29. Paano lutasin ang isang buktot na disposisyon
Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw
Pinakamahirap matukoy ang kabuktutan, sapagkat ito ay naging kalikasan na ng mga tao at nagsimula na silang sumamba rito, at kahit gaano silang maging buktot, hindi nila iisiping buktot sila. Kaya, mas mahirap matukoy ang buktot na disposisyon kaysa sa matigas na kalooban na disposisyon. May ilang taong nagsasabi, “Paanong hindi ito madaling matukoy? Ang lahat ng tao ay may mga buktot na pagnanasa. Hindi ba’t iyon ay kabuktutan?” Mababaw iyon. Ano ang tunay na kabuktutan? Anong mga kalagayan ang buktot kapag namamalas ang mga iyon? Buktot na disposisyon ba kapag gumagamit ang mga tao ng tila mahahalagang pahayag para itago ang mga buktot at kahiya-hiyang intensiyon na nasa kaibuturan ng kanilang puso, at pagkatapos ay paniwalain ang iba na napakabuti, malinaw, at lehitimo ang mga pahayag na ito, at sa huli ay makamtan ang kanilang mga lihim na motibo? Bakit ito tinatawag na pagiging buktot at hindi pagiging mapanlinlang? Pagdating sa disposisyon at diwa, hindi ganoon kasama ang pagkamapanlinlang. Ang pagiging buktot ay mas mabigat kaysa sa pagiging mapanlinlang, ito ay isang pagpapamalas na mas lihim na mapanira at ubod ng sama kaysa pagiging mapanlinlang, at mahirap para sa karaniwang tao na makilatis ito. Halimbawa, anong klaseng mga salita ang ginamit ng ahas para akitin si Eba? Nakakalinlang na mga salita, na tama sa pandinig at tila sinambit para sa kabutihan mo. Wala kang malay na may anumang mali sa mga salitang ito o anumang masamang intensiyon sa likod ng mga ito, at kasabay nito, hindi mo mabitiwan ang mga mungkahing ito ni Satanas. Ibig sabihin nito ay natukso ka. Kapag natutukso ka at nakikinig sa ganitong klaseng mga salita, hindi mo mapipigilang maakit at malamang na mahulog ka sa bitag, at sa gayon ay nakakamit ni Satanas ang motibo nito. Ang tawag dito ay kabuktutan. Ginamit ng ahas ang pamamaraang ito para akitin si Eba. Ito ba ay isang uri ng disposisyon? (Oo.) Saan nanggagaling ang ganitong uri ng disposisyon? Nanggagaling ito sa ahas, kay Satanas. Ang buktot na disposisyong ito ay umiiral sa kalikasan ng tao. Hindi ba’t iba ang kabuktutang ito sa mga buktot na pagnanasa ng mga tao? Paano nagsisimula ang mga buktot na pagnanasa? Ito ay may kaugnayan sa laman. Ang tunay na kabuktutan ay isang uri ng disposisyong malalim na nakatago, na talagang hindi makilatis ng mga taong walang karanasan o pag-unawa sa katotohanan. Dahil dito, ito ang pinakamahirap matukoy sa mga disposisyon ng tao. Sa aling uri ng tao pinakamalubha ang buktot na disposisyon? Sa mga taong mahilig magsamantala sa iba. Napakagaling nilang magmanipula na hindi man lang nalalaman ng mga namanipula nila kung ano ang nangyari pagkatapos. Ang ganitong uri ng tao ay may buktot na disposisyon. Batay sa panlilinlang, gumagamit ang mga buktot na tao ng ibang paraan upang pagtakpan ang panlilinlang nila, ikubli ang mga kasalanan nila, at itago ang mga lihim nilang intensiyon, layon, at makasariling pagnanais. Ito ay kabuktutan. Higit pa rito, iba’t ibang paraan ang gagamitin nila upang mang-udyok, manukso, at mang-akit, pasusunurin ka sa mga nais nila at ipapatugon sa iyo ang mga makasariling hangarin nila upang makamit ang mga layon nila. Lahat ito ay buktot. Ito ay tunay na disposisyon ni Satanas. Nagpakita na ba kayo ng anuman sa mga pagpapamalas na ito? Sa mga aspekto ng buktot na disposisyon, alin ang mas ipinamalas ninyo: tukso, pang-uudyok, o paggamit ng mga kasinungalingan upang pagtakpan ang iba pang kasinungalingan? (Pakiramdam ko ay ipinapakita ko ang kaunti sa lahat ng ito.) Tingin mo ay ipinapakita mo ang kaunti sa lahat ng ito. Ibig sabihin, sa antas ng emosyon, nararamdaman mong pareho mo nang ipinakita at hindi pa ipinakita ang mga kilos na ito. Wala kang mahanap na anumang ebidensiya. Kung gayon, sa pang-araw-araw mong buhay, napagtatanto mo ba kung nagpapakita ka ng buktot na disposisyon kapag may kinakaharap kang bagay? Sa totoo lang, ang mga bagay na ito ay umiiral sa loob ng disposisyon ng lahat ng tao. Halimbawa, may isang bagay na hindi mo nauunawaan, pero ayaw mong malaman ng iba na hindi mo ito nauunawaan, kaya’t kung anu-ano ang ginagawa mo upang ilihis sila na isipin nilang nauunawaan mo ito. Ito ay pandaraya. Ang ganitong uri ng pandaraya ay pagpapamalas ng kabuktutan. Nariyan din ang tukso at pang-aakit, lahat ito ay pagpapamalas ng kabuktutan. Madalas ba ninyong tuksuhin ang iba? Kung lehitimo kang nagsisikap na maunawaan ang isang tao, na nais mong makipagbahaginan sa kanya, at kailangan ito para sa iyong trabaho at ito ay wastong pakikisalamuha, hindi ito maituturing na tukso. Ngunit kung may personal kang intensiyon at motibo, at hindi mo talaga nais maunawaan ang disposisyon, mga paghahangad, at pagkatanto ng taong ito, at sa halip ay nais mong hugutin ang kanyang mga iniisip sa kanyang kaibuturan at kung ano ang talagang nasa isip niya, ito ay tinatawag na pagtukso at pang-aakit. Kung ginagawa mo ito, may buktot kang disposisyon; hindi ba’t ito ay isang bagay na nakatago? Madali bang baguhin ang ganitong disposisyon? Kung makikilatis mo ang mga pagpapamalas ng bawat aspekto ng disposisyon mo, kung anong mga kalagayan ang kadalasang sinasanhi ng bawat aspekto, at maitutugma mo ang mga ito sa sarili mo, na nararamdaman mo kung gaano kanakakatakot at kapanganib ang ganoong uri ng disposisyon, makadarama ka ng pasanin na magbago sa aspektong ito, at magagawa mong mauhaw sa mga salita ng Diyos, matanggap ang katotohanan, maghimagsik laban sa laman, at maisagawa ang katotohanan. Sa gayon ay makakapagkamit ka ng pagbabago sa disposisyon at makakapagtamo ng kaligtasan. Ngunit kung, matapos itugma ang mga ito sa sarili mo, wala kang nararamdamang pagkakautang o pag-aakusa sa sarili—lalong walang anumang pagsisisi—wala kang pagnanais na mauhaw sa katotohanan, at hindi mo tinatanggap ni isinasagawa ang katotohanan, magiging mahirap na magbago ang iyong tiwaling disposisyon. Gaano man karami ang nauunawaan mo, magiging mga doktrina lamang ito at walang silbi. Anumang aspekto ito ng katotohanan, kung ang pag-unawa mo ay natitigil sa antas ng doktrina at hindi mo ito isinasagawa at hindi ka pumapasok dito, kung gayon, ang mga doktrinang nauunawaan mo ay mawawalan talaga ng silbi. Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, hindi mo makikilala ang mga tiwali mong disposisyon at hindi ka makapagsisisi at makapagkukumpisal sa Diyos, at hindi ka makararamdam ng pagkakautang sa Diyos at hindi mo kamumuhian ang sarili mo, kaya’t wala kang pag-asa na maligtas. Kung napagtatanto mo kung gaano kalubha ang mga problema mo pero wala ka pa ring pakialam, at hindi ka nakararamdam ng anumang pagsisisi o hindi mo kinamumuhian ang sarili mo, labis na manhid at pasibo pa rin ang kalooban mo, hindi mo tinatanggap ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at hindi ka nananalangin sa Kanya o umaasa sa Kanya upang malutas ang mga tiwaling disposisyon mo, kung gayon ay lubhang nanganganib ka, at hindi ka pa rin magtatamo ng kaligtasan.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagkakilala sa Sarili ay Mahalaga sa Paghahangad ng Katotohanan
Nasa mas malalim na antas ang kabuktutan kaysa sa panlilinlang; mas lihim na mapanira ito, mas malihim, mas mapanlihis, at mas mahirap arukin, at nakapaloob sa kabuktutan ang pang-eengganyo, pang-uudyok, panghahatak, pagkuha ng loob, panunuhol, at panunukso. Ang mga kilos at pag-uugaling ito ay sobrang higit pa sa panlilinlang; ang mga ito ay buktot, walang duda. Hindi sinabi ng lalaki, “Kung hindi mo sasabihin sa akin, hahampasin kita, sisipain kita, o papatayin kita!” Hindi siya gumamit ng ganoong mga paraan, at sa panlabas, hindi lumitaw na siya ay mapaminsala. Gayumpaman, mas matindi pa nga ito kaysa sa mapaminsala—ito ay kabuktutan. Bakit Ko sinasabing ito ay kabuktutan? Ang panlilinlang ay karaniwang nahahalata ng karamihan ng tao, pero mas tuso ang paraan niya. Sa panlabas, gumagamit siya ng magalang na pananalita na umaayon sa pagkagiliw ng tao; pero sa realidad, sa kaibuturan, may mga bagay na mas nakatago. Ang mga kilos at paraan niya ay mas nakatago, mas lihim na mapanira kaysa sa panlilinlang na karaniwang nakikita at nakakaharap ng mga tao. Ang mga taktika niya ay mas sopistikado, mas mapanlinlang, at mas mapanlihis. Ito ay kabuktutan.
Sa pang-araw-araw na buhay, kaya ba ninyong kilalanin ang pagkakaiba at kilatisin ang pagbubunyag ng buktot na disposisyon ng ibang tao at ang kanilang buktot na pag-uugali? Bagama’t puwedeng maging medyo mahusay makitungo ang mga mapanlinlang na indibidwal, pagkatapos makisalamuha sa kanila sa loob ng ilang panahon, makikilatis pa rin sila ng karamihan ng tao. Gayumpaman, hindi ganoon kadaling makilatis ang mga taong may buktot na disposisyon. Kung hindi mo makita ang diwa o ang mga kahihinatnan, wala kang paraan para makilatis sila. Ang mga buktot na indibidwal ay mas lalo pang lihim na mapanira kaysa sa mga mapanlinlang na tao. Wala kang paraan para makilatis sila mula lang sa isa o dalawang pangungusap. Pagdating sa mga taong may buktot na disposisyon, sa loob ng ilang panahon o maikling panahon ay puwedeng hindi mo makilatis o maunawaan kung bakit nila ginagawa ang partikular na bagay na iyon, kung bakit sila nagsasalita o kumikilos sa ganoong paraan. Isang araw, kapag sila ay lubusan nang nabunyag at ganap nang nailantad, sa wakas ay matutuklasan ng lahat kung anong uri sila ng tao. Higit pa ito sa panlilinlang lamang—ito ay kabuktutan. Samakatwid, ang pagkilatis sa isang buktot na disposisyon ay nangangailangan ng ilang panahon, at minsan dapat munang makita ang mga kahihinatnan bago ito makilatis ng isang tao—hindi ito isang bagay na makikilatis agad. Halimbawa, ilang dekada nang nililihis ng malaking pulang dragon ang sangkatauhan, at ngayon lang nagkaroon ng kaunting pagkilatis ang kaunting tao. Ang malaking pulang dragon ay madalas na nagsasabi ng mga bagay na pinakamasarap pakinggan at pinakanaaayon sa mga kuru-kuro ng tao, itinataas ang bandera ng paglilingkod sa mga tao para manlihis ng mga tao at ang bandera ng katarungan para magpalayas ng mga taong tumututol, malubhang pinipinsala ang hindi mabilang na mabubuting tao. Ngunit kaunti lang ang nakakakilatis nito dahil ang sinasabi at ginagawa nito ay mukhang tama sa mga tao. Iniisip ng lahat ng tao na ang lahat ng ginagawa nito ay makatarungan at nararapat, legal at makatwiran, at naaayon sa pagkamakatao. Bilang resulta, nailihis nito ang mga tao sa loob ng ilang dekada. Kapag sa wakas ay naisiwalat at bumagsak na ito, makikita ng mga tao na ang tunay na mukha nito ay yaong sa diyablo, at ang kalikasang diwa nito ay buktot. Nilihis ng malaking pulang dragon ang sangkatauhan sa loob ng napakaraming taon, at ang lason ng malaking pulang dragon ay nasa lahat ng tao—naging mga inapo na sila nito. May kakayahan ba ang sinuman sa inyong gawin ang mga uri ng bagay na nagawa ng malaking pulang dragon? May ilang taong katulad ng malaking pulang dragon kung magsalita, gumagamit ng napakagagandang salita pero hindi gumagawa ng tunay na gawain. Maganda ang lahat ng salita nila, pero hindi sila gumagawa ng tunay na gawain. Gayundin, partikular silang lihim na mapanira at buktot. Pagdating sa ganoong mga tao, kung may makasasakit sa kanila, hindi nila ito palalampasin. Sa malao’t madali, makakahanap sila ng angkop na pagkakataon para maisakatuparan ang intensiyon nilang maghiganti pero hindi bibigyan ang mga ito ng anumang maipaninira sa kanila. Puwede pa nga nilang pangasiwaan ang usaping iyon nang hindi humaharap at nagpapakita ng kanilang mukha. Hindi ba’t buktot ito? Ang mga buktot na tao ay kumikilos nang may mga prinsipyo, paraan, intensiyon, motibo, at pakay na partikular na palihim at nakatago. Gumagamit ang mga buktot na indibidwal ng mga pakana upang maminsala ng iba, minsan ay gumagamit sila ng ibang tao upang pumatay para sa kanila, minsan ay pinahihirapan nila ang iba sa pamamagitan ng panghahatak sa mga itong gumawa ng mga kasalanan, at minsan ay gumagamit sila ng mga batas o bumabaling sa lahat ng uri ng kasuklam-suklam na paraan para pahirapan ang iba. Ang mga ito ay pawang pagpapamalas ng kabuktutan, at wala sa mga ito ang mga makatarungan o matapat na paraan. Mayroon bang sinuman sa inyong nagpapakita ng mga pag-uugali o pagbubunyag na ito? Kaya ba ninyong kilatisin ang mga ito? Alam ba ninyong binubuo ng mga ito ang isang buktot na disposisyon? Ang panlilinlang ay kadalasang nakikita sa panlabas: May isang taong nagpapaligoy-ligoy o gumagamit ng mabulaklak na pananalita, at walang nakakabasa ng kanyang iniisip. Iyon ay panlilinlang. Ano ang pangunahing katangian ng kabuktutan? Ito ay na sadyang masarap sa pandinig ang kanyang mga salita, at ang lahat ng bagay ay parang tama sa panlabas. Mukhang walang anumang problema, at mukhang maayos ang mga bagay sa bawat anggulo. Kapag may ginagawa siya, hindi mo siya makikitang gumagamit ng anumang partikular na diskarte, at sa panlabas, walang anumang tanda ng mga kahinaan o kapintasan, pero naisasakatuparan niya ang kanyang layon. Ginagawa niya ang mga bagay sa isang masyadong malihim na paraan. Ganito inililihis ng mga anticristo ang mga tao. Ang ganitong mga tao at bagay ang pinakamahirap kilatisin. May ilang tao na madalas na nagsasabi ng mga tamang bagay, gumagamit ng mga magagandang palusot, at gumagamit ng mga partikular na doktrina, kasabihan, o kilos na umaayon sa pagkagiliw ng tao upang manlinlang ng mga tao. Nagkukunwari silang gumagawa ng isang bagay habang iba ang ginagawa upang maisakatuparan ang kanilang lihim na pakay. Ito ay kabuktutan, pero itinuturing ng karamihan ng mga tao ang mga pag-uugaling ito bilang mapanlinlang. Ang mga tao ay may medyo limitadong pang-unawa at paghimay sa kabuktutan. Ang totoo, mas mahirap kilatisin ang kabuktutan kaysa sa panlilinlang dahil mas palihim ito, at mas sopistikado ang mga paraan at kilos nito. Kung ang isang tao ay may isang mapanlinlang na disposisyon, kadalasan, nahahalata ng iba ang kanyang panlilinlang sa loob ng dalawa o tatlong araw ng pakikisalamuha sa kanya, o nakikita nila ang pagbubunyag ng kanyang mapanlinlang na disposisyon sa kanyang mga kilos at salita. Gayumpaman, ipagpalagay nating buktot ang taong iyon: Hindi ito isang bagay na makikilatis sa loob lang ng ilang araw, dahil kung walang anumang mahalagang pangyayari o espesyal na sitwasyong magaganap sa isang maikling panahon, hindi madaling makakilatis ng anumang bagay mula lang sa pakikinig sa kanyang pagsasalita. Palaging tama ang mga sinasabi at ginagawa niya, at naglalahad siya ng sunud-sunod na tamang doktrina. Pagkalipas ng ilang araw ng pakikisalamuha sa kanya, puwede mong isipin na ang taong ito ay medyo magaling, nagagawang tumalikod sa mga bagay-bagay at gumugol ng kanyang sarili, may espirituwal na pang-unawa, may mapagmahal-sa-Diyos na puso, at parehong may konsensiya at katwiran sa paraan ng kanyang pagkilos. Pero pagkatapos niyang mangasiwa ng ilang usapin, makikita mong ang kanyang pananalita at mga kilos ay nahahaluan ng napakaraming bagay, ng napakaraming mala-diyablong intensiyon. Napagtanto mong ang taong ito ay hindi matapat kundi mapanlinlang—isang buktot na bagay. Madalas siyang gumagamit ng mga tamang salita at magagandang parirala na naaayon sa katotohanan at nagtataglay ng pagkagiliw ng tao upang makisalamuha sa mga tao. Sa isang banda, itinatatag niya ang kanyang sarili, at sa isa pa, inililihis niya ang iba, nagkakamit ng prestihiyo at katayuan sa mga tao. Ang ganoong mga indibidwal ay labis na mapanlihis, at sa sandaling magkamit sila ng kapangyarihan at katayuan, kaya na nilang manlihis at maminsala ng maraming tao. Lubhang mapanganib ang mga taong may mga buktot na disposisyon. May ganoon bang mga tao sa paligid ninyo? Kayo ba mismo ay ganito? (Oo.) Kung ganoon ay gaano ito kaseryoso? Nagsasalita at kumikilos nang walang anumang katotohanang prinsipyo, lubos na sumasandig sa iyong buktot na kalikasan upang kumilos, palaging nagnanais na manlihis ng iba at mamuhay sa likod ng isang maskara, para hindi ka makilatis o makilala ng iba, at para igalang at hangaan nila ang iyong pagkatao at katayuan—ito ay kabuktutan. Ipinapakita ba ninyo ang mga buktot na pag-uugaling ito nang paminsan-minsan lang, o ganito ba kayo madalas? Ganito lang ba talaga kayo, at mahirap ba para sa inyong makawala? Kung paminsan-minsan lang kayo gumagamit ng ganitong mga paraan, puwede pa rin itong mabago. Gayumpaman, kung ganito lang talaga kayo, palaging kumikilos nang mataktika at mapanlinlang, at palaging sumasandig sa mga pakana, kung gayon kayo ang pinakatuso sa lahat ng diyablo. Sasabihin Ko sa inyo ang katotohanan: Ang ganitong mga tao ay hindi kailanman magbabago.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalimang Aytem: Nililihis, Hinahatak, Pinagbabantaan, at Kinokontrol Nila ang mga Tao
Sabihin ninyo sa Akin, ang pagsasagawa ba ng katotohanan at pangangasiwa sa mga bagay-bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo ay nangangailangan ng iba’t ibang dahilan at basehan? (Hindi, hindi ito nangangailangan.) Basta’t ang isang tao ay taos-puso, kaya niyang isagawa ang katotohanan. Ang mga tao bang hindi nagsasagawa ng katotohanan ay may iba’t ibang maidadahilan? Halimbawa, kapag sila ay may ginagawang mali, sumasalungat sa mga prinsipyo, at iwinawasto ng iba, kaya ba nilang makinig? Hindi sila nakikinig. Ang katunayan bang hindi sila nakikinig ang nag-iisang isyu? Paano sila masasabing buktot? (Nag-iisip sila ng maidadahilan para mahikayat ka, para papaniwalain kang tama sila.) Hahanap sila ng pagpapakahulugan na naaayon sa mga kuru-kuro at imahinasyon mo, pagkatapos ay gagamit sila ng mga espirituwal na teorya na kaya mong kilalanin at tanggapin at na naaayon sa katotohanan para kumbinsihin ka, pasunurin ka sa kanila, at idulot na sinsero kang maniwala na tama sila, para lang makamit ang layon nilang iligaw at kontrolin ang mga tao. Hindi ba’t kabuktutan ito? (Oo.) Kabuktutan nga ito. Malinaw na sila ay may nagawang mali, sumalungat sa mga prinsipyo at katotohanan sa kanilang mga kilos, at nabigong isagawa ang katotohanan, pero nakakabuo sila ng isang set ng mga teoretikal na basehan. Talagang buktot ito. Parang lobo ito na kumakain ng isang tupa; nasa orihinal na kalikasan ng isang lobo na kumain ng tupa, at nilikha ng Diyos ang ganitong uri ng hayop para kumain ng tupa—tupa ang pagkain nito. Pero pagkatapos itong kainin, naghahanap pa rin ng iba’t ibang maidadahilan ang lobong ito. May mga naiisip ka ba tungkol dito? Iniisip mo, “Kinain mo ang tupa ko, at ngayon naman ay gusto mong isipin ko na dapat mo itong kainin, na makatwiran at naaangkop na kainin mo ito, at dapat pa nga kitang pasalamatan.” Hindi ka ba nagagalit? (Oo, nagagalit ako.) Habang nagagalit ka, anong naiisip mo? Iniisip mo, “Masyado itong buktot! Kung gusto mo itong kainin, sige gawin mo, ganoon ka naman; isang bagay ang kainin ang tupa ko, pero gumagawa ka pa ng maraming pangangatwiran at pagdadahilan, at hinihingi mong maging mapagpasalamat ako sa iyo bilang kapalit. Hindi ba’t panggugulo ito sa tama at mali?” Ito ay kabuktutan. Kapag gustong kainin ng isang lobo ang tupa, ano ang nagiging pagdadahilan nito? Sasabihin ng lobo, “Maliit na kordero, ngayon ay dapat kitang kainin dahil gusto kong maghiganti sa iyo sa pang-iinsulto sa akin noong nakaraang taon.” Ang kordero, na naagrabyado, ay magsasabing, “Hindi pa nga ako ipinapanganak noong nakaraang taon.” Kapag napagtanto ng lobo na nagkamali ito sa pagsasalita at pagbibilang sa edad ng kordero, sasabihin nitong, “Kung gayon hindi ko na bibilangin iyon, pero kailangan pa rin kitang kainin dahil noong uminom ako sa ilog na ito, pinagputik mo ang tubig, kaya kailangan kitang gantihan.” Sasabihin ng kordero, “Nasa bandang ibaba ako ng ilog, at ikaw ang nasa itaas. Paano ko marurumihan ang tubig sa itaas? Kung gusto mo akong kainin, sige kainin mo ako. Huwag ka nang magdahilan pa ng kung ano-ano.” Iyon ang kalikasan ng lobo. Hindi ba’t kabuktutan ito? (Oo.) Ang kabuktutan ba ng lobo ay kapareho ng sa malaking pulang dragon? (Oo.) Ang paglalarawang ito ay pinakaangkop sa malaking pulang dragon. Gustong arestuhin ng malaking pulang dragon ang mga taong nananampalataya sa Diyos; gusto nitong kasuhan ng krimen ang mga taong ito. Kaya, lumilikha muna ito ng mga pagkukunwari, gumagawa ng mga tsismis, at pagkatapos ay ibinobrodkast sa mundo ang mga ito para patindigin ang buong mundo at kondenahin ka. Gumagawa ito ng maraming akusasyon sa mga nananampalataya sa Diyos, gaya ng “panggugulo sa kaayusan ng lipunan,” “pagbubunyag ng mga lihim ng estado,” at “pagpapabagsak sa kapangyarihan ng estado.” Nagpapakalat din ito ng tsismis na nakagawa ka ng iba’t ibang krimen at inaakusahan ka nito. Ayos lang ba na tumanggi kang aminin ang mga iyon? Ito ba ay usapin ng pag-amin mo o hindi sa mga ito? Hindi. Kapag desidido na itong arestuhin ka, katulad ng isang lobo na desididong kumain ng isang tupa, naghahanap ito ng iba’t ibang maidadahilan. Lumilikha ng iba’t ibang pagkukunwari ang malaking pulang dragon, sinasabing gumawa tayo ng masama, samantalang ang katunayan naman, ibang tao ang gumawa niyon. Inililipat nila ang sisi at idinidiin ang iglesia. Kaya mo bang mangatwiran dito? (Hindi.) Bakit hindi mo kayang mangatwiran dito? Puwede ka bang mangatwiran nang malinaw rito? Sa tingin mo ba, sa pangangatwiran dito at pagpapaliwanag sa sitwasyon, ay hindi ka na aarestuhin? Masyadong maganda ang tingin mo rito. Bago ka pa matapos magsalita, sasabunutan ka na nito, iuuntog ang ulo mo sa pader, at pagkatapos ay tatanungin ka, “Kilala mo ba kung sino ako? Isa akong diyablo!” Kasunod niyon, magkakaroon ng matitinding pambubugbog, pati na ng ilang araw at gabi ng halinhinang interogasyon at pagpapahirap, at pagkatapos ay magsisimula ka nang kumilos sa paraang gusto nila. Sa puntong ito, matatanto mo, “Walang lugar para sa pangangatwiran dito; isa itong patibong!” Hindi nangangatwiran ang malaking pulang dragon sa iyo—akala mo ba ay hindi nito sinasadyang lumikha ng pagkukunwari, na nagkataon lang iyon? May pagsasabwatan sa likod nito, at planado na ang susunod nitong pagkilos. Simula pa lang ito ng mga pagkilos nito. Maaaring isipin pa rin ng ilang tao, “Hindi nila nauunawaan ang mga usaping may kinalaman sa pananampalataya sa Diyos; kung ipapaliwanag ko ito sa kanila, magiging maayos ang lahat.” Maipapaliwanag mo ba ito nang malinaw? Idiniin ka nito sa isang bagay na hindi mo naman ginawa—kaya mo pa rin bang ipaliwanag nang malinaw ang mga bagay-bagay? Noong idiin ka nito, hindi ba nito alam na hindi ikaw ang gumawa niyon? Hindi ba nito alam kung sino ang gumawa niyon? Alam na alam nito! Pero bakit ikaw ang sinisisi nito? Ikaw ang gustong bihagin nito. Sa tingin mo ba, kapag isinisi niya ito sa iyo ay hindi nito alam na naaagrabyado ka? Gusto nitong maagrabyado ka at arestuhin at usigin ka. Iyon ay kabuktutan.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Lihim na Mapanira, at Mapanlinlang (Ikatlong Bahagi)
Ang isang buktot na disposisyon ay naipamamalas din sa isa pang paraan. Nakikita ng ilang tao na ang mga pagtitipon sa sambahayan ng Diyos ay laging kinapapalooban ng pagbabasa ng salita ng Diyos, pagbabahaginan tungkol sa katotohanan, at mga pagtalakay tungkol sa pagkakilala sa sarili, sa paggampan nang maayos ng tungkulin, pagkilos nang ayon sa mga prinsipyo, kung paano matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan, kung paano maunawaan at isagawa ang katotohanan, at iba pang mga aspekto ng katotohanan. Habang nakikinig sa loob ng maraming taon, lalo silang nayayamot habang mas nakikinig sila, at nagsisimula silang magreklamo, sinasabi nila, “Hindi ba’t ang pakay ng pananalig sa diyos ay ang magkamit ng mga pagpapala? Bakit natin laging pinag-uusapan ang katotohanan at pinagbabahaginan ang salita ng diyos? Wala ba itong katapusan? Sawang-sawa na ako rito!” Pero ayaw nilang bumalik sa sekular na mundo, dahil natatakot sila na hindi sila makapagkakamit ng mga pagpapala pagkatapos nilang bumalik. Iniisip nila, “Sobrang nakakabagot ang pananampalataya sa diyos, hindi ito kawili-wili. Paano ako makakahanap ng isang kawili-wiling bagay na gagawin?” Kaya nag-iikot-ikot sila at nagtatanong, “Ilan ang mga mananampalataya sa diyos sa iglesia? Ilan ang mga lider at manggagawa? Ilan ang natanggal na? Ilan ang nakapag-aral sa unibersidad?” Patuloy nilang kinokolekta ang impormasyong ito para makamit ang kanilang mga layon. Anong disposisyon ito? Ito ay kabuktutan. Ang mga taong tulad nito ay hindi nagmamahal sa katotohanan kahit kaunti. Nananampalataya sila sa Diyos at namumuhay ng buhay iglesia para lang magkamit ng mga pagpapala. Kahit ilang sermon ng katotohanan ang narinig na nila, walang kahit isang katotohanan na makakakuha ng kanilang interes, at nananatiling hindi naaantig ang kanilang puso sinuman ang magbahagi tungkol sa katotohanan. Pero kapag nakakarinig sila ng isang tao na nagtsitsismis o nagsasalita tungkol sa mga nangyayari sa loob ng iglesia, agad na tumatalas ang kanilang pandinig, nag-aalala na baka may mapalampas sila. Ito ay pagiging ubod ng sama, hindi ba? (Oo.) Ano ang naglalarawan sa mga taong ubod ng sama? Wala silang kahit katiting na interes sa katotohanan. Interesado lang sila sa mga panlabas na usapin, at walang-pagod at walang-kahihiyang nakikinig sa paligid para maghanap ng mga tsismis at mga bagay na walang kinalaman sa kanilang buhay pagpasok o sa katotohanan. Iniisip nila na ang pag-alam at pag-unawa sa mga bagay na ito, sa lahat ng impormasyong ito, ay nangangahulugan na sila ay isang tunay na miyembro ng sambahayan ng Diyos, na maganda ang tingin sa kanila ng hinirang na mga tao ng Diyos, at tiyak na sasang-ayunan sila ng Diyos at makakapasok sila sa kaharian ng Diyos. Sa tingin ba ninyo ay ganoon nga talaga ang kaso? (Hindi.) Nakikita ninyo ang totoo rito, pero maraming bagong mananampalataya sa Diyos ang hindi nakakakita nito. Nakatuon sila sa pag-alam tungkol sa tsismis na ito, iniisip na magiging mga miyembro sila ng sambahayan ng Diyos kung mas mauunawaan at maipapasa nila ang mga tsismis na ito—pero sa katunayan, pinakakinamumuhian ng Diyos ang gayong mga tao, sila ang pinakamataas ang banidad at pinakamangmang sa lahat ng tao. Nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw upang gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga tao, na ang epekto ay ang ipagkaloob sa mga tao ang katotohanan bilang buhay. Pero kung hindi nakatuon ang mga tao sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos at palagi nilang sinusubukang maghanap ng tsismis at mas alamin pa ang mga usapin sa loob ng iglesia, sila ba ay mga taong naghahangad sa katotohanan? Sila ba ay mga taong gumagawa ng wastong gawain? Para sa Akin, sila ay mga buktot na tao. Sila ay mga hindi mananampalataya. Ang mga ganitong tao ay matatawag ding ubod ng sama. Lagi lamang silang nakatuon sa sabi-sabi. Binibigyang-kasiyahan nito ang kanilang kuryosidad, pero kinasusuklaman sila ng Diyos. Hindi sila mga taong taos-pusong nananampalataya sa Diyos, lalong hindi sila mga taong naghahangad sa katotohanan. Sila ay sadyang mga alipin ni Satanas, na dumarating upang guluhin ang gawain ng iglesia. Ang mga taong laging nagsisiyasat at nag-iimbestiga sa Diyos, sa partikular, ay mga alipin at mga alipores ng malaking pulang dragon. Ang mga taong ito ang pinakakinamumuhian at pinakakinasusuklaman ng Diyos sa lahat. Kung nananampalataya ka sa Diyos, bakit hindi ka nagtitiwala sa Diyos? Kapag sinisiyasat at iniimbestigahan mo ang Diyos, hinahanap mo ba ang katotohanan? Ang pagkakaalam ba tungkol sa pamilya kung saan isinilang si Cristo o sa kapaligirang kinalakhan Niya ay may anumang kinalaman sa katunayan na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay? Ang mga taong laging nagsisiyasat sa Diyos—hindi ba’t kasuklam-suklam sila? Kung palagi kang may mga kuru-kuro tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa pagkatao ni Cristo, dapat kang gumugol ng mas marami pang oras sa paghahangad na maunawaan ang mga salita ng Diyos; kapag naunawaan mo ang katotohanan saka mo lamang magagawang lutasin ang problema ng iyong mga kuru-kuro. Makikilala mo ba ang Diyos sa pamamagitan ng pagtatangka na suriin ang pinagmulang pamilya ni Cristo o ang mga sitwasyon ng Kanyang kapanganakan? Bibigyang-daan ka ba nito na matuklasan ang pagka-Diyos na diwa ni Cristo? Hinding-hindi. Ang mga taong taos-pusong nananampalataya sa Diyos ay naglalaan ng kanilang sarili sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan, ito lang ang makatutulong na malaman ang pagka-Diyos na diwa ni Cristo. Pero bakit palaging gumagawa ng mga bagay na ubod ng sama ang mga taong palaging nagsisiyasat sa Diyos? Ang mga mala-basurang taong ito na walang espirituwal na pang-unawa ay dapat na magmadaling umalis sa sambahayan ng Diyos! Napakaraming katotohanan na ang naipahayag, napakarami nang napagbahaginan sa mga pagtitipon at mga sermon—bakit hindi mo nakikilala ang Diyos mula rito, at sa halip ay sinisiyasat mo Siya? Ano ang ibig sabihin na palagi mong sinisiyasat ang Diyos? Na ikaw ay napakabuktot! Bukod pa riyan, may mga nag-aakala pa nga na ang pagkaalam sa lahat ng tsismis na ito ay nagbibigay sa kanila ng kapital, at lumilibot sila para ipagmalaki ito sa mga tao. At ano ang nangyayari sa huli? Sila ay kinapopootan at kinasusuklaman ng Diyos. Mga tao pa ba sila? Hindi ba’t mga buhay na demonyo sila? Paano naging mga mananampalataya sa Diyos ang gayong mga tao? Ang lahat ng kanilang kaisipan ay iginugugol nila sa landas ng kabuktutan at pagiging baliko. Para bang kapag mas marami silang alam na sabi-sabi, mas nagiging mga miyembro sila ng sambahayan ng Diyos, at mas nauunawaan nila ang katotohanan. Ang mga ganitong tao ay lubos na baligho. Sa sambahayan ng Diyos, wala nang mas kasuklam-suklam pa kaysa sa kanila.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging ang Pagkaalam sa Anim na Uri ng Tiwaling Disposisyon ang Nangangahulugan ng Tunay na Pagkakilala sa Sarili
Ano ang pinakabuktot na disposisyon na ibinubunyag ng mga tao sa harap ng Diyos? Ito ay ang pagtukso sa Diyos. Nag-aalala ang ilang tao na baka hindi maganda ang magiging hantungan nila, at baka hindi garantisado ang kalalabasan nila dahil naligaw sila ng landas, gumawa ng kaunting kasamaan, at nakagawa ng maraming pagsalangsang matapos manampalataya sa Diyos. Nag-aalala sila na mapupunta sila sa impiyerno, at palagi silang natatakot sa kalalabasan at hantungan nila. Palagi silang balisa, at palagi nilang iniisip, “Magiging maganda o masama kaya ang kalalabasan at hantungan ko sa hinaharap? Mapupunta ba ako sa impiyerno o sa langit? Isa ba ako sa mga tao ng diyos o isang tagapagserbisyo? Mamamatay ba ako o maliligtas? Kailangan kong matagpuan kung alin sa mga salita ng diyos ang nagtatalakay tungkol dito.” Nakikita nila na pawang katotohanan ang mga salita ng Diyos, at na inilalantad ng lahat ng ito ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, at hindi nila natatagpuan ang mga sagot na hinahanap nila, kaya patuloy silang nag-iisip kung saan pa puwedeng magtanong. Kalaunan, kapag nakakita sila ng pagkakataon para maiangat at mailagay sila sa isang mahalagang papel, gusto nilang pakiramdaman ang ang Itaas, iniisip nila, “Ano kaya ang opinyon ng ang itaas tungkol sa akin? Kung paborable ang opinyon nila, pinatutunayan nito na hindi na tinandaan ng diyos ang mga kasamaang nagawa ko noon at ang mga pagsalangsang na nagawa ko. Pinatutunayan nito na ililigtas pa rin ako ng diyos, na may pag-asa pa rin ako.” Pagkatapos, ayon sa mga ideya nila, direkta nilang sinasabi, “Sa lugar namin, hindi gaanong bihasa ang karamihan ng kapatid sa mga propesyon nila, at saglit na panahon pa lang silang nananampalataya sa diyos. Ako ang pinakamatagal nang nananampalataya sa diyos. Bumagsak at nabigo ako, nagkaroon ako ng ilang karanasan at natuto ako ng ilang aral. Kung mabibigyan ng pagkakataon, handa akong magdala ng mabigat na pasanin at magpakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng diyos.” Ginagamit nila ang mga salitang ito bilang tukso para makita kung may layunin ang ang Itaas na iangat sila, o kung inabandona na sila ng ang Itaas. Sa realidad, hindi talaga nila gustong akuin ang responsabilidad o pasaning ito; ang layon nila sa pagsasabi ng mga salitang ito ay para lang subukin ang kapaligiran, at tingnan kung may pag-asa pa silang maligtas. Isa itong tukso. Ano ang disposisyon sa likod ng pamamaraang ito ng pagtukso? Isa itong buktot na disposisyon. Gaano man katagal nabubunyag mula sa kanila ang pamamaraang ito, paano man nila ito ginagawa, o kung gaano man ito ipinatutupad, ano’t anuman, tiyak na buktot ang disposisyong ibinubunyag nila, dahil marami silang iniisip, pag-aalinlangan, at pag-aalala sa buong panahon ng paggawa nito.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalimang Ekskorsus
Ipagpalagay na nagdidilim ang paningin ng isang tao o nagagalit kapag nababanggit ang Diyos: Nakita na ba niya ang Diyos? Kilala ba niya kung sino ang Diyos? Hindi niya alam kung sino ang Diyos, hindi siya nananampalataya sa Kanya, hindi nakipag-usap ang Diyos sa kanya, at hindi siya kailanman ginalit ng Diyos—kaya bakit siya magagalit? Maaari ba nating sabihin na ang taong ito ay buktot? Ang mga makamundong kalakaran, pagkain, pag-inom, at paghahanap ng kasiyahan, at pagsamba sa mga sikat na tao—wala sa mga bagay na ito ang magpapagalit sa ganitong tao. Gayumpaman, isang pagbanggit lang ng salitang “Diyos” o ng katotohanan ng mga salita ng Diyos, nagagalit na siya. Hindi ba’t nagpapakita ito ng pagkakaroon ng buktot na kalikasan? Ito ay sapat na upang patunayan na ito ang kanyang buktot na kalikasan. Pag-isipan ninyo kung nakaranas na kayo ng mga pagkakataong tulad nito: Kapag nababanggit ang katotohanan, o kapag nababanggit ang mga pagsubok ng Diyos sa tao o ang mga salita ng paghatol ng Diyos sa tao, nakakaramdam kayo ng pagtutol o isang uri ng pagkasuklam, at ayaw ninyong makarinig ng mga gayong bagay, at iniisip ninyo, “Hindi ba’t sinasabi ng lahat ng tao na ang Diyos ang katotohanan? Ang ilan sa Kanyang mga salita ay hindi ang katotohanan! Malinaw na mga salita lamang ito ng Diyos na nanenermon sa tao!” Ang ilan sa inyo ay nakakaramdam pa nga ng pagtutol sa inyong puso, at iniisip ninyo, “Pinag-uusapan ito araw-araw—ang Kanyang mga pagsubok, ang Kanyang paghatol, kailan ito matatapos? Kailan natin matatanggap ang mabuting hantungan?” Ang hindi maipaliwanag na galit na ito ay bigla na lamang sumusulpot. Anong uri ng kalikasan ito? (Buktot na kalikasan.) Ito ay inuudyukan ng buktot na kalikasan ni Satanas.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V
Lahat ng masamang tao ay may buktot na disposisyon. Ang ilang kabuktutan ay naipapahayag sa pamamagitan ng malulupit na disposisyon, tulad ng madalas na pananakot sa mga taong totoo, pagtrato sa kanila sa paraang mapanuya o sarkastiko, laging paggawa sa kanila bilang katatawanan, at pananamantala sa kanila. Ang masasamang tao ay yumuyukod sa paggalang kapag nakakakita sila ng isa pang masamang tao, ngunit kapag nakakakita sila ng mahinang tao, tinatapakan nila ito at pinagmamalupitan. Lubos na malupit at buktot na mga tao ang mga ito. Sinumang nananakot o nanunupil ng mga Kristiyano ay isang diyablong nagpapanggap na tao; halimaw siya na walang kaluluwa, at ang reinkarnasyon ng isang masamang diyablo. Kung may mga tao sa pulutong ng masasamang tao na hindi nananakot ng mga taong totoo, na hindi nagmamalupit sa mga Kristiyano, na pinakakawalan lamang ang kanilang poot sa mga taong pumipinsala sa kanilang sariling interes, ang mga taong ito ay itinuturing na mabubuting tao sa gitna ng mga walang pananampalataya. Ngunit paano naiiba ang kabuktutan ng mga anticristo? Ang kabuktutan ng mga anticristo ay pangunahing naipapamalas sa kanilang partikular na hilig na makipagkompetensiya. Nangangahas silang makipagtunggali sa Langit, makipagtunggali sa lupa, at makipagtunggali sa ibang mga tao. Hindi lamang nila hindi pinahihintulutan ang iba na apihin sila, kundi inaapi at pinahihirapan din nila ang iba. Araw-araw, pinag-iisipan nila kung paano pahihirapan ang mga tao. Kung naiinggit sila o namumuhi sa isang tao, hindi nila iyon pinalalampas. Ito ang mga paraan kung saan buktot ang mga anticristo. Saan pa naipamamalas ang kabuktutang ito? Makikita ito sa kanilang tusong paraan ng paggawa sa mga bagay-bagay—nahihirapan ang mga taong may kaunting utak, kaunting kaalaman, at kaunting karanasan sa lipunan na arukin ang mga ito. Ginagawa nila ang mga bagay sa napakatuso na paraan, at umaangat ito sa kabuktutan; hindi ito pangkaraniwang panlilinlang. Maaari silang maglaro ng mga laro sa dilim at manloko, at gawin iyon nang mas mahusay kaysa sa karamihan ng mga tao. Hindi kaya ng karamihan sa mga tao na makipagkompetensiya sa kanila at hindi rin kaya ng mga ito na makipagbuno sa kanila. Isa itong anticristo. Bakit Ko sinasabing hindi kaya ng mga ordinaryong tao na makipagbuno sa kanila? Dahil sukdulan na ang kanilang kabuktutan kaya nagtataglay sila ng matinding kapangyarihang ilihis ang mga tao. Kaya nilang mag-isip ng lahat ng uri ng paraan para sambahin at sundin sila ng mga tao. Kaya rin nilang pagsamantalahan ang lahat ng uri ng tao para guluhin at pinsalain ang gawain ng iglesia. Sa gayong mga sitwasyon, paulit-ulit na nagbabahagi ang sambahayan ng Diyos tungkol sa bawat uri ng pagpapamalas, disposisyon, at diwa ng mga anticristo, upang matukoy sila ng mga tao. Kinakailangan ito. Hindi ito nauunawaan ng ilang tao, at sinasabing, “Bakit laging nagbabahaginan tungkol sa kung paano matukoy ang mga anticristo?” Dahil kayang-kayang ilihis ng mga anticristo ang mga tao. Kaya nilang ilihis ang maraming tao, na parang nakamamatay na salot, na maaaring puminsala at pumatay sa marami sa isang biglaang pagsilakbo, dahil nakakahawa ito; lubhang nakakahawa ito at malayo ang naaabot, at ang bilis ng pagkahawa rito at ang pagkamatay sanhi nito ay masyadong mataas. Hindi ba matindi ang mga kahihinatnang ito? Kung hindi Ako makikipagbahaginan nang ganito sa inyo, makakawala ba kayo mula sa pagkalihis at paglimita ng mga anticristo? Tunay ba kayong makababaling sa Diyos at makapagpapasakop sa Kanya? Napakahirap nito. Kapag nagbubunyag ang mga ordinaryong tao ng isang mapagmataas na disposisyon, sa pinakamalala, ipinakikita nito sa iba ang pangit na kalagayan ng kanilang pagmamataas. Minsan ay nagyayabang sila, minsan ay nagmamalaki at nagpapasikat sila, at minsan ay gustong-gusto nilang igiit ang kanilang katayuan at pangaralan ang iba. Subalit ganito ba ang mga anticristo? Sa panlabas, maaaring tila hindi nila iginigiit o gustong-gusto ang kanilang katayuan, maaaring mukhang hindi sila interesado sa katayuan kahit kailan, subalit sa kaibuturan nila, may matinding pagnanais sila para dito. Ito ay tulad ng ilang emperador o bandidong panginoon ng mga walang pananampalataya: Kapag nakikipaglaban para sa kanilang lupain, dumaranas sila ng mga paghihirap kapiling ang kanilang mga kasamahan, nang tila mapagpakumbaba sila at hindi ambisyoso. Subalit nakita mo na ba ang mga pagnanais na nakatago sa kaibuturan ng kanilang puso? Bakit kaya nilang tiisin ang gayong mga paghihirap? Ang mga pagnanais nila ang nagpapalakas sa kanila. Nagtataglay sila ng malaking ambisyon sa kanilang kalooban, handang tiisin ang anumang pagdurusa o kayanin ang anumang paninirang-puri, pang-aalipusta, masasakit na salita, at pang-iinsulto para balang araw ay makaakyat sila sa trono. Hindi ba’t tuso ito? Kaya ba nilang ipaalam sa sinuman ang tungkol sa ambisyong ito? (Hindi.) Ikinukubli nila ito at itinatago. Ang nakikita sa labas ay isang taong kayang tiisin ang hindi kayang tiisin ng iba, na kayang tiisin ang mga di-matiis na paghihirap, na mukhang matibay, walang ambisyon, simple, at mabuti sa mga nakapaligid sa kanya. Subalit sa araw na umakyat siya sa trono at makamit ang tunay na kapangyarihan, para patatagin ang kanyang awtoridad at pigilan ang pang-aagaw ng kapangyarihan, pinapatay niya ang lahat ng nagdusa at nakipaglaban kasama niya. Kapag lang nabunyag na ang katotohanan, saka mapagtatanto ng mga tao kung gaano siya katuso. Kapag nagbalik-tanaw ka at nakita mong ang lahat ng kanyang ginawa ay dulot ng ambisyon, matutuklasan mong ang kanyang disposisyon ay may kabuktutan. Anong taktika ito? Ito ay pagiging tuso. Ito ang disposisyon kung paano kumikilos ang mga anticristo. Magkauri ang mga anticristo at ang mga diyablong hari na nagtataglay ng opisyal na kapangyarihan; hinding-hindi sila maghihirap at magtitiis sa iglesia nang walang dahilan kung hindi sila makakukuha ng kapangyarihan at katayuan. Sa madaling salita, ang mga taong ito ay ganap na hindi kontento sa pagiging mga ordinaryong tagasunod, pakikipagkompromiso sa sambahayan ng Diyos bilang mga karaniwang sumasamba sa Diyos, o paggawa ng ilang tungkulin nang tahimik at hindi nakikita; tiyak na aayawan nilang gawin ito. Kung ang isang taong may katayuan ay tinanggal dahil tinahak niya ang landas ng isang anticristo, at iniisip niyang, “Wala na akong katayuan ngayon, kikilos na lang ako nang wasto bilang isang ordinaryong tao, gagawin ang anumang tungkulin na magagawa ko; maaari pa rin naman akong manampalataya sa Diyos gaya ng dati nang walang katayuan,” anticristo ba siya? Hindi, ang taong ito ay minsang tumahak sa landas ng isang anticristo, minsang tumahak sa maling landas dahil sa panandaliang kahangalan, subalit hindi siya isang anticristo. Ano ang gagawin ng isang tunay na anticristo? Kapag nawala ang kanyang katayuan, hindi na siya mananampalataya. Hindi lang iyon, kundi mag-iisip din siya ng iba’t ibang paraan para ilihis ang iba, pasambahin at pasunurin ang iba sa kanya, para matupad ang kanyang ambisyon at pagnanais na magkaroon ng kapangyarihan. Ito ang pagkakaiba sa pagitan ng mga tumatahak sa landas ng mga anticristo at ng mga aktuwal na anticristo. Kinikilatis at hinihimay natin itong mga disposisyong diwa at mga pagpapamalas ng mga anticristo dahil napakaseryoso ng kalikasan ng isyung ito. Karamihan sa mga tao ay hindi makakilatis ng mga anticristo. Hindi lang ang mga ordinaryong kapatid, maging ang ilang lider at manggagawa na nag-aakalang nauunawaan nila ang kaunting katotohanan ay hindi pa lubusang napagdadalubhasaan ang pagkilatis sa mga anticristo. Mahirap sabihin kung gaano kalaki na ang kanilang pagkadalubhasa, na nagpapahiwatig na masyadong mababa ang kanilang tayog. Tanging iyong mga taong tumpak na nakakikilatis sa mga anticristo ang mga taong may tunay na tayog.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaanim na Aytem
Ang pinakakaraniwang pagpapamalas ng buktot na diwa ng mga anticristo ay na talagang mahusay sila sa pagpapanggap at pagpapaimbabaw. Sa kabila ng napakalupit, mapanlinlang, walang awa, at mayabang na disposisyon nila, sa panlabas ay ipinipresenta nila ang kanilang sarili bilang sobrang mapagpakumbaba at mabait. Hindi ba’t pagpapanggap ito? Araw-araw na nagninilay-nilay sa puso nila ang mga taong ito, iniisip nila, “Anong klase ng damit ang dapat kong isuot para magmukha akong mas Kristiyano, mas matuwid, mas espirituwal, mas may pasanin, at mas tulad ng isang lider? Paano ako dapat kumain para iparamdam sa mga tao na sapat na pino, elegante, may dignidad, at marangal ako? Ano ang dapat maging estilo ng paglakad ko para magmukha akong lider at may karisma, para magmukha akong katangi-tanging tao at hindi karaniwan? Sa pakikipag-usap ko sa iba, anong tono, mga salita, hitsura, at mga ekspresyon ng mukha ang makakapagparamdam sa mga tao na mataas ang uri ko, tulad ng nakatataas na uri sa lipunan o isang intelektuwal na may mataas na ranggo? Ano ang dapat kong gawin sa pananamit, estilo, pananalita, at ugali ko para igalang ako ng mga tao, para makapag-iwan ako ng di-malilimutang impresyon sa kanila, at matiyak ko na mananatili ako sa puso nila magpakailanman? Ano ang dapat kong sabihin para makuha ang loob ng mga tao at mapasaya ang puso nila, at para makapag-iwan ako ng pangmatagalang impresyon? Kailangan kong gumawa ng higit pa para tumulong sa iba at magsalita ng maganda tungkol sa kanila, dapat madalas akong magsalita tungkol sa mga salita ng diyos at gumamit ng ilang espirituwal na terminolohiya sa harap ng mga tao, mas madalas magbasa ng mga salita ng diyos sa iba, mas manalangin para sa kanila, magsalita nang mahina para makuha ang atensyon ng mga tao at makinig sila nang mabuti sa akin, at para iparamdam sa kanila na banayad, mapagmalasakit, mapagmahal, mapagbigay, at mapagparaya ako.” Hindi ba’t pagkukunwari ito? Ito ang mga kaisipan na umookupa sa puso ng mga anticristo. Ang pumupuno sa mga isipan nila ay walang iba kundi ang mga kalakaran ng mundong walang pananampalataya, na ganap na nagpapakita na sa mundo at kay Satanas ang mga kaisipan at pananaw nila. Maaaring palihim na manamit ang ilang tao nang gaya ng isang babaeng mababa ang lipad o nang malandi pa nga; partikular na tumutugma ang pananamit nila sa masasamang kalakaran at lubha itong moderno. Gayumpaman, kapag pumupunta sila sa iglesia, ibang-iba ang pananamit at asal nila kapag kasama ang mga kapatid. Hindi ba’t lubha silang bihasa sa pagkukunwari? (Oo.) Ang iniisip ng mga anticristo sa puso nila, ang ginagawa nila, ang iba’t ibang pagpapamalas nila, at ang mga disposisyong ibinubunyag nila ay pawang nagpapakita na buktot ang disposisyong diwa nila. Hindi pinagninilay-nilayan ng mga anticristo ang katotohanan, ang mga positibong bagay, ang tamang landas, o ang mga hinihingi ng Diyos. Pawang buktot ang mga iniisip, at ang mga pamamaraan, diskarte, at layon na pinipili nila—lumilihis silang lahat mula sa tamang landas at hindi sila kaayon ng katotohanan. Sumasalungat pa nga sila sa katotohanan, at sa pangkalahatan, maaari silang ibuod bilang masama; sadyang buktot ang kalikasan ng kasamaang ito—kaya’t kolektibo itong tinatawag na kabuktutan. Hindi nila pinag-iisipan na maging matapat na tao, maging dalisay at bukas, o maging taimtim at tapat; sa halip, pinag-iisipan nila ang mga buktot na pamamaraan. Halimbawa, ang isang tao na kayang magbukas tungkol sa kanyang sarili sa isang dalisay na paraan, isa itong positibong bagay at pagsasagawa ito ng katotohanan. Ginagawa ba ito ng mga anticristo? (Hindi.) Ano ang ginagawa nila? Palagi silang nagkukunwari, at kapag gumawa sila ng masama at nabibisto na sila, nagkukumahog sila sa pagtatago nito, pinapangatwiranan at ipinagtatanggol ang sarili, at ikinukubli ang mga katunayan—pagkatapos ay ibinibigay ang mga dahilan nila sa huli. Katumbas ba ng pagsasagawa ng katotohanan ang alinman sa mga pagsasagawang ito? (Hindi.) Naaayon ba sa mga katotohanang prinsipyo ang alinman sa mga ito? Mas lalong hindi.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalimang Ekskorsus
Ano ang pangunahing pagpapamalas ng kabuktutan ng isang anticristo? Iyon ay iyong malinaw nilang alam kung ano ang tama at kung ano ang umaayon sa katotohanan, pero pagdating sa paggawa nila ng isang bagay, pipiliin lamang nila ang lumalabag sa mga prinsipyo at sumasalungat sa katotohanan, at ang tumutugon sa kanilang mga interes at katayuan—ito ang pangunahing pagpapamalas ng buktot na disposisyon ng isang anticristo. Gaano man karaming salita at doktrina ang nauunawaan nila, gaano man kagandang pakinggan ang lengguwaheng ginagamit nila sa mga sermon, o gaano man sila mukhang may espirituwal na pang-unawa sa tingin ng ibang tao, kapag ginagawa nila ang mga bagay-bagay, pinipili lamang nila ang isang prinsipyo at isang pamamaraan, at iyon ay ang sumalungat sa katotohanan, ang protektahan ang kanilang mga interes, at ang labanan ang katotohanan hanggang sa huli, nang sandaang porsiyento—ito ang prinsipyo at pamamaraang pinipili nilang gawin. Bukod dito, ano mismo ang diyos at ang katotohanan na binubuo nila sa kanilang puso? Ang saloobin nila sa katotohanan ay iyong gusto lang nilang sabihin at maipangaral ito, at ayaw nilang isagawa ito. Nagsasalita lang sila tungkol dito, dahil gusto nilang tingalain sila ng mga hinirang na tao ng Diyos at pagkatapos ay magamit nila ito upang maagaw ang posisyon ng lider ng iglesia at makamit ang kanilang layon na makontrol ang mga hinirang na tao ng Diyos. Ginagamit nila ang pangangaral ng doktrina para makamit ang kanilang mga layon—hindi ba’t pagpapakita nila ito ng paghamak sa katotohanan, paglalaro sa katotohanan, at pagyurak sa katotohanan? Hindi ba’t lumalapastangan sila sa disposisyon ng Diyos sa pagtrato sa katotohanan sa ganitong paraan? Ginagamit lamang nila ang katotohanan. Sa puso nila, islogan ang katotohanan, ilang matataas na salita, matataas na salita na puwede nilang gamitin para iligaw ang mga tao at kunin ang loob ng mga ito, na makakapawi ng pagkauhaw ng mga tao sa mga kamangha-manghang bagay. Iniisip nila na walang sinuman sa mundong ito ang makapagsasagawa sa katotohanan o makapagsasabuhay sa katotohanan, na hindi talaga ito uubra, na imposible ito, at na ang mga kinikilala ng lahat at ang gumagana lamang ang siyang katotohanan. Kahit na pinag-uusapan nila ang katotohanan, sa puso nila ay hindi nila kinikilala na ito ay ang katotohanan. Paano natin masusubok ang bagay na ito? (Hindi nila isinasagawa ang katotohanan.) Hindi nila kailanman isinasagawa ang katotohanan; ito ay isang aspekto. At ano ang isa pang importanteng aspekto? Kapag nahaharap sila sa mga bagay sa tunay na buhay, ang doktrinang nauunawaan nila ay hindi kailanman gumagana. Mukha silang may tunay na espirituwal na pang-unawa, sunod-sunod silang nangangaral ng doktrina, pero kapag naharap sila sa mga isyu, baluktot ang mga pamamaraan nila. Kahit na hindi nila maisagawa ang katotohanan, ang ginagawa nila ay dapat umaayon man lang sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, umaayon sa mga pamantayan at kagustuhan ng mga tao, at kahit papaano ay katanggap-tanggap sa iba. Sa ganitong paraan, mananatiling matibay ang posisyon nila. Gayumpaman, sa tunay na buhay, ang mga ginagawa nila ay labis na baluktot, at sapat na ang isang tingin para masabing hindi nila nauunawaan ang katotohanan. Bakit hindi nila nauunawaan ang katotohanan? Sa puso nila, tutol sila sa katotohanan, hindi nila kinikilala ang katotohanan, nasisiyahan silang gawin ang mga bagay nang ayon sa mga pilosopiya ni Satanas, palagi nilang gustong pangasiwaan ang mga usapin gamit ang mga paraan ng tao, at kung kaya nilang makumbinsi ang iba at magkamit ng prestihiyo sa pamamagitan ng pangangasiwa nila sa mga bagay na ito, iyon ay sapat na sa kanila. Kapag naririnig ng anticristo ang isang tao na nangangaral ng hungkag na teorya kapag pumupunta siya sa isang lugar, masyado siyang nasasabik, pero kapag may isang tao roon na nangangaral ng katotohanang realidad at nagdedetalye ng gaya ng iba’t ibang kalagayan ng mga tao, pakiramdam niya palagi ay pinupuna siya at pinatatamaan sa puso niya ng tagapagsalita, kaya nasusuklam siya at ayaw niyang makinig. Kapag hinilingan siyang magbahagi tungkol sa kalagayan niya kamakailan, kung sumulong ba siya, at kung may nakaharap ba siyang kahit anong paghihirap sa pagganap niya sa kanyang tungkulin, wala siyang masabi. Kung magpapatuloy kang magbahagi sa aspektong ito ng katotohanan, nakakatulog siya; hindi siya nasisiyahang makinig dito. May ilan ding tao na lumalapit kapag nakikipagkuwentuhan ka sa kanila, pero kapag narinig nila ang isang tao na nagbabahagi tungkol sa katotohanan, nagtatago sila sa sulok at naiidlip—wala silang kahit anong pagmamahal sa katotohanan. Hanggang sa anong antas sila walang pagmamahal sa katotohanan? Sa di-gaanong seryosong banda, wala silang interes dito at sapat na sa kanila na maging mga trabahador; sa seryosong banda, tutol sila sa katotohanan, partikular silang nasusuklam sa katotohanan, at hindi nila ito matanggap. Kung ang ganitong uri ng tao ay isang lider, siya ay isang anticristo; kung siya naman ay isang ordinaryong tagasunod, tinatahak pa rin niya ang landas ng mga anticristo at siya ay isang umuusbong na anticristo. Sa panlabas, mukha siyang matalino at may kaloob, na may magandang potensiyal, pero ang kanyang kalikasang diwa ay sa isang anticristo—ganoon iyon.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Lihim na Mapanira, at Mapanlinlang (Unang Bahagi)
Mapanlaban at nasusuklam sa lahat ng positibong bagay at sa katotohanan ang mga taong gaya ng mga anticristo. Ang pagkamapanlaban at pagkasuklam ng mga anticristo sa katotohanan at sa mga positibong bagay ay hindi nangangailangan ng katwiran, ni hindi rin ito nangyayari bilang resulta ng panunulsol ng sinuman, at siguradong hindi ito resulta ng pagsapi ng isang masamang espiritu. Sa halip, sadyang likas na ayaw nila sa mga bagay na ito. Mapanlaban at namumuhi sila sa mga ito; sa kanilang buhay at kaibuturan, nasusuklam sila kapag nakakaharap nila ang mga positibong bagay. Kung magpapatotoo ka sa Diyos o makikipagbahaginan tungkol sa katotohanan sa kanila, magkakaroon sila ng pagkamuhi sa iyo, at maaari pa ngang maisipan nilang atakihin ka. Natalakay na natin sa nakaraan nating pagbabahaginan ang aspektong ito ng pagkamapanlaban at pagkasuklam ng mga anticristo sa mga positibong bagay, kaya hindi na natin ito muling tatalakayin sa pagkakataong ito. Sa pagbabahaginang ito, tatalakayin natin ang isa pang aspekto. Ano ang isa pang aspektong iyon? Mapanlaban at namumuhi ang mga anticristo sa mga positibong bagay, kung gayon, ano ang gusto nila? Ngayon, susuriin at hihimayin natin ang buktot na kalikasan ng mga anticristo mula sa bahagi at perspektibang ito. Kailangan ba ito? (Oo.) Kailangan ito. Mapagtatanto ba ninyo ito nang kayo lang? (Hindi.) Buktot na kalikasan ng mga anticristo ang kanilang pag-ayaw sa mga positibong bagay at sa katotohanan. Kaya, batay rito, isaalang-alang ninyong mabuti kung ano ang gusto ng mga anticristo, at kung anong klaseng mga bagay ang gusto nilang gawin, pati na rin ang paraan at diskarte nila sa paggawa ng mga bagay, at ang uri ng mga taong gusto nila—hindi ba’t isa itong mas magandang perspektiba at bahagi para tingnan ang kanilang buktot na kalikasan? Nagbibigay ito ng mas partikular at obhetibong pananaw. Una, ayaw ng mga anticristo sa mga positibong bagay, na nagpapahiwatig na mapanlaban sila sa mga ito at gusto nila ang mga negatibong bagay. Ano ang ilang halimbawa ng mga negatibong bagay? Mga kasinungalingan at panlalansi—hindi ba’t negatibong bagay ang mga ito? Oo, mga negatibong bagay ang mga kasinungalingan at panlalansi. Kaya, ano ang positibong katapat ng mga kasinungalingan at panlalansi? (Pagkamatapat.) Tama, ito ay pagkamatapat. Gusto ba ni Satanas ng pagkamatapat? (Hindi.) Gusto nito ng panlalansi. Ano ang unang hinihingi ng Diyos sa mga tao? Sinasabi ng Diyos, “Kung gusto mong manampalataya sa Akin at sumunod sa Akin, una sa lahat, dapat maging anong klaseng tao ka?” (Isang matapat na tao.) Kaya, ano ang unang bagay na tinuturo ni Satanas sa mga tao? Ang magsinungaling. Ano ang unang ebidensiya ng buktot na kalikasan ng mga anticristo? (Panlalansi.) Oo, gusto ng mga anticristo ang panlalansi, gusto nila ng mga kasinungalingan, at napopoot at namumuhi sila sa pagkamatapat. Bagama’t positibong bagay ang pagkamatapat, ayaw nila rito, sa halip ay nasusuklam at namumuhi sila rito. Sa kabaligtaran, gusto nila ang panlalansi at mga kasinungalingan. Kung palaging nagsasalita nang totoo ang isang tao sa harap ng mga anticristo, nagsasabi ng, “Gusto mong gumawa mula sa isang posisyon ng katayuan, at tamad ka minsan,” ano ang nararamdaman ng mga anticristo tungkol dito? (Hindi nila ito tinatanggap.) Isa sa mga saloobing taglay nila ang hindi pagtanggap dito, pero iyon lang ba? Ano ang saloobin nila sa taong ito na nagsasalita nang totoo? Nasusuklam sila at ayaw nila sa kanya. Sinasabi ng ilang anticristo sa mga kapatid, “Matagal-tagal ko na rin kayong pinamumunuan. Sige na, sabihin ninyong lahat ang opinyon ninyo tungkol sa akin.” Iniisip ng lahat, “Dahil napakasinsero mo, sasabihin namin sa iyo ang ilang puna.” Sinasabi ng ilan, “Napakaseryoso at napakamasigasig mo sa lahat ng ginagawa mo, at nagdusa ka ng maraming paghihirap. Hindi namin halos makaya na makita kang gayon, at nababagabag kami para sa iyo. Kailangan ng sambahayan ng Diyos ang mas maraming lider na gaya mo! Kung kinakailangan naming sabihin ang isang pagkukulang mo, iyon ay na masyado kang seryoso at masigasig. Kapag masyado kang mapapagod at mahahapo, hindi ka na makakagawa pa, hindi ba’t magiging katapusan na namin kung gayon? Sino ang mamumuno sa amin?” Kapag naririnig ito ng mga anticristo, nalulugod sila. Alam nilang kasinungalingan ito, na sumisipsip ang mga taong ito sa kanila, pero handa silang makinig sa mga ito. Sa katunayan, tinatrato ng mga taong ito ang mga anticristo na parang mga hangal, pero mas pipiliin ng mga anticristong ito na magpanggap na hangal kaysa ibunyag ang totoong kalikasan ng mga salitang ito. Gusto ng mga anticristo ang mga taong sumisipsip sa kanila nang ganito. Hindi sinasabi ng mga indibidwal na ito ang mga kamalian, tiwaling disposisyon, at pagkukulang ng mga anticristo. Sa halip, lihim nilang pinupuri at itinataas ang mga ito. Kahit na malinaw naman na mga kasinungalingan at pambobola ang mga salita ng mga taong ito, masayang tinatanggap ng mga anticristo ang mga salitang ito, nakakagaan ng loob at nakakalugod ang tingin nila sa mga ito. Para sa mga anticristo, mas masarap ang mga salitang ito kaysa sa pinakamasasarap na espesyal na pagkain. Matapos marinig ang mga salitang ito, nagiging mapagmalaki sila. Ano ang ipinapakita nito? Ipinapakita nito na may isang partikular na disposisyon sa loob ng mga anticristo na gustong-gusto ang mga kasinungalingan. Ipagpalagay na may magsasabi sa kanila, “Masyado kang mayabang, at hindi patas ang trato mo sa mga tao. Mabuti ka sa mga sumusuporta sa iyo, pero kapag may isang taong lumalayo sa iyo o hindi ka binobola, minamaliit at binabalewala mo siya.” Hindi ba’t totoo ang mga salitang ito? (Oo.) Ano ang nararamdaman ng mga anticristo pagkarinig nila rito? Hindi sila masaya. Ayaw nila itong marinig, at hindi nila ito matanggap. Sinusubukan nilang humanap ng mga palusot at maidadahilan para ipaliwanag ang mga bagay at ayusin ang mga bagay. Pagdating naman sa mga palaging nambobola sa mga anticristo nang harapan, na palaging nagsasabi ng mga salitang masarap pakinggan para palihim silang purihin, at malinaw pa ngang nilalansi sila gamit ang mga salita, hindi kailanman iniimbestigahan ng mga anticristo ang mga taong ito. Sa halip, ginagamit pa nga ng mga anticristo ang mga ito bilang mahahalagang tao. Naglalagay pa nga sila sa mahahalagang posisyon ng mga taong palaging nagsisinungaling, itinatalaga ang mga ito na gumawa ng partikular na mahahalaga at mga disenteng tungkulin, samantalang isinasaayos nila na ang mga palaging nagsasalita nang matapat, at madalas na nag-uulat ng mga isyu, na gumawa ng mga tungkulin sa mga hindi masyadong napapansing posisyon, na humahadlang sa mga ito na magkaroon ng ugnayan sa nakatataas na pamunuan o maging kilala o malapit sa karamihan ng tao. Hindi mahalaga kung gaano kahusay ang talento ng mga taong ito o anong mga tungkulin ang kaya nilang gawin sa sambahayan ng Diyos—binabalewala ng mga anticristo ang lahat ng iyon. Iniisip lang nila kung sino ang kayang manlansi at sino ang kapaki-pakinabang sa kanila; ito ang mga indibidwal na inilalagay nila sa mahahalagang posisyon, nang hindi isinasaalang-alang kahit kaunti ang mga interes ng sambahayan ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Lihim na Mapanira, at Mapanlinlang (Ikalawang Bahagi)
Dahil sa likas nilang buktot na disposisyon, hindi kailanman nagsasalita o kumikilos nang tuwiran ang mga anticristo. Hindi nila pinapangasiwaan ang mga bagay-bagay nang may matapat na saloobin at sinseridad, o hindi sila nagsasalita nang gamit ang mga matapat na salita at hindi sila kumikilos nang may saloobing taos-puso. Walang tuwiran sa sinasabi o ginagawa nila, sa halip, paligoy-ligoy at palihim ang mga ito, at hindi nila kailanman direktang ipinapahayag ang mga iniisip o motibasyon nila. Dahil naniniwala sila na kung ipapahayag nila ang mga ito, lubos silang mauunawaan at makikilatis, malalantad sa liwanag ang mga ambisyon at pagnanais nila, at hindi sila ituturing ng ibang tao bilang mataas o marangal, o hindi sila titingalain at sasambahin ng iba; kaya, palagi nilang sinusubukan na ikubli at itago ang kanilang mga di-marangal na motibo at mga pagnanais. Kaya, paano sila nagsasalita at kumikilos? Gumagamit sila ng iba’t ibang paraan. Gaya ng sinasabi ng mga walang pananampalataya, “pinapakiramdaman muna ang sitwasyon,” katulad niyon ang ginagamit na pamamaraan ng mga anticristo. Kapag may gusto silang gawin at may partikular silang pananaw o saloobin, hindi nila ito direktang ipinapahayag kailanman; sa halip, gumagamit sila ng mga partikular na pamamaraan tulad ng di-halata o patanong na pamamaraan o pag-uusisa sa mga tao para makalap ang impormasyong hinahanap nila. Dahil sa buktot nilang disposisyon, hindi kailanman hinahanap ng mga anticristo ang katotohanan, hindi rin nila nais na unawain ito. Ang tanging inaalala nila ay ang sarili nilang kasikatan, kapakinabangan, at katayuan. Gumagawa sila ng mga aktibidad na puwedeng magbigay sa kanila ng kasikatan, kapakinabangan, at katayuan, iniiwasan nila ang mga bagay na hindi magdudulot ng ganoong mga bagay. Masigasig silang umaako sa mga aktibidad na may kaugnayan sa reputasyon, katayuan, pamumukod-tangi, at karangalan, habang iniiwasan nila ang mga bagay na nagpoprotekta sa gawain ng iglesia o puwedeng makasakit ng damdamin ng iba. Samakatwid, hindi hinaharap ng mga anticristo ang anumang bagay nang may saloobin ng paghahanap; sa halip, gumagamit sila ng pamamaraan ng pagsubok para pakiramdaman ang mga bagay, at pagkatapos ay nagpapasya sila kung magpapatuloy ba sila—sadyang ganito katuso at kabuktot ang mga anticristo. Halimbawa, kapag gusto nilang malaman kung anong uri sila ng tao sa mata ng Diyos, hindi nila sinusuri ang sarili nila sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagkilala sa sarili nila. Sa halip, nagtatanong-tanong sila sa paligid at nakikinig sa mga pahayag na may pahiwatig, inoobserbahan ang tono at saloobin ng mga lider at ng ang Itaas, at naghahanap sa mga salita ng Diyos para makita kung paano tinutukoy ng Diyos ang mga kalalabasan ng mga taong tulad nila. Ginagamit nila ang mga landas at pamamaraang ito para makita kung saan sila nabibilang sa loob ng sambahayan ng Diyos at malaman kung ano ang kalalabasan nila sa hinaharap. Hindi ba’t may sangkot dito na kaunting kalikasan ng pagsubok? Halimbawa, pagkatapos mapungusan ang ilang tao, sa halip na suriin kung bakit sila napungusan, suriin ang mga tiwaling disposisyong ibinunyag nila at ang mga pagkakamaling nagawa nila sa mga kilos nila, at kung anong mga aspekto ng katotohanan ang dapat nilang hanapin para makilala ang sarili nila at maitama ang mga dati nilang pagkakamali, nagbibigay sila sa iba ng maling impresyon, gumagamit sila ng hindi direktang paraan para malaman ang tunay na saloobin ng ang Itaas patungkol sa kanila. Halimbawa, pagkatapos nilang mapungusan, mabilis silang nagbabanggit ng isang maliit na isyu na ikokonsulta nila sa ang Itaas, para malaman kung anong uri ng tono mayroon ang ang Itaas, kung pasensyoso ba ang ang Itaas, kung ang mga tanong ba na ikinokonsulta nila ay sasagutin nang seryoso, kung magiging malumanay ba ang saloobin ng ang Itaas sa kanila, kung pagkakatiwalaan ba sila ng ang Itaas ng mga gampanin, kung pahahalagahan pa rin ba sila ng ang Itaas, at kung ano ba talaga ang iniisip ng ang Itaas tungkol sa mga nagawa nilang pagkakamali dati. Ang lahat ng pamamaraang ito ay isang uri ng pagsubok. Sa madaling salita, kapag nahaharap sila sa mga gayong sitwasyon at nagpapakita ng mga pagpapamalas na ito, alam ba ng mga tao sa puso nila? (Oo, alam nila.) Kaya, kapag alam ninyo ito at gusto ninyong gawin ang mga bagay na ito, paano ninyo pinangangasiwaan ito? Una, sa pinakasimpleng antas, kaya mo bang maghimagsik laban sa sarili mo? Nahihirapan ang ilang tao na maghimagsik laban sa sarili nila kapag dumating na ang oras; pinag-iisipan nila ito, “Hindi bale na, ngayon ay may kinalaman ito sa mga pagpapala at kalalabasan ko. Hindi ko kayang maghimagsik laban sa sarili ko. Sa susunod na lang.” Kapag dumating ang susunod na pagkakataon, at muli silang nahaharap sa isang isyu na sangkot ang kanilang mga pagpapala at kalalabasan, natutuklasan nila na hindi pa rin nila kayang maghimagsik laban sa sarili nila. May konsensiya ang mga gayong indibidwal, at bagaman wala silang disposisyong diwa ng isang anticristo, medyo nagdudulot pa rin ito ng problema at mapanganib para sa kanila. Sa kabilang banda, madalas na iniisip ng mga anticristo ang mga ganitong kaisipan at namumuhay sila sa gayong kalagayan, pero hindi sila kailanman naghihimagsik laban sa sarili nila, dahil wala silang pakiramdam ng konsensiya. Kahit na may isang taong nagsisiwalat at nagpupungos sa kanila, na tumutukoy sa kalagayan nila, nagpapatuloy pa rin sila at talagang hindi sila naghihimagsik laban sa sarili nila, ni hindi nila kinamumuhian ang sarili nila dahil dito o hindi nila binibitiwan at nilulutas ang ganitong kalagayan. Pagkatapos matanggal ang ilang anticristo, iniisip nila, “Mukhang normal lang naman na matanggal, pero medyo nakakahiya ito. Bagaman hindi ito isang malaking usapin, may isang pinakamahalagang bagay na hindi ko kayang bitiwan. Kung natanggal ako, ibig sabihin ba niyon na hindi na ako lilinangin ng sambahayan ng diyos? Kung gayon, magiging anong klaseng tao ako sa mata ng diyos? Magkakaroon pa ba ako ng pag-asa? Magkakaroon pa ba ako ng silbi sa sambahayan ng diyos?” Pinag-iisipan nila ito at nakakabuo sila ng plano: “Mayroon akong sampung libong yuan, at ngayon na ang oras para gamitin ito. Ihahandog ko itong sampung libong yuan bilang handog, at titingnan ko kung makapagbabago nang kaunti ang saloobin ng ang itaas sa akin, at kung mapapaboran nila ako nang kaunti. Kung tatanggapin ng sambahayan ng diyos ang pera, ibig sabihin ay may pag-asa pa ako. Kung tatanggihan nito ang pera, pinatutunayan nito na wala na akong pag-asa, at bubuo ako ng ibang mga plano.” Anong uri ng pamamaraan ito? Pagsubok ito. Sa madaling salita, ang pagsubok ay isang medyo halatang pagpapamalas ng buktot na disposisyong diwa. Gumagamit ang mga tao ng iba’t ibang paraan para makuha ang impormasyong nais nila, magtamo sila ng katiyakan, at pagkatapos ay magkaroon ng payapang isipan. … Anuman ang pamamaraang ginagamit ng mga tao para tratuhin ang Diyos, kung nakokonsensiya sila tungkol dito, at pagkatapos ay magkakaroon sila ng kaalaman tungkol sa mga kilos at disposisyong ito at kayang agad baguhin ang mga ito, kung gayon, hindi ganoon kalaki ang problema—nabibilang ito sa mga normal na tiwaling disposisyon. Gayumpaman, kung kaya ng isang tao na patuloy at matigas na gawin ito, kahit na alam nilang mali ito at kinasusuklaman ng Diyos, pero ipinagpapatuloy pa rin nila ito, hindi kailanman naghihimagsik laban dito o isinusuko ito, ito ang diwa ng isang anticristo. Ang disposisyong diwa ng isang anticristo ay naiiba sa mga ordinaryong tao, dahil hindi nila kailanman pinagninilayan ang sarili nila o hinahanap ang katotohanan, pero patuloy at matigas silang gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan para subukin ang Diyos, ang Kanyang saloobin sa mga tao, ang Kanyang kongklusyon tungkol sa isang indibidwal, at kung ano ang Kanyang mga iniisip at ideya tungkol sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ng isang tao. Hindi nila kailanman hinahanap ang mga layunin ng Diyos, ang katotohanan, at lalong hindi ang paano magpasakop sa katotohanan para magkamit ng pagbabago sa disposisyon nila. Ang layon sa likod ng lahat ng kilos nila ay ang alamin ang mga iniisip at ideya ng Diyos—isa itong anticristo. Malinaw na buktot ang disposisyon na ito ng mga anticristo. Kapag ginagawa nila ang mga kilos na ito at ipinapakita nila ang mga pagpapamalas na ito, walang bakas ng pagkakonsensiya o pagsisisi. Kahit na inuugnay nila ang sarili nila sa mga bagay na ito, hindi sila nagpapakita ng pagsisisi o ng intensyong huminto, bagkus ay nagpapatuloy pa rin sila sa mga gawi nila. Sa kanilang pagtrato sa Diyos, sa kanilang saloobin, sa kanilang pamamaraan, maliwanag na itinuturing nila ang Diyos bilang kalaban nila. Sa mga iniisip at pananaw nila, walang ideya o saloobin ng pagkilala sa Diyos, pagmamahal sa Diyos, pagpapasakop sa Diyos, o pagkatakot sa Diyos; basta gusto lang nilang makuha ang impormasyong nais nila mula sa Diyos at gamitin ang sarili nilang mga pamamaraan at diskarte para matiyak ang tumpak na saloobin ng Diyos sa kanila at ang Kanyang depinisyon sa kanila. Ang mas malubha pa rito, kahit na itinutugma nila ang sarili nilang mga pamamaraan sa mga salita ng Diyos na paglalantad, kahit na mayroon silang pinakakatiting na kamalayan na kinasusuklaman ng Diyos ang pag-uugaling ito at hindi ito ang dapat gawin ng isang tao, hinding-hindi nila ito isusuko.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaanim na Ekskorsus
Nananampalataya sa Diyos ang mga anticristo para lamang sa layon na makapagtamo ng pakinabang at mga pagpapala. Kahit na magtiis sila ng kaunting pagdurusa o magbayad ng kaunting halaga, ito ay pawang para makipagtawaran sa Diyos. Napakalaki ng kanilang intensiyon at pagnanais na magtamo ng mga pagpapala at gantimpala, at mahigpit nila itong pinanghahawakan. Wala silang tinatanggap na kahit ano sa maraming katotohanang ipinahayag ng Diyos, sa puso nila ay palagi nilang iniisip na ang pananampalataya sa Diyos ay pawang tungkol sa pagtatamo ng mga pagpapala at pagtitiyak ng isang magandang hantungan, na ito ang pinakamataas na prinsipyo, at na walang makakalampas dito. Iniisip nila na hindi dapat manampalataya ang mga tao sa Diyos maliban na lang para sa kapakanan ng pagkamit ng mga pagpapala, at na kung hindi dahil sa mga pagpapala, ang pananampalataya sa Diyos ay magiging walang kahulugan o halaga, na mawawalan ito ng kahulugan at halaga. Ikinintal ba ng ibang tao ang mga ideyang ito sa mga anticristo? Nagmumula ba ang mga ito sa edukasyon o impluwensiya ng iba? Hindi, itinatakda ang mga ito ng likas na kalikasang diwa ng mga anticristo, na isang bagay na walang sinuman ang makakabago. Sa kabila ng pagsasalita ngayon ng napakaraming salita ng Diyos na nagkatawang-tao, walang tinatanggap na kahit na ano sa mga ito ang mga anticristo, sa halip ay nilalabanan at kinokondena nila ang mga ito. Hindi kailanman magbabago ang kalikasan nila na tutol sa katotohanan at namumuhi rito. Kung hindi sila makakapagbago, ano ang ipinahihiwatig nito? Ipinahihiwatig nito na buktot ang kanilang kalikasan. Hindi ito isyu ng paghahangad o hindi paghahangad sa katotohanan; isa itong buktot na disposisyon, walang pakundangang pagprotesta sa Diyos at paglaban sa Diyos. Ito ang kalikasang diwa ng mga anticristo; ito ang totoong mukha nila. Dahil nagagawa ng mga anticristo na walang pakundangang magprotesta at sumalungat sa Diyos, ano ang disposisyon nila? Buktot ito. Bakit Ko sinasabing buktot ito? Nangangahas ang mga anticristo na lumaban sa Diyos at magprotesta laban sa Kanya alang-alang sa pagkamit ng mga pagpapala, at para sa kasikatan, pakinabang, at katayuan. Bakit sila nangangahas na gawin ito? Sa kaibuturan ng puso nila ay may isang puwersa, isang buktot na disposisyong namamahala sa kanila, kaya nagagawa nilang kumilos nang walang pakundangan, makipagtalo sa Diyos, at magprotesta laban sa Kanya. Bago pa sabihin ng Diyos na hindi Niya sila bibigyan ng korona, bago alisin ng Diyos ang kanilang hantungan, sumisiklab ang buktot nilang disposisyon mula sa kanilang puso at sinasabi nila, “Kung hindi mo ako bibigyan ng korona at ng hantungan, aakyat ako sa ikatlong langit at makikipagtalo sa iyo!” Kung hindi dahil sa kanilang buktot na disposisyon, saan sila makakahanap ng gayong enerhiya? Kaya ba ng karamihan ng tao na magkaroon ng gayong lakas ng loob? Bakit hindi naniniwala ang mga anticristo na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan? Bakit mahigpit silang kumakapit sa kanilang pagnanais para sa mga pagpapala? Hindi ba’t kabuktutan na naman nila ito? (Oo.) Naging ambisyon at pagnanais ng mga anticristo ang mismong mga pagpapala na ipinapangako ng Diyos na ipagkakaloob sa mga tao. Determinado ang mga anticristong matamo ang mga iyon, pero ayaw nilang sundan ang daan ng Diyos, at hindi nila mahal ang katotohanan. Sa halip, hinahangad nila ang mga pagpapala, gantimpala, at korona. Bago pa man sabihin ng Diyos na hindi Niya ipagkakaloob ang mga ito sa kanila, gusto na nilang makipag-agawan sa Diyos. Ano ang lohika nila? “Kung hindi ako magtatamo ng mga pagpapala at gantimpala, makikipagtalo ako sa iyo, sasalungatin kita, at sasabihin kong hindi ka diyos!” Hindi ba’t pinagbabantaan nila ang Diyos sa pagsasabi ng mga gayong bagay? Hindi ba’t sinusubukan nilang pabagsakin ang Diyos? Nangangahas pa nga silang itatwa ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay. Basta’t hindi umaayon sa kalooban nila ang mga kilos ng Diyos, nangangahas silang itatwa na ang Diyos ang Lumikha, ang nag-iisang tunay na Diyos. Hindi ba’t disposisyon ito ni Satanas? Hindi ba’t kabuktutan ito ni Satanas? May pagkakaiba ba sa pagitan ng kung paano kumikilos ang mga anticristo at ng saloobin ni Satanas sa Diyos? Ganap na maituturing na magkapareho ang dalawang pamamaraang ito. Ayaw ng mga anticristo na kilalanin ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, at gusto nilang agawin ang mga pagpapala, gantimpala, at korona mula sa mga kamay ng Diyos. Anong klaseng disposisyon ito? Sa anong batayan nila hinihiling na kumilos at agawin ang mga bagay na gaya nito? Paano sila nakakahugot ng gayong lakas ng loob? Ang kadahilanan para dito ay puwede nang ibuod nang ganito: Ito ang kabuktutan ng mga anticristo. Hindi minamahal ng mga anticristo ang katotohanan, pero gusto pa rin nilang magtamo ng mga pagpapala at korona, at agawin ang mga gantimpalang ito sa mga kamay ng Diyos. Hindi ba’t hinahangad nila ang kamatayan? Nababatid ba nilang hinahangad nila ang kamatayan? (Hindi nila ito nababatid.) Maaaring medyo nararamdaman din nila na imposible para sa kanila na magtamo ng mga gantimpala, kaya nagsasabi muna sila ng isang pahayag gaya ng, “Kung hindi ako magtatamo ng mga pagpapala, aakyat ako sa ikatlong langit at makikipagtalo sa diyos!” Nakikita na nila nang maaga na magiging imposible para sa kanila na magtamo ng mga pagpapala. Kung tutuusin, maraming taon nang nagpoprotesta laban sa Diyos si Satanas sa himpapawid, at ano ang ibinigay ng Diyos dito? Ang tanging pahayag ng Diyos dito ay: “Kapag natapos na ang gawain, ihahagis kita sa walang hanggang hukay. Nababagay ka sa walang hanggang hukay!” Ito lamang ang “pangako” ng Diyos kay Satanas. Hindi ba’t baluktot na nagnanais pa rin ito ng mga gantimpala? Kabuktutan ito. Antagonistiko sa Diyos ang likas na diwa ng mga anticristo, at hindi nga rin alam ng mga anticristo mismo kung bakit ganito. Nakatuon lamang ang kanilang puso sa pagkakamit ng mga pagpapala at korona. Tuwing may kaugnayan ang anumang bagay sa katotohanan o sa Diyos, lumilitaw ang paglaban at galit sa loob nila. Kabuktutan ito. Maaaring hindi maunawaan ng mga normal na tao ang mga panloob na damdamin ng mga anticristo; napakahirap nito sa mga anticristo. Nagtataglay ng gayong napakalalaking ambisyon ang mga anticristo, nagkikimkim sila ng gayon kalaking buktot na enerhiya sa loob nila, at ng gayon kalaking pagnanais para sa mga pagpapala. Puwede silang mailarawan bilang nag-aalab sa pagnanais. Pero patuloy na nagbabahaginan ang sambahayan ng Diyos tungkol sa katotohanan—siguradong napakasakit at napakahirap para sa kanila na marinig ito. Siguradong pinipilit nila ang kanilang sarili at nagpapanggap sila nang husto para pagtiisan ito! Hindi ba’t isa itong uri ng buktot na puwersa? Kung hindi minamahal ng mga ordinaryong tao ang katotohanan, hindi magiging interesante sa kanila ang buhay iglesia at makakaramdam pa sila ng pagkasuklam dito. Mas magiging pagdurusa kaysa kasiyahan para sa kanila ang pagbabasa sa mga salita ng Diyos at pagbabahagi tungkol sa katotohanan. Kung gayon, paano ito nagagawang tiisin ng mga anticristo? Dahil ito sa napakalaki ng pagnanais nila para sa mga pagpapala na napipilit sila nitong agrabyaduhin ang kanilang sarili at atubiling tiisin ito. Bukod pa rito, pinapasok nila ang sambahayan ng Diyos para umakto bilang mga alipin ni Satanas, at ilaan ang kanilang sarili para magdulot ng mga pagkagambala at kaguluhan sa gawain ng iglesia. Naniniwala silang ito ang misyon nila, at hanggang hindi nila natatapos ang gampanin nila na labanan ang Diyos, hindi sila napapanatag at pakiramdam nila ay nabigo nila si Satanas. Itinatakda ito ng kalikasan ng mga anticristo.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Lihim na Mapanira, at Mapanlinlang (Ikalawang Bahagi)
Sigurado at walang duda na hindi tinatanggap ng mga anticristo ang katotohanan; kung kaya nilang tanggapin ang katotohanan, hindi sila magiging anticristo. Kaya, bakit ginagawa pa rin ng mga anticristo ang kanilang mga tungkulin? Ano ba mismo ang intensiyon nila sa paggawa ng kanilang mga tungkulin? Ito ay para “tumanggap ng isang daang beses sa buhay na ito at ng walang-hanggang buhay sa mundong darating.” Ganap nilang sinusunod ang kasabihang ito sa mga tungkulin nila. Hindi ba’t isa itong transaksiyon? Tiyak na isa itong transaksiyon. Batay sa kalikasan ng transaksiyong ito, hindi ba’t isa itong buktot na disposisyon? (Oo.) Kung gayon, sa anong paraan sila buktot? Mayroon bang makapagsasabi sa Akin? (Bagama’t naririnig ng mga anticristo ang napakaraming katotohanang ipinahayag ng Diyos, hindi nila kailanman hinahangad ang mga ito. Mahigpit silang kumakapit sa katayuan nila at hindi sila bumibitiw, at ginagawa lang nila ang kanilang tungkulin para sa pansarili nilang kapakinabangan at para gumamit ng kapangyarihan sa iba.) Medyo tama ang sagot na iyan, medyo naunawaan mo ito, pero hindi pa ito sapat na detalyado. Kung alam na alam nilang mali ang makipagtransaksiyon sa Diyos, ngunit nagpapatuloy pa rin sila hanggang sa huli at tumatangging magsisi, kung gayon ay malubha ang problemang ito. Sa panahon ngayon, ginagawa ng karamihan ng tao ang mga tungkulin nila nang may intensiyong makapagkamit ng mga pagpapala. Gusto nilang lahat na gamitin ang paggampan ng kanilang mga tungkulin para magantimpalaan sila at makakuha ng korona, at hindi nila naiintindihan ang kahalagahan ng paggampan ng tungkulin ng isang tao. Kailangang pagbahaginan nang malinaw ang problemang ito. Kaya, pag-usapan muna natin kung paano nagkaroon ng tungkulin ang tao. Gumagawa ang Diyos para pamahalaan at iligtas ang sangkatauhan, kaya siyempre, mayroon Siyang mga hinihingi sa kanila. Ang mga hinihinging ito ang tungkulin ng tao. Malinaw na ang tungkulin ng tao ay nagmumula sa gawain ng Diyos at sa mga hinihingi Niya sa sangkatauhan. Anuman ang tungkuling ginagampanan ng tao, ito ang pinakanararapat na bagay, at ang pinakamaganda at pinakamakatarungang bagay sa gitna ng sangkatauhan. Bilang mga nilikha, dapat gampanan ng mga tao ang tungkulin nila, at saka lamang sila makatatanggap ng pagsang-ayon ng Lumikha. Namumuhay ang mga nilikha sa ilalim ng kapamahalaan ng Lumikha, at tinatanggap nila ang lahat ng ibinibigay ng Diyos at lahat ng nagmumula sa Diyos, kaya dapat nilang tuparin ang kanilang mga responsabilidad at obligasyon. Ito ay ganap na likas at may katwiran, at inorden ng Diyos. Mula rito ay makikita na, ang paggampan ng tao sa tungkulin ng isang nilikha ay mas makatarungan, maganda, at marangal kaysa sa anumang iba pang bagay na nagawa habang namumuhay sa mundo ng tao; wala sa sangkatauhan ang mas makabuluhan o karapat-dapat, at walang nagdudulot ng mas malaking kabuluhan at halaga sa buhay ng isang nilikhang tao, kaysa sa paggampan sa tungkulin ng isang nilikha. Sa lupa, tanging ang grupo ng mga taong tunay at taos-pusong gumaganap ng tungkulin ng isang nilikha ang siyang mga nagpapasakop sa Lumikha. Hindi sumusunod sa mga makamundong kalakaran ang grupong ito; nagpapasakop sila sa pamumuno at pamamatnubay ng Diyos, nakikinig lamang sa mga salita ng Lumikha, tumatanggap sa mga katotohanang ipinapahayag ng Lumikha, at namumuhay ayon sa mga salita ng Lumikha. Ito ang pinakatunay, pinakamatunog na patotoo, at ito ang pinakamagandang patotoo ng pananampalataya sa Diyos. Ang magampanan ng isang nilikha ang tungkulin ng isang nilikha, ang mabigyang-kasiyahan ang Lumikha, ay ang pinakamagandang bagay sa gitna ng sangkatauhan, at isa itong bagay na dapat ipalaganap sa gitna ng sangkatauhan bilang isang kuwento na pupurihin. Anumang ipinagkakatiwala ng Lumikha sa mga nilikha ay dapat nilang tanggapin nang walang kondisyon; para sa sangkatauhan, ito ay isang usapin ng kapwa kaligayahan at pribilehiyo, at para sa lahat ng gumagampan sa tungkulin ng isang nilikha, wala nang ibang mas maganda o karapat-dapat na tandaan—ito ay isang positibong bagay. At patungkol naman sa kung paano tinatrato ng Lumikha ang mga kayang gumampan sa tungkulin ng isang nilikha, at sa kung ano ang ipinapangako Niya sa kanila, nasa Lumikha na iyon; walang kinalaman doon ang nilikhang sangkatauhan. Sa mas payak at simpleng pananalita, ang Diyos na ang magpapasya rito, at walang karapatang makialam ang tao. Makukuha mo ang anumang ibibigay sa iyo ng Diyos, at kung wala Siyang ibigay sa iyo, wala kang puwedeng sabihin tungkol dito. Kapag tinatanggap ng isang nilikha ang atas ng Diyos, at nakikipagtulungan siya sa Lumikha sa pagganap sa kanyang tungkulin at ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya, hindi ito isang transaksiyon o pakikipagpalitan; hindi dapat tangkain ng tao na ipagpalit ang mga pagpapahayag ng mga saloobin o kilos at pag-uugali para sa anumang pangako o pagpapala mula sa Diyos. Kapag ipinagkakatiwala ng Lumikha ang gawaing ito sa inyo, tama at nararapat lang na bilang mga nilikha, tanggapin ninyo ang mga tungkulin at atas na ito. Mayroon bang anumang transaksiyon dito? (Wala.) Sa panig ng Lumikha, handa Siyang ipagkatiwala sa bawat isa sa inyo ang isang tungkulin na dapat gampanan ng tao; at sa panig ng nilikhang sangkatauhan, dapat na malugod na tanggapin ng tao ang mga tungkuling ito, tratuhin ang mga ito bilang obligasyon ng kanyang buhay, at bilang halagang dapat niyang isabuhay sa buhay na ito. Walang transaksiyon dito, hindi ito pakikipagpalitan na may katumbas na halaga, at lalong hindi kinasasangkutan ng anumang gantimpala o ibang pahayag na iniisip ng tao. Hinding-hindi ito isang kalakalan; hindi ito tungkol sa pakikipagpalitan sa halagang ibinabayad ng tao o sa pagsisikap na ibinibigay niya kapag ginagampanan ang kanyang tungkulin para sa ibang bagay. Hindi iyon kailanman sinabi ng Diyos, at hindi dapat ganoon ang pagkaunawa ng tao rito. Nagbibigay ang Lumikha sa sangkatauhan ng mga atas, at isinasagawa ng mga nilikha ang paggampan ng kanilang mga tungkulin matapos nilang tanggapin mula sa Lumikha ang mga atas na ibinibigay ng Diyos. Sa usaping ito, sa prosesong ito, walang anumang transaksiyonal; ito ay talagang isang simple at nararapat na bagay. Para itong sa mga magulang, na matapos isilang ang kanilang mga anak, ay pinalalaki ang mga ito nang walang kondisyon o reklamo. Tungkol naman sa kung lalaki at magiging mabubuting anak ba ang mga ito, mula sa araw ng kanilang kapanganakan, walang gayong mga hinihingi ang kanilang mga magulang. Walang ni isang magulang na pagkatapos manganak ay nagsasabi, “Pinapalaki ko lang siya para paglingkuran at parangalan niya ako sa hinaharap. Kung hindi niya ako pararangalan, sasakalin ko siya hanggang sa mamatay ngayon mismo.” Walang ni isang magulang na ganito. Kaya, batay sa paraan ng pagpapalaki ng mga magulang sa mga anak nila, ito ay isang obligasyon, isang responsabilidad, hindi ba? (Oo.) Patuloy na palalakihin ng mga magulang ang kanilang mga anak, mabuting anak man ang mga ito o hindi, at anuman ang mga paghihirap, palalakihin nila ang mga anak hanggang sa umabot ang mga ito sa hustong gulang, at umaasa sila sa ikabubuti para sa mga ito. Walang kondisyon o transaksiyon sa responsabilidad at obligasyong ito ng mga magulang sa kanilang mga anak. Iyong mga may kaugnay na karanasan ay dapat na magawang maunawaan ito. Karamihan ng mga magulang ay walang hinihinging mga pamantayan sa kung mabuti ba ang kanilang mga anak o hindi. Kung mabuti ang mga anak nila, mas magiging masayahin sila, at magiging mas masaya sila sa pagtanda nila. Kung hindi mabuti ang kanilang mga anak, hahayaan na lang nila ito na maging ganoon. Ganito mag-isip ang karamihan ng magulang na may medyo bukas na isipan. Sa kabuuan, ito man ay mga magulang na nagpapalaki ng kanilang mga anak o mga anak na sumusuporta sa kanilang mga magulang, ang usaping ito ay usapin ng pagsasakatuparan ng responsabilidad, ng obligasyon, at bahagi ito ng inaasahang papel ng isang tao. Siyempre, pawang maliliit na usapin lang ito kumpara sa paggampan ng isang nilikha sa tungkulin niya, pero sa mga usapin ng mundo ng tao, ang mga ito ang kabilang sa mas magaganda at mga makatarungang bagay. Hindi na kailangang sabihin na mas lalong totoo ito pagdating sa paggampan ng isang nilikha sa tungkulin niya. Bilang isang nilikha, kapag humarap ang isang tao sa Lumikha, kailangan niyang gampanan ang kanyang tungkulin. Ito ay isang bagay na talagang nararapat gawin, at ito ang responsabilidad na dapat tuparin ng tao. Sa batayan na ginagampanan ng mga nilikha ang kanilang mga tungkulin, nakagawa ang Lumikha ng mas higit na dakilang gawain sa sangkatauhan, isinakatuparan Niya ang isang karagdagang hakbang ng gawain sa tao. At anong gawain iyon? Tinutustusan Niya ang sangkatauhan ng katotohanan, na tinutulutan silang makamit ang katotohanan mula sa Diyos habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin at sa ganoong paraan ay naiwawaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon at nadadalisay sila, natutugunan nila ang mga layunin ng Diyos at tumatahak na sila sa tamang landas ng buhay, at, sa huli, nagagawa nilang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan, magtamo ng ganap na kaligtasan, at hindi na mapasailalim sa mga pagpapahirap ni Satanas. Ito ang panghuling epektong nilalayon ng Diyos na makamit sa pamamagitan ng pagpapagampan sa mga tao ng mga tungkulin. Samakatwid, sa proseso ng pagganap sa iyong tungkulin, hindi lamang ipinapakilatis ng Diyos sa iyo nang malinaw ang isang bagay at ipinapaunawa ang kaunting katotohanan, ni hindi ka lamang Niya hinahayaang matamasa ang biyaya at mga pagpapala na natatanggap mo sa pamamagitan ng paggampan sa iyong tungkulin bilang isang nilikha. Bagkus, pinahihintulutan ka Niyang madalisay at maligtas, at, sa huli, ay makapamuhay sa liwanag ng mukha ng Lumikha. Ang “liwanag ng mukha” na ito ng Lumikha ay kinapapalooban ng maraming pinalawig na kahulugan at nilalaman—hindi natin ito tatalakayin ngayon. Siyempre, tiyak na magbibigay ng mga pangako at pagpapala ang Diyos sa gayong mga tao, at gagawa ng iba’t ibang pahayag tungkol sa mga ito—ibang usapan pa ang bagay na ito. Patungkol sa kasalukuyan at ngayon, ano ang tinatanggap ng lahat ng humaharap sa Diyos at gumagampan ng kanilang tungkulin bilang isang nilikha mula sa Diyos? Ang katotohanan at buhay, ang mga pinakamahalaga at pinakamagandang bagay sa sangkatauhan. Wala ni isang nilikha sa sangkatauhan ang madaling makatatanggap ng gayong mga pagpapala mula sa kamay ng Lumikha. Ang gayon kaganda at gayon kalaking bagay ay binaluktot at ginawang isang transaksiyon ng kauri ng mga anticristo, kung saan pilit silang humihingi ng mga korona at gantimpala mula sa kamay ng Diyos. Ginagawang napakapangit at napakabuktot ng gayong transaksiyon ang isang bagay na napakaganda at napakamakatarungan. Hindi ba ito ang ginagawa ng mga anticristo? Kung pagbabatayan ito, hindi ba’t buktot ang mga anticristo? Talagang buktot nga sila!
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikapitong Bahagi)
Ang paglutas sa isyu ng isang tiwaling disposisyon ay dapat magsimula sa pagkilala sa sarili. Kailangan nito ng pagbibigay ng buong-pansin, ng unti-unting pagtuon sa pagsusuri ng mga intensiyon at kalagayan ng isang tao, at ng palagiang pagsusuri kapwa sa mga intensiyon at nakagawian ng sariling pananalita ng isang tao. At balang araw ay biglang mapagtatanto: “Palagi akong nagsasabi ng magagandang bagay upang magbalatkayo, umaasang magkakamit ng katayuan sa puso ng iba. Ito ay isang buktot na disposisyon. Hindi ito pagbubunyag ng normal na pagkatao at hindi ito ayon sa katotohanan. Ang buktot na paraan ng pagsasalita at intensiyong ito ay mali, at dapat baguhin at iwaksi.” Matapos mapagtanto ito, mas malinaw mong mararamdaman ang kalubhaan ng buktot mong disposisyon. Inakala mong ang kabuktutan ay ukol lamang sa pag-iral ng kaunting buktot na pagnanasa sa pagitan ng isang lalaki at isang babae, at pakiramdam mo na bagamat nagpakita ka ng ganoong kabuktutan, hindi ka isang taong may buktot na disposisyon. Ipinahihiwatig nito na wala kang pagkaunawa ukol sa buktot na disposisyon; tila alam mo ang mababaw na kahulugan ng salitang “buktot” ngunit hindi mo tunay na makilala o makilatis ang isang buktot na disposisyon; at sa katunayan, hindi mo pa rin naunawaan kung ano ang ibig sabihin ng salitang “buktot.” Kapag napagtanto mo na nagpakita ka ng isang buktot na disposisyon, magsisimula kang magnilay-nilay sa sarili mo at makilala ito, at siyasatin ang pinagmulan nito, at makita na mayroon ka ngang ganitong uri ng tiwaling disposisyon. Ano ang dapat mong gawin pagkatapos? Dapat ay patuloy mong suriin ang mga intensiyon mo sa loob ng mga buktot na paraan mo ng pagsasalita. Sa pamamagitan ng ganitong patuloy na pagninilay, makikilala mo nang may mas higit na pagkalehitimo at katumpakan na mayroon ka ngang ganitong uri ng disposisyon at diwa. Sa araw na tunay mong aaminin na mayroon ka ngang buktot na disposisyon, saka ka lamang mamumuhi at masusuklam sa katunayan na napakalalim ng pagkatiwali ng loob mo. Mula sa pag-aakalang siya ay mabuting tao, na may matuwid na asal, may pagpapahalaga sa katarungan, isang taong may moral na integridad, isang taong totoo, siya ay nagiging isang taong nakikilala na mayroon siyang mga kalikasang diwa katulad ng kayabangan, katigasan ng kalooban, panlilinlang, kabuktutan, at pagtutol sa katotohanan. Sa puntong iyon, matutukoy na niya nang tumpak ang sarili niya at makikilala kung ano talaga siya. Ang simpleng pasalitang pag-amin o pabasta-bastang pagkilala na mayroon kang mga pagpapamalas at kalagayan na ito ay hindi magdudulot ng tunay na pagkamuhi. Ang tanging paraan upang tunay na kamuhian ng isang tao ang sarili niya ay ang pagkilala na ang diwa ng mga tiwaling disposisyong ito ay ang kasuklam-suklam na mukha ni Satanas. Anong uri ng pagkatao ang kailangan upang tunay na makilala ang sarili hanggang sa punto ng pagkamuhi sa sarili? Dapat mahalin ng isang tao ang mga positibong bagay, mahalin ang katotohanan, mahalin ang katarungan at ang katuwiran, magkaroon ng konsensiya at kamalayan, maging mabait at magawang tanggapin at isagawa ang katotohanan—ang ganitong mga tao ay tunay na makakakilala at mamumuhi sa sarili nila.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagkakilala sa Sarili ay Mahalaga sa Paghahangad ng Katotohanan
Kaugnay na mga Patotoong Batay sa Karanasan
Ang Makita sa Wakas ang Aking Pagkamapanlinlang
Dapat Kang Maging Matapat Upang Maligtas