Kabanata 61

Kapag may pagkaunawa ka tungkol sa iyong sariling kalagayan, matutugunan mo ang Aking mga layunin. Sa katunayan, ang Aking mga layunin ay hindi mahirap maarok; sadyang hindi ka kailanman naghanap noong nakaraan nang naaayon sa Aking mga pagnanais. Hindi Ko ninanais ang mga kuru-kuro o kaisipan ng mga tao, lalong hindi ang iyong pera o iyong mga ari-arian. Ang nais Ko ay ang iyong puso. Nauunawaan mo ba? Ito ang Aking layunin; at higit pa rito, ito ang nais Kong makamit. Palaging ginagamit ng mga tao ang mga sarili nilang isipan at kuru-kuro upang husgahan Ako at ginagamit ang kanilang pamantayan upang tayahin ang Aking tayog. Sa mga tao, ito ang pinakamahirap na bagay na pakitunguhan, at ito ang kinasusuklaman at kinamumuhian Ko nang higit sa lahat. Nakikita mo na ba? Ito ay dahil ito ang pinakahalatang disposisyon ni Satanas. Bukod pa roon, ang inyong tayog ay napakaliit kaya malimit kayong nahuhulog sa mga tusong pakana ni Satanas. Sadyang hindi ninyo kayang makilala ang mga iyon! Maraming ulit Ko nang sinabi sa inyo na maging maingat sa lahat ng sandali at sa lahat ng aspekto, upang hindi kayo malinlang ni Satanas. Ngunit hindi kayo nakikinig at sa halip ay basta na lamang ninyong ipinagwawalang-bahala ang Aking sinasabi. Bilang bunga, nauuwi kayo sa pagdanas ng mga kawalan sa buhay, at pagkatapos ay masyado nang huli para magsisi. Hindi ba’t magiging napakagandang ideya na ituring mo itong isang aral para sa iyong paghahangad sa hinaharap? Sinasabi Ko sa iyo! Ang pagkakaroon ng tendensiyang maging negatibo ay magdudulot ng mga kawalan sa iyong buhay—at ang gayong mga kawalan ay magiging lubhang matindi. Ngayon, dapat magising ka na sa wakas, hindi ba?

Nagmamadali ang mga tao para sa agarang mga resulta, at nakikita lamang nila kung ano ang nasa harapan nila. Kapag sinabi Kong nagsimula na Akong kumilos para parusahan ang mga nasa kapangyarihan, lalo kayong nababalisa, at inyong itinatanong, “Bakit nasa kapangyarihan pa rin ang mga taong iyon? Hindi ba ito nangangahulugang hungkag ang mga salita ng Diyos?” Masyado nang nakabaon ang mga kuru-kuro ng tao! Hindi ninyo nauunawaan ang kahulugan ng Aking sinasabi. Ang Aking pinarurusahan ay ang masasama, ang mga lumalaban sa Akin, at ang mga hindi nakakikilala sa Akin, at hindi Ko pinapansin ang mga nananampalataya lamang sa Akin ngunit hindi hinahanap ang katotohanan. Talagang napakamangmang ninyo! Hindi ninyo naunawaan ni isang butil ng Aking sinabi! Gayunman, nasisiyahan pa rin kayo sa inyong sarili, iniisip na lumago na kayo, na nauunawaan ninyo ang mga bagay-bagay, at na kaya ninyong maarok ang Aking mga layunin. Malimit Kong sinasabi na ang lahat ng bagay at pangyayari ay nagseserbisyo kay Cristo, ngunit tunay mo bang nauunawaan ang mga salitang ito? Tunay ka bang may pagkakilala sa mga ito? Sinabi Ko na noon na hindi Ako nagpaparusa sa sinuman nang padalos-dalos. Para sa bawat isang tao sa buong sansinukob, mayroon Akong mga angkop na pagsasaayos. Kung sino-sino ang mga pakay ng Aking kaparusahan, kung sino-sino ang nagseserbisyo para kay Cristo (mga hindi Ko ililigtas), kung sino-sino ang mga hinirang Ko, at kung sino-sino, pagkatapos Kong hirangin, ang ititiwalag kalaunan—ang lahat ng ito ay hawak sa Aking mga kamay, lalo na ikaw, na isa sa mga hinirang na mas nauunawaan Ko pa. Kung ano ang ginagawa Ko sa panahong ito at kung ano ang gagawin Ko sa susunod na panahon ay kapwa pinamamahalaan ng Aking matatalinong pagsasaayos. Hindi mo kailangang magsaayos ng anuman para sa Akin nang pauna; maghintay ka lamang at magtamasa! Ito ay isang bagay na karapat-dapat mong matanggap. Pinamamahalaan Ko ang pag-aari Ko, at hindi Ko basta pinalalampas ang mga nangangahas na magreklamo o magkaroon ng iba pang palagay tungkol sa Akin. Madalas Akong magalit nitong mga araw, dahil ang programa ng mga atas administratibo na Aking isinaayos ay umusad na sa yugtong ito. Huwag mong ipagpalagay na hindi Ako maluwag. Dahil, gaya ng sinabi Ko na dati, walang bagay, tao, o pangyayari ang nangangahas na hadlangan ang Aking mga hakbang pasulong. Ginagawa Ko kung ano ang Aking sinasabi, at ito ay kung ano Ako; at higit pa riyan, ito ang pinakahalatang pagpapamalas ng Aking disposisyon. Pareho ang pakikitungo Ko sa lahat ng tao, dahil kayong lahat ay Aking mga anak, at mahal Ko ang bawat isa sa inyo. Sinong ama ang hindi umaako ng pananagutan para sa buhay ng kanyang anak? Sinong ama ang hindi nagsisipag araw at gabi para sa kinabukasan ng kanyang anak? Sino sa inyo ang nakaaalam nito? Sinong makapagpapakita ng pagsasaalang-alang sa Aking puso? Patuloy kayong gumagawa ng mga plano at mga pagsasaayos para sa sarili ninyong mga makalamang kasiyahan, at wala kayong anumang pagpapahalaga sa Aking puso. Nadudurog ang Aking puso sa pag-aalala sa inyo, subalit palagi kayong nagpapasasa sa mga makalamang kasiyahan, kumakain at umiinom, natutulog, at nagbibihis. Wala ba kayo ni katiting na konsensiya? Kung ganoon, mga hayop lamang kayo na nakadamit-pantao. Ang sinasabi Ko ay hindi labis, at dapat kaya ninyong tiisin ang mga salitang ito. Ito ang pinakamabuting paraan upang iligtas kayo, at, higit pa riyan, narito ang Aking karunungan: paghataw sa nakamamatay na kahinaan ni Satanas, paglupig dito nang lubusan, at pag-iwan dito na ganap na wasak. Hangga’t nagsisisi ka at tinitiyak mong umaasa ka sa Akin upang alisin ang iyong lumang kalikasan at isabuhay ang wangis ng isang bagong tao, Ako ay lubusang masisiyahan, dahil sa paraang ito mo isasabuhay ang isang normal na pagkatao at papatotohanan ang Aking pangalan. Wala nang ibang mas nagpapasaya sa Akin.

Dapat kang lumapit sa Akin sa lahat ng oras. Nakikita na ang Aking hakbang ay bumibilis bawat araw. Kung wala kang pagbabahaginan sa espiritu nang kahit isang saglit lamang, agad na sasapit sa iyo ang Aking paghatol. Sa puntong ito ay nagtamo ka na ng malalim na pagkatanto. Itinutuwid kita hindi dahil hindi kita mahal; kundi, dinidisiplina kita dahil sa pagmamahal Ko sa iyo. Kung hindi, hindi ka lalago, at lagi kang magiging mapagpalayaw at hindi napipigilan ng Banal na Espiritu. Lalo nitong ipinakikita ang Aking karunungan.

Sinundan:  Kabanata 60

Sumunod:  Kabanata 62

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger