24. Paano lutasin ang mga tiwaling disposisyon at matamo ang pagdadalisay

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Sa loob ng ilang libong taon ng katiwalian, ang mga tao ay pawang naging manhid at mapurol ang isip; silang lahat ay naging masasamang demonyo na sumasalungat sa Diyos, hanggang sa punto na ang kanilang paghihimagsik laban sa Diyos ay naisulat sa mga talaan ng kasaysayan, at na maging ang mga tao mismo ay hindi kayang magbigay ng buong salaysay ng kanilang mapaghimagsik na pag-uugali—sapagkat sila ay malalim na ginawang tiwali ni Satanas, at iniligaw ni Satanas kung kaya’t hindi na nila alam kung saan babaling. Kahit ngayon, ipinagkakanulo pa rin ng mga tao ang Diyos. Kapag nakikita nila ang Diyos, ipinagkakanulo nila Siya, at kapag hindi nila nakikita ang Diyos, ipinagkakanulo rin nila Siya. Mayroon pa ngang mga taong, matapos masaksihan ang mga sumpa ng Diyos at ang Kanyang poot, nagkakanulo pa rin sa Kanya. Kaya sinasabi Ko na ang katwiran ng tao ay nawalan na ng orihinal nitong silbi, at na ang konsensiya ng tao ay nawalan na rin ng orihinal nitong silbi. … Ang tao, na isinilang sa gayong napakaruming lupain, ay labis nang nahawaan ng lipunan, nakondisyon na siya ng mga etikang piyudal, at natanggap niya ang edukasyon ng “mga institusyon ng mas mataas na pag-aaral.” Ang kaisipang paurong, tiwaling moralidad, mababang-uring pananaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, lubos na walang halagang pag-iral, at mga mababang-uring kaugalian at pang-araw-araw na buhay—lubhang nanghihimasok na sa puso ng tao ang lahat ng mga bagay na ito, at lubhang pinipinsala at inaatake ang kanyang konsensiya. Bilang resulta, mas lalong lumalayo ang tao mula sa Diyos, at mas lalong nagiging laban sa Kanya. Lalong nagiging mas walang awa ang disposisyon ng tao sa bawat araw, at wala ni isang tao ang nagkukusang isuko ang anumang bagay para sa Diyos, wala ni isang tao ang nagkukusang magpasakop sa Diyos, at lalong wala ni isang taong nagkukusang hanapin ang pagpapakita ng Diyos. Sa halip, hinahangad ng tao ang kasiyahan hangga’t gusto niya sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, at walang pakundangang ginagawang tiwali ang kanyang laman sa putikan. Ang tao, na namumuhay sa kadiliman, ay walang pagnanais na isagawa ang katotohanan kahit kapag naririnig niya ito, at wala siyang tendensiyang maghanap kahit na nakikita niyang nagpakita na ang Diyos. Paanong magkakaroon ng anumang puwang sa kaligtasan ang isang tiwaling sangkatauhang tulad nito? Paano mabubuhay sa liwanag ang isang bulok na sangkatauhang tulad nito?

Ang pagbabago ng disposisyon ng tao ay dapat na magsimula sa pagkakilala sa kanyang diwa at sa pamamagitan ng mga pagbabago sa kanyang pag-iisip, kalikasan, at pangkaisipang pananaw—sa pamamagitan ng mga pundamental na pagbabago. Sa ganitong paraan lamang makakamtan ang mga tunay na pagbabago sa disposisyon ng tao. Ang pinag-ugatan ng mga tiwaling disposisyon na lumilitaw sa tao ay ang panlilihis, pagtitiwali, at panlalason ni Satanas. Ang tao ay iginapos at kinontrol ni Satanas, at ang kanyang pag-iisip, moralidad, kabatiran, at katwiran ay pawang labis na pininsala ni Satanas. Sumasalungat ang tao sa Diyos at hindi matanggap ang katotohanan dahil mismo nagawa nang tiwali ni Satanas ang mga pundamental na bagay ng tao, at lubhang hindi na katulad ng orihinal na pagkakalikha ng Diyos sa kanila. Sa gayon, para magkaroon ng mga pagbabago sa disposisyon ng tao, ang unang dapat gawin ay baguhin ang kanyang pagkakilala sa Diyos at kanyang pagkakilala sa katotohanan sa usapin ng kanyang pag-iisip, kabatiran, at katwiran. Mas lalong ignorante sa kung ano ang Diyos o sa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos ang mga isinilang sa pinakamalubhang natiwali sa lahat ng lupain. Mas tiwali ang mga tao, mas kakaunti ang kanilang kaalaman sa pag-iral ng Diyos, at mas mahina ang kanilang katwiran at kabatiran. Ang ugat na dahilan ng pagsalungat at pagiging mapaghimagsik ng tao laban sa Diyos ay ang kanyang katiwalian sa pamamagitan ni Satanas. Dahil sa pagtitiwali ni Satanas, naging manhid ang konsensiya ng tao, siya ay tiwali sa moral, bulok ang kanyang mga saloobin, at paurong ang kanyang pangkaisipang pananaw. Bago siya ginawang tiwali ni Satanas, dating nagpapasakop sa Diyos ang tao at nagpapasakop sa Kanyang mga salita pagkatapos marinig ang mga ito. Siya ay dating may maayos na katwiran at konsensiya, at may normal na pagkatao. Matapos gawing tiwali ni Satanas ang tao, ang dating katwiran, konsensiya, at pagkatao ng tao ay pawang naging manhid at sinira ni Satanas. Sa gayon, nawala sa kanya ang pagpapasakop at pag-ibig sa Diyos. Naging abnormal ang katwiran ng tao, naging katulad na ng sa hayop ang kanyang disposisyon, at lalong nadaragdagan at lumulubha ang kanyang pagiging mapaghimagsik laban sa Diyos. Ngunit hindi pa rin ito batid ni nauunawaan ng tao, at walang tigil lang siyang sumasalungat at naghihimagsik. Ang mga pagbubunyag ng disposisyon ng tao ay ang mga pagpapahayag ng kanyang katwiran, kabatiran, at konsensiya. Dahil wala sa ayos ang kanyang katwiran at kabatiran, at sukdulan nang naging manhid ang kanyang konsensiya, mapaghimagsik laban sa Diyos ang kanyang disposisyon. Kung hindi mababago ang katwiran at kabatiran ng tao, imposible ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, gayundin ang pagiging alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Kung hindi maayos ang katwiran ng tao, hindi niya maaaring paglingkuran ang Diyos at hindi siya angkop na gamitin ng Diyos. Tumutukoy ang “normal na katwiran” sa pagpapasakop at pagiging tapat sa Diyos, sa paghahangad sa Diyos, sa pagiging ganap tungo sa Diyos, at sa pagkakaroon ng konsensiya tungo sa Diyos. Tumutukoy ito sa pagiging buong puso at isip tungo sa Diyos, at hindi sadyang paglaban sa Diyos. Hindi katulad nito ang pagkakaroon ng abnormal na katwiran. Pagkatapos magawang tiwali ni Satanas ang tao, nagkaroon na ang tao ng mga kuru-kuro ukol sa Diyos, at wala siyang katapatan sa Diyos o paghahangad sa Kanya, at lalo na ang pagkakaroon ng konsensiya tungo sa Diyos. Sadyang sinasalungat at hinuhusgahan ng tao ang Diyos, at, bukod pa riyan, binabato Siya ng mga pang-iinsulto ng tao sa Kanyang likuran. Hinuhusgahan ng tao ang Diyos nang patalikod, lubos na alam na Siya ang Diyos; ganap na walang intensiyon ang tao na magpasakop sa Diyos, pero palagi lang may mga hinihingi at pakiusap sa Kanya. Ang gayong mga tao—mga taong may abnormal na katwiran—ay wala pa ring kakayahang makilala ang sarili nilang pag-uugaling kasuklam-suklam o pagsisihan ang kanilang mga kilos ng paghihimagsik. Kung may kakayahan ang mga taong makilala ang mga sarili nila, bahagya na nilang nabawi ang kanilang katwiran; kapag ang mga tao ay mas mapaghimagsik laban sa Diyos pero hindi kilala ang sarili nila, mas wala sa ayos ang kanilang katwiran.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Manatiling Hindi Nagbabago sa Disposisyon ay Pagiging Kaaway ng Diyos

Hindi mababago ng mga tao mismo ang mga disposisyon ng mga tao; kailangan silang dumaan sa paghatol at pagkastigo, at sa mga pagsubok at pagpipino, ng mga salita ng Diyos, o sa pagkakapungos at pagdidisiplina ng Kanyang mga salita. Saka lamang sila magkakamit ng pagpapasakop at katapatan sa Diyos, at hindi na magiging pabasta-basta sa Kanya. Sa ilalim ng pagpipino ng mga salita ng Diyos nagbabago ang disposisyon ng mga tao. Sa pamamagitan lamang ng pagsisiwalat, paghatol, pagdidisiplina, at pagpupungos ng Kanyang mga salita sila hindi na mangangahas na kumilos nang walang pakundangan kundi sa halip ay magiging matatag at mahinahon sila. Ang pinakamahalagang punto ay na magagawa nilang magpasakop sa pinakabagong mga salita ng Diyos, at sa Kanyang gawain. Kahit hindi ito nakaayon sa mga kuru-kuro ng tao, magagawa nilang bitiwan ang mga kuru-kurong ito at kusang magpasakop. Noong araw, ang usapan tungkol sa mga pagbabago sa disposisyon ay pangunahing tumukoy sa paghihimagsik laban sa sarili, pagpapahintulot na magdusa ang laman, pagdidisiplina sa katawan, at pag-aalis sa sarili ng mga makalamang kagustuhan—na isang uri ng pagbabago sa disposisyon. Ngayon, alam ng lahat na ang tunay na pagpapakita ng pagbabago sa disposisyon ay pagpapasakop sa pinakabagong mga salita ng Diyos at tunay na pagkakilala sa Kanyang bagong gawain. Sa ganitong paraan, maaaring mapawi ang dating batay-sa-kuru-kurong kaalaman ng mga tao tungkol sa Diyos, at makapagtatamo sila ng tunay na pagkilala at pagpapasakop sa Diyos—ito lamang ang tunay na pagpapamalas ng isang pagbabago sa disposisyon.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Taong Nagbago Na ang Disposisyon ay Yaong mga Nakapasok Na sa Realidad ng mga Salita ng Diyos

Sa kanyang buhay, kung nais ng tao na malinis at makamtan ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, kung nais niya na isabuhay ang isang makabuluhang buhay, at tuparin nang maayos ang kanyang tungkulin bilang isang nilikha, kung gayon dapat niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, at hindi dapat hayaan ang pagdisiplina ng Diyos at paghampas ng Diyos na lumisan mula sa kanya, upang palayain niya ang kanyang sarili mula sa pagmamanipula at impluwensiya ni Satanas, at mamuhay sa liwanag ng Diyos. Dapat mong malaman na ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ay ang liwanag, at ang liwanag ng kaligtasan ng tao, at na walang higit na mabuting pagpapala para sa tao, at walang mas dakilang biyaya o mas mahusay na proteksyon. Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas, at umiiral sa laman; kung hindi siya nalilinis at hindi nakatatanggap ng proteksyon ng Diyos, kung gayon ang tao ay lalong magiging masama. Kung nais niyang ibigin ang Diyos, kung gayon dapat siyang malinis at maligtas. Nanalangin si Pedro, “Diyos ko, kapag pinakikitunguhan Mo ako nang may-kabaitan ay nalulugod ako, at nabibigyang-alo; kapag kinakastigo Mo ako, nakadarama ako ng higit pang pag-alo at kagalakan. Bagaman ako ay mahina, at nagtiis ng di-mailarawang pagdurusa, bagaman mayroon akong mga luha at pighati, batid Mo na ang pighating ito ay dahil sa aking paghihimagsik, at dahil sa aking kahinaan. Tumatangis ako dahil hindi ko natutugunan ang Iyong mga layunin, nakadarama ako ng pighati at pagsisisi dahil hindi ako sapat para sa Iyong mga hinihingi, ngunit handa akong abutin ang antas na ito, handa akong gawin ang lahat ng kaya ko upang Ikaw ay mapalugod. Ang Iyong pagkastigo ay nagsilbing proteksiyon sa akin, at ang pinakamainam na pagliligtas para sa akin; ang Iyong paghatol ay nangingibabaw sa Iyong pagpaparaya at pagtitiis. Kung wala ang Iyong pagkastigo at paghatol, hindi ko matatamasa ang Iyong awa at mapagmahal na kabaitan. Ngayon, lalo kong nakikita na ang Iyong pag-ibig ay nakalampas sa mga kalangitan at hinigitan ang lahat ng iba pang bagay. Ang Iyong pag-ibig ay hindi lamang awa at mapagmahal na kabaitan; higit pa riyan, ito ay pagkastigo at paghatol. Napakarami kong nakamit mula sa Iyong pagkastigo at paghatol. Kung wala ang Iyong pagkastigo at paghatol, walang isa mang taong malilinis, at walang isa mang taong makararanas ng pag-ibig ng Lumikha.”

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Habang nararanasan ang gawain ng Diyos, kahit ilang beses ka pang nabigo, natisod, o napungusan o naibunyag, hindi masasamang bagay ang mga ito. Paano ka man napungusan—mga lider, manggagawa, o mga kapatid mo man ang gumawa niyon—palaging mabuting bagay ito. Dapat mong tandaan ito: Gaano ka man nagdurusa, ang totoo ay nakikinabang ka. Sinumang may karanasan ay mapatutunayan ito. Ano’t anupaman, ang mapungusan o maibunyag ay laging isang mabuting bagay. Hindi ito pagkokondena. Ito ay pagliligtas ng Diyos at ang pinakamagandang pagkakataon para makilala mo ang iyong sarili. Maaari itong maging hudyat ng pagbabago sa iyong karanasan sa buhay. Kung wala ito, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon, mga kondisyon, ni ng konteksto para maunawaan ang realidad ng iyong katiwalian. Kung talagang nauunawaan mo ang katotohanan, at nagagawa mong ungkatin ang mga tiwaling bagay na nakatago sa kaibuturan ng puso mo, kung malinaw mong makikilatis ang mga ito, mabuti ito, nalutas nito ang isang malaking problema sa buhay pagpasok, at malaking pakinabang ito sa mga pagbabago sa disposisyon. Ang tunay na makakilala sa iyong sarili ay ang pinakamagandang pagkakataon para dumaan sa isang malalim na pagbabago at maging isa kang bagong tao; ito ang pinakamagandang oportunidad para magkaroon ka ng bagong buhay. Kapag tunay mong nakilala ang iyong sarili, makikita mo na kapag ang katotohanan ay naging buhay ng isang tao, mahalagang bagay iyon talaga, at mauuhaw ka sa katotohanan, isasagawa mo ang katotohanan, at papasok sa realidad. Napakagandang bagay niyan! Kung kaya mong samantalahin ang pagkakataong ito at taimtim kang magninilay-nilay sa iyong sarili at magtatamo ng tunay na pagkakilala sa iyong sarili kapag ikaw ay nabibigo o nadadapa, kung gayon, sa gitna ng pagiging negatibo at mahina, magagawa mong tumayong muli. Kapag nalagpasan mo na ang hangganang ito, makakaya mo nang gumawa ng malaking hakbang at pumasok tungo sa katotohanang realidad.

Kung naniniwala ka sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, kung gayon ay dapat kang maniwala na ang mga bagay na nangyayari araw-araw, mabuti man o masama ang mga ito, ay hindi basta na lamang nagaganap. Hindi ito dahil may isang sinasadyang magpahirap sa iyo o pumuntirya sa iyo; lahat ng ito ay isinaayos at pinamatnugutan ng Diyos. Bakit pinamamatnugutan ng Diyos ang lahat ng mga bagay na ito? Hindi ito para ilantad kung sino ka o upang ibunyag at itiwalag ka; ang pagbubunyag sa iyo ay hindi ang panghuling layon. Ang layon ay gawin kang perpekto at iligtas ka. Paano ka ginagawang perpekto ng Diyos? At paano ka Niya inililigtas? Nagsisimula Siya sa pamamagitan ng pagpapabatid sa iyo ng iyong sariling mga tiwaling disposisyon, at sa pamamagitan ng pagpapaalam sa iyo ng iyong kalikasang diwa, ng iyong mga kakulangan, at kung ano ang wala sa iyo. Tanging sa pag-alam sa mga bagay na ito, at pagkakaroon ng pagkaunawa sa mga ito mo makakayang hangarin ang katotohanan at unti-unting maiwaksi ang iyong mga tiwaling disposisyon. Ito ang Diyos na nagkakaloob sa iyo ng pagkakataon. Ito ang awa ng Diyos. Dapat alam mong samantalahin ang pagkakataong ito. Hindi ka dapat makaramdam ng paglaban sa Diyos, maging masuwayin sa Kanya, o magkamali ng pagkaunawa sa Kanya. Lalo na kapag naharap sa mga tao, pangyayari, at bagay na isinasaayos ng Diyos sa paligid mo, huwag mong palaging isipin na hindi ayon sa nais mo ang mga ito, huwag palaging naisin na matakasan ang mga ito o palaging magreklamo tungkol sa Diyos at magkaroon ng maling pagkaunawa sa Diyos. Kung lagi mong ginagawa ang mga bagay na iyon, kung gayon ay hindi mo dinaranas ang gawain ng Diyos, at magiging napakahirap para sa iyo na pumasok sa katotohanang realidad. Anuman ang makaharap mo na hindi mo ganap na maunawaan, o na nahihirapan ka, dapat mong matutuhang magpasakop. Dapat ka munang lumapit sa harap ng Diyos at mas magdasal. Sa ganyang paraan, bago mo pa mamalayan, magkakaroon ng pagbabago sa iyong panloob na kalagayan, at magagawa mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang suliranin. Sa gayon, magagawa mong maranasan ang gawain ng Diyos. Habang nagaganap ito, ang katotohanang realidad ay mahuhubog sa loob mo, at sa ganito ka susulong at sasailalim sa isang pagbabago ng kalagayan ng iyong buhay. Sa sandaling napagdaanan mo na ang pagbabagong ito at nagtataglay ka ng katotohanang realidad na ito, magtataglay ka ng tayog, at kapag mayroon kang tayog, magkakaroon ka ng buhay. Kung ang isang tao ay laging nabubuhay batay sa mga tiwaling satanikong disposisyon, kung gayon, gaano man kalaking kasiglahan o motibasyon ang mayroon siya, hindi pa rin siya maituturing na may tayog o buhay. Kapag gumagawa ang Diyos sa bawat isang tao, anuman ang Kanyang pamamaraan, anong uri man ng mga tao, pangyayari at bagay ang ginagamit Niya para magserbisyo sa Kanya, o anumang uri ng tono mayroon ang mga salita Niya, isa lamang ang Kanyang panghuling layon: iligtas ka. At paano ka Niya inililigtas? Sa pamamagitan ng pagbabago sa iyo. Kaya paanong hindi ka magdurusa nang bahagya? Kakailanganing magdusa ka nang kaunti. Ang pagdurusang ito ay maaaring kapalooban ng maraming bagay. Una, nagdurusa ang mga tao kapag tinatanggap nila ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Kapag masyadong matindi at tahasan ang mga salita ng Diyos, nagkakamali ng pagkaunawa ang mga tao sa Diyos, nagkakaroon pa nga sila ng mga kuru-kuro, at nagdurusa rin sila nang kaunti. Kung minsan ay nagpapalitaw ng sitwasyon ang Diyos sa paligid ng mga tao para ibunyag ang kanilang katiwalian at para pagnilayan at kilalanin nila ang kanilang sarili, at magdurusa rin sila nang kaunti. Kung minsan, kapag tuwiran silang pinungusan at inilantad, nagdurusa ang mga tao. Ang paglutas sa isang tiwaling disposisyon ay parang pagsasailalim sa operasyon—hindi ka magkakaroon ng mga resulta nang walang pagdurusa. Kung sa tuwing ikaw ay pinupungusan, at tuwing ibinubunyag ka ng isang sitwasyon ay pinupukaw nito ang iyong puso at pinalalakas ka, na nag-uudyok sa iyo na hanapin ang katotohanan at pagnilayan ang iyong sarili, kilalanin ang sarili mong katiwalian at paghihimagsik, at tunay na magsisi sa Diyos—kung daranasin mo ang mga bagay sa ganitong paraan, makakapasok ka sa katotohanang realidad, at magkakaroon ng tayog. Kung, tuwing ikaw ay sumasailalim sa pagpupungos, at sa pagbubunyag ng isang sitwasyon, wala kang nararamdamang anumang sakit o hirap, at wala kang nararamdamang anuman, at hindi ka lumalapit sa harap ng Diyos para hanapin ang Kanyang mga layunin, hindi nagdarasal o naghahanap ng katotohanan, napakamanhid mo! Kung hindi mo binabasa ang mga salita ng Diyos at hindi mo sinusubukang arukin ang katotohanan, lalo na ang hanapin ang katotohanan kapag nahaharap sa anumang sitwasyon, at wala ni katiting na kamalayan o tugon sa loob ng iyong espiritu, tulad ng isang patay na tao, kung gayon ay hindi na gagawa ang Diyos sa iyo. Sasabihin Niya, “Masyadong manhid ang taong ito, at masyadong malalim ang pagiging tiwali. Gaano man siya pigilan, pungusan, o disiplinahin, kahit papaano ay hindi pa rin nito napupukaw ang kanyang puso o nagigising ang kanyang espiritu. Malabong maligtas siya.” Ipagpalagay nang naghahanda ang Diyos ng ilang kapaligiran, tao, pangyayari, at bagay para sa iyo, o na pinupungusan ka Niya, at may natututuhan kang mga aral mula rito; natututuhan mong lumapit sa harap ng Diyos, hanapin ang katotohanan, at nang hindi mo namamalayan ay binibigyang-liwanag at tinatanglawan ka at nakakamit mo ang katotohanan; nakararanas ka ng mga pagbabago sa mga kapaligirang ito, may nakakamit ka, at umuunlad ka, at nagsisimula kang magkaroon ng kaunting pagkaunawa sa layunin ng Diyos at hindi ka na nagrereklamo. Nangangahulugan ito na nanindigan ka sa gitna ng mga pagsubok ng mga kapaligirang ito, at nakayanan mo ang pagsubok. Sa ganoong kaso, nalampasan mo na ang balakid na ito. Paano ituturing ng Diyos yaong mga nakakayanan ang pagsubok? Sasabihin ng Diyos na mayroon silang totoong puso; sasabihin Niya na kaya nilang tiisin ang ganitong uri ng pagdurusa, na minamahal nila ang katotohanan sa kanilang puso, at ninanais nilang makamit ang katotohanan. Kung mayroong ganitong uri ng pagtatasa sa iyo ang Diyos, hindi ka ba isang taong may tayog? Hindi ka ba may buhay kung gayon? At paano nakakamit ang buhay na ito? Ito ba ay ipinagkakaloob ng Diyos? Tinutustusan ka ng Diyos sa iba’t ibang paraan at gumagamit Siya ng iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay upang sanayin ka. Ito ay para bang ang Diyos ay personal na nagbibigay sa iyo ng pagkain at inumin, personal na naghahatid ng iba’t ibang pagkain sa harap mo para kainin mo hanggang mabusog at masiyahan ka; saka ka lamang lalago at tatatag. Ganito mo dapat danasin at arukin ang mga bagay na ito; ito ang ibig sabihin ng magpasakop sa lahat ng bagay na nagmumula sa Diyos. Dapat kang magkaroon ng mapagpasakop na saloobin, at dapat kang matutong hanapin ang katotohanan. Hindi ka dapat naghahanap ng mga panlabas na sanhi o palaging naninisi sa iba para sa iyong mga suliranin at naghahanap ng mga kamalian sa mga tao; dapat mong maunawaan ang mga layunin ng Diyos. Sa panlabas, maaaring tila mayroong mga opinyon tungkol sa iyo o pagkiling laban sa iyo ang ilang tao, ngunit hindi mo dapat tingnan ang mga bagay-bagay sa ganoong paraan. Kung titingnan mo ang mga bagay-bagay mula sa ganitong uri ng pananaw, ang tanging gagawin mo ay susubukang makipagtalo, at hindi ka makapagkakamit ng anumang bagay. Dapat mong tingnan ang mga bagay-bagay nang walang pagkiling at tanggapin ang lahat mula sa Diyos. Kapag tiningnan mo ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan, magiging madali para sa iyo na magpasakop sa gawain ng Diyos, at magagawa mong hanapin ang katotohanan, at maaarok mo ang mga layunin ng Diyos. Sa sandaling naitama ang iyong pananaw at kalagayan ng pag-iisip, magagawa mong kamtin ang katotohanan. Kaya’t bakit hindi mo ito gawin nang malugod? Bakit ka sumusuway? Kung titigil ka sa pagsuway, makakamit mo ang katotohanan. Kung susuway ka, wala kang makakamit na anuman, at mapapalungkot mo rin ang Diyos at madidismaya mo Siya. Bakit madidismaya ang Diyos? Dahil hindi mo tinatanggap ang katotohanan, wala kang pag-asang maligtas, at hindi ka nakakamit ng Diyos. Paanong hindi Siya madidismaya? Kapag hindi mo tinatanggap ang katotohanan, katumbas ito ng pagtanggi sa pagkaing personal na ibinibigay sa iyo ng Diyos. Sinasabi mong hindi ka nagugutom at na hindi mo ito kailangan; paulit-ulit kang pinapayuhan ng Diyos na kumain, ngunit ayaw mo pa rin. Mas gugustuhin mo pang magutom. Iniisip mong busog ka, kahit na ang totoo, wala kang kahit ano. Ang mga taong katulad nito ay kulang na kulang sa katwiran, at lubhang nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba; nasa harap na nila ang isang mabuting bagay ay hindi pa rin nila ito nakikita, sila ang pinakamahirap at kaawa-awang mga tao.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Makamit ang Katotohanan, Dapat Matuto ang Isang Tao ng mga Aral Mula sa mga Tao, Pangyayari, at Bagay sa Kanyang Paligid

Kung nais mong malinis sa katiwalian mo at dumanas ng pagbabago sa buhay disposisyon mo, kailangan mong magkaroon ng pagmamahal sa katotohanan at magawa mong tanggapin ang katotohanan. Ano ang ibig sabihin ng tanggapin ang katotohanan? Ang pagtanggap sa katotohanan ay nangangahulugan na anumang tiwaling disposisyon ang mayroon ka, o alinman sa mga lason ng malaking pulang dragon—mga lason ni Satanas—ang nasa iyong kalikasan, kapag inilantad ng mga salita ng Diyos ang mga bagay na ito, dapat mong aminin ang mga ito at magpasakop ka, hindi ka maaaring gumawa ng ibang pagpili, at dapat mong kilalanin ang iyong sarili ayon sa mga salita ng Diyos. Ang ibig sabihin nito ay magawang tanggapin ang mga salita ng Diyos at tanggapin ang katotohanan. Ipagpalagay na, anuman ang sabihin ng Diyos, gaano man kabagsik ang mga salita Niya, at anumang mga salita ang ginagamit Niya, matatanggap mo ang mga ito basta’t katotohanan ang sinasabi Niya, at kaya mong kilalanin ang mga ito basta’t umaayon ang mga ito sa realidad. Kaya mong magpasakop sa mga salita ng Diyos gaano man kalalim ang pagkaunawa mo sa mga ito, at kahit pa mga kapatid ang nagbabahagi ng liwanag ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, kaya mo pa ring tanggapin ito at magpasakop dito. Kapag umabot na sa isang partikular na punto ang paghahangad sa katotohanan ng gayong tao, kaya niyang makamit ang katotohanan at matamo ang pagbabago ng kanyang disposisyon. Kahit pa may kaunting pagkatao ang mga taong hindi nagmamahal sa katotohanan, kayang gumawa ng ilang mabubuting bagay, at kayang tumalikod at gumugol para sa Diyos, naguguluhan sila at hindi sila metikuloso tungkol sa katotohanan, kaya hindi nagbabago kailanman ang mga buhay disposisyon nila. Makikita mo na ang pagkatao ni Pedro at ang sa iba pang mga disipulo ay halos magkapareho, pero ang isang prominenteng katangian ni Pedro ay ang katunayan na partikular niyang hinangad ang katotohanan. Anuman ang sinabi ni Jesus, taimtim niya itong pinagbulayan, pinagninilayan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mga salitang ito at hinahanap ang mga layunin ng Diyos. Nagtanong si Jesus, “Simon Barjona, mahal mo ba Ako?” Matapat na sumagot si Pedro, “Ang Ama na nasa langit lamang ang mahal ko, subalit hindi ko minahal ang Panginoon sa lupa.” Kalaunan ay naunawaan niya, naisip na, “Hindi tama ito, ang Diyos sa lupa ay ang Diyos sa langit. Hindi ba’t mayroon lang iisang Diyos na ito sa langit at sa lupa? Kung ang Diyos sa langit lamang ang mahal ko, hindi praktikal ang pagmamahal ko. Kailangan kong mahalin ang Diyos sa lupa, at saka lamang magiging praktikal ang aking pagmamahal.” Sa gayon, naunawaan ni Pedro ang tunay na kahulugan ng salita ng Diyos mula sa itinanong ni Jesus. Ang pagmamahal ng isang tao sa Diyos ay praktikal lamang kung minamahal niya ang Diyos na nagkatawang-tao sa lupa. Ang mahalin ang kathang-isip at di-nakikitang diyos ay hindi makatotohanan ni praktikal, samantalang ang mahalin ang praktikal at nakikitang Diyos ay katotohanan. Mula sa mga salita ni Jesus, natamo ni Pedro ang katotohanan at naunawaan ang layunin ng Diyos. Malinaw na ang pananampalataya ni Pedro sa Diyos ay nakatuon lamang sa paghahangad sa katotohanan. Sa bandang huli, nagawa niyang mahalin ang praktikal na Diyos—ang Diyos sa lupa. Napakamasigasig ni Pedro sa kanyang paghahangad sa katotohanan. Sa bawat pagkakataon na binigyan siya ni Jesus ng payo, taimtim niyang pinagnilayan ang mga salita ni Jesus. Marahil ay nagnilay-nilay siya nang ilang buwan, isang taon, o ilang taon pa nga bago siya binigyang-liwanag ng Banal na Espiritu at naunawaan niya ang diwa ng mga salita ng Diyos. Sa ganitong paraan, pumasok si Pedro sa katotohanan, at sa kanyang pagpasok, nagbago at napanibago ang kanyang buhay disposisyon.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao

Upang malutas ang mga tiwaling disposisyon, kailangan munang matanggap ng isang tao ang katotohanan. Ang pagtanggap sa katotohanan ay pagtanggap sa paghatol at pagkastigo ng Diyos; ito ay pagtanggap sa Kanyang mga salita na naglalantad sa diwa ng katiwalian ng tao. Kung aalamin at hihimayin mo ang mga pagbubunyag mo ng katiwalian, ng iyong mga tiwaling kalagayan, at ng iyong mga tiwaling intensiyon at pag-uugali batay sa mga salita ng Diyos, at magagawa mong kilalanin ang diwa ng iyong mga tiwaling disposisyon, magkakaroon ka ng kaalaman sa iyong mga tiwaling disposisyon, at nakapasok ka na sa proseso ng paglutas sa mga ito. Sa kabilang banda, kung hindi ka magsasagawa nang ganito, bukod sa hindi mo magagawang lutasin ang iyong disposisyon ng katigasan ng kalooban, magiging imposible rin na mapuksa mo ang iyong mga tiwaling disposisyon. Ang bawat tao ay nagtataglay ng maraming tiwaling disposisyon. Saan ba dapat magsimula ang isang tao sa paglutas sa mga iyon? Una, kailangang lutasin ng isang tao ang kanyang katigasan ng kalooban, dahil hinahadlangan ng isang disposisyon ng katigasan ng kalooban ang mga tao na mapalapit sa Diyos, mahanap ang katotohanan, at magpasakop sa Diyos. Ang katigasan ng kalooban ang pinakamalaking balakid sa panalangin at pakikipagbahaginan ng tao sa Diyos; ito ang pinaka-nakagagambala sa normal na relasyon ng tao sa Diyos. Kapag nalutas mo na ang iyong disposisyon ng katigasan ng kalooban, nagagawa mo nang humarap sa Diyos para hanapin ang katotohanan, nagagawang tanggapin ang katotohanan, magiging madali nang lutasin ang iba mong mga tiwaling disposisyon. Ang paglutas sa isang tiwaling disposisyon ay nagsisimula sa pagninilay-nilay sa sarili at pagkakilala sa sarili. Subukan mong lutasin ang alinmang tiwaling disposisyon na nalalaman mo—kapag mas marami kang nalalaman sa mga iyon, mas marami kang malulutas; mas lalalim pa ang kaalaman mo sa mga iyon, mas lubusan mo pang malulutas ang mga iyon. Ito ang proseso ng paglutas sa mga tiwaling disposisyon, ibig sabihin, sa pamamagitan ng pagdarasal sa Diyos, pagninilayan mo ang iyong sarili, kikilalanin ang iyong sarili, at hihimayin ang diwa ng iyong mga tiwaling disposisyon batay sa mga salita ng Diyos, at aabot sa punto na kaya mong maghimagsik laban sa laman at isagawa ang katotohanan. Ang pag-alam sa diwa ng iyong mga tiwaling disposisyon ay hindi simpleng gampanin. Ang pagkilala sa sarili mo ay hindi pagsasabi nang pangkalahatan na “Isa akong tiwaling tao; isa akong diyablo; ako ang supling ni Satanas, ang inapo ng malaking pulang dragon; salungat at mapanlaban ako sa Diyos; kaaway Niya ako.” Ang gayong pananalita ay hindi naman nangangahulugan na mayroon kang tunay na pagkakilala tungkol sa iyong sariling katiwalian. Maaaring natutuhan mo ang mga salitang iyon mula sa ibang tao at hindi mo gaanong kilala ang sarili mo. Ang tunay na pagkakilala sa sarili ay hindi batay sa natututunan o mga paghusga ng tao, batay ito sa mga salita ng Diyos—ito ay ang makita nang malinaw ang pagdurusa at mga bunga na idinulot ng mga tiwaling disposisyon, at pagdanas kung paanong hindi lang ikaw ang pinipinsala ng iyong mga tiwaling disposisyon, kundi pati na rin ang ibang tao. Ito ay ang matalos ang katunayan na ang mga tiwaling disposisyon ay nagmumula kay Satanas, na ang mga ito ay mga lason at pilosopiya ni Satanas, at na ganap na antagonistiko ang mga ito sa katotohanan at sa Diyos. Tanging kapag nakilatis mo na ang problemang ito, magkakaroon ka ng pagkakilala sa iyong mga tiwaling disposisyon. Kinikilala ng ilang tao na sila ay mga diyablo at mga Satanas, pero hindi nila tinatanggap ang mapungusan, o hindi nila inaamin na may nagawa silang mali o na nilabag nila ang katotohanan. Ano ang problema rito? Hindi pa rin nila kilala ang sarili nila. Sinasabi ng ilang tao na sila ay mga diyablo at mga Satanas, subalit kung tatanungin mo sila ng, “Bakit mo sinasabi na ikaw ay isang diyablo at isang Satanas?” hindi sila makasasagot. Ipinapakita nito na hindi nila alam ang kanilang mga tiwaling disposisyon, o ang kanilang kalikasang diwa. Kung mapagtatanto nila na ang kanilang kalikasan ay ang kalikasan ng diyablo, na ang kanilang mga tiwaling disposisyon ay ang mga disposisyon ni Satanas, at dahil dito ay aaminin na sila ay isang diyablo at isang Satanas, saka lang nila makikilala ang sarili nilang kalikasang diwa. Ang tunay na pagkilala sa sarili ay nakakamit sa pamamagitan ng paglalantad at paghatol ng mga salita ng Diyos, at sa pamamagitan ng pagsasagawa at pagdanas sa mga salita ng Diyos. Nakakamit ito sa pamamagitan ng pag-unawa sa katotohanan. Paano man magsalita ang mga hindi nakakaunawa sa katotohanan tungkol sa pagkilala sa kanilang sarili, ang sinasabi nila ay hungkag at hindi praktikal, dahil hindi nila maunawaan ang ugat ng problema o ang sarili nilang kalikasang diwa. Para makilala ang sarili, dapat aminin ng isang tao, sa mga partikular na kaso, kung anong mga tiwaling disposisyon ang ibinunyag niya, anong mga intensyon at halong dumi ang mayroon siya, anong mga katotohanang prinsipyo ang nilabag niya, at bakit hindi niya nagawang isagawa ang katotohanan. Ang isang tao ay mayroon lang pagkilala sa sarili kapag kaya niyang sabihin nang malinaw ang mga bagay na ito. Kapag pinupungusan o ibinubunyag ang ilang tao, ipinapakita nila ang tiwaling disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan, at kasabay nito, nagkakaroon sila ng mga paghihinala, maling pagkaunawa, at pagiging mapagbantay laban sa Diyos. Sa pamamagitan ng paghatol at paglalantad ng mga salita ng Diyos, nakikilala nila ang sarili nilang mga tiwaling disposisyon, at inaamin din nila na ang lahat ng salita ng Diyos na humahatol at naglalantad sa mga tao ay tunay. Pinatutunayan nito na mayroon silang kaunting pagkilala sa sarili. Ngunit dahil wala silang pagkakilala tungkol sa Diyos o sa Kanyang gawain, dahil hindi nila nauunawaan ang Kanyang mga layunin, lubhang mababaw ang pagkakilala nila sa sarili. Kung kinikilala lamang ng isang tao ang kanyang sariling katiwalian ngunit hindi pa natatagpuan ang ugat ng problema, malulutas ba ang kanyang mga hinala, maling pagkaunawa, at pagbabantay laban sa Diyos? Hindi. Ito ang dahilan kaya ang pagkakilala sa sarili ay higit pa sa basta pagkilala lamang sa katiwalian at mga problema ng isang tao—kailangan niya ring maunawaan ang katotohanan at malutas ang ugat ng problema ng kanyang tiwaling disposisyon. Saka lang makikilatis ng isang tao ang katotohanan ng kanyang katiwalian at tunay siyang makakapagsisi. Kapag iyong mga nagmamahal sa katotohanan ay nakikilala ang kanilang sarili, nagagawa rin nilang hanapin at unawain ang katotohanan upang lutasin ang kanilang mga problema. Ang ganitong uri lamang ng pagkakilala sa sarili ang nagkakaroon ng mga resulta. Tuwing nababasa ng isang taong nagmamahal sa katotohanan ang isang parirala ng mga salita ng Diyos na naglalantad at humahatol sa tao, bago ang lahat, may pananalig siya na ang mga salita ng Diyos na naglalantad sa tao ay totoo at tunay, at na ang mga salita ng Diyos na humahatol sa tao ay ang katotohanan at na kumakatawan ang mga ito sa Kanyang pagiging matuwid. Ito ay isang bagay na nagagawang makilala, kahit papaano, ng mga nagmamahal sa katotohanan. Kung ang isang tao ay hindi man lang naniniwala sa mga salita ng Diyos, at hindi naniniwala na ang mga salita ng Diyos na naglalantad at humahatol sa mga tao ay mga katunayan at ang katotohanan, makikilala ba niya ang kanyang sarili batay sa Kanyang mga salita? Siguradong hindi—kahit na gustuhin niya, hindi niya ito magagawa. Kung kaya mong maging matatag sa iyong paniniwala na lahat ng salita ng Diyos ay katotohanan, at maniwala sa mga salita ng Diyos anuman ang sabihin ng Diyos o ang paraan ng pagsasalita Niya, kung nagagawa mong maniwala at tanggapin ang Kanyang mga salita kahit hindi mo nauunawaan ang mga ito, magiging madali para sa iyo na pagnilay-nilayan at kilalanin ang sarili mo batay sa mga ito. Ang pagninilay sa sarili ay kailangang batay sa katotohanan. Walang kaduda-duda iyan. Ang mga salita lamang ng Diyos ang katotohanan—wala ni isa sa mga salita ng tao at wala ni isa sa mga salita ni Satanas ang katotohanan. Ginagawa nang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan gamit ang lahat ng uri ng pag-aaral, turo, at teorya sa loob ng libo-libong taon—at naging manhid na ang mga tao at mapurol ang utak, at hindi lamang sila wala ni katiting na pagkakilala tungkol sa kanilang sarili, kundi sinasamba pa nila ang mga maling pananampalataya at maling kaisipan at ayaw nilang tanggapin ang katotohanan. Ang mga taong katulad nito ay hindi matutubos. Yaong mga sinserong nananampalataya sa Diyos ay may pananalig na ang Kanyang mga salita lamang ang katotohanan, at nagagawa nilang kilalanin ang kanilang sarili batay sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan, at sa gayon ay natatamo nila ang tunay na pagsisisi. Ang ilang tao ay hindi naghahangad ng katotohanan; ibinabatay lamang nila ang kanilang pagninilay tungkol sa kanilang sarili sa natutuhan ng tao, at wala silang inaamin kundi ang makasalanang pag-uugali lamang, samantala, hindi nila natatalos ang sarili nilang tiwaling diwa. Ang gayong pagkakilala sa sarili ay isang walang-saysay na pagsisikap at wala itong ibinubunga. Kailangang ibatay ng isang tao ang kanyang pagninilay sa sarili sa mga salita ng Diyos, at pagkatapos magnilay-nilay, unti-unti niyang malalaman ang mga tiwaling disposisyon na ipinapakita niya. Kailangan masukat at malaman ng isang tao ang kanyang mga kakulangan, ang kanyang pagkataong diwa, kanyang mga pananaw tungkol sa mga bagay-bagay, kanyang pananaw at pagpapahalaga sa buhay, batay sa katotohanan, at pagkatapos ay magkaroon ng isang tumpak na pagtatasa at hatol sa lahat ng bagay na ito. Sa ganitong paraan, unti-unti siyang magtatamo ng pagkakilala tungkol sa kanyang sarili. Ngunit mas lumalalim ang pagkakilala sa sarili habang mas dumarami ang kanyang natatamong buhay karanasan, at bago niya matamo ang katotohanan, magiging imposible para sa kanya na ganap na matalos ang kanyang kalikasang diwa. Kung tunay na kilala ng isang tao ang kanyang sarili, makikita niya na ang mga tiwaling tao ay tunay ngang supling at mga pagsasakatawan ni Satanas. Madarama niya na hindi siya nararapat na mabuhay sa harap ng Diyos, na hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal at pagliligtas ng Diyos, at magagawa niyang ganap na magpatirapa sa harapan ng Diyos. Yaon lamang mga kayang magkaroon ng gayong antas ng kaalaman ang tunay na nakakakilala sa kanilang sarili. Ang pagkakilala sa sarili ay isang paunang kondisyon sa pagpasok sa katotohanang realidad. Kung nais isagawa ng isang tao ang katotohanan at pumasok sa realidad, kailangan niyang makilala ang kanyang sarili. Lahat ng tao ay may mga tiwaling disposisyon, at bagama’t ayaw nila, palagi silang nagagapos at nakokontrol ng mga tiwaling disposisyon na ito at sa gayon ay hindi sila nakapagsasagawa ng katotohanan o nakapagpapasakop sa Diyos. Samakatwid, kung nais nilang gawin ang mga bagay na ito, kailangan muna nilang makilala ang kanilang sarili at lutasin ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Tanging sa proseso ng paglutas ng mga tiwaling disposisyon mauunawaan ng isang tao ang katotohanan at matatamo ang pagkakilala sa Diyos; saka lamang siya makapagpapasakop sa Diyos at makapagpapatotoo sa Kanya. Sa gayon, natatamo ng isang tao ang katotohanan. Ang proseso ng pagpasok sa katotohanang realidad ay ang paglutas sa mga tiwaling disposisyon ng isang tao. Kaya, ano ang kailangan niyang gawin para malutas ang kanyang mga tiwaling disposisyon? Una, kailangang malaman ng isang tao ang kanyang tiwaling diwa. Sa partikular, nangangahulugan ito ng pagkaalam kung paano nagsimula ang kanyang mga tiwaling disposisyon, at kung alin sa mga maladiyablong salita at maling kaisipan mula kay Satanas na tinanggap niya ang nagpasimula ng mga iyon. Sa sandaling lubos niyang maunawaan ang mga ugat na dahilan batay sa mga salita ng Diyos at mayroon siyang pagkilatis sa mga ito, hindi na siya papayag na mamuhay ayon sa kanyang mga tiwaling disposisyon, nanaisin na lamang niyang magpasakop sa Diyos at mamuhay ayon sa Kanyang mga salita. Sa tuwing nagpapakita siya ng tiwaling disposisyon, mapapansin niya iyon, tatanggihan iyon, at maghihimagsik laban sa kanyang laman. Sa pamamagitan ng pagsasagawa at pagdanas nang ganito, unti-unti niyang iwawaksi ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon.

—Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (1)

Dapat mong kilatisin ang mga pinakalantad at pinakahalatang bagay na nasa iyong mga tiwaling disposisyon, tulad ng pagiging mayabang, o mapanlinlang, o buktot. Simula sa mga tiwaling disposisyong ito, magnilay-nilay, maghimay, at magkamit ng pagkakilala sa iyong sarili. Kung matatamo mo ang tunay na pagkakilala sa sarili at pagkamuhi sa sarili, magiging madali para sa iyo na iwaksi ang iyong mga tiwaling disposisyon, at magiging madali para sa iyo na isagawa ang katotohanan. Paano ito partikular na isasagawa? Magbahaginan tayo tungkol dito sa simpleng paraan, gamit ang halimbawa ng isang mapagmataas na disposisyon. Sa iyong pang-araw-araw na buhay—ito man ay sa pagsasalita, pag-asal, at pag-aasikaso ng mga bagay-bagay, o sa paggawa ng iyong tungkulin at pakikipagbahaginan sa iba—anuman ang usapin, o kung ano ang mga sitwasyon, dapat mong pagtuunan sa lahat ng oras ang pagsusuri kung aling mga pagbubunyag ng isang mapagmataas na disposisyon ang mayroon ka. Dapat mong hukayin ang lahat ng pagbubunyag, saloobin, at ideya na nagmumula sa iyong mapagmataas na disposisyon na alam mo at nawawari mo, gayundin ang iyong mga intensiyon at layon—lalo na ang kagustuhang palaging sermunan ang iba mula sa mataas na posisyon; hindi pagsunod sa kahit sino; pagturing sa lahat ng iba pa bilang mas mababa kaysa sa iyo; hindi pagtanggap sa sinasabi ng iba, gaano man sila katama; pagpilit sa iba na tanggapin at sundin ang sinasabi mo, kahit na mali ka; palagiang pagkahilig na pamunuan ang iba; pagiging ayaw na tanggapin ito at pangangatwiran kapag pinupungusan ka ng mga lider at manggagawa, pagkondena pa nga sa kanila bilang mga huwad; palaging pagkondena sa iba at pagtataas sa iyong sarili; palaging pag-iisip na mas magaling ka kaysa sa lahat; palaging pagnanais na maging isang sikat na tao o dakilang tao; palaging gustong-gustong magpakitang-gilas, upang tingalain at sambahin ka ng iba…. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagninilay-nilay at paghihimay sa mga pagbubunyag na ito ng katiwalian, malalaman mo kung gaano kapangit ang iyong mapagmataas na disposisyon, at magagawa mong kamuhian ang iyong sarili at makaramdam ng pagkasuklam sa iyong sarili, at mas lalong kamuhian ang iyong mapagmataas na disposisyon. Sa gayon ay magiging handa kang pagnilayan kung nagbunyag ka ba o hindi ng mapagmataas na disposisyon sa lahat ng bagay. Ang isang bahagi nito ay pagninilay-nilay sa kung aling mga pagbubunyag ng isang mapagmataas at mapagmagaling na disposisyon ang mayroon sa iyong pananalita—anong mga bagay na sinasabi mo ang mapagmalaking pananalita, mapagmataas na pananalita, at mga salitang walang katwiran. Ang isa pang bahagi ay pagninilay-nilay sa kung anong mga balighong bagay, anong mga bagay ang walang katwiran na ginagawa mo habang kumikilos ka ayon sa iyong mga kuru-kuro, imahinasyon, ambisyon, at pagnanais. Tanging ang ganitong uri ng pagninilay sa sarili ang magdudulot ng pagkakilala sa sarili. Kapag nagkamit ka na ng tunay na pagkakilala sa iyong sarili, dapat mong hanapin sa mga salita ng Diyos ang mga landas at prinsipyo ng pagsasagawa para maging isang matapat na tao, at pagkatapos ay magsagawa, gumawa ng iyong tungkulin, at tratuhin ang iba at makipag-ugnayan sa iba ayon sa mga landas at prinsipyo na nakasaad sa mga salita ng Diyos. Kapag nakapagsagawa ka na sa ganitong paraan nang ilang panahon, marahil nang isa o dalawang buwan, mararamdaman mo na may nakamit ka at natikman mo ang tamis na dulot nito. Mararamdaman mo na mayroon kang landas para maging isang matapat na tao na may katwiran, at mas lalo kang nagiging maliwanag at panatag sa puso. Bagama’t hindi ka pa makapagsasalita tungkol sa partikular na malalim na kaalaman tungkol sa katotohanan, magkakamit ka naman ng ilang perseptuwal na kaalaman tungkol dito, gayundin ng isang landas ng pagsasagawa. Bagama’t hindi mo ito maipapahayag nang malinaw gamit ang mga salita, magkakaroon ka naman ng kaunting pagkakilala sa pinsalang nagagawa ng isang mapagmataas na disposisyon sa mga tao at kung paano nito binabaluktot ang kanilang pagkatao. Halimbawa, ang mga taong mayabang at palalo ay madalas magyabang at magsabi ng mga mapagmataas na bagay, at magsabi ng mga maladiyablong salita para lansihin ang iba; nagsasabi sila ng mga salitang matayog pakinggan, sumisigaw ng mga islogan, at nagbubulalas ng matatayog na pananalita. Hindi ba’t ang mga ito ay iba’t ibang pagpapamalas ng isang mapagmataas na disposisyon? Hindi ba’t lubhang walang katwiran na magkaroon ng mga pagbubunyag na ito ng mapagmataas na disposisyon? Kung tunay mong nauunawaan na ang pagkakaroon ng mga pagbubunyag na ito ng isang mapagmataas na disposisyon ay nangangahulugan nga na nawalan ka na ng normal na katwiran ng tao, at na ang pamumuhay sa loob ng isang mapagmataas na disposisyon ay nangangahulugang nagsasabuhay ka ng pagkadiyablo sa halip na pagkatao, tunay mong makikilala na ang isang tiwaling disposisyon ay isang disposisyon ni Satanas, at mula sa iyong puso ay magagawa mong kamuhian si Satanas at ang mga tiwaling disposisyon. Sa anim na buwan o isang taon ng gayong karanasan, magkakaroon ka ng tunay na pagkakilala sa sarili, at kung magbubunyag ka ulit ng isang mapagmataas na disposisyon, mamamalayan mo ito kaagad, at magagawa mong maghimagsik laban dito at talikuran ito. Magsisimula ka nang magbago, at unti-unti mong mawawaksi ang iyong mapagmataas na disposisyon, at normal mo nang makakasundo ang iba. Magagawa mo nang magsalita nang matapat at mula sa puso; hindi ka na magsisinungaling o magsasabi ng mayayabang na salita. Kung magkagayon, hindi ba’t magtataglay ka na ng kaunting katwiran at kaunting wangis ng isang matapat na tao? Hindi ba’t ang pagpasok na iyon ay isang bagay na makakamit mo? Ito ang panahon kung kailan magsisimula kang may makamit. Kapag isinagawa mo ang pagiging matapat sa ganitong paraan, magagawa mong hanapin ang katotohanan at pagnilayan ang iyong sarili anumang uri ng mapagmataas na disposisyon ang ibinubunyag mo, at matapos maranasan ang pagiging isang matapat na tao sa ganitong paraan sa loob ng ilang panahon, walang kamalay-malay at unti-unti mong mauunawaan ang mga katotohanan at nauugnay na salita ng Diyos tungkol sa pagiging isang matapat na tao. At kapag ginamit mo ang mga katotohanang iyon para himayin ang iyong mapagmataas na disposisyon, sa kaibuturan ng iyong puso ay magkakaroon ng kaliwanagan at pagtanglaw ng mga salita ng Diyos, at magsisimulang lumiwanag ang iyong puso. Malinaw mong makikita ang katiwalian na idinudulot ng isang mapagmataas na disposisyon sa mga tao at ang kapangitan na ipinapasabuhay nito sa kanila, at magagawa mong tukuyin ang bawat isa sa mga tiwaling kalagayan na kinahahantungan ng mga tao kapag nagbubunyag sila ng mapagmataas na disposisyon. Sa higit pang paghihimay, mas malinaw mong makikita ang kapangitan ni Satanas, at mas lalo mong kamumuhian si Satanas. Sa gayon ay magiging madali para sa iyo na iwaksi ang iyong mapagmataas na disposisyon.

—Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (2)

Para tunay na makapagsisi, kailangang lutasin ng isang tao ang kanyang mga tiwaling disposisyon. Kaya paano, sa partikular, dapat magsagawa at pumasok ang isang tao upang malutas ang kanyang mga tiwaling disposisyon? Narito ang isang halimbawa. Ang mga tao ay may mapanlinlang na disposisyon, at palagi silang nagsisinungaling at nandaraya. Kung gayon, paano malulutas ang kanilang mapanlinlang na disposisyon? Ang pinakasimple at pinakatuwirang prinsipyo ng pagsasagawa ay ang maging matapat na tao, magsabi ng totoo at gumawa ng mga totoong bagay. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang magiging pananalita ninyo ay, ‘Oo, oo; Hindi, hindi.’” Para maging matapat na tao, dapat nilang sundin ang mga prinsipyo ng mga salita ng Diyos. Ang simpleng pagsasagawang ito ang pinakaepektibo, madali itong maunawaan at maisagawa. Gayunman, dahil napakalalim ng katiwalian ng mga tao, dahil lahat sila ay may satanikong kalikasan at nabubuhay ayon sa mga satanikong disposisyon, napakahirap para sa kanila na isagawa ang katotohanan. Hindi nila kayang maging matapat, kahit na gusto nila. Hindi nila napipigilang magsinungaling at manloko, at bagama’t pagkatapos itong mapagtanto ay maaari nilang pagsisihan ito, hindi pa rin nila magagawang makaalpas sa mga paglimita ng kanilang mga tiwaling disposisyon, at patuloy silang magsisinungaling at mandaraya tulad ng ginagawa nila dati. Paano dapat lutasin ang problemang ito? Bahagi nito ang pag-alam na ang diwa ng mga tiwaling disposisyon ng isang tao ay pangit at kasuklam-suklam, at ang mamuhi sa mga ito nang taos-puso; ang isang bahagi ay pagsasanay sa sarili na magsagawa ayon sa katotohanang prinsipyo: “Ang magiging pananalita ninyo ay, ‘Oo, oo; Hindi, hindi.’” Kapag isinasagawa mo ang prinsipyong ito, nasa proseso ka ng paglutas sa iyong mapanlinlang na disposisyon. Natural, kung nakapagsasagawa ka ayon sa mga katotohanang prinsipyo habang nilulutas mo ang iyong mapanlinlang na disposisyon, iyan ay pagpapamalas ng iyong pagbabago at ang pagsisimula ng iyong tunay na pagsisisi, at sinasang-ayunan ito ng Diyos. Sa madaling salita, kapag nagbago ka, magbabago ang isip ng Diyos tungkol sa iyo. Sa katunayan, ang paggawa nito ng Diyos ay isang uri ng pagpapatawad sa mga tiwaling disposisyon at paghihimagsik ng tao. Pinatatawad Niya ang mga tao at hindi tinatandaan ang mga kasalanan at pagsalangsang nila. Sapat na ba ang pagiging partikular niyan? Naunawaan ba ninyo ito? (Oo.) Narito ang isa pang halimbawa. Sabihin nang mayroon kang mayabang na disposisyon, at anuman ang mangyari sa iyo, napakatigas ng ulo mo—gusto mo palagi na ikaw ang magpapasya, at na ikaw ang susundin ng iba, at gagawin nila ang gusto mong ipagawa sa kanila. Isang araw, napagtatanto mo na dahil ito sa isang mayabang na disposisyon, at nagagawa mong aminin na ito ay mayabang na disposisyon—ito ang unang hakbang tungo sa pagkakilala sa sarili. Mula roon, dapat mong hanapin ang ilang sipi ng mga salita ng Diyos na naglalantad sa mayabang na disposisyon at ikumpara mo ang sarili mo sa mga ito, at pagnilayan at kilalanin ang sarili mo. Kung ang lahat ng ito ay tugma, at inaamin mo na taglay mo ang mayabang na disposisyon na inilantad ng Diyos, kapag nagkagayon ay dapat mong kilatisin at hukayin kung saan nagmumula ang iyong mayabang na disposisyon, at kung bakit ito lumalabas, at kung aling mga lason, maling paniniwala, at maling kaisipan ni Satanas ang kumokontrol dito. Kapag nakita mo na ang pinakabuod ng lahat ng tanong na ito, natagpuan mo na ang ugat ng iyong kayabangan, at tunay mong makikilala ang sarili mo. Kapag mayroon kang mas tumpak na pakahulugan sa iyong mga pagbubunyag ng tiwaling disposisyong ito, mas mapapadali nito at magiging mas malalim at praktikal ang pagkakilala mo sa iyong sarili. Ano ang susunod na dapat mong gawin? Dapat mong hanapin ang mga katotohanang prinsipyo sa mga salita ng Diyos, at unawain kung anong uri ng sariling asal at pananalita ng tao ang nagpapamalas ng normal na pagkatao. Kapag nakita mo na ang landas ng pagsasagawa, kailangan mong magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos at magbalik-loob ang puso mo—kung gayon ay tunay ka nang nakapagsisi. Hindi lamang magkakaroon ng prinsipyo sa iyong pananalita at kilos, maisasabuhay mo rin ang wangis ng tao at unti-unti mong maiwawaksi ang iyong mga tiwaling disposisyon. Makikita ng iba na bagong tao ka na: hindi ka na ang luma at tiwaling tao na tulad ng dati, kundi isang taong muling isinilang sa mga salita ng Diyos. Ang gayong tao ay isang tao na ang buhay disposisyon ay nagbago na.

—Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (1)

Upang hangarin ang pagbabago ng disposisyon, kailangan munang makilala ng isang tao ang sarili niyang tiwaling disposisyon. Ang tunay na pagkakilala sa sarili ay kailangan ng pagtalos at lubusang paghihimay sa diwa ng kanyang katiwalian, pati na rin ang pagkilala sa iba’t ibang kalagayan na dulot ng kanyang tiwaling disposisyon. Kapag malinaw na naunawaan ng isang tao ang sarili niyang mga tiwaling kalagayan at tiwaling disposisyon, saka lamang niya magagawang kamuhian ang kanyang laman at si Satanas, at saka lamang magkakaroon ng pagbabago sa disposisyon. Kung hindi niya makikilala ang mga kalagayang ito, at hindi niya maiugnay ang mga salita ng Diyos ng paglalantad na binabasa niya at ang sarili niyang aktuwal na mga kalagayan, hindi maitugma ang mga bagay na ito, maaari bang magbago ang disposisyon niya? Hindi. Ang pagkakamit ng pagbabago ng disposisyon ay nangangailangan na makilala ng isang tao ang iba’t ibang kalagayan na dulot ng tiwali niyang disposisyon; dapat siyang makarating sa puntong hindi na siya nililimitahan ng tiwali niyang disposisyon at sa punto ng pagsasagawa sa katotohanan—saka lamang magsisimula ang pagbabago ng disposisyon niya. Kung hindi niya makikilala ang pinagmulan ng mga tiwali niyang kalagayan, at pinipigilan ang sarili niya sa pamamagitan ng pag-asa lamang sa mga titik at doktrina na nauunawaan niya, kahit mayroon siyang ilang mabuting pag-uugali at nagbabago siya nang kaunti sa panlabas, hindi ito maituturing na pagbabago ng disposisyon. Dahil ito ay hindi maaaring ituring na pagbabago ng disposisyon, ano kung gayon ang papel na ginagampanan ng karamihan ng tao habang ginagawa ang tungkulin nila? Ito ay ang papel ng isang trabahador; nagsusumikap at nagpapakaabala lamang sila sa mga gawain. Bagama’t ginagawa rin nila ang tungkulin nila, kadalasan ay nakatutok lamang sila sa pagtapos ng mga bagay, hindi sa paghahanap ng katotohanan kundi sa pagsusumikap lang. Minsan, kapag maganda ang lagay ng kanilang loob, higit silang magsisikap, at minsan, kapag masama ang lagay ng kanilang loob, hindi sila masyadong magsisikap. Ngunit pagkatapos ay susuriin nila ang sarili nila at makakaramdam sila ng pagkakonsensiya, kaya’t muli silang higit na magsisikap, sa pag-aakalang ito ay pagsisisi. Sa katunayan, ito ay hindi tunay na pagbabago, ni tunay na pagsisisi. Nagsisimula ang tunay na pagsisisi sa pagkakilala sa sarili; nagsisimula ito sa pagbabago ng asal. Kapag nagbago na ang asal ng isang tao, at kaya na niyang maghimagsik laban sa kanyang laman, isagawa ang katotohanan, at sa usapin ng asal, nagmumukhang alinsunod sa mga prinsipyo, nangangahulugan ito na mayroon na ngang tunay na pagsisisi. Pagkatapos, unti-unti silang makararating sa puntong kaya na nilang magsalita at kumilos ayon sa mga prinsipyo, at ganap na alinsunod sa katotohanan. Ito ang simula ng pagbabago sa buhay disposisyon.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagkakilala sa Sarili ay Mahalaga sa Paghahangad ng Katotohanan

Kung nagbubunyag ka ng katiwalian sa isang bagay, maisasagawa mo ba kaagad ang katotohanan kapag natanto mo iyon? Hindi. Sa yugtong ito ng pagkaunawa, pinupungusan ka ng iba, at pagkatapos, ang iyong kapaligiran ay pumipilit sa iyong kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung minsan, labag pa rin sa iyong kalooban na gawin iyon, at sinasabi mo sa sarili mo, “Kailangan ko bang gawin ito nang ganito? Bakit hindi ko ito puwedeng gawin sa paraang gusto ko? Bakit laging hinihingi sa akin na isagawa ang katotohanan? Ayaw kong gawin ito, wala akong lakas para dito!” Ang pagdanas ng gawain ng Diyos ay nangangailangan ng pagdaan sa sumusunod na proseso: mula sa pag-aatubiling isagawa ang katotohanan, tungo sa kahandaang isagawa ang katotohanan; mula sa pagiging negatibo at mahina, tungo sa kalakasan at kakayahang maghimagsik laban sa laman. Kapag naabot ng mga tao ang isang tiyak na punto ng karanasan at pagkatapos ay dumaan sa ilang pagsubok, pagpipino, at sa huli ay naunawaan ang mga layunin ng Diyos at ilang katotohanan, medyo magiging masaya na sila at handang kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Sa pasimula, isinasagawa ng mga tao ang katotohanan nang may kaunting pag-aatubili. Gawing halimbawa ang debotong paggampan sa mga tungkulin: May kaunti kang pagpapasakop sa paggampan sa iyong mga tungkulin, kaunting kaalaman sa ibig sabihin ng pagiging deboto sa Diyos, at mayroon kang kaunting pagkaunawa sa katotohanan, subalit kailan mo magagawang maging ganap na deboto at magagampanan ang iyong mga tungkulin sa salita at gawa? Mangangailangan ito ng proseso. Sa prosesong ito, maaaring dumanas ka ng maraming hirap. Maaaring pungusan ka ng ilang tao, at maaaring punahin ka ng iba. Matutuon ang lahat ng mata sa iyo, sisiyasatin ka ng mga ito, at doon mo lamang masisimulang matanto na ikaw ay nasa mali at na ikaw ang may kasalanan, na hindi katanggap-tanggap ang kakulangan ng debosyon sa paggampan sa iyong tungkulin, at hindi ka dapat maging pabasta-basta. Bibigyang-liwanag ka ng Banal na Espiritu mula sa loob, at sasawayin ka kapag ikaw ay nagkamali. Sa prosesong ito, mauunawaan mo ang ilang mga bagay tungkol sa iyong sarili, at malalaman mo na masyado kang maraming karumihan, nagkikimkim ka ng napakaraming personal na motibo, at may napakaraming labis-labis na pagnanais habang ginagampanan ang iyong mga tungkulin. Sa sandaling naunawaan mo na ang diwa ng mga bagay na ito, kung magagawa mong lumapit sa Diyos sa panalangin at magkaroon ng tunay na pagsisisi, malilinis ka mula sa mga tiwaling bagay na iyon. Kung, sa ganitong paraan, madalas mong hinahanap ang katotohanan upang malutas ang iyong mga totoong problema, unti-unting tatapak ka sa tamang landas ng pananalig; magsisimula kang magkaroon ng mga tunay na karanasan sa buhay, at magsisimulang unti-unting malinis ang iyong mga tiwaling disposisyon. Kapag mas nalilinis ang iyong mga tiwaling disposisyon, mas magbabago ang iyong buhay disposisyon.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Disposisyon

Kung hindi malulutas ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, hindi sila makapapasok sa katotohanang realidad. Kung hindi nila alam kung aling mga tiwaling disposisyon ang mayroon sila, o kung ano ang sarili nilang satanikong kalikasang diwa, kaya ba talaga nilang aminin na sila mismo ay mga tiwaling tao? (Hindi.) Kung hindi talaga kayang aminin ng mga tao na sila ay kay Satanas, na sila ay mga miyembro ng tiwaling lahi ng tao, magagawa ba talaga nilang magsisi? (Hindi.) Kung hindi talaga nila magagawang magsisi, maaari kayang madalas nilang isipin na hindi sila napakasama, na sila ay marangal, mataas ang posisyon, na sila ay may katayuan at karangalan? Maaari kayang madalas silang magkaroon ng gayong mga kaisipan at kalagayan? (Oo.) Kaya bakit lumilitaw ang mga kalagayang ito? Ang lahat ng ito ay maaaring ibuod sa iisang pangungusap: Kung hindi malulutas ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, kung gayon, ang kanilang puso ay palaging mababagabag, at mahihirapan silang magkaroon ng normal na kalagayan. Ibig sabihin, kung mayroon kang isang partikular na tiwaling disposisyon at hindi mo ito nilulutas, labis kang mahihirapan na makawala mula sa impluwensiya ng isang negatibong kalagayan—maaari mo pa ngang isipin na ang kalagayan mong ito ay tama, wasto, at alinsunod sa katotohanan, at na dapat mo itong panghawakan. Sa ganitong paraan, magiging napakahirap para sa iyo na makaahon mula sa negatibong kalagayang iyon. Pagkatapos, isang araw, sa sandaling maunawaan mo ang katotohanan, bigla mong mapagtatanto na ang ganitong uri ng kalagayan ay maaaring magdulot sa iyo na magkamali ng pagkaunawa at lumaban sa Diyos, maaaring magdulot sa iyo na makaramdam ng paglaban sa Diyos at husgahan ang Diyos, at maaari pa ngang magsanhi na pagdudahan mo na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, pagdudahan ang gawain ng Diyos, pagdudahan na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat, at pagdudahan na ang Diyos ang realidad at pinagmulan ng lahat ng positibong bagay. Makikita mo na napakamapanganib ng kalagayan mo, at na ang matinding kahihinatnang ito ay dahil sa wala kang tunay na kaalaman sa mga pilosopiya, ideya, at teoryang ito ni Satanas. Sa oras na ito mo lang makikita kung gaano kalihim na mapanira at kamapaminsala si Satanas; si Satanas ay lubos na may kakayahang iligaw at gawing tiwali ang mga tao, na nagsasanhi sa kanila na tahakin ang landas ng paglaban sa Diyos at pagkakanulo sa Kanya. Kung hindi malulutas ang mga tiwaling disposisyon, magiging malubha ang mga kahihinatnan. Kung may kakayahan kang taglayin ang kaalamang ito, ang realisasyong ito, ito ay ganap na resulta ng iyong pagkaunawa sa katotohanan, at ng mga salita ng Diyos na nagbibigay-liwanag at nagtatanglaw sa iyo. Kapag hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, hindi nila nakikilatis kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, kung paano nito inililigaw ang mga tao at pinapalaban sila sa Diyos; sobrang mapanganib ang kahihinatnang ito. Habang nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos, kung hindi nila alam kung paano pagnilay-nilayan ang sarili, kilatisin ang mga negatibong bagay, o tukuyin ang mga pilosopiya ni Satanas, hinding-hindi sila makakawala sa panlilihis at pagtitiwali ni Satanas. Bakit hinihingi ng Diyos sa mga tao na magbasa ng marami pang salita Niya? Ito ay upang maunawaan ng mga tao ang katotohanan, makilala ang kanilang sarili, malinaw na makita kung ano ang nagsasanhi ng kanilang mga tiwaling kalagayan, at makita kung saan nagmumula ang kanilang mga ideya, pananaw, opinyon, at pamamaraan ng pag-asal at pakikipagharap sa mga usapin, na pawang nangangailangan ng paghahanap sa katotohanan. Kapag nalaman mo na ang mga pananaw na ito na iyong pinanghahawakan ay hindi alinsunod sa katotohanan, na sumasalungat ang mga ito sa lahat ng sinabi ng Diyos, at na hindi ang mga ito ang ninanais Niya, at kapag—sa mga panahon na may mga hinihingi sa iyo ang Diyos, at sumapit sa iyo ang Kanyang mga salita—hindi ka tinutulutan ng iyong kalagayan at mentalidad na magpasakop sa Diyos, ni maging mapagpasakop sa mga sitwasyong inihanda Niya, ni makapamuhay nang napalaya at malaya sa presensiya ng Diyos at makapagbigay-kasiyahan sa Kanya, nagpapatunay ito na mali ang pinanghahawakan mong mga bagay. Naharap na ba kayo sa ganitong uri ng sitwasyon dati: Namumuhay ka ayon sa mga bagay na sa tingin mo ay positibo, na sa tingin mo ay pinakakapaki-pakinabang sa iyo; ngunit sa hindi inaasahan, sa marami sa mga sitwasyon na nakakaharap mo, ang mga bagay na sa tingin mo ay pinakatama ay walang positibong epekto—sa kabaligtaran, nagiging sanhi ang mga ito na pagdudahan mo ang Diyos, iniiwan kang walang landas, nagdudulot sa iyo ng mga maling pagkaunawa sa Diyos, at nagdudulot ng paglaban sa Diyos—naranasan mo na ba ang gayong mga pagkakataon? (Oo.) Siyempre, tiyak na hindi mo panghahawakan ang mga bagay na sa tingin mo ay mali; patuloy ka lamang kumakapit at naninindigan sa mga bagay na sa tingin mo ay tama, palaging namumuhay sa gayong kalagayan. Sa huli ay darating ang araw na mauunawaan mo rin sa wakas ang katotohanan, at saka mo lang mapagtatanto na ang mga bagay na pinanghahawakan mo ay mga negatibong bagay, at na ganap na mali ang mga ito. Kung iniisip ng mga tao na mabuti ang isang bagay, hindi ibig sabihin nito na isa itong positibong bagay, lalong hindi ibig sabihin nito na naaayon ito sa katotohanan. Gaano kadalas ninyo napagtatanto at namamalayan na ang mga bagay na pinanghahawakan ninyo ay mali? Kung madalas na batid ninyo na mali ang mga ito, ngunit hindi kayo nagninilay-nilay, at mayroong paglaban sa puso ninyo, hindi matanggap ang katotohanan, hindi maharap nang tama ang mga bagay na ito, at nangangatwiran din kayo para sa inyong sarili—kung ang ganitong uri ng maling kalagayan ay hindi nabago, lubha itong mapanganib. Kung palagi ninyong panghahawakan ang gayong mga bagay sa ganitong paraan, napakadali ninyong magdudusa sa kasawian, matitisod at mabibigo, at dahil dito ay hindi ninyo magagawang pumasok sa katotohanang realidad. Kapag palaging nangangatwiran ang mga tao para sa kanilang sarili, ito ay paghihimagsik; ibig sabihin ay wala silang katwiran. Kahit na wala silang sabihing anumang bagay nang hayagan, pinanghahawakan nila ito sa kanilang puso, at hindi pa rin nalulutas ang ugat ng problema. Kailan mo nagagawang hindi makaramdam ng paglaban sa Diyos? Dapat mong baguhin itong maling kalagayan mo at lutasin ang mga ugat ng iyong problema sa aspektong ito. Dapat malinaw sa iyo kung nasaan mismo ang pagkakamali sa pananaw na pinanghahawakan mo; dapat mo itong hukayin, at hanapin ang katotohanan para lutasin ito. Saka ka lang makapamumuhay sa tamang kalagayan. Kapag namumuhay ka sa tamang kalagayan, hindi ka magkakaroon ng mga maling pagkaunawa sa Diyos, at hindi ka makararamdam ng paglaban sa Kanya, lalong hindi lilitaw sa iyo ang mga kuru-kuro. Sa panahong ito, ang paghihimagsik mo sa aspektong ito ay malulutas. Kapag nalutas na ito, at alam mo kung paano kumilos alinsunod sa mga layunin ng Diyos, hindi ba’t magiging kaayon ng Diyos ang mga kilos mo sa oras na ito? Kung ikaw ay kaayon ng Diyos sa usaping ito, hindi ba’t magiging alinsunod sa Kanyang mga layunin ang lahat ng gagawin mo? Hindi ba’t alinsunod sa katotohanan ang mga paraan ng pagkilos at pagsasagawang alinsunod sa mga layunin ng Diyos? Habang naninindigan ka sa usaping ito, namumuhay ka sa tamang kalagayan. Kapag namumuhay ka sa tamang kalagayan, ang ibinubunyag at isinasabuhay mo ay hindi na isang tiwaling disposisyon; nagagawa mo nang magsabuhay ng normal na pagkatao, madali na para sa iyo na isagawa ang katotohanan, at tunay ka nang mapagpasakop.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Paglutas Lamang sa mga Tiwaling Disposisyon ng Isang Tao ang Makapagdudulot ng Tunay na Pagbabago

Kaugnay na mga Patotoong Batay sa Karanasan

Alam Ko ang Paraan Para Malutas ang Tiwaling Disposisyon

Kaugnay na mga Himno

Kung Paano Tanggapin ang Katotohanan

Sinundan:  23. Paano manindigan sa patotoo sa panahon ng mga pagsubok

Sumunod:  25. Ano ang pagsasagawa ng katotohanan

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger