw nilang lumabas at gumawa ng kanilang tungkulin, at takot sila at palaging nangangamba na maaresto, at natatakot silang mawala ang lahat ng kayamanan at kasiyahang ito, at bilang resulta, inaalis sa kanila ng Diyos ang mga ito. Kasinglinaw ng salamin ang kanilang puso, alam nilang kinuha sa kanila ng Diyos ang mga bagay na ito, at na dinidisiplina sila ng Diyos, kaya nagdarasal sila sa Diyos at sinasabing, “O, Diyos! Pinagpala Mo ako nang minsan, kaya magagawa Mo akong pagpalain nang ikalawang beses. Umiiral Ka mula sa walang hanggan hanggang sa walang hanggan, at kaya ang Iyong mga pagpapala ay nasa sangkatauhan din. Nagpapasalamat ako sa Iyo! Anuman ang mangyari, hindi magbabago ang Iyong mga pagpapala at ang Iyong pangako. Kung may kukunin Ka sa akin, magpapasakop pa rin ako.” Pero ang salitang “magpasakop” ay walang paninindigan kapag sinasabi nila ito. Sinasabi nila na kaya nilang magpasakop, pero pagkatapos, nagninilay sila, at patuloy na nakakaramdam ng hindi kanais-nais sa puso nila: “Ang sarap ng buhay noon. Bakit kinuha ng Diyos ang lahat ng iyon? Hindi ba’t pareho lang naman ang paglalagi sa bahay habang ginagawa ang aking tungkulin at ang paglabas para gawin ang aking tungkulin? Ano ang inaantala ko?” Palagi nilang binabalik-balikan ang nakaraan. Mayroon silang reklamo at pagkadismaya sa Diyos, at palagi silang lugmok sa depresyon. Nasa puso pa ba nila ang Diyos? Ang nasa puso nila ay pera, kaginhawahan at paglilibang, at ang masasayang panahong iyon. Walang anumang puwang ang Diyos sa puso nila, hindi na Siya ang Diyos nila. Bagama’t alam nilang isang katotohanan na “Ang Diyos ang nagbibigay, at ang Diyos ang nag-aalis,” gusto nila ang mga salitang “Ang Diyos ang nagbibigay,” at tutol sila sa mga salitang “ang Diyos ang nag-aalis.” Malinaw na may pinipili ang pagtanggap nila sa katotohanan. Kapag pinagpapala sila ng Diyos, tinatanggap nila ito bilang ang katotohanan—pero sa sandaling may kunin sa kanila ang Diyos, hindi nila ito matanggap. Hindi nila matanggap ang gayong kataas-taasang kapangyarihan mula sa Diyos, at sa halip ay kumokontra sila sa Diyos at sumasama ang loob nila. Kapag hinihingi sa kanila na gawin nila ang tungkulin nila, sinasabi nila, “Gagawin ko iyan kung pagpapalain at bibiyayaan ako ng Diyos. Kung walang mga pagpapala ng Diyos at kung nasa ganitong lagay ng kahirapan ang pamilya ko, paano ko magagawa ang aking tungkulin? Ayaw ko nga!” Anong disposisyon ito? Bagama’t sa puso nila, personal nilang nararanasan ang mga pagpapala ng Diyos, at kung paanong napakarami na Niyang ibinigay sa kanila, hindi nila matanggap kapag may kinukuha ang Diyos sa kanila. Bakit ganito? Dahil hindi nila kayang bitiwan ang kayamanan at ang maginhawa nilang buhay. Bagama’t maaaring hindi sila nag-ingay tungkol doon, maaaring hindi nila inilabas ang kanilang kamay sa panghihingi sa Diyos, at maaaring hindi nila sinubukang bawiin ang dati nilang mga pag-aari sa pamamagitan ng sarili nilang mga pagsisikap, pinanghinaan na sila ng loob sa mga ikinilos ng Diyos, ganap nilang hindi kayang tumanggap, at sinasabi nila, “Talagang walang konsiderasyon ang Diyos sa pagkilos Niya nang ganito. Hindi ito maarok. Paano ako makapagpapatuloy na manampalataya sa Diyos? Ayaw ko nang kilalanin na Siya ang Diyos. Kung hindi ko Siya kikilalanin na Diyos, hindi Siya ang Diyos.” Isang uri ba ito ng disposisyon? (Oo.) May ganitong uri ng disposisyon si Satanas, ganito itinatanggi ni Satanas ang Diyos. Ang ganitong uri ng disposisyon ay pagiging tutol sa katotohanan at pagkamuhi sa katotohanan. Kapag umabot na sa ganito ang pagtutol ng mga tao sa katotohanan, saan sila nito dadalhin? Dahil dito ay kinokontra nila ang Diyos, ginagawa ito nang may katigasan ng ulo hanggang sa pinakahuli—na nangangahulugang tapos na ang lahat para sa kanila.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging ang Pagkaalam sa Anim na Uri ng Tiwaling Disposisyon ang Nangangahulugan ng Tunay na Pagkakilala sa Sarili

Ang mga tutol sa katotohanan ay nahihirapang tanggapin ang katotohanan at wala silang paraan para makapasok sa mga katotohanang realidad. Ang pinakanakikitang kalagayan ng mga taong tutol sa katotohanan ay na hindi sila interesado sa katotohanan at sa mga positibong bagay, at nasusuklam at namumuhi pa nga sila sa mga ito. Gustong-gusto nilang sumunod sa mga kalakaran at hindi nila tinatanggap sa kanilang puso ang mga bagay na minamahal ng Diyos at ang mga hinihingi ng Diyos na gawin ng mga tao. Sa halip, mapagsawalang-bahala sila at wala silang interes sa mga ito, at madalas pa ngang hinahamak ng ilang tao ang mga pamantayan at prinsipyong hinihingi ng Diyos sa mga tao. Nasusuklam sila sa mga positibong bagay, at palagi silang nakadarama sa puso nila ng paglaban, pagtutol, at paghamak sa mga ito. Ito ang pangunahing pagpapamalas ng pagiging tutol sa katotohanan. Sa buhay iglesia, ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos, pagdarasal, pagbabahagi tungkol sa katotohanan, paggampan ng mga tungkulin, at paglutas ng mga problema gamit ang katotohanan ay pawang mga positibong bagay at kasiya-siya ang mga ito para sa Diyos. Pero ang ilang tao ay nasusuklam sa mga positibong bagay na ito, walang pakialam sa mga ito kahit kaunti, at nangmamaliit sa mga ito. Ang pinakanakamumuhing bahagi ay na may mapangmata silang saloobin sa mga positibong tao, gaya ng matatapat na tao, mga naghahangad sa katotohanan, mga gumagawa ng kanilang mga tungkulin nang deboto, at mga nagtataguyod sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Palagi nilang sinusubukang batikusin at ibukod ang mga taong ito. Kung matuklasan nilang may mga pagkukulang o pagbubunyag ng katiwalian ang mga ito, sinusunggaban nila ito, pinalalaki ito, at walang-humpay nilang hinahamak ang mga ito dahil dito. Anong uri ng disposisyon ito? Bakit sila labis na mapanlaban sa mga positibong tao? Bakit nila labis na kinagigiliwan ang masasamang tao, mga hindi mananampalataya, at mga anticristo, at partikular na pinagbibigyan ang mga ito, madalas na nakikipagsabwatan at nakikihalubilo sa mga ito? Pagdating sa mga may kinalaman sa mga negatibo at masasamang bagay, nasasabik at natutuwa sila, pero pagdating sa mga positibong bagay, lumalaban sila; sa partikular, kapag naririnig nilang nagbabahagi tungkol sa katotohanan ang iba o lumulutas ng mga problema gamit ang katotohanan, may pagtutol at kawalang-kasiyahan sa kanilang puso, at nagbubulalas sila ng mga hinanakit. Hindi ba’t ito ang disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan? Hindi ba’t pagbubunyag ito ng isang tiwaling disposisyon? Maraming tao na, sa kanilang pananampalataya sa Diyos, sadyang gustong gumawa ng gawain para sa Kanya at masiglang magpakaabala para sa Kanya, gumamit ng kanilang mga kaloob at kalakasan, at sumunod sa kanilang mga kagustuhan at magpakitang-gilas. Pagdating sa pag-aasikaso ng mga panlabas na usapin, palaging hindi nauubos ang kanilang enerhiya, pero kung hihilingin mo sa kanila na isagawa ang katotohanan at kumilos nang ayon sa mga katotohanang prinsipyo, nawawalan sila ng motibasyon, at nawawalan sila ng sigasig. Kapag hindi sila pinapayagang magpakitang-gilas, nawawalan sila ng gana at nasisiraan ng loob. Bakit sila may enerhiya para sa pagpapakitang-gilas? At bakit sila walang enerhiya para sa pagsasagawa ng katotohanan? Ano ang problema rito? Gusto ng lahat ng tao na mapansin; lahat sila ay puspos ng banidad. Ang lahat ay may hindi maubos-ubos na enerhiya pagdating sa pananampalataya sa Diyos alang-alang sa pagtatamo ng mga pagpapala at gantimpala, pero bakit wala silang sigla at bakit sila nasisiraan ng loob pagdating sa pagsasagawa ng katotohanan at paghihimagsik laban sa laman? Bakit ito nangyayari? Pinatutunayan nito na may karumihan ang puso ng mga tao. Ganap na para magtamo ng mga pagpapala kaya sila nananampalataya sa Diyos—sa madaling salita, ginagawa nila ito para makapasok sa kaharian ng langit. Kapag walang hahangaring mga pagpapala o pakinabang, nawawalan ng gana at nasisiraan ng loob ang mga tao, at wala silang sigasig. Ang lahat ng ito ay bunga ng isang tiwaling disposisyon na tutol sa katotohanan. Kapag kinokontrol ng disposisyong ito, ayaw ng mga taong piliin ang landas ng paghahangad sa katotohanan, tinatahak nilang lahat ang sari-sarili nilang daan, at pinipili nila ang maling landas. Alam na alam naman nilang maling hangarin ang kasikatan, pakinabang, at katayuan pero hindi pa rin nila kayang bitiwan ang mga ito o isantabi ang mga ito, at hinahangad pa rin nila ang mga ito, tinatahak ang landas ni Satanas. Sa ganitong sitwasyon, hindi ang Diyos ang sinusunod nila, kundi si Satanas. Ang lahat ng ginagawa nila ay pagseserbisyo kay Satanas, at sila ay naglilingkod kay Satanas.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

At paano pangunahing naipamamalas ang uri ng disposisyon na pagiging tutol sa katotohanan? Sa pagtangging tumanggap ng pagpupungos. Ang hindi pagtanggap na mapungusan ay isang uri ng kalagayang ipinapakita ng isang disposisyong tutol sa katotohanan. Sa kanilang puso, matindi ang paglaban ng mga taong ito kapag pinupungusan sila. Iniisip nila, “Ayaw kong marinig iyan! Ayaw kong marinig iyan!” o, “Bakit hindi ibang tao ang pungusan? Bakit ako ang pinag-iinitan?” Ano ang ibig sabihin ng pagiging tutol sa katotohanan? Ang pagiging tutol sa katotohanan ay kapag walang interes ang isang tao sa anumang may kinalaman sa mga positibong bagay, sa katotohanan, sa hinihingi ng Diyos, o sa mga layunin ng Diyos. Kung minsan ay nasusuklam sila sa mga ito; kung minsan ay hindi nila pinapansin ang mga ito; kung minsan ay nagkakaroon siya ng walang galang at walang pakialam na saloobin, hindi sineseryoso ang mga ito, tinatrato ang mga ito nang pabasta-basta at nang walang ingat; o hinaharap niya ang mga ito nang may saloobin na ganap na walang responsabilidad. Ang pangunahing pagpapamalas ng pagiging tutol sa katotohanan ay hindi lamang pagkasuklam kapag naririnig ng mga tao ang katotohanan. Nakakaramdam din ng pagkasuklam ang gayong mga tao sa mga positibong bagay. Kahit na nakakaunawa sila ng kaunting katotohanan, ayaw nilang isagawa ito, pinipiling tumakas o umurong kapag dapat nila itong isagawa. Sa ganitong paraan, walang kaugnayan sa katotohanan ang lahat ng ginagawa nila. Kapag nakikipagbahaginan ang ilang tao sa mga pagtitipon, mukha silang napakasigla, mahilig silang bumigkas ng mga salita at doktrina at gumawa ng matatayog na pahayag para manlihis at kunin ang loob ng iba. Namumula sila, nag-uumapaw sa enerhiya, at masiglang-masigla habang ginagawa nila ito, at walang katapusan silang nagsasalita. Samantala, ginugugol ng iba ang buong araw mula umaga hanggang gabi na abala sa mga usapin ng pananalig, nagdarasal, nagbabasa ng mga salita ng Diyos, nakikinig sa mga himno, nagtatala, mukhang napakaabala bawat araw, at abala rin sila sa mga tungkulin mula bukang-liwayway hanggang dapithapon. Talaga bang minamahal ng mga taong ito ang katotohanan? Wala ba silang disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan? Kailan makikita ang tunay nilang kalagayan? (Pagdating ng oras na isasagawa na ang katotohanan, tumatakas sila, at ayaw nilang tanggapin na mapungusan sila.) Dahil kaya ito sa hindi nila nauunawaan ang narinig nila o dahil hindi nila nauunawaan ang katotohanan kaya ayaw nilang tanggapin ito? Ang kasagutan ay wala sa mga ito. Pinamamahalaan sila ng kanilang kalikasan. Isa itong problema ng disposisyon. Sa puso nila, alam na alam ng mga taong ito na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, na positibo ang mga ito, at na ang pagsasagawa ng katotohanan ay makapagdudulot ng mga pagbabago sa mga disposisyon ng mga tao at magbibigay-daan sa kanila na matugunan ang mga layunin ng Diyos—ngunit hindi nila tinatanggap o isinasagawa ang mga ito. Ito ay pagiging tutol sa katotohanan. Sino ang kinakitaan na ninyo ng disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan? (Ang mga hindi mananampalataya.) Tutol sa katotohanan ang mga hindi mananampalataya, napakalinaw niyan. Walang paraan ang Diyos para iligtas ang gayong mga tao. Kaya, sa mga nananampalataya sa Diyos, sa ano-anong bagay ninyo nakitang tutol ang mga tao sa katotohanan? Maaaring noong nagbahagi ka tungkol sa katotohanan sa kanila ay hindi sila tumayo at umalis, at noong napag-usapan sa pagbabahaginan ang sarili nilang mga paghihirap at isyu ay hinarap nila ito nang tama—pero mayroon pa rin silang disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan. Saan ito makikita? (Madalas silang makinig sa mga sermon, pero hindi nila isinasagawa ang katotohanan.) Ang mga taong hindi isinasagawa ang katotohanan ay walang dudang may disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan. Paminsan-minsan ay nagagawa ng ilang tao na isagawa nang kaunti ang katotohanan, kaya mayroon ba silang disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan? Ang gayong disposisyon ay matatagpuan din sa mga nagsasagawa sa katotohanan, magkakaiba lang ang antas. Hindi dahil kaya mong isagawa ang katotohanan ay nangangahulugan na wala kang disposisyong tutol sa katotohanan. Ang pagsasagawa sa katotohanan ay hindi nangangahulugang agad na nagbago ang iyong buhay disposisyon—hindi ganoon ang kaso. Kailangan mong lutasin ang problema ng iyong tiwaling disposisyon, ito lang ang paraan para magtamo ka ng pagbabago sa iyong buhay disposisyon. Ang minsang pagsasagawa ng katotohanan ay hindi nangangahulugan na nalutas na ang iyong mga tiwaling disposisyon. Kaya mong isagawa ang katotohanan sa isang aspekto, pero hindi iyon nangangahulugan na kaya mong isagawa ang katotohanan sa iba pang mga aspekto. Magkakaiba ang mga nauugnay na konteksto at dahilan, pero ang pinakamahalaga ay na umiiral nga ang iyong mga tiwaling disposisyon, na siyang ugat ng problema. Kaya, sa sandaling magbago na ang disposisyon ng isang tao, ang lahat ng kanyang paghihirap sa pagsasagawa ng katotohanan, pati na ang kanyang mga palusot at pagdadahilan para hindi ito isagawa—nalulutas ang lahat ng isyung ito, at ang lahat ng kanyang paghihimagsik, kasiraan, at kapintasan ay nalulutas din. Kung hindi magbabago ang mga disposisyon ng mga tao, palagi silang mahihirapang isagawa ang katotohanan, at palaging magkakaroon ng mga pagdadahilan at palusot. Kung nais mong maisagawa ang katotohanan at magpasakop sa Diyos sa lahat ng bagay, kailangan munang magkaroon ng pagbabago sa iyong disposisyon. Saka mo lamang malulutas ang mga problema mula sa pinakaugat ng mga ito.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging ang Pagkaalam sa Anim na Uri ng Tiwaling Disposisyon ang Nangangahulugan ng Tunay na Pagkakilala sa Sarili

Kapag nagtitipon, kaya ng ilang tao na makipagbahaginan nang kaunti tungkol sa sarili nilang mga kalagayan, pero pagdating sa diwa ng mga isyu, sa mga personal nilang motibo at ideya, nagiging palaiwas na sila. Kapag inilalantad sila ng mga tao bilang may mga motibo at pakay, tila tumatango sila at inaamin ito. Pero kapag sinubukan ng mga tao na ilantad o himayin pa nang mas malalim ang anumang bagay, hindi nila ito makayanan, tumatayo sila at umaalis. Bakit sila tumatakas sa napakahalagang sandali? (Hindi nila tinatanggap ang katotohanan at ayaw nilang harapin ang sarili nilang mga problema.) Isa itong problema sa kanilang disposisyon. Ayaw nilang tanggapin ang katotohanan upang malutas ang mga problemang nasa loob nila—hindi ba’t nangangahulugan ito na tutol sila sa katotohanan? Ano-anong uri ng sermon ang pinakaayaw marinig ng ilang lider at manggagawa? (Ang mga sermon tungkol sa pagkilatis sa mga anticristo at huwad na lider.) Tama. Iniisip nila, “Ang lahat ng pag-uusap na ito tungkol sa pagkilatis sa mga anticristo at huwad na lider, at tungkol sa mga Pariseo—bakit ninyo ito tinatalakay masyado? Sumasakit ang ulo ko sa inyo.” Pagkatapos marinig na pag-uusapan ang pagkilatis sa mga huwad na lider at manggagawa, naghahanap sila ng anumang palusot para umalis. Ano ang ibig sabihin ng “umalis” dito? Tumutukoy ito sa pagtakas, sa pagtatago. Bakit nila sinusubukang magtago? Nagsasalita ng mga katunayan ang ibang tao, kaya dapat silang makinig. Makikinabang sila sa paggawa nito. Kung iniisip nilang masasakit ang ilan sa mga salita at hindi nila matanggap ang mga ito, maaari muna nilang isulat ang mga ito; kalaunan, dapat madalas nilang pag-isipan ang mga ito, dahan-dahang unawain ang mga ito, at unti-unting magbago. Hindi ba’t napakabuti ng pagsasagawa sa ganitong paraan? Kaya bakit, kapag naririnig nilang magkakaroon ng pag-uusap tungkol sa pagkilatis sa mga huwad na lider at mga anticristo, nagtatago sila? Pakiramdam nila ay masyadong mahigpit at hindi maganda ang mga salitang ito ng paghatol, kaya nabubuo sa loob nila ang paglaban at pag-ayaw. Sinasabi nila sa sarili nila, “Hindi ako isang anticristo o huwad na lider—bakit patuloy nila akong pinag-uusapan? Bakit hindi nila pag-usapan ang ibang tao? Magsabi ng tungkol sa pagkilatis sa masasamang tao, huwag akong pag-usapan!” Nagiging palaiwas sila at umaayaw. Anong disposisyon ito? Kung ayaw nilang tanggapin ang katotohanan, at palagi silang nakikipagtalo at sinusubukang depensahan ang kanilang sarili, hindi ba’t mayroong problema ng tiwaling disposisyon dito? Disposisyon ito ng pagiging tutol sa katotohanan. Mayroong ganitong kalagayan ang mga lider at manggagawa, kaya paano naman ang mga ordinaryong kapatid? (Mayroon din sila.) Kapag unang nagkakakilala ang lahat, lahat sila ay napakamapagmahal at masayang-masaya na magsabi ng ilang salita at doktrina. Tila ba lahat sila ay nagmamahal sa katotohanan. Pero pagdating sa mga personal na problema at tunay na paghihirap, lalo na kapag nauugnay ang mga katotohanang prinsipyo, maraming tao ang hindi makaimik. Halimbawa, palaging nalilimitahan ang ilang tao ng kanilang pag-aasawa. Umaayaw silang gawin ang isang tungkulin o hangarin ang katotohanan, at ang pag-aasawa ang kanilang nagiging pinakamalaking hadlang at balakid. Sa mga pagtitipon, kapag nagbabahaginan ang lahat tungkol sa kalagayang ito, itinutugma nila ang sarili nila sa mga pagbabahagi ng iba at pakiramdam nila ay sila ang tinutukoy ng mga ito. Sinasabi nila, “Wala akong problema sa pagbabahagi ninyo tungkol sa katotohanan, pero bakit lagi ninyong binabanggit ang mga problema ko? Wala ba kayong anumang problema?” Anong disposisyon ito? Kapag nagtitipon kayo para magbahagi tungkol sa katotohanan, kailangan ninyong himayin ang mga totoong isyu at hayaan ang lahat na magsalita tungkol sa kanilang pagkaunawa sa mga problemang ito; saka lamang ninyo magagawang makilala ang inyong sarili at malutas ang inyong mga problema. Bakit ba hindi ito matanggap ng mga tao? Anong disposisyon iyon kapag hindi kayang tanggapin ng mga tao na mapungusan sila, at hindi nila matanggap ang katotohanan? Hindi ba’t dapat ninyo itong malinaw na makilatis? Ang lahat ng ito ay pagpapamalas ng pagiging tutol sa katotohanan—ito ang diwa ng problema. Kapag tutol ang mga tao sa katotohanan, napakahirap para sa kanila na tanggapin ang katotohanan—at kung hindi nila matanggap ang katotohanan, malulutas ba ang problema ng kanilang tiwaling disposisyon? (Hindi.) Kaya ang isang taong ganito, isang taong hindi kayang tanggapin ang katotohanan—kaya ba niyang makamit ang katotohanan? Maililigtas ba siya ng Diyos? Tiyak na hindi.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging ang Pagkaalam sa Anim na Uri ng Tiwaling Disposisyon ang Nangangahulugan ng Tunay na Pagkakilala sa Sarili

Para maprotektahan ang kanilang sariling banidad at pride, at para protektahan ang kanilang reputasyon at katayuan, masaya ang ilang tao na makatulong sa iba, at handa silang sumalo ng bala para sa kanilang mga kaibigan, nagbabayad ng anumang halaga para sa mga ito. Pero kapag kailangan nilang protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, itaguyod ang katotohanan, at itaguyod ang katarungan, nawawala ang kanilang mabuting kalooban, ganap na itong naglaho. Kapag dapat nilang isagawa ang katotohanan, hindi nila ito isinasagawa ni bahagya. Anong nangyayari? Para maprotektahan ang sarili nilang dignidad at pride, magbabayad sila ng anumang halaga at magtitiis ng anumang pagdurusa. Pero kapag kailangan nilang gumawa ng totoong gawain at mag-asikaso ng mga aktuwal na usapin, itaguyod ang gawain ng iglesia at ang mga positibong bagay, at protektahan at tustusan ang mga taong hinirang ng Diyos, bakit naglalaho ang lakas na iyon na magbayad ng anumang halaga at magtiis ng anumang pagdurusa? Hindi iyon kapani-paniwala. Ang totoo, mayroon silang disposisyon na tutol sa katotohanan. Bakit Ko sinasabing tutol sila sa katotohanan? Dahil sa tuwing ang isang bagay ay may kinalaman sa pagsasagawa ng katotohanan, pagpapatotoo sa Diyos, paglaban sa mga pakana ni Satanas, o pangangalaga sa gawain ng iglesia at pagprotekta sa hinirang na mga tao ng Diyos, tumatakas sila at umiiwas mula rito, at hindi sila nag-aasikaso ng anumang nararapat na mga bagay. Nasaan ang kanilang kabayanihan at espiritu na magtiis ng pagdurusa? Saan nila ginagamit ang mga bagay na iyon? Madali itong makita. Kahit pa sawayin sila ng iba, sabihan na hindi sila dapat maging makasarili at mababang-uri at hindi nila dapat subukang protektahan ang sarili nila, at na dapat nilang protektahan ang gawain ng iglesia, wala talaga silang pakialam. Sinasabi nila sa kanilang sarili, “Hindi ko ginagawa ang mga bagay na iyon, at walang kinalaman ang mga iyon sa akin. Ano ang magandang maidudulot niyon sa aking paghahangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan?” Hindi sila mga taong naghahangad ng katotohanan. Gusto lang nilang maghangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, at hinding-hindi nila ginagawa ang gawaing ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos. Kaya, kapag kinakailangan sila para sa gawain ng iglesia, pinipili na lang nilang tumakas. Nangangahulugan ito na sa puso nila, hindi nila minamahal ang mga positibong bagay, at hindi sila interesado sa katotohanan. Malinaw itong pagpapamalas ng pagiging tutol sa katotohanan. Tanging ang mga nagmamahal sa katotohanan at nagtataglay ng katotohanang realidad ang kayang humakbang pasulong, kapag hinihingi ito ng gawain ng sambahayan ng Diyos at kapag ang hinirang na mga tao ng Diyos ay nangangailangan, matapang at may-obligasyon silang tumitindig upang magpatotoo sa Diyos at magbahagi tungkol sa katotohanan, akayin ang Kanyang hinirang na mga tao papunta sa tamang landas, na nagbibigay-daan sa kanila na magkamit ng pagpapasakop sa gawain ng Diyos. Ito lamang ang saloobin ng pagkakaroon ng responsabilidad at pagpapamalas ng pagsasaalang-alang para sa mga layunin ng Diyos. Kung wala kayong ganitong saloobin at pabasta-basta lang na gumagawa, at iniisip ninyong, “Gagawin ko ang mga bagay na nasa saklaw ng aking tungkulin ngunit wala na akong pakialam sa iba pa. Kung may itatanong ka sa akin, sasagutin kita—kung maganda ang lagay ng kalooban ko. Kung hindi naman, hindi kita sasagutin. Ito ang saloobin ko,” ito ay isang tiwaling disposisyon, hindi ba? Ang pagprotekta lamang sa sariling katayuan, reputasyon, at pride, at ang pagprotekta lamang sa mga bagay na may kaugnayan sa mga pansariling interes—pagtataguyod ba ito sa isang makatarungang layunin? Pagtataguyod ba ito sa mga interes ng sambahayan ng Diyos? Ang nasa likod ng mga hamak at makasariling motibong ito ay ang disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan. Ang karamihan sa inyo ay madalas na umaasal nang ganito, at pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, umiiwas kayo sa pamamagitan ng pagsasabing, “Hindi ko nakita,” o “Hindi ko alam,” o “Hindi ko pa nabalitaan.” Talagang hindi mo man alam o nagkukunwari ka lamang, kung nagbubunyag ka ng ganitong klase ng tiwaling disposisyon kapag nasa mga kritikal na sandali, mahirap sabihin kung isa kang taong tunay na nananampalataya sa Diyos. Sa pananaw Ko, isa kang taong may magulong pananalig o isang hindi mananampalataya, at hinding-hindi ka isang taong nagmamahal sa katotohanan.

Maaaring nauunawaan ninyo kung ano ang ibig sabihin ng maging tutol sa katotohanan, pero bakit sinasabi Ko na isang disposisyon ang pagiging tutol sa katotohanan? Walang kinalaman ang isang disposisyon sa mga paminsan-minsan at pansamantalang pagpapamalas, at hindi sapat ang mga paminsan-minsan, pansamantalang pagpapamalas para mailarawan bilang isang problema sa disposisyon. Kahit ano pang uri ng tiwaling disposisyon mayroon ang isang tao, madalas o lagi pa nga itong mabubunyag sa kanya; nabubunyag ito sa tuwing lumilitaw ang tamang sitwasyon. Samakatwid, hindi mo maaaring basta-basta na lang ilarawan ang isang tao bilang walang pagkatao batay sa paminsan-minsan at pansamantala niyang pagbubunyag ng katiwalian. Kung gayon, ano ang pagkatao? Ano ang isang disposisyon? May kaugnayan ang mga disposisyon sa mga intensyon at motibasyon, at may kaugnayan ang mga ito sa pag-iisip at pananaw ng isang tao. Pakiramdam mo ay pinangingibabawan at iniimpluwensiyahan ka ng mga ito, pero ang mga disposisyon ay nakatago at nakakubli rin, at pinapalabo ng mabababaw na panlabas na anyo. Sa madaling salita, hangga’t may disposisyon sa loob mo, makikialam ito sa iyo, lilimitahan at kokontrolin ka nito, at magiging sanhi ito ng maraming pag-uugali at pagpapamalas sa iyo—iyon ang isang disposisyon. Anong mga pag-uugali, kaisipan, pananaw, at saloobin ang madalas na ibinubunga ng disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan? Isa sa mga pangunahing katangian ng pagiging tutol sa katotohanan na ipinapakita ng mga tao ay ang kawalan ng interes sa mga positibong bagay at sa katotohanan; pagdating sa pagsasagawa ng katotohanan, nawawalan ng interes ang gayong mga tao, nakakaramdam ng kawalan ng sigla sa loob, at ayaw magsumikap para sa katotohanan, habang iniisip na ayos lang sila. Magbibigay Ako ng simpleng halimbawa. Isang halimbawa ng sentido komun na madalas sinasabi ng mga tao tungkol sa mabuting kalusugan ay ang kumain ng mas maraming prutas at gulay, kumain ng mas maraming magagaan na pagkain at mas kaunting karne, at lalo na ng mas kaunting pinritong pagkain; positibong gabay ito para sa kalusugan at mabuting pangangatawan ng mga tao. Kayang maunawaan at matanggap ng lahat kung ano ang dapat kainin nang mas marami at kung ano ang dapat kainin nang mas kaunti. Kaya, nakabatay ba ang pagtanggap na ito sa teorya o sa katunayan? (Sa teorya.) Ano ang pagpapamalas ng teoretikal na pagtanggap? Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng pangunahing pagkilala—ang paggamit ng iyong paghusga upang kilatisin ang pahayag na ito, at dahil dito ay ang pag-iisip na tama ito o medyo maganda. Pero mayroon ka bang anumang katibayan? Nang hindi mo pa ito mismo nararanasan, nang walang anumang katibayan o batayan, at lalo na nang hindi isinasaalang-alang ang mga kabiguan ng sinumang iba pa o nakakakita ng anumang mga halimbawa upang patunayan kung tama ba o mali ang pahayag na ito, tinanggap mo ang pananaw na ito—ito ay teoretikal na pagtanggap. Teoretikal o praktikal mo man itong tinatanggap, dapat mo munang kumpirmahin na tama at isang positibong bagay ang pahayag na “kumain ng mas maraming gulay at mas kaunting karne.” Kaya, paano makikita ang disposisyon mo ng pagiging tutol sa katotohanan? Tingnan mo lang kung paano mo hinaharap at ginagamit ang pahayag na ito sa iyong buhay. Ipinapakita nito ang saloobin mo patungkol sa pahayag na iyon—kung tinanggap mo ba ito nang teoretikal at sa antas ng doktrina, o kung isinakatuparan mo ba ito sa totoong buhay at ginawa mo itong realidad mo. Kung tinanggap mo lang ang pahayag na ito sa antas ng doktrina, pero ang ginagawa mo naman sa totoong buhay ay ganap na sumasalungat sa pahayag na ito, o kung wala kang ipinapakitang aktuwal na aplikasyon ng pahayag na ito kahit kaunti, gustong-gusto mo ba ang pahayag na ito, o tutol ka ba rito? Halimbawa, kapag kumakain ka at nakakakita ka ng ilang berdeng gulay, at naiisip mo na, “Mainam sa kalusugan ng isang tao ang mga berdeng gulay, pero hindi masarap ang mga ito, at mas masarap ang karne, kaya kakain muna ako ng kaunting karne,” at pagkatapos ay karne na lang ang kinakain mo at wala kang kinakaing berdeng gulay—anong uri ng disposisyon ang ipinapakita nito? Isang disposisyon na hindi tumatanggap ng mga tamang pahayag, na tutol sa mga positibong bagay, at ang gusto lamang ay ang kumain nang ayon sa mga kagustuhan ng laman. Ang ganitong uri ng tao na masiba at nagpapasasa sa kalayawan ay masyado nang naging tutol, lumalaban, at nasusuklam sa mga positibong bagay, at isa itong uri ng disposisyon. Maaaring tanggapin ng isang tao na tama talaga ang pahayag na ito, pero hindi niya ito magawa mismo, at bagama’t hindi niya ito magawa, sinasabi pa rin niya sa iba na gawin nila ito; matapos sabihin ito nang maraming beses, nagiging isang teorya ang pahayag na iyon sa kanya, at wala na itong bisa sa kanya. Alam na alam naman ng taong iyon sa kanyang puso na tamang kumain ng mas maraming gulay at na hindi mabuting kumain ng mas maraming karne, pero iniisip niya na, “Anuman ang mangyari, hindi ako nawalan. Isang kalamangan ang pagkain ng karne, at hindi ko naman nararamdamang masama ito sa kalusugan.” Ang kasakiman at mga pagnanasa niya ang nagtulak sa kanya na piliin ang isang maling paraan ng pamumuhay, at nagtulak sa kanya na palaging kontrahin ang tamang sentido komun at ang tamang paraan ng pamumuhay. Mayroon siyang uri ng tiwaling disposisyon na may sakim na pagnanais na makalamang at natatakam sa kasiyahan ng laman, kaya magiging madali ba para sa kanya na tumanggap ng mga tamang pahayag at positibong bagay? Hinding-hindi ito magiging madali. Hindi ba’t kontrolado ng kanyang tiwaling disposisyon ang paraan ng kanyang pamumuhay, kung gayon? Isa itong pagbubunyag ng kanyang tiwaling disposisyon, at isa itong pagpapamalas ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ipinapamalas sa panlabas ay ang mga pag-uugaling ito at ang isang saloobin, pero ang totoo, isang disposisyon ito na kumokontrol sa mga ito. Anong disposisyon ito? Ito ay pagiging tutol sa katotohanan. Mahirap matuklasan ang disposisyong ito ng pagiging tutol sa katotohanan; hindi nararamdaman ng sinuman na tutol siya sa katotohanan, pero ang katunayang ilang taon na silang sumasampalataya sa Diyos pero hindi pa rin nila alam kung paano isagawa ang katotohanan ay sapat na para ipakita na tutol sila sa katotohanan. Nakikinig ang mga tao sa napakaraming sermon at napakarami nilang binabasang mga salita ng Diyos, at ang layunin ng Diyos ay ang tanggapin nila ang Kanyang mga salita sa kanilang puso at dalhin ang mga salitang ito sa kanilang totoong buhay para isagawa at gamitin, para maunawaan nila ang katotohanan at gawin nilang buhay nila ang katotohanan. Mahirap para sa karamihan ng mga tao na makamit ang hinihinging ito, at iyon ang dahilan kung bakit may disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan ang karamihan sa mga tao.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Ang lahat ng tao ay may mayabang at mapagmagaling na disposisyon sa kalooban nila, at palagi silang palalo. Anuman ang iniisip nila, o ang sinasabi nila, o kung paano man nila nakikita ang mga bagay-bagay, palagi nilang iniisip na tama ang sarili nilang mga pananaw at perspektiba, at na hindi kasingganda ng kanilang mga pananaw ang mga pananaw ng iba. Palagi silang kumakapit sa sarili nilang mga opinyon, at kahit sino pa ang magsalita, hindi sila makikinig dito. Tama man ang sinasabi ng iba at alinsunod sa katotohanan, hindi nila ito tatanggapin; magmumukha lamang silang nakikinig pero hindi talaga nila tatanggapin ang ideya, at pagdating ng panahon na kailangan nang kumilos, gagawin pa rin nila ang mga bagay-bagay ayon sa ninanais nila, palaging iniisip na tama at makatwiran ang sinasabi nila. … Ano ang sasabihin ng Diyos kapag nakita Niya ang mga pagpapamalas mong ito? Sasabihin ng Diyos, “Matigas ang kalooban mo! Kauna-unawa na maaaring kumapit ka sa sarili mong mga ideya kapag hindi mo alam na nasa mali ka. Ngunit kapag malinaw sa iyo na nasa mali ka at kumakapit ka pa rin sa iyong mga ideya, at mas nanaisin mo pang mamatay bago ka magsisi, isa ka lang mapagmatigas na hangal, at may problema ka. Kung, kahit sino pa ang nagmumungkahi, palagi kang mayroong negatibo, lumalaban na saloobin tungkol dito, at hindi mo tinatanggap ang kahit katiting na katotohanan, at kung ang puso mo ay lubusang lumalaban, sarado, at tumatanggi, ikaw ay sobrang baligho, isa kang walang-katuturang tao! Masyado kang mahirap pakitunguhan!” Sa anong paraan ka mahirap pakitunguhan? Mahirap kang pakitunguhan dahil ang ipinapakita mo ay hindi isang maling diskarte, o maling pag-uugali, kundi isang pagbubunyag ng iyong disposisyon. Isang pagbubunyag ng anong disposisyon? Isang disposisyon kung saan tutol ka sa katotohanan, at namumuhi ka sa katotohanan. Sa sandaling nailarawan ka bilang isang taong namumuhi sa katotohanan, sa mga mata ng Diyos, may problema ka, at itataboy at babalewalain ka Niya. Mula sa perspektiba ng mga tao, ang pinakamasasabi nila ay: “Masama ang disposisyon ng taong ito, masyadong matigas ang ulo niya, matigas ang kalooban, at mayabang! Mahirap pakisamahan ang taong ito at hindi siya nagmamahal sa katotohanan. Hindi niya kailanman tinanggap ang katotohanan o isinagawa ang katotohanan.” Sa pinakamainam, ito ang ibibigay na pagtatasa sa iyo ng lahat, ngunit mapagpapasyahan ba ng pagtatasang ito ang kapalaran mo? Hindi mapagpapasyahan ng pagtatasang ibinibigay sa iyo ng mga tao ang kapalaran mo, ngunit may isang bagay na hindi mo dapat kalimutan: Sinisiyasat ng Diyos ang puso ng mga tao, at kasabay nito ay pinagmamasdan ng Diyos ang bawat salita at gawa nila. Kung tinutukoy ka ng Diyos bilang isang tao na namumuhi sa katotohanan, sa halip na sabihin lamang na mayroon kang kaunting tiwaling disposisyon, o na medyo masuwayin ka, hindi ba’t isa itong napakalubhang problema? (Malubha ito.) Nangangahulugan ito ng problema, at ang problemang ito ay hindi nakasalalay sa pananaw ng mga tao sa iyo, o sa kung paano ka nila tinatasa, ito ay nakasalalay sa kung paano tinitingnan ng Diyos ang iyong tiwaling disposisyon ng pagkamuhi sa katotohanan. Kaya, paano ito tinitingnan ng Diyos? Tinukoy lang ba ng Diyos na namumuhi ka sa katotohanan at hindi mo minamahal ito, at iyon na iyon? Ganoon ba iyon kasimple? Saan nanggagaling ang katotohanan? Sino ang kinakatawan ng katotohanan? (Kumakatawan ito sa Diyos.) Pagnilayan ito: Kung namumuhi ang isang tao sa katotohanan, kung gayon, mula sa perspektiba ng Diyos, paano Niya titingnan ang taong iyon? (Bilang kaaway Niya.) Hindi ba’t isa itong seryosong problema? Ang mga taong namumuhi sa katotohanan ay namumuhi sa Diyos sa kanilang puso! Bakit Ko sinasabi na namumuhi sila sa Diyos? Sinumpa ba nila ang Diyos? Harap-harapan ba nilang kinontra ang Diyos? Palihim ba nilang hinusgahan o kinondena ang Diyos? Hindi ito tiyak. Kaya bakit Ko sinasabi na ang pagbubunyag ng isang disposisyon na namumuhi sa katotohanan ay pagkamuhi sa Diyos? Hindi ito pagpapalaki sa isang maliit na bagay, ito ang realidad ng sitwasyon. Katulad ito ng mga mapagpaimbabaw na Pariseo na nagpako sa Panginoong Jesus sa krus dahil kinamumuhian nila ang katotohanan—ang mga sumunod na kahihinatnan ay kakila-kilabot. Ang ibig sabihin nito ay na kung ang isang tao ay may disposisyong tutol sa katotohanan at namumuhi sa katotohanan, maaari itong mabunyag mula sa kanya anumang oras at saanmang lugar, at kung mamumuhay siya ayon dito, hindi ba’t lalabanan niya ang Diyos? Kapag nakatagpo niya ang isang bagay na may kinalaman sa katotohanan o sa paggawa ng pagpili, kung hindi niya matatanggap ang katotohanan, at namumuhay siya ayon sa kanyang tiwaling disposisyon, likas niyang lalabanan ang Diyos at ipagkakanulo ang Diyos, dahil namumuhi sa Diyos at namumuhi sa katotohanan ang tiwaling disposisyon niya. Kung mayroon kang gayong disposisyon, kahit na pagdating sa mga salitang binibigkas ng Diyos, kukuwestiyunin mo ang mga ito, at gugustuhin mong suriin at himay-himayin ang mga ito. Pagkatapos ay pagdududahan mo ang mga salita ng Diyos, at sasabihin mong, “Mga salita ba talaga ito ng diyos? Para sa akin ay mukhang hindi katotohanan ang mga ito, para sa akin ay mukhang hindi tiyak na tama ang lahat ng ito!” Sa ganitong paraan, hindi ba’t nabunyag na ang disposisyon mo ng pagkamuhi sa katotohanan? Kapag ganito ka mag-isip, makapagpapasakop ka ba sa Diyos? Tiyak na hindi. Kung hindi ka makapagpapasakop sa Diyos, Siya pa rin ba ang Diyos mo? Hindi na. Kung gayon, magiging ano na ang Diyos sa iyo? Ituturing mo Siya bilang isang paksa ng pagsasaliksik, isang taong dapat pagdudahan, isang taong dapat kondenahin; ituturing mo Siya bilang isang ordinaryo at karaniwang tao, at kokondenahin Siya. Sa paggawa niyon, magiging isa kang taong lumalaban at lumalapastangan sa Diyos. Anong uri ng disposisyon ang nagsasanhi nito? Ito ay sanhi ng isang mayabang na disposisyon na lumobo sa isang partikular na antas. Ito ay hindi lamang ang pagbubunyag ng isang satanikong disposisyon, kundi tuluyan ding paglalantad ng iyong satanikong mukha. Ano ang nangyayari sa ugnayan sa pagitan ng Diyos at ng isang tao na umabot na sa punto ng paglaban sa Diyos, at ang panloob na paghihimagsik laban sa Diyos ay umabot na sa isang partikular na antas? Nagiging isa itong mapanlabang ugnayan kung saan itinuturing ng isang tao ang Diyos na parang kaaway niya. Kung, sa pananampalataya mo sa Diyos, hindi mo kayang tanggapin ang katotohanan at magpasakop dito, kung gayon, ang Diyos ay hindi mo Diyos. Kung inaayawan mo ang katotohanan at tinatanggihan ito, kung gayon, naging isa ka nang taong lumalaban sa Diyos. Maililigtas ka pa ba ng Diyos, kung gayon? Tiyak na hindi na. Binibigyan ka ng Diyos ng pagkakataong maligtas at hindi ka Niya itinuturing na kaaway, ngunit hindi mo matanggap ang katotohanan at itinuturing mo ang Diyos na parang kaaway mo. Ang kawalan mo ng abilidad na tanggapin ang Diyos bilang iyong katotohanan at bilang iyong daan ay nangangahulugang isa kang taong lumalaban sa Diyos. Paano dapat lutasin ang problemang ito? Kailangan mong agad na magsisi at magbago ng landas. Halimbawa, kapag nahaharap ka sa isang problema o suliranin habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin at hindi mo alam kung paano lutasin ito, hindi mo dapat ito pikit-matang pagnilayan, kailangan mo munang patahimikin ang iyong sarili sa harap ng Diyos, magdasal at maghanap mula sa Kanya, at tingnan kung ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos tungkol dito. Kung, pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, hindi mo pa rin nauunawaan, at hindi mo alam kung anong mga katotohanan ang may kaugnayan sa isyung ito, dapat kang kumapit nang mahigpit sa isang prinsipyo—iyon ay, magpasakop muna, isantabi ang sarili mong mga ideya o kaisipan, maghintay nang may mapayapang puso, at tingnan kung paano nilalayon at gustong kumilos ng Diyos. Kapag hindi mo nauunawaan ang katotohanan, dapat mong hanapin ito, at dapat mong hintayin ang Diyos, sa halip na kumilos nang pikit-mata at walang pakundangan. Kung may magbibigay sa iyo ng mungkahi kapag hindi mo nauunawaan ang katotohanan, at magsasabi sa iyo kung paano kumilos alinsunod sa katotohanan, dapat mo munang tanggapin ito at tulutan ang lahat na magbahaginan tungkol dito, at tingnan kung tama o hindi ang landas na ito, at kung naaayon ba ito sa mga katotohanang prinsipyo o hindi. Kung makumpirma mong naaayon ito sa katotohanan, magsagawa ka sa ganoong paraan; kung matukoy mo na hindi ito naaayon sa katotohanan, kung gayon, huwag kang magsagawa sa ganoong paraan. Ganoon lang ito kasimple. Kapag hinahanap mo ang katotohanan, dapat kang kumonsulta sa iba’t ibang mapagkukunan. Kung may masasabi ang sinuman, dapat kang makinig sa kanila, at seryosohin ang kanilang mga sinasabi. Huwag silang balewalain o isnabin. Nauugnay ito sa mga usapin na nasa saklaw ng iyong tungkulin at kung gayon ay dapat mo itong seryosohin. Ito ang tamang saloobin at ang tamang kalagayan. Kapag ikaw ay nasa tamang kalagayan, kapag nagagawa mong hanapin ang katotohanan para lumutas ng mga problema, at hindi ka nagbubunyag ng isang disposisyong tutol at namumuhi sa katotohanan, at kapag nagagawa mong tanggapin ang katotohanan, kung gayon ay maisasagawa mo ang katotohanan. Kung isasagawa mo ang katotohanan sa ganitong paraan, ano ang magiging mga bunga nito? (Magagabayan tayo ng Banal na Espiritu.) Ang pagtanggap ng patnubay ng Banal na Espiritu ay isang aspekto. Minsan, napakasimple ng mga usapin at maaaring maisakatuparan ang mga ito gamit ang sarili mong isipan. Kapag natapos ibigay ng iba ang kanilang mga mungkahi sa iyo at pagkatapos mong magkamit ng pagkaunawa, kailangan mo lang iwasto ang mga bagay-bagay at kumilos alinsunod sa mga prinsipyo. Maaaring isipin ng mga tao na isa itong maliit na bagay, ngunit para sa Diyos, isa itong malaking bagay. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat, kapag nagsasagawa ka sa ganitong paraan, para sa Diyos, isa kang taong kayang magsagawa ng katotohanan, isang taong nagmamahal sa katotohanan, at isang taong hindi tutol sa katotohanan—kapag nakikita ng Diyos ang puso mo, nakikita rin Niya ang disposisyon mo, at isa itong malaking bagay. Sa madaling salita, kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin at kumikilos ka sa presensiya ng Diyos, ang isinasabuhay at ibinubunyag mo ay pawang mga katotohanang realidad na dapat taglayin ng mga tao. Ang mga saloobin, kaisipan, at kalagayan na taglay mo sa lahat ng iyong ginagawa ang pinakamahahalagang bagay sa harap ng Diyos, at ang mga ito ang sinisiyasat ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pamumuhay Lamang sa Harap ng Diyos Magkakaroon ng Normal na Relasyon ang Isang Tao sa Kanya

Paano pangunahing naipamamalas ng mga tao ang disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan? Kapag nakakakita sila ng isang positibong bagay, hindi nila ito sinusukat sa pamamagitan ng katotohanan—ano ang ginagamit nila upang sukatin ito? Ginagamit nila ang lohika ni Satanas upang sukatin ito at upang tingnan kung ang bagay na ito ay ginawa nang may estilo, kung ano ang porma nito, at gaano ito kamangha-mangha. Sinusukat nila ang lahat sa pamamagitan ng mga pamamaraan na ginagamit ni Satanas upang suriin ang mga tao, pangyayari, at bagay, na ibig sabihin, ang mga pamamaraan at prinsipyo na ginagamit ng mga walang pananampalataya upang suriin ang mga tao, pangyayari, at bagay. Hindi nila hinahanap ang katotohanan kapag ginagawa nila ang mga bagay-bagay, at ang panimulang punto para sa lahat ng kanilang mga pagkilos ay ang sukatin ang mga iyon gamit ang mga sarili nilang imahinasyon at pananaw, at ang mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo at kaalaman na kanila nang naunawaan, isinasantabi ang katotohanan—ganyan nila ginagawa ang lahat ng bagay. Gumagamit sila ng mga pananaw ng tao at lohika ni Satanas bilang kanilang panukat, at pagkatapos ng lahat ng pagsusukat na iyon, nakikita nila na, sa kanilang paningin, wala nang iba pang kasinggaling nila kailanman—sila ang pinakamagaling. Nasa puso ba nila ang mga hinihingi ng Diyos sa tao? Mayroon bang anumang mga katotohanang prinsipyo roon? Wala, walang kahit anuman. Hindi nila nakikita ang mga hinihingi ng Diyos sa tao, hindi nila nakikita na ang katotohanan ang realidad ng lahat ng positibong bagay, hindi nila nakikita na ang katotohanan ay higit sa lahat ng bagay, kaya natural na hinahamak nila ang Diyos na nagkatawang-tao, at palagi silang may mga kuru-kuro tungkol sa paraan ng pananamit, at sa pananalita at asal ng pagkakatawang-tao ng Diyos. At kaya, pagkatapos ng malawig na ugnayan, iniisip nila, “Hindi Ka kasingmarangal, kasingmaharlika, at kasinglalim gaya ng inakala ko, at ni hindi Ka man lang umabot sa aking tikas. Sa aking pagtayo rito, hindi ba’t tinataglay ko ang tikas ng isang dakilang tao? Bagama’t ang sinasabi Mo ay ang katotohanan, wala akong nakikitang anuman tungkol sa Iyo na parang Diyos. Palagi Kang nagsasalita tungkol sa katotohanan, palagi Kang nagsasalita tungkol sa pagpasok sa realidad, bakit hindi Ka magsiwalat ng ilang hiwaga? Bakit hindi Ka magsabi ng ilang salita ng ikatlong langit?” Anong uri ito ng lohika at pananaw sa mga bagay-bagay? (Ito ang pananaw ni Satanas sa mga bagay-bagay.) Ito ay nagmumula kay Satanas. Sa tingin ninyo, paano Ko hinaharap ang mga bagay na ito? (Nasusuklam Ka sa ganitong uri ng tao at ayaw Mo silang pansinin.) Mali kayo. Bagkus, kapag nakatagpo Ako ng gayong tao, lalapit Ako sa kanya at normal na magbabahagi sa kanya, at ipagkakaloob Ko kung ano ang makakaya Ko at tutulong Ako sa paraang kaya Ko. Kung hindi niya mapagtatanto ang kanyang problema, at siya ay matigas ang ulo at hindi na magbabago, hindi Ko lamang magagawang pakisamahan siya nang normal, kundi tatalakayin Ko pa sa kanya ang mga bagay-bagay hangga’t maaari. Sasabihin Ko, “Sa palagay mo ba ay umuubra na gawin ang mga bagay sa ganitong paraan? Gamitin mo kung alinman sa mga pamamaraang ito ang sa pakiramdam mo ay angkop, at kung sa pakiramdam mo ay wala sa mga ito ang angkop, mag-isip ka ng isa pang solusyon.” Habang lalong iniisip ng ganitong uri ng tao na siya ay napakadakila, lalo Ko lang siyang mapapakisamahan sa ganitong paraan; hindi Ako magmamalaki sa paligid ninuman. Kung may dalawang upuan, isang mataas at isang mababa, hahayaan Ko siyang umupo sa mas mataas, at uupo Ako sa mas mababa. Makikipag-usap Ako sa kanya nang nakatingala, at sa huli ay idudulot Ko na makaramdam siya ng hiya, at upang unti-unti niyang mapagtanto na masyado siyang mapagmataas at mayabang, na wala siyang taglay na mga katotohanan, at na siya ay naghihikahos at kaawa-awa, manhid at mabagal umunawa. Ano ang tingin ninyo sa pamamaraang ito? (Ito ay mabuti.) Kaya, kung hindi Ko siya papansinin, magiging mabuti ba ito para sa kanya? Ang totoo, walang masama sa ganito, ngunit hindi ito makabubuti sa kanya. Kung siya ay nananampalataya sa Diyos nang may kaunting sinseridad, nagtataglay ng kaunting pagkatao, at maaari pang iligtas, papansinin Ko siya at makikipag-ugnayan Ako sa kanya nang normal. Pagdating ng araw na maunawaan na niya ang katotohanan, pipiliin niyang umupo sa mas mababang upuan, at hindi na siya magiging mayabang. Kung hindi Ko siya papansinin, mananatili siyang ganito kamangmang at kahangal magpakailanman, na nagsasalita at gumagawa ng mga hangal na bagay, at palagi siyang magiging isang hangal na tao, naghihikahos at kaawa-awa—iyan ang pangit na kalagayan ng mga tao na hindi naghahangad sa katotohanan. Minamaliit at hinahamak ng mga tao ang mga positibong bagay, at kapag nakakakita sila ng isang tao na matapat, mapagmahal, at palaging nagsasagawa ng katotohanan ngunit minsan ay nagkukulang sa karunungan, hinahamak nila siya mula sa kanilang puso. Iniisip nila na ang gayong tao ay walang silbi at walang kabuluhan, samantalang sila mismo ay tuso at magaling magkalkula—bihasa sila sa pagbabalak at pagpapakana, at nakagagamit sila ng mga taktika, habang nagtataglay rin ng mga kaloob at may kakayahan at mahusay sa pananalita. Iniisip nilang ang gayong mga tao lamang ang layon ng pagliligtas ng Diyos, ngunit ang kabaligtaran nito ang totoo—ang ganitong uri ng mga tao ang mismong tinututulan ng Diyos. Ito ang disposisyon ng pag-ayaw at pagiging tutol sa katotohanan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pag-unawa sa Disposisyon ng Isang Tao ang Pundasyon ng Pagbabago Nito

Hindi kinasusuklaman ng Diyos ang mahinang kakayahan ng mga tao, hindi Niya kinasusuklaman ang kanilang kahangalan, at hindi Niya kinasusuklaman ang pagkakaroon nila ng mga tiwaling disposisyon. Ano ang pinakakinasusuklaman ng Diyos sa mga tao? Ito ay na tutol sila sa katotohanan. Kung tutol ka sa katotohanan, dahil lamang diyan, hindi matutuwa sa iyo ang Diyos kailanman. Nakataga iyan sa bato. Kung tutol ka sa katotohanan, kung hindi mo mahal ang katotohanan, kung ang saloobin mo sa katotohanan ay walang-malasakit, mapanghamak, at mapagmataas at sutil, o kinasusuklaman, nilalabanan, at tinatanggihan mo pa ito—kung ang mga ito ang mga pagpapamalas na mayroon ka—lubos kang tinututulan ng Diyos, at wala ka nang pag-asa, hindi ka na maliligtas. Kung talagang mahal mo ang katotohanan sa puso mo, at sadyang medyo mahina lang ang kakayahan mo at kulang ka sa kabatiran, medyo hangal, at madalas kang nagkakamali, ngunit hindi ka sadyang gumagawa ng masama, at nakagawa ka lamang ng ilang kahangalan; kung handa kang makinig sa pagbabahagi ng Diyos tungkol sa katotohanan, at nauuhaw ka sa puso mo para sa katotohanan; kung ang iyong saloobin sa katotohanan at sa mga salita ng Diyos ay saloobin ng sinseridad at pagkauhaw, at kaya mong pahalagahan at itangi ang mga salita ng Diyos—sapat na ito. Gusto ng Diyos ang gayong mga tao. Kahit na gumagawa ka ng mga hangal na bagay kung minsan, gusto ka pa rin ng Diyos. Mahal ng Diyos ang puso mo na nauuhaw sa katotohanan, at mahal Niya ang iyong sinserong saloobin sa katotohanan. Hindi mahalaga sa Kanya ang mahina mong kakayahan o ang kahangalan mo, ni ang mga pagsalangsang mo. Dahil mismo ang saloobin mo sa katotohanan ay saloobin ng sinseridad at pagkauhaw, at dahil tunay ang puso mo—batay lang sa pagiging tunay ng puso mo at sa saloobin mong ito—palagi Siyang magiging mahabagin sa iyo at magpapakita sa iyo ng biyaya, at gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu, at magkakaroon ka ng pag-asa sa kaligtasan. Sa kabilang banda, kung sa puso mo ay matigas ang kalooban mo at pinalalayaw mo ang sarili mo, kung tutol ka sa katotohanan, hindi kailanman nagbibigay-atensiyon sa mga salita ng Diyos at sa lahat ng may kinalaman sa katotohanan, at lumalaban ka at mapanghamak sa kaibuturan ng puso mo, ano kung gayon ang saloobin ng Diyos sa iyo? Pagkasuklam, pagkamuhi, at walang-humpay na galit. Anong dalawang katangian ang malinaw sa matuwid na disposisyon ng Diyos? Masaganang awa at malalim na galit. Ang “masagana” sa “masaganang awa” ay nangangahulugang ang awa ng Diyos ay naglalaman ng pagpaparaya, pagpasensiya, pagtitiis, at dakilang pagmamahal—iyon ang ibig sabihin ng “masagana.” Dahil hangal at mahina ang kakayahan ng mga tao, ganito dapat kumilos ang Diyos. Kung mahal mo ang katotohanan subalit hangal ka at mahina ang kakayahan mo, ang saloobin ng Diyos sa iyo ay pakitaan ka ng masaganang awa. Ano ang nilalaman ng awa? Pagtitiis at pagpaparaya: Mapagparaya at matiisin ang Diyos sa iyong kahangalan, binibigyan ka Niya ng sapat na pananalig at pagpaparaya upang suportahan ka, tustusan ka, at tulungan ka, upang maunawaan mo nang paunti-unti ang katotohanan at unti-unti kang mahinog. Sa anong pundasyon ito nakasalig? Ito ay itinatag sa pundasyon ng pagmamahal ng mga tao sa katotohanan, ng kanilang pananabik para sa katotohanan, at ng kanilang saloobin sa pagtrato sa Diyos, sa mga salita ng Diyos, at sa katotohanan nang may sinserong puso. Ang mga ito ang mga pangunahing pagpapamalas na dapat ipakita ng mga tao. Ngunit kung ang isang tao ay tutol sa katotohanan sa kanyang puso, hanggang sa punto pa nga na kinamumuhian niya ito, at hindi niya kailanman sineseryoso ang katotohanan, kundi sa halip ay palaging nagsasalita tungkol sa kanyang personal na kapital at mga kontribusyon, kung paano siya gumawa, kung gaano karaming paghihirap ang naranasan niya, kung gaano karaming personal na karanasan ang mayroon siya, kung gaano siya kahusay, kung paano siya pinahahalagahan ng Diyos, at kung aling mga aytem ng gawain ang nakompleto niya—kung palagi niyang sinasabi ang mga bagay na ito, nagpapakitang-gilas, gayunman ay hindi siya kailanman nagbabahagi tungkol sa katotohanan o sa pagkaunawa niya sa gawain ng Diyos, hindi kailanman nagpapatotoo sa kung paano gumagawa ang Diyos para magligtas ng mga tao, at hindi nagsasalita tungkol sa kung gaano karami sa sarili niyang mga tiwaling disposisyon ang alam niya, kung nakaranas ba siya ng pagbabago sa kanyang buhay disposisyon, o kung gaano karami sa katotohanang realidad ang napasok niya, kung gayon, hindi ba’t ang mga taong tulad nito ay tutol sa katotohanan? Ganito naipapamalas ang pagtutol at ang hindi pagmamahal sa katotohanan. Sinasabi ng ilang tao, “Paano sila makakapakinig ng mga sermon kung hindi nila minamahal ang katotohanan?” Ang lahat ba ng nakikinig sa mga sermon ay nagmamahal sa katotohanan? Ang ilang tao ay gumagawa lang nang pabasta-basta. Napipilitan silang umarte sa harap ng iba, natatakot na kung hindi sila makikilahok sa buhay iglesia, hindi kikilalanin ng sambahayan ng Diyos ang pananalig nila. Paano inilalarawan ng Diyos ang ganitong saloobin sa katotohanan? Sinasabi ng Diyos na hindi nila minamahal ang katotohanan, na sila ay tutol sa katotohanan. Sa kanilang disposisyon, mayroong isang bagay na pinakanakamamatay, mas lalo pang nakamamatay kaysa sa pagmamataas at panlilinlang, at iyan ay ang pagiging tutol sa katotohanan. Kapag nakita ng Diyos na tinatrato nila ang katotohanan nang may ganitong uri ng saloobin, batay sa Kanyang matuwid na disposisyon, paano Niya tinatrato ang gayong mga tao? Siya ay galit sa kanila. Kapag ang Diyos ay nagagalit sa isang tao, minsan ay pinagagalitan Niya ito nang kaunti, o dinidisiplina at pinarurusahan ito nang kaunti. Kung hindi nito sinasadyang salungatin ang Diyos, magiging mapagpasensiya Siya, maghihintay, at magmamasid, at—dahil sa sitwasyon o sa ibang obhetibong dahilan—maaaring pansamantalang gamitin ng Diyos ang mga hindi mananampalatayang tulad nito para magserbisyo sa Kanya. Ngunit sa oras na pahintulutan ng kapaligiran, at ang panahon ay tama, ang gayong mga tao ay palalayasin sa sambahayan ng Diyos, dahil ni hindi sila nararapat magserbisyo. Gayon ang galit ng Diyos. Bakit napakalalim ng galit ng Diyos? Ipinapahayag nito ang labis na pagkamuhi ng Diyos sa mga tumututol sa katotohanan. Ang malalim na galit ng Diyos ay nagpapahiwatig na itinakda na Niya ang kinalabasan at hantungan ng gayong mga tao na tumututol sa katotohanan. Saan ibinibilang ng Diyos ang mga taong ito? Ibinibilang sila ng Diyos sa kampo ni Satanas. Dahil Siya ay galit sa kanila at tutol sa kanila, isinasara ng Diyos ang pintuan sa kanila, hindi Niya sila pinapayagan na makatungtong sa sambahayan ng Diyos, at hindi sila binibigyan ng pagkakataon para maligtas. Isa itong pagpapamalas ng galit ng Diyos. Inilalagay rin sila ng Diyos sa antas na kapareho ng antas ni Satanas, ng maruruming espiritu at masasamang espiritu, ng mga hindi mananampalataya, at kapag dumating ang tamang oras, sila ay ititiwalag ng Diyos. Hindi ba’t isa itong paraan ng pangangasiwa sa kanila? (Oo.) Gayon ang galit ng Diyos. At ano ang naghihintay sa kanila sa oras na matiwalag sila? Matatamasa pa ba nilang muli ang biyaya at pagpapala ng Diyos at ang pagliligtas ng Diyos? (Hindi.)

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Upang Matupad Nang Maayos ang Tungkulin ng Isang Tao, Pag-unawa sa Katotohanan ang Pinakamahalaga

Kung tumututol ka sa katotohanan, at palagi mo itong hinahamak at nilalapastangan, kung taglay mo ang ganitong uri ng kalikasan, hindi ka madaling magbabago. Kahit na magbago nang kaunti ang pag-uugali mo, kailangan pa ring makita kung ang saloobin ng Diyos ay nagbago. Kung ang ginagawa mo ay makakapagpabago ng saloobin ng Diyos, may pag-asa ka pa ring maligtas. Kung hindi mo mababago ang saloobin ng Diyos, at sa kaibuturan ng puso ng Diyos, palagi Siyang tutol sa diwa mo, wala kang pag-asa na maligtas. Samakatwid, dapat ninyong suriin ang sarili ninyo. Kung ikaw ay nasa kalagayang tumututol sa katotohanan at nilalabanan mo ang katotohanan, ito ay napakamapanganib. Kung madalas kang nagkakaroon ng gayong kalagayan, madalas na nahuhulog sa gayong kalagayan, o kung ikaw, sa pundamental, ay ganitong uri ng tao, mas lalo pa itong problema. Kung ikaw ay paminsan-minsang nasa kalagayan ng pagiging tutol sa katotohanan, una, maaaring dulot ito ng iyong mababang tayog; pangalawa, ang mismong tiwaling disposisyon ng tao ay nagtataglay ng ganitong uri ng diwa, na hindi maiiwasang humahantong sa ganitong kalagayan. Gayumpaman, hindi kinakatawan ng ganitong kalagayan ang diwa mo. Minsan, ang isang panandaliang lagay ng pag-iisip ay maaaring magbunga ng isang kalagayan na nagdudulot sa iyo na tumutol sa katotohanan. Ito ay pansamantala lang. Hindi ito dulot ng iyong disposisyong diwa na tutol sa katotohanan. Kung ito ay isang pansamantalang kalagayan, mababago ito, ngunit paano mo ito mababago? Kailangan mong agad na lumapit sa harapan ng Diyos para hanapin ang katotohanan at magkaroon ng kakayahan na kilalanin ang katotohanan, at magpasakop sa katotohanan at sa Diyos. Kung gayon ay malulutas na ang kalagayang ito. Kung hindi mo ito nilulutas at hinahayaan mo itong magpatuloy nang magpatuloy, ikaw ay nasa panganib. Halimbawa, sinasabi ng ilang tao, “Sabagay, mahina ang kakayahan ko at hindi ko maunawaan ang katotohanan, kaya titigil na ako sa paghahangad nito, at hindi ko na rin kailangang magpasakop sa Diyos. Bakit pa ba ako binigyan ng Diyos ng kakayahang ito? Hindi matuwid ang Diyos!” Itinatanggi mo ang pagiging matuwid ng Diyos. Hindi ba’t iyan ay pagiging tutol sa katotohanan? Ito ang saloobin ng pagiging tutol sa katotohanan at isang pagpapamalas ng pagiging tutol sa katotohanan. Ang pagpapamalas na ito ay nagaganap sa loob ng isang partikular na konteksto, may ugat na sanhi ito, kaya kinakailangan na malutas ang ugat na sanhi na nagdudulot ng kalagayang ito. Sa oras na ang ugat na dahilan ay nalutas, maglalahong kasama nito ang kalagayan mo. Ang ilang kalagayan ay gaya ng isang sintomas, gaya ng ubo, na maaaring sanhi ng sipon o pulmonya. Kung malulunasan mo ang sipon o pulmonya, mawawala rin ang ubo. Kapag ang ugat na dahilan ay nalutas, maglalaho ang mga sintomas. Ngunit ang ilang kalagayan ng pagiging tutol sa katotohanan ay hindi isang sintomas, kundi isang tumor. Ang ugat na dahilan ng karamdaman ay nasa loob. Maaaring hindi ka makakita ng anumang sintomas sa pagtingin sa labas, ngunit sa oras na umatake ang karamdaman, ito ay nakamamatay. Ito ay isang napakaseryosong problema. Kailanman ay hindi tinatanggap o kinikilala ng gayong mga tao ang katotohanan, o palagi pa ngang sinisiraan ang katotohanan gaya ng mga walang pananampalataya. Kahit na hindi nila binibigkas ang mga salita, patuloy nilang tinatanggihan, pinabubulaanan, at sinisiraan ang katotohanan sa kanilang puso. Kahit alinmang katotohanan—tulad ng pagkakilala sa sarili, pag-amin sa tiwaling disposisyon ng isang tao, pagtanggap sa katotohanan, pagpapasakop sa Diyos, hindi paggawa ng mga bagay-bagay sa isang pabasta-bastang paraan, pagiging isang matapat na tao, at iba pa—hindi nila tinatanggap, inaamin, o binibigyan ng atensyon ang alinmang aspekto ng katotohanan, at pinabubulaanan at sinisiraan pa nga nila ang lahat ng aspekto ng katotohanan. Ito ang disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan; ito ay isang usapin ng diwa. Anong uri ng kalalabasan ang kahahantungan ng diwang ito? Ang mataboy at matiwalag ng Diyos, at sa huli ay mamatay. Ang mga kahihinatnan ay napakaseryoso.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Upang Matupad Nang Maayos ang Tungkulin ng Isang Tao, Pag-unawa sa Katotohanan ang Pinakamahalaga

Sa mga huling araw, ang Diyos na nagkatawang-tao ay pumarito na. Yamang nananampalataya ang mga tao sa praktikal na Diyos, ano ang pinakanararapat nilang makamit? Ito ay ang katotohanan, ito ay ang buhay; wala nang iba pang may kabuluhan bukod dito. Pumarito na si Cristo, at ang dinala Niya ay ang katotohanan, ito ay ang buhay; pumarito Siya para tustusan ng buhay ang mga tao. Kaya, paano mismo dapat manampalataya ang isang tao sa praktikal na Diyos? At paano makakamit ng isang tao ang katotohanan at buhay? Nagpahayag ang Diyos ng napakaraming katotohanan. Ang lahat ng gutom at uhaw sa pagiging matuwid ay dapat kumain at uminom hanggang sa mabusog sila sa mga salita ng Diyos. Ang lahat ng salita ng Diyos ay ang katotohanan, at ang Kanyang mga salita ay siksik at nag-uumapaw; hitik sa ginto ang Kanyang mga salita, at labis na nag-uumapaw ang mga ito sa kayamanan. Ang mga taong nagmamahal sa katotohanan, na siyang nagtatamasa sa kasaganaan ng magandang lupain ng Canaan, ay labis na nag-uumapaw sa kagalakan sa kanilang puso. May katotohanan at liwanag sa bawat pangungusap ng mga salita ng Diyos na kinakain at iniinom nila; ang lahat ng ito ay mga kayamanan. Ang mga taong hindi nagmamahal sa katotohanan ay nakakunot ang mga kilay sa pag-aalala; sila ay nakaupo sa piging, subalit nagdurusa ng matinding taggutom, nagpapakita ng kanilang pagiging kaawa-awa. Iyong mga alam kung paano hanapin ang katotohanan ay lalo pang nakakaunawa sa katotohanan, habang iyong mga hindi alam kung paano hanapin ang katotohanan ay wala nang mapupuntahan. Ang pinakanararapat na pagtuunan ng pansin ngayon ay ang matutuhang hanapin ang katotohanan sa lahat ng bagay, at ang magawang maunawaan ang katotohanan, maisagawa ang katotohanan, at tunay na magpasakop sa Diyos. Iyon ang pananampalataya sa Diyos. Ang manampalataya sa praktikal na Diyos ay ang makamit ang katotohanan at ang buhay. Ano ang gamit ng katotohanan? Ginagamit ba ito para payamanin ang espirituwal na mundo ng mga tao? Ito ba ay para mabigyan ng magandang edukasyon ang mga tao? (Hindi.) Kung gayon, anong problema ng tao ang talagang nilulutas ng katotohanan? Nariyan ang katotohanan upang lutasin ang tiwaling disposisyon ng tao, lutasin ang makasalanang kalikasan ng tao, bigyang-kakayahan ang mga tao na mamuhay sa harap ng Diyos, at na maisabuhay nila ang normal na pagkatao. Hindi nauunawaan ng ilang tao kung ano ang katotohanan. Palagi silang naniniwala na ang katotohanan ay malalim at abstrakto, at isang misteryo ang katotohanan. Hindi nila nauunawaan na ang katotohanan ay isang bagay na dapat isagawa ng mga tao, isang bagay na ilalapat ng mga tao. May ilang taong sampu o dalawampung taon nang nananampalataya sa Diyos ngunit hindi pa rin nila nauunawaan kung ano ba mismo ang katotohanan. Nakamit ba ng ganitong klase ng tao ang katotohanan? (Hindi.) Hindi ba’t kaawa-awa iyong mga hindi nagkamit ng katotohanan? Lubos silang nakakaawa—gaya nga ng sinasabi ng himno, sila ay “nakaupo sa piging, subalit nagdurusa ng matinding taggutom.” Hindi mahirap makamit ang katotohanan, ni ang pagpasok sa katotohanang realidad, ngunit kung palaging tutol ang mga tao sa katotohanan, nagagawa ba nilang kamtin iyon? Hindi nila kaya. Kaya dapat kang palaging lumapit sa harap ng Diyos para suriin ang iyong panloob na mga kalagayan ng pagiging tutol sa katotohanan, para makita kung anong mga pagpapamalas ng pagiging tutol sa katotohanan ang mayroon ka, kung anong mga paraan ng paggawa ng mga bagay ang nagpapakita ng pagtutol sa katotohanan, at kung saang mga bagay ka may saloobin ng pagiging tutol sa katotohanan—dapat mong suriin nang madalas ang mga bagay na ito. Halimbawa, sinaway ka ng isang tao sa pagsasabing, “Ang paraan ng paggawa mo sa iyong tungkulin sa pamamagitan ng pagsunod sa sarili mong kalooban ay hindi katanggap-tanggap—dapat mong pagnilayan at kilalanin ang iyong sarili,” at magagalit ka at sasagot nang pabalang, “Paano naging masama ang paraan ng paggawa ko sa aking tungkulin? Mabuti ang mga motibo ko sa paggawa ng aking tungkulin. Kilala ng Diyos ang puso ko!” Anong klaseng saloobin ito? Ito ba ay saloobin ng pagtanggap sa katotohanan? (Hindi.) Dapat ay magkaroon ka muna ng saloobin ng pagtanggap sa katotohanan kapag may nangyayari sa iyo. Ang hindi pagkakaroon ng ganitong saloobin ay tulad ng hindi pagkakaroon ng sisidlan upang tumanggap ng kayamanan, kaya hindi mo magawang makamit ang katotohanan. Kung hindi makakamit ng isang tao ang katotohanan, walang silbi ang pananampalataya niya sa Diyos! Ang layunin ng pananampalataya sa Diyos ay ang makamit ang katotohanan. Kung hindi mo makakamit ang katotohanan, nabigo ang iyong pananampalataya sa Diyos. Ano ang ibig sabihin ng makamit ang katotohanan? Ito ay kapag naging realidad mo na ang katotohanan, kapag naging buhay mo na ito. Iyon ang pagkamit sa katotohanan—iyon ang ibig sabihin ng pananampalataya sa Diyos! Para saan ang pagsasabi ng Diyos ng napakaraming salita? Para saan ang pagpapahayag ng Diyos ng napakaraming katotohanan? Upang matanggap ng mga tao ang katotohanan, nang sa gayon ay malinis ang kanilang katiwalian; upang makamit ng mga tao ang katotohanan, nang sa gayon ay maging buhay nila ang katotohanan. Bakit ipapahayag ng Diyos ang napakaraming katotohanan kung hindi ganoon? Upang makipagkompetensiya sa Bibliya? Upang magtatag ng “Unibersidad ng Katotohanan” at magsanay ng isang grupo ng mga tao? Parehong hindi. Sa halip, ito ay para tuluyang mailigtas ang sangkatauhan, maipaunawa sa mga tao ang katotohanan at sa huli ay makamit nila ito. Nauunawaan na ninyo ngayon, hindi ba? Ano ang pinakamahalaga sa pananampalataya sa Diyos? (Pagkamit sa katotohanan at pagpasok sa katotohanang realidad.) Mula rito, nakadepende ito sa kung paano kayo makakapasok sa katotohanang realidad, at kung magagawa ninyo ito o hindi.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Kaugnay na mga Patotoong Batay sa Karanasan

Ang Makitang Nasusuya Ako sa Katotohanan

Ang Nakamit Ko sa Pagsusulat ng Aking Patotoong Batay sa Karanasan

Sinundan:  26. Paano lutasin ang problema ng disposisyong matigas ang kalooban

Sumunod:  28. Paano lutasin ang isang malupit na disposisyon

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger