6. Paano lutasin ang problema ng pagtrato sa mga tao nang ayon sa mga damdamin

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Ano ang diwa ng mga damdamin? Ito ay ang pag-una sa mga damdamin ng laman, at pagsasantabi sa mga katotohanang prinsipyo. Ang mga pagpapamalas ng mga damdamin ay mailalarawan gamit ang ilang salita at parirala: paboritismo, pagprotekta sa iba nang walang prinsipyo, pagpapanatili ng mga ugnayan ng laman, at kawalan ng pagiging patas. Ang mga ito ang mga damdamin. Ano ang mga posibleng kahihinatnan ng pagkakaroon ng mga tao ng mga damdamin at pamumuhay ayon sa mga ito? Bakit pinakakinasusuklaman ng Diyos ang mga damdamin ng mga tao? Ang ilang tao ay palaging nalilimitahan ng kanilang mga damdamin, hindi nila maisagawa ang katotohanan, at bagama’t nais nilang magpasakop sa Diyos, hindi nila magawa, kaya pakiramdam nila ay pinahihirapan sila ng kanilang mga damdamin. Maraming tao ang nakakaunawa sa katotohanan ngunit hindi ito maisagawa; ito rin ay dahil nalilimitahan sila ng mga damdamin. Halimbawa, nililisan ng ilang tao ang kanilang tahanan upang gawin ang kanilang mga tungkulin, ngunit araw-gabi nilang iniisip ang kanilang pamilya, at hindi man lang nila magawa nang maayos ang kanilang mga tungkulin. Hindi ba’t problema ito? Ang ilang tao ay may lihim na nagugustuhang tao, at ang taong iyon lang ang nag-iisa sa kanilang puso, na nakaaapekto sa paggampan nila sa kanilang mga tungkulin. Hindi ba’t problema ito? Hinahangaan at iniidolo ng ilang tao ang isang partikular na tao; wala silang ibang pinakikinggan kundi ang taong iyon, hanggang sa puntong ni hindi na sila nakikinig sa sinasabi ng Diyos. Kahit na may ibang taong nagbabahagi ng katotohanan sa kanila, ayaw nila itong tanggapin; ang mga salita lang ng taong iyon ang pinakikinggan nila, ang mga salita ng idolo nila. Ang ilang tao ay may idolo sa kanilang puso, at hindi nila pinahihintulutan ang ibang tao na punahin o salungatin ito. Kung may magsasalita tungkol sa mga problema ng idolo nila, nagagalit sila at iginigiit nilang ipagtanggol ang kanilang idolo at baligtarin ang mga salita ng taong iyon. Hindi nila hinahayaang magtiis ang kanilang idolo ng “pagkaagrabyado na hindi pa naitatama,” at ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila upang protektahan ang reputasyon ng idolo nila. Gamit ang kanilang mga salita, ginagawa nilang tama ang mga kamalian ng kanilang idolo, at hindi nila hinahayaan ang mga tao na sabihin ang katotohanan o ilantad ang kanilang idolo. Ito ay kawalan ng pagiging patas; mga damdamin ang tawag dito. Nakapatungkol lang ba ang mga damdamin sa pamilya ng isang tao? (Hindi.) Ang mga damdamin ay isang uri ng tiwaling disposisyon, na kinabibilangan ng malawak na aspekto ng mga bagay. Ang mga ito ay hindi lamang tungkol sa mga ugnayan ng laman ng mga miyembro ng pamilya, hindi limitado sa ganoong saklaw ang mga iyon. Maaari ding magkaroon ng kinalaman ang mga iyon sa nakatataas sa iyo, o sa isang taong nagbigay ng pabor o tumulong sa iyo, o sa isang taong pinakamalapit sa iyo o kasundo mo, o sa kababayan o kaibigan mo, o sa isang taong hinahangaan mo—hindi ito tiyak. Kung gayon, ang pagwawaksi ba ng mga damdamin ay kasing simple lang ng hindi pag-iisip sa iyong mga magulang o pamilya? (Hindi.) Napakadali bang magwaksi ng mga damdamin? Karamihan sa mga tao, kapag nasa dekada 30 na ang edad nila at kaya na nilang mamuhay nang nagsasarili, hindi na sila masyadong nangungulila sa kanilang tahanan, at kapag nasa dekada 40 na ang edad nila, nagiging ganap na normal na ito. Kapag wala pa sa hustong gulang ang mga tao, madali silang mangulila sa kanilang tahanan at hindi nila maiwan ang kanilang mga magulang dahil hindi pa nila taglay ang abilidad na manatiling buhay nang nagsasarili. Normal lang na mangulila sa iyong pamilya at mangulila sa iyong mga magulang. Hindi ito isang usapin ng mga damdamin. Kapag ang iyong saloobin at pananaw sa paggawa ng mga bagay-bagay ay nahahaluan ng mga damdamin, saka ito nagiging usapin ng mga damdamin.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Katotohanang Realidad?

Anong mga isyu ang may kaugnayan sa mga damdamin? Una ay kung paano mo sinusuri ang iyong sariling mga kapamilya, at kung paano mo hinaharap ang mga bagay na ginagawa nila. Natural na kasama rito sa “ang mga bagay na ginagawa nila” kapag kanilang ginagambala at ginugulo ang gawain ng iglesia, kapag hinuhusgahan nila ang mga tao kapag nakatalikod ang mga ito, kapag lumalahok sila sa ilang pagsasagawa ng mga hindi mananampalataya, at iba pa. Kaya mo bang harapin ang mga bagay na ito nang patas? Kapag kailangan mong magsulat ng isang pagsusuri sa iyong mga kapamilya, magagawa mo ba ito nang obhetibo at patas, nang isinasantabi ang iyong sariling mga damdamin? May kinalaman ito sa kung paano mo hinaharap ang iyong mga kapamilya. Dagdag pa rito, nagkikimkim ka ba ng mga damdamin sa mga taong kasundo mo o sa mga dati nang tumulong sa iyo? Kaya mo bang tingnan ang kanilang mga kilos at asal sa isang obhetibo, patas, at tumpak na paraan? Kung ginagambala at ginugulo nila ang gawain ng iglesia, magagawa mo bang agarang iulat o ilantad sila pagkatapos mo itong malaman? Gayundin, nagtataglay ka ba ng mga damdamin sa mga taong medyo malapit sa iyo o sa mga may interes na pareho sa iyo? Mayroon ka bang patas at obhetibong pagsusuri, depinisyon, at paraan ng pagharap sa kanilang mga kilos at pag-uugali? Ipagpalagay na ang mga taong ito, na may sentimental na koneksiyon sa iyo, ay pinangasiwaan ng iglesia ayon sa mga prinsipyo, at hindi naaayon sa iyong sariling mga kuru-kuro ang kinalabasan nito—paano mo ito haharapin? Magagawa mo bang sumunod? Palihim mo bang ipagpapatuloy ang masangkot sa kanila, at ikaw ba ay malilihis at mauudyukan pa nga nila na magpalusot para sa kanila, pangatwiranan sila, at ipagtanggol sila? Tutulungan mo ba ang mga tumulong sa iyo at ilalagay mo ba ang sarili mo sa panganib para sa kanila, habang binabalewala ang mga katotohanang prinsipyo at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos? Hindi ba’t may kinalaman ang iba’t ibang isyung iyon sa mga damdamin? Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ba’t ang mga damdamin ay may kaugnayan lang sa mga kamag-anak at kapamilya? Hindi ba’t ang saklaw lang ng mga damdamin ay ang iyong mga magulang, kapatid, at iba pang kapamilya?” Hindi, kasama sa mga damdamin ang malawak na saklaw ng mga tao. Kalimutan na ang tungkol sa patas na pagsusuri sa kanilang sariling mga kapamilya—hindi man lang masuri nang patas ng ilang tao ang kanilang malalapit na kaibigan at kabarkada, at binabaluktot pa nila ang mga katunayan kapag nagsasalita sila tungkol sa mga taong ito. Halimbawa, kung hindi inaasikaso ng kanilang kaibigan ang gawain na marapat nitong gawin at palaging gumagawa ng mga baluktot at buktot na gawain sa tungkulin nito, ilalarawan nila ito bilang masyadong mapaglaro, at sasabihing hindi pa sapat ang gulang at hindi pa matatag ang pagkatao nito. Hindi ba’t may mga damdamin sa loob ng mga salitang ito? Ito ay pagsasalita ng mga salitang puno ng mga damdamin. Kung ang isang tao na walang koneksiyon sa kanila ay hindi nag-aasikaso sa gawain na marapat nitong gawin at nakikibahagi sa mga baluktot at buktot na gawain, magsasalita sila ng mas malulupit na salita tungkol sa mga ito, at maaaring kondenahin pa nila ang mga ito. Hindi ba’t pagpapamalas ito ng pagsasalita at pagkilos batay sa mga damdamin? Patas ba ang mga taong namumuhay batay sa kanilang mga damdamin? Matuwid ba sila? (Hindi.) Ano ang mali sa mga taong nagsasalita ayon sa kanilang mga damdamin? Bakit hindi nila matrato nang patas ang ibang tao? Bakit hindi nila kayang magsalita batay sa mga katotohanang prinsipyo? Buktot ang mga taong nagsasalita nang may dalawang dila at hindi nila kailanman ibinabatay ang kanilang mga salita sa mga katunayan. Ang hindi pagiging patas kapag nagsasalita ang isang tao, palaging nagsasalita ayon sa sariling mga damdamin at para sa sariling kapakanan, at hindi ayon sa mga katotohanang prinsipyo, hindi iniisip ang gawain ng sambahayan ng Diyos, at pinoprotektahan lang ang sariling mga damdamin, kasikatan, pakinabang, at katayuan—ito ang karakter ng mga anticristo. Ganito magsalita ang mga anticristo; buktot, nakakagulo, at nakakagambala ang lahat ng sinasabi nila. Ang mga taong namumuhay sa mga kagustuhan at interes ng laman ay namumuhay sa kanilang mga damdamin. Ang mga taong namumuhay sa kanilang mga damdamin ay iyong mga hindi talaga tumatanggap o nagsasagawa man lang sa katotohanan. Wala talagang katotohanang realidad ang mga taong nagsasalita at kumikilos batay sa kanilang mga damdamin. Kung maging lider ang mga gayong tao, walang duda na magiging mga huwad na lider o anticristo sila. Hindi lang sila walang kakayahang gumawa ng tunay na gawain, maaari din silang gumawa ng iba’t ibang masamang gawa. Tiyak na ititiwalag at parurusahan sila.

—Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (2)

Paano naipapamalas ang pagkilos batay sa damdamin ng isang tao? Ang pinakakaraniwang pagpapamalas ay kapag palaging pinapanigan at ipinagtatanggol ng mga tao ang sinuman na nagpakita sa kanila ng kabaitan, o na malapit sa kanila. Halimbawa, sabihin nating ang kaibigan mo ay nalantad dahil sa paggawa ng isang masamang bagay at ipinagtanggol mo siya sa pamamagitan ng pagsasabing, “Hindi niya gagawin ang ganoon, mabuti siyang tao! Siguradong pinagbibintangan lang siya.” Makatarungan ba ang pahayag na ito? (Hindi.) Pagkilos at pagsasalita ito batay sa damdamin ng isang tao. Para sa isa pang halimbawa, ipagpalagay na nagkaroon ka ng kaunting alitan sa isang tao at inayawan mo na siya, at kapag nagsabi siya ng isang bagay na tama at alinsunod sa mga prinsipyo, ayaw mo nang makinig, anong pagpapamalas ito? (Hindi pagtanggap sa katotohanan.) Bakit hindi mo matanggap ang mga bagay na sinasabi ng taong ito? Alam mo sa iyong puso na tama ang sinabi niya, ngunit dahil mayroon ka nang pagkiling laban sa kanya, ayaw mo nang makinig kahit na alam mong tama siya. Anong suliranin ito? (Pinaghaharian ng damdamin.) Ito ay puno ng damdamin. Palaging kumikilos ang ilang tao batay sa kanilang mga personal na kagustuhan at emosyon. Kapag hindi nila makasundo ang isang tao, gaano man kahusay o katama magsalita ang taong iyon, hindi sila makikinig. At kapag nakakasundo naman nila ang isang tao, handa silang makinig sa anumang sasabihin nito, hindi alintana kung tama ito o mali, o kung naaayon ito sa katotohanan. Hindi ba’t ito ay pagkilos batay sa mga personal na kagustuhan at emosyon? Sa ganoong disposisyon, maaari bang magsalita at kumilos nang makatwiran ang isang tao? Matatanggap ba nila ang katotohanan at makakapagpasakop ba sila rito? (Hindi.) Dahil nililimitahan sila ng mga damdamin at kumikilos batay sa mga emosyon, nakaaapekto ito sa kanilang pagsunod sa mga katotohanang prinsipyo sa kanilang mga pagkilos. Nakaaapekto rin ito sa kanilang pagtanggap at pagpapasakop sa katotohanan. Kaya, ano ang nakaaapekto at naglilimita sa kanila, na nagdudulot na hindi sila makapagpasakop at makapagsagawa sa katotohanan? Ang kanilang mga damdamin at emosyon ang naglilimita at gumagapos sa kanila. Kapag inuuna mo ang mga relasyon at pansariling interes sa halip na ang katotohanan, ang mga damdamin ang humahadlang sa iyo sa pagtanggap sa katotohanan. Samakatuwid, hindi ka dapat kumilos o magsalita batay sa mga damdamin. Mabuti man o masama ang relasyon mo sa isang tao, o malumanay o istrikto man ang kanyang mga salita, hangga’t nakaaayon sa katotohanan ang kanyang sinasabi, dapat mong pakinggan at tanggapin ito. Ito ang saloobin ng pagtanggap sa katotohanan. Kung sasabihin mong, “Ang kanyang pagbabahagi ay nakaaayon sa katotohanan at mayroon din siyang karanasan, ngunit masyado siyang maangas at mayabang, at hindi ito kasiya-siya at hindi komportableng panoorin. Kaya kahit na tama siya, hindi ko ito tatanggapin,” anong uri ng disposisyon ito? Sa partikular, isa rin itong damdamin. Kapag pinakikitunguhan mo ang mga tao at mga bagay batay sa sarili mong mga kagustuhan at emosyon, isang damdamin ito, at lahat ng ito ay napapailalim sa kategorya ng damdamin. Ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa damdamin ay nabibilang sa mga tiwaling disposisyon. Ang mga taong tiwali ay may damdaming lahat, at silang lahat ay nililimitahan ng kanilang mga damdamin sa iba’t ibang antas. Kung hindi matanggap ng isang tao ang katotohanan, magiging napakahirap para sa kanya na malutas ang suliranin ng mga damdamin. May mga taong pumoprotekta sa mga huwad na lider, pinagtatakpan nila ang mga anticristo, at nagsasalita sila para sa masasamang indibidwal at ipinagtatanggol ang mga ito. May mga damdaming kasangkot sa lahat ng kasong ito. Siyempre, ginagawa ng ilang tao ang ganitong mga bagay dahil mayroon silang sukdulang masamang kalikasan at mga kauri sila ng mga indibidwal na iyon. Kailangan ng madalas na pagbabahaginan ang mga suliraning ito upang makakuha ng kalinawan sa mga ito. Maaaring sabihin ng ilang tao, “May kaunting damdamin lang ako para sa aking pamilya at mga kaibigan, ngunit hindi na sa iba pa.” Hindi eksakto ang pahayag na ito. Kung magpapakita sa iyo ng kung anong maliit na pabor ang ibang tao, magkakaroon ka ng damdamin para sa kanila, at magkakaroon lang ng iba’t ibang antas ng pagkakalapit at lalim, ngunit ang mga ito ay damdamin pa rin. Kung hindi malulutas ng mga tao ang kanilang mga damdamin, mahihirapan sila na isagawa ang katotohanan, at magiging mahirap din para sa kanila na makamit ang pagpapasakop sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Landas ng Paglutas sa mga Tiwaling Disposisyon

Lubhang sentimental ang ilang tao. Araw-araw, sa lahat ng kanilang sinasabi, at sa kung paano sila umaasal at nangangasiwa ng mga bagay, namumuhay sila ayon sa kanilang mga damdamin. Nakararamdam sila ng mga bagay-bagay para sa taong ito at sa taong iyon, at ginugugol nila ang kanilang mga araw sa pag-aasikaso ng mga usapin ng mga ugnayan at damdamin. Sa lahat ng kanilang kinakaharap, namumuhay sila sa mundo ng mga damdamin. Kapag namatay ang di-nananampalatayang kamag-anak ng gayong tao, iiyak siya nang tatlong araw at hindi papayag na ilibing ang bangkay, nagtataglay pa rin ng mga damdamin para sa namatay. Masyado siyang sentimental. Masasabi na ang mga damdamin ang nakamamatay na kapintasan ng taong ito. Nililimitahan siya ng kanyang mga damdamin sa lahat ng bagay, wala siyang kakayahang magsagawa ng katotohanan o kumilos ayon sa prinsipyo, at madalas siyang naghihimagsik laban sa Diyos. Ang mga damdamin ang pinakamatindi niyang kahinaan, ang kanyang nakamamatay na kapintasan, at ganap na kaya siyang sirain at ipahamak ng kanyang mga damdamin. Ang mga taong sobrang sentimental ay walang kakayahang isagawa ang katotohanan o magpasakop sa Diyos. Nang may ganoong kalakas na mga damdamin, ang tanging magagawa nila ay pagbigyan ang laman; sila ay hangal at magulo ang isip na mga tao. Ang kalikasan ng gayong mga tao ay ang maging labis na sentimental. Namumuhay sila ayon sa kanilang mga damdamin.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao

Ang mga normal na interpersonal na kaugnayan ay itinatatag sa pundasyon ng pagbaling ng isang tao ng kanyang puso sa Diyos, hindi sa pamamagitan ng pagsisikap ng tao. Kung wala ang Diyos sa puso ng isang tao, ang mga kaugnayan ng taong ito sa iba ay mga kaugnayan lamang ng laman. Hindi normal ang mga ito, mga mapagnasang pagpapalayaw ang mga ito, at kinamumuhian at kinasusuklaman ng Diyos ang mga ito. Kung sasabihin mo na ang iyong espiritu ay naantig, ngunit handa ka lamang na makipagbahaginan sa mga tao na gusto mo at na tinitingala mo, at may pagkiling ka laban sa mga tao na hindi mo gusto at tumatanggi kang kausapin sila kapag lumalapit sila sa iyo para kumonsulta, lalo na itong patunay na pinaghaharian ka ng mga damdamin at wala kang anumang normal na kaugnayan sa Diyos. Ipinakikita nito na tinatangka mong gawing hangal ang Diyos at ikubli ang sarili mong kapangitan. Maaaring nakapagbabahagi ka ng ilan mong kaalaman, ngunit kung mali ang iyong mga intensyon, ang lahat ng ginagawa mo ay mabuti lamang ayon sa mga pamantayan ng tao, at hindi ka sinasang-ayunan ng Diyos. Ang iyong mga kilos ay tinutulak ng iyong laman, hindi ng pasanin ng Diyos. Angkop ka lamang gamitin ng Diyos kung kaya mong patahimikin ang puso mo sa Kanyang harapan at mayroon kang normal na mga pakikipag-ugnayan sa lahat ng nagmamahal sa Kanya. Kung kaya mong gawin iyon, paano ka man makisalamuha sa iba, hindi ka kikilos ayon sa isang pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, isasaalang-alang mo ang pasanin ng Diyos at mamumuhay ka sa Kanyang harapan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos

Sa lahat ng ginagawa mo, kailangan mong siyasatin kung ang iyong mga intensiyon ay tama. Kung nagagawa mong kumilos ayon sa mga kinakailangan ng Diyos, ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal. Ito ang pinakamababang pamantayan. Kung, sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa iyong mga intensiyon, nakita mo na nagkaroon ka ng mga maling intensiyon, at nagagawa mong maghimagsik laban sa mga ito at kumilos ayon sa mga salita ng Diyos, ikaw ay magiging isang tamang tao sa harap ng Diyos. Ipinapakita nito na ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal, at na lahat ng iyong ginagawa ay para sa kapakanan ng Diyos, hindi para sa iyong sariling kapakanan. Sa lahat ng iyong ginagawa at lahat ng iyong sinasabi, magawang itama ang iyong puso at maging makatarungan sa iyong mga kilos, at huwag patangay sa iyong mga damdamin o sa sarili mong kalooban kapag kumikilos ka. Ito ang mga prinsipyong kailangang sundin ng mga sumasampalataya sa Diyos sa kanilang pagkilos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?

Paanong pagtrato sa iba ang hinihingi ng Diyos sa mga tao? (Hinihingi Niyang itrato natin nang patas ang mga tao.) Ano ang ibig sabihin ng pagiging patas? Ang ibig sabihin nito ay pagtrato sa mga tao ayon sa mga katotohanang prinsipyo, hindi ayon sa kanilang panlabas na anyo, pagkakakilanlan, katayuan, kung gaano sila karunong, o sa mga sariling kagustuhan o damdamin ng isang tao sa kanila. Bakit patas na tratuhin ang mga tao ayon sa mga katotohanang prinsipyo? Marami ang hindi nakakaunawa nito, at kailangan nilang maunawaan ang katotohanan para magawa ito. Ang pagiging patas ba gaya ng nauunawaan ng mga walang pananampalataya ay tunay na pagiging patas? Tiyak na hindi. Ang Diyos lang ang nagtataglay ng pagiging matuwid at pagiging patas. Sa mga hinihingi ng Lumikha sa Kanyang mga nilikha, doon lang mayroong pagiging patas, doon lang maibubunyag ang pagiging matuwid ng Diyos. Samakatwid, ang pagiging patas ay maaari lamang manggaling sa pagtrato sa mga tao ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ano ang dapat mong hingin sa mga tao sa iglesia at paano mo sila dapat tratuhin? Anumang tungkulin ang kaya nilang gampanan ay ang dapat isaayos para kanilang gampanan—at kung hindi nila kayang gumampan ng isang tungkulin, at nagdudulot pa nga ng mga kaguluhan, kung nararapat silang paalisin, dapat silang paalisin, kahit na may mabuti silang relasyon sa iyo. Ito ang pagiging patas. Ito ang nakapaloob sa mga prinsipyo ng patas na pagtrato sa iba. May kaugnayan ito sa mga prinsipyo ng sariling asal.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Silang mga Nakauunawa Lamang sa Katotohanan ang May Espirituwal na Pang-unawa

Ano ang mga prinsipyo sa mga salita ng Diyos na hinihingi sa mga tao na pagbatayan sa kanilang pakikitungo sa isa’t isa? Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos. Ito ang prinsipyong dapat sundin ng mga tao. Mahal ng Diyos ang mga naghahangad ng katotohanan at nakasusunod sa Kanyang kalooban; ito rin ang mga taong dapat nating mahalin. Ang mga hindi nakasusunod sa kalooban ng Diyos, mga namumuhi at naghihimagsik laban sa Diyos—ito ang mga taong kinasusuklaman ng Diyos, at dapat din natin silang kasuklaman. Ito ang hinihingi ng Diyos sa tao. Kung hindi nananampalataya sa Diyos ang iyong mga magulang, kung alam na alam nila na ang pananalig sa Diyos ang tamang landas, at na maaari itong humantong sa kaligtasan, at bukod sa hindi sila tumatanggap, hinuhusgahan at kinokondena rin nila ang mga mananampalataya sa Diyos, kung gayon ay walang duda na sila ay mga taong tutol at namumuhi sa katotohanan, at walang duda na sila ay mga taong sumasalungat at namumuhi sa Diyos—at siyempre, kinasusuklaman at kinamumuhian sila ng Diyos. Magagawa mo bang kasuklaman ang gayong mga magulang? Nilalabanan at nilalapastangan nila ang Diyos—kung magkagayon ay tiyak na mga demonyo at mga Satanas sila. Magagawa mo ba silang kamuhian at sumpain? Mga praktikal na isyu ang lahat ng ito. Kung hinahadlangan ka ng iyong mga magulang na manampalataya sa Diyos, paano mo sila dapat tratuhin? Dapat kang sumunod sa hinihingi ng Diyos: Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos. Noong Kapanahunan ng Biyaya, sinabi ng Panginoong Jesus: “Sino ang Aking ina? At sino-sino ang Aking mga kapatid?” “Sinumang sumusunod sa kalooban ng Aking Ama na nasa langit, ay siyang Aking kapatid na lalaki at kapatid na babae, at ina.” Umiiral na ang mga salitang ito noon pang Kapanahunan ng Biyaya, at lalo pang mas malinaw ang mga salita ng Diyos ngayon: “Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos.” Deretsahan ang mga salitang ito, ngunit madalas na hindi naaarok ng mga tao ang tunay na kahulugan ng mga ito.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw Maaaring Tunay na Magbago ang Isang Tao

Paano tinrato ni Job ang kanyang mga anak? Tinupad lang niya ang kanyang responsabilidad bilang ama, ipinangaral ang ebanghelyo sa kanila at nakipagbahaginan sa kanila tungkol sa katotohanan. Gayumpaman, makinig man sila o hindi sa kanya, at tanggapin man nila o hindi ang sinabi niya, ang saloobin ni Job ay hindi ang pilitin silang manampalataya sa Diyos—ang hindi sila kaladkarin nang nagpupumiglas, o pakialaman ang kanilang buhay. Naiiba ang kanilang mga kaisipan at pananaw sa kanya, kaya hindi siya nakialam sa ginagawa nila, at hindi nakialam kung anong uri ng landas ang tinatahak nila. Bihira bang nagsalita si Job sa kanyang mga anak tungkol sa pananampalataya sa Diyos? Tiyak na marami siyang sinabi tungkol dito, pero tumanggi silang makinig, at hindi nila tinanggap ang mga bagay na sinabi niya. Ano ang saloobin ni Job tungkol doon? “Natupad ko na ang responsabilidad ko; sa kung anong uri ng landas ang tatahakin nila, iyon ay nakasalalay sa kanilang pipiliin, at ito ay nakasalalay sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Kung hindi gagawa ang Diyos sa kanila, o hindi sila aantigin ng Diyos, hindi ko sila susubukang pilitin.” Kung kaya, hindi nagdasal si Job para sa kanila sa harap ng Diyos, o umiyak sa pagdadalamhati dahil sa kanila, o nag-ayuno para sa kanila o nagdusa sa anumang paraan. Hindi niya ginawa ang mga bagay na ito. Bakit hindi ginawa ni Job ang alinman sa mga bagay na ito? Dahil wala sa mga ito ang mga paraan ng pagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos; lahat ng ito ay pamumwersa na mag-inisyatiba batay sa kagustuhan ng tao. Noong ayaw tahakin ng mga anak ni Job ang parehong landas na kanyang tinahak, ito ang kanyang saloobin. Kaya, nang mamatay ang kanyang mga anak, ano ang kanyang naging saloobin? Umiyak ba siya o nagwala? Nalungkot ba siya? Walang tala ang Bibliya tungkol sa alinman sa mga bagay na ito. Sa pagkamatay ng kanyang mga anak, kumirot ba ang kanyang puso at nalungkot ba siya? (Oo.) Kung pag-uusapan ang pagmamahal na naramdaman niya para sa kanyang mga anak, tiyak na medyo nalungkot siya sa pagkamatay nila, pero nagpasakop pa rin siya sa Diyos. Paano naipahayag ang kanyang pagpapasakop? Sinabi niya, “Ang mga anak na ito ay ibinigay sa akin ng Diyos. Nanampalataya man sila sa Diyos o hindi, ang kanilang buhay ay nasa mga kamay ng Diyos. Kung nanampalataya sila sa Diyos, maaari silang kunin ng Diyos kailanman Niya naisin; hindi sila nanampalataya sa Diyos, at kaya pa rin silang kunin ng Diyos kailanman Niya naisin. Ang lahat ng ito ay nasa mga kamay ng Diyos; kung hindi, sino ang magagawang kumuha sa buhay ng mga tao?” Ano ang pinakabuod nito? “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21). Ito rin ang kanyang saloobin sa kanyang mga anak. Buhay man sila o patay, nanatiling ganito ang kanyang saloobin. Tama ang kanyang pagsasagawa; sa bawat pagsasagawa niya, at sa kanyang pananaw at saloobin sa bawat bagay—gayundin sa kanyang kalagayan—palagi siyang nasa isang kalagayan ng pagpapasakop, paghihintay, paghahanap, at pagkatapos ay pagtatamo ng pagkakilala. Napakahalaga ng saloobing ito. Kung wala sa mga tao ang ganitong uri ng saloobin sa anumang ginagawa nila, at mayroon silang partikular na matitibay na sariling ideya, mayroong mga personal na intensiyon sa lahat ng ginagawa nila at palagi lang isinasaalang-alang ang sarili nilang mga interes, mayroon ba silang tunay na pagpapasakop? (Wala.) Hindi matatagpuan sa kanila ang tunay na pagpapasakop, ni hindi ito isang bagay na kaya nilang makamit.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyo ng Pagsasagawa ng Pagpapasakop sa Diyos

Dapat kang magpakita ng lakas at katatagan ng loob, at manindigan sa iyong patotoo sa Akin; bumangon ka at magsalita para sa Akin, at huwag kang matakot sa sasabihin ng ibang tao. Tugunan mo lamang ang Aking mga layunin, at huwag mong hayaan ang sinuman na limitahan ka. Ang Aking ipinapamalas sa iyo ay dapat sundin alinsunod sa Aking mga layunin, at hindi maaaring maantala. Ano ang iyong nararamdaman sa kaibuturan mo? Nababagabag ka ba? Magiging malinaw ito sa iyo. Bakit hindi ka makatindig at makapagsalita para sa Akin at maging mapagsaalang-alang sa Aking pasanin? Ipinipilit mong palihim na gawin ang sarili mong maliliit na pagkilos, ngunit nakikita Ko nang malinaw ang lahat. Ako ang iyong suporta at ang iyong kalasag, at lahat ay nasa Aking mga kamay. Ano, kung gayon, ang iyong ikinatatakot? Hindi ba’t masyado kang nagiging sentimental? Dapat mong iwaksi ang iyong mga damdamin sa lalong madaling panahon; hindi Ako kumikilos ayon sa mga damdamin, sa halip ay isinasakatuparan Ko ang katuwiran. Kung may sinumang gumagawa ng isang bagay na hindi nakakabuti sa iglesia, kahit na ang mga magulang mo ito, hindi iyon katanggap-tanggap! Ang Aking mga layunin ay naipamalas na sa iyo, at hindi mo maaaring ipagwalang-bahala ang mga ito. Sa halip, dapat lubos mong pagtuunan ang mga ito. Bitiwan mo ang lahat ng iba pa upang sumunod nang buong puso—poprotektahan kita at palagi kang iingatan ng Aking mga kamay. Huwag kang palaging maging matatakutin at magpasailalim sa mga paglilimita ng iyong asawa; dapat mong tulutan na maisakatuparan ang Aking kalooban.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 9

Nagkakagulo nang husto ang lahat ng bansa, dahil nagsimula nang gampanan ng pamalo ng Diyos ang papel nito sa lupa. Makikita ang gawain ng Diyos sa kalagayan ng mundo. Kapag sinasabi ng Diyos: “Raragasa ang mga tubig, madudurog ang mga bundok, guguho ang malalaking ilog,” ito ang paunang gawain ng pamalo sa lupa, na may resulta na “magkakawatak-watak ang lahat ng sambahayan sa lupa, at mahahati-hati ang lahat ng bansa sa mundo; mawawala na ang mga panahon na magsasama ang mag-asawa, hindi na muling magkikita ang ina at anak na lalaki, hindi na kailanman magtatagpo ang ama at anak na babae. Lahat ng dating kalagayan ng mga bagay sa lupa ay Aking wawasakin.” Ganyan ang magiging karaniwang kalagayan ng mga pamilya sa lupa. Natural lamang na hindi ito maaaring maging kalagayan ng lahat; ganito lamang ang magiging kalagayan ng karamihan. Sa kabilang dako, tumutukoy ito sa mga kondisyong mararanasan sa hinaharap ng lahat ng taong nasa daloy na ito. Hinuhulaan nito na, kapag nagdaan na sila sa pagkastigo ng mga salita at sumailalim sa mga sakuna ang mga walang pananampalataya, mawawalan na ng mga relasyon sa pamilya ang mga tao sa lupa; magiging mga tao silang lahat ng Sinim, at lahat ay magiging deboto sa kaharian ng Diyos. Sa gayon, mawawala na ang mga panahon na magsasama ang mag-asawa, hindi na muling magkikita ang ina at anak na lalaki, hindi na kailanman magtatagpo ang ama at anak na babae. Kaya nga, ang mga pamilya ng mga tao sa lupa ay magkakawatak-watak, magkakapira-piraso, at ito ang magiging panghuling gawaing gagawin ng Diyos sa tao. At dahil palalaganapin ng Diyos ang gawaing ito sa buong sansinukob, sasamantalahin Niya ang pagkakataon para linawin ang salitang “mga damdamin” para sa mga tao, kaya natutulutan silang makita na ang layunin ng Diyos ay paghiwalayin ang mga pamilya ng lahat ng tao, at nagpapakita na gumagamit ng pagkastigo ang Diyos upang lutasin ang lahat ng “alitan sa pamilya” sa sangkatauhan. Kung hindi, walang paraan para mawakasan ang huling bahagi ng gawain ng Diyos sa lupa. Ang huling bahagi ng mga salita ng Diyos ay naglalantad sa mga tao ng pinakamalaking kahinaan ng sangkatauhan—lahat ng tao ay namumuhay sa kalagayan ng mga damdamin—kaya nga hindi iniiwasan ng Diyos ang isa man sa kanila, at inilalantad ang mga lihim na nakatago sa puso ng buong sangkatauhan. Bakit hirap na hirap ang mga tao na iwaksi ang kanilang mga damdamin? Ang paggawa ba nito ay higit pa kaysa sa mga pamantayan ng konsensiya? Maisasakatuparan ba ng konsensiya ang kalooban ng Diyos? Makatutulong ba ang mga damdamin upang malagpasan ng mga tao ang paghihirap? Sa mga mata ng Diyos, ang mga damdamin ay Kanyang kaaway—hindi ba ito malinaw na nakasaad sa mga salita ng Diyos?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagsisiwalat sa mga Misteryo ng “Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob,” Kabanata 28

Sa kasalukuyan, iyong mga naghahangad at iyong mga hindi naghahangad ay dalawang uri ng mga tao, na may magkaibang hantungan. Iyong mga naghahangad na malaman ang katotohanan at maisagawa ang katotohanan ang mga ililigtas ng Diyos. Iyong mga hindi nababatid ang tunay na daan ay mga demonyo at kaaway; mga inapo sila ng arkanghel at masasawi sila. Kahit iyong mga debotong mananampalataya ng isang kathang-isip na diyos—hindi ba’t mga demonyo rin sila? Ang mga taong nagtataglay ng mabubuting konsensiya ngunit hindi tinatanggap ang tunay na daan ay mga demonyo; paglaban sa Diyos ang kanilang diwa. Iyong mga hindi tinatanggap ang tunay na daan ay iyong mga lumalaban sa Diyos, at kahit pa magtiis ng labis na pagdurusa ang gayong mga tao, masasawi pa rin sila. Iyong lahat ng ayaw tumalikod sa mundo, na hindi matiis na mawalay sa kanilang mga magulang, at hindi matiis na alisin sa kanilang mga sarili ang mga kasiyahan ng laman ay mapaghimagsik sa Diyos, at lahat sila ay magiging mga pakay ng paglipol. Ang sinumang hindi nananampalataya sa Diyos na nagkatawang-tao ay isang demonyo at, higit pa rito, ay masasawi. Iyong mga nananampalataya ngunit hindi nagsasagawa ng katotohanan, iyong mga hindi naniniwala sa pagkakatawang-tao ng Diyos, at iyong mga hindi naniniwala sa pag-iral ng Diyos kahit kaunti ay iyong mga masasawi. Ang lahat ng maaaring manatili ay mga taong dumaan na sa pagdurusa ng pagpipino at matatag na nanindigan; mga tao ito na tunay na dumaan sa mga pagsubok. Ang sinumang hindi kumikilala sa Diyos ay isang kaaway; ibig sabihin, ang sinumang hindi kumikilala sa nagkatawang-taong Diyos—nasa loob man siya o nasa labas ng daloy na ito—ay isang anticristo! Sino ang mga Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos? Hindi ba’t sila iyong mga lumalaban na hindi nananampalataya sa Diyos? Hindi ba’t sila iyong mga taong mapaghimagsik laban sa Diyos? Hindi ba’t sila iyong mga nagsasabing mayroon silang pananalig, subalit hindi nagtataglay ng katotohanan? Hindi ba’t sila iyong mga naghahangad lamang na magtamo ng mga pagpapala samantalang hindi magawang magpatotoo sa Diyos? Nakikihalubilo ka pa rin ngayon sa mga demonyong iyon at tinatrato sila nang may konsensiya at pagmamahal, ngunit hindi ba’t katumbas ito ng pagpapakita ng kabaitan kay Satanas? Hindi ba’t kaalyado ka ng mga demonyo? Kung umabot na ang mga tao sa puntong ito at hindi pa rin nila makita ang kaibhan ng mabuti sa masama, at patuloy silang pikit-matang maging mapagmahal at maawain nang walang anumang pagnanais na hanapin ang puso ng Diyos o magawang ituring bilang kanila sa anumang paraan ang puso ng Diyos, magiging higit na kahabag-habag ang kanilang mga kalalabasan. Kaaway ng Diyos ang sinumang hindi nananampalataya sa Diyos na nasa katawang-tao. Kung kaya mong tratuhin ang mga kaaway ng Diyos nang may konsensiya at pagmamahal, hindi ba’t wala kang pagpapahalaga sa katarungan? Kung kaayon ka ng mga kinamumuhian Ko at tinututulan Ko, at tinatrato mo pa rin sila nang may pagmamahal o pinapakitaan sila ng mga personal na damdamin, hindi ba’t mapaghimagsik ka? Hindi ba’t sinasadya mong labanan ang Diyos? Aktuwal bang nagtataglay ng katotohanan ang gayong tao? Kung tatratuhin ng mga tao ang mga kaaway ng Diyos nang may konsensiya, ang mga demonyo nang may pagmamahal, at si Satanas nang may awa, hindi ba’t sadya nilang ginagambala ang gawain ng Diyos? Iyong mga taong nananampalataya lamang kay Jesus at hindi nananampalataya sa Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, gayundin iyong mga pasalitang nagsasabi na nananampalataya sila sa Diyos na nagkatawang-tao ngunit gumagawa ng masama, ay lahat mga anticristo, kahit pa hindi banggitin iyong mga hindi nananampalataya sa Diyos. Masasawi ang lahat ng taong ito.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Pamamahinga

Yaong mga salitang sinabi sa nakaraan, “Ang pananampalataya ng isang tao sa Panginoon ay naghahatid ng mga pagpapala sa buong pamilya,” ay naaangkop sa Kapanahunan ng Biyaya, ngunit walang kaugnayan sa hantungan ng isang tao. Naaangkop lamang ang mga ito sa isang yugto noong Kapanahunan ng Biyaya. Nakatuon ang pahiwatig ng mga salitang iyon sa kapayapaan at mga materyal na pagpapala na tinamasa ng mga tao; hindi nangangahulugan ang mga ito na ang buong pamilya ng isang tao na nananampalataya sa Panginoon ay maliligtas, at hindi rin nangangahulugan ang mga ito na kapag nakakatanggap ang isang tao ng mga pagpapala, maaari ding madala sa pamamahinga ang buong pamilya niya. Kung tatanggap ba ng mga pagpapala ang isang tao o magdurusa ng kapahamakan ay natutukoy ayon sa diwa ng isang tao, hindi ayon sa anumang diwang maaaring mayroon ang isang tao na kagaya ng sa iba. Walang puwang sa kaharian ang ganoong uri ng kasabihan o panuntunan. Kung sa huli ay magagawa ng isang tao na manatiling buhay, ito ay dahil natugunan niya ang mga hinihingi ng Diyos, at kung sa huli ay hindi niya magagawang manatili hanggang sa oras ng pamamahinga, ito ay dahil naging mapaghimagsik siya sa Diyos at hindi niya natugunan ang mga hinihingi ng Diyos. May angkop na hantungan ang lahat, na natutukoy ayon sa diwa ng bawat indibidwal, at ganap na wala itong kinalaman sa ibang mga tao. Ang masasamang gawa ng isang anak ay hindi maililipat sa kanyang mga magulang, at hindi rin maibabahagi sa mga magulang ang pagiging matuwid ng isang anak. Hindi maililipat sa kanyang mga anak ang masasamang gawa ng isang magulang, at hindi rin maibabahagi sa kanyang mga anak ang pagiging matuwid ng isang magulang. Pinapasan ng lahat ang kani-kanilang mga kasalanan, at tinatamasa ng lahat ang kani-kanilang mga pagpapala. Walang sinuman ang maaaring maging panghalili sa isa pang tao. Ito ang pagiging matuwid. Sa pananaw ng tao, kung tumatanggap ng mga pagpapala ang mga magulang, kung gayon ay makatatanggap din ang kanilang mga anak, at kung gumagawa ng masama ang mga anak, dapat magbayad-sala ang kanilang mga magulang para sa mga kasalanang iyon. Isa itong perspektiba ng tao at isang paraan ng tao sa paggawa ng mga bagay-bagay; hindi ito perspektiba ng Diyos. Natutukoy ang kalalabasan ng lahat ayon sa diwa ng kanilang mga gawa, at palagi itong angkop na natutukoy. Walang sinumang maaaring magpasan ng mga kasalanan ng iba; higit pa rito, walang sinumang maaaring tumanggap ng kaparusahan para sa iba. Ito ay walang pasubali. Ang mapagmahal na pag-aaruga ng isang magulang sa kanyang mga anak ay hindi nangangahulugan na maaari siyang gumampan ng matutuwid na gawa bilang kahalili ng kanyang mga anak, at ang pagiging mabuting anak ng isang anak sa kanyang mga magulang ay hindi rin nangangahulugan na maaari siyang gumampan ng matutuwid na gawa bilang kahalili ng kanyang mga magulang. Ito ang tunay na kahulugan ng mga salitang, “Kung magkagayo’y sasa bukid ang dalawang lalaki; ang isa’y kukunin, at ang isa’y iiwan. Dalawang babaeng nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa’y kukunin, at ang isa’y iiwan.” Hindi madadala ng mga tao sa pamamahinga ang mga anak nilang gumagawa ng masama batay sa malalim nilang pagmamahal sa mga ito, at hindi rin madadala ng sinuman sa pamamahinga ang kanyang asawa batay sa sarili niyang matutuwid na gawa. Isa itong administratibong panuntunan; hindi maaaring magkaroon ng mga pagtatangi para sa sinuman. Ang mga gumagawa ng matutuwid na gawa, sa huli, ay mga gumagawa ng matutuwid na gawa, at ang mga taong gumagawa ng masama, sa huli, ay mga taong gumagawa ng masama. Magagawa ng mga gumagawa ng matutuwid na gawa na manatiling buhay sa huli, samantalang masasawi naman ang mga taong gumagawa ng masama. Ang mga banal ay mga banal; hindi sila marumi. Ang marurumi ay marurumi, at walang isa mang bahagi nila ang banal. Ang mga taong lilipulin ay ang lahat ng masasama, at ang mga mananatiling buhay ay ang lahat ng matutuwid—kahit pa ang mga anak ng masasama ay gumagawa ng matutuwid na gawa, at kahit pa ang mga magulang ng matutuwid ay gumagawa ng masasamang gawa. Walang likas na ugnayan sa pagitan ng isang nananampalatayang esposo at ng isang di-nananampalatayang esposa, at walang ugnayan sa pagitan ng mga nananampalatayang anak at mga di-nananampalatayang magulang; hindi magkaayon ang dalawang uring ito ng mga tao. Bago pumasok sa pamamahinga, ang mga tao ay may makalamang pagmamahal sa pamilya, ngunit sa sandaling pumasok sila sa pamamahinga, wala nang magiging anumang makalamang pagmamahal sa pamilya. Yaong mga gumagawa ng kanilang tungkulin ay likas na mga kaaway ng yaong mga hindi gumagawa ng kanilang tungkulin; yaong mga nagmamahal sa Diyos at yaong mga namumuhi sa Kanya ay likas na magkasalungat sa isa’t isa. Yaong mga papasok sa pamamahinga at yaong mga malilipol ay dalawang di-magkaayong uri ng mga nilikha. Ang mga nilikha na gumagampan sa kanilang mga tungkulin ay makakapagpatuloy na mabuhay, habang yaong mga hindi gumagampan sa kanilang mga tungkulin ay magiging mga pakay ng paglipol; higit pa rito, magtatagal ito magpasawalang hanggan. Minamahal mo ba ang iyong esposo upang magampanan mo ang tungkulin mo bilang isang nilikha? Minamahal mo ba ang iyong esposa upang magampanan mo ang tungkulin mo bilang isang nilikha? Nagpapakita ka ba ng pagiging mabuting anak sa iyong mga di-nananampalatayang magulang upang magampanan mo ang tungkulin mo bilang isang nilikha? Talaga bang tama o mali ang mga pananaw ng mga tao hinggil sa pananampalataya sa Diyos? Para saan ka mismo nananampalataya sa Diyos? Ano mismo ang nais mong makamit? Paano mo mismo minamahal ang Diyos? Yaong mga hindi makatupad nang maayos sa kanilang mga tungkulin bilang mga nilikha, at hindi makagawa ng sagarang pagsisikap, ay magiging mga pakay ng paglipol. May mga ugnayan ng laman na umiiral sa pagitan ng mga tao ng kasalukuyan, pati na rin mga pagkakaugnay sa dugo, ngunit sa hinaharap, mawawasak ang lahat ng ito. Likas na hindi magkaayon ang mga mananampalataya at ang mga walang pananampalataya; bagkus ay magkasalungat sila sa isa’t isa. Yaong mga nasa pamamahinga ay magiging mga tao lahat na naniniwala na may Diyos at nagpapasakop sa Diyos, samantalang yaong mga mapaghimagsik laban sa Diyos ay pawang malilipol. Hindi na iiral sa lupa ang mga pamilya; paano pa magkakaroon ng mga magulang o mga anak o mga ugnayan ng mag-asawa? Ang mismong hindi pagiging magkaayon ng paniniwala at di-paniniwala ay lubos nang puputol sa gayong mga ugnayan ng laman!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Pamamahinga

Kaugnay na mga Video

Dulang Pang-entablado “Ang Labanan ng Pagpapatalsik sa Masamang Tao”

Kaugnay na mga Patotoong Batay sa Karanasan

Ang mga Pagkagiliw ay Dapat Maprinsipyo

Makita ang Aking mga Magulang sa Kung Sino Talaga Sila

Kwento ni Joy

Naimpluwensiyahan ng Aking Pagmamahal ang Aking Paghusga

Kaugnay na mga Himno

Ang mga Interpersonal na Relasyon ay Dapat na Itatag nang Naaayon sa mga Salita ng Diyos

Itinatakda ng Diyos ang Kalalabasan ng Tao Ayon sa Kanilang Diwa

Sinundan:  5. Paano lutasin ang problema ng pag-iimbot sa mga makalamang kasiyahan ng pamilya

Sumunod:  7. Paano lutasin ang problema ng pagiging sutil at walang pagpipigil

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 8: Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo,...

Tanong 2: Matagal na naming narinig na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpatotoo na tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. At Siya ang Makapangyarihang Diyos! Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at gumaganap sa Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw, ngunit karamihan sa mga tao ng mga relihiyosong lipunan ay naniniwala lahat na babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap. Ito ay dahil malinaw na nagsabi ang Panginoong Jesus na: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30). Ipinropesiya rin ng Libro ng Pahayag: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya” (Pahayag 1:7). Pinananatili ko rin ang paniniwalang babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap upang direkta tayong dalhin sakaharian ng langit. Tinatanggihan namin ang Panginoong Jesus na hindi bumaba nang nasa mga alapaap. Sinasabi ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay pagbabalik sa katawang-tao at pagbaba nang palihim. Ngunit walang nakakaalam tungkol dito. Gayunman, ang lantarang pagbaba ng Panginoonnang nasa mga alapaap ay ganap! Kaya hinihintay naming bumaba ang Panginoonnang nasa mga alapaap at lantarang magpakita upang dalhin tayo nang direkta sa kaharian ng langit. Tama ba ang aming pag-unawa o hindi?

Sagot: Pagdating sa paghihintay sa Panginoon na bumaba nang nasa mga alapaap, hindi tayo dapat umasa sa mga paniniwala at imahinasyon ng...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger